Ang Paglalayag | Tomo XXX Isyu 1 | Hunyo 2024 - Enero 2025

Page 1


Marites: Mare. Anong Latest?

ANG PAGLALAYAG

PULSO NG KABATAAN, PAHAYAGAN NG KATOTOHANAN

KAMI NAMAN SANA

Anthonians, dasal ang matalinong pagboto sa eleksyon 2025

Umaasa ako na maging mulat ang bawat Anthonian sa pagpili ng karapat-dapat na tao para sa posisyon. Gusto kong makakita ng isang lipunan na may mga nakahalal na kayang maisakatuparan ang tunay na pagbabago at paninindigan ang katagang ‘Bagong Pilipinas.’

ADRIEL CASIPE Pangulo, Student Government

Sundan sa pahina 2

Nicole Marquez

BALITA

pagboto sa eleksyon 2025...

Bumoto nang matalino, bumoto ng matalino.

Bagaman simoy ng pag-asa ang bumalot sa Anthonian community sa nalalapit na Midterm Elections 2025, hindi maisasantabi ang kanilang mga pangamba habang minimithi ang maayos na resulta nito.

Samantala, patuloy na nananawagan ang Anthonians na gampanan ng bawat isa ang responsibilidad na bumoto at ipalaganap ang kaalaman tungkol sa mga kasalukuyang kandidato.

Boto Bilang Kapangyarihan.

“‘Yung inaasahan ko sa darating na eleksyon ay ‘yung tamang pagboto na ng mga tao. Sa palagay ko, at sana, madala na tayo sa nangyari nakaraang national elections,” pagsasalaysay ni Samantha Pepito, isang mamamahayag pangkampus.

Bagaman umaasa si Pepito na magiging maayos ang sistema ng botohan sa darating na taon, nagaalala pa rin siya sa posibilidad na maaaring bumoto ang iilan batay lamang sa popularidad, sa halip na kakayahan at mga platapormang inilalatag ng mga tumatakbo.

Ayon naman kay Mary Cleah Martin, presidente ng 12-Velasquez, ang boto ng isang botante ay hindi lamang “isang boto,” kundi isa ring kapangyarihan na makapagsasaayos

ng kasalukuyang baliktad na sistema ng gobyerno.

“Kinakailangan na ang mga kabataan na eligible nang bumoto ay nakarehistro para sa paparating na eleksyon. Ang ating henerasyon na mas bukas sa pagkilatis, pagtatanong, at pagkritisismo ay magiging daan upang maimpluwensyahan ang resulta ng paparating na eleksyon,” pagbibigay diin ni Martin.

Perspektibo ng Anthonians.

Ayon sa isinagawang sarbey ng SEV/AP Publications, 9.2% lang sa mga Anthonian ang rehistradong botante na nagpapahiwatig ng pangangailangan para sa agarang pagpaparehistro ng mga kuwalipikadong kabataan.

Lumabas din sa parehong sarbey sa social media ang nangungunang pinagmumulan ng impormasyon ng kabataan hinggil sa mga tumatakbong opisyal, kaya ipinaaabot ang payo na maging mapanuri at manatiling maingat sa mga maling balita. Ang isyu ng korapsyon ang

BOTB, Sugarcane, Over

October inabangan sa SSA Night 2024

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-42 na taon ng School of St. Anthony (SSA), muling isinagawa ang pinakahihintay na SSA Night, na kilala ngayon bilang Hiraya: Tagisan ng Tinig at Musika, na pinangunahan ng Student Government (SG).

Nagtipon ang mga Anthonian upang masaksihan ang Battle of the Bands (BOTB) at matunghayan ang mga awitin mula sa dalawang sikat na banda, ang Over October at Sugarcane. Sinimulan ng Over October ang Hiraya sa pagtatanghal ng kanilang mga hits na “Ikot,” “Kaakit-akit,” at “Leonora,” pati na rin ang unang live performance ng kanilang bagong awit na “Lagi Na Lang.” Sa Junior Division, nakuha ng 9ilap ng ikasiyam na baitang ang titulo ng kampyeonato sa pamamagitan ng pagkanta ng “Hanggang Kailan,” “Bulong” at “Nosi Balasi” na nagbigaybuhay sa mga manonood.

Sinundan naman ito ng kahangahangang pagtatanghal ng Madahan ng ikawalong baitang, at Seven Soundwaves ng ikapitong baitang na siyang nagtamo ng una at ikalawang gantimpala.

PHOTO NEWS

itinuturing na pinakamahalagang pamantayan sa pagpili ng kandidato, ayon sa 60% ng mga sumagot, kasunod ang isyu ng edukasyon (55.8%), at mga isyu ng sektor ng agrikultura at pangekonomiyang pag-unlad (48.3%).

Ipinapakita rin ng sarbey na may malaking bilang ng mga Anthonian, 50.8%, ang hindi pa tiyak sa kanilang mga pipiliing kandidato, habang 32.5% naman ang hindi pa nakapagdedesisyon.

Kabataan, Pag-asa nga ba ng Bayan? Hindi nasusukat sa iba’t ibang perspektibo ang angat na pangangailangan sa aktibong pakikilahok at pagkakaroon ng sapat na kaalaman ng bawat Anthonian na magiging susi sa paghubog ng tamang desisyon sa araw ng botohan. Higit pa sa pangalan at popularidad, hinihikayat ang bawat Anthonian na manatiling mapanuri, responsable, at siguruhin na kinikilatis nang maigi ang mga plataporma at polisiyang ipinaglalaban ng bawat kumakandidato.

Samantala, naghandog naman ng isang pampasiglang bilang ang Club of Rock mula sa Senior High School. Itinalaga naman bilang kampyeon sa Senior Division ang Diyassa ng baitang 11 sa nakabibighani nilang interpretasyon ng mga kantang “Mabagal” at “Ewan.”

Habang patuloy ang mataas na enerhiya, nagsimula namang magtanghal ang Pamantula ng baitang 10 na siyang nakasungkit ng ikalawang puwesto. Upang mas lumigaya pa ang gabi, nakipagsabayan ang mga Anthonian sa pagpasok ng Sugarcane habang itinatanghal ang ilan sa kanilang tugtugin.

Sa huling pagtatanghal, pinahanga ng Silakbo ng Grade 12 ang mga manonood sa kanilang bersyon ng ilang OPM, at siyang nagkamit ng

Bilang ng mga taong nakakaalam ng mga tumatakbong kandidato para sa 2025 Midterm Elections

BILANG NG MGA REHISTRADONG BOTANTE SA SCHOOL OF ST. ANTHONY

Coro San Antonio, bumida sa 19th Coro Cantabile Et Al Chorale Festival

Matapos makamit ang kampeonato mula sa “Linggo ng Kabataan” Lagro Choral Competition na ginanap noong Agosto 31, 2024, muling nagpasiklab ang tinig ng Anthonians sa ginanap na ika-19 na pagdiriwang ng Coro Cantabile Et Al na may temang ‘KI-NA-I-YA’ o one’s inner being sa Metropolitan Theater Manila noong ika-19 ng Oktubre.

Taas-noong nakipagsabayan ang Coro San Antonio kasama ang 10 pang koro kabilang na ang UP Med Choir at RTU Himig Rizalia na nagbigay kulay sa entablado gamit ang kanilang ginintuang tinig at pasyon sa musika.

Inihayag naman ni Ralph Beltran, Kapitan ng Coro San Antonio, ang oras na kanilang ginugol upang paghandaan ang nasabing event.

“Itong event na ‘to yung pinakahinihintay namin kasi Mayo pa lang nag-reach out na sa’min ‘yung organizer (Coro Cantabile) na inaanyayahan nila kaming magtanghal sa MET,” aniya. Itinanghal ng koro ang tatlong musical piece na “Hallelujah” sa ayos ni James Swu para sa gospel song,

Jasmine Galendez

isang free song. Idinagdag pa ni Beltran na ‘stepping stone’ din umano ng grupo ang isinagawang kompetisyon sa Lagro Chorale lalo pa’t naging parte ito ng preparasyon para sa Coro Et Al Festival at paglahok sa iba’t ibang event.

Noong ika-23 ng Nobyembre ay muling naimbitahan ang Coro San Antonio upang maibahagi ang kanilang maluwalhating pag-awit para sa taunang selebrasyon ng Dakilang Kapistahan ng Paghahari ng Panginoong Hesukristo sa Sanlibutan sa Holy Cross Parish.

Anthonians, binigyang buhay ang Buwan ng

Wika 2024

Jamilla Fernando

Hindi naging hadlang ang sunod-sunod na pananalasa ng bagyo sa pagbibigay buhay at pagpapamalas ng husay ng mga Anthonian sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa School of St. Anthony na isinagawa sa pamamagitan ng mga patimpalak, palaro, at programa na idinaraos noong Agosto 30.

Sa taong ito, isinadiwa ang Buwan ng Wika sa temang

“Filipino: Wikang Mapagpalaya” na may layong paigtingin at pahalagahan ang tungkulin ng wikang Filipino sa pagbabago at bilang isang kasangkapan ng kalayaan.

Kaya naman, naging daan ang pagdiriwang upang maipamalas ng mga Anthonian ang galing nila hindi lamang sa papel kung hindi sa mga pisikal na gawain na siyang nagpapakita ng kahalagahan sa kultura at kayamanan ng Pilipinas.

Para sa Junior High School, nagkaroon ng iba’t ibang palarong pinoy tulad na lamang ng Patintero, Pilipit-dila, Sack Relay, Batuhang Bola, 10/20, at Pinoy Henyo, at nagkaroon din ng paligsahan na awitan ang bawat baitang.

Sa Senior High School naman, ang bawat baitang ay nagkaroon ng mga kinatawan na siyang lumahok sa mga aktibidad kagaya na lamang ng Tagisan ng Talino, Pinoy Henyo, Pagsulat ng Slogan, Pagguhit ng Poster, at Pagsulat ng Tula na sinamahan din ng awitan ng mga

seksyon.

Ang bawat isa ay nagkaroon ng partisipasyon ng kanilang suotin ang kanilang mga barong at filipiniana na talaga namang mas nagpasigla sa diwa ng Buwan ng Wika. Nagkaroon ang bawat departamento ng kanilang pampinid na palatuntunan na siyang kumilala sa mga nagsipagwagi sa bawat naging aktibidad para sa selebrasyon ngayong taon.

Bago ang mga naging kaganapan ay nagkaroon din ng isang lektyurforum na may temang, “Ang Pagbubuklod sa Pinagbubuklod: Dekonstruksyon sa mga Katutubo sa Pilipinas” sa pangunguna ni Bb. Paulyn Capariño na ginanap

Nicole Marquez
TAWAG NG TANGHALAN: Bandang Sugarcane habang nagbibigay aliw sa mga Anthonian sa ginanap na SSA Night 2024. | Kuha ni Darrel Tangonan
nitong Agosto 22 sa Bulwagang Claret.
MAKABAYAN: Ginunita ng Anthonian Community ang Buwan ng Wika ‘24. | Larawan mula kay Dave Dumaguin at Lucas Sta. Mina
Bantay ng Katotohanan: Purong katapatan ang ipinakita ni Izabelle Dimzon matapos siyang mahalal bilang Board Director ng National Capital Region sa National Secondary Editors’ Guild (NSEG) para sa taong 2024-2025, sa Carcar City, Cebu nitong July 10, 2024. | Larawan mula kay Izabelle Dimzon

PULSO NG

SEV/AP, humakot ng panalo sa APSA at D5SSPC 2024

Muling pinatunayan at pinanindigan ng Sapientia et Virtus/Ang Paglalayag ang kanilang titulo bilang mga kampeon sa larangan ng pamamahayag matapos mamayagpag sa magkasunod na kompetisyon na District V Secondary Schools Press Conference (D5SSPC) at APSA First Young Writers’ Competition na ginanap noong Oktubre 18 hanggang 20.

Bitbit ang mahigit na 70 mga kalahok mula sa iba’t ibang kategorya ang humakot ng mga parangal at kinilala bilang Top Performing School sa parehong midyum na English at Filipino sa nasabing kompetisyon.

Tila pinabilib ng mga delegado ng SEV/AP ang Holy Family School of Quezon City kung saan ginanap ang kauna-unahang APSA Young Writers’ Competition matapos nilang selyuhan ang bawat individual categories. Noong sumunod na araw naman ay nanatili ang kumpiyansa ng mga manunulat matapos sumabak sa individual categories ng D5SSPC na ginanap sa San Bartolome High School.

ANTHONY, LAGRO, DIBISYON NG QUEZON CITY, PAMBANSANG PUNONG REHIYON SICAP namahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo

48 SSA Alumni, nag-uwi ng Latin Honors

Panibagong karangalan na naman ang naibigay ng School of St. Anthony (SSA) Alumni Batch 2020 nang magkamit sila ng latin honors sa taong panuruang 2023-2024.

Gamit ang angking galing sa akademiko, kinilala ang apatnapu’t walong (48) SSA alumni bilang mga Summa Cum Laude, Magna Cum Laude, at Cum Laude honors.

Nagningning sila Daniel Carlito Abalos, Thea Lalaine Ong, Joshua Molavin, at Sophia Angela Gacutan matapos makuha ang pinakamataas na karangalang Summa Cum Laude. Sinundan naman ito nila Raymund Matthew Suacillo, Angela Lumaguip, Jericho Denzel Aruta, Jedd Leano, Romeo III Nungay, Juan Antonio

Paras, Matthew Gabriel Filamor, Khyle Villafuerte, Angelica Monares Zipagan, Lauren Macalinao, Luis Angelo Lopez, Lymoel Justin Lopez, Dominique Medina, Julia Angela Petilla, Christian Bernard Maluya, Joanna Nicole De Guzman, Neil Santiago, Maria Christina Reta, Ellaine Jan Rabenitas, Jamie Lopez Vernan, Ella Patricia Daniroc, Raymond Angelo Ribaya, at Althea Marie Leano na sinabitan naman ng medalyang Magna Cum Laude. Samantala, buong husay rin ang mga ginawaran ng Cum Laude honor na sina Adam Dumaguin, Rosanna

Nikka Dela Cruz

Mamaid, Justin Mendiola, Tyrone Tuazon, Nrico Ives Quijano, Randon Jay Castro, Ramon Chua Jr., Justin Marc Nillosam, Hazel Fay Espanola, Kathryn Amnell Espina, Alfonso Baluyut, Jazil Calapardo, Patricia Jhoy Narvaez, Allysa Maxine Paulino, Ria Resurrecion, Sophia Sarmiento, Katrina Julie Ann Silad, Anne Nicole Zalameda, Ynna Babaya, Azriel Pilarta, Drexelle Empeynado, at Kylle Zyrene Carual. Sa kabila man ng balakid ng COVID-19 pandemic sa Batch 2020, pinatunayan pa rin nila ang dugong Anthonian sa pagbibigay ng karangalan; hindi lamang sa sarili, ngunit para sa buong komunidad ng SSA.

Kinilala sina Alberta Jimenez, Katrina Juan, Klaudette Ogario, Kimberly Guillermo, at Yelena Sta. Mina bilang mga nagsipagwagi sa larangan ng Pagsulat ng Balita o News Writing.

Para naman sa Pagsulat ng Lathalain o Feature Writing, nag-uwi ng panalo sina Risen Natividad, Janah

Ricafrente, at Stephanie Salmorin. Dala ang kanilang bagsik. Nagpakitang-gilas din sina JD Tumbaga, Nikka dela Cruz, Gianna Geronimo, Althea Agustin, Jaeden Managuelod, at Beamie Magat matapos mag-uwi ng panalo para sa Pagsulat ng Editoryal o Editorial Writing.

Gayundin sa Pagsulat ng Kolum o Column Writing, nakaselyo ng panalo sina Jasmine Galendez, Uriel Andrada, Markus dela Cruz, Cleah Martin, Kristal Soriaga, at Dennis Egar.

Tagumpay rin ang dala ng mga sports writer na sina Jamilla Fernando, Genela Nicolas, Ezekiel Mercado, at Reign Rodriguez.

Hindi rin nagpatinag ang husay nina

Claire Makimkim, Izabelle Dimzon, at Kurt Fuentes matapos kilalaning mga nagsipagwagi sa Pagsulat ng Agham o Science Writing.

Gamit ang kanilang talento sa pagguhit, nagtala rin ng panalo sina Leah Ibarra, Kent Guimalan, at Denisse Camposano para sa Paglalarawang

Bagong Yugto ng Liderato: Matagumpay na isinagawa nitong ika-5 ng Agosto ang induction ceremony ng mga bagong Student Government officers ng School of St. Anthony. Sa pangunguna ni Adriel Casipe, nangako ang administrasyon na pangangalagaan ang kapakanan ng mga estudyante at maghahatid ng makabuluhang pagbabago sa paaralan. | Kuha ni Camille Nicolas

Tudling o Editorial Cartooning. Wasto at tama, ganyan mailalarawan ang panalong dala nina Leannah Cruz, Nicole Marquez, Charisse Baldonado, Angela Timbas, at Trisha Amorin para sa Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita o Copyreading and Headline Writing. Pitik na wagi, ganyan binigyang kahulugan ang mga kuha nina Lucas Sta. Mina, Darrel Tangonan, Izabelle Dimzon, at Camille Nicolas matapos makakamit ng panalo para sa Pagkuha ng Larawan o Photojournalism. Sa larangan ng pamamahayag, hindi rin nagpatalo sina Jamilla Fernando, Juliana Quichocho, Mhike Pamilar, Anica Salangsang, Gianna Geronimo, at Yelena Sta. Mina matapos maselyo ng panalo para Mobile Journalism. Hindi pa natatapos at talagang hindi nagpatinag ang SEV/AP sa group categories nang manguna sa D5SSPC sa sunod-sunod na pag-uwi ng mga panalo sa mga kategoryang TV Broadcasting, Radio Broadcasting, at Desktop Collaborative Publishing sa parehong English at Filipino midyum na idinaraos sa Our Lady of Fatima University. Para sa mga mamamahayag ng SEV/AP, simula pa lamang ito ng mas malaki at mas dapat paghandaan na mga schools press conference.

Natatanging guro at kawani ng SSA, kinilala

Binigyang-pugay ang mga piling guro at kawani ng School of St. Anthony (SSA) sa ginanap na Service Awarding Ceremony noong Oktubre 26, kasabay ng paggunita ng ika-42 Founding Anniversary nito.

Kabilang sa mga pinarangalan si Bb. Anicia Salangsang na 40 taon nang nag-aalay ng dugo at pawis sa paglilingkod sa paaralan.

Tumanggap din ng pagkilala sina Bb. Julie Obsuna, Dr. Ava Ann Semorlan, G. Nuelan Magbanua, Bb. Marivic Marcelino, at Bb. Nessa Vedarozaga na 30, 25, 20, 15, at 10 taon nang nagsisilbi sa institusyon, ayon sa pagkakasunod. Kasama rin sa pinarangalan ang mga nakalimang taon na sa pagseserbisyo, kabilang sina Bb. Sabrina Advincula, Bb. Annabelle Aquino, Bb. Sharmaine Baje, Bb. Jane Frances Baricaua, Bb. Jerelie Cuebellas, Bb. Julia Jaromamay, G. Jasper Macazo, at Bb. Christine Angeline Reyes. Samantala, muli namang binalikan ni Gng. Victoria Coralejo ang mga alaala ng dating Junior High School Filipino Coordinator na si Gng. Jocelyn Collado. Isinasagawa taon-taon ang naturang pagdiriwang bilang pagkilala sa dedikasyon sa paglilingkod ng mga kawani ng SSA.

Kasabay ng sunod-sunod na pananalanta ng bagyo sa bansa, patuloy na naghatid ng tulong ang Socio-Civic Action Program (SICAP) Foundation ng School of St. Anthony (SSA) para sa mga apektadong pamilya.

Pinangunahan ni Dr. Ava Ann Semorlan, tagapangasiwa ng SICAP Foundation, ang pagsasagawa ng naturang relief operations para sa mga nasalanta ng bagyo.

Nakalikom ang SICAP ng mga donasyon at relief goods tulad ng pagkain, tubig, damit, at iba pang pangangailangan na ipinadala sa Maligaya at Caritas Manila.

Unang namahagi ng tulong ang SICAP, kasama ang College of St. Anthony (CSA), sa mga nasalanta ng Bagyong Carina noong Agosto 24 sa

Maligaya. Sumunod naman na hinatiran ng relief goods ang mga hinagupit ng Bagyong Enteng noong Oktubre 9 sa Caritas Manila.

Kabilang din ang mga biktima ng Bagyong Kristine sa naabutan ng tulong ng SICAP Foundation noong Nobyembre 4.

Ayon naman kay Dr. Semorlan, patuloy lamang ang kanilang pagsasagawa ng Relief Operations bilang pagsasabuhay sa mga layunin at adbokasiya ng paaralan.

GABAY Program, naghatid ng kasiyahan sa mga batang mag-aaral

Naghatid muli ng tulong ang Socio-Civic Action Program (SICAP) Foundation sa pamamagitan ng kanilang GABAY Program na layong mapagtibay ang foundation skills sa pagbasa at pagsulat ng mga batang magaaral mula public schools.

Namahagi rin ang programa ng mga school supplies at snacks sa mga off-campus na mga benepisyaryo noong Setyembre 28 sa School of St. Anthony. Katuwang ng programa sa pagbabalot ng mga school supplies at pamamahagi, ang mga mag-aaral mula sa Anthonians For SocioCivic Education, Nationalism, and Democracy (ASCEND).

Dumayo naman ang mga piling Anthonian at Senior High School Teachers, para magbahagi ng kasiyahan at kaalaman sa isinagawang

GABAY Off-Campus outreach activity sa Ascension Parish.

Kasabay nito ang GABAY In-Campus Outreach Activity na pinangunahan ng mga Anthonian at mga guro mula Preschool, Grade School at Upper school.

Nagpapasalamat naman ang SICAP Foundation sa naging matagumpay na daloy ng programa dahil na rin sa Inaasahan naman ng administrasyon

SERBISYO’T DEBOSYON: Mga kawani ng SSA habang pinagkakalooban ng parangal para sa kanilang dekadang paglilingkod sa paaralan. | Kuha ni Marcus Aquino
DANGAL AT KARANGALAN: School of St. Anthony (SSA) Alumni na nagkamit ng karangalan sa kanilang pagtatapos ng kolehiyo. Larawan mula kay Daniel Abalos, Thea Ong, Sophia Gacutan, at Joshua Molavin
Jamilla Fernando
PUSONG MAKA-MASA: SICAP Foundation habang nagpapaabot tulong sa nangangailangan
| Larawan mula sa Socio-Civic Action Program (SICAP)
Katrina Juan
Kimberly Guillermo
Katrina Juan
PHOTO NEWS
MAKABAYAN: Si Jilliane Yabut habang nagbibigay tulong sa mga bata. | Kuha ni Lucas Sta. Mina

ANG PAGLALAYAG

TOMO XXX • ISYU 1 • S24 • HUNYO 2024 - ENERO 2025 OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SCHOOL OF ST. ANTHONY, LAGRO, DIBISYON NG QUEZON CITY, PAMBANSANG PUNONG REHIYON

PULSO NG KABATAAN, PAHAYAGAN NG KATOTOHANAN

42nd founding anniversary, ginunita ng SSA

Bitbit ang mga istoryang hango sa mga pelikula mula 2010 hanggang 2019, binalot ng makulay na enerhiya ang School of St. Anthony sa pagdiriwang ng ika-42 anibersaryo nito na may temang “Rhythm in Motion: A Celebration of Synergy, Symmetry, and Artistry” mula Nobyembre 7 hanggang 10.

Ang apat na araw na selebrasyon ay nagbigay-daan sa iba’t ibang aktibidad tulad ng booths mula sa Senior High School, at mga field demonstration na inihanda ng Junior High School.

Sa unang batch ng Upper School Field Demonstration, itinanghal na kampeon ang Grade 9 - Cardinal Santos, Ruiz, at Burgos matapos ang kanilang makulay na pagtatanghal na hango sa pelikulang Trolls.

