SINAG TALA 2024-2025

Page 1


Sa gitna ng patuloy na pagsusumikap ng mga estudyante at guro sa bansa, ibinunyag ni Ross Bea Pao, SSLG President ng SMCHS, ang kanyang mga saloobin at hinaing patungkol sa kasalukuyang sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

“Bagamat marami ang mga positibong hakbang na ginagawa ang gobyerno upang mapabuti ang sektor ng edukasyon, nananatili pa rin ang mga malalaking isyu na patuloy na nagpapahirap sa mga magaaral.”

Isa sa mga pangunahing hinaing ni Pao ay ang

kakulangan sa mga makabagong pasilidad at kagamitan sa mga pampublikong paaralan, na siyang nagpapahirap sa mga guro at mag-aaral na mag-perform nang maayos.

“Kung titingnan natin, maraming paaralan ang walang sapat na mga gamit, lalo na sa mga siyensiya at teknolohiya,” ani Pao. “Ito ay nagiging sagabal sa edukasyon ng mga kabataan, na

may karapatan sa de-kalidad na pagkatuto.”

Ayon sa kanya, ang mga estudyante ay madalas na nabibigatan sa mga akademikong pressure at personal na isyu, ngunit hindi sapat ang mga programa na makakatulong sa kanilang emosyonal at mental na kalusugan.

Sa kabila ng mga hinaing na

ito, hindi nawawala ang pag-asa ni Ross Bea Pao na magbago ang sistema ng edukasyon, “Nasa kamay natin ang kinabukasan ng edukasyon sa bansa. Kung magtutulungan tayo, tiyak na malalampasan natin ang mga pagsubok na ito,” pagtatapos ni Pao.

• Jasmine Gata

Pinalawig ang mga patakaran at pagpapaunlad sa mataas na paaralang ng Southern Mindanao Colleges ni Dr. Albren V. Echin, na naglalayong mapatibay at mas mapaigting ang kalakaran ng Edukasyon sa taong 2024-2025.

Ayon kay Dr. Albren Echin, “Nais kong magkaroon ng napaka masaganang Edukasyon ang bawat mag-aaral kaya sa paraang ito, mabibigyan natin sila ng karampatang mga layunin bilang isang estudyante.”

“Sana’y maging matagumpay ang hakbang na aming isinagawa upang mas magkaroon ng disiplina ang bawat estudyante ng ating paaralan tungo sa kanilang magandang kinabukasan.”

Dagdag pa niya na ito’y para sa kapakanan ng bawat estudyante, pagkakaloob ng karampatang pagdidisiplina at pagpapalawig ng mga patakaran para mas maging responsable sa kanilang bawat paghakbang bilang isang mag-aaral.

Tumaas ng 10% ang datos ng enrollment ng Junior High School na naglalayong mas lumalakas ang paghimok sa mga estudyanteng kabilang na ang mga tagapagturo ng Southern Mindanao Colleges sa taong 2024-2025.

Isa sa mga dahilan ng pagtaas ng datos ng enrollment ay ang pagpapatayo ng mga bagong gusali, pagbibigay ng mga scholarship at ang pagbaba ng tuition fee dahilan para mas ganado at mas mapagaan ang pag-aaral ng mga estudyante sa nasabing paaralan.

Ayon pa kay Ma’am Mar Bianca Paulo, Junior High School Registrar na “Masaya ako na malamang tumaas ng 10% ang enrollment ngayong taon dahil mas maraming opurtunidad

ang maibibigay at mas maraming aktibidad ang pwede nating masalihan.”

Sinabi pa niya na isa ito sa nagpapatunay na mas lumalakas ang ating paghimok sa mga estudyante dahilan na rin ng mga opurtunidad na ating inilalabas at ibinibigy sa kanila na sigurado naman akong makakatulong sa kanilang pag-aaral rito. “Sana’y magtuloy-tuloy pa ang pagtaas ng enrollees at mas

mapalakas ang daloy nito para magkaroon ng masaganang pagaaral ang mga estudyante,” saad pa ni Ma’am Paulo.

Dagdag pa niya na ito’y resulta ng pagpupursige at dedikasyon ng mga Administrasyon kasabay ng mga tagapagturo ng nasabing paaralan para makalikom ng ganito ka taas na increase rate.

“Kaya gayon nalang kami ka saya dahil alam naming may

malaking tiwala ang mga magulan ng mga estudyante na dito sa aming paaralan, mas makakapag-aral ng magaan at mabuti ang kanilang mga anak,” pagwawakas pa niya.

Gayunpaman, ito’y patunay lamang na ang dedikasyon at pagpupurisge ng mga tagapagturo at staff ng nasabing paaralay mas lumalakas lalo na ang kanilang taglay na paghimok sa iba dahilan para mas lalong dumami ang mga mag-aaral ng SMC.

Gayunpaman, ito’y isang patunay lamang na ang pagiging estudyante ay hindi lamang nakabatay sa katalinuhan ng isang mag-aaral kundi naiimpluwensiyahan rin dito ang kanilang mga pag-uugali at kung paano sila maging responsable at disiplina sa bawat hakbang na kanilang tinatahak.

• Jasmine Gata

RCY, Nagpahalaga Sa Pagtulong

Sa Kapwa, Nakilahok Sa

National CPR Day

Pagpapalaganap ng Kaalaman sa CPR, Pinangunahan ng Kabataang Red Cross Volunteers ng Southern Mindananao Colloeges high School

Nakilahok ang SMCHS RCY volunteer sa National CPR Day sa Plaza Luz Covered Court, Pagadian City noong July 17, 2024 sa ganap na alas nuwebe ng umaga kasama ang temang “A CPR Ready Philippines: Where Knowledge and Skills Save Lives”. Ang nasabing kaganapan ay nilahokan ng iilan sa mga volunteer sa paaralang smchs rcy. Hindi lamang sa paaralan na ito pasama narin ang paaralang SCC, PagSci, HCA at iba pa. Ang kaganapang ito ay sinimulan sa paglista ng mga pangalan sa mga lumahok, at ang pagbibigay ng mga gamit ng mga opisyal o ang nakatalagang mamigay sa mga RCY Volunteer.

Sinimulan ito sa pagpapasok ng mga volunteer dala ang kanilang mga gamit na gagamitin tulad na lamang ng galon na gagamitin bilang estatwa na e c-cpr. Nang makapasok ang lahat ay agad na sinimulan sa pag awit ng pambanswng awit at sinundan ng panalangin.

Pagkatapos, agad itong sinundan sa pagpapakilaka ng guest speaker at ang pagbibigay mensahi ng guest speaker para sa lahat ng nakiisa . Pagkatapos ng lektura agad itong sinundan ng pag de-demo ng mga dapat gawin sa tuwing mag c-cpr ng pasyente. Malaking pagkakataong ibinigay sa SMC Red Cross Youth Council ng Red Cross Zamboanga del Sur sa pangunguna ni Sir Luther Villaflores Jr sa taunang pagdiriwang na ito ng National

Mabuhay ang mga kalahok sa National CPR Day! Isang araw ng pag-aaral at paghahanda para sa pagsagip ng buhay. Hali na at tayo’y matuto.

CPR Day ! Masayang nakilahok ang lahat sa pag demo ng mga gawain dahil madali nila itong natutunan.

“May makukuha ang mga RCY Volunteer sa kaganapan na ito sapagkat ito ay maktutulog sa kanila upang mas maging reponsable at mas maging mabuting tao sa hinaharap mas mabuting sa ganitong edad ay mag karanasan o may stock knowledge na sila kung papaano gagawin ang mga bagay na ito” ani ng isa sa mga official volunteer ng rcy. “

Ang SMCHS RCY ay kumikilos sa Pambansang Araw ng CPR, nagliligtas ng mga buhay nang paisa-isa!” ani ng adviser ng RCY sa SMCHS na nagpapahiwatig na ang makukuha nilang kaalamn dito ay magagmit nila sa pagtulong ng isa’t isa.

• Chrezylle Palgan

Pagbukas ng local na palakasan

Pagadianons Umaarangkada sa Pagbukas ng Asenso Cup 2024

Masiglang simula, ipinamalas ng Pagadian sa prestihiyosong basketball tournament.

Ipinatupad na ang Asenso Cup 2024 opening sa ilalim ng pamamahala ng City Government na pinangunahan ni Mayor. Samuel S. Co na ginanap sa Pagadian Gym.

Ugnayan ng Guro at Mag- aaral, Ipinagtibay

Hatid ng mga estudyante ng SMCHS ang kakaibang sigla at galing sa indakan, inspirasyon mula sa P-pop idols na BINI at SB19.

Isinagawa na ng Southern Mindanao CollegesHS Department ang Acquaintance Party ‘24 na ginanap sa SMC College Skyroom, Lungsod ng Pagadian, ika-30 ng Agosto taong kasalukuyan na may temang “BINI X SB19”.

Sinimulan ang nasabing pagdaraos ng panalangin kasunod nito ang pag-awit ng Pambansang Awit sa pamamagitan ng Multimedia na Presentasyon.

Sa kabilang banda, nagbigay ng mensahe si Dr. Albren V. Echin EdD. ng pambungad na pananalita na “Let’s enjoy the rest of the night and socialize more to foster friendship and camaraderie.”

Dagdag pa niya na sulitin ang gabi, mag-enjoy, makisalamuha sa iba, at huwag sayangin ang bawat

sandali.

Nagtapos ang nasabing pagdaraos sa isang masaya at nakaaaliw na sayawan ng estudyante at guro, na papagkatapos ay kanya-kanyang umuwi ng masaya at puno ng bagong alaala.

Sa kabila ng mga tawanan at kasayahan, naging pagkakataon din ito upang makabuo ng bagong pagkakaibigan at maging mas mapalapit pa ang bawat isa.

Sa huli naging matagumpay ang nasabing pagdaraos ng Acquaintance Party ‘24, kung saan naging isang di-malilimutang karanasan ito para sa lahat ng dumalo.

• Michelle Layaguen

UTAK.BOLPEN.PAPEL

MSU, Nagbigay Pagkakataon Sa Mga Mag-aaral, Naglunsad Ng MSU-SASE Examination

Pagadian City, Sta. Maria District Bilang Sentro ng Tagumpay sa Pagsusulit

Inilunsad ang Mindanao State University System Admission and Scholarship Examination noong December 1, 2024 sa ZSNHS, Sta. Maria District, Pagadian City sa ganap na alas siyete at alas diyes ng umaga.

Ang nasabing kaganapan ay nangyar sa buong MSU-SASE TEST CENTERS at kasama na rito ang paaralang nabanggit kanina na pagdadauswn ng nasabing programa. Ito ay nilahokan ng iba’t ibang mag-aaral na galing din mismo sa iba’t ibang paaralan at ang tanging makaka-exam lamang ay ang mga natanggap sa Application record.

“Lisuda sa Math uy” ani ng isang mag-aaral na kakatapos lamang sumagot ng exam at mukhang ito ay problemado sa kanyang mga sagot.

Ayon sa mag-aaral na iyon, marami raw ang nagreklamo patungkol sa mga tanong sa Mathematics dahil daw ito ay napakahirap at mahirap itong

intindihin. At ang kanyang ekspresyon ay nakita ng iba pang hindi pa nakapagtake o naka-exam.

“Sayon ra? Kaya ra?” ito ang mga naging tanong ng karamihan sa tuwing may makikita silang kakatapos lamang mag exam dahil sa mukha pa lamang ay parang mahirapna talaga.

Ayon sa kanilang instructor, mas mabuting mas pag-igihan ang pagsagot upang makapasa at makakuha ng oportunidad, para sa

kanilang sarili at para ma qualified sa kanilang paaralan.

Sa mga katagang binitawan ng mga instructor sa mga mag-aaral na sumasagot, ay ayon sa kanila ito ay naging inspirasyon o motibo para mas pagbutihin ang pagsagot sa mga test questionnaire para maka kuha ng mataas na puntos at maging kwalipikado.

• Chrezylle Palgan

Datos ng implasyon patuloy ang pag-akyat

LABAN SA PAPEL, PARA SA PANGARAP MSU-SASE entrance exam. Bawat sagot, mahalaga. Tiyaga at talino ay kailangan

PAGTITIPON NG BAWAT MANLALARO. Isang pagtitipon ng mga batang manlalaro ng basketball, kasama ang kanilang mga tagasuporta. Nagpapakita ito ng kahalagahan ng sportsmanship at teamwork.

Ang nasabing programa ay nilahukan ng mga mahuhusay at mabagsik na mga manlalaro kasabay ang kanilang mga tagapagturo na nanggaling sa iba’t-ibang paaralan sa Pagadian City.

Ayon pa kay Hon. Samuel S. Co, “I am very happy to see many Student Athletes from different schools to participate in our activity, I hope as we start this game, the Camaraderie and Friendship will always be on top.”

Dagdag pa niya na mahalaga ang pagkakaisa ng bawat isa upang maging matagumpay ang nasabing programa at mag resulta sa magandang laban ng bawat isa.

“Ako ay lubos na humahanga sainyong determinasyon at kakayahan bilang isang atleta na patuloy na nag e-ensayo para mas lalong gumaling,” saad pa niya.

Dagdag pa niya na sana’y mangibabaw ang pagiging mabuting tao at manlalaro dahil ito ang pinaka importante sa lahat at maipakita sa lahat na ang Pagadianons ay may talento.

Gayunpaman, ito’y nagpapatunay lamang na mas lumalawak na ang mga opurtunidad na nabibigay ng pamahalaan sa bawat isa lalo na sa mga batang atleta para mas mapalawak at mapaibayo pa ang kanilang kakayahan.

• Jasmine Gata

Pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, nananatiling hamon sa ekonomiya ng bansa.

Patuloy ang pagtaas ng datos ng implasyon dahilan para magresulta sa iba’t ibang epekto ng pamumuhunan, kita, pag-iimpok at balanse ng kalakalan na patuloy na nakakaabala sa mga mamamayan.

Base sa naitalang ulat, ang rate ng implasyon sa taong 2013 ay 2.6, 2014 ay 3.6, 2015 ay 0.7, 2016 ay 1.13 at 2017 ay 2.9.

Samantala, ang implasyon ay nagmumul sa iba’t ibang espikisibong kadahilanan katulad ng Demand Pull Inflation, Cost-Post Inflation, Import-Induced Inflation, Profit Push Inflation at Currency Inflation.

Ayon pa sa ulat, ang Philippines annual inflation rate rose ay nagtala nang 6.4% sa buwang Agosto sa taong 2018 kumpara sa nakaraang buwan

na 5.7% lamang. Samakatuwid, ang implasyon ay ang patuloy na pagtaas ng pagkalahatang presyo ng mga bilihin sa ekonomiya.

Ayon sa batas ng supply, ang pagtaas ng kita ang magiging sanhi sa pagtaas ng bilang ng suplay.

Base kay Gustav Casell, kung may pagbaba sa panloob na halaga ng salapi, ang panlabas na halaga ng salapi ay bababa din at kung ang panlabas na halaga ng salapi ay bababa dahil sa implasyon, ang panlabas na salapi ay bababa din dahil naman sa halaga ng palitan.

Gayunpaman, ang nasasabing patuloy na pagtaas ng implasyon ay nakabatay pa rin sa takbo ng daloy ng ekonomiya sa bansa.

• Jasmine Gata

Habang patuloy ang pagtaas ng datos ng implasyon, mas lalong nararamdaman ng bawat isa ang bigat ng bawat sentimo, na nagsisilbing paalala na ang hamon ng ekonomiya ay hindi lamang sa mga numero, kundi sa araw-araw na pamumuhay ng bawat mamamayan.

Proyekto para sa Kalsadang Pang-Agrikultura, Inaprubahan

Pagpapatibay sa imprastraktura upang palakasin ang agrikultura at lokal na ekonomiya.

Paglagda ng Pagbabago

Sina Hon. Victor J. Yu at Engr. Marcos C. Aves, Sr. ay naglagda ng isang mahalagang kasunduan para sa ikauunlad ng bayan.