Nagpakitang-gilas naman ang Grade 10 - Quirino at Magsaysay sa kanilang pagganap ng pelikulang Rio, na nagbigay sa kanila ng first runner-up,

SSA hakot medalya sa HKIMO, PIMSO, ASMO, TIMO, HKISO 2024

Patuloy na nagpakitang-gilas ang mga mag-aaral ng School of St. Anthony sa larangan ng Math, Science, at English sa HongKong International Mathematicsl Olympiad (HKIMO) noong ika-26 ng Mayo, Philippine International Math and Science Olympics (PIMSO) noong ika-22 ng Setyembre, Asian Science and Math Olympiad (ASMO) noong ika-13 ng Oktubre, Thailand International Mathematical Olympiad (TIMO) noong ika-27 ng Oktubre, Hong Kong International Science Olympiad (HKISO) Heat Round noong ika-7 ng Disyembre, at 6th Copernicus Olympiad nitong Enero ika-510, 2025.

HKIMO 2024

Nasungkit ni Victor Gabriel Tolentino ang bronze medal sa HKIMO 2024 noong Agosto 24, matapos siyang magtagumpay sa Heat Round noong Mayo 26 kasama si Ygreine Marie Casaclang.

Mula sa mahigit 2,000 kalahok mula sa 12 bansa, pitong Anthonian ang nagwagayway ng bandera ng SSA sa final round.

Sa taong ito, Pilipinas ang nanguna sa dami ng medalya sa HKIMO 2024, na may 29 gold, 26 silver, 29 bronze, at 33 merit awards.

PIMSO 2024

Nakuha ni Casaclang mula sa

Bagong Kabanata sa LakbayPangarap: Muling nabuhay ang bawat silid ng paaralan sa pagbubukas ng mga pinto sa School of St. Anthony nitong ika-5 ng Agosto, 2024, bilang tanda ng panibagong simula para sa taong panuruan 2024-2025.

| Kuha ni Lucas Sta. Mina

ika-10 baitang, ang gold sa Science at silver sa Math, kasunod nila Ron Naguit at Miel Mallari mula sa ika-11 baitang na pinangalanang achiever at merit awardee sa Science.

Nakamit naman nina Izabelle

Dimzon at Claire Makimkim mula sa ika-12 baitang, ang silver sa Science, kasama si Markus Dela Cruz na pinangaralan bilang achiever sa Math.

ASMO 2024

Sinimulan nina Deanielle Acosta, Myeshia Calmerin, Mirko De Leon, Chiara Isles, Daniel Paronda, Louise Perez, Stephanie Sison, Guia Cruz, Aria Papa, at Jann Errol De Vera mula sa Junior High School Department ang

pagseselyo ng bronze at merit award sa English.

Sinundan muli ito ni Casaclang na gold medalist sa Science, silver medalist sa Math, at bronze medalist din sa english, kasama si Martine Cundangan na nakamit ang gold sa English at silver sa Science.

Sina Meghan Macasiano at Elmer Mella naman ang mga gold medalists sa English, habang inuwi nina Gillian Aceron, Erin Archangel, at Brandon Urayenza ang silver medals.

Si Zach Nathan Cruz naman ang nanalo ng silver sa Science at English, kasama ang Science silver medalist na si JP Tumbaga.

Para naman sa Senior High School Department, nahakot ni Dela Cruz ang silver para sa English, Math, at Science, habang nakamit ni Iwen Manaba ang silver sa Science at English at bronze naman sa Math, at nakuha naman ni Makimkim ang silver sa Math at Science, at nag-uwi naman ng silver si Jose David Tumbaga Math at bronze sa English.

kaakibat ng mga special awards na Best in Attendance at Cleanest Level. Naging tampok din sa entablado ang Grade 8 - Dagohoy at Malvar sa kanilang presentasyon na hango naman sa High School Musical, na nagbigay sa kanila ng parangal bilang second runner-up. Hindi rin nagpahuli ang Grade 7 - Baltazar at Bonifacio sa kanilang interpretasyon ng Shrek, na nagdala sa kanila ng Most Disciplined award at third runner-up na puwesto.

Sa ikalawang batch ng presentasyon, itinanghal na kampyeon ang namamayagpag na Grade 10 - Macapagal, Laurel, at Quezon sa kanilang kahanga-hangang

Dumagdag sa listahan si Dimzon na nag-uwi ng silver sa Science, sina Uriel Andrada, Emmanuel Caindec, Mallari, and Megumi Pagadora na nanalo ng bronze, at ang merit awardee na si Peter Fernan.

Sa Mathematics, nakuha ni Joven Uy ang silver medal, sina Ranzen Amar, Lawrenze Gerente, Richmon Lim at Chaze Bautista sa bronze, at sina Dashelle Empeynado at Alyana Erolin ang pinangalanan bilang merit awardees.

Nagtagumpay naman si Johan Rosario sa pagkamit ng gold medal sa English, kasunod nina silver medalists Raphael Castillo at Anica Salangsang, at bronze medalists na sina Kiera Velasco, Layla Garcia, at Kyan Ganuelas.

TIMO 2024

Sina Insly Dela Luna at Zoe Telan ang nakakuha ng bronze medals, habang sina Casaclang at Summer Magsalin ay sumungkit ng silver medals sa TIMO Heat Round.

HKISO 2024 Sinungkit nina Stephanie Sison, Summer Magsalin, Raya Banzon, Martine Cundangan, at Mirko De

pagtatanghal ng mga awitin mula sa Mamma Mia. Samantala, napahanga ng Grade 9 - Gomez at Mother Ignacia ang mga manonood sa kanilang pagganap ng mga awitin mula sa The Greatest Showman, dahilan upang makamit ang first runner-up. Nakamit naman ng Grade 8Jacinto at Nakar ang second runnerup matapos nilang ipamalas ang kanilang talento gamit ang Alvin and the Chipmunks, kasama ang Most Disciplined award.

Sa huli, nagbigay-aliw ang Grade 7 - Rizal at Mabini sa kanilang rendisyon ng Madagascar, na nagdala sa kanila ng third runner-up na karangalan.

Leon ang gold award sa nasabing patimpalak, na sinundan ng silver awardees na sila Casaclang, Macasiano, at Zoe Telan. Si Elmer Mella naman ay nakakuha ng bronze award sa heat round kasama si Raphael Ongaria na umuwing merit awardee.

COPERNICUS 2025

Determinadong puso at pananalig sa Diyos—‘yan ang naging paninindigan ni Iwen King Manaba, grade 11 student ng School of St. Anthony matapos makamit ang 2nd Overall Absolute Winner Global - Category 5 sa ilalim ng Natural Sciences sa 6th Copernicus Olympiad.

“I happily and humbly dedicate my international recognition to my parents, Dad Kim and Mom Gwen, my Grandma Mia, and our Family with Ninong Sam & Tita Diane. Most importantly, I would like to take this opportunity to give the glory back to God,” ayon kay Manaba. Ginanap ang nasabing patimpalak noong (ika-5) Enero 5 - 10, 2025 sa Houston TX, USA na dinaluhan ng mga iba’t ibang kalahok mula sa iba pang mga bansa.

SONA 2024, tinutukan ng Anthonians

“Mga minamahal kong kababayan, lagi po nating labanan ang mali at ang masama. Lagi po natin ipaglaban ang tama at ang mabuti.”

Ito ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos Jr. sa kaniyang Ikatlong State of the Nation

Address o SONA 2024 na idinaos sa Batasang Pambansa noong Hulyo 22 na nagdulot ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga estudyante ng School of St. Anthony (SSA).

Ipinagmalaki ng pangulo ang mga proyektong ipinatupad at ang mga positibong epekto nito sa ekonomiya, kalusugan, at imprastraktura bilang bahagi ng mga tagumpay mula sa nakaraang taon.

Kasunod nito, binigyan-diin niya ang mga isyu sa agrikultura, tulad ng presyo ng bigas, importasyon, irigasyon at tulong para sa mga magsasaka, bilang pangunahing sektor na mahalaga sa ekonomiya ng bansa.

Dagdag pa rito, tinalakay rin ang isyu ng climate change, pagpapabuti ng internet, transportasyon, at imprastruktura.

Inisa-isa rin ni Marcos ang mga hakbang sa kalusugan, tulad ng murang gamot, PhilHealth benefits, at pagsasaayos ng UP-PGH – ang pagtaas ng benepisyo sa paggamot ng breast cancer mula P100,000 hanggang P1.4 milyon.

Nakatanggap din ang pangulo ng masigabong palakpakan matapos niyang sabihin ang mga katagang “Ang West Philippine Sea ay hindi kathang-isip natin lamang. Ito ay atin.”

Ayon kay Margarita Gundran, magaaral ng Baitang 12, “Ang tanong ay

kung sapat ba ang mga hakbang na ito upang maging bahagi ng isipan ng bawat Pilipino ang ating mga karapatan sa dagat. Ang mga batas sa maritime zones at archipelagic sea lanes ay hindi dapat manatili sa papel, kundi magbunga ng kongkretong aksyon para sa ating pambansang seguridad.”

Bukod pa rito, umani ng standing ovation ang pahayag ni Marcos na ipinagbabawal na ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) dahil sa kasamaan na dinala ng POGO sa bansa.

Gayunpaman, maaapektuhan ang 25,000 Pilipino kung mawawala ang mga POGO, kaya inatasan ni Marcos ang Department of Labor and Employment (DOLE) na tulungan ang mga apektadong manggagawa.

Para kay Tommy Alminiana, isang Anthonian mula sa Junior High School, isa itong bare minimum na nangangailangan ng agarang aksyon dahil malaki ang epekto nito sa pambansang seguridad at karapatang pantao. Hindi naman dumalo sina bise

presidente Sara Duterte, mga senador Bong Go at Bato dela Rosa – mga kilalang kaalyado ni dating pangulong Duterte, na tila nagpapakita ng pagkabasag ng “unity” na ipinagmalaki ng kasalukuyang pamahalaan.

“Hindi sana mapako ang mga pangako.”

Iyan ang binitiwang salita ni Stephanie Allyson Salmorin, isang mamamahayag, at ipinuntong bagama’t isang tagumpay para sa bayan ang pagkitil sa POGO, may iba pa raw na suliranin ang hindi nabanggit ni Marcos; tulad ng SOGIE Bill, Divorce Bill, at iba pang usapin ukol sa foreign relations at pambansang seguridad.

NINGNING AT GALING: Mga talentadong Anthonian habang nagpapakitang gilas ng kanilang angking galing sa ginanap na 42nd Founding Anniversary. | Larawan mula kay Ranzen Amar
Juliana Quichocho, Dennis Egar, at Mhike Pamilar
Beamie Magat

0PINYON

KUWENTONG EPAL

Lipos na naman ng dilang bulaan ang senado—mga berdugong nagkalat ang mukha sa kahabaan ng Commonwealth at Roxas Boulevard lalo pa’t nalalapit na naman ang Midterm Election. Hindi na bago sa atin ang eksenang ito, tila senteneraryong balangkas na ng Pilipinas sa nagdaang taon. Hudyat kung bakit nararapat na muling maitaas ang “Anti-Epal Bill” o “Act Prohibiting Public Officers from Claiming Credit through Signage Announcing a Public Works Project,” na unang inilatag ng namayapang si Senator Miriam Defensor-Santiago noong 2010.

Sa mahigit 15 taon nitong pagkabinbin sa kongreso, palaisipan pa rin sa masa kung nasa’n na nga ba ang inilalabang bill na ‘to noon. Nakapaloob sa panukalang batas na ito ang mahigpit na pagbawal sa mga politiko na iburda ang kanilang pagkakakilanlan sa mga proyekto ng gobyernong pinondohan ng bayan. Perpektong moda para sa mga politikong mapapel ang pag-angkin sa kredito ng mga proyektong hindi naman galing sa kanilang sariling bulsa. Hep hep, bawal epal dito! Ayon kay Jovy Peregrino, isang lingguwista mula sa Unibersidad ng Pilipinas, ang salitang ‘epal’ ay nanggaling sa salitang ‘papel’, na nangangahulugang ‘role’. Kung ilalapat natin ito sa kaisipan ng mga politiko—mas mahalagang ibalandra

ang kanilang mga mukha’t ngalan, kaysa ang tunay na layunin ng isang programa. Naranasan mo na bang maabutan ang bagong tayong gusali sa inyong paaralan? Na kundi puno ng logo ay nakapangalan sa mga opisyales ng lungsod; o ‘di kaya nama’y mga relief goods noong pandemya, na puno ng mga mukha at motivational words ng mga namumunong animo’y galing ito sa sariling kaha—simpleng anyo ng ‘political branding’ na matagal nang namamayagpag sa bansa. Epal at garapal. Ano pa nga ba ang mga salitang maaaring magbigay depinisyon sa mga trapong politiko na ramdam mo lang ang presensya tuwing eleksyon? Habang agrabyado ang taumbayan, nananatiling kumpasado ng bawat kandidato ang pagkamal sa boto ng bayan. Kung tayo’y magbabalik-tanaw sa kung paano lubog-litaw ang progreso ng nasabing bill, masasabing ilang beses nang sinayang ng kongreso ang potensyal nitong maisaayos ang bulok na sistema ng lehislatura sa bansa.

Kung susuriin, kinakailangan ng ating bansa ang mga panukalang gaya nito. Lalo pa’t patuloy pa ring ginagatasan ng mga trapong politiko ang kaban ng bayan—panibagong pagpapaikot ng istoryang sila ang nagmimistulang bayani.

Minsan nang muling naitaas ang presensya nito sa House of Representatives noong taong

2014 at 2021. Ito ay matapos na ihain ang repasong bersyon nito at tinawag ding House Bill 4929 sa kapulungan. Sa kasamaang palad, umabot lamang ito sa first reading noong 2021 at ipinasa lamang sa House Committee on Public Works and Highways. Hindi naman impossibleng maimplementa ito sa ating bansa, lalo pa’t sa parehas na taon ay naipasok ang Anti-Epal Provision sa national budget ng Pilipinas na pinangunahan naman ni Secretary Grace Poe. Ito ay nakapailalim sa General Appropriations Act (GAA); at naglalayong maipatupad ang alituntunin ng orihinal na bill. Ilipat naman natin ang punto de vista sa lungsod ng Pasig, kung saan inilunsad ni Mayor Vico Sotto ang unang Anti-Epal Ordinance sa bansa noong 2022—yapak na sinusundan naman sa ngayon ng Baguio City. Noong Enero lamang umugong sa balita ang pagrolyo ng parehong ordinansa sa nasabing lungsod; na sinuportahan naman ng Commission on Elections(COMELEC) ng Baguio at maging si Baguio City Election Officer John Paul Martin. Naniniwala ang mga sektor na ito na ang mensahe ng bayan ay dapat na maisumite hindi sa mga politiko, kundi sa gobyerno mismo.

Ang mga ‘epal’ na aktibidades na mula sa mga paepal na kanditato ay nararapat lamang na

mawalan ng puwang sa siste ng pangangampanya. Tandaan mong magkakambal ang patriyotismo sa mga politiko at korapsyon— mga sangkap na litaw na litaw sa malubaring estado ng bansa. Kung posible sa Pasig at Baguio, bakit hindi sa buong bansa mismo? Hindi ito dapat na huminto bilang isang internal na patakaran; kundi isang pundasyon upang unti-unting malinis ang duming iniiwan ng mga nagkalat na posters at tarpaulin sa lansangan.

Sa nalalapit na midterm election, nararapat lamang na maituwid ang sistemang padrino ng bansa, sistemang binabakuran ng nagdaang liderato at rehimen. Mangyayari lamang ito kung mapuputol ang kanilang koneksyon mula sa mga ideolohiyang binuo ng kanilang mabulaklak na mga salitang walang laman—mga buhangin na sa hangin lamang mamamataan.

Sa mga susunod na lider ng bansa, ‘wag kang sapaw. Hindi rekisito ang pagmumukha mo sa mga banderitas sa kanto. Panawagan ang mga nailatag nang Anti-Epal Ordinance upang bigyang pagkakataon ng komite ang matagal nang isinisigaw ni Santiago, ang pagbabalik ng meritokrasya at gabineteng pinili ng mayorya at hindi pera.

Yelena Sta. Mina

Punong Patnugot

Jamilla Fernando Head of Filipino Publishing and Communications Department

Marcus Aquino Head of Editing and Design Department

Jamilla Fernando

Nicole Marquez

Marcus Aquino

Jasmine Galendez

Stephanie Salmorin

Kaith Iguban

Juliana Quichocho

Claire Makimkim

Markus Dela Cruz

Darrel Tangonan

Beamie Magat

Mhike Pamilar

Lorenzo Tangco

Nikka Dela Cruz

Venice Salangsang

Iwen King Manaba

Angelina Garcia Chief Editorial Officers

Althea Agustin

Dave Dumaguin

Ikalawang Patnugot

Tommy Alminiana Tagapamahalang Patnugot

Dibuho ni Leah Ibarra
Izabelle Dimzon Head Chief Editorial Officer

ANG PAGLALAYAG

TOMO XXX • ISYU 1 • S24 • HUNYO 2024 - ENERO 2025 OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SCHOOL OF ST. ANTHONY, LAGRO, DIBISYON NG QUEZON CITY, PAMBANSANG PUNONG REHIYON

PULSO NG KABATAAN, PAHAYAGAN NG KATOTOHANAN

SENTIDO KUMON

LADLAD

Sa usaping tungkol sa Cross Dressing

Dennis Egar

Puno ng sayawan, katuwaan, at magagarang kasuotan. Isa ang promenade sa tampok na inaantabayanan sa buhay ng isang high school student. Sa School of St. Anthony, tuluyan nang sinimulan ang paghahanda sa gaganaping Senior High School promenade sa darating na Marso—na siyang ikinatuwa naman ng mga mag-aaral. Inilatag din ang serye ng mga seminar upang magsilbing gabay at sumagot sa mga katanungan ng mga Anthonians; tipikal na mga paalala.

Mahaba man ang naging diskusyon, isang kasagutan ang pumako sa isipan ng bawat estudyante. Ito ay ang pag-apruba ng crossdressing sa mga kababaihan—sa madaling sabi, maaari silang mag-suit o ‘di kaya’y pormal na kasuotang panlalaki. Matapos mairaos ng paaralan ang dagok ng nagdaang pandemya, ito pa lamang ang ikalawang SHS prom na isasagawa nang muling manumbalik ang new normal. Ngunit sa kaunaunang pagkakataon, ngayon lamang nairolyo ang panukalang ito sa katolikong institusyon.

Magandang implikasyon ito ng progresibong pagtanggap at pagdinig sa hinaing ng bawat mag-aaral. Repleksyon din ito ng pagpapahayag sa kanilang mga sarili—kung saan

papasok din ang konsepto ng gender expression at sexuality. Hindi lamang ito ‘damit’ o kaartehan lamang, oportunidad ito upang maging komportable ang mga mag-aaral sa kanilang mga sarili, lalo na sa pinakahinihintay na event. Napakaraming tanyag na unibersidad sa bansa ang matagal nang inilatag ang sistemang ito, tulad na lamang ng University of the Philippines (UP) at De La Salle University (DLSU) na kilala bilang kaanib ng pagsulong sa karapatan at pakikibaka ng LGBTQ+ community. Hindi pa man nabigyang pagkakataon ang kalalakihan sa ating paaralan, mamamataan pa rin ang pagbabago at kalinangan sa ladlad na pagkakakilanlan.

ANTHONIAN KAMI. SIYEMPRE...

Sa selebrasyon ng 42 Founding Anniversary ng School of St. Anthony, narito ang ilan sa mga ala-alang kumintal sa puso ng bawat Anthonians.

Taon-taon namin inaabangan ang SHS Club fair.

Lagi kaming OA sa mga school projects namin.

Paborito namin tambayan ang library tuwing recess at lunch break.

Lagi namin tinatuck in yung polo kapag na sa loob ng school.

Kada taon namin inaabangan kung sino ang mga bandang tutugtog sa SSA night. Lagi kaming in-game sa larong ganda-

gandahan tuwing Buwan ng Wika.

Paborito namin na line ang “Hail to you, O Saint Anthony” sa SSA Hymn.

Madalas mawalan ng pwesto na uupuan sa canteen tuwing lunch.

Nagiging atleta kami sa pabilisan tumakbo kapag 7:19 na.

Iniintay namin na ma-post kami sa SEV/AP Facebook page.

Sa kabila ng lahat na magagandang memorya, hindi sana malimutan ng bawat puso natin na bilang Anthonian, responsibilidad din natin na panatilihing bukas ang puso at isipan na s’yang pangunahing kasangkapan na bubuo sa pagkatao ng bawat Anthonian.

TAON KUNG KAILAN

2O,000

PERSPEKTIBO

SULONG

Sa usaping tungkol sa Jeepney Modernization Justin Lopez

Paano maaasam ang pagbabago kung takot sumubok ng bago?

Panahon na upang unti-unti nating yakapin ang siglo ng inobasyon dahil nakalulungkot mang isipin, ngunit tayo ay nahuhuli na sa mabilis na pagunlad ng teknolohiya partikular na sa ating transportasyon. Kaya naman, isa sa mga panimulang hakbang patungo sa makabago at mabilis na sistema ay ang pagpapatuloy ng Jeepney Modernization Program na inilunsad ng ating gobyerno sa pangunguna ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na unang inimungkahi noong 2017.

Batay sa Clean Air Asia at Blacksmith Institute, ang pampublikong sasakyan na ito ay nag-aambag ng 15% ng kabuuang particulate matter emissions sa Metro Manila dahil sila ay gumagamit ng four-cylinder diesel engine na nagbubuga ng mas madaming usok. Kumpara rito, ang mga modern jeepney ay gumagamit ng Euro 5 engines na mas mainam sapagkat mababa ang ibinubuga nitong usok na makatutulong upang mabawasan ang nalalanghap na usok ng mga tao. Bukod pa rito, mas mabibigyang pansin ang seguridad ng lahat dahil sa karagdagang safety features nito katulad ng Global Positioning System o GPS at Closed-circuit television o CCTV. Mas sinigurado pa ito ng LTFRB dahil magkakaroon ng buwanang konsulta ng mga sasakyan ang bawat isa upang tingnan kung may kailangan bang ayusin. Ito ay magpapagaan

ng loob ng mga pasahero bunga ng dumadami ang mga aksidente sa mga pampasaherong dyip. Kung ang pamahalaan ay hindi gagawa ng anumang aksyon at ipagpaliban ang pagpapatupad ng nasabing programa, mataas ang tiyansa na maulit ang mga gantong insidente. Bagaman ang panimulang kapital upang makapagpatakbo ang ating ng tsuper ng mga modernong dyip ay may kamahalan, tinupad ng gobyerno ang kanilang pangako na magbibigay sila ng tulong pinansyal upang mairaos ang kanilang pagpapaconsolidate, ikaw man ay nasa isang transportation group o hindi. Nagbigay rin ng mga benepisyo ang LTFRB para sa mga consolidated, tulad na lamang ng Fuel Subsidy na makatutulong sa mga tsuper dahil muling tumaas ang presyo ng petrolyo kada litro. Mula sa

naunang deadline noong April 30, 2024, mahigit 83% na ang consolidated at magpapatuloy pa ito hanggang ngayong taon at inaasahang tataas ito hanggang 93%. Huwag nating kalimutan na hindi lamang ang disenyo ng mga tradisyonal na dyip ang dahilan kung bakit ito sumisimbolo sa ating bansa, ngunit dapat din nating tandaan kung para saan nga ba ito, upang magkaroon ng accessible na transportasyon at abot-kaya para sa karamihan. Ang pagyakap sa modernong sistema ay hindi nangangahulugang ating kakalimutan ang sariling atin, sadyang

PUNTO DE VISTA

ADMINISTRASYONG BERDUGO

Sa usaping tungkol sa Duterte sa ICC Jasmine Galendez

Nagising ang dugo ng mga loyalistang

DDS o “Diehard Duterte Supporters” nang ibalita ang pagdakip sa dating pangulong Rodrigo Roa Duterte noong ika-11 ng Marso. Ito ay matapos ang paghain ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) ukol sa mainit pa ring imbestigasyon sa maanumalyang War on Drugs.

Matatandaan noong 2019, ang nasabing presidente mismo ang pumutol sa ugnayan ng ating bansa sa ICC, matapos umatras ang buntot nitong harapin ang preliminary examination at imbestigasyon sa madugong kampanya laban sa droga—na pumalo sa 6,248 ang naging biktima mula Hulyo 2016 hanggang Pebrero 2022 ayon sa opisyal na datos ng gobyerno. Ngunit, wala pa ito sa kalingkingan ng mga tunay na nagdusa’t ninakawan ng laya na mabuhay. Lalo pa’t tumataliwas ang numerong ito sa mga ulat ng human rights organizations, tulad na lamang sa datos ng Human Rights Watch na maaaring umabot sa 27,000 ang mga napatay sa ilalim ng kampanyang ito.

Dito na pumapasok ang kahalagahan ng due process na ngayon lamang kinilala ng mga Pilipinong taliwas sa pagkakadakip sa

KO NA!

GATILYO

Sa usaping tungkol sa Extrajudicial Killings Jamilla Fernando

Hagulhol ng libo-libong biktima ng madugong giyera kontra droga, ito ang naging resulta ng balikong sistemang itinarak ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Pilipinas. Mula pa nang siya’y maupo bilang alkalde ng Davao City, unti-unting naglitawan ang pang-aabuso niya sa karapatang pantao ng mga mamamayan. Ngayong kinakaharap ni Duterte ang kabilaang imbestigasyon ukol sa War on Drugs, implikasyon din itong maituturing na matagal nang namamayagpag ang pagmamanipula niya sa hudikatura ng bansa.

Matatandaang noong taong 2016 unang umugong ang kampanya ni Duterte laban sa ilegal na droga. Ito rin ang platapormang ibinibida niya sa masa. Bigyan lamang daw siya ng anim na buwan ay mauubos na ang mga drug addict, subalit natapos na lamang ang kaniyang termino ay gano’n pa rin naman ang lagay ng bansa—nadamay pa ang mga wala namang sala. Itinala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at

Philippine National Police (PNP) ang halos anim na libong namatay sa ilalim ng kampanyang ito, subalit inilatag ng ilang organisasyon noong pagdinig sa kamara na nasa 20,000 ang bilang ng napatay sa buong bansa. Hindi katanggap-tanggap ang karumal-dumal na pagpatay sa mga inosenteng nadamay sa ambisyosong plano ni Duterte, kung kaya’t hinimok ni Senate President Chiz Escudero ang mga pamilya ng mga biktima na

kanilang Tatay Digong. Argumento pa nga ng ilan na tiyak na mas ligtas ang bawat eskinita sa Tondo nang siya pa ang nakaupong pangulo, idagdag pa na siya lamang umano ang lider na naging kaagapay ng kanilang kagustuhang sugpuin ang mga drug addicts at pusher sa kanilang lungsod. Subalit may naiwan ata silang detalye, paano naman ang mga drug lord na kasama lang din sa tahanan ng kanilang sinasantong politiko?

Kung susuriin, walang dahas at anomang uri ng paglabag ang isinagawa ng ICC. Naging mabilis man ang pagaresto kay Duterte, wala namang baril na nakatarak sa kaniyang noo at hindi niya rin kinakailangang magmakaawang buhayin pa siya ng mga kapulisang ginawang laro ang pumatay. Noong Marso 14, hinarap niya ang initial hearing upang itala ang kaniyang karapatan bilang nasisiil at mga kasong

sampahan ng kaso ang dating pangulo matapos nitong humarap sa senado noong Oktubre. Pero ano pa nga bang aasahan mo sa matandang puro pagmamatapang lang ang binuong reputasyon sa gobyerno? Kung mariin nating sisipatin ang paraan ng pagsagot at akto niya sa mga pagdinig, ito’y urong-sulong at walang respeto. Nang humarap sa Senate Blue Ribbon Committee si Duterte noong Oktubre 28, una niyang itinanggi na ang kaniyang administrasyon ang nasa likod ng extrajudicial killings (EJKs) sa binuo niyang programa. “It was not a state sponsored killing,” ani pa nga ni Duterte. Kalauna’y isiniwalat din niya ang pagmamaniobra sa Davao Death Squad noong siya pa ang alkalde sa lungsod. Dito pa lamang ay makikita na ang butas ng kanyang pamumuno. Walang awa at puno ng karahasan. Marahil ay lohika ng pangulo na pagpatay ang siyang kokontrol sa bilang ng krimen sa bansa. Panawagan ito hindi lamang sa gobyerno, kundi sa iba’t ibang sektor mismo ng bansa. ‘Wag na nating

isinampa sa kanya. Ang pagsasakdal ay gaganapin naman sa Setyembre 23. Sistematiko at maayos, pagdinig na hindi kailanman naibigay sa mga naging biktima ng baluktot niyang plano. Ngayong nasa kustodiya pa rin siya ng ICC sa Hague, Netherlands— dalawang sigaw ng hustisya ang nagagawi sa lente ng midya: hustisya mula sa mga kapamilya ng mga biktima at hustisya mula sa mga taga-suporta ng nadidiing politiko, na hanggang ngayon ay ipinipilit pa ring kidnapping umano ang nangyari. Kung tutuusin pa nga’y sampal ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa sa bulok na hudikaturang umiiral sa sistema. Kakatwang internasyonal na organisasyon pa ang makapagbibigay sa matagal nang isinisigaw ng madla— ang pagtatapos ng administrasyong berdugo.

PULSO NG MASA

Sang-ayon ka ba sa ginawang pagaresto ng International Criminal Court (ICC) kay FPRRD?

hayaang maulit pa ang kahapon. Maitutuwid nating muli ang inaanay nang hudikatura ng bansa, kung ang haligi nito’y maaasahang lider at may simpatya sa bayang kaniyang pinagsisilbihan. Malaking kaagapay ang International Criminal Court upang tuluyang masala ang mga ibinaong katotohanan, kung kaya’t nararapat lamang na maibalik na ang ugnayan ng bansa sa organisasyong ito. Nawa’y hindi na pagtangis ang dala ng isa pang pagkalabit ng gatilyo, kundi hudyat ng hustisya at pagpataw ng karampatang parusa sa tunay na may sala.

Marahil ay lohika ng pangulo na pagpatay ang siyang kokontrol sa bilang ng krimen sa bansa.

SINABI

PAGLALAYAG TOMO XXX • ISYU 1 • S24 • HUNYO 2024 - ENERO 2025 OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SCHOOL OF ST. ANTHONY, LAGRO, DIBISYON NG QUEZON CITY, PAMBANSANG PUNONG REHIYON

PUNTO POR PUNTO

URONG

Sa usaping tungkol sa Jeepney Phaseout

Ashley Superal

Anong kuwentong dyipni mo? Ako? Naranasan ko nang maghabol ng dyip, mauntog pagsakay, magpasa ng pamasahe mula sa likod hanggang makarating sa drayber, at minsang malampasan ang aking destinasyon. Marahil ay marami sa atin ang may sariling kuwento sa dyip, ang tinaguriang “Hari ng Kalsada,” na kasama na ng mga Pilipino mula pa noong dekada kuwarenta. Ang makukulay nitong disenyo, malikhaing dekorasyon, pati na ang nakatutuwang tono ng busina ay sumasalamin sa ating pagkamalikhain, kasaysayan, at pagiging maparaan. Hindi masama ang pagbabago, ngunit kung ito’y kapalit ng paglimot sa bahagi ng ating kasaysayan at kultura, kailangan natin itong pag-isipan pa nang mabuti.

Ayon sa ilang dokumentaryo, pumapatak lamang sa dalawang libo hanggang apat na libong piso ang karaniwang kinikita ng mga tsuper sa araw-araw na pamamasada. Ang kinikita nilang ito ay pinagkakasya na nila sa pang araw-araw na mga gastusin tulad ng pagkain, mga bayarin, renta ng bahay, at pagpapaaral sa mga anak. Samantala, ang modernisasyon ay nangangailangan ng puhunan na nagkakahalaga ng humigitkumulang 1.2 milyon hanggang 2.6 milyon piso. Saan nila kukunin ang panggastos dito? Wala man lang alternatibong solusyon o programang nailatag ang gobyerno na makatutulong sa kanila. Paano sila inaasahang makasasabay sa

Marahil nakalilito at nakapupukaw ang laro, huwag kalimutan ang pagikot ng makatotohanang roleta ng batas ay hindi pa tapos kay Guo

inaasam na pagbabago kung sa paraang ito tinatanggal ang kanilang pagkakataong umahon sa laylayan? Kahit saang anggulo tingnan, malinaw na kawawa ang mga pamilyang maapektuhan. Hindi ko itatanggi ang potensyal ng proyektong ito, at hangad ko rin ang positibong pagbabago para sa ikauunlad ng ating bansa. Ngunit ang mapait na katotohanan ay ang mga drayber, na matagal nang itinuturing na “Hari ng Kalsada,” ay tila ba nagiging biktima ng isang pagbabagong hindi para sa ikauunlad nila.

Sa halip na ipagpatuloy ang modernisasyon ng mga tradisyunal na dyip, mas mainam ang paghahanap ng alternatibong solusyon tulad ng pagpapalit ng makina at kagamitan ng dyip upang maging eco-friendly, nang hindi magdudulot ng mataas na gastusin. Sa ganitong paraan, mapapanatili ang ating kultura at matutulungan ang mga drayber na makasabay sa mga pagbabago nang hindi nawawala ang kanilang kabuhayan.

Hinihikayat ko ang gobyerno na muling pag-isipan ang implementasyon ng modernisasyon at pakinggan ang hinaing ng mga tsuper at operator na pinakaapektado ng programang ito. Hindi makatarungan na ipatupad ang pagbabago nang walang sapat na suporta para sa mga nasa laylayan. Ang pagbabago ay dapat maging inklusibo, hindi mapangiwan. Panahon na upang gawing makatao ang bawat hakbang tungo sa pag-unlad ng ating bansa at bawat mamamayan nito.

DATAPWAT

BAGONG PILIPINAS?

Sa usaping tungkol sa kasalukuyang estado ng Pilipinas

Beamie Magat

Wala pang dalawang taon sa panunungkulan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, ngunit matinding pagtaas ng presyo ng mga bilihin na ang naranasan ng bansa. Noong Enero 2023, matatandaan na pumalo sa 8.7% ang inflation rate—ang pinakamataas mula noong Nobyembre 2008. Sa halip na maramdaman ang adhikain niyang ‘Bagong Pilipinas’, tila mas nangibabaw ang patuloy na paghina ng ekonomiya.

Sa kabila ng matinding dagok, hindi naging hadlang ang paglobo ng presyo sa pagbangon ng mga Pilipino. Makalipas ang isang taon, ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas ayon sa World Bank Group (WBG) ay nagtala ng 5.3% na paglago sa ikalawang kuwarter ng taon, isang patunay na hindi matitinag ang kapasidad ng bansa na magpatuloy sa kabila ng malupit na hamon. Kaya naman, isang magandang

balita para sa mga mamamayan, lalo na sa mga kritiko ng kalagayan ng bansa, ang patuloy na pagangat ng ekonomiya ng Pilipinas. Malaking ambag dito ang malakas na pagkonsumo ng mga mamimili, tagumpay ng sektor ng Business Process Outsourcing (BPO), at patuloy na suporta ng mga remittance mula sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ang mga positibong resulta ng kabuhayang ito ay patunay ng matatag

Kagaya ng pagpapaikot ng bola sa talahanayan at pagtigil nito sa isang numero, daig pa ng mga pinoy ngayon ang roleta sa lotto kung paikut-ikutin na lamang sila ng nasuspindeng alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo— matapos niyang buong tapang na laruin at taguan ang batas ng Pilipinas nang maharap sa patong-patong na akusasyon sa umano’y mga ilegal na gawain.

Pumutok ang kaso ni Guo nitong Marso 2024 nang maglabas ng hinaing si Senador Sherwin Gatchalian tungkol sa posibleng kaugnayan niya (Guo) sa isang natimbog na Philippine Offshore Gaming Operator o POGO hub sa Tarlac. Nang maglunsad naman ng imbestigasyon ang DILG, kaliwa’t kanang ebidensya ang nag-kokonekta kay Alice sa operasyon ng POGO. Tila ba ang bawat paghinto ng palarong roleta ay sumisimbolo ng bago na namang kagagawan ng alkalde.

Nang pumasok naman ang buwan ng Mayo, naging kontrobersyal ang ginawang imbestigasyon ni Senador Risa Hontiveros sa tunay na pagkakakilanlan ni Guo. ‘Sing taas ng ekspektasyon ng mga manlalaro sa roleta ang pagdududa tungkol sa kaniyang pagkamamamayan at totoong kapanganakan na nagbunga ulit sa isang kasinungaling kalaunan ay nabunyag din naman. Hunyo naman nang tuluyang isuspinde ng Office of the Ombudsman si Guo at dalawa pang opisyal ng lokal na pamahalaan

na pagsusuri ng mga ekonomista’t maging ang mga tamang hakbang upang matamo ang kaunlaran. Gayunpaman, mahalagang tiyakin na ang pag-usbong ay nararapat inklusibo at dapat makikinabang ang bawat sektor ng lipunan. Bagaman may mga positibong senyaseles sa ekonomiya ng Pilipinas, tulad ng paglago ng GDP at ang kontribusyon ng sektor ng BPO at OFWs, hindi maikakaila na may mga pagsubok na patuloy na nagpapabago sa estado ng bansa. Ang mataas na antas ng inflation na nagdulot ng kakulangan ng mga manggagawa, lalong pagbutas sa bulsa ng mga nasa laylayan, at pagbaba sa purchasing power ng mga mamamayan. Gayundin ang patuloy na pagtaas ng utang ng gobyerno at ang kakulangan ng estratehiya para sa industriyalisasyon na naging hadlang sa pangmatagalang pag-unlad.

Kasabay nito, ang ekonomiya ng bansa ay patuloy na umaasa sa mga imported na produkto na nagdudulot ng pagtaas ng trade deficit na hindi nakakatulong sa pagpapalago ng

BOSES NG ANTHONIAN BOSES NG ANTHONIAN

Ukol sa kasalukuyang estado ng ekonomiya ng Pilipinas

“Parang ano lang din, parehas lang...hindi naman. Parang wala lang ding pagbabago ang Pilipinas eh ‘di ba, kahit sino pang presidente eh, naghihirap pa eh. Kumbaga, ‘yong bigas, nangangako sila na ‘yung bigas, bababa. Gano’n pa rin eh...”

“Puro korapsyon, minsan nakakanood ka pa puro mga senador, wala eh, korap eh. Tapos hindi rin nila masolve ‘yung sa mga teritoryo natin, mga China hindi nila mapaalis ‘yan ‘di ba, mahirap na, gera ‘yan”.

“Ang masasabi ko sa kasalukuyang kalagayan ng bansa ay unti-unti itong lumalala ‘yung iba’t ibang isyung panlipunan. Pangunahin na pagdating sa larangan ng pulitika na kung saan ang ating mga namumuno na siyang dapat mangunguna upang mapanatili ang kaayusan at pag-unlad ng ating bansa ay sila-sila pa ang nagkakaroon ng hidwaan sa pagitan ng bawat isa na maaring maging isang malaking suliranin upang hindi magkasundo-sundo ang bawat isa at magdulot na kung saan mailalaan ang oras sa pagitan ng mga awayan bagkus nailaan ang oras sa pag-iisip, pagpaplano, at pag-implementa ng mga programa na kung saan makakatulong para umunlad ang ating bansa.”

sa loob ng anim na buwan na kung tutuusin ay kulang pa dahil samu’t sari na ang ginawang pandaraya nito sa batas ng bansa. Buti na lamang at naglabas ng warrant of arrest ang komite ng Senado dahil todo iwas ang alkalde sa mga pagdinig sa imbestigasyon. Samantala, todo hugas kamay naman ito at patuloy pa ring iginigiit ang lahat. Lakas loob pa itong nagpasalamat sa mga ‘sumusuporta’ o ‘yung mga nagpapaloko sa laro ng kaniyang roleta.

Ang mga katanungan sa ika nga’y nakalilibang na serye sa senado ay nararapat lamang mabigyan ng kasagutang walang bahid ng katiwalian. Marahil nakalilito at nakapupukaw ang laro, huwag kalimutan ang pag-ikot ng makatotohanang roleta ng batas ay hindi pa tapos kay Guo. Ang mga katanungan sa ika nga’y nakalilibang na serye sa senado ay nararapat lamang mabigyan ng kasagutang walang bahid ng katiwalian.

sariling kapasidad ng bansa. Kung hindi malulutas ang problemang ito at iiwasan ang lokal na produksyon, patuloy na magiging mahirap ang pagkamit sa pangmatagalang pagunlad at posibleng ang Pilipinas ay maiwan muli sa likuran ng iba pang nasyon.

Upang matamasa ang tunay na “Bagong Pilipinas”, kinakailangan ng gobyerno na magpatupad ng mga hakbang tulad ng pagpapalakas sa sektor ng agrikultura, tamang pamamahala sa pondo, at pagpapasigla ng lokal na industriya upang matugunan ang mga suliranin. Mahalaga ring itaguyod ang suporta sa mga maliliit na negosyo at palakasin ang mga social safety net upang matulungan ang pinakamahihirap at matiyak na ang pag-unlad ay para sa lahat ng Pilipino – mula sa mga nasa tuktok ng lipunan hanggang sa mga nasa laylayan.

Kaya sa pagkakataon na ito, ang tanging kinakailangan ng nasyon ay hindi katiwalian kundi ang malasakit at pagkakaisa ng bawat isa —lalong lalo na sa mga gobyernong nakaupo sa pwesto’t pera ng taong-bayan.

sa School of St. Anthony

Opinyon

ANG PAGLALAYAG

TOMO XXX • ISYU 1 • S24 • HUNYO 2024 - ENERO 2025

OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SCHOOL OF ST. ANTHONY, LAGRO, DIBISYON NG QUEZON CITY, PAMBANSANG PUNONG

DAPAT LANG!

RESPONSIBILIDAD AT PRAYORIDAD

Sa usaping tungkol sa Extracurricular Activities

Nicole Marquez

Ang mga organisasyon gaya ng Sapientia et Virtus/Ang Paglalayag (SEV/AP) at iba pang varsity mapapampalakasan man o special programs ay itinuturing na dangal ng paaralan. Sa School of St. Anthony, ang mga miyembro ng mga organisasyong ito ay nagbibigay karangalan sa pamamagitan ng pagsabak sa iba’t ibang kompetisyon. Bitbit nila ang pangalan ng paaralan ng buong tapang at pagmamalaki kaakibat ng kanilang hindi matatawarang dedikasyon. Ang ilan sa kanila ay umaabot pa at nananalo sa pambansang lebel ng kompetisyon. Hindi maikakaila na ang mga miyembro ng school varsity ay kumakaharap sa matinding hamon—ang balansehin ang dibdiban at bugbugang training at kompetisyon at ang kani-kanilang responsibilidad bilang estudyante sa loob ng silid-aralan. At sa gitna ng tila pagsasakripisyo ay kailangan pa nilang tapusin ang mga naiwan at nabinbing takdang aralin at habulin ang lahat ng leksyong hindi napasukan dahil sa kumpetisyon. Hinaing ng iilan ay tila pinagkakaitan sila ng oras upang

makahabol at makabawi sa mga rekwisto ng iba’t ibang asignatura at mayroon ding mga umaapela na sana ay exempted na lamang sila sa missed requirements sa araw ng kanilang mga kompetisyon. Bagama’t may punto at naiintindihan natin ang ganitong mga hinaing at argumento, ay dapat din maintindihan ng mga miyembro ng school varsity programs na ang kanilang pangunahing responsibilidad ay nananatili at mananatili sa kanilang edukasyon

Ang pagiging kasapi ng varsity

ay hindi lamang tungkol sa pagiging magaling at kampeon sa napiling larang, bagkus ito rin ay isang pagpapakita ng angking disiplina sa lahat ng aspekto ng buhay estudyante. Ang polisiya ng paaralan na nakapaloob mismo sa Student Manual ay nagsasaad na kinakailangan magsumite ang bawat estudyante ng mga gawaing pangakademiko kabilang na ang mga miyembro ng iba’t ibang organisasyon na lumalaban para sa paaralan. Ang polisiyang ito ay hindi parusa para sa mga atletang lumalaban para sa ngalan ng paaralan kundi isang daan upang mas pagtibayin at palalimin pa ang antas ng kanilang responsibilidad bilang mag-aaral. Dahil kung tutuusin, ang kinabukasan ng bawat kasapi ng school varsity ay hindi lamang nakadepende at umiikot sa larangan at programang kanilang kinabibilangan, kundi hinuhubog at pinapanday rin sila ng mga aral na nakukuha sa apat na sulok ng silid-aralan. Dapat isaalang-alang na ang pagiging miyembro ng iba’t ibang varsity program ng SSA ay isang pribilehiyo na may kaakibat na responsibilidad. Kaya naman lahat ng kasapi nito ay kinakailangang

matutong magbalanse ng kanilang mga papel na ginagampanan, at maging ang mga sakripisyong kailangang gawin hindi lamang sa pagiging varsity member kundi maging sa pagiging estudyante. Hindi kailangang mailibre sila sa pagsumite sa mga pang-akademikong gawain dahil lamang sa pagiging kinatawan ng eskuwelahan. Sa halip, dapat nilang mas pagbutihin pa at buong tapang na harapin ang hamon na kaya nilang maging matagumpay at maging kampeon sa parehong larangan. Ang SSA ay patuloy na itinataas ang level of excellence ng kanyang Varsity programs habang nagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral nito. Hindi rin maikakaila ang suporta nito sa iba’t ibang organisasyon kabilang na ang mga nasa programang pang-varsity. Kalakip ng malawakang kampanya ng paaralan sa pagtaas ng antas ng edukasyon ay ang pagbibigay ng academic assistance at flexible deadlines sa lahat ng mga mag-aaral na lumalaban sa mga kumpetisyon sa ngalan ng institusyong kinabibilangan. Ngunit sa huli, ang responsibilidad ay nakaatang pa rin sa bawat estudyante. Kaya sa tanong kung ano nga ba

ang silbi ng pakikipaglaban bitbit ang pangalan ng paaralan kung ikaw lang din naman pala ang mawawalan? Walang mawawalan. Responsibilidad at prayoridad lang ang kailangan. Ang pagiging parte ng mga programang pang-varsity ay isang pribilehiyo, at tanging mga mag-aaral na may kayang balansehin ang responsibildad at prayoridad ang karapatdapat dito.

Ang pagiging kasapi ng varsity ay hindi lamang tungkol sa pagiging magaling at kampeon sa napiling larang, bagkus ito rin ay isang pagpapakita ng angking disiplina sa lahat ng aspekto ng buhay estudyante.

SAMAKATUWID

HINDI PASISISIIL

Sa usaping tungkol sa West PH Sea

Cleah Martin

Taos pusong sinasambit ng mga Pilipino ang katagang “Sa manlulupig, ‘di ka pasisiil” sa pagkanta ng Lupang Hinirang. Ngunit totoo nga bang patuloy na hinihirang pa ng gobyerno ang ating lupa? O kaya naman sa kontekstong West Philippines Sea, ang ating mga katubigan?

Kailanman ay hindi naging “langit” ang buhay ng mga Pilipinong mangingisda sa piling ng sarili nilang bansa. Bakas sa katawang puno ng galos at dugo ang impyernong

aangkin sa West Philippine Sea, patuloy na ipinagsasawalangbahala ng bansang Tsina ang mga dokumento na nagngangalan sa kanila bilang mga

ang hangganan ng militar na kakayahan ng Pilipinas laban sa naglalakihang military vessels ng kanilang bansa. Maliban sa malaking agwat pagdating sa mga barkong pandigma, malaking rason din ang tila takot na paninindigan ni President “Bongbong” Marcos. Ang kanyang “peaceful strategy” na pakikipag-usap sa Tsinang nagbubulag-bulagan at nagbibingihan ay kailanman hindi magiging kalasag sa umuulang bomba na pumapatay sa mga Pilipino. Isang pagkakamali rin ng bansang Pilipinas ay ang patuloy na pagtitiwala sa simoy ng bughaw. Nakapaloob sa 1951 Mutual Defense Treaty at bagong kasunduan na General Security of Military Information Agreement ang pangako ng mahigpit na samahan at tulungan ng Pilipinas at Amerika, lalo na pagdating sa pagtatalo sa West Philippine Sea. Ngunit sa mga nagdaang pasakit at pagpatay sa mga Pilipino sa kanilang sariling teritoryo, nasaan nga ba ang proteksyon na ipinangako?