89.9 B Pondo ng PhilHealth, Nakasakamay sa Gobyerno”

Kontrobersiya sa pamamahagi ng pondo, nagdulot ng mga tanong at reaksyon mula sa publiko.

Napasakamay sa Ahensya ng Gobyerno ang 89.9 bilyong pondo ng Philhealth na ang paglipat nito ay ayon sa probisyon ng 2024 General Appropriations Act nag nag-awtorisa sa paggamit ng pondo ng Philhealth para sa unprogrammed na aktibidad.

Marami ang hindi sumang-ayon sa aksyon na isinagawa ng Gobyerno dahilan para maglabas ng maraming saloobin ang mga netizens.

Ayon kay Senator Chiz Escudero, “Ang Philhealth ay kayang magapatuloy sa pagbibigay ng serbisyo kahit na walang subsidy mula sa Gobyerno dahil sa malaking reverse fund na PHP600 bilyon.”

Dagdag pa sa isang guro ng SMC, “Hindi talaga kami sang-ayon sa ginawa ng Gobyerno dahil parang

tinanggalan kami ng karapatan na makaramdam ng mga sakit at makapag pahinga.

“Sana ay malaman nila kung ano ang magiging epekto nito sa nakakarami dahil ito ay mag reresulta talaga sa hindi pagkakaunawaan at pagkakasundo ng lahat,” saad pa ng isang guro sa SMC.

Sinabi pa niya na sana’y maibalik ang dating pondo para kung sakaling mangailangan ang mga taong walang sapat na pera ay matutulungan kaagad para maging magaan sa kanila ang bayarin.

Gayunpaman, ito’y nagpapatunay lamang kung gaano karami at ang mga katiwaliang nangyayari sa Ahensya ng Gobyerno.

• Jasmine Gata

Ipinakaloob, budget P69-M

Gobyerno, pananagutin sa pondo ng Pilipino!”

Nasiguro ang pag-apruba ng Provincial LGU ng Zamboanga Del Sur sa P313 milyong piso para sa Proyekto ng kalsadang pang-agrikultura na kung saan matutulungan ang mga lokal na mamamayanan.

Ang proyektong ito ay nasa ilalim ng Department pf Agriculture’s Philippine Rural Development Project Scale-up.

Nagpasalamat sina Governon Victor J. Yu, Congresswoman Divina Grace Yu, at Mayor ng Dinas Eleazer Asoy sa Kagawaran ng Agrikultura sa suporta sa proyektong naglalayong mapabuti ang transportasyon, pagpapataas ng produktibidad sa agrikultura, at pagpapabuti ng buhay ng mga lokal na magsasaka at

DI KAMI MAG PAPATALO.

residente. Ayon kay Government Victor Yu “ Nagpapasalamat ako sa Depeartment of Agriculture sa kanilang mabilis na aksyon at suporta para sa proyektong ito”.

Dagdag pa niya malaking tulong ito sa lokal na pamayanan dahil madadag-dagan ang mga proyekto at establisyemento ng komunidad.

Mayroon nang nagawang

Naging kampeon ang isang BENCH CHEERING na nagmula sa high school department. Ayon sa kanilang mga tagasuporta, ang kanilang mga ngiti at tagumpay, sila ang tunay na kampeon.

malaking benepisyo ang similar farm to market road projects ng Zamboanga del Sur tulad ng 18.22-kilometrong kalsada sa Barangay Parasan, Molave.

Gayunpaman ang proyektong ito ay nagresulta sa pagpapabuti ng mga operasyon sa agrikultura, pagbawas ng gastos sa transportasyon ng 70%, at paglago ng socio-ekonomiko ng mga lokal na komunidad.

• Michelle Layaguen

BOSES ANG SANDATA

Bench Cheering, Pinarangalan sa Tagumpay: Isang Matagumpay na Pagdiriwang ng Pagsuporta at Pagtutulungan

Isang Tagumpay na Nagbigay Karangalan sa Paaralan sa Larangan ng Pag-cheerleading City Government, Ipinagkaloob ang P69M para sa Pagpapaunlad ng Pagadian City

Layunin ng pondo na mapabilis ang mga proyekto para sa paglago at kaunlaran ng lungsod.

Nagkaloob ang City Government ng nagtatayang PHP69 milyong piso para sa pagpapaunlad ng Lungsod ng Pagadian na kung saan para mas mapalawak ang lokal na industriya.

Ang mga proyekto nito ay katulad ng water park, mountain top view-deck at mg kalsadang papunta sa mga water falls.

Kabilang na rito ang sikat na dinadayo na Plaza Luz na kung saan sari-sari ang pwedeng mabilhan at makain na mga bagong mga pagkain at mga disenyo

Isa pa rito ang tinaguriang Manga Falls na two tier waterfalls na kung saan pwedeng magtampisaw

para maging stress reliever ng iba.

Dagdag pa dito ang pasyalang Mt. Palpalan na may taas na 684 foot high at dito, pwede kang makipag pasyalan kasabay ang iyong mga mahal sa buhay.

Samantala, isa itong patunay na patuloy na gumagalaw ang ating mga opisyal para magtayo ng iba’tibang pasyalan sa ating Lungsod para tuluyang maging maganda ang ating komunidad.

Gayunpaman, ito’y resulta ng kanilang dedikasyon at determinasyon na mabigyan ng magandang komunidad ang mga mamamayan.

• Jasmine Gata

“ Sa pamamagitan ng matibay na pagkakaisa at malasakit ng lokal na pamahalaan, ang Pagadian City ay patuloy na nagtataguyod ng mga proyektong magpapalago at magpapabuti sa kalagayan ng bawat mamamayan, kasabay ng pagpapalakas ng mga imprastruktura at serbisyo publiko upang makamtan ang isang mas matagumpay at masaganang kinabukasan.

Nasungkit ng Southern Mindanao Colleges

High School Department Bench Cheering and magkabilaang kampeonado dahilan ng kanilang dedikasyon at pagkakaisa para mapanatili sa kanila ang korona na naganap noong Intramural sa SMC Main, Lungsod ng Pagadian.

Nagpamalas ng matinding kahusayan ang mga estudyante ng High School Department nang manaig at maiuwi muli ang korona na nagpapakita ng kanilang masigasig na determinasyon.

Ayon pa kay Mr. Michael M. Supring, tagapag-ensayo na, “Sa kabila ng aming pinagdaanan na mga pagsubok sa tuwing kami ay nag-eensayo ay naging matagumpay pa rin ang lahat dahil hindi namin nabigo ang mga taong naniniwala sa amin.”

Sinabi pa niya na isa sa nagpapalakas sa kanila ay ang mga taong patuloy na sumusuporta sa kanila at nagbibigay ng tiwala sa lahat ng bagay na ginagawa nila.

SAkuNANG dI INAASAhAN

Tatlong Boy Scouts, Nasama Sa Di Inaasahang Pangyayari, Nakuryente sa Zamboanga City

Namatay ang tatlo at sugatan matapos makuryente ng live wire habang nagsasagawa na aktibidad

Nakuryente ang mahigit-kumulang labin-limang Boy Scout sa kanilang jamboree sites sa Barangay Pasonanca, Zamboanga City noong Huwebes, Decembee 12, 2024, sa, ganap na alas nuwebe ng umaga.

Sa nasabing insedente, tatlong Boy Scout ang nasawi habang 12 pang scouts ang nasugatan o napinsala noong huwebes ng umaga, nang ang isang tolda na may metal na materyales na kanilang inilipat sa isang camping sites Zamboanga City ay tumama sa isangnakasabit na cable sa power transmision.

Ang mga opisyal ng Zamboanga city Police Office at Brig. si General Bowenn Joey Masauding, director sa

Police Regional Office-9. Magkahiwalay na nagsabi sa mga mamamahayag bago magtanghali noong huwebes ang insedente sa pagkakuryente doon sa Highland Abong Along Area ang ikinamatay ng tatlong studyante na sina Emman Iquid, Geoffrey Atillano at Alvien Gaspar.

Sinabi ni Gen. Masauding na ang kanilang mga imbestigador, mga opisyal ng Bareau of Fire Protection at mga tauhan ng Zamboanga CDRRMO, sa ilalim ni mayor: John Dalips, ay maglalabas ng karaniwang ulat ra insedente.

Ang mga paunang ulat ay nagpahiwatig na ang nakamamatay na aksidente ay sanhi ng pakikipag-ugnay sa isang live na kawad ng ZAMELCO.

“Maraming Salamat sa lahat ng mga taong naging inspirasyon sa aming pagkapanalo, lahat ng ito ay alay namin sa inyo.”

Dagdag pa niya na ito’y patunay lamang na ang SMCHS Bench Cheering Team ay patuloy na nagiging undefeated sa lahat ng laban.

Gayunpaman, ito’y isang patunay na ang SMCHS ay hindi madaling madadaig ninuman at kailanman.

• Jasmine Gata

Habang naglilipat ng mga tolda mula sa tabing daan patungo sa kanilang campsite, hindi sinasadyang hinawakan ng mga scoutang nakalabas na wire na naging sanhi ng kanilang pagkakuryente at pagkitil sa buhay ng tatlong batang scout.

“Ang mga batang bayaning ito ay inialay ang kanilang mga sarili sa pagglilingkod sa iba, pagbabahagi ng kanilang kaalaman at pagtupad sa kanilang mga tungkulin nang may kagalakan at sigasig” ani ng konseho sa kanilang paglalarawan sa tatlong scout bilang kumakatawan sa tunay na diwa ng scouting.

• Chrezylle Palgan

Kamatayan sa Kuryente. Metal, tolda, at kamatayan ang kwento ng tatlong Boy Scout sa Zamboanga. Isang aksidente, isang trahedya. Ang kuryente, walang awa.

Habang patuloy ang pagtaas ng datos ng implasyon, mas lalong nararamdaman ng bawat isa ang bigat ng bawat sentimo, na nagsisilbing paalala na ang hamon ng ekonomiya ay hindi lamang sa mga numero, kundi sa araw-araw na pamumuhay ng bawat mamamayan.

Oplan Balik Eskwela, pinapaigting na

Panibagong taon, panibagong hakbang at tagumpay ang kahaharapin ng mga masigasig at determinadong estudyante

Pinaigting na ang Oplan Balik Eskwela matapos ang break ng mga mga mag-aaral na nilahukan ng mga estudyante sa iba’t-ibang paaralan upang mapalawig at mapalakas ang mga pagkatuto ng mga kabataan para sa kanilang hinaharap.

Matapos ang pagsalubong ng bagong taon, balik pagaaral ang mga estudyante noong ika 6 ng Enero sa taong kasalukuyan.

“Sa panibagong taon, sana’y mas maraming opurtunidad at kaalaman ang aming makuha para sa magandang pasok ng bagong taon,” ani ng isang mag-aaral.

Dagdag pa niya, isa itong paraan para mas makapag simula ng mas maayos at masaganang pagkatuto ang kanilang makuha at maranasan.

“Walang magbabago, mas pagbubutihin pa naming

an gaming pag-aaral para maging maganda ang resulta n gaming pagsisikap para sa aming kinabukasan,” ayon pa sa kaniya.

Sinabi pa niya na ang pagpapalawak ng kaalaman ay isang mahalagang bagay lalo na sa kanila na isang estudyante at patuloy na humaharap sa totoong hamon ng buhay.

Gayunpaman, sa pagpasok ng panibagong taon, sanay magdala ito ng masasayang alaala at mapuno ito ng mga tagumpay ng bawat isa.

• Jasmine Gata

Sa bawat mukha, isang kuwento ng pagasa. Pag-aaral ang liwanag sa daan, isang sama-samang paglalakbay tungo sa isang mas maliwanag na kinabukasan. “

Ang di inaasahang pangyayari ay isang malinaw na babala na kailangan nating maging handa at alerto upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa sa oras ng kalamidad.

Makulay na selebrasyon bilang paggunita sa pagkilala ng uNESCO sa Buklog, isang sagradong ritwal ng Subanen, na isinagawa sa tulong ng lokal na pamahalaan at mga institusyon.

Nagdiwang ang Zamboanga Del Sur sa ika-5 anibersaryo ng pagkilala sa Buklog, isang sagradong ritwal ng mga Subanen, bilang Intangible Cultural Heritage in Need of Urgent Safeguarding ng UNESCO noong Disyembre 22, 2024.

Pinangunahan ang nasabing pagdiriwang nina Renee Talavera, Pinuno ng Program Management Division ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Gobernador Victor J. Yu, Unang Distritong Representante Divina Grace Yu, Ikalawang Distritong Representante Victoria Yu, at Bise

Gobernador Roseller Ariosa, kasama ang iba pang lokal na opisyal.

Sa kabilang banda, dinaluhan rin ito ng mga mag-aaral mula sa School of Living Traditions ng iba’t ibang bayan ng Zamboanga del Sur, na nagpakitang-gilas sa kanilang mga tradisyonal na sayaw bilang bahagi ng pagsisikap na mapanatili ang kultural na pamana.

Nagbigay mensahe rin si Gobernador Victor J. Yu sa kahalagahan ng Buklog. Aniya, “Ang Buklog ay higit pa sa isang ritwal. Ito ay simbolo ng

ating pagkakakilanlan, ng ating pagkakaisa bilang isang komunidad, at ng ating mayamang kasaysayan bilang isang rehiyon” Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Gobernador Yu ang kahalagahan ng Buklog bilang simbolo ng kultural na pagkakakilanlan ng rehiyon.

Dagdag pa niya, “Ang tagumpay ng pagdiriwang na ito ay patunay ng ating matibay na pagkakaisa at pagmamalasakit sa ating kultura”.

• Michelle Layaguen

INC, magdadaos ng Peace Rally laban sa Impeachment Complains

Magsasagawa ng Peace Rally ang mga kaanib ng INC para mapatigil ang mga Impeachment Complains para mas mapagtuonan ng pansin ang mga nararapat na problema

Magdadaos ng nasabing Peace Rally ang mga kapatid sa Iglesia ni Cristo ngayong ika 13 ng Enero laban sa isinasagawang Impeachment sapagkat mas maraming mga problemang dapat lutasin kaysa pagtuonan ng pansin ang mga ganyang bagay.

Ayon sa PNP Spokesperson Police General Jean Fjardo, “Sa Liwasan Bonifacio Manila magtitipon ang mga INC members sa Metro Manila”.

“Nakikipagusap pa sa amin ang religious Organization para sa koordinasyon,” aniya.

Samantala, patuloy ang paghahanda ng mga kaanib ng nasabing relihiyon para sa darating na Rally upang mawakasan ang mga ganitong problema sa bansa.

“Dapat mas binibigyang tuon ng mga lider ang mga problemang

ng

Halos limang taon matapos dumanas ang mundo sa pagsisimula ng isang mapangwasak na pandemya ng Covid-19, ang China ngayon ay naiulat na nakikitungo sa isang pagsiklab ng human metapneumovirus (HMPV).

Limang taon pagkatapos ng #Covid19, nilalabanan ng China ang isang bagong pagsiklab ng virus. Ito na kaya ang susunod na pandaigdigang krisis sa kalusugan?

Magkaisa tayo para sa kapayapaan, magkaisa tayo para sa kinabukasan

nakaka-apekto sa ating bansa na syang mapanganib sa mga mamamayan kaysa sa mga bagay na walang maitutulong sa atin,” ayon sa isang kaanib ng INC. Dagdag pa niya na kaysa unahin nila ang mga ganoong bagay, mas nararapat lamang na mas bigyang diin ang mga bagay na lalong makakaapekto sa pamumuhay ng mga mamayan.

Gayunpaman, ang isasagawang Peace Rally ng mga kaanib sa INC ay nagpapahiwatig lamang na sila ay hindi panig sa mga ganitong hakbang dahil mas marami ang dapat pagtuonan ng pansin ng gobyerno lalo na ang mga mahihirap.

Jasmine Gata

HMPV, Lumaganap Na Bagong Virus sa China Kamakailan Lamang

Bagong Virus na hMPV, Lumaganap sa China kamakailan Lamang

Ayon sa mga ulat, nilalabanan ng China ang pagsiklab ng Human Metapneumovirus o HMPV. Ayon sa impormasyong available sa ngayon, ang #HMPV ay nagdudulot ng mga sintomas na katulad ng trangkaso gayundin ng #COVID19. Kabilang na rito ang ubo, lagnat, igsi sa paghinga, brongkitis, Pnuemonia (sa mga malalang kaso).