Matatawag pa nga bang Perlas ng Silanganan ang bansang inaangkin sa magkabilang dulo? Magkaiba man ang galaw ng pula o bughaw, ang manlulupig ay mananatiling manlulupig.

Ang mamatay nang dahil sa kakulangan ng proteksyon sa sariling bansa ay hindi dapat maging ligaya. Iba ang pagpili na maging makabayan sa pilit na sakripisyo.

LIHAM SA EDITOR

Mabuhay!

Ipinahahayag ko ang aking lubos na pasasalamat sa pahayagang ito. Saksi ang lahat sa kung paano niyo pinaghihirapan ang proseso upang maghatid ng impormasyon. Tunay kayong maaasahan lalo na sa paglalahad ng mga napapanahong balita at pagbibigay-aliw sa aming mga mag-aaral. Nawa’y ipagpatuloy niyo ang pagbibigay ng kamulatan at inspirasyon para sa mga Anthonian nang may ngiti sa inyong mga labi. Pagbati, Franchette Perillo

ITINATALANG HALAGA NG

CONFIDENTIAL FUNDS NG OF-

FICE OF THE VICE PRESIDENT

ANINO

Sa usaping tungkol sa Confidential Funds

Jasmine Galendez

Harap-harapang panggagarapal ang natuklasan ng Philippine Statistics Authority (PSA) matapos nitong imbestigahan ang misteryosong katauhan ni “Mary Grace Piattos”, na isa umano sa sinasabing lumagda sa ilang kinekwestong resibo para sa confidential expenses ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte. Ayon sa datos, lumitaw na walang record ng kapanganakan, kasal, o pagkamatay ang PSA sa ilalim ng ngalan na ito— beneripika rin ito ng Civil Registry System database ng PSA. Ang tanong ng masa: Sino ka nga ba?

Nakababahalang ngayon pa lamang nasisiwalat ang mga ganitong antas ng kasinungalingan; kasinungalingang nagmula pa sa mga opisyal na siyang dapat na magbigay ng tapat na pamumuno at tamang impormasyon. Nararapat lamang na mabigyan ng karapatang parusa ang sinumang nasa likod ng pagbabalat kayong ito—na halata naman kung sino, ang bise presidente mismo. Kung susuriin natin ang dalawang mukha ng panlolokong ito, makikitang mangmang ang pagtingin ng bise

presidente sa mga Pilipino. Sa dinamiraming ngalan sa mundo, sa ‘Mary Grace Piattos’ niya pa talaga ikinubli ang kanyang anino. Sa kabilang banda, masasabing napakaliit din ang kanilang utak upang isugal ang ‘di pulidong plano. Matatandaang inilaban ni Duterte ang alokasyon ng P500M confidential funds sa 2024 OVP budget, bukod pa rito ang P112.5M confidential funds para sa sektor ng edukasyon nang siya’y sekretarya pa. Ngayong nabuksang muli ang mga kahina-hinalang transaksyon tulad na

Franchette,

Kasama ang patnugutan at mga tao sa likod ng Ang Paglalayag, isang pasasalamat ang nais naming iparating sa Anthonian na katulad mo. Tunay na tagos sa aming mga puso ang mensahe mo. Isa ka sa mga rason kung bakit pinagpapatuloy namin ang aming layuning na magmulat. Bilang isang kabataang may boses, nawa’y ipagpatuloy mo ang pagiging Pilipinong titindig sa tamang pamamahayag. Nawa’y lagi’t lagi kang magsilbi para sa katunayang dapat minimithi ng iyong lipunang tinatayuan. Ang Pahayagan

lamang ng sumatutal na P920,000 para sa ‘reward payment’, ‘supplies medical’, and ‘food aid’ at pagtanggap ng P280,000 mula sa kabilaang transaksyon, kinakailangan ng taong bayan ang kasagutan lalo’t at pera ng bayan ang kanilang kinakamkam. Bilang isang indibidwal, nakakabastos na patuloy ang pagnanakaw ng mga trapong politiko na nangako ng transparency at serbisyo sa loob mismo ng ating bayan. Tila sila pa nga ang ating pinagsisilbihan. Bukod sa diskurso ukol kay Piattos, nakita rin ang iba pang anumalya tulad ng pagkakapareho ng handwriting, kulay ng ballpen, at pattern nito, maging ang hindi mabasa at paulitulit na ngalan. Bilang solusyon, nag-alay ng isang milyong pabuya sina Jay Khonghun at Paolo Ortega sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon ukol kay Piattos Tila nagpapatong sila ng barya sa ulo ng anino. Samakatuwid, mas lalo lamang sumisibol ang pangamba ng masa dahil ang mga kriminal mismo ay nagtatago sa anino ng kanilang kapangyarihan. Sinong mag-aakalang bukod sa isang espiyang mayora,

mayroon na ring imbentong presensya. Nararapat lamang na pagtingin pa ang seguridad ng bansa, maging si House Deputy Majority Jude Acidre ay nananawagan kay VP Duterte na bigyang kasagutan na ang isyu. Accountability at transparency ang kinakailangan natin sa panahong ito—lalo na sa mga lider na pinapako lamang ang kanilang pangako.

Nakababahalang ngayon pa lamang nasisiwalat ang mga ganitong antas ng kasinungalingan; kasinungalingang nagmula pa sa mga opisyal na siyang dapat na magbigay ng tapat na pamumuno at tamang impormasyon.

TANIKALA

ANG PAGLALAYAG

TOMO XXX • ISYU 1 • S24 • HUNYO 2024 - ENERO 2025

OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SCHOOL OF ST. ANTHONY, LAGRO, DIBISYON NG QUEZON CITY, PAMBANSANG PUNONG REHIYON

din nito ang alokasyon ng pondo para sa mga asignaturang tutugon sa partikular na pangangailangan ng SHS students.

SA MGA NUMERO 5-6 5-6

PULSO NG KABATAAN, PAHAYAGAN NG KATOTOHANAN

KUMPASADONG SISTEMA

Sa usaping tungkol sa Senior High School Subjects

PATAMA Uriel Andrada

Panibagong moda na naman ang itinanim ng Departamento ng Edukasyon sa sistema ng ating bansa—ang pagbawas sa asignatura ng mga Senior High School students at gawing epektibo ang inilatag na kurikulum. Itinala sa ngayon ang halos 17 core curriculum subject sa SHS program na siyang tina-target naman ng kagawaran upang gawing 5 o 6 na lamang.

Binigyang-diin ni DepEd Secretary Sonny Angara sa nagdaang Regional Conference on Educational Planning in Asia, na daan umano ito upang mas makapagbigay pokus sa work immersion o on-the-job training ang bawat mag-aaral. Noong Nobyembre ay nakipagpulong ang DepEd sa

Umaasa tayo na ang proseso ng impeachment, kung magpapatuloy man ito, ay magiging isang halimbawa ng hustisya at integridad.

academic experts upang mapabilis ang pagrepaso sa mga asignatura ng SHS—unang hakbang na isinagawa ng kinauukulan upang makamit ang hangaring maging job-ready ang mga mag-aaral na siyang nakaangkla rin sa MATATAG curriculum.

Panibagong eksperimentasyon o

pagkamal sa ekspektasyon ng bayan? Bilang isang mag-aaral sa SHS, hindi maitatangging nakahihilo na ang ‘di matapos-tapos na siklo ng rebisyon sa mga kautusang umiiral sa ngayon. Ngunit, ang bisyong ito ay tunay na instrumento upang makapagbukas ng pinto sa mas maluwag na sistema para sa mga mag-aaral na ‘di na magkundamahog na balansehin ang sunod-sunod na rekisito ng paaralan. Repleksyon sa matagal nang iginigiit ni Angara na masyado nang tambak ang basic education curriculum sa bansa. Kung tatanungin ang madla, malaki ang benepisyong hinahain ng panukalang ito. Lalo pa’t sa gitna ng pagpupulong sa mga consultant ng Asian Development Bank (ADB), hiniling ng DepEd ang rekomendasyon sa istruktura ng SHS sa content ng English, Science, at Math standards at curriculum guides. Idagdag pa na pagkakataon ito upang matutukan ng

mga institusyon ang work immersion at hindi ipukol ang atensyon sa mga alternatibong rekwisito tulad ng ‘capstone’ at panibagong research paper. Hindi rin maitatangging nawawalan din ng saysay ang mga asignaturang ito dahil mas pipiliin na lamang ng mga mag-aaral na makahabol sa klase at magpasa ng kaukulang gawain, kaysa lubusang unawain ang mga aralin. Samakatuwid, nararapat lamang na masimulan na ang implementasyon ng planong ito. Mas mapalalawig din nito ang alokasyon ng pondo para sa mga asignaturang tutugon sa partikular na pangangailangan ng SHS students na tumatawid na sa tulay patungong kolehiyo. Isa lang ang sigurado, kumpasadong sistema ang siyang ating kinakailangan upang patatagin ang edukasyon, lalo na sa susunod pang henerasyon.

PATUTSADA

PAGSUBOK

Sa usaping tungkol sa Impeachment ni VP Sara Duterte

Stephanie Salmorin

“Ang tanging masasabi ko na lamang sa puntong ito ay God save the Philippines.”

Ito ang naging pahayag ng malapit nang matanggal sa puwesto na si

Bise Presidente Sara Duterte. Bagama’t tila isang simpleng panalangin, sa konteksto ng kanyang nalalapit na pag-alis sa puwesto, ang mga salitang ito ay nagdadala ng mas malalim na kahulugan. “Manalig kayo dahil sa taong bayan ang tagumpay,” ani Duterte. Tunay ngang sa taong bayan ang tagumpay dahil nalalapit na ang kanyang impeachment.

Matapos umani ng 240 na pirma mula noong Biyernes, inimpeach si Duterte ng Kamara ng mga Kinatawan dahil sa “paglabag sa Konstitusyon, pagtataksil sa tiwala ng publiko, katiwalian at iba pang matinding krimen.” Kailangang magtipon ang Senado upang litisin ang bise presidente. Kung mapatunayang nagkasala, siya ay matatanggal sa kanyang posisyon at pagbabawalan mula sa pagkakaroon ng anumang pampublikong posisyon.

Ang tunay na pagkakaisa ay hindi lamang nakabatay sa mga pakikipag-alyansa para sa pansariling kapakanan, kundi sa pagbabahagi ng iisang layunin at pagpapahalaga. Kitangkita na ang mistulang matibay na samahan ng dating UniTeam ay nasubok at naroon na sa lupang kanilang tinatapak-tapakan nang mauna pa si Ilocos Representative Sandro Marcos sa pagpirma sa

impeachment complaint laban kay Duterte. Nagbubukas ito ng pinto sa posibilidad na magkaroon ng mas maraming suporta ang impeachment complaint mula sa dating mga kaalyado ni VP Duterte ngunit aniya, hindi raw siya gumawa ng hakbang upang mahikayat ang ibang kaalyansa laban dito. Pinatunayan lamang ng mga pulitikong ito kung gaano kahalaga na ang pagtuon sa sariling interes ay dapat palitan ng interes sa paglilingkod sa bayan. Ngunit ang pagsusuri sa mga akusasyon ay hindi dapat maging isang instrumento ng personal na pagatake o pampulitikang paghihiganti. Higit pa rito, nararapat na ito ay maging isang pagkakataon upang suriin ang kanyang pamumuno bilang bise presidente. Isang posisyon na, sa kabila ng konstitusyunal na limitasyon nito, ay may malaking impluwensya sa direksyon ng bansa.

Ang proseso ng impeachment ay magiging isang mahalagang pagsubok

sa sistema ng hustisya. Mahalaga na ang lahat ng mga partido ay kumilos nang may integridad at responsibilidad, na tinitiyak na ang proseso ay patas at transparent. Ang kinabukasan ng bansa ay nakasalalay sa kakayaha nitong lutasin ang mga isyu sa isang mapayapang at makatuwirang paraan. Ang pag-uusap tungkol sa impeachment ni VP Duterte ay hindi lamang tungkol sa kanya. Ito ay tungkol sa demokrasya at hinaharap ng Pilipinas. Isang pagkakataon para sa bansa na ipakita ang kakayahan nito na harapin ang mga hamon sa isang maayos at makatuwirang paraan. Dapat lamang na ang proseso ng impeachment, kung magpapatuloy man, ay maging isang halimbawa ng hustisya at integridad sa gitna ng maraming pagsubok na hinarap ng bansa mula nang maupo sa pwesto ang Bise Presidente.

MO

KALASAG

Sa usaping tungkol sa Safe Spaces Act

Kristal Soriaga

Sa bawat kalsada ay mayroong halang ang kaluluwa, bawat eskinita ay may isip na masama, saan nga ba tatakbo ang mga biktima? Harassment. Pang-aabuso. Pananamantala. Ilang dekada nang umiiral ang ganitong kalakaran sa ating bansa. Tila ba’y mapapasabi ka ng walang ligtas na espasyo sa bansang hindi marunong rumespeto. Sa daanan mayroong mga matang mapanlinlang, sa opisina, may mga kamay na mapanghimasok, sa eskuwelahan mayroong mga guro na hindi lamang pagtuturo ang ginagawa kundi pati ang pang-aabuso. At ano ang masaklap? Maraming inapi ang piniling manahimik habang ang mga may salarin ay payapang lumalakad sa lansangan.

Sabi nila, may batas para sa proteksyon ng nakararami. Bakit nga ba kailangang ang mga biktima ang magdoble ingat, samantalang ang mga may sala ay pagala-gala lamang? Nakapagtataka, hindi ba? Kaya noong

April 17, 2019 nilagdaan ng dating pangulo na si Rodrigo Roa Duterte ang Safe Space Act (RA 11313) kung saan ang batas na ito ay naglalayong wakasan ang mga walang hiyang tao sa kanilang mga ginagawa mapapubliko man o pribado, kagaya lamang ng catcalling, paninilip, sexist remarks, at kahit ang pisikal na pangaabuso.

Ayon sa Philippine Commission on Women, layunin ng batas na ito na tiyakin ang kaligtasan ng bawat indibidwal sa mga pampubliko at pribadong espasyo, pati na rin sa online na mundo. Dagdag mo pa rito ang ulat ng Galang Philippines noong Setyembre 4, 2004 na 60% ng mga kasapi ng LGBTQ+ community ang nakararanas ng verbal abuse at diskriminasyon. Kung titingnan natin batay sa datos noong 2020 ng

Ogletree Deakins, mayroon ding mga empleyado at ibang mamamayan na hindi nakakaalam sa batas na ito, hindi pa rin lubos maunawaan ng mga mamamayan ang mga bagay na nasa ilalim ng batas na ito. Kung kaya’t marami pa ring insidente na nagaganap nasa lugar ka man ninyo o hindi. Walang mahinang batas, kung ang lahat ng tao ay gustong matutukan ang kanilang sariling karapatan. Walang silbi ang papel na naipasa kung ang sariling nasa upuan naman ang mismong nagbabalewala nito. Hindi lamang ito simpleng isyu, isa itong isang usapin na hindi lamang isa, dalawa, ngunit milyon-milyong tao ang nakararanas, ngunit nagiging pipi na kapag napaikot ng mga taong halang ang bituka. Ang Safe Space Act ay hindi kandila na mananatili lamang buhay kapag nabigyan ng atensyon at pag-unawa, isa dapat itong liwanag sa mga isipan ng tao na kaya ito ipinasa para protektahan ang mga taong walang kalaban-laban. Hindi sapat ang mga multang pinapahid lamang sa mga kamay ng awtoridad, kung sila mismo ay walang pakialam. Hindi masamang maging buwaya sa mga ganitong pagkakataon. Dapat panagutin hindi lamang ang

mga salarin, gayundin ang mga taong kumakandili sa batas na ito. Hindi sapat ang pangakong proteksiyon kung mananatili tayong tahimik. Hindi tayo dapat matakot, hindi tayo dapat magpabulag. Kapag ang katarungan ay natutulog, ang mga halang ang bituka ay patuloy na nagbubunyi. Ang batas ay hindi magiging epektibo at magiging walang kuwenta ang pagpapatupad nito kung ang mga sariling nagpasa ay takot masampulan nito.

Hindi sapat ang pangakong proteksiyon kung mananatili tayong tahimik. Hindi tayo dapat matakot, hindi tayo dapat magpabulag. Kapag ang katarungan ay natutulog, ang mga halang ang bituka ay patuloy na nagbubunyi.

Sa bawat umagang aangat ang araw ay siyang paglitaw ng mga chikang laganap at napapanahon. Ikaw mare, may bago ka ba d’yan, anong latest?

BAWAT DEBOTO Mula sa Puso ng

ni Janah Ricafrente

Ngayong 2025, naitala ang pinakamaraming debotong dumalo sa Pista ng Itim na Nazareno na kilala rin bilang Traslacion, sa Quiapo. Sinimulan ito noong Enero 2-9 at umabot ng 8M mga deboto at ordinaryong mamamayan ang dumalo rito. Ang Traslacion ay tinaguriang “most attended religious event” dito sa Pilipinas, ito ang isang taunang prusisyon ng imahen ng Itim na Nazareno upang ipagdiwang ang kaunaunahang paglipat nito sa Pilipinas.

Ngunit bakit ganito nalang kasabik ang bawat Pilipino na malapitan ang Itim na Poong Nazareno? Saan nagsimula ang paniniwala ng mga Pilipino tungkol dito? At bakit sa ganitong paraan idinaraos ang tinatawag na Pista ng Itim na Nazareno?

Kung ikukumpara sa ordinaryong kapistahan, malayong-malayo ang Pista ng Itim na Nazareno. Nababalot ito ng sakripisyo, pananampalataya, at paniniwala ng bawat deboto. Mula sa iba’t ibang dako ng Pilipinas, ang mga deboto ay nagtipon-tipon upang makilahok sa Traslacion na nagsimula sa Quirino Grandstand at nagtapos sa Quiapo Church sa Maynila. Dala ang kanilang panyo, umaasang mapahiran, mahawakan, at mahalikan ang imahen. Samantala ang ibang deboto nama’y nag-aabang na lamang sa Parokya ng Del Carmen upang matunghayan ang Dungaw o ang pagkikita ng Imahen ng Birhen ng Del Carmen at ng Nazareno. Ang Traslacion ay isang salitang Espanyol na nangahuhulugang “paglipat.” Marahil ay nangangahulugan din ito na inililipat ng mga deboto at ordinaryong mamamayan na dumadalo ang kanilang pasanin sa Itim na Nazareno sa iba’t ibang pamamaraan. Tiniis ang mahahabang pila, init ng panahon, uhaw at gutom upang masilayan at mahawakan lamang ang imahen. Bilang isang deboto, nararapat lamang na alamin kung anong dahilan ng ating debosyon. Patuloy pa rin ang iba’t ibang kritiko na natatanggap ng selebrasyon na ito na nagsasabing bulag na pananampalataya ang ginagawa ng mga tao. Ayon sa kanila, walang pruweba na ang Nazareno ang dahilan ng mga biyayang natatanggap ng mga deboto. Ngunit sa kabila ng mga kritisismo ng idolatriya o pagsamba sa imahen, para sa mga deboto ay mas nangingibabaw pa rin ang mga dasal na dinidinig ng Nazareno.

Ang bawat biyaya at himala ang siyang nagpapatibay sa bawat deboto sa kanilang pananampalataya. Isa si Tutok to Win Partylist Rep. Sam Versosa na nakiisa sa Traslacion 2025, sumampa sa Andas at matagal na ring deboto ng Poong Nazareno. Ayon kay Sam, “mahirap ipaliwanag iyong nararamdaman sa pagsama sa Traslacion, tanging deboto lamang ang nakakaalam.” Dagdag pa nito, “Para sa aming deboto mas nararamdaman mo yung presensiya ng Panginoon kapag nagdarasal kami habang nakalubid, mas ramdam namin kapag nahahawakan ‘yung krus kasi sobrang hirap niyang gawin”. Mayroong kuwento ang bawat debotong sumasampalataya sa Poong Nazareno. Hindi man nasisilayan ang pruweba, ngunit labis na nararamdaman ito ng bawat deboto. Mayroon tayong kanya-kanyang paniniwala dahil malaya tayo na piliin ang sa tingin natin na tama at totoo. Kaya sa muling pagbabalik sa paggunita ng Poong Nazareno, matapos masuspinde dahil sa pandemya, putulin natin ang ano mang kristisismo o panghuhusga sa ating kapwa. Hayaang maghari ang kabutihan at ang pagrespeto sa pagkakaibang meron ang bawat tao.

Sinasabing ang bagay na hindi magbabago sa mundo ay mismong pagbabago. Ganoon din ang wika. Kung paano nagsalita ang ating mga magulang o ang mga salitang balbal na ginamit nila ay iba sa kung paano tayo nagsasalita at kung anong mga salita ang sa tingin natin ay siyang gagamitin ng susunod na henerasyon. Ang mga salitang gaya ng jeprox, tl o true love, at dehins ay ilan lamang sa slang na mula sa henerasyon ng Millennials na ipinanganak mula 1981 hanggang 1996. Hindi na pamilyar sa iyo ang mga ganitong salita, ‘di ba? Ito ay isang pagbabago na forda hubog

din kung paano ginagamit ng mga Gen Z Filipino ang Tagalog.

Bilang “unserious” na henerasyon, ang Gen Z at ang kanilang humor ay may direktang relasyon na sa isa’t isa lalo pa’t halos lahat naman na ng kabataan ngayon ay gow na gow sa pagsabay kung ano ang uso sa social media. Kung ang lipunan ang nagtutulak sa pagpapalaganap ng kultura, social media naman ang sumisigaw nito. Tulad ng maraming bagay na nag-uugnay sa Gen Z, ang social media ay patuloy na gaganap ng isang mahalagang papel sa paraan ng ating pagsasalita. Importante yarn?

Marites: Mare,

Noon, kinakailangan mo pang isiwalat ang sarili sa labas ng tinatayuan mong tirahan upang makarinig ng bagong balita, tipong ingay sa eskinita ang bubungad sa iyo o masisilaw ka na lang sa sinag ng araw na dadapo sa iyong balat. Pero ngayon, taas na ng brightness ang gugulat sa mga mata mo dahil cellphone naman na ang una mong hawak tuwing bagong umaga. May kilala akong ganyan, si Marites. Kahit saang plataporma, makikita mo ang ingay ng mga posts ni Marites. Mapa-Facebook man, X o dating kilala bilang Twitter, Instagram, TikTok, o ano pa ‘yan, kahit ilatag mo pa! Kaya nga kilala na siya bilang lapitan ng mga sabik sa latest o yung mga bagong chika na maaaring gumulantang o magbigay aliw sa kanyang mga followers. Kahit anong tanong mo, alam niya ‘yan! Kaya nga ang pinakapaboritong tanong niyan ay “Marites, anong latest?” Pero kung tatanungin mo rin ‘yan sa ibang bagay, may alam din ‘yan, hindi ka bibiguin! Ito sample…

Marites, grabe ‘yung sunod-sunod na mga bagyo, ano knows mo?

Parang sunod-sunod na araw wala rin ata akong ibang nakita kundi mga pangalan na naka-hashtag. #PepitoPH, #OfelPH, #KristinaPH, at napakarami pa! Kumpleto na talaga natin ang alpabeto sa dami ng bagyo na pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi rin naman na ako nagulat gawa na nga ng lokasyon natin na kung saan e mas laganap ang mga pagbaha at pag-ulan tapos nakapasok pa tayo sa Pacific Ring of Fire. Kaya nga naglatag na lang ako sa mga followers ko ng mga hotlines, evacuation centers, at donation drives. Katulad na lamang ng mga numero ng Red Cross, National Disaster Risk Reduction Management (NDRRMC), Philippine National Police (PNP) at marami pang iba!

Nakakita nga rin ako ng mga alagang hayop na talagang apektado ng kalamidad kaya nagkaroon rin ng #NoPetsLeftBehind para makakuha sila ng karampatang tulong at hindi sila mapabayaan.

O ‘di ba? Dahil sa isang post kahit papaano ay nakatulong tayo sa mga kapwa natin Pilipino na makaiwas at gawing ligtas ang kanilang mga sarili sa delubyong dala ng mga bagyo. Marites, iba talaga sa politika — ang daming hanash, anong say mo?

Ang taong 2024 sa Pilipinas ay minarkahan ng sunod-sunod na mga isyu na kinasasangkutan ng mga politiko. Isa sa mga patuloy na nasa sentro ng kontrobersya ay si Vice President Sara Duterte matapos ang kanyang matapang at kontrobersyal na pahayag laban kina Pangulong

Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez. “Sinabi ko sa isang tao, kung mapatay ako, patayin si BBM (Marcos), si Liza Araneta, at si Martin Romualdez. Walang biro. Walang biro.” aniya sa isang press conference noong Nobyembre 23. Kaugnay nito ang isyu ng isang kriminal. Nauna nang sinabi ng Palasyo na mananaig ang batas laban kay Pastor Apollo Quiboloy. Ngunit hindi sumang-ayon dito ang mga Pilipino. Matatandaang humaharap sa mga kasong gaya ng “violation of the Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation” at “Discrimination Act and qualified human trafficking” ang ngayo’y tatakbo sa senado matapos magfile ng Certificate of Candidacy noong Setyembre. Mula sa mga alegasyon ng korapsyon hanggang sa mga kontrobersyal na pahayag, ang mga pangyayaring ito ay nagdulot ng pag-aalala sa publiko at nagpapakita ng pangangailangan para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng batas at mas malalim na reporma sa sistema ng gobyerno Marites, nabasa mo na ba? Pinoy pride talaga ‘no! Anong meron ka d’yan?

Isa sa mga nagniningning na halimbawa ng tagumpay ng mga Pilipino ay si Carlos Yulo, ang ating pambansang gymnast. Sa kabila ng

Ang mga subkultura sa internet ay kilala na gumagawa ng sarili nilang mga salita o slang depende kung alin sa pandinig nila ang nakatatawa. Minsan ay naglalagay ng mga bagong kahulugan sa ilang partikular na parirala na nagiging daan patungo sa mas malawak na diskurso tungkol sa Gen Z. It’s giving dictionary! Siguradong danas na danas din ng mga naunang henerasyon ang hirap ng pagintindi natin sa mga salita ng Gen Alpha. “Awit? Ano yun?” Awit talaga sa pagpapaliwanag sa mga magulang, baka kasi isipin nilang masasamang salita na ang ating binabanggit. Habang lumilipas ang panahon ay patuloy itong nadadagdagan. Ang dating charot nga ay maaari nang sabihin sa iba’t ibang paraan. Pwedeng char, chariz, at charing. Dogshow malala ang nangyari sa mga slang at gay lingo na laging ginagamit ng mga Gen Z. Bagaman nagsimula bilang isang “keme-keme”, ang pagpoporma at pagdaragdag ng bagong salita ay sumasalamin sa pagkamalikhain at siyang patunay na mayroong higit na karunungan ang mga kabataan sa ginagamit nilang wika.

ni Stephanie Salmorin at Namie Flegueras
SUNOD SA USO: Mga kabataang kabilang sa Generation Z na sumasabay sa galaw
trends. | Kuha ni Marcus Aquino
ni Jamilla Fernando at
PULSO NG KABATAAN, PAHAYAGAN
Dibuho ni Leah Ibarra

PAHAYAGAN NG KATOTOHANAN

Anong Latest?

kakulangan sa pasilidad at suporta, patuloy siyang nagsusumikap at nagbibigay ng karangalan sa ating bansa. Hindi rin nagpahuli si Chelsea Manalo matapos maiuwi ang Inaugural Continental Queen for Asia Award at magtapos sa top 30 ng mga kandidata sa Miss Universe 2024. Si Michelle Arceo, ang kinatawan ng Pilipinas sa katatapos na 32nd edition ng Reina Hispanoamericana, ay hinirang din na 2nd runner-up sa kompetisyon. Wagi naman sa The Voice Season 26 si Sofronio Parojinog Vasquez III na isang Filipino singer sa United States. Ang mga tagumpay na ito ng mga Pilipino sa ibang bansa ay nagpapakita ng kanilang kakayahan at dedikasyon na isang inspirasyon rin sa mga kabataan na magpursige sa kanilang mga pangarap at patuloy na magsikap upang makamit ang kanilang mga layunin. Marites, napanood mo na ba ‘yung bagong TikTok? Ang galing talaga ng mga Pinoy! Hindi na nakapagtataka na ang Pilipinas ay isa sa mga nangungunang bansa sa paggamit ng TikTok. Bukod sa pagiging malikhain at makulay ng mga Pilipino, ang ating kultura at wika ay nagbibigay ng kakaibang elemento sa platform, na humahantong sa paglikha ng mga global na trend. Isa sa mga pinaka-memorable na halimbawa nito ay ang “Maybe This Time” trend. Kasabay nito ay ang pagsikat ng mga sayaw mula sa PPop Group na BINI gaya ng Pantropiko at Salamin, Salamin na naging dahilan upang magpakita ng kani-kaniyang talento sa pagsayaw ang kanilang kapwa Pinoy. Isa pa sa mga nauso sa app na Tiktok ay ang Streak na nadadagdagan tuwing nagpapalitan ng messages ang mga user, na ang karaniwang ibinabahagi ay isang TikTok video rin. Ang pagnanais na mapanatili ang kanilang streak ay nagtutulak sa kanila na gumamit ng nasabing app kaya lalo lamang dumami ang mga nakikisali sa iba’t ibang trend. Marites, paiba-iba na talaga estado ng kalikasan, paano at ano ba ‘to?

Ang unang malakas na bagyo na tumama sa Pilipinas noong 2024 ay ang Bagyong Aghon. Bagaman ang Bagyong Aghon ay hindi nagdulot ng malaking pinsala sa Pilipinas, ito ay nagsilbing paalala ng panganib na dala ng mga bagyo. Ang bagyo ay unang naitala noong Enero 2024, at kahit hindi ito nag-landfall, nagdulot ito ng malakas na ulan at hangin sa ilang lugar sa Luzon. Isa rin sa mga bagyong nagdaan ay ang Bagyong Enteng na sumalanta noong Setyembre. Nagdulot ito ng malakas na ulan at hangin sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao, na nagresulta sa pagbaha at pagguho ng lupa. Sa bansa, nakapagtala ng 11 na patay at 10 nawawala. Ang taong 2024 ay nagsisilbing paalala sa kahalagahan ng pagtugon sa pagbabago ng klima. Ang mga bagyo at iba pang pangyayari ay nagpapakita ng malinaw na epekto nito sa Pilipinas. Ang pagsasagawa ng mga hakbang upang mapabagal ang pagbabago ng klima at upang mapaghandaan ang mga epekto nito ay mahalaga para sa kaligtasan at kaunlaran ng bansa. Kaya kay Marites, dinig mo at mulat ka sa “Anong latest?” O ‘di ba? Sa mga alam ni Marites na talagang sinisiyasat at binibigyan pa niya ng panahon ay talagang napag-iisa niya ang sambayanang kanyang nasasakupan. Isang patunay lamang siya na digital man ang midyum ng pakikipagtalastasan at may mapupuntahan ito na kahit kailan man ay hindi lang negatibo ang dala ng mga social media platforms para sa atin.

Isang instrumento si Marites na mayroon tayong tinatawag na Digital Bayanihan na kahit saan ka mang lupalop ng mundo nakadestino ay may kakayahan kang makiisa at maki-diwa sa mga napapanahong isyu at pangyayari sa lipunang ginagalawan mo na kaya natin isabuhay ang nakagawian nating bayanihan na may layong gawin tayong isa sa pagkakataon na kinakailangan natin maging buo at nakapag-eengganyo ng mga mamamayang Pilipino na makibahagi para sa malawak at mas epektibong pagbabago. Noong binalot tayo ng dilim dala ng pangamba dahil sa COVID-19, lahat tayo ay nakaasa sa teknolohiya at kung papaano nito hinubog ang pagkakaisa natin. Dahil sa online platforms, naka-usad tayo sa kung nasaan tayo ngayon. Pinagtibay nito ang katatagan ng ating mga puso na laging may pupuntahan ang nasyon na nagkakaisa. Kaya ikaw, ‘wag kang magdadalawang-isip magtanong ng “anong latest?” dahil hindi natin alam maaaring isa ka pala sa maraming ehemplo na mula sa isang tanong ay may malaking bunga pala para sa nakararami.

Makiisa at isabuhay ang bayanihang kinagisnan, tradisyunal ‘man o dihital.

Sinasabing ang edukasyon ang siyang sandata sa banta ng kamangmangan at armas sa pagsungkit ng magandang kinabukasan. Pinaniniwalaan din na ang edukasyon ang magdidikta kung ano ang kalalagyan ng isang indibiduwal sa lipunan at kung paano siya tratuhin ng kanyang kapwa mamamayan. Kaya naman, ang edukasyon ang itinuturing ng ilan bilang pinakamahalagang regalo na kailanma’y hinding hindi mananakaw sa taong pinagkalooban nito. “Libre lang ang mangarap, kaya kung mangangarap ka, taasan mo na.” Mga linyang panis na kung maituturing tuwing naririnig ng ating mga tenga. Totoo nga naman, ‘di ba? Kung tutuusin, walang bayad ang mangarap… ngunit para sa mga tinaguriang “iskolar ng kalye,” ang katotohanan ay higit pa sa simpleng pakikipagpatintero sa kalsada— sinsikip at sukal man ang buhay gaya nito, pinipili pa rin nilang kumayod upang makalabas mula sa pagkakakulong sa bilangguan ng mga sawing pangarap.

Ngunit, sa kabila ng mga negatibong konotasyon ng karamihan sa mahihirap, para kay John Francis Espinosa, ang pangarap ng bawat tao ay hindi isang mapa na iisang direksyon lang ang maaari mong tahakin. Ayon sa kaniya, ang mga ambisyon natin sa buhay ay hindi natin masasabi dahil sa angking galing ng tadhana na laruin ang ating kapalaran. Sa loob ng labindalawang buwan, tatlong daan at limampu’t anim na mga araw— totoo nga naman na hindi natin masasabi kung anong sikreto ang naghihintay sa atin na maaring magpabago sa mga pananaw ng ating buhay na siyang pangunahing kasangkapan sa pagbuo ng pangarap.

“Kapag tamad ka, wala kang aanihin.”

Inuunahan na ni John Francis si Haring Araw sa pagsapit tuwing hapon upang makapagluto at maihain pa ang itinitinda niyang mani, patani, sampalok, at beans na nagiging pantawid gutom ng napapadaan sa Maynila. Sa umaga, nasa eskwelahan; sa gabi, nasa lansangan, at walang sawa siyang nakikipagsapalaran. At sa araw-araw ay naging ganito ang siklo ng buhay na kaniyang binabaybay. Sa bawat araw ay ganito ang kaniyang nagiging kapalaran.

Subalit, sa kabila ng mga ito, pinatunayan ni John Francis na hindi niya kailangan mamili sa dalawang bagay— kung diskarte ba o diploma ang uunahin. Dahil para sa kaniya, kahit mahirap itong pagsabayin, nangingibabaw pa rin sa kaniyang dalisay na ngiti ang dedikasyon at umaalab na puso upang magpursigi pa para sa magandang kinabukasan na naghihintay.

“Okay lang naman po ito para sa araw-araw… para hindi na ako umasa sa magulang. Sariling diskarte lang.”

Sa panahon ngayon, tila hindi na maituturing na karapatan ang pag-aaral, bagkus, isa itong pribilehiyo dahil hindi lahat ay nakatatamasa nito. Bagaman hindi pa responsibilidad ng mga kabataan ang sustentuhan ang sarili sa murang edad, ipinagmalaki ni John Francis ang hindi pag-asa sa kaniyang mga magulang. Sa kaniyang isipan, walang aanihin at walang mararating sa buhay ang taong hindi sinusubukang magtanim.

Para kay Francis, hindi hadlang ang pagsasabay ng pagsusunog ng kilay at paghahanapbuhay sa gitna ng magulo, mausok, at maingay na kalsada upang sumuko sa mga hamon ng buhay. Sa halip, ang nakasanayan niyang kapaligiran ang siya pang nagbibigay lakas na mas lalo pa niyang pag-igihin ang kaniyang tinatahak araw-araw, kasama ang kaniyang kasintahan.

Isa lamang sa mga napakaraming kuwento ng buhay ang istorya ni John Francis. Isa lamang siya sa libolibo pang estudyante at trabahador na nagsusumikap at patuloy na hindi sumusuko sa kahit na anong unos ang makasagupa sa gitna ng kanilang paglalakbay. Mga kuwentong pumapatungkol sa kanilang pagsusumikap sa gitna ng malabong kasiguraduhan sa hinaharap— na tiyak na kapupulutan ng magandang aral.

Sa muling pagtutok ng mga lente ng camera sa Maynila, nawa’y hindi puro matatayog na negosyo at magagandang tanawin lang ang makita. Sana’y bigyang pansin din ang mga kuwento sa likod ng nagsisitaasang establisyimento na makikita’t maririnig lamang kung iintindihin mo nang malaliman. Maingay man sa bawat kanto ng siyudad, ngunit may kabuluhan ang kuwento sa likod ng nakabibinging sigawan— sigawan ng mga pangarap na ibinuburda sa bawat alok, paypay, at tulak ng mga kariton.

“Libre lang ang mangarap, kaya kung mangangarap ka, taasan mo na.” Diploma at Diskarte. Dalawang bagay na dapat hindi pinagpipilian dahil karapatan ng bawat isa na maranasan ang magandang buhay.

KAYOD KALABAW: Si John Francis Espinosa habang nagtratrabaho bilang tagabenta ng mani sa kanto ng Maynila. | Kuha ni Camille Nicolas

Lathalain

PULSO NG KABATAAN, PAHAYAGAN NG KATOTOHANAN

Higit pa sa pagtuturo ng asignaturang Christian Living and Values Education sa kanyang mga mag-aaral, aktibong nakikilahok si Dr. Ava Ann Semorlan, na mas kilala sa tawag na Doc Ava, sa organisasyon ng paaralan na nagsasagawa ng pangangalap ng donasyon sa mga nangangailangan sa kanilang komunidad.

Ang organisasyong nasa kanyang pangangalaga,

Ang SocIo Civic Action Program (SICAP) Foundation ang isang organisasyon sa paaralan ng School of Saint Anthony na nagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan tuwing may kalamidad, gaya ng bagyo. Hindi basta-basta pagtulong ang hangarin ni Doc Ava. Ito ay isang misyon, isang banal na tungkulin na kanyang isinasagawa nang may buong puso. Ito ay paghahatid ng pag-asa at pagbubukas ng pintuan sa isang mas magandang kinabukasan. Higit pa sa pagiging isang guro, si Doc Ava ay isang ina sa kanyang mga estudyante. Marami sa kanyang dating mga estudyante ang nagpatotoo sa kanyang impluwensiya sa kanilang buhay, sa kanilang pag-aaral at kanilang pagkatao. “For me, she’s very kind. Mahaba pasensya niya and she’s very patient with anthonians. I really appreciate that.” ani Sydney Monzon, isang mag-aaral sa ika-12 na baitang. Ayon kay Lyresh Timbol, isang mag-aaral din sa ika-12 na baitang, “Ang interaction ko lang kay Doc Ava is kapag nag-enroll, tinatanong niya ako kung nag-aadjust ba ako nang maayos sa SSA. Minsan, tinatanong niya kung ano nangyayari sa buhay ko.” Ang ika-25 taon sa nag-iisang sinta, Noong ika-26 ng Oktubre, kinilala ang hindi matatawarang katapatan niya sa paaralan. Sa nakaraang Service Awards ay binigyang karangalan ang ika-25 taon ng kanyang pangangalaga sa kabataan. 20 taong gulang lamang siya nang magtapos sa kolehiyo na may kursong BS Psychology. Sa isang job fair, nakuha ng paaralan ang kanyang atensyon dahil sa malapit lang siya rito. Sa isang panayam ay inaalala niya ang mga araw ng kanyang pagsisimula. “When I signed a contract.. ayun na. Hindi pa ako graduate ay may work na ako, which is yung sa SSA na.” Ayon kay Lyresh Timbol, isang mag-aaral din sa ika-12 na baitang, “Ang interaction ko lang kay Doc Ava is kapag nag-enroll, tinatanong niya ako kung nag-aadjust ba ako nang maayos sa SSA. Minsan, tinatanong niya kung ano nangyayari sa buhay ko.”

Ang dedikasyon ni Doc Ava ay isang inspirasyon hindi lamang sa kanyang mga estudyante kundi pati na rin sa buong komunidad. Ang kanyang pagkilos ay isang patunay na ang pagtuturo ng Christian Living and Values Education ay isang paraan ng pamumuhay na nagpapakita ng tunay na pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. Sa pamamagitan ng kanyang mga aksyon, nagiging haligi siya ng pag-asa sa kanyang paaralan at sa komunidad na kanyang pinaglilingkuran.

Ang mundong ating ginagalawan ay hindi lamang pinaghaharian ng mga kagaya nating nilalang na tao kung ituring ng sanlibutan. Ito rin ay pinamumugaran ng iba’t ibang uri ng mga elementong ikinukubli ng mga hindi nakikitang pintuan ngunit itunuturing lagusan. Samakatuwid, ang mundong ating kinabibilangan ay binubuo ng iba’t ibang dimensiyon na may namamahay na mga nilalang na hindi nakikitang ng pangkariniwan. Ang kwentong itu ay mga pinagtagpitagping istorya ng mga taong binayayaan ng pangkaraniwang kakayahan upang makita ang mga nilalang sa kabilang lagusan. Iikot ang kwentong ito sa mga samu’t-saring kababalaghang nanahan sa pinakamataas na bahagi ng Blessed Caterina sa Upper School Department- ang ika-apat na palapag. Ang palapag na ito ay puno ng mga sulok na hindi araw-araw kung puntahan ng mga mag-aaral at maging ng mga guro. Tanging ang mga mag-aaral lamang na gumagamit ng Computer Laboratory at Science Laboratory ang nagagwi sa bahaging ito ng palapag. Samakatuwid, malimit na tahimik ang palapag na ito. Bilang resulta,

iba’t ibang nilalang ang nakikinabang sa espasyong nasasayang. Hindi naman dapat mag-aalala dahil tila hindi maramot ang mga umookupa rito, at tila sila pa nga ang nagbubukas ng pinto habang ikaw ay papalapit sa silid. At kapag oras na para ikaw ay umalis, sinasamahan ka pa nga nila sa iyong paglalakbay pabalik.

Doon sa palikuran ng mga babae, may bali-balitang mayroong nagpaparamdam. Kapag daw ang unang cubicle ang ginamit, iwasan ang tumingin sa salamin, dahil baka makita mo Si Maryang nakaputi. Huwag ka naman masyadong matakot sa kanya dahil tila naghahanap lamang siya ng kasama. Tahimik na nakamasid, at nagpapakita lang kapag sa tingin niya’y mapagkakatiwalaan ka. At kung napili ka niya, hindi ko alam kung dapat ba kitang purihin o ‘di kaya ay kaawaan. Kaya’t kung ikaw ay isang binibini na napadpad sa naturang banyo, huwag ka na lang lumingon kapag may biglang sumitsit sa’yo.

Kapag naman nadako ka sa fire exit, at nais mong gamitin ang hagdan dahil trip mo lang, magdahan-dahan ka sa pagbaba dahil nagsisilbi kasi itong palaruan para sa isang batang

ANG PAGLALAYAG

TOMO XXX • ISYU 1 • S24 • HUNYO 2024 - ENERO 2025

OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SCHOOL OF ST. ANTHONY, LAGRO, DIBISYON NG QUEZON CITY, PAMBANSANG PUNONG REHIYON

Sa arawang tagpo ng guro at mag-aaral sa klase, hindi maiiwasang tumatak ang paulit-ulit na sinasambit ng nauna, na itinuturing naman ng huli bilang ‘famous lines’.

“Ang mga may pandinig, makinig; ang mga may ayaw makinig, manginig.”

Ang madalas niyang sabihin tuwing klase, sa ganito ko unang nakilala ang Gng. Collado. Kabisado ang pasikot-sikot na palusot ng mga mag-aaral, nakilalang tradisyunal at mahigpit ang ginang dala ng ilang taong paninilbihan sa institusyon. Manipis ang buhok hanggang balikat, may palatandaan na ng katagalan sa mundo na natatakpan kapag nagsusuot ng headband. Tubong Olongapo ang panganay sa pitong magkakapatid, sinikap noon ng Ginang na maitawid ang kahirapan sa pagtulong sa kanyang ina na mag-alaga sa mga kapatid gayundin sa pagtinda ng pagkain para magkaroon ng sariling allowance sa eskuwela.

“Parang lata na walang laman.”

Hindi pupuwede sa kanya ang hindi handa sa klase, lalo kapag mga obra maestra. Rumoronda habang nagtuturo, nagtatawag ng mga umiiwas ng tingin at nagkukunwaring may isinusulat sa kuwaderno. Kaya, para hindi masabihang latang walang laman, tuwing minindal, sinasama namin sa kuwentuhan ang mga kabanata ng Noli Me Tangere kahit lawit na ang dila at nabubuhol pa rin sa lalim ng Filipino.

Sa Balic-Balic Elementary nagtapos ng elementarya ang ginang, lumipat sa pribadong institusyon na St. Anne Academy naman noong sekundarya, at nagkolehiyo sa Columban College Olongapo. Hindi nagtagal, lumuwas pa-Maynila upang subukan ang hamong ibinigay sa kanya sa puting sobre habang siya ay nagtuturo pa sa St. Anne Academy. Taong 1992 nang magsimula siyang makilala bilang Gng. Collado sa SSA. Habang isinasabay ang pagiging ina at guro, tinapos niya naman ang kanyang masterado sa New Era University. Nagbunga ang kanyang mga pinaghirapan dahil mula gurong tagapayo ay naging tagapag-ugnay ng Filipino sa Junior High, naging miyembro ng iba’t ibang organisasyon, at awtor sa Brilliant Creations.

“Tsismakers”

Isa sa salitang natutuhan ko sa kanya nang minsang mapagalitan ang klase. Dito ko na rin unang nasilayan na may ibang awra pala ang ginang, kaya pala niyang makipagbiruan at makihalubilo sa kabalbalan ng aming henerasyon. Malimit na namin siyang batiin kapag nasasalubong sa pasilyo, noon na lang din kasi namin napansin na may dalawa pala siyang biloy tuwing nangingiti, na manaka-naka niyang magawa sa loob ng silid.

Sa kuwento ng kanyang mga nakatrabaho, mayroon siyang supot ng pandesal tuwing umaga na ipinamamahagi sa mga nakakasama sa opisina. Tuwing nagpupulong naman ang kanyang departamento, cheesy pizza ang pameryenda. Sa iba naman, ina naman siya ng laging saklolo tuwing kailangan ng sasama sa seminar at iba pang gawain. Isa rin siya sa kinokonsulta tuwing may aberya sa anomang gawaing pangguro, lalo kapag bago.

Hindi na nakakapagtaka na naparangalan ang kanyang pag-alay ng halos buong buhay sa larang ng pagtuturo, na may 33 taong serbisyo at ngayong taon sana sa kanyang pagretiro.

Ilang taon na rin simula nang makadaupang-palad si ginang bilang guro. Ngayong sa kuwento na lamang naaalala, napagtanto naming hindi pala niya talaga nakaugalian ang maging istrikta. Naintindihan na namin na bahagi iyon ng kanyang pagkakilanlan bilang guro. Muli kong nakita ang pagbabago kay ginang. Wala na siyang makapal at itim na salamin. Wala na rin siyang itim na cardigan. Sa huling pagkakataon, purong puti na ang kanyang suot.

Sa pagtanda talaga nagkakamalay ang hindi malirip ng musmos na isipan, at ang dating nakabuburyong linyahan at paulit-ulit na paalala ang siya pa lang babaunin na aral upang mahinog ang pagkatao ng sinoman. Kaya naman, habang may pagkakataon, pasalamatan at bigyang-dangal ang naisakripisyo nilang oras at panahon, dahil hindi natin alam kung kailan ang susunod na pagkakataon…o kung mayroon pa.