Ang mga impormasyon na nakuha and bagong virus na ito ay magkasingtulad lamang nang virus noon na kumalat sa boung pilipinas na naging pandemya na nakapagdudulot ng kahirapan sa mga tao. Ito ay dapat na maiwasan sa mga tao lalong lalo na kung ito nanaman ay maging katulad sa virus na kumalat noon.

Ayon din sa china, na ang human metapnuemovirus na ito ay wala pang gamit o vaccine sa ngayon.Samantala,

sinabi rin ng isa sa mga gumagamit na nagdeklara ang China ng state of emergency.

Habang ginagawa ang mga pag-aangkin tungkol sa isang bagong paglaganap ng epidemya, ang mga tao sa social media ay nagbahagi ng mga video ng mga masikip na ospital, na sinasabing mabilis na pagkalat ng “maraming virus” kabilang ang influenza A, HMPV, Mycoplasma pneumoniae, at COVID-19.

Ipinapayong humingi ng medikal na atensyon kung ang mga sintomas ay nagpapatuloy o lumala pagkatapos ng ilang araw, o kung ang lagnat ay tumatagal ng higit sa tatlong araw nang walang pagbuti lalong lalo na sa mga bata, may kaidaran na at may mga mababang immune system.

• Chrezylle Palgan

Mabagsik na Lindol, Yumanig sa Hilagang Paanan ng Himalayan sa Lungsod ng Tibet

Yumanig sa hilagang Paanan ng himalayan ang Mabagsik na lindol sa Lungsod ng Tibet

Nakuha ng surveillance camera ang magnitude 6.8 na lindol na tumama sa hilagang paanan ng Himalayas malapit sa isa sa mga pinakabanal na lungsod ng Tibet noong Enero 7, 2025 sa ganap na alas 9:05 ng umaga.

Ang pagyanig ng magnitude 6.8 na lindol sa hilagang paanan ng Himalayas malapit sa isa sa mga pinakabanal na lungsod ng Tibet, na ikinasawi ng hindi bababa sa 53 katao at yumanig sa mga gusali sa kalapit na Nepal, Bhutan at India ay hindi basta- basta na pangyayari.

Sinabi ng China Earthquake Networks Center na ang epicenter ng lindol ay nasa Tingri, isa sa mga rural na Chinese county na mas kilala bilang northern gateway sa Everest

region, 80 kilometro sa hilaga ng Mount Everest.

Simula 3 p.m. Martes, kabuuang 95 katao ang kumpirmadong namatay at 130 iba pa ang nasugatan matapos ang 6.8-magnitude na lindol na yumanig sa Dingri County sa lungsod ng Shigatse sa timog-kanlurang Xizang Autonomous Region ng China.

Umakyat na sa 95 ang bilang ng mga namatay mula sa malakas na lindol na tumama sa Tingri County ng Shigatse City sa Tibet, mula sa inisyal na bilang na 53, ayon sa ulat ng CNN.

Ang lugar na malapit sa epicenter ng lindol ay bahagyang naninirahan. Tinatayang 6,900 katao ang pinaniniwalaang naninirahan sa 27 nayon sa loob ng 20 kilometrong radius ng epicenter.

Inilunsad ng China Earthquake Administration ang antas-II na tugon sa serbisyong pang-emerhensiya at nagpadala ng isang pangkat ng trabaho sa site upang tumulong sa mga pagsisikap sa pagtulong sa kalamidad.

Humigit-kumulang 22,000 mga gamit sa pagtulong sa sakuna, kabilang ang mga cotton tent, cotton coat, quilts at folding bed, kasama ang mga espesyal na relief materials para sa matataas na lugar at napakalamig na lugar, ang ipinadala ng mga sentral na awtoridad sa lugar na tinamaan ng lindol.

• Chrezylle Palgan

hininga
Takot . Isang bagong virus, isang bagong palaisipan. Maging alerto, maging handa.

PAG-AARAL. PAG-ASA. PAG-uNLAd

MATATAG NA MAG-AARAL: Edukasyon, Ingatan at Pahalagahan para sa Kinabukasan

Pahalagahan ang Edukasyon, Tiyakin ang

Mas Maliwanag na Kinabukasan

Nitong mga nakaraang taon, kapansin-pansin at kaangkin-angkin na mayroong mahirap na pagganap sa iba’tibang gawaing pampaaralan ang mga Pilipinong mag-aaral, gaya na lamang ng pagbabasa at simpleng matematika.

Sa simpleng matematika, 19% lamang sa mga mag-aaral na Pilipino ang mayroong pangunahing kaalaman sa paksang ito. Habang 81% naman ng mga estudyante na nag-aaral sa bansa ang hindi man lang umabot sa antas na ito.

Ang Department of Education o DepEd, ay nagbigay tugon sa pamamaraang pagtatag ng MATATAG Curriculum na tinatawag sa katawagang “Bansang Makabata, Baitang Makabansa”, ito’y naipakilala sa publiko noong Enero 30,2023 sa pamumuno ng Bise Presidente at Sekretarya ng edukasyon, Sara Z. Duterte.

Ayon naman sa sekretarya ng DepEd na siyang Bise Presidente rin ng bansa, Sara Z. Duterte, ang MATATAG Curriculum sa ilalim ng makabagong K-10 na programa ay legasiya ng administasyong Marcos sa pangunahing edukasyon ng bansa, na siyang tutugon sa mga problemang tinutukoy ng mga eksperto ng internasyonal at lokal na edukasyon.

Naglalayung ang inisyatibong ito na bigyang prioridad ang karunungan sa mga kasanayan tulad ng literasiya at numerasiya sa mga mag-aaral. Ang MATATAG ay nagsisilbi sa pangunahing kurikulum para sa lahat ng mga mag-aaral

na natutugunan ng iba’t-ibang programa sa pagsasama tulad ng Indigenous People Education Program, Madrasah Education Program, Special Needs Education, at Alternative Learning System.

Ang kurikulum na ito ay nagbibigay sa atin ng daan tungo sa mas malawak na kaalaman sa pagbabasa, sa matematika at sa iba pang kakayahan na nararapat bigyang pansin. Ito ay nagbibigay tugon sa mga estudyanteng nangangailangan ng matinding atensyon upang magabayan sa pagpapabuti ng kanilang kakayahan sa loob at maging sa labas man ng paaralan.

Tinitiyak ng kurikulum na ito, na hindi mawalan ng halaga ang edukasyon sa mata ng mga kabataan at mas mapatibay pa ang relasyon ng mga kabataan sa epektibong edukasyon.

Bilang isang mag-aaral, pakatandaan ang layunin ng MATATAG Curriculum at isagawa upang maging Isang ganap na mag-aaral na mayroong katatagang kaalaman na maaaring ipamalas sa buong mundo.

Edukasyon na ang kusang lumalapit at kusang nagbibigay tulong sa mga kabataan, mag-aaral, kung kaya’y huwag itong iwasan at sayangin, bagkos ito ay tanggapin, pahalagahan, at mahalin upang buhay nating mga kabataan ay mas lalong guminhawa dahil sa edukasyon ng ating bansang Pilipinas.

Pagkapiliin ang pagiging MATATAG na mag-aaral upang Edukasyon ay mabigyang ingat at halaga.

Sa bawat aralin na natutunan, isang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan. Edukasyon ay yaman na nararapat alagaan at pahalagahan ng isang matatag na mag-aaral

Pangako sa Hangin: Pamumunong Batay sa Popularidad Pagninilay ni Rizah Guilingan

Pagdami ng bilang ng Mamumuno ang Layunin ay Pagkakakilanlan

Pait at hindi maasahang pamumuno and dala at mararanasannng sino man sa ilalim ng pamumunong nakabatay sa popularidad, ito ay nakikita’t nararanasan sa kung paano at ano ang kanilang kinikilos lalong-lalo na sa salita.

Lahat ng organisasyon ay mayroong ibat-ibang layunin na siyang nagpapaganda’t nanghihikayat sa bawat tao. Ang mga layunin na ito ay naglalayong magpresenta ng daan tungo sa maayos na pamumuno, pag-unlad sa sarili, at serbisyong pangkomunidad. Lahat ng ito ay hindi lamang binoboses at ipinapangako ng bawat tumatakbong politiko kung hindi nangyayari rin ito sa organisasyon ng paaralan kagaya ng supreme student government. Sila ay nangangako ng oportunidad sa bawat mag-aaral tulad ng paglinang ng kanilang kakayahan at pagkakaroon ng makabuluhang epekto sa kanilang paaralan at lokal na komunidad. Ngunit, hindi pa rin maalis saisipan ng iilan kung ang mga organisasyong ito ba ay talagang may pakay o di kaya’y para lamang ito sa popularidad?

Marami at ibat-iba ang organisasyon na mayroong halaga at layunin lalong-lao na ng mga organisasyon sa paaralan, ito ay nakadisenyo upang hikayatin ang mga mag-aaral na paglinangin ang kanilang interes at hindi lamang tumutok sa mga gawaing pang-akademya na alam ng nakararami na ito’y nagdadala ng pagod sa bawat isa. Ang mga organisasyon na ito ay nakadepende sa student councils, na siyang gumagawa sa lahat ng aktibidad; sa organisasyong pang-akademya, na nakatutok sa akademikong pag-unlad; at journalism para sa balita’t impormasyong kailangan ng bawat mag-aaral.

“ Ang West Philippines Sea ay Hindi kathang-isip natin lamang. Ito ay atin. At ito ay mananatiling atin, hangga’t nag-aalab ang diwa ng ating minamahal na bansang Pilipinas” -PBBM

Layunin ng bawat organisasyon sa paaralan ay ang makagawa ng platapormang makakatulong sa mga estudyante na matuto ng pagkakaisa, pamumuno, at responsibilidad sa pamamagitan ng mga aktibidad na gawa ng student councils.

Gayunpaman, kahit na maraming positibong intensyon ang organisasyong ito sa mga estudyante at sa paaralan, hindi maipagkakaila na iilan sa mga student councils ay namumuno lamang para sa kanilang sariling kapakanan. Para sa ilang estudyante, nakilahok lamang sila dahil sa popularidad at pagkakakilanlan na hatid ng isang kilalang organisasyon, sa halip na makapagsilbi sa kapwa estudanyte. Dahil dito, ang organisasyon ay maaaring nakatutok na lamang sa panlabas nilang wangis at hindi na sa mismong epekto nila sa mga mag-aaral at sa paaralan, maari rin na nakatutok na lamang ang ilan dito sa titulo o posisyon at hindi na sa aksyon. Ang mga organisasyong ito ay may malaking dulot at halaga sa bawat mvagaaral dahil sila ang magiging modelo ng bawat estudyante at magiging epektibo lamang ito kung ang namumuno ay aktibo. Sa kanilang pamumuno, ang pagiging isang mabuting modelo sa lahat ang dapat nilang pagtuonan ng pansin. Kaugnay nito, nararapat lamang na gamitin ng bawat mag-aaral ang kanilang boses at

kapangyarihang pumili upang makapili ng mas nararapat na mamuno na hindi nakabatay sa popularidad at posisyon dahil sila ang magiging boses ng lahat. Ang tagumpay ng isang organisasyon ay makakamit lamang kung may mabuting intensyon ang mamumuno. Ang mabuting mamumuno ay namumuno para maging isang mabuting ehemplo na may layunin at hindi para sa popularidad lamang. Sa pamamagitan nito, ang organisasyong supreme student government ay makakapaghatid ng positibong pananaw sa lahat at upang masiguro ang kanilang pagtakbo ay hindi lamang para sa titulo.

Nakamit na tagumpay, determinasyon ang sandata at pagkakaisa ang lakas na ipinakita. Sa padyak ng paa, pawis at puso sa bawat pagtira ng bola ang naging pundasyon ng tagumpay ng bawat isa.

Teritoryong Labanan: Ipaglaban ang Karapatan

Nitong nakaraang mga buwan, matindi pa rin ang teritoryong agawan ng bansang China at Pilipinas sa West Philippines Sea.

Ayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea, ang West Philippines Sea ay kasama sa meant economic zone ng bansa, na 200 nautical miles mula sa baybayin nito.

Ngunit hindi kinikilala ng China ang desisyong ito dahil sa kanilang tinaguriang nine-dash line at ginigiit nila na kabilang ang West Philippines Sea sa umanoy makasaysayang teritoryo nila.

Hanggang ngayon ay mayroong pa ring mga mangingisda na patuloy na pumapalaod at nanghuhuli ng mga isda sa nasabing karagatan kahit pa binabantayan ito ng mga Chinese Coastguard at pilit na pinipigilan ang mga Pilipinong mangingisda.

Sa paglatuloy ng ganitong sitwasyon, ang Pilipinas ay patuloy na ipinaglalaban ang karapatan sa karagatan, hindi sumuko ang mga Pilipino sapagkat ito’y klarong napatunayan na naipanalo ang kasong ito-walong taon na ang nakalipas at ayon ito sa Permanenteng Hukuman ng Arbitrasyon o

Permanent Court of Arbitration. Ipaglaban ang sariling atin nang may paninindigan at kapayapaan. Huwag nating hayaan na ang parte at yaman ng ating bansa ay mapupunta nanaman sa isa sa mga bansang dayuhan.

Nararapat lamang na ipaglaban nating mga Pilipino ang West Philippines Sea sapagkat ito’y ipinaglaban ng patas noong taong 2016 at inilahad na sa atin ang nasabing karagatan. Isa pa ay hindi ito tatawaging West Philippines Sea kung wala itong katibayan at kung hindi ito pagmamay-ari ng bansang Pilipinas.

Huwag tayong panghinaan ng loob bagkos ay suportahan natin ang bawat isa, lalong-lalo na sa mga kababayan nating mangingisda, sapagkat ang pangunahing hanap-buhay nila ay naapektuhan-ang pangingisda.

Pinaglalaban ni Rhezy Dalagan

Teenage Pregnancy: Matinding Hamon sa buhay ng mga Kabataan

Teenage

pregnancy, alarmadong pagsubok

para sa mga kabataan

aganap sa panahon ngayon ang mga tinatawag na batang ina o ‘di kaya’y batang mga magulang. Pabata na ng pabata ang mga nagiging bagong magulang na siyang dahilan ng lalong paghirap ng buhay ng ilang mga mamamayang Pilipino.

Inihayag ni Commission on Population and Development o CPD executive director, Lisa Grace Bersales na ang pagtaas sa kabuuang live birth sa mga batang babae na wala pang 15 taong gulang ay tumaas ng 35.13 porsiyento, ayon sa Philippine Statistics Authority – mula 2,320 noong 2021 hanggang 3,135 noong 2022

Ayon ulit sa itinala ng Philippine Statistics Authority, ang pinakamataas na prosyento ay naitala sa mga kababaihang may edad na 19, na mayroong 13.3%. Kasunod naman nito ang mga may edad na 18 na mayroong 5.9%. Sa inaasahan, ang may pinakamababang prosyento ay ang mga kababaihang may edad na 16 na may 1.7% at 15 na taong gulang na mayroong 1.4%.

Nakababahala ang ganitong pangyayari ngayon sapagkat nakaaapekto rin ang maagang pagbubuntis sa pag-aaral ng mga teenager at maari ring naapektuhan ang kanilang kalusugan. Dumarami na

ang populasyon ng mga Pilipino na siya ring pangunahing dahilan ng paghihirap ng iilang mga mamamayan.

Upang mabigyang solusyon ang ganitong sitwasyon ng bansang Pilipinas, setyembre noong nakaraang taon, inaprubahan ng House of Representatives ang kanilang second reading house na Bill no. 8910 o ang panukalang Adolescent Pregnancy Prevention Act. Ang Bill no. 8910 ay nagbibigay ng pambansang patakaran na naglalayung mapigilan ang mga teenage pregnancy at upang magbigay proteksyon para sa mga kabataang magulang at kanilang mga anak

Maaari namang makipagtalik ngunit higit na isaisip kung kaya na bang buhayin ang sarili, kung nasa tamang edad na ba para makipagtalik at gumawa ng sariling pamilya. Mas maigi nga ang kumulsulta sa mga sex educator upang malaman ang ligtas na pakikipagtalik.