“Kung naintindihan ang aralin, bigyan ng tatlong palakpak at tatlong bagsak.”

*1…2…3…1…2…3…

“Paalam at salamat, klase!”

tanyag na tanyag sa eskwelahan. Sino nga ba ang hindi nakakakilala kay Blue Boy? Dito umano siya matatagpuan kasama ang kanyang bola na noon daw ay hinabol niya pababa at naging mitsa ng katapusan ng kanyang kamusmosan. At dahil nga bata, mapaglaro siya. Mabuti nang kumapit ka sa hawakan dahil baka itulak ka o aksidenteng mabangga. Nais niya marahil ng kalaro kaya’t hindi malayong savdyain niya ang pagdausdos mo pababa.

Sa ‘di kalayuan ay matatagpuan ang laboratoryong pang-agham. Para sa karaniwang estudyante, halos isang beses sa loob ng dalawang linggo lamang kung mabisita niya ito. Pagsapit nga ng alas singko ng hapon kung kailan karamihan ay nakauwi na, magsisimula na ang pagpaparamdam. Tahanan na kasi ito ng mga nilalang ng mga panahong nagdaan. Ayun sa isang nakapanayam naming estudyanteng sinasabing bukas na bukas ang ikatlong mata, ay tila isang portal ang isang bahagi ng Science Laboratory dahil sa bawat pagsapit ng alas-singko ng hapon sa

KABABALAGHAN SA

unang biyernes ng buwan at tila bang may may mga nagmamartsa kasabay ng mga tinig na umaalolong na tila nanghihingi ng saklolo. Ito na rin siguro ang dahilan kung bakit maging mga guro sa siyensiya ay iwas sa lugar na ito. Dahil ang ideya pa lamang na manatili kang mag-isa rito, nakapantataas na ng balahibo. Mahirap na rin kasing sa uri nila’y lubos na makihalubilo. Kaya’t kung sa isang pagkakataon ay magklase ka rito at may dumaang anino, makinig ka na lamang sa guro mo. Mayroon namang ilan sa kanila ang nais lamang maghatid ng mensahe. Kaya’t , ayon sa mga gurong pamilyar na sa mga silid sa palapag na, minsa’y ipinaparating nila ang mga ito. Kapag gumalaw ang upuan ng mag-isa, pahiwatig noon na umuwi ka na dahil oras na ng paglalaro nila. Kapag

ang electric fan, nakakaistorbo ka na sa itinuturing nilang teritoryo. Kung tumunog naman ang paging system bagaman sarado na ang opisina ng punongguro, hudyat iyon na kailangan mo nang tumakbo. Dahil baka kasunod noon ay ang pagbulong ng pangalan mo. Ilan lang iyan sa mga kababalaghang nakalap mula sa ikaapat na palapag ng mataas na paaralan. Walang makapagsasabi kung simpleng kuro-kuro ang mga ito o katotohanan. Ngunit gayunpaman, sa susunod na maliligaw ka sa ikaapat na palapag, dapat kang maging mapagmatyag. Bilangin mo ang mga anino ng mga makakasama mo, at siguraduhing lahat sila ay buhay at humuhingang tao. Dahil ang ilan sa kanila, simpleng nagbabalatkayo. Halimbawa, tingnan

BALIK TANAW: Pagbibigay pugay kay Gng. Jocelyn Collado na dating guro sa SSA | Larawan mula sa SEV/AP Facebook Page
ni Dennis Egar at Jasmine Galendez
SERBISYONG PULIDO: Si Dr. Ava Ann Semorlan habang nagbabahagi ng kaniyang kaalaman para sa masa. | Kuha ni Marcus Aquino

AGHAM

Dengue Outbreak, inaasahang idedeklara ng DOH

Ikinabahala ng Department of Health (DOH) ang muli na naman na pagtaas ng kaso ng Dengue sa Pilipinas sa pagpasok ng Agosto nitong taon na anila’y umabot na sa outbreak level.

Kung ikukumpara kasi ito sa bilang na 102,374 kaso noong 2023, sinasabing umakyat ng 33% ang dami ng biktima ng dengue nitong taon. Ani ng DOH, ang pagpasok ng tagulan sa bansa ang kinikilala nilang pangunahing rason sa muling pagtaas ng kaso. Kilala ang Dengue bilang isang sakit na makukuha sa kagat ng lamok. Aedes aegypti at Aedes albopictus (yellow fever mosquito) ang tawag sa kapwa uri ng lamok na siyang nagdadala ng dengue virus at iba pang uri ng sakit tulad ng Chikungunya at Zika.

Ayon sa Center for Disease Control and Prevention (CDC), ang isang infected na lamok ang siyang nagkakalat ng virus hindi lamang sa isa kundi sa maraming bilang ng tao. Bukod sa pagkagat, maaari ring maipasa ng isang buntis sa kaniyang anak ang sakit at malaki ang posibilidad na makapagdulot ito ng malnutrisyon, premature birth at ang pinakamalala ay ang pagkamatay ng fetus sa loob ng sinapupunan. Bukod dito, ilan pang kaso ng

pagkahawa ng dengue ang naitala sa breast milk, pagsasalin ng dugo, organ transplant, habang mayroon ding mga ebidensyang nagsasabing maaari rin itong makuha sa pakikipagtalik. Dagdag pa nito, mayroong apat na uri ng dengue (Dengue-1, Dengue-2, Dengue-3, at Dengue-4), bagaman walang lunas, maituturing na immune na ang isang tao sa oras na ma-infect at gumaling siya sa isang uri ng dengue, nangangahulugan itong hindi na siya ulit mai-infect ng parehas na uri ng dengue, subalit maaari pa ring ma-infect ng natitirang tatlo.

Babala ng CDC, posibleng makagat ng lamok hindi lamang sa gabi kundi pati na rin sa umaga, taliwas sa paniniwala ng karamihan sa mga

Pilipino na umaatake lamang daw ang mga ito sa oras ng hapon at gabi.

Bagaman ang mga mild cases ng dengue ay kusa naman daw gumagaling pagkalipas ng ilang araw o linggo, ang mga severe o malalang kaso nito ay maaaring magdulot ng matinding pananakit ng katawan at iba pang mabibigat na komplikasyon na maaaring magsanhi ng kamatayan ng

isang tao.

4S Kontra-Dengue.

Bunsod ng pagdami ng kaso ng dengue, hinihikayat naman ng DOH kabilang na ng World Health Organization (WHO) at CDC ang mga mamamayan na sundin ang 4S (Search & Destroy, Secure self protection, Seek early consultation, Support indoor and outdoor spraying to prevent impending outbreak) isang epektibong paghahanda at mga dapat gawin kontra-dengue. Search & Destroy.

“Walang lamok, walang dengue,” ani DOH. Payo nila, iwasan ang pagiiwan sa mga posibleng pamalayan o pangitlogan ng mga lamok.

Huwag ding hayaan ang mga timbang may lamang tubig lalo pa’t ito ang hilig pamugaran ng mga lamok, iwanan ding nakataob at siguraduhing hindi nakatiwangwang ang mga gamit na posibleng mapondohan ng tubig. Seek Early Consultation.

Ang sakit tulad ng dengue ay kakikitaan ng mga sintomas tulad ng pananakit ng ulo, lagnat, pananakit ng katawan, pagkahilo, pagsusuka at pananakit ng likod ng mata.

Ilan sa mga sintomas na ito ay

maaaring maging senyales na mayroong dengue, kaya’t maigi ng kumunsulta agad sa doktor lalo na kung napupugaran ng maraming lamok ang lugar. Banta ng eksperto, hindi biro at nakamamatay ang dengue, kaya’t maigi ng kaagad itong agapan. Secure Self-Protection.

Makatutulong din bilang proteksyon ang pagsusuot ng damit na mayroong mahabang manggas, paggamit ng mga mosquito repellents tulad ng lotion.

Support Indoor and Outdoor Spraying.

Hinihikayat din ng DOH na suportahan ang mga pausok na madalas pinangungunahan ng barangay ang na posibleng makapagpalayas ng mga lamok at makapuksa sa mga ito.

Sa kasalukuyan, bumaba naman daw ang bilang ng mga namatay dulot ng dengue na pinaniniwalaang bunsod ng maaga at maayos na pakikipagugnayan sa mga ospital, ayon sa datos ng DOH.

PROTEKTADO: Mga dapat gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng Dengue Virus. | Larawan mula

(n.d.-b). https://www.google.com/ url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.freepik.com%2Fpremium-ai-image%2Fperson-holding-mosquito-their-arm-with-fly-it_176559925.htm&psig=AOvVaw1TPFKOQiWQ9I6wSdV_qCw&ust=1738678671383000&source=images&cd=vfe&opi=89978449&ved=0CBQQjRxqFwoTCKCmjPbYp4sDFQAAAAAdAAAAABAE

Anthonians, kumolekta ng medalya sa Copernicus Olympiad 2024

Angat kahit saang larangan, ganyan ipinamalas ng Anthonians ang kanilang husay sa agham matapos humakot ng mga panalo sa Copernicus Olympiad 2024 nitong Nobyembre 2. Nag-uwi ng gintong medalya para sa natural science at pilak na medalya para sa physics and astronomy si Claire Makimkim ng 12 - Zara.

Humakot rin ng gintong medalya para sa natural science at pilak na medalya para sa physics and astronomy si Markus dela Cruz ng 12 - Agoncillo.

Kinilala rin si Iwen King Manaba ng 11 - Nakpil bilang wagi ng gintong medalya para sa natural science.

Nagbigay panalo rin si Dashelle Empeynado ng 11 - Amorsolo na nagkamit ng tansong medalya para sa natural science. Alinsunod dito, nagkaroon rin ng honorable mention para sa physics at astronomy si Peter Fernan ng 12 - Del Mundo.

Ang panalong ito ay kanila ng susi upang malahukan ang kanilang puwesto sa Global Round ng nasabing kompetisyon sa darating na Enero 5-10 sa Houston, Texas, USA.

Narito na ang ilang tips upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit na Dengue Virus:

• Gumamit ng damit na may mahabang manggas at pantalon lalo na tuwing umaga’t hapon. Kung maaari, araw-araw na gumamit ng mga insect repellent na may DEET, picaridin, o lemon eucalyptus oil.

• Panatilihin na malinis ang kapaligiran at takpan ang mga lalagyan ng tubig gaya ng balde.

• Maaari rin na maglagay ng screen sa mga bintana’t pinto upang maiwasan ang pagpasok ng lamok na may dengue virus.

• Alisin ang mga gamit na maaaring pagpugaran ng itlog ng lamok. Katulad na lamang ng mga gulong at mga baldeng may tubig na hindi ginagamit.

• Kung may sintomas ng dengue, huwag nang maghintay at agad magpatingin sa

Pen-sized microscope, inimbento ng estudyante mula Negros Occidental

Upang matugunan ang kakulangan sa abot-kayang kagamitang pang-agham, isang mag-aaral mula sa Binalbagan, Negros Occidental, ang lumikha ng tinaguriang “Pencroscope,” isang pen-sized digital microscope na gawa mula sa recycled na materyales.

Ginamit ni Ceejay Faala, isang 21-taong-gulang na junior Secondary Education major in Science sa Carlos Hilado Memorial State University, ang mga scrap na galing sa lumang highlighter at mga wires ng earphone para sa kanyang imbensyon.

Ayon kay Faala, ang Pencroscope ay maaaring ikonekta sa smartphone, telebisyon, o desktop computer upang mas mapalawak ang pag-aaral sa mga mikroskopikong detalye ng isang specimen. Inihayag niya na kasalukuyan pa

rin niyang pinapahusay ang disenyo ng microscope upang mapataas pa ang magnification at maging mas kaakit-akit ang pisikal na anyo nito.

Sinabi ni Alberto Dela Cruz, isa sa mga guro sa CHMSU, na ipinagmamalaki nila ang tagumpay ni Faala sa pagsasabay ng oras para sa pag-aaral at inobasyon. Bilang karagdagan, ipinakita rin ng Pencroscope ang potensyal ng paggamit ng mga recycled na materyales bilang alternatibong solusyon sa kakulangan ng pondo ng ilang institusyong pang-edukasyon.

Nakakuha rin ng internasyonal na pagkilala ang imbensyon ni Faala matapos itong maging finalist sa Times Higher Education (THE) Awards Asia 2025 para sa kategoryang STEM. Inaasahan ni Faala na sa hinaharap ay ma-mass produce ang Pencroscope nang mas malawakan upang maging accessible ito sa mga mag-aaral lalo na sa mga paaralang kulang sa kagamitan sa agham. Kasabay ng suporta ng kanyang unibersidad at mga lokal na opisyal, pinaplano na ring ipatala ang kanyang imbensyon sa Intellectual Property Office of the Philippines para mapangalagaan ang kanyang karapatan bilang imbentor.

MALIIT NGUNIT PALABAN: Isang estudyante habang ipinapakita ang inimbento nitong pen-sized microscope. | Larawan mula
sa Delilan, A., & Titong, R. (2024, September 26). ‘Penroscope’: Negros Occidental student turns trash into pen-sized digital microscope. RAPPLER. https://www.rappler.com/philippines/visayas/penroscope-negros-occidental-student-trash-pen-sizeddigital-microscope/
BILANG NG NAITALANG KASO NG DENGUE NOONG 2023
Jamilla Fernando
Nicole Marquez

Agham

PULSO NG KABATAAN, PAHAYAGAN NG KATOTOHANAN

ANG PAGLALAYAG

TOMO XXX • ISYU 1 • S24 • HUNYO 2024 - ENERO 2025

OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SCHOOL OF ST. ANTHONY, LAGRO, DIBISYON NG QUEZON CITY, PAMBANSANG PUNONG REHIYON

SDG kontra Climate Change

Balancing Development and Conservation in a Hotter World

Karamihan sa atin ay madalas marinig sating mga lolo’t lola ang mga katagang, iba na raw ang ihip ng hangin ngayon, hindi na kagaya ng dati ang panahon at kung minsan pa nga’y pabiro nilang sinasabi na baka nalalapit na raw ang katapusan ng mundo.

Bagaman idinadaan sa biro, karamihan sa mga birong ito ay tila ba ay nagiging reyalidad na ng buhay natin ngayon. Naturingang malaki nga ang usad ng henerasyon sa mundo ng teknolohiya, subalit tila napag-iwanan naman ang dapat sana’y prayoridad na kalikasan.

Climate Change.

Hindi na bago sa pandinig ng karamihan ang kontrobersyal na isyu ng climate change, sa Pilipinas, higit na nararamdaman ito sa panahong tag-init, at kung hindi naman init ay sobra naman sa pagbaha.

Ayon sa United Nations, ang climate change ay dulot ng matinding paggamit ng enerhiya, tulad na

lamang ng pagsusunog ng fossil fuels, illegal na pagpuputol ng puno, transportasyon, establisyemento; pawang aktibidad ng tao. Hindi lang pagtaas ng temperatura ang naidudulot ng climate change kundi pati na rin ang matinding tagtuyot, matinding paglakas ng bagyo, pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat, na maaaring maging banta sa suplay ng pangangailangan ng tao.

Matagal ng ikinababahala ng mga eksperto ang mga posibilidad na kung magpapatuloy ang kalagayan ng mundo ay ganap ng masisira ang maraming bilang ng pinagkukuhanan ng pagkain at ilan pang pangangailangan ng tao, subalit

nananatili ang estadong kritikal ng daigdig.

Sustainable Development Goals (SDG).

Kaugnay nito, inilunsad ng UN ang Sustainable Development Goals (SDG) na siyang tumatalakay ng 17 goals na naglalayong maprotektahan ang daigdig at makontrol ang ilan pang negatibong epektong naidudulot ng climate change. Ang pagsunod sa dati ng kilalang 3 R’s (Reduce, Reuse, Recycle) ay ilan lamang sa mga inilulunsad ng SDG. Ipinaliwanag rin ng SDG na ang paggamit ng kuryente ay kumokonsuma ng malaking enerhiya na siyang gumagamit ng maraming oil, coal at gas na nagpapataas lalo ng greenhouse gases sa atmospera ng daigdig.

Hinihikayat ng SDG ang paggamit ng

public transportation, bisikleta, electric vehicles at paglalakad.

Kaugnay ng isyu tungkol sa banta ng climate change sa suplay ng human needs, sa inilabas na ulat ng Philippine Exporters Confederation Inc. (Philexport), sinasabing maaaring makaungkat ng nagkakahalagang 13-trilyong dolyar ang mga exporter sa pamamagitan lamang ng pagsuporta ng SDG. Paliwanag ni Philexport President Sergio Ortiz-Luis, ang pagsuporta sa SDG at pagpapatupad nito sa ilang business operations ay maaaring makapagpalawak ng market at brands.

“The Earth calls for cooperation,” pahayag ng UN. Umaasa parin naman ang mga eksperto na sa mga susunod na taon ay darami na ang bilang ng susuporta at makikinig sa tinig ng kalikasan.

“Naturingang malaki nga ang usad ng henerasyon sa mundo ng teknolohiya, subalit tila napagiwanan naman ang dapat sana’y prayoridad na kalikasan.

DIRETSAHAN

KONSU-MISYON

Sa usaping tungkol sa Rising of Sea Levels sa Manila Bay

Jasmine Galendez

Binaha ng pangamba ang mga Pilipino sa patuloy na pagtaas ng antas ng dagat na umabot sa humigit-kumulang 2.6 sentimetro bawat taon mula sa karaniwang rate nito na 1.3 milimetro mula dekada 1900. Diin ng Philippine Climate Change Assessment na ang paggamit ng groundwater sa lungsod ang pangunahing nagpapalala ng panganib sa kabisera ng bansa. Tanong ng masa: Manila bay, lulubog na nga ba?

Ayon sa ulat, tinatayang 60 porsyento ng populasyon ng Pilipinas at higit sa 50 porsyento ng mga munisipalidad, kabilang ang Maynila, ay nasa coastal zone. Kaya naman ang isang pagtaas ng tatlong metro sa lebel ng dagat ay makaaapekto sa mahigit 15,000 kilometro kwadrado at 3.4 milyong tao sa 5,387 barangay. Dagdag pa rito, hindi lamang ang mga mamamayan ang maaapektuhan kundi pati na rin ang kalikasan; tulad ng pagkasira ng mga bakawan (mangrove), pagpaputi ng mga coral reef, at pagpasok ng alat (saltwater intrusion). Lantad ang hamon ng global warming na patuloy na nagpapahirap sa kapaligiran. Bukod riyan, bakas ang kakulangan at palpak na mga inisyatibo ng gobyerno ukol sa suliranin ng klima. Noong Pebrero 2024, isang toneladang basura ang nakita sa Dolomite Beach. Matatandaan na ang proyektong ito ay bahagi ng Manila Bay beautification project na ginastusan ng P389 milyon noong termino ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Ang dating tinambakan ng puting buhangin mula Cebu ay puro singleuse plastic na ang nakakalat ngayon – tanging dumi at basura na lamang ang nilalaman. Mas mainam kung ang konterobersyal na dagat ay tinaniman na lamang ng mga mangrove forests o iba pang uri ng vegetation lalo pa’t may

malaking papel ito sa pagsugpo sa coastal erosion at pagtaas ng tubig.

Hindi maitatangging malaki ang naging epekto ng bara-barang plano ng pamahalaan kung kaya’t gayon na lamang kabilis naapektuhan ang baybayin ng Kamaynilaan, idagdag pa ang mga naninirahan dapit dito na nagkukulang din sa disiplina at aksyon sa kanilang kapaligiran. Kung susuriin, sa kabila ng pamosong reputasyon ng Manila Bay ay itinuturing na rin itong daluyan ng polusyon. Sa kabilaang reklamasyon ng mga ahensya ng gobyerno, tila pinalala lamang nito ang suliranin sa naturang baybayin. Ipinapakita lamang nito ang resulta sa nagdaang pangingialam sa biodibersidad ng ating bansa — kalakip ang ambisyong itanim dito ang modernong industriyalisasyon. Binigyang-diin ng People’s Network for the Integrity of Coastal Habitats and Ecosystems na mula sa 53 proyekto sa pambansang saklaw, 23 ang itatayo sa Manila Bay. Ngayo’y kumikilos pa rin ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa paglalaan ng mga programa para sa rehabilitasyon ng Manila Bay at pagtugon sa banta ng tumataas na antas ng tubig sa lungsod. Nariyan din ang mga cleanup activities na pinapangunahan ng mga non-government organizations

upang umangkla sa nagdaang implementasyon ng Operational Plan for the Manila Bay Coastal Strategy (OPMBCS) ng DENR. Panawagan din ito sa gobyerno at mga ahensya na maglaan ng sapat na pondo upang mapaunlad pa ang pwersang kumakalinga hindi lamang sa baybayin ng Maynila, kundi sa buong bansa. Nariyan ang pagbuo ng mga plano tulad na lamang ng epektibong flood control, maayos na draining system, at pagtibag sa reklamasyong mas makaaapekto lamang sa lagay ng katubigan. Samakatuwid, hindi lamang banta ng global warming ang dapat nating bigyang pansin, kundi ang mga gawain na siyang nakaaapekto sa ating kapaligiran. Mga mamamayan mismo ang umaabuso sa biyayang dala ng Manila Bay, kung kaya’t umusbong din ang kabilaang bantang dulot nito. Upang tuluyang bumalik sa normal ang lahat—misyon ang aksyon mula sa gobyerno at bayan ang siyang nararapat.

ANG PAGLALAYAG

TOMO XXX • ISYU 1 • S24 • HUNYO 2024 - ENERO 2025

OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SCHOOL OF ST. ANTHONY, LAGRO, DIBISYON NG QUEZON CITY, PAMBANSANG PUNONG REHIYON

0.5% - 2%

4% -8%

(SSD): > 8%

PULSO NG KABATAAN, PAHAYAGAN NG KATOTOHANAN

Barbie Hsu Case: Pinoy tourists pinagiingat kontra flu

Pinag-iingat ang mga turistang nagbabalak o kasalukuyang nasa Japan sa muli nanamang kumakalat na flu na kamakailan lamang ay naibalitang ikinamatay ni Barbie Hsu (Meteor Garden star).

Itinuturing ng outbreak sa Japan ang pagkalat ng flu matapos umabot sa bilang na 317,812 na kaso ng sakit ang naitala sa di hihigit na 5,000 ospital simula pa noong Disyembre, 2024.

Influenza-induced pneumonia.

Matagal ng banta sa kalusugan ang influenza o mas kilala bilang flu, bilang isang sakit na mabilis makahawa lalo pa’t sa simpleng pag-ubo at pagbahing lamang ng isang meron nito ay posible nang mahawa.

Bagaman matagal na, ikinababahala parin ito ng American Lung

Association lalo pa’t napag-alamang, isa sa mga komplikasyong naidudulot ng influenza ay ang pneumonia kung saan sa sakit na ito ay nababalutan ng pus, isang uri ng likidong puno ng bacteria, ang baga na dapat sana’y daluyan ng dugo.

Ilan sa mga kilalang sintomas nito ay ang lagnat, pananakit ng ulo’t katawan, ubo’t sipon at iba pang sintomas na nararanasan ng ibang tao.

Dagdag pa ng organisasyon, mas delikado at di dapat ipasawalang bahala ng mga tao ang dulot ng

influenza dahil ito ay nakamamatay at ang karaniwang biktima nito ay ang mga bata, mga nasa edad 65-pataas, buntis, at ilang mga taong may kondisyon sa kalusugan.

Bakuna Kontra-flu.

Hikayat naman ng organisasyon, mayroon naman daw mga bakuna kontra flu at ilang uri ng pneumonia, at kinakailangan lamang na magpaturok depende sa inirerekomenda ng doktor, upang maiwasan ang ilan pang komplikasyong dulot ng delikadong sakit.

Kaugnay dito, pinag-iingat at pinapayuhang magsuot ng face mask ang mga turista lalo sa mga mataong lugar.

0.2% - 1%

DRY: 0.5% -2% SATURATED SURFACE DRY (SSD): > 2% WET:

LAGABLAB: Trahedya sa Los Angeles, 29 patay, 30-bilyon halaga ng ari-arian natupok ng sunog. | Larawan mula sa NEWS WIRES. (2025, January 8). France 24. https://www.france24.com/en/ live-news/

LA Wildfire, dulot ng climate change ayon sa eksperto

Pinaniniwalaang dulot ng human-driven climate change ang LA wildfire na nag-iwan ng 28 taong nasawi at humigit kumulang 16,000 imprastrakturang natupok.

Ayon sa pag-aaral ng World Weather Attribution (WWA), ang matinding tagtuyot, init at hangin na nagpalala sa pagkalat ng apoy ay dulot ng aktibidad ng tao. Napag-alaman din ng WWA na mas mababa sa bilang na 2.4 ang pag-ulan sa LA simula ng ika-28 ng Enero nitong taon, kumpara sa mga nakaraang buwan.

Kada araw, hindi na bago sa atin ang maging sobrang abala sa mga bagay-bagay na madalas humahantong sa pagkalimot sa mga simpleng bagay na nakapalibot sa ating kinagagalawan. Kagaya na lamang ng mismong kinatatayuan mo, gaano ka ba nakasisigurong matibay ang imprastrakturang kinagagalawan mo? Bagama’t hindi na bago sa ating mga tenga tuwing nakaririnig tayo ng “may gumuho raw na bahay” hindi ka ba nagtataka kung ano ang dahilan maliban sa kalidad ng mga gamit na ginamit sa pagpapatayo?

Concrete at Aggregate. Dalawa sa pinakamahalagang materyales tuwing nagpapatayo ng mga imprastraktura. Pero papaano nga ba nakaaapekto ang lebel moisture sa durability ng aggregate? ‘Yan ang naging pokus sa isinagawang pananaliksik ng mga mag-aaral mula sa School of St. Anthony na pinamagatang: “The Effects of Moisture Content on the Resistance and Durability of Aggregates Through the Los Angeles Abrasion Test.” Ang nasabing pananaliksik ay naglalayong tukuyin kung paano nakaapekto ang moisture sa durability ng aggregate— pangunahing materyales sa pagbuo ng matibay na konkreto sa pamamagitan ng standardized at industry accepted test na Los Angeles Abrasion (LAA) Test.

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pagsusuri sa tatlong magkaiibang kondisyon ng moisture ng gravel aggregates: Dry Aggregates – No exposure to moisture, Moist Aggregates – Lightly misted with water, Soaked Aggregates – Submerged in water for 24 hours. Sa pamamagitan ng Los Angeles Abrasion Test (ASTM C 131 standard), ang mga aggregates ay sumailalim sa pagsusuri ng highimpact rotational process with steel

balls. Isinagawa ang pagsusuring ito upang masukat ang abrasion loss, indikasyon kung gaano ka-resistant ang materyales sa pagkasira. Matapos ang masusing pagsusuri, lumabas sa resulta ng eksperimento na labis na nakaapekto ang lebel ng moisture sa durability ng materyales na aggregate. Dry Aggregates 20.98%, Moist Aggregates 25.15%, Soaked Aggregates 27.25%. Napag-alaman sa nasabing pagsusuri na ang dry aggregates ang nagtamo ng pinakamababang lebel ng abrasion loss—ibig sabihin lamang nito ay dry aggregates ang pinaka-durable kung ikukumpara sa dalawang test samples. Ngunit ano nga ba ang ibig-sabihin nito? Ang paggamit ng dry aggregates ay makatutulong upang maging mas matibay ang materyales na gagamitin sa imprastraktura. Hindi lang ‘yan! Ang sobra-sobrang moisture sa aggregate ay dumadagdag sa pagiging madaling masira ng mga materyales. Sa ngayon, katuwang ang School’s Asst. Principal for Academics na si Mr. Ranier Cerna, pinahahalagahan ang importansya ng mga pananaliksik na kagaya nito para sa mas matibay at ligtas na pagpapatayo ng mga imprastraktura. Ang naging resulta ng pagsusuri ay isang paalala kung gaano kaimportante ang ginagampanan ng moisture control sa bawat establisyimento na pinapatayo. Sa ngayon, katuwang ng Department of Research ng SSA ang mga school resident engineers upang mas mapalalim at mahubog pa ang pananaliksik na ito. Patunay lamang ito na ang mga munting matatalino’t malikhaing utak ng bawat Anthonians ay katibayan ng School of St. Anthony sa paghubog ng mas matalas na kaisipan.

“All the pieces were in place for a wildfire disaster - low rainfall, a buildup of tinder-dry vegetation and strong winds,” panayam ni Park Williams, UCLA hydroclimatologist. Kaugnay nito, patuloy na inoobserbahan ng WWA ang kalagayan ng panahon sa LA upang makabuo ng reports ukol sa dulot ng climate change sa matinding pagbabago ng panahon sa lugar.

Ayon sa kanilang ulat, pagtungtong pa lamang ng Enero ay umakyat na sa bilang na 35% ang pag-init at panunuyo ng lupa kung saan tumagal sa bilang

na 23 araw ang inihaba ng dry season. Ayon kay Climatologist Friederike Otto mula sa Imperial College London, bagaman hindi pa malinaw ang pagpapatunay na konektado ang climate change sa madalang na tagulan at mas mahahabang tagtuyot, patuloy namang iminumungkahi ng ilang estudyante sa Southern California na may kinalaman ang climate change sa pagpapahaba ng dy season, base sa kanilang pag-aaral. “We can officially say that climate change does play a role in this,” giit ni Otto.

9 Patay, 3-Milyong katao apektado kay Pepito

Namie Flegueras

Nag-iwan ng siyam na nasawi at milyong istablisyemento ang pinadapa ng Super Typhoon Pepito matapos nitong mag-landfall sa Panganiban, Catanduanes nitong ika-16 ng Nobyembre, 2024. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA), umabot sa 325km/hr ang bilis ng hanging dala ng bagyong Pepito na nagbunsod ng matinding pagkasira ng maraming tahanan at pangkabuhayan. Nakalabas ng Philippine Area of Responsibily (PAR) ang naturang bagyo saktong ika-18 ng Nobyembre.

Alberta Jimenez
Dennis Egar
Namie Flegueras

HINDI ’GANDA LANG’ ANG PUHUNAN

Kabigha-bighani makakilala ng mga indibidwal na kahit saang larangan ay umaarangkada. Kung hindi niyo naitatanong ay marami kang makikilalang ganiyan sa School of St. Anthony! Maaaring kilala ang institusyon sa paghubog ng mga mag-aaral na sobra ang galing sa pang-akademikong gawain pero ang hindi niyo nasisilayan ay lubos drin ang husay ng mga ito sa ibang larangang hindi pang-akademiko. Imbes na tapusin ang araw at umuwi pagsapit ng 3:50 N.T. ay may mga maririlag na binibini ang naglalaan ng kanilang oras para kanilang ipamalas ang kanilang galing sa mundo ng pampalakasan o palawigin ang kanilang talento sa sining.

Husay at galing sa pamamahayag at pag-indak. Tatak, Sta. Mina! Pinuno ng Teatro San Antonio, Kapitana ng English Radio Broadcasting, Kapitana ng School of St. Anthony Performing Arts Guild, at Editor-in-Chief ng Sapientia et Virtus/

Ang Paglalayag Publication, ikaw? Nakahinga ka ba sa dami ng mga kredensyal na bitbit niya? Talagang hinahangaan si Yelena Sta. Mina ng 10 - Quezon hindi lang dahil sa buti ng kanyang kalooban at panlabas na katangian kung hindi na rin dahil sa ang angking husay niya sa pamumuno, pag-sayaw, at pagpapalaganap ng katotohanan sa pamamagitan ng pamamahayag.

Malikhain at matalino, lahat ‘yan mayroon si Emily!

Hindi lamang kilala si Emily Aures ng 12 - Zara sa taglay niyang husay sa agham at kagila-gilalas na reputasyong pang-akademiko, mahusay din siya sa pagguhit at sining. Maingay ang pangalan niya dahil sa taglay niyang galing at sipag sa pag-aaral kalakip na nga nito ang kanyang pagiging Junior Co-Captain sa Obra Silayan. Kamangha-mangha ang talentong kanyang ipinapamalas na talagang hinahangaan ng lahat. Hindi lang ‘yan talagang mahal ng lente si Emily bilang isa siya sa mga bagong mukha ng

SEA

Baon lamang ang determinasyon, makasaysayang tagumpay ang nasungkit ni Celine Tugado sa hindi inaasahang pagkakataon.

Unti-unti nang inuukit ni Tugado ng ikasampung baitang ang kanyang pangalan sa larangan ng ice hockey nang kaniyang angkinin ang puwesto sa Women’s Ice Hockey ng Southeast Asian (SEA) Games para sa susunod na taon na kasalukuyan na niyang pinaghahandaan.

Kasama na sa kaniyang paghahanda ang kakatapos lang na kauna-unahang Women’s Ice Hockey League Competition sa Mall of Asia Arena kung saan naglaro si Tugado sa ilalim ng Philippine Women’s Team para sa Team Ube. Nakakalap ng kabuuang 6-0 ang koponan ni Tugado kung saan siya

SSALente Photography club ng Senior High School.

Kasabay ang agos ng tubig ay ang kumpiyansa at dedikasyon ni Sydney sa pag-aaral.

Isa sa mga pinaka-nakapapagod at nakatutuwa ang isport na swimming kaya naman talagang bilib ang lahat sa kumpiyansang mayroon si Sydney Monzon mula sa 12 - Agoncillo na siyang nakakapagbalanse ng oras at responsibildad bilang Team Captain ng School of St. Anthony Swim Team. Kilala rin si Syd bilang kumatawan sa ika-12 na baitang sa nakaraang GLAM 2024 na kung saan kinilala siya bilang Best in Creative Award na magpahanggang ngayon ay dala niya ang kasanayan na ito bilang bise presidente ng LifeCraft club sa Senior High School.

Hindi lang hataw sa dancefloor, hataw rin sa klase.

Ganyan si Hannah!

Grabe ba? Grabe talaga kung humataw at umindak si Hannah

pa ang naka-selyo ng isang puntos dahilan para maipanalo ang kanilang laro laban sa Team Turon.

Para sa atleta, karangalan na ang makapaglaro para sa national team kaya naman malaking bagay para sa kanya ang makatungtong pa sa mas malaking ice rink sa SEA Games sa susunod na taon.

“Sa totoo lang, hindi ko lubusang inakala na mapapabilang ako sa national team at preparasyon para sa SEA games—lalo na ang mapili bilang kinatawan nito. Pero ngayong andito ako, masasabi kong ito’y kapanapanabik at nakakakaba,” ayon sa kaniya.

Nagsimula ang kabanata ni Tugado sa ice hockey noong sumali siya sa isang club na “Blades” kung saan nakilala siya at kinuha para

Vol.2

Calalang ng 9 - Ruiz sa dancefloor.

Bawat tunog at bawat himig ay talagang nasasabayan ng husay niya sa pagsayaw. Pagdating naman sa pag-aaral ay hindi mo rin makwekwestyon ang abilidad niya bilang isa siyang consistent honor student sa mga nagdaang taunang paaralan. Hindi lang d’yan natatapos kung ano ang maibubuga ni Hannah, isa rin siya Grade 9 Level Representative ng Student Government na talaga namang mapapa-wow ka na lang sa kakayahan na taglay niya.

Isang lider, balibolista, at mahusay na estudyante.

Talagang all-around si Eeyah!

Balanse kung balanse! Ganyan mo mailalarawan ang galing ni Eeyah Buenaventura ng 12 - Fabella sa pagbabalanse ng oras bilang isang balibolista, consistent merit awardee at outstanding student, at higit sa lahat ay isang student leader kung saan siya ang Public Relations Officer ng Student Government ngayong taon. Sa tangkad

maglaro sa isang maliit na ice rink sa SM Fairview—at dito na nga nahanap ni Celine ang kanyang pagmamahal para sa nasabing isport.

Kasabay ng paglalaro ng hockey ay aktibong mag-aaral din ang dalaga sa School of St. Anthony dahil siya ang school muse ng paaralan sa Athletic Association of Private Schools (AAPS), siya rin ang hinirang na 1st Runner-up ng GLAM Season 5 ngayong taon.

Kaakibat ng mga karangalan na natamo ni Celine ay ang responsibilidad at obligasyon na kanyang dala-dala sa pagkamit ng kanyang mga pangarap.

“Ang pagiging isang studentathlete ay hindi madali. Ang pagbalanse ng mga responsibilidad bilang bahagi ng isang dedikadong koponan ay nagtulak sa akin na patuloy na magpursige at umunlad, hindi lamang sa loob kundi pati na rin sa labas ng mundo ng

na taglay na meron siya ay siyang taas rin ng pangarap na bitbit siya. Isa pa ay malaki ang kontribusyon ni Eeyah lalo na sa kapakanan ng kanyang mga kapwa Anthonians bilang miyembro siya ng Anthonian for Socio-Civic, Education, Nationalism, and Democracy (ASCEND) club ng Senior High School.

Gamitin nating instrumento ang mga binibining ito na hindi lamang ganda ang puhunan. Isa silang inspirasyon na hindi natin kailangan ilugmok ang mga sarili sa pag-aaral, kalakip ang tamang pag-balanse sa oras at mga gawain ay higit na maipapamalas natin ang galing natin sa ibang larangan. May dala mang bigat ang mga responsibildad, huwag natin itong hayaan na maging hadlang para libutin ang kakayahang mayroon tayo. Isa lamang sila sa mga patunay na kung mayroon tayong ipagmamalaki, ipamalas natin ito at pagyamanin.

pampalakasan.” wika ni Tugado. Dahil makabuluhan ang SEA Games para sa atleta, dumodoble kayod pa raw siya sa nalalapit na laro. Sa ngayon, mas matindi ang pageensayo ng koponan ni Tugado na pinaiigting ang kaniyang kakayahan sa skating at puck handling na mahalaga sa larangan ng ice hockey.

Mas malaki at hindi biro ang kompetisyon sa SEA Games kaya para kay Celine, hindi lamang ang kanyang pisikal at mental na kondisyon ang kanyang tinatrabaho, kanya ring hinahasa ang husay sa pagtapak sa yelo na makatutulong sa kanya upang maibigay ang lahat-lahat sa paparating na malaking laban.

Para sa kanya, tunay na hindi madali at hindi basta-basta ang pagbabalanse ng oras, responsibilidad, at mga obligasyon ngunit layon niyang maging instrumento para sa kanyang mga kapwa Anthonian na maging dedikado para sa tagumpay na kanilang minamata at pinagtatrabahuhan.

Kuha ni Lucas Sta. Mina KAMPEONATO: Celine Tugado buong buhay na inalay ang lakas sa kaniyang larangan ng pampalakasan. | Larawan mula kay Celine Tugado

SSA Swim Team wagi sa ikalawang

Coseteng Waves Invitational Swim Series

Nasungkit ng School of St. Anthony (SSA) Swim Team ang overall championship title sa 2nd Coseteng Waves Invitational Swim Series na ginanap noong ika-13 ng Oktubre, sa Diliman Preparatory School. Bunga ng kanilang pag-eensayo mula pa noong buwan ng Mayo sa kanilang summer trainings, nakahakot ng medalya ang mga swimmer sa iba’t ibang kategorya katulad ng Butterfly stroke, Freestyle, Medley Relay, Breaststroke, at Free Relay, kalaban ang halos 32 na Swim Teams. Pinangaralan bilang Most

Outstanding Swimmers sa kanikanilang age brackets sina Agatha Macalino, Marie Emmanuelle Ramirez, Mark Oviedo, Vaughn de Leon, Vash Kayden Lopez, Dionne Carreon, Julianne Enconado, Vianessa Baligaya, Kendall Velez, Althea Asilo, Elijah Centeno, at Zeph Centeno.

Ayon kay Team Captain, Sydney Monzon, “I felt very proud of my members because I’ve witnessed their struggles and hard work during training. It made me really happy when they got called on stage to claim their medals. Their efforts have shown through and it made me realize how our efforts during training were all worth it.”

Kasama sa bumuo ng 2,000 points ng koponan ang mga nanalo ng bronze, silver, at gold medals sa kanilang mga kategorya ay sina Zeph Centeno, Elijad Centeno, Nathania Villa, Alexa Emmanuel, Althea Asilo, Aramea Penollar, Kendall Velez,

Agatha Macalino, Leyna Montealegre, Vanessa Baligaya, Julianne Enconado, Dionne Carreon, Lance Reyes, Jasmine Bascuguin, Juan Alejandro, Calix Flores, Nicolette de los Santos, Celina Badiola, Cyrusjet Bueno, Noah Pastoral, Nerice Soriano, Vash Lopez, Vaughn de Leon, Mark Oviedo, Marie Emmanuelle Ramirez, Amanda Faral, Enzo Alegre, Austin Arejola, Alexander Faral, Gianna Geronimo, Savannah Velasco, Wyatt Reyes, at Castiel Labayne.

Kasalukuyang naghahanda ang Seagulls para sa tatlo pang kompetisyon; ang 3rd Leg ng 2nd Coseteng Waves Invitational Swim Series, na gaganapin sa ika-1 ng Disyembre, ang Athletics Association of Private Schools Division Meet, na gaganapin sa ika-7, 8, at 10 ng Disyembre, at ang kanilang Invitational

Yulo, Villegas, at Petecio namayagpag sa Paris Olympics 2024

Makasaysayan at makabuluhan kung mailalarawan ang mga naging pangyayari sa Paris Olympics 2024 lalo na para sa Pilipinas na may bitbit na 22 na delegado kung saan nangolekta sina Carlos Yulo, Aira Villegas, at Nesthy Petecio ng dalawang ginto at dalawang tanso na talagang gumawa ng ingay noong Hulyo hanggang Agosto ngayong taon.

Nang lumipad patungong Paris ang mga delegado ay bitbit lamang ang determinasyon at kumpiyansa na mas makilala ang Pilipinas sa larangan ng pampalakasan at makapag-uwi ng karangalan.

Nitong Agosto 3 at 4 ay naging laman ng ulo ng mga balita si Yulo matapos makakamit ng magkasunod na gintong medalya para sa Men’s Floor at Vault Gymnastics.

Matapos ang mga sumunod na araw ay kinilala naman si Villegas nang kanyang masungkit ang tansong medalya para sa Women’s Flyweight Boxing nitong ika-6 ng Agosto.

Nang sumapit ang Agosto 7 ay

nagpasiklab ng kanyang husay si Petecio nang makamit ang tansong medalya para sa Women’s Featherweight Boxing. Tunay na naging makasaysayan ito para sa Pilipinas at naging inspirasyon para sa maraming Pilipinong alteta. Nagpahayag ng kanyang paghanga ang isa sa kumatawan sa Pilipinas para sa Men’s Pole Vault na si EJ Obiena para kay Yulo, “I deeply respect him. He is a great champion for our country and I applaud him. I am proud of him. I am thankful for the glory he has brought (to) our country.”

Ngayon, pinaghahandaan na ng mga atletang Pilipino ang mga susunod na patimpalak na kanilang sasalangan.

SSA Men’s Volleyball umarangkada sa

KAMPEONG OPINYON

PARA SA PANGARAP

Sa usaping tungkol sa Mga Atleta ng Paralympics Dennis Egar

Sa mundo ng pampalakasan, hindi na bago kung ang pustura ng mga atleta ay parang ‘sing tigas ng isang bato ang katawan nito. Ngunit, sa kabila ng mga ekspektasyong ito, pinatunayan ng mga manlalaro ng Paralympics Game na wala sa laki at tindig ng katawan ang totoong simbolo ng pagiging atleta—kundi nasa determinasyon ng puso upang ipursigi ang nag-aalab na pagnanasang mag-uwi ng karangalan sa kanilang bansang sinilangan.

Para sa bayan, para sa karangalan. Pinatunayan ng iilan sa ating mga Pilipinong manlalaro sa Paralympics Game na hindi hadlang ang pagkakaroon ng disablidad upang malimitahan ang kanilang kakayahan pagdating sa larangan ng pampalakasan. Ernie Gawilan (Swimming),Angel Otom (Swimming), Jerrold Mangliwan (athletics, wheelchair racing),Cendy Asusano (Athletics, Javelin throw), Allain Ganapin (Taekwondo), at Agustina Bantiloc (archery). Iilan lamang sa mga pangalang nagbigay ng dangal sa ating bansang Pilipinas. Mga taong nagpatunay na kailanman hindi magiging balakid ang kanilang pisikal na aspeto sa pagkamit ng karangalan. Sa kabila ng makulay na kwento na ito, hindi natin maitatanggi ang reyalidad sa pagiging salat sa suporta na kanilang natatanggap. Ayon sa Republic Act No. 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, ang mga manlalarong mag-uuwi ng ginto, pilak, at tanso, ay makatatanggap na PHP10 million, PHP5 million, and PHP2 million. Ngunit, ang mga manlalaro ng Paralympics ay makapag-uuwi lamang ng kalahati ng nasabing premyo. Panawagan ito upang mas gawing pantay pa ang

mga oportunidad para sa ating mga manlalaro ng Paralympics Game dahil una sa lahat lahat ng mga manlalaro ay pantay-pantay lamang—hindi dapat tinitingnan bilang dahilan upang bawasan ang insentibong natanggap base lamang sa kanilang pisikal na aspeto. Ang pakikibaka para sa mas makatarungan at pantay na trato sa mga ating manlalaro ay hindi pa tapos at nangangailangan ng kolektibong aksyon upang tunay na makamit ang pantay na lugar sa mundo ng pampalakasan.

Hangga’t ang mga Pilipinong manlalaro natin para sa Paralympics Game ay patuloy na ginigipit pagdating sa badyet—hindi matatapos ang pagkakalampag sa mga ahensya upang gisingin at dinggin ang ating mga opinyon na gawing mas pantay at palakahikin pa ang badyet na siyang susuporta sa ating mga atleta upang maging mas determinado sa pagkamit ng titulong kampyeonato.

Higit pa sa mga gintong medalya at naglalakihang mga premyo, nawa’y hindi natin makalimutan na hindi lamang natatapos sa simpling “congratulations” at mga post sa social

media ang paraan ng pagpapakita na pinapahalagahan natin ang ating mga atleta. Kundi, nararapat din natin na pakinggan ang kanilang mga boses patungkol sa mga hinain na hanggang ngayon ay hindi pa rin na sosolusyunan—katulad na lamang ng kawalan ng maayos na badyet para sa mga pangangailangan ng ating mga atleta. Sa muling pagsampa ng ating mga atleta sa mundo ng pampalakasan, hiling nila ang mas kalidad pang serbisyo na tutugon sa kanilang mga hinaing na para bang pagtitiis nalang ang tanging solusyong nakikita ng mga nasa itaas. Kailanman hindi natin maitatago ang reyalidad na hangga’t ang ating mga atleta ay ginigipit at pilit na pinagtitiis sa maliit na pondo, hindi natin makakamit ang totoong progresibong kinabukasan para sa larangan ng

Dibuho ni Thomas Alminiana

Ipapatuloy na pagharian ang laban.

Ipinakita ng School of St. Anthony (SSA) Men’s Volleyball team ang determinasyong masungkit muli ang kampeonato matapos magtala ng 4-out of-6 win record sa nagdaang mga laban sa Athletics Association for Private Schools (AAPS) District 5 Season 29 nitong Oktubre hanggang Nobyembre 2024.

Ayon kay Coach Jude Barrios, tiyaga at dedikasyon ng bawat miyembro ang susi sa magandang laro na ipinakitang gilas ng pangkat.

“Kailangan talaga yung tiyaga and dedication and number one yung commitment dahil kapag andon ‘yon, lahat magfo-follow na,” aniya.

Malinis na kartada ang ipinamalas ng 18U upang mapasakamay muli ng koponan ang korona, 4-0, sa pangunguna ni Captain Sean Patrick Superio nang kumamada ng 43 puntos, at 11 excellent sets.

Dinagdagan ito ni Opposite Hitter Joshua Bunag ng 30 markers at 18 excellent sets naman ni Setter Kent Guimalan sa 17U Team.

Dinomina ng grupo ang unang laro laban sa Falcon School, 25-8, 25-14 na ginanap nitong Oktubre 5 sa Metro Manila College kasabay ang 17U sa parehong lugar kontra Bethel Christian School, ngunit naunsyami ang paaralan, 15-25, 21-25.