Higit na magiging epektibo ang pagbaba ng kaso ng teenage pregnancy

Malaking Sahod. Maginhawang Buhay

kung magkaroon ang bawat lungsod, barangay, at paaralan ng programa patungkol sa sex education upang mabigyang kaalaman at kamalayan ang mga mamamayan, lalong-lalo na ang mga kabataan.

Bilang kabataan ng bansang Pilipinas, pagkaisipin natin ng ilang beses ang ating mga gustong gawain dahil ang kapakanan natin ang nakasalalay rito. Huwag tayong magmadaling bumuo ng sarili nating pamilya sa murang edad, datapwat pagtuonan natin ng mabuti ang ating pag-aaral at higit sa lahat ang ating mga pangarap.

Gayundin naman, makatutulong rin ang mabuting pag-gabay at maayos na pagpapayo sa mga kabataan. Kung maaari ay huwag munang payagan na magkaroon ng karelasyon ang mga kabataan na nasa 18 pababa ang edad para sa kasiguraduhan na hindi ito mapapabilang sa mga teenager parents o mga batang magulang.

• Rhezy Ann dalagan

Pagpapataas ng Sahod: Hakbang tungo sa maginhawang Buhay ng mga Pilipino

Hindi talaga makakaila na ang pangunahing reklamo ng mga manggagawang Pilipino ay ang mababang sahod sa trabaho Nakukulangan pa rin ang mga mamamayang manggagawa ng Pilipinas sa buwanang sahod ng mga ito, ilan sa mga dahilan ng kakulangan sa sahod ay ang nagsisitaasang prisyo ng mga bilihin .

Iginiit naman ng IBON Foundation Executive Director Sonny Africa na higit na mas Malala ang sitwasyon ng probinsya, mas mabilis ang inflation at mas nagmahal ang bilihin ngunit mababa ang wage ng mga ito.

Nararapat lamang na taasan ang mga kinikita ng mga manggagawang Pilipino sapagkat Hindi rin naman madalali ang pagtatrabaho at higit na mas kinakailangan matustosan ang mga pang-araw-araw na pangangailangan ng bawat pamilya ng mga mamayang Pilipino

Sa inihain ni Senator Risa Hontiveros patungkol sa kanyang pananaw patungkol sa pagpapataas ng sahod, ayon pa sa kaniya na kailangan ang pakikipag-ugnayan ng malakanyang sa kongreso para sa pagpapanukala ng mga daan para mapataas ang sahod ng mga manggagawa, gayundin daw sa paglikha ng mga panibagong trabaho sa lahat ng parte ng bansa.

Dagdag pa ni Senator Hontiveros, na huwag nating ipagsawalang-bahala ang pangaraw-araw na paghihirap ng mga kababayang Pilipino. Mas mabunga raw sana kung nangunguna ang Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC sa paglikha ng trabaho, dagdag-sweldo at ayuda sa mahihirap para mayroong pambayad ang mga ito sa mga

nagsisimahalang bilihin at utility service.

Batay sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority, tumaas umano ang bilang ng mga manggagawa sa bansa, umabot na ito ng 2.25 milyon. Nangangahulugang mas dumarami na ang mga nangangailangan ng pampensnsyal para sa kani-kanilang

SAng iilang mga manggagawa o mga nagtatrabaho kasi ay nanggagaling lamang sa iisang pamilya upang mas makapag ipon ng mas makalaking sahod para sa pamilya.

Upang matugunan ang ganitong sitwasyon ng Pilipinas, mas maiging magbigay ang pamahalaan ng mga trabaho na mayroong mataas at sapat na sahod para sa mga manggagawang Pilipino. At bilang isang mamamayang Pilipino ay nararapat lamang na ilaan sa mga tamang bagay ang perang makukuha galing sa pinagtatrabahuan nang saganon ay hindi ito maging kulang.

Gayunpaman, itaas ang sahod ng mga manggagawang Pilipino upang pawis at pagod ng mga ito ay masuklian, at upang ang mga pangangailangan ay matustosan.

• Rhezy Ann dalagan

a ilang siglo ng lumipas maraming ng mga kabataan ang nagugustohan ang pagigingmabuting isang lider. Sa bawat taon na lumpipas maraming henerasyon na ang dumagdag na may iba’t ibang mga talento, isa na rito ang isang pagiging mabuting kabataang lider sa kanilang kumunidad, na nag simula lamang sa kanilang paaralan.

Nahuhubog ang kanilang pagiging isang mabuting lider sa kanilang paaralan. Na paipapakita na nila ang larawan ng isang mahusay na lider sa murang edad, dito natin makikita na talagang may dedekasyon siya na maging isang mabuting lider balang araw.

Ang mga kabataan ang sinabi nila na isa sa makakatulong sa ating bansa. Kung saan ang kanilang mga kakayahan ay naipapakita at naipagmamalaki ng ating bansa, na tanging patiang ating mga kababayan ay talagang may angking galing at husay sa iba’t ibang larangan mapa arkitektura, inbensyon at iba pa.

Lalot na at ngayon ang ating mga kabataan ay nahihilig na sa mga nakikita nila sa social media, madami silang nakukuhang impormasyon na talagang matutulongan silang ma ihubog at mas masanay sila sa kanilang angking galing.

Ang bagong henerasyon ngayon ay may taglay na katalinohan, at hindi lamang ito sila magaling sa mga iba’t ibang larangan gaya ng kanilang talento, hindi lamang sila dito nakilala,kundi patina rin sa tagalay nilang galing bilang isang lider na makakatulong sa ating bansa.

Maraming kabataan ngayon ang nakakaranas na maging isang mabuting lider sa ating kumunidad na talagang ating hinahangaan dahil sa murang edad palamang nila ay pinakaita na nila ang kanilang galing bilang isang lider.

Talagang hindi ito nakabasi sa edad ang pagiging lider na nag sisimulang bilang isang mahusay na lider sa mga kababayan. Ang mga kabataan ay tumutulong na mahubog ang bagong mukha ng bansang Pilipinas na maging isang mapayapang bansa.

Nagkaka interes ang mga kabataan na maging isang lider sa kanilang kumunidad sa murang edad dahil alam nila may matutulong sila na mapaunlad ang kanilang lugar. Ang pagtulong nila ng galing sa puso at determinasyon na maging isang mabuting lider ay isa sa mga hinahangad ng bawat isa na ang mga lider ay may kakayahan na gampanin ang kanilang mga dapat gampanin.

Nagsisimula ito sa pinaka mababa na posisyong bilang isang loder patungo sa mas mataas na posisyon, gusto nila makapag gawa ng bagong mukha sa bansang Pilipinas na talagang mag iiwan ng mataas na markha, magagawa mo ito kapag mayroon kang dedekasyon na maging isang mabuting lider.

Talagang hindi ito nababasi kong nasaang larangan ka ngayon, dahil kung talagang mahal mo ang iyong kinahiligan na baging isang magiting na lider ay talagang mapapatuloy

Wikang Filipino Pahalagahan at Mahalin ng Taos Puso

Sa bawat taon na lumilipas, may mga bagong henerasyon na dumadagdag sa ating bansa. Mga henerasyon na may ibatibang kakayahan at paniniwala sa ating kultura. At sa wikang ginagamit.

Sa bawat padagdag na padagdag na pag dami ng ating mga kumunidad, isa na sa problema ng ating bansa ang pagkilala sa ating kinagisnan na wika na ang wikang Filipino. Lalo na sa mga kabataan ngayon na mas nahihilig sa panunuod ng mga palabas na galing sa iba’t ibang bansa.

Sa pagbabago ng henerasyon, marami na rin ang nababago sa ating ekonomiya isa na rito ang ating wikang ginagamit sa pang araw-araw. Marami na tayong barayti ng wika na ginagamit, marami na rin ang nadulot na impluwensyahan ang mga pag babagong ito , lalong lao na sa mga kabataan.

Na kung saan ang wika na kanilang naririnig ay kanila ng ginagamit at ina aral upang ito angkanilang gamitin sa pang araw-araw na pakikipag usap. Isa na rito ang wikang Ingles. Na ginagamit na kadalasan ng mga maliliit na bata, na ititnuturo ng kanilang mga magulang.

Ngunit paano na ang ating pambansang wika? Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan ng bawat mamamayan. Ang ekonomiya ay hindilalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan.

Kaya’t kailangan natin na turuan ang mga bagong henerasyon ngayon na aralin ang ating sariling wika, dahil sa pamamagitan nito ay madali lang tayong makipag komunikasyon sa ibang tao. At tangkilikin natin ang sariling atin dahil dito palamang ay nakikita na sa atin na tayo ay maydugong Filipino. Kaya naman ang bawat salita na galing sa ating bibig ay ating pahalagahan dahil ito ang natatanging yaman ng ating bansa.

Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at nababago dahil sa pag laki at pag dagdag ng ating mga bagong henerasyon. Kaya naman ay bawat isa ay turuan natin nv ating pambansang wika subalit ito ang tanginv yaman na ating dadalhin hanggang sa kabilang buhay ay ang pagiging wikang Filipino. • Norhana Agubang

TAON-TAON. Lumalaki ang ating bansa dahil sa mga bagong henerasyon na may sari-sariling kakayahan at pananaw. Ngunit isa sa mga hamon ay ang pagpapahalaga sa ating wikang Filipino.

mo ito hanggang sa iyong paglaki. Hindi ito nababasi sa kung gaano ka, kalaiif o kalaki, mapa babae kaman o lalaki, dahil sa pagiging lider wala itong pinipili na maging sino, kapag mayroon kang dedekasyon, paniniwala at may malakas na kalooban, talagang magagampanan mo ang iyong pagiging lider.

May na ibigay bang tulong ang mga kabataang lider sa ating bansa?. Ang mga kabataang lider ay talagang nahubog ang ating bansa, dahil sila ang nagbibigay daan patungo kabutihan sa katulad nilang mga kabataan. Sa pamamagitan ng kanilang mga paalala ang mga bagong henerasyon ay may taglay ng kaalaman sa bawat bagay dahil sa binigay nilang mga impormasyon. Hindi ito nakabasi sa antas ng iyong larangan ngunit ito ay nakabasi sa iyong pagtulong na galing sa puso bilang isang kabataang lider.

• Norhana Agubang

LAkAS NA LOOB. Ang Kinabukasan ay nasa mga kamay ng kabataan. Mabuhay ang mga kabataang lider na nagsisilbi bilang inspirasyon at halimbawa sa ating lahat!

Boses ng Estudyanteng

SMCIAN’s

Paano ka naapektuhan bilang isang estudyante ng KNTP (Kakulangan ng Tulong Pinansyal) at PA (Panggigipit sa Akademiko)?

Lack of Financial Assistance and Academic Pressure affects me as a student, hindi naman ako pinepressure ng mga magulang ko pero pinepressure ko sarili ko ngunit dahil sa mga sakripisyo ng aking mga magulang kinakailangan kong suklian ang kanilang mga ginawa para sa akin sa pamamagitan ng certificates and medals. Tungkol naman sa Lack of Financial Assitance ay nahihirapan din ako dahil wala ang aking mga magulang at ang aking lola at lolo lang ang nagpapalaki sa akin at nahihirapan talga ako lalo na kung may bayarin sa school at tumataas na ngayon ang inflation.

JARENNE REYES Grade 9

Sa panahon ngayon, pera na ang basehan upang makapag aral ka. Ika nga nila, “No Permit, No Exam” ngunit paano ba kung walang wala talaga? Bilang mag aaral ang LOFA (Lack of Financial Assistance) ay sobrang nakaka apekto sa mga mag aaral na kagaya ko. Bilang isang Graduating na estudyante alam natin na marami ang kinakailangan bayaran at ambagan lalo na sa mga subject na kinakailangan ng financial assistance dahil kung hindi mo ito matugunan ay tiyak na hindi ka makakapasa, at dahil dito mapapasok ang AP (Academic Pressure). Hindi natin maiiwasan na may mga mag aaral din na kayang mag abot ng pera kung kinakailangan, tapos ikaw wala. Lalong hindi natin maiiwasan ang expectations ng mga magulang natin na dumagdag sa pressure na ating dinadala. Malaking epekto ito sa aking pag aaral dahil hindi mo malalaman kung ang marka mo ay mataas parin pagkatapos mong hindi makapasa sa mga proyekto na kinakailangan ng pera tapos may mga magulang pa na ang taas ng ekspektasyon sa kanilang mga anak. Nakakapagod, Nakakalungkot. Ako ay isang estudyante lamang. estudyante na gustong makapag aral, estudyanteng may pangarap ngunit ng dahil LOFA parang ang mga pangarap na dapat aabotin palang ay para bang itoy mananatiling pangarap lamang.

hARREN GRACE LARA Grade 8

Para sa akin nakakaranas talaga ako ng Academic Pressure dahil kinakailangan kong aralin ang 8 subjects tapos halos wala pa po akong tulog kaka-aral, minsan pumapasok ako sa klase ng walang kain at hindi sapat ang aking tulog. Nahihirapan din po kong magadjust sa environment dahil transferee po ako at sobrang laki po ng pinagkaiba ng grading system dito kompara po sa dati kong paaralan. Tungkol sa Lack of Financial Assistance naman ay hindi ko iyon pinoproblema sapagkat hindi ko naman po naranasan ang Financially Unstable and malaki po ang pasasalamat ko dahil doon pero po base sa aking mga nakikitang tao na namomoblema po financially ay alam ko pong nahihirapan sila at tumutulong po ako sakanila sa abot po ng aking makakaya.

MIChAELLA TARuC

Grade 8

KAPAKANAN.

KATOTOHANAN TUNGO SA KABUTIHAN: Positibong Pagkakakilanlan ng Midya

Pagpapalaganap ng Katotohanan para sa Mas Mabuting Lipunan

Umusbong na ang makabagong panahon na kung saan midya ang pangunahing pinagkukunang impormasyon ng karamihan. Maraming impormasyon na maaaring nakalap sa pamamagitan ng midya, ngunit hindi lahat nang ito ay makatotohanan. Karamihan na ngayon ang nagpapakalat ng mga maling impormasyon at marami na rin ang nabibiktima, kabilang na ang mga mamamayang Pilipino.

Napagkaalaman na mahigit kalahati ng mga impormasyon na nagmumula sa midya ay walang katotohanan. Nangangahulugang wala pang 50% ng impormasyon sa midya ang nagbibigay ng malinaw na katotohanan. Ayon sa Center Statistic Office, ipinahayag na 62% na mga datos sa midya ay hindi kapanipaniwala.

Isa sa mga dapat pagtuonan ng pansin ay ang positibong pamamaraan upang mahinto ang paglaganap ng hindi makatotohanang impormasyon sa midya at upang mapabago at mapabuti ang larangan nito sa taon 2024 sa pamamaraang paglaganap ng mga makatotohanang balita at sa pamamaraang paglalagay ng ilang mga pagsubok bago pa man din maisapubliko ang isang impormasyon.

Bilang mag-aaral ang LOFA (Lack of Financial Assistance) at AP (Academic Pressure) ay may malaking epekto, halimbawa nito ay ang pagkawala ng interes sa pag-aaral o pagtigil sa pag-aaral, hindi maganda ang akademikong pagganap, pagiging stress at balisa sa klase, pagkakaroon ng mga problema sa kalusugan, at pagtaas sa presyon ng mga magulang

MIChELLE LAYAGuEN Grade 11

Nakaka apekto ito sa aking kalusugan at pag iisip lalo na’t nagsasabay ang ganitong pangyayari sa aking buhay. Sa ganitong pangyayari din nahihirapan akong mag desisyon dahil nawawalan ako ng focus sa aking sarili.

ELIZZA JAdE SAYSON Grade12

Para sa akin, bilang isang mag aaral, Ang kakulangan ng pinansiyal na tulong (LOFA) at ang panggigipit sa akademya (AP) ay may malaking epekto sa mga magaaral sa maraming paraan. Ito ay maaaring magdulot ng stress dahil sa pagbabayad ng pang-araw-araw na gastusin na kailangan at ito rin ay maaaring magresulta sa pagbawas ng oras sa pag-aaral dahil sa pangangailangan na magtrabaho part-time. Ito ay maaaring makaapekto sa akademikong pagganap. Samantala, ang AP ay maaaring magdulot ng stress, komplikasyon sa kalusugan, at burnout, na humahantong sa pagbaba ng motibasyon at mga hamon sa kalusugan ng pag iisip.

QuEEN dESIREE LEGASPI Grade 9

Ang Lack of Financial Assistance (LOFA) at ang Academic Pressure (AP) ay may malaking epekto sa akin bilang isang estudyante. Hindi madaling pagdaanan ang epekto nito sa emosyonal at akademiko. Sa LOFA, madalas akong nag-aalala sa mga gastusin. Hindi lang tuition, pati na rin ang mga school supplies, pamasahe, at ibang mga pangangailangan. Minsan, ang patuloy na pag-iisip sa kakulangan ng pera ay nakakagambala sa aking konsentrasyon sa pag-aaral. Ang AP naman ay nagdudulot ng matinding presyon at pagkabalisa bilang isang magaaral. Ang paghahabol sa mataas na marka, ang paggawa ng maraming takdang-aralin, at ang paghahanda sa mga pagsusulit ay nakakapagod at nakaka-stress. Sa ganitong hamon, may mga oras na makaisip akong susuko ngunit ang suporta ng pamilya ang nagbibigay sa akin ng lakas para magpatuloy.

ANGEL BENITEZ Grade12

Bilang isang tagapahayag, tungkulin nating gumawa ng makabuluhang artikulo na puno ng makatotohanang pahayag na kailan man ay hindi nababahiran ng mga kasinungalingan. Mahalaga ring hindi lumabag sa Batas Republika 10175 na kilala sa katawagan na Anti-Cybercrime Law, na nagsasaad na kung sino man ang mahuhuling namamahagio o nagkakalat ng fake news ay makakasuhan gamit ang batas na ito. Inilahad rin na nagbibigay ito ng proteksyon upang makaiwas, makapagsiyasat, masugpo at makapagpataw ng mga parusa at para sa iba pang mga layunin.

Taglay ng isang mamamahayag ang kalayaan, na kung saan ay walang humahadlang na makapagbibigay ng mga balita o impormasyon, kung kaya’y ito ay gamitin bilang daan upang maghayag ng makatotohanang balita na walang anumang bahid ng kasinungalingan. Taglay rin ng isang mamamahayag na magbigay kasiguraduhan na ang impormasyong ipapahayag ay tiyak

upang mabigyang linaw ang mga isip ng mga mambabasa.

Samakatuwid, ang mga mamamahayag ay mayroong layuning makatulong sa mga mambabasa upang makahagilap ang mga ito ng kanilang inaasam na makatotohanang impormasyon.

Gayundin naman, bigyang kaayaaya ang paglikha ng mga pahayag sa mga mambabasa at ugaliing manaliksik ng mabuti bago ipahayag ang nakalap na impormasyon, upang maipalaganap natin sa ating mga mambabasa ang kabutihang dala ng katotohanan at upang mapabago at mas mapabuti ang larangan ng midya sa taon 2024. Sa pagsugpo ng paglaganap ng hindi makatotohanang impormasyon ay dapat na maging mulat ang mga mamamayan lalo na ang pamahalaan sa pagbabantay at paghuli ng mga pekeng impormasyon. Gawin ang mga makabuluhang paraan, tulad na lamang ng pagkakaroon ng dobleng ingat at matitibay na patakaran ng mga aplikasyon na konektado sa midya na nakakapag bahagi ng impormasyon sa publiko.

Ingatan ang sariling dignidad sa pamamagitan ng pagpanig sa pagpapalaganap ng makatotoh anang impormasyon.

Gamitin ang pagkakataon na makapagpahayag ng mga makatotohanan sa pamamaraang ipinagkaloob ng Diyornalismo upang maagapan at matamasa ang positibong pagbabago ng midya sa taon 2024, dahil ang paglaganap ng katotohanan at para sa kabutihan na nakatutulong sa pagsugpo ng hindi makatotohanang impormasyon tungo sa makabago at positibong pagkakakilanlan ng Midya.

Kagandahang Hatid Ng Katotohanan Ay Huwag Bahiran Ng Maduming Kasinungalingan

Isang uri ng laro na hindi lamang naghahatid ng saya at ligaya kung hindi pati pera? Solusyon nga ba sa iyong problema o trahedyang paparating sa madla?

Scatter, larong karaniwang isang slot machine kung saan ang mga simbolo ng scatter a susi sa pagbukas ng mga gantimpala at bonus na tampok. Ang larong ito ay may pangunahing tampok kagaya ng may kakayahang umangkop, mataas na potensyal na bayad, at ang pagpapanitili sa mga manlalaro na makikipag-ugnayan sa buong sesyon.

“Online sugal” ang tawag nila sa mga ganitong uri ng laro na kung saan ikaw ay makakakuha ng pera kapag ikaw ay panalo. Kaya ganoon na lamang ang atensyon na nakukuha nito sa mga tao sapagkat karamihan sa mga tao ngayon kapag pera ang pinag-uusapan ay g na g agad! Dahil sa larong scatter na maaari kang makakakuha ng pera, ito’y naging patok sa mga madla.

“Ang larong scatter ay malaking tulog sa amin”. Ito ang sabi ng isang manlalaro sa scatter sapagkat hindi lamang daw siya ay naaliw sa larong ito kung hindi siya rin ay kumikita ng pera na kung saan ginawa niyang libangan at uri ng pagkakakitaan. Subalit, ang ganitong klaseng laro ay hindi ligtas sapagkat sa ating bansang Pilipinas ang legalidad ng “scatter games” ay nakasalalay sa uri ng laro.

Nananalo o niloloko ka lang ba ng larong ito

Ito ay magiging legal kung sila ay lisensyado at kinokontrol ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), subalit ang “scatter slots” ay isang laro na hindi nabanggit sa mga resulta ng paghahanap kaya hindi masasabi na ito ay legal o illegal sa Pilipinas.

Bilang isang mamamamayan kinakailangang tandaan ang mga batas sa pagsusugal, ang mga larong nasasangkot ng pagtaya ng tunay na pera ay nasa ilalim ng mga regulasyon sa pagsusugal. Upang sa ikabubuti ng ating mga sarili, kapag hindi sigurado tungkol sa legalidad ng larong scatter ay huwag nalamang itong subukan para na rin sa ating ikabubuti. At kung libangan ang hanap, maglaro nalamang ng mga uri ng laro na hindi nabibilang sa online sugal. Hindi maipagkaila ang katotohanang may malaking ambag at nakakapagbigay ng tulong ang larong ito ngunit tayo’y maging siguro sa ating papasukin kung hindi ito ay may kapalit na maghahatid pahamak sa atin.

Bilang isang mamamahayag sa larangan ng diornalismo, aking opinyon sa larong ito ay kahit na may tulong na hatid ito, dapat padin nating tandaan ang madilim na nakabahid nito. Kung pera ang problema, hindi online sugal ang solusyon para sa ating mga madla. Hangga’t makakaya, tayo’y lumayo at huwag ng subukan ulit ito.

Naghahatid ng saya at ligaya pati pera, solusyon nga sa iyong problema subalit trahedya ay paparating sa madla.

duming hindi mapapawi, mantsa sa kalinisan ng lipunan.”

Pananaw ni Rhezy Ann dalagan
Puna ni Ziane Ramos

Pundasyon ng Kaunlaran

Edukasyon. Isang salitang may siyam na letra. Isang salita pero malaki ang impluwensya. Isang salita pero malaki ang ginagampanan sa ating lipunan. Isang salitang madaling bigkasin at sulatin pero mahirap makamtam. Isang salita pero mahalaga sa madla.

Ang edukasyon ay nagbubukas ng mga pinto sa mas maraming oportunidad. Sa tuwing tayo’y nag-aaral, hinuhubog natin ang ating mga isip at kakayahan upang makaangkop sa mabilis na pagbabago ng mundo. Ang mga edukadong indibidwal ay may mas malawak na pagpipilian sa trabaho, mas mataas na kita, at mas magandang kalidad ng buhay. Ang pagkakaroon ng sapat na edukasyon ay nagbibigay daan upang ang mga tao ay makamit ang kanilang mga pangarap at ambisyon. Itinataas nito ang ating antas ng pamumuhay, at sa ganitong paraan, tayo ay nagiging mas produktibong kasapi ng

lipunan.

Mahalagang tukuyin na ang edukasyon ay hindi lamang ang pagkuha ng diploma o sertipiko. Ito ay isang patuloy na proseso ng pagkatuto na umaabot sa kabuuan ng ating buhay. Ang mga mag-aaral na may mas malalim na pag-unawa sa kanilang paligid ay nagiging mas mapanuri at kritikal sa mga isyung panlipunan, na nag-uudyok sa kanila na gumawa ng mga hakbang para sa pagbabago. Ang pagkakaroon ng mas mataas na antas ng edukasyon ay kadalasang nagiging susi sa mas mahuhusay na desisyon na nakatutulong sa pvagkakaroon ng

maayos at masaganang buhay.

Higit pa rito, ang edukasyon ay nagtataguyod ng panlipunang pag-unlad. Nagtataguyod ito ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pag-unlad ng isang mas makatarungan at pantay na lipunan. Ang mga indibidwal na may tayog ng kaalaman ay may kakayahang kumilos bilang mga lider at tagapagtaguyod ng mga makabuluhang pagbabago. Sa ganitong paraan, ang edukasyon ay nagiging kasangkapan sa pagbuo ng matibay na pundasyon para sa mas makatarungang pamumuhay at pagbabago sa lipunan.

Tala ng Pasko

Tulad ng sinasabi, ang isang bansa ay sumusulong hindi dahil sa kanyang yaman o likas na yaman, kundi dahil sa kalidad ng edukasyon ng kanyang mga mamamayan. Kung ang bawat isa ay may access sa mahusay na edukasyon, ang ating ekonomiya ay tiyak na lalago. Sa paglikha ng mga bagong ideya at inobasyon, ang mga edukadong tao ay nagdadala ng mga solusyon sa mga suliranin ng lipunan. Ang bawat hakbang patungo sa mas mahusay na sistema ng edukasyon ay hakbang patungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

• Anadel Looc

“Gifts of time and love are surely the basic ingredients of a truly merry Christmas.” Katagang nagmula ni Peg Bracken. Ngayong palapit na ang pasko, damang-dama ko ang pagmamahal na nakapaligid sa’kin, mga tawanan ng mga madla ang siyang magpapasigla, huwag kalimutan ang handaan na magpapabusog sa iyong tiyan. Mga talang nasa itaas na nagbibigay ilaw sa lahat kagaya ng isang ina na siyang liwanag ng pamilya. Ikaw? Sino ang Tala mo ngayon pasko?

Iba’t ibang dekorasyon ang masisilayan na umiilaw, nakakamanghang tingnan lalo na kung kakaiba ang dalang kagandahan. Sa Plaza Luz ng Pagadian doon masisilayan ang mga kapansinpansing mga dekorasyon na nakaka-akit sa mata lalo na ang dancing fountain na nakaka-agaw atensyon ng mga madla. Huwag kalimutan ang food bazaar na may sari-saring pagkain, tiyak na hindi ka magsisisi sa sobrang dami. Ngunit bago masaksihan ang kagandahan ng Plaza Luz ating balikan ang preparasyon ng Pagadian.

Aking nasaksihan sa paulit-ulit binabalik-balikan ang Plaza Luz sa Pagadian, mga taong naghahanda upang sa padating na Pasko upang may libangan ang mga tao at tiyak na may mapapangiti

sila ngayong darating na kapaskuhan. Itong mga taong nakikita natin? Sila’y hindi lamang nagpapangiti sa’tin ngunit sa kanilang pamilya rin, sapagkat sila’y nagsusumikap at naghihirap upang mayroong maibigay at pantustus sa pangaraw-araw na pangangailangan ng buong angkan. Sa pamamagitan ng paglalagay ng mga nag-iilawang dekorasyon, sila ang dahilan sa ating mga ngiti, tawa, at sigla. Nagpapamangha sa bawat madla dahil sa ganda ng Plaza bunga ng sipag nila.

Sila ang simbolo ng tala ngayon pasko na nagbibigay liwanag sa buhay natin dahil kung hindi dahil sa kanila tiyak na isang madilim na bangungot ang dadating na kapaskuhan sapagkat walang ilaw ang sisilahis sa’tin. Dahil sa kanilang pagsisikap at pagmamahal, magiging

isang masaya at maliwanag ang Pasko.

Bilang isang mamamahayag sa larangan ng diornalismo, isa lang ang masasabi ko. Sa aking nasaksihan at napagmasdan, higit nating pahalagahan ang mga taong sangkap ng ating kasiyahan. Isang totoong kahulugan ng Tala ngayon Pasko, mga taong nagpapalambot saking puso, nagpa-antig ng aking buong pagkatao, at nagpasaya sa aking mundo.

Magpapaskong hindi madilim ang kapaligiran sapagkat napapalibutan ng mga taong puno ng pagmamahalan. Ikaw? Sino ang Tala mo ngayong pasko?

• Ziane Ramos

Gulod ng Tanikala

Liwanag ay lumalapit, busilak na pangarap ay makakamit

Maraming mga balakid ang hinaharap ng isang tao, lalo na sa mga taong namumuhay sa kahirapan ginagawa ang lahat upang maabot at makamit ang mga pangarap sa buhay para sa magandang kinabukasan. Ngunit, sa gitna ng mga hamon at pagsubok aynakakaya pa rin niya itong bumangon muli at magsumikap sa kaniyang buhay.

Sabay-sabay tayong mamangha sa kuwento ni Jenny, isang nars sa isang hospital sa Pagadian City. Si Jenny-Ann Asari ay isang 34 anyos na nakatira sa Pagadian City. Nakapagtapos siya ng Bachelor of Science in Nursing sa Medina College at isang Registered Nurse. Isa si Jenny sa pinakamatatag at mapursiging tao, lalo na sa mga pangarap na gusto niyang makamtan. Sabi niya na,

“Noong mga bata pa ako ay namumuhay kami sa kahirapan noon. Halos wala na kaming makain dahil sa hindi sapat ang aming pera upang pambili ng bigas at ulam. Ngunit, sa kabila ng paghihirap ay nagpursigi pa rin ako sa aking pag-aaral upang makamit ko ang aking pangarap noon na maging isang nars.”

“Noong nursing student na ako, walang-wala ang pamilya ko noon at halos patigilin na kami ng ate ko sa pag-aaral ngunit, humanap at humanap ang papa ko ng mapagkukunan niya ng pera upang may ipangbayad ako sa tuition ko. Kaya doon, mas lalo akong nag sumikap sa pagaaral ko ng nursing.”

Tila kahanga-hanga ang pagpursigi ni Jenny, ito dapat ang maging insipirasyon ng ibang mga taong gusting maabot ang kanilang pangarap. Alam naman nating lahat na hindi rin madali ang kumuha ng kursong medisina marahil sa napakalaki ng gastusin na minsan ay tumitigil ang iba sa pag-aaral ng medisina.

Sa kabila ng lahat, na kayanan ni Jenny at ng kaniyang mga magulang na patapusin ng Nursing. Ito

Sa pagpupursigi ni Jenny ay tila ito ang patunay na kahit ano mang hirap ang iyong mararanasan sa buhay ay dapat hindi tayo agad susuko at patuloy lalaban para sa kinabukasan. Hindi man madaling lampasan ang mga pagsubok ngunit, hindi dapat ito maging hadlang upang sumuko. Pagbabahagi pa ni Jenny na,

ang bunga ng dugo, pawis, at luha ni Jenny sa loob ng ilang taong pag-aaral ng Nursing na halos ito’y matigil noon.

“Sa lahat ng pagod at hirap ko, nagbunga naman ito ng maganda. Nakapagtrabaho pa ako sa ibang bansa bilang isang nars ng 7 taon at ngayon naman ay isa na akong Registered Nurse.” Nasisiyahan niyang pagsabi.

Nakakamangha at nakakapagbigay ng inspirasyon ang kuwento ni Jenny. Isang malaking sigalot noon ang kaniyang naranasan sa buhay, mula sa pamumuhay sa kahirapan ay ngayo’y namumuhay na sa mas maginhawang buhay kasama ang kaniyang pamilya na siyang insipirasyon niya upang magpatuloy na magsumikap sa buhay.

Sa oras na nakapanayam ko si Jenny ay napagtanto ko na, hind isa lahat ng bagay ay makukuha mo ng madali,

minsan ay kinakailangan mong makaranas ng hirap at pagod dahil hindi lahat ng pangarap ay libre sa mundong ito. Ito naman ang huling bilin ni Jenny sa lahat ng mga taong dumaranas ng paghihirap gaya ng kaniyang naranasan noon, “Huwag silang mawalan agad ng pag-asa dahil sa marami nang pagsubok ang dumarating. Ito rin ang simbolo na malapit mo nang maabot ang iyong mga layunin at hinahangad sa buhay.” Nawa’y ito ay magiging isang inspirasyon sa mga taong unti-unti nang nawawalan ng pag-asa.

Marami pagsubok at hamon ang ating mararanasan sa buhay, ngunit hindi ito maging hadlang upang hindi maabot ang pangarap ay makamtan para sa ating magandang kinabukasan. Sa Gulod ng Tanikala, sukli ang dalisay na minimithi.

• Jedlyza Wynn Bani

Araw-araw, ang mga guro ay ginagawa

Ang MATATAG Curriculum na inilunsad ng DepEd noong Agosto 10, 2023 ay naglalayong humusay ang mga estudyante sa mga paksa na itinuturo sa paaralan. Sa ganitong paraan, binawasan ang Learning Competencies mula sa 11,000 hanggang sa 3,000 na lamang ito. Nasa pagbabago rin ng bagong kurikulum na pagpapalakas ng mga pangunahing asignatura upang matiyak na mas matuto ang mga kabataan sa paaralan.

Naghanda ang mga guro para sa MATATAG Curriculum noong Agosto 2023, inaprubahan naman ng senado ang 1.5 bilyong pesos na pondo para sa karagdagang pagsasanay ng mga guro. Sinanay sila sa mga iba’t-ibang layunin sa pagtuturo lalo na at binawasan nito ang mga learning competencies at pagbawas ng bilang ng asignatura sa maagang antas. Kahit pa man ang mga guro ay sinasanay na upang alam na nila kung ano ang gagawin sa pagtuturo sa bagong kurikulum.

Sa bagong kurikulum na itinatag ay hindi lamang ang mga estudyante ang nahirapan kundi pati na rin ang mga guro dahil sa mas maraming gawain. Marami ring mga guro ang hindi sang-ayon sa bagong inilunsad na K-10 Curriculum ngunit, kinakailangan din itong gawin upang matiyak ang pagkatuto ng mga estudyante lalo na sa Reading and Literacy at Language dahil sa maraming kabataan ang hindi marunong magsulat at magbasa Pilipino at Ingles.

Ang mga guro ay araw-araw nakakaramdam ng pagod, mula umaga ay nakatayo upang magturo sa mga estudyante hanggang gabi na gumagawa ng mga lesson plan, pagkalkula ng mga grado, at iba pang mga gawain na tila walang

mga estudyante. Kahit na minsan ay nahihirapan pagtuturo upang may matutunan ang mga inihanda ng mga guro para sa kanila ngunit, itinatag ng DepEd, makakaya pa ba ng mga oras at kasanayan?

ginagawa ang lahat upang turuan ang nahihirapan na sila ay patuloy pa rin sa mga estudyante tungkol sa mga leksyon na ngunit, ngayo’y may bagong kurikulum ang mga guro ang pagtuturo sa mas limitadong

10, mga sa binawasan ang karagdagang man hindi mas ang K-10 mga ng

Ang pagsubok ay hindi para sa pagbagsak, kundi para sa pagbangon.

Bawat patak ng ulan ay parang katumbas sa mga taong naghihirap sa daan. Ang lakas ng hangin na mukhang ika’y dadalhin palayo sa himpapawid. Ngunit ang lakas ng loob ng isang mamamayan na may pangangailangan ay kasing lakas ni superman.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, Merong inaasahang 20 tropical cyclone ang pumapasok o namumuo sa Philippine Area of Responsibility taun taon on the average at 8 or 9 dito ay naglalandfall. Kung kaya’t tuwing sumapit ang buwan ng tag-ulan ay nakakarananas tayo ng hagupit ng isang bagyo, dahil dito maraming mga mamamayang Pilipino ang nakakadanas ng isang malubhang suliranin sa kanilang buhay sapagkat ang isang bagyo ay isang pangyayaring hindi mapipigilan ngunit ito’y napaghahandaan.

Isang tindero ang naglakas-loob magtinda parin kahit na ang panahon ay nagdidilim at ang daan ay punong-puno ng tubig baha. Siya ay si Randy, nagtitinda

ng kakanin bilang kanyang trabaho panghanap-buhay.

“Ang nasa isip ko lang po kasi, walang makakain ‘yung pamilya ko.” Ito ang kanyang naging sagot sa isang panayam ng Kapuso Mo, Jessica Soho. Ang mga salitang binitawan ni Randy ang siyang nagpalambot ng mga puso sa mga tao, isang matapang na Pilipino na gagawin ang lahat para sa ikakabuhay ng pamilya.

Ang kwentong ito ay kinakailangang pahalagahan sapagkat hindi lamang ito naglalarawan ng katapangan ng isang tao ngunit kung paano tumayo ang isang tao para sa kanyang minamahal na pamilya, tunay na nananalantay ang dugong Pilipino.

Parang isang away ng bagyo vs tao ang naging sitwasyon na napasukan ni Randy sapagkat kahit

anong lakas ng sayaw ng tubig baha sa kanya, siya’y lumalaban pa rin. Kahit na siya ay nahihirapan ngunit sa kanya ay nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ng isang haligi ng tahanan. Ayon sa panayam, naubos ni Randy ang kanyang tindang kakanin na dala-dala niya habang nilalabanan ang bagyo.

Ang kwentong ito ay nawa’y magbibigay leksyon para sa lahat. Ingatan ang buhay sapagkat ito’y nagiisa lamang. Isaisip ang katagang, “Yakapin ang buhay, pahalagahan ang bawat sandali.”

Kahit na ang buhay ay parang alon sa dagat na siyang nagdadala ng hirap sa buhay, huwag magpapadala sa mga problema at lakas loob harapin ang sayaw ng tubig . • Ziane Ramos

pahinga at minsan na lamang ito nakakapagpahinga, ngayon na itinatag ang MATATAG

Curriculum ay tila mas napapagod pa ang mga guro dahil sa mas maraming gawain na ito at kinakailangan mga ihandang aktibidad, lalo na at 40-45 minutos lamang ang pagtuturo sa isang paksa sa klase.

Inilunsad ang MATATAG

Curriculum upang mapaganda ang kalidad ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas, ito rin ang paraan upang umunlad ang pagtuturo ng mga guro at maturuan ang mga estudyante sa mga asignatura gaya ng mga literacy, numeracy, at life skills. Natuturuan din ngayon ang mga bata tungkol sa pag problem-solving, critical thinking, at iba pang mga layunin ng MATATAG Curriculum.

Ngunit, hindi lamang mga estudyante ang natuto kundi pati na rin ang mga guro, sa lahat ng hamon at pagsubok na kanilang naranasan sa larangang pagtuturo ay tila isang panibagong hamon sa kanila ang bagong kurikulum na inilunsad ng DepEd. Kaya sa bagong kurikulum ngayon, hindi lamang MATATAG ang kurikulum kundi pati rin ang mga guro. Bagong hamon patungo sa pagtuturo, tila ang mga guro ay MATATAG para sa bagong kurikulum.

“Ako’y saludo sa mga guro, kahit buong araw at gabi, ginagawa nila ang lahat upang mabigyan ng leksyon at kaalaman ang mga kabataan. Ating ikalawang mga magulang, bigyan natin ng respeto at igalang.”

• Jedlyza Wynn Bani

Liyab ng Kulay

Himig ng sayaw ang nakaka-agaw pansin, kung paano gumalaw ay nakakahangang tanawin, iba’t ibang klaseng kasuotan ay nakaka-gitla, narito na ang hinihintay nila.

Mahilig ang mga Pilipino sa pagdidiriwang. Kung kaya’t maraming mga iba’t ibang klaseng pista ang bansang Pilipinas gaya ng ati-atihan festival, pahiyas festival, maskara festival, at marami pang iba. Dahil sa mga pagdiriwang na ito, masayang sinasalubong ito ng mga tao. Mga ngiting abot langit ang sumisimbolo na nagsasaya sila sa mga iba’t ibang uri ng pyesta.

Ito’y isang pagdiriwang na isinasaulog tuwing ika-tatlong linggo ng buwan ng Enero, isang pagdiriwang na nagpapa-alala sa pagdating ng imahe ng Santo Nino. Ang hinihintay ng mga Pilipino sapagkat isa ito sa mga malalaking pista dito sa ating bansa. Mula sa salitang pasalamat, ito’y ginanap upang magbigay pasalamat sa mga biyayang natanggap buong taon.

Ayon sa Asia Someday, mahigit 42,000 major at minor na mga pyesta na ipinagdiriwang ng ating bansa. Lahat ng mga ito ay kilala na mayroong iba’t ibang uri na sayaw, kulay, at mensahe na ibig ipahatid.

Ang pangunahing highlight ng pasalamat festival ay ang fluvial parade, isang sikat na aktibidad na kung saan nagaganap lamang isang beses sa isang taon. Isa rin sa mga inaabangan ng maraming tao ay ang

mutya ng festival na kung saan may iba’t ibang kababaihan ang isasayaw ang Santo Nino habang nakasuot ng magagarang kasuotan na may iba’t ibang uri na disenyo at kulay.

Ang pagpili ng mutya sa festival ay nakabatay kung paano niya isayaw ang rebulto ng Santo Nino, kung ito ba ay kaayaayang tingnan, mararamdaman mo ba ang daloy ng sayaw na parang mayroong tilamsik ng koneksyon. Ngunit hindi lamang sa mga mutya umiikot ang pagdiriwang nito sapagkat inaabangan din ng mga tao ang tinatawag na ritual dance.

Sa lungsod ng Pagadian, na kung saan taon-taong ginaganap ang masiglang ritual dance showdown na nagtatampok sa mga street performer at festivals queens na may hawak na imahen ng Santo Nino sa iba’t ibang kasuotan. Dahil sa pagkakaroon ng mga taong kakayahan na makapag-isip, mas lalong nakakamangha ang alay nilang kasuotan.

Ayon sa Pambansang Museo ng Pilipinas ang dahilan kung bakit karamihan sa mga festival ng Sto. Nino ay ginanap sa Enero habang ang imahen ay unang dumating noong Abril 1521 ay dahil sa pagbibigay espesyal na pahintulot ng Roma sa Pilipinas na ipagdiwang ang pista ng Sto Nino tuwing ikatlong linggo ng Enero

Sa likod ng magagarang kasuotan, himig ng sayaw at galaw, mensahe na nais parating ay ang liyab ng kulay simbolo ng pagdiriwang walang kapantay.

• Ziane Ramos

Sa kanyang 53 taong gulang, hindi siya nagtataglay ng korona o sutla, ngunit ang kanyang mga kamay, matigas at mapula, ay nagkukuwento ng mga taon ng pagpupursige, ng pagiging isang ina sa apat na anak, at ng pagmamahal sa kanyang trabaho.

Si Aling Nena, ang nakakatandang kapatid ng aking ama, ay hindi isang karaniwang tindera. Siya ay isang dalubhasa sa sining ng paggawa ng patis.

Ang kanyang patis ay hindi lang isang sangkap sa pagkain, kundi isang simbolo ng kanyang pagmamahal at pagpupursige.

“Masarap ba ang patis ko?” tanong niya, ang mga mata niyang kumikinang sa pagmamalaki. “Sabi ng mga suki ko, walang katalo.”

Naaging biyuda siya nang maaga, at siya na lamang ang nag-alaga sa kanyang apat na anak. “Sa buhay, kailangan mong magsikap para sa gusto mo,” ang karunungan niyang

ibinahagi.

Palagi kong hinahangaan ang kanyang lakas at determinasyon. Bata pa lamang ako, madalas kaming dumalaw sa kanila sa Manolo Fortich. Ang amoy ng patis ay parang amoy ng bahay at pagmamahal.

Ayon sa mga estatistika, higit sa 80% ng mga Pilipino ang mga maliliit na negosyante, at karamihan sa kanila ay mga ina na tulad ni Aling Nena, na nagtatrabaho nang walang pagod upang maitaguyod

ang kanilang mga pamilya.

Sa kanyang trabaho, nakita ko ang isang babaeng matibay at masigla. Hindi siya natatakot magtrabaho, kahit mahirap at nakakapagod.

Sa kanya, nakita ko ang isang reyna, hindi sa kanyang korona, kundi sa kanyang mga kamay na nagluluto ng masarap at makabuluhang patis.

• Anadel Looc

Aray, bes! Parang kumirot ang puso ng bawat JaBie fan nang ipahayag nina Barbie Forteza at Jak Roberto ang kanilang paghihiwalay. Matapos ang pitong taong pagsasama, nagpasya silang maghiwalay, iwanan ang kanilang mga tagasuporta na nagtataka at nagdadalamhati.

Sa isang statement na ibinahagi sa social media, ang dalawa ay nagpahayag ng pasasalamat sa patuloy na pagmamahal ng kanilang mga fans, ngunit pinakiusapang igalang ang kanilang desisyon at privacy. Hindi nila binanggit ang mga detalye ng paghihiwalay, ngunit binanggit ang mga “personal na dahilan.”

Sino ba naman ang hindi malulungkot, ‘di ba? JaBie ay naging isa sa mga pinaka-kinikilig

na love teams sa showbiz! Ang kanilang kilig chemistry, cute na moments, at ang kanilang pagsuporta sa isa’t isa ay nagbigay inspirasyon sa marami. Pero, tandaan natin na ang pag-ibig ay isang personal na bagay.

Ang magandang balita? Kahit hiwalay na sila, nananatili pa rin silang magkaibigan at magiging supportive sa isa’t isa. “Mananatili kaming magkaibigan at magiging supportive sa isa’t isa,” pahayag ni Barbie.

Kaya, huwag mag-alala, bes! Masaya pa rin tayo para sa dalawa kahit na magkahiwalay na sila. Supportahan natin ang kanilang mga bagong journey bilang mga indibidwal. Maraming iba pang magagandang bagay ang naghihintay sa kanila!

At tandaan, kahit hindi na sila JaBie, ang kanilang mga alaala ay mananatili sa ating mga puso.

• Anadel Looc

Naniniwala ka bang may isa pang Rico Yan? Marahil, sa unang tingin, ang tanong na ito ay tila isang biro lamang. Pero sa pag-usbong ng isang bagong pangalan sa industriya ng showbiz, ang tanong na ito ay biglang naging mas makahulugan.

Para sa mga naka saksi ng kinang ng love team nina Rico Yan at Claudine Barretto, ang mga pelikulang “Dahil Mahal na Mahal Kita”, “Mula sa Puso”, at “Got 2 Believe” ay hindi lamang mga pelikula, ito ay mga alaala sa isang panahon kung saan ang kanilang pagiibigan ay nagbigay ng inspirasyon at saya sa maraming Pilipino.

Ang pagpanaw ni Rico ay nag-iwan ng malaking lungkot sa mga pilipino.Gayunpaman, sa isang panayam, ang alaala ni Rico ay muling nabuhay, hindi sa pamamagitan ng mahika o himala, kundi sa pamamagitan ng isang tao na tila ipinanganak upang dalhin ang kanyang espiritu,ang kanyang pamangking si Alfy Yan.

Kamakailan lamang, naging usapusapan ang pagkakahawig nina Rico at Alfy, na muling nagpaalab sa damdamin ng mga millennials.Sa isang interbyu noong Disyembre 10, 2024, ipinakilala ni Claudine Barretto si Alfy sa publiko.

Hindi maikakaila ang pagkakatulad ng mukha ni Rico at Alfy.Para kay Claudine, ang pagpapakita kay Alfy ay parang isang “divine intervention,” isang pagkakataon na tila itinadhana.

Si Alfy, isang 19-anyos na binata, ay opisyal nang nagsimula ng kanyang karera sa showbiz matapos pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency. Ang pagpasok niya sa industriya ay dahil sa tulong ni Claudine.Bagamat kinakabahan, masaya at excited daw si Alfy sa kanyang bagong paglalakbay. Plano niyang magsimula sa mga endorsements at commercials habang nag-aaral pa.

Ayon kay Claudine, sa isang panayam, ang pagpasok ni Alfy sa showbiz ay isang paraan ng pagpapatuloy ng mga pangarap ni Rico na hindi na naisakatuparan.

Para sa kanya, si Alfy ang tamang tao upang ipagpatuloy ang legacy ni Rico, na nagdudulot ng pag-asa at kaginhawahan sa mga taong patuloy

na nagdadalamhati sa pagkawala ng minamahal na aktor.

Para kay Alfy, sa isang panayam din, ang pagdadala ng pangalang Rico Yan ay isang malaking responsibilidad. Aminado siya sa pressure, ngunit kinikilala niya rin ang suporta at pagmamahal na kanyang natatanggap. Para sa kanya, ito ay isang karangalan at isang magandang pakiramdam na maramdaman ang pagmamahal na patuloy na ibinibigay sa kanyang pamilya.

Sa huli, ang kuwento ni Alfy Yan ay higit pa sa isang simpleng pagpasok sa mundo ng showbiz. Ito ay isang pagpapatuloy ng isang alamat, isang pagkilala sa isang minamahal na artista, at isang pag-asa para sa mga taong patuloy na nagmamahal kay Rico Yan. Ito ay isang kuwento ng pamilya, pagkakaibigan, at ang walang hanggang kapangyarihan ng alaala.

• Anadel Looc

Isang mukha, dalawang puso, isang pagkakahawig na higit pa sa pisikal. Ang alaala ni Rico, nabubuhay sa puso ni Alfy, isang bagong pag-asa na nagpapatuloy sa kanyang minanang talento at karisma

Ang kanilang paglalakbay ay nagpapatuloy, bagaman sa magkaibang landas na. “

Tadhana’y tiyak na mapaglaro, ay hindi biro sapagkat maaring daloy ng buhay mo ay biglang madali, parang alon sa dagat hampas sa dalampasigan na suliraning walang katapusan.

naitala sa bansa upang magtrabaho sa ibang dahil sa rami ng pag-alis ng ating mamamayan, kanila ang nakararanas ng hindi inaasahang

Siya ay Pilipinang halos 15 taon Indonesia, muntik mabaril sa firing squad, nasestensiyahan ng kamatayan matapos ang 2.6 kilo ng herion sa dalang maleta. Veloso, sa kabila ng kanyang pinagdaanan, ay naging matatag sapagkat hindi siya isang Pilipino ngunit isang ina rin. Pilipinang ina naghahangad na maka-trabaho sa ibang bansa bilang domestic worker ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ang akala niyang opurtunidad ay bitag tungo sa karimlan.

Gagawin ng isang ina ang para sa kapakanan ng kanilang Veloso ay ina sa dalawang bata mag ibang bansa. Ang pagkakulong hindi niya ginawa na muntik pang pugot ng ulo ay naging lagim sa ang naramdaman ng bansang pagkakulong at pagbigay kamatayan

Ang pabalik ni Mary Jane kasunduan sa repatriation na nagbigay-daan mawala ang banta ng kaniyang sa Bureau of Corrections, ito ang ng isang nakapanlulumong yugto ni Veloso. Ngunit bilang isang nang hindi nakita ang kaniyang labis ang pangungulilang nararamdaman Ang katutuhanang nakauwi ka mo pa masisilayan ang pamilya durog sa puso. Ngunit kalaunan ay pinayagan na makita ni Veloso ang kaniyang ng compound. Ang mga kapamilya Jane ay sumisigaw at hinihiyaw Jane” at “Free, free Mary Jane”

Ang pahayag ni Pangulong pagbabalik ni Mary Jane Veloso hatid mensahe ang pagtitiyak ang kaligtasan at kapakanan ni pagmamalasakit nang bawat isa dahil sa pagbalik ng Pilipinang dumagsa ang sangkatauhan. Ang department of Foreign Affairs sa upang mailipat lamang si Veloso Indonesia patungo sa Pilipinas.

Ang naging daloy sa buhay mayroong leksyon na matutunan, Na siya’y sumisimbolo ng milyon-milyong na nagtitiis bilang domestic workers kahirapan ng bansa, dahil sa kuwento silbi itong paalala ang responsibilidad protektahan ang migranteng manggagawa.

Ang batas na Migrant Workers ng 1995 na nagsasaad na may tungkulin ang kaligtasan, dignidad, at mga mga mamamayang Pilipino. dahil Pilipino na silay protektado mula sa nag tatrabaho sa iba.

Kahit anong hamon ng buhay, pinaglalaruan sa tadhana, kahit na iyong buhay na nababalutan ng kadiliman. may liwanag pa din

• Ziane Ramos

Ayon sa grupong Migrante,
Sa gitna ng maingay at maalikabok na palengke sa Manolo Fortich, Bukidnon, naroon siya, si Nenita L. Tumulak, na mas kilala bilang Aling Nena, ang reyna ng mga patis.

mapaglaro, hamon ng buhay maaring sa isang iglap, ang biglang magbago. Hindi dagat na malakas ang na maihahalintulad sa katapusan.

naitala sa 6,800 Pilipino ang umaalis ibang bansa noong nakaraang taon. mamamayan, maaaring iilan sa inaasahang ikot ng daloy sa buhay.

taon na nasa death row ng bansang squad, naaresto at matapos matagpuan maleta. Mary Jean pinagdaanan, siya hindi lamang isang na bilang worker ang naging karimlan.

lahat ng kanilang makakaya kanilang anak. dahil si Mary Jane

bata kung kaya’t naisipan niyang pagkakulong sa isang kasalanang pang maging dahilan nag pagsa mga tao. Kung kaya’t labis Pilipinas na galit dahil sa kamatayan bilang hatol ni Veloso. ay naging resulta ng nagbigay-daan upang kaniyang pagbitay. Ayon ang katapusan yugto sa buhay ina na matagal kaniyang mga anak ay nararamdaman nito. ka na ngunit hindi pamilya mo ay nakaka-

pinayagan din ng mga bantay kaniyang mga pamilya sa loob kapamilya at tagasuporta ni Mary hinihiyaw ang “Clemency for Mary

Jane”

Pangulong Ferdinand R. Marcos JR sa Veloso sa Pilipinas ay nagbibigay ng sambayanang Pilipino ni Veloso. Nagpapatunay ang isa para sa kapwang Pilipino, sa talim ng kamatayan Ang pagsusumikap ng walang pagod na tulong Veloso mula sa kustodiya ng

ni Mary Jane Veloso na matutunan, pag-asa at pagtitiyaga. milyon-milyong Pilipino na diaspora workers upang makatakas sa kuwento ni Veloso nagiging responsibilidad ng mga estado na manggagawa.

Workers and Overseas Filipinos Act tungkulin ang estado na tiyakin pangunahing karapatan ng dito mas nakakatiyak ang mga sa kanilang bansa kahit na sila’y

kahit ilang beses na ika’y nasa ilalim na ng parte sa kadiliman. Ang bitag sa dilim ay

“STRIKE WHILE THE IRON IS HOT”

Suliraning hindi nawawala sa buhay natin, paulit-ulit pinaparanas sa atin. Hindi makawala na parang humihila sa’tin pababa, hadlang sa tagumpay ngunit hindi hadlang sa buhay.

Kilala si Sir Supring bilang isang mabait at isa sa mga uri na guro naa iyong masasabayan, malambot ang kanyang puso hindi kagaya ng iba na mas matigas pa sa bato. Ngunit sa kabila ng kanyang masiyahin na personalidad, dumaan din pala sa siya isang mahirap na buhay na kung saan siya ay nakakaranas ng ‘academic pressure’ at iba’t ibang problema pa na tiyak ko na nakakarami sa atin ay nararanasan ito.

“Managing stress, balancing responsibilities, overcoming fear, adapting to change, maintaining motivation, coping with failure, managing relationships, handling uncertainty, and staying true to personal values and goals.” Ito ay nagsisilbing hagdan tungo sa tagumpay ni Sir Supring sa kanyang buhay.

Dahil hindi porket tayo’y may pinagdadaanan na problema, tayo ay susuko na. Kinakailangan na may gawin upang giginhawa

ng marangya rin.

“I am a Working student from second year high school until I graduated college”. Hindi ba’t nakakahanga? Hindi ka ba na galaw sa iyong kinatatayuan? Alam ng lahat na hindi madali ang maging isang working student at ang isang Sir Supring ay nakayanan ito at nalagpasan. Dahil sa kanyang pagpupursigi ay nakamamit niya ang tagumpay na inaasam-asam.

Mahirap, isang salitang aking nasabi sapagkat sa oras ng nalaman ko ang kwento ni Sir Supring ay ako’y may napagtanto. Kinakailangan kong kumilala ng utang na loob sa aking mga magulang sapagkat hindi ko na kinakailangang magtrabaho upang makapagtapos ng pagaaral. Kailangan na tayo’y magpasalamat sa mga kaunting bagay na dumating sa ating buhay.

Ito ang masasabi ni Sir. Michael Supring para sa mga taong naghihirap o may pinagdadaanan din sa kanilang buhay. “They should stay resillient,embrace challenges in life, all the challenges we encoutered that’s normal, all challenges in life we need to take it as motivation in order to go forward in life. I will encourage them to Fight in every challenges in life, all problems are just spices in our journey towards our endeavor.” Kaya nawa’y kagaya ni Sir Supring tayo ay maging matatag sa kahit anong problema ang dadating sa ating buhay. Huwag susuko dahil wala ito sa ating dugo, patuloy ang laban kahit pagod ang katawan.

Hindi naging madali ang daan, maraming tinik ngunit sa bawat yapak ay lumilikha ng malikhaing unik tungo sa tagumpay ng ating buhay.

• Ziane Ramos

Bayani sa silid-aralan. Huwaran na nagsisilbing inspirasyon sa kanyang mga estudyante, siya ang nag papatunay na ang pagpupursige at dedikasyon ay susi sa tagumpay.

Ika nga nila walang permanente dito sa mundo kundi ang pagbabago ngunit nakakabuti ba ito o may dalang kalungkatan sa ating puso’t laman?

Kilala ang lungsod na ito sa timog kanluran na may natatangi, walang katulad at kakaibang uri na sasakyan na siyang ginagamit transportasyon ng mga tao. Dahil dito mas lalong nakilala ang lungsod ng Pagadian dahil sa hangad na trisiklo na dito mo lang makikita sa lungsod ng timog kanluran.

Kakaiba, isang salita ang maririnig mo kapag tinanong mo ang mga tao tungkol sa sasakyan na ito. Ngunit, alam mo ba bakit na imbento ang klase na ganito?

Sa Pagadian, namumukodtangi ang mga traysikel dito

dahil sa kanilang natatanging disenyo, ito’y karaniwang nakahilig sa anggulo na 25 hanggang 40 degrees. Dahil sa disenyo ay nagagawa ng mga trisiklo na umangkop sa mabundok na lupain ng lungsod. Nakakahanga hindi ba? Sapagkat dito lamang sa Pagadian mararanasang masakyan ang kakaibang sasakyan. Ngunit kung ika’y maghahanap ng hangad na traysikel dito, may makikita ba tayo?

Sa aking paglaki dito sa lugar, ako’y nasanay sa hangad na trisiklo sapagkat ito lamang ang sinasakyan namin tuwing kami’y na sa bayan. Ngunit sa aking paglaki ay hindi ko inaakala na unti-unting nawawala ang ipinagmamalaki nating trisiklo, sa isang iglap, isang bao-bao na ang nasa harap.

Ating pag-usapan ang pagbabago ng Pagadian sapagkat kahit saan ka titingin, bao-bao ang matatanaw sa daan at walang halong traysikel sa lansangan. Ang dating pinagmamalaki natin na sasakyan ay unti-unting naglalaho, hahayaan na lamang ba natin ito o ating ibalik ang nakaraan na tayo’y palalo sa hangad nating trisiklo? Sapagkat noong sikat pa ang sasakyan na ito ay tayo’y dinadalo ng mga dayuhan upang masilayan at masubukan ang natatanging traysikel ng Pagadian.

Tagu-taguan, nasaan ang hangad ng Pagadian?

• Zinane Ramos

Papayag ka bang tumira sa mundong sa ‘Artificial Intelligence ’ ka lang umaasa? Paparami nang paparami na Ang mga bagay na nagagawa ng mga AI o Artificial Intelligence ngayon, at paparami na rin nang paparami Ang mga tao na umaasa nalang dito upang mas mapadali ang kanila ginagawa.

Sa tulong ng AI, kaya nitong sumagot sa iba’t-ibang mga katanungan, mag generate ng iba’t-ibang larawan, at maging palitan ang Trabaho ng ilan? Maaari nga bang palitan ng

Matatandaang ibinahagi ng GMA Network ang kanilang mga AI sportscasters na sina Maia at Marco noong nakaraang taon. Ang mga AI na ito ay kinu-kontrola

gamit ang Image generation, text to speech AI Voice Synthesis/ Generation, at Deep Learning Face Animation Technology. Ngunit ang ng mga ito ay umani ng samot saring opinyon at iba’t-ibang reaksyon sa madla.

Marami ang nababahala sa mga nagagawa ng AI ngayon, at ang magiging epekto nito sa ating mga tao. Maraming nagsasabi na baka palitan na nito ang mga tao sa larangan ng iba’t-ibang trabaho, marami naman ang nababahala sa mga magiging epekto nito sa kinabukasan nating mga tao.

Samantala, sa kabila ng mga batikos ng iba patungkol sa AI, may iilan paring namamangha sa ideyang paggamit nito upang maghatid ng mga balita, dahil mas napapadali raw nito ang paglalahad ng

mga impormasyon. Hindi lang iyan, marami rin ang sang-ayon sa paggamit ng AI sa iba’t-ibang bagay, dahil sa isang type lang ay nagagawa na nito ang mga nais mong ipagawa.

Sa daming bagay na maaaring magawa ng AI, nasa atin paring mga kamay kung hahayaan natin na palitan tayo ng mga ito sa ating mga trabaho. Maaaring kaya nilang sumagot sa iba’tibang tanong—madali man o mahirap, mag generate ng iba’t-ibang imahe, o

kaya’y palitan ang trabaho nating

tao, ngunit,

makapangyarihan parin tayong mga tao dahil kung wala tayo, wala rin namang magkokontrola sa mga imbensyong ito na tao lang din ang siyang nag -imbento.

• kristel Faith dondiog

Ang Laban ng Mikroskopikong Bayan Laban sa mga Nakakahawang Bakterya

Isang maliit na virus na maaaring matagpuan sa mga tubig, lupa, tanim, at maging sa katawan ng mga hayop, insekto, at nating mga tao. Ganiyan kung ituring ang bacteriophage o phage. Ito ay isang klase ng virus, ngunit hindi katulad ng ibang virus, hindi ito nakakamatay bagama’t mas nakakatulong pa ito sa pagpatay ng mga bakterya at nakakatulong din pagdating sa medisina.

Ang bacteriophage ay binubuo ng nucleic acid na molekula na napapaligiran ng protinang estruktura. Ito rin ay isang virus ngunit kinakain nito ang mga bakterya. Sa katunayan, ang salitang “bacteriophage” ay nangagahulugang “bacteria eater” dahil sinisira ng mga phage ang mga cells nito na siyang nagreresulta sa pagkamatay ng mga masasamang bakterya sa ating katawan.

Ilan sa mga ginagawa nito ay hinahawaan at nirereplika nito ang loob ng bacteria at inilalagay ang kanilang “genetic material” sa loob. Ang henetikang materyal na ito ay siyang nagmamanipula sa makinarya ng mga bakterya at pinipilit ang mga itong gumawa ng mas marami pang phage sa ating katawan.

Kalaunan, ang nahawahan na bakterya ay sasabog at maglalabas ng mga bagong phage na handang makipaglaban ulit. Dahil dito, nadadagdagan ang mga mabubuting virus sa ating katawan at nababawasan ang mga masasamang bakterya dahil pinapatay at pinapalitan ito ng mga

bacteriophage.

Hindi lang iyan ang ginagawa ng phage, maaari rin itong gamitin sa mga therapy— tinatawag na phage therapy, dahil ang mga ito ay nagagamit sa paggamot ng mga bakteryal na impeksyon, at may ilang mga pag-aaral na rin ang nagpapakita ng pagiging epektibo nito pagdating sa paggamot ng mga sakit.

Dagdag pa, nilalabanan at pinapatay din ng mga phage ang mga multi-drug resistant na mga bacteria, o kapag hindi kinakaya ng mga antibiotic ang mga ito ay nandiyan ang mga phage upang matagumpay na patayin ang mga ito at sagipin ang buhay ng taong apektado.

Napakagaling kung ito’y gumana, kahit pa ito’y maliit, ito nama’y napakabagsik. Ito ay napakaespesipiko pagdating sa mga bakteryang pinapatay nito—hindi ito pumapatay ng mga nakakatulong na bakterya subalit pinapatay lamang nito ang mga masasamang bakterya sa ating katawan.

Ang mga bacteriophage na ito ay maaari nating maging bagong armas at mandirigma sa ating laban kontra sa mga sakit dahil kahit maliit ito, kaya nitong lumaban at ipakita ang kanyang lakas sa pag puksa sa mga masasamang bakterya at sakit, at maging tumulong sa paggawa ng mga bagong medisina na siyang magagamit upang umunlad at malabanan ang ilang sakit.

• kristel

“Kahit na ito ay maliit, ito ay may kakayahang lumaban at ipakita ang kanyang lakas laban sa ilang mga bakterya. Kaya’t tulad ng bacteriophage, kahit ang pinakamaliit na pag-asa ay maaaring maging susi sa tagumpay laban sa mga hamon ng buhay

PAG-ASA AT PAGSUBOK.
Sa kabila ng unos, nang La Niña, anuman ang pagsubok, babangon tayo.

Pagsubok sa kalikasan, maging handa! Panibagong araw, panibagong buhay. Makabagong batid sa panibagong kaganapan. Sa mundong ginagalawan, kalamidad kaya pa bang lagpasan? Ikaw! Taong intelehente kaya mo pa ba maging independente sa ikadudulot nitong pinsala? Halikat dinggin mo ang paghagupit ng isang sakunang independenteng tulad mo!

La Niña, ang kabaliktaran ng El Niño, ito ay likas na pangyayari na mailarawan sa pamamagitan ng hindi pangkaraniwang malamig na temperatura ng tubig. Ang paglamig na ito ay humantong sa pagbabago sa pattern at lakas ng atmospera, na nagdudulot ng makabuluhang epekto sa panahon sa buong mundo.

Ang La Niña ay maaaring magreresulta ng malalim na epekto sa tao, hayop, at halaman sa buong mundo. Ang pagtaas

ng pag-ulan ay maaaring magdudulot sa mga pagbaha o pagtaas ng tubig sa mga daanan, habang ang pagbaba nito ay maaaring magdulot ng pinsala sa ari-arian at buhay.

Sa isang iglap, kaya nitong wasakin ang pamumuhay ng tao, mga pananim ang isa nitong ha-hagupitin. Kawawang mga magsasaka ang s’yang laging mapipinsala.

Ang pagbabago sa temperetura, maging ito man ay tag-lamig o tag-init ay maaaring hindi lang makasira sa ani ng pananim kundi pati na rin sa mga sakit na kumakalat gaya ng ubo, sipon at lagnat. Kaya’t mahalagang pangalagaan ang sarili sa ganitong panahon.

Sa dulot nitong klima, sa anong kalagayan nga ba ang mga inosenting hayop? Ang La Niña ay may mas negatibong epekto sa mga hayop kaysa sa positibo. Ang mga hayop na nakatira sa mga espasyo na madalas tamaan ng matinding

Damo: Likas na Lunas o Peligrosong Panlunas?

“Pagkilala sa mga benepisyo at panganib ng mga halamang-gamot sa kalusugan.”

Ang damo ay karaniwang tinatadyakan. Ito’y nakakasira ng madekorasyon at ito’y masama sa paningin ng tao. Ngunit akalain na ang damong tinatapakan ay wede ng panlunas sa ating katawan!

Itong damo ay panlunas liban sa sakit sa bato, athritis at mga parasito. Nakakatulong ito sa pagpapagaling ng sugat, diabetes, nakapagpapababa ng atapresyon o high blood pressure at nakakagamot ng Kanser. Ito ay ang Indian Goosegrass o goosegrass lang kung tawagin.

Eleusine Indica ang siyentipikong pangalan ng Indian Goosegrass. Paragis kung sa tagalog at bila-bila o hila-hila sa bisaya. Ito’y isang uri ng damo na ka`milya ng Poaceae. Ito’y nanggaling mula sa Africa ngunit karamihan nito ay nasa South America,

Micronesia, Asia, American at Pacific Islands. Tinatawag siyang “Indian” hindi dahil galing ito sa India kundi ito ay hinango sa mga katutubong mga tao na namumuhay sa Amerika noon. Tinatawag kasi ang mga Amerikano noon bilang isang “Indian” kaya dito nakuha ang pangalan na “Indian” sa Indian Goosegrass.

Ito’y nabubuhay sa mga maiinit na lugar kung saan ay may mala tropikal at subtropikal/subtemperate na rehiyon. Ang mga kulay nito ay berde, maplang kayumanggi, o di kaya’y maiitim pag patay na may hugis pahabang itlog at aabot sa 1 hanggang 1.5 mm ang pollen nito. Ang tanim na ito ay tumutubo ng isang (1) ruler (12 inches) hanggang 1.5 ruler (18 inches).

Sinasabing ang Indian Goosegrass ay kung saan-saan lamang tumutubo.

Ang kabuuang tanim, lalong-lalo na ang mga ugat ay nakakapaglinis ng katawan, diuretiko (ang paglalabas ng toxin sa pamamagitan ng pagihi), nakakapababa ng lagnat at nakakatulong upang madaling matunaw ang mga tapon ng ating katawan. Sa Vietnam, isa itong “basic remedy” at traditional na itong medisina sa kanila. Ayon sa mga Malaysian Doctors ng nagsasaliksik tungkol sa mga benepisyo ng goosegrass, ang kemikong laman nito ay nakakapagpatunaw ng mga tumor na nagdudulot ng kanser. Ito raw ay mayaman sa antioxidants, antibacterial at anticancer. Ito rin ay may mga antitoxins. Ibig sabibin, ito’y pumapatay ng mga tumor cells. Ang mga kemikals o sangkap ng Indian goosegrass ay nakakatulong upang patayin ang mga masasamang bacteria na nagdudulot ngiba’t ibang sakit.

Palaging sinasabi ng programa ng Healing Galing na “ang lahat ng panlunas ay makikita at makukuha sa luntiang kalikasan”. Ang Indian Goosegrass ay salot para sa atin noong hindi pa natin nadidiskobre ang nakakatulong na gamot dulot ng Indian Goosegrass. Tandaan na ang sagot sa gamutan sa mga sakit sa katawan, malay mo nandiyan lang sa iyong bakuran.

• Nica Sugano

pag-ulan at pagbaha ay ang pinaka-apektado. Ang pagkawala ng kanilang tinitirhan at kakulangan ng pagkain ay ang pangunahing banta sa kanilang kaligtasan.

Dahil sa pabago-bago ng klima na dala ng La Niña, nasa panganib ang kalagayan ng mga nanninirahan dito sa mundo. Ang pangmatagalang solusyon para dito ay nangangailangan ng pagkilos upang mabawasan ang mga epekto ng pagbabago ng klima at maprotektahan ang mga tao’t hayop sa kanilang mga natural na tahanan.

Mahalagang gunitain na ang La Niña ay isang natural na pangyayari at hindi natin ito mahahadlangan. Gayunpaman, tayo’y maghanda para sa potensyal na panganib at mapabuti ang ating kakayahan na umangkop sa halinhinan ng klima.

• Angel Benitez

Ang gusot sa damo ay parang buhay hindi laging perpekto, ngunit sa bawat liko at gulo, may kwento ng katatagan, ganda, at pag-asa na nakatago.

Mga Munting Mandirigma: Bacteriophage

DiNA pweding isMOLElin

Kakayahan ni DNA: Huwag isMOLElin!

Pagkilala sa mga tungkulin ng DNA sa ating buhay bilang tao.

Maliit kung tingnan at ituring, ngunit ito’y mayroong napakalaking ambag sa ating mga tao. diniditermina nito ang ating mental at pisikal na anyo at kung ano ang kabuuan ng ating pagkatao. Ang kulay ng ating mga balat, ang ating tangkad, maging ang ating kaugalian, alam mo ba kung ano ang dahilan ng mga ito? O nagtataka ka ba kung sino ang gumagawa ng mga bagay na ito? Ito ay dahil sa ating deoxyribonucleic Acid, o mas kilala natin bilang dNA.

Ang DNA ay isang molekula na nagtataglay ng mga henetikang impormasyon para sa paglaki, pag-unlad, at pag gana ng mga organismo— gaya na lamang nating mga tao, dahil taglay nito ang mga direksyon upang mabuhay, magparami, at umunlad ang isang tao, na siya ring mapapasa sa susunod pang mga henerasyon sa pamamagitan ng ‘DNA Replication’.

Ang DNA rin ay mayroong apat na pangunahing tungkulin; Replication, Transcription, Encoding Information, at ang Gene Expression. Kung ang anyo naman nito ang pag-uusapan, ang DNA ay isang mahabang chain na may double helix na estruktura na binubuo ng dalawang DNA na nakabaluktot o ‘twisted’ sa isa’t-isa.

Ito rin ay binubuo ng mga kemikal na building blocks na siyang tinatawag na ‘nucleotides’, na binubuo rin ng tatlong bahagi; ang sugar molecule, phosphate na grupo,

at ang nitrogenous base na siyang bumubuo sa bawat strand nito. Ang bawat strand kasi nito ay binubuo ng apat na molekula na tinatawag na mga ‘bases’, at ito ay ang

Sa masalimuot na spiral DNA, ay nagsasabi ng kuwento ng ating mga ninuno, na humuhubog sa ating bayolohikal na pagkakakilanla. Ito ay nagpapakita ng kagandahan ng pagkakaiba-iba at koneksyon. Sa loob ng ating mga selula ay may potensyal para maunawaan kung ano talaga ang ibig sabihin ng pagiging tao

adenine(A), cytosine (C), guanine (G), at thymine (T).

Pagdating sa ating mga tao, nakukuha natin ang ating DNA sa ating mga magulang sa pamamagitan ng ‘sexual reproduction’ na nangyayari sa pagitan nilang dalawa. Dahil dito, namamana ng anak ang kalahati ng kanilang nuclear DNA sa kanilang ama, samantalang ang kalahati naman ay sa kanilang ina. Kaya’t napapansing ang bawat anak ay kamukha o kaugali ng kanilang mga magulang dahil nanggaling sa kanila ang ilan sa mga ito.

Gayunpaman, kadalasang namamana ng tao ang mitochondrial DNA ng kanilang ina dahil tanging ang mga egg cells lamang na nanggaling sa mga

babae , at hindi ang sperms cells na galing sa lalake, ang napapanatili ang kanilang mitochondria tuwing fertilization dahil kadalasan sa mga sperm cells ay namamatay lamang tuwing fertilization, kaya’t kaunti nalang ang tyansa na namamana ito ng mga tao.

Dagdag pa, ang DNA ay mayroong malaking parte sa ‘protein production’ at sa pag re-regula nito. Dahil sa tulong ng DNA sequences na nababago at nagiging mensahe, ito ay nakakagawa ng protina — isang molekula na ginagawa ang halos lahat ng kailangan para sa ating katawan, gaya na lamang ng pagbabalanse at pagpapanatiling matatag ang ating mga katawan. Ngunit hindi lang ‘yan, isa rin sa pinakaalam ng lahat na ginagawa ng DNA ay ang pagkilala sa isang tao. Dahil bawat tao at may iba’t-ibang DNA, dahilan upang iba’t-iba ang bawat isa, kahit na ang mga ito ay kapatid pa, may porsyento paring magkaiba ang mga ito. Ang DNA ay siya ring tumutukoy sa kung ano man ang kulay nang iyong mga mata, ang iyong tangkad, at ang iyong buong pagkatao—mapa itsura o ugali man ito.

Sa tulong ng DNA, nagkakaroon tayo ng iba’t-ibang identidad bilang tao, hindi lang sa pisikal nating mga anyo, kung hindi pati na rin sa kung paano natin harapin ang mga bagay sa ating buhay, at ang ating emosyonal na kapasidad bilang tao. Kaya’t kahit maliit man ito, hindi parin ito dapat na minamaliit dahil ginagawa at nagagawa nito ang kaniyang trabaho ng mas maigi pa sa higit na mas malaki sa kanya.

• Nica Sugano

HINAHARAP ANG DIWA

Pulutong na Binabalot ng Dilim

Pagtuklas sa kapangyarihan at hamon ng Artificial Intelligence.

Isang pasilip sa mundo ng Artificial Inteligence! Sa mundong pukaw na pukaw teknolohiya ang siyang nangingibabaw. Mundong tila isang regalong binabalot ng inobasyon at kasintibay o kasinlakas ng ilang tumpok na bakal sa pagiging teknolohikal. Saan na ba tayo dinala ng teknolohiya? May kompyuter nga bang mala tao ung mag-isip? Ito na ba ang bagong panahon sa katalinuhan?! Tunay ngang patuloy tayong umuunlad.

Ano nga ba ang AI? Ang Artificial Inteligence (AI) ay isang larangan na mabilis yumabong at panay na nagbabago sa paraan ng ating pamummuhay. Ang AI ay naging mas nakikita at mas mabisa sa ating pang-araw-araw na buhay. Ngunit ano ang layunin ng Artificial Inteligence?

Layunin ng Artificial Inteligence (AI) ang lumikha ng mga pamamaraan na may kakayahang mag-isip at magresolba ng mga problema tulad ng tao. Ito ay may kakayahang mag proseso ng impormasyon, at mag-nilay nang lohikal at malikhain.

Ang AI ay nag naglalayong isang bagong yugto ng edukasyon kung saan ito’y magiging gabay sa bawat mag-aaral sa pamamagitan ng pansariling pagaaral. Masisilayan ng mga kabataang estudyante ang kanilang sariling potensyal at kakayahan sa mas nakaka-engganyong karanasan sa pagkakatuto.

Ang pag-asa sa AI para sa lahat ng gawain katulad ng paggawa ng takdang-aralin, pagsulat ng sanaysay, o pagsagot sa mga tanong ay nagdudulot sa pagiging tamad ng mga estudyante at nawawalan sila ng pagkakataon na matuto ng mga kasanayan sa pag-iisip at paglutas ng problema.

Ang AI ay isang teknolohiya na may potensyal na magbago ng mundo. Gayunpaman, importanteng gamitin ito nang responsible at etikal. Subalit, huwag iaasa ang lahat na kaya mong gawin sa isang Artificial Inteligence (AI) na pinamahalaan ng makina, kompyuter, o robot. Tandaan, mas mabisa pa din ang kakayahan ng isang tao