Nanaig muli ang SSA Men’s VB matapos idiskaril ang Holy Child Academy, 25-9, 25-14 at lusutan

ang Sacred Heart Academy of Novaliches, 26-24, 23-25, 25-19 nitong Oktubre 13 at 20 sa Dona Petrona Volleyball Court. Naging mahigpit ang laban ng 17U kontra OLFU nitong Nobyembre 9, ngunit natakasan ng kalaban ang SSA, 23-25, 21-25. Sa kabilang banda, binawi ng 18U at inisahan ang Mother of Perpetual Help School Fairview 26-24,25-19 sa parehong araw. Hindi pa rito nagtatapos ang laban ng koponan. Ayon kay 17U

Captain Guimalan, mas pag-iigtingin nila ang depensa at aayusin opensa ng grupo para sa mga susunod na kakaharaping kompetisyon nang may positibong emosyon dahil para sa kanila, iyon ang sumasalamin sa kanilang laro.

yung performance na ikalalabas ng teamwork nyo,” saad niya.

PINOY PRIDE: Atletang Pinoy na sina Carlos Yulo, Aira Villegas, at Nesthy Petecio, nagkamit ng medalya mula sa Paris Olympics 2024. | Larawan mula sa GMA News. (2024, August 4). Carlos Yulo gets his second Olympic gold medal. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/sports
LANGOY NG PAGWAWAGI: School of St. Anthony (SSA) Swimming Team, nag-uwi ng parangal mula sa ikalawang Coseteng Waves Invitational Swim Series. | Larawan mula kay Sydney Monzon
“Pag masaya ka, magiging masaya laro nyo. Kung nagagalit ka, magiging magulo laro nyo. Kung anong ugali mo na ilalabas sa court, yun rin
BAKBAKAN: School of St. Anthony (SSA) Men’s Volleyball, dinomina ang AAPS 2024 Season 29. | Kuha ni Ranzen Amar
Juliana Quichocho
Jamilla Fernando

Isports

Ano ang iyong kayang ibigay para maiukit ang pangalan mo sa kasaysayan?

Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo upang magbigay karangalan sa iyong bansa? Kung si Carlos Yulo ang iyong tatanungin, ay ibibigay niya ang mahigit isang dekadang dedikasyon, sikap, at sipag upang makamit ang tugatog na kanyang pinapangarap.

Dalawang gintong medalya mula sa isang atleta. Kung sinabi mo ito sa isang Pilipino bago ang taong 2024, tatawagin ka siguro nilang delusyonada. At hindi mo rin naman sila masisisi. Kakalasap lang natin ng ating kauna-unahang ginto noong taong 2021 mula sa tagumpay ng walang iba kundi si Hidilyn Diaz sa larangan ng weightlifting. Marami ang nagdiwang, nagsisigawan, o umiyak sa tuwa. Pagkatapos ng higit sa anim na dekadang paghihintay ay narinig rin ang ating pambansang awit sa pinaka tugatog ng larangan ng palakasan; ang Olympics.

Ngunit sa kabila ng agam agam ng

ay ipinakita ni Yulo na walang tugatog na ‘di maabot kung iyong ibubuhos ang lahat para rito. Nung una ay lumitaw ang mga pagdududa ng nakararami pagkatapos niyang pumalyang makaabot sa top 10 ng artistic individual all around

ang gintong medalya sa floor exercise pagkatapos makakuha ng 15.000 puntos sa kategoryang ito. Pagdiwang doon, pagbati rito, ngunit hindi pa tapos ang Golden Boy ng bansa sapagkat kanya ring nakuha ang ikalawang gintong medalya niya sa vault exercises sa pamamagitan ng 15.116 sa finals ng nasabing kategorya. Ito na ang siyang nag siguro na makikilala siya ng buong sambayanan bilang isang premyadong atleta ng Pilipinas, tulad lamang ni Diaz, Manny Pacquiao, at marami pang iba.

Ngunit ‘di pa tapos ang kanyang laban. Marami pa siyang gustong makamit, may mga bundok pa na aabutin, mga hamon na haharapin, ngunit tulad ng kanyang laban na nagsimula mula sa isang simpleng pangarap, handa niya itong haharapin na buo at may tapang. Kaya naman ngayon palang ay ating ipagbunyi ang karangalang kanyang nakamit, ipagdiwang ang kanyang kalakasan, at kilalanin ang kanyang mga sakripisyo.

Mabuhay ka, Carlos. Patuloy mong ipakita ang ginintuang laban ng isang tunay na Pilipino.

Tila kinukulang sa puwersa ang koponan ng School of St. Anthony Basketball team matapos ang mga larong nauwi sa pagkabigo sa labanan ng taunang Athletic Association for Private Schools (AAPS) 2024 District V Basketball Tournament Season 29 na nagsimula nitong Oktubre.

Binuksan ng 15U ang unang laro ng paaralan sa nasabing tournament at kumolekta ng iskor na 51 laban sa Holy Child Academy na may 76 na puntos nitong Oktubre 5 sa Sacred Heart Academy of Novaliches.

Ayon sa kanilang tagpagsanay na si Coach Neil Alexis Legaspi, “lahat

ay naging maayos simula nang bumalik kami sa pagsasanay. Patuloy pa rin naming sinusubukang ibalik ang aming stamina, pero pakiramdam ko ay maayos naman ang aming naging laro.”

Ang naging laro na ito ay hindi naging magandang pangitain para sa koponan nang sumabak naman ang 17U sa sumunod na laro laban sa defending champions na Sacred Heart Academy of Novaliches.

Natapos ang kanilang laro sa 121-19 na kung saan kapos ng 102 puntos ang mga Anthonian dahilan upang hindi sila makapagtala ng panalo para sa araw na iyon.

Nitong Oktubre 12, sumalang naman

ang 13U laban sa Falcon School na ginanap sa Mater Carmeli School.

Sa parehong araw, muling umapak sa court ang 15U para harapin ang Metro Manila College sa Doña Petrona Basketball Court ngunit bigo pa rin silang makakamit ng panalo lalo na’t naging dikit ang larong ito na tinuldukan sa mga puntos na 62-57. Sa ngayong taon, walang nakatalang laro ang 18U ng paaralan ngunit muling magkakaroon ng laro ang 17U sa darating na Nobyembre 24.

Nangangapa ‘man ay may kumpiyansa pa rin ang kanilang Coach Neil Alexis Legaspi na makababawi pa ang bawat koponan. Ayon sa kanya, “Lahat ay naging maayos simula nang bumalik kami sa pagsasanay. Patuloy pa rin naming sinusubukang ibalik ang aming stamina, pero pakiramdam ko ay maayos naman ang aming naging laro.”

Wika ng slow forward ng 17U na si Dane Walo ay mas pinaiigting ang kanilang mga pag-eensayo lalo na para sa 15U upang sila ay mas maging handa na sa susunod na season.

Smart Sports Foundation Taekwondo Championship Flores,

Dala ang liksi at dedikasyon, nagawang selyuhan ni Fhebie Flores ng 12-Velasquez ang kanIyang unang gintong medalya sa Poomsae Senior Advanced Category sa ginanap na taunang Smart/MVP Sports Foundation noong Setyembre 20-21 sa Baguio City.

Sa tatlong salita inilarawan ni Flores ang kaniyang karanasan sa nasabing laro: motibasyon, kasiyahan, at dedikasyon.

Bukod sa inaasam na pagkapanalo ni Flores, ginawa rin niyang motibasyon ang lugar kung saan ginanap ang kompetisyon dahil lumaki ang atleta sa Baguio.

“Madami akong naramdaman nung

oras na ‘yon. Pero nung nanalo ako, talagang purong kasiyahan ang naramdaman ko dahil naging makabuluhan lahat ng paghihirap at sakripisyo ko. Salamat sa Diyos dahil nagbunga na rin yung pagsusumikap ko at naiuwi ko yung gintong medalya sa SSA,” ani Flores.

Sa tulong ng kaniyang pamilya, teammates, at coaches, nakita at napatunayan niya na talagang tiyaga para manalo at dedikasyon para sa napiling sport ang naging kaibahan niya sa mga naging kalaban.

Samantala, kumasa naman sa Kyorugi Event ang mga Anthonian

ANG PAGLALAYAG

TOMO XXX • ISYU 1 • S24 • HUNYO 2024 - ENERO 2025

OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SCHOOL OF ST. ANTHONY, LAGRO, DIBISYON NG QUEZON CITY, PAMBANSANG PUNONG REHIYON

kung saan nagkamit ng silver si Brenden Mendoza ng 8-Malvar, at bronze medal si Woosung Kang sa Cadet and Advanced Category.

Sa ilalim pa rin ng Kyorugi Event, nagkamit naman ng bronze medal si Jiela Baylon ng 8-Nakar sa Novice Category, habang si Sophia Alcantara naman at nakakuha ng silver sa Junior and Advanced Category.

Patuloy na nagsisilbing inspirasyong si Flores sa Anthonian athletes upang ipagpatuloy ang kanilang pageensayo sa larangan ng pampalakasan bilang mga susunod na atleta ng Pilipinas.

PANGMALAKASAN

NINGAS

Karangalan at medalya – hindi lamang ‘yan ang dala ng mga atleta sa ating bansa. Baon din nila ang siklo ng paghasa sa kanilang abilidad sa naturang larangan. Ipinakita ng gold medalist na sina Carlos Yulo at Hidilyn Diaz na kayang makipagsabayan ng mga Pilipino sa pinakamalaking paligsahan sa isports – ang Olympics. Ngunit, kalakip ng pasyon nilang manalo ay ang siya ring kabaluktutan ng nakatataas na dinggin ang kanilang pangangailangan bilang manlalaro.

Matatandaang umugong muli ang ngalan ng ating bansa sa Olympics nang makamit ni Yulo ang gintong medalya sa artistic gymnastics men’s floor ngayong taon. Atletang sumunod sa yapak ni Diaz na siyang kampyeonato sa weightlifting noong 2020. Kakatwang sa apat na taong pagitan ng dalawa, ay tila walang pagbabago sa suportang inilalaan ng gobyerno para sa mga manlalaro ng ating bansa. Nariyan nga ang pagbuhos ng mga gantimpala ng gobyerno at mga naglalakihang korporasyon na sinasamantala ang publisidad, at mga Pinoy na kabilaan ang pagpopost sa social media. Subalit, nasaan nga ba ang tunay na suporta?

Matatandaang hinain ni Bong Go, Chairperson ng Senate Committee on Sports, na kailangang maitaas ang badyet ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Games and Amusements Board (GAB). Ngayong taon, matagumpay na naitulak ni Go ang badyet ng PSC mula P174 milyon tungo sa P1.156 bilyon. Ayon sa kaniya, ang naunang proposed budget ay sumasatutal lamang sa 0.004% ng P5.768 trillion national budget ng ating bansa. Napakalaking sampal nito sa mga manlalaro at organisasyong nais mapataas ang kalidad ng pag-eensayo sa bawat nararating na kompetisyon. Napakataas ng ekspektasyon ng pamahalaan na manguna ang ating bansa sa larangan ng pampalakasan gayong kakarampot naman ang atensyong inilalaan nila sa mga atleta – nararapat lamang na ilagay nila ang pera kung nasa’n ang kanilang kuda.

Sa inilabas na badyet para sa susunod na taon, tila urong-sulong muli ang progreso ng ating sistema.

Mula sa P1.156 bilyon ay muling bumaba ang inalokang badyet para sa sektor ng isports – ano ang kayang punan ng P725 milyon lalo pa’t hindi nga gaanong ramdam ang epekto ng bilyones na pondo ngayong taon? Mula sa kakulangan sa mga pasilidad, mga sports centers, at tagapag-sanay, doon pa lamang ay nangungulelat na ang

ating bansa.

Tanging nag-aalab na ningas ng mga manlalaro na lamang ang siyang nagaangat ng ating posibilidad na manalo.

Mula sa 37 na bahagdang ibinaba ng badyet para sa taong 2025, kumpara ngayong taon, masasabi nating implikasyon din ito kung kaya’t walang konkretong programang nailalaan sa bawat atleta upang mahasa ang kanilang mga kasanayan mula musmos pa lamang. Naturang dahilan din ang kakulangan sa pondo kung bakit nabibigyang atensyon lamang ang paghahanda sa kompetisyon sa tuwing nalalapit na ito; bunga rin nito ang pagiging hilaw ng ilang indibidwal sa piniling larangan.

Humupa man ang selebrasyon at kabilaang congratulations, kailanma’y hindi dapat mawaglit sa ating isipan ang tunay na simbolo ng medalyang naiambag nila – simbolo ito ng kanilang katatagan at tiwala sa sarili, maging ang repleksyon ng dekadang paghahanda makatapak lamang sa plataporma ng inaasam na paligsahan. Hindi utang na loob ng mga manlalarong ito ang baryabaryang subsidiya, lalo pa’t ang pagkilalang dala nila sa bansa ay hindi matutumbasan ng anumang salapi. Itigil na natin ang kaipokritahang namumutawi sa ating sistema. Hindi medalya ang basehan ng pagkilala, kundi ang kanilang mga abilidad mismo bilang atleta.

Panawagan ito hindi lamang sa gobyerno kundi sa sambayanan mismo. ‘Wag kang lubog litaw, lalo na’t marami pang atleta ang hindi pa nasasagap ng lente ng midya, na siyang nangangailangan ng agapay at suporta mula sa bansang kanilang inilalaban. Nawa’y hindi natin sila maalala tuwing nakauuwi lamang sila ng bagong medalya. Mahalaga ang papel ng larangan ng isports lalo na sa paghubog ng identidad at talento ng bawat munting supling na nangangarap na dalhin ang ngalan ng ating bansa. ‘Wag mong upusin ang nag-aalab na ningas nilang lumaban at iuwi ang kampeonato sa ating bayan.

MASIGASIG: Ipinamalas ng mga Anthonian ang kanilang sigla at liksi sa iba’t ibang palarong Pinoy bilang bahagi ng pagdiriwang sa Buwan ng Wika: Wikang Mapagpalaya nitong ika-30 ng Agosto 2024 na ginanap sa court at open area ng paaralan. | Larawan mula kay Dave Dumaguin

Jhay Roberto PULSO NG KABATAAN, PAHAYAGAN NG KATOTOHANAN
MATIKAS: School of St. Anthony Men’s Basketball Team buong pusong lalaban para sa inasam-asam na titulong kampyeonato. | Kuha ni Ranzen Amar
Sa usaping tungkol sa Karangalan ng Atletang Pilipino
Jasmine Galendez

ANG PAGLALAYAG

TOMO XXX • ISYU 1 • S24 • HUNYO 2024 - ENERO 2025

OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SCHOOL OF ST. ANTHONY, LAGRO, DIBISYON NG QUEZON CITY, PAMBANSANG PUNONG REHIYON

KAMPEONG OPINYON

KINUKULANG

Sa usapin tungkol sa Varsity Teams at Sports Programs

Fernando

Kung sa tao ay maituturing na kambal na salita na ang “pursigido” at “determinado.” Hindi na bago ang mga salita na ito at lagi’t lagi natin itong maririnig lalo na sa mundo ng pampalakasan. Bukambibig ng milyun-milyong atletang Pilipino na walang ibang hinangad kung hindi ay maka-selyo ng panalo sa bawat kompetisyong kanilang dadayuhin. Pero sapat ba ito para makapag-uwi ng gantimpala sa pangalang ibinabandera mo sa lahat ng paligsahang iyong sasalihan? Sapat ba na pursigido at determinado lang ang baong meron ka?

Sa School of St. Anthony (SSA), lahat ng isports ay matatagpuan mo. Bawat Anthonian ay may tinatanging husay sa kung ano mang isports ‘yan. Bawat isports rin ay may kalakip na mahusay na tagapag-payo o coach na siyang umaalalay sa mga Anthonian na may nais patunayan. Hindi lahat ng isports ay naitatag sa SSA pero bawat isang Anthonian ay tinataglay ang mga isports na hindi nakatatag. Sa ngayon, mayroong anim na varsity teams na nakatatag sa paaralan. Ito ang Swimming, Badminton, Basketball, Volleyball, Taekwondo, at Chess.

Pagkatapos ng klase, hindi pa tapos ang araw ng mga atletang kumakayod para sa iisang misyon – manalo. Hindi lubos maiisip ang kayod na ginagawa ng mga Anthonians tuwing haharapin ang panibagong araw bilang isang atleta. Hindi madali pero kinakaya. Bawat araw, hindi lamang natatapos ang araw nila sa walong oras na pag-aaral. May tatlong oras pa silang haharapin para mas pagtibayin ang kanilang kakayahan sa isports na kanilang napili.

Ngunit, sa paulit-ulit na ikot ng buhay nila na ganito, hindi ito nagiging sapat para makapag-uwi sila ng limpak-limpak na panalo. Mayroon silang pagpupursigi

at pusong determinado sa bawat hamong kanilang tinatarak ngunit kinukulang ito. Ano pa nga bang kulang? Sapat nga ba ang pagkakaroon lamang ng determinisyon at pagpupursigi?

Sa mga nagdaang buwan, nangangapa ang mga varsity teams kagaya ng Basketball at Volleyball dahil sa kakulangan sa preparasyon, ensayo, at paghahanda. Hindi rin kagandahan ang imaheng idinadala nila sa paaralan. Mayroon silang determinasyon at pagpupursigi ngunit hindi ito sapat kung isasalang sila sa apat na sulok ng court. Hindi sapat na isinasaisip lang nila ang dalawang salitang paulit-ulit na binabanggit. Kinakailangan may kalakip itong aksyon. May kalakip itong pagkilos. Kumbaga, kulang sila ng disiplina, pangako sa sarili, at pangako sa paggawa. Hindi sapat na utak at puso lamang nila ang kikilos sa bawat hamong nakaratang sa hinaharap nila. Kahit sabihing sapat ang hatid na tulong ng paaralan sa kanilang mga hangarin, kukulangin pa rin ito kung wala silang disiplina. Sa mundo ng pampalakasan, kinakailangang isinasabuhay mo ang pagiging disiplinado, determinado, pursigido, at pangako sa sarili at sa paggawa. Kung wala ang isa sa mga ito, para saan pa ang lahat ng pagod? Laging may hahanapin kung

Egar

Tuloy-tuloy na panalo ang dinadala ng School of St. Anthony Swim Team sa paaralan nang muli sila makapag-uwi ng panalo sa katatapos lamang na Speedo National Inter-School Swimming Championship nitong Enero 25 sa Rizal Memorial Sports Complex sa pangunguna ng kanilang tagapag-sanay na si Ivan Marcelo.

Hinirang ang Girl’s Team ng Swimming Team bilang Third Overall Champion na kinabibilangan nina Dionne Carreon, Julianna Emmanuel, Emmanuelle Ramirez, Shekinah Soriano, Kendall Velez, Amanda Faral, Savannah Velasco, Julianne Enconado, at Leyna Montealegre. Bukod dito, kumolekta ng 11

Atletang Anthonians, aabante sa NCR Palaro

Sa paaralan o maski sa pang-malawakang kompetisyon, hinding-hindi magpapatinag.

Ibabandera ng mga atleta mula sa koponan ng Taekwondo at puwersa ng Swimming ang School of St. Anthony para sa nalalapit na National Capital Region (NCR) Palaro 2025 sa Marso 17 - 21 na gaganapin sa Muntinlupa City at Valenzuela City.

Sa ginanap na District Meet ay naka-selyo ng gintong parangal sina Kang Soojung ng 6 - Mapitagan at Samuel Donozo ng 6 - Mapagmahal dahilan upang sila ay umabante sa malawakang pang-rehiyon na paligsahan sa Taekwondo.

Ayon sa kanilang Team Captain na si Fhebie Flores, “Talagang sobrang saya ko kasi onting kembot nalang nila is makakalaban na sila sa

Palarong Pambansa. Sobrang proud ako sa dalawang batang ‘yon kasi ang gagaling talaga nila and may tiwala ako sa mga kakayahan nila basta ay maniwala lang sila sa mga sarili nila.” Hindi naman nagpatinag ang Swimming team at magdadala rin ng limang delegado sa nasabing kompetisyon.

Matapos makapag-uwi ng gintong medalya sa Divisions Meet ay aabante

sina Marielle Ramirez, Dionne Carreon, at Merice Soriano ng 4 - Matiwasay at sina Kendall Velez at Noah Pastoral ng 5 - Mapagkandili para sa NCR Palaro 2025.

“Masaya at nakatutuwa dahil nakatungtong sila sa NCR habang bata pa sila. Hindi madali balansehin ang pag-aaral at swimming kay mas nakatutuwa sila.”, saad ni Nicolette Delos Santos na Team Co-Captain ng Swim Team.

Kung papalarin ay lilipad ang mga atleta patungo sa Palarong Pambansa at ibabandera ang kanilang mga pangalan sa mas malawak at mas malaking kompetisyon.

Alcantara, kinubra ang Tansong Medalya sa National Taekwondo Meet

gintong medalya ang Swim Team sa pangunguna nina Vaughn de Leon, Leyna Nouvelle Montealegre, Nerice Sorian, Lance Reyes, Kendal Velez, Althea Asilo, Agatha Macalino, Adam Buendia, Calix Flores, at Wyatt Reyes. Nakalipon din ng 12 na pilak na medalya ang koponan na kinolekta nina Emmanuelle Ramirez, Johann

Larawan mula sa SSA Taekwondo Team

Nakamit ni Anthonian Quezon City Batang Pinoy Representative Ilse Sophia Alcantara ang tansong medalya sa Junior Female Kyorugi category sa ginanap na Batang Pinoy National League Taekwondo Meet 2024 nitong ika25 ng Enero sa Puerto Princesa, Palawan.

Sa kabila ng kanyang pagaalinlangan bago ang kompetisyon, pinili niya na lumaban at ipagpatuloy ang kaniyang sinimulan.

Karsten Villa, Sydney Monzon, Vaughn de Leon, Lance Reyes, Juan Alejandro, Nicolette Delos Santos, Celine Badiola.

Para naman sa tansong parangal ay nakakuha ang koponan ng nasa kabuuang 21 na medalya na siyang nagmula rin sa mga pangalang nabanggit.

Matatandaang sunod-sunod na rin ang panalo, medalya, at titulong dinadala ng SSA Swim Team sa paaralan, isa lamang ito sa mga kompetisyong kanilang binigyang ingay na talaga namang bunga ng kanilang araw-araw na preparasyon.

Bukod sa paghahanda para sa NCR Palaro 2025 ay naghahanda na rin ang Swim Team sa kompetisyong lalahukan nila sa Phuket, Thailand sa darating na Pebrero 21-23 para sa isang Invitational Meet.

“I had a lot of ‘What ifs?’ that mentally challenged me and made me

hesitant to partake in the event,” aniya. Bagama’t siya ang may pinakamababang belt rank sa kanyang kategorya, hindi ito naging hadlang upang ipakita ang kanyang husay dagdag pa ang suporta ng mga taong nakapaligid sa kaniya.

“With the help of my QC teammates, SSA teammates, family and friends, and the school, I was able to show my full efforts and best kicks in my fight,” saad niya.

Hindi lamang medalya ang kanyang naiuwi kundi isang mahalagang aral sa pagiging atleta—na ang sipag, tiyaga, at paniniwala sa sarili ang tunay na susi sa tagumpay. Ang karanasang ito ay nagsisilbing inspirasyon sa kapwa student-athletes na harapin ang anumang pagsubok nang may tapang at determinasyon.

Jamilla Fernando
PALABAN: Atleta ng School of St. Anthony na todo-pwersang nakipagbakbakan para sa pangarap at dangal ng paaralan. | Larawan mula sa SSA Swim Team at Taekwondo Team
NGITING WAGI: Sophia Alcantara, na nagpapatunay na walang imposible kung may determinasyon at pagmamahal sa isport. |
Genela Nicolas
Dennis
INSPIRASYON: Husay ng Batang Pinoy Representative na nagbunga ng matamis na tagumpay | Larawan mula sa SSA Swim Team

ANG PAGLALAYAG

PULSO NG KABATAAN, PAHAYAGAN NG KATOTOHANAN

ISPORTS

Tunay kong ipinagmamalaki ang pagtuntong sa antas na ito, kung saan nagawa kong katawanin at ibandera ang ating bansa.

Jamilla Fernando Sundan sa pahina 16

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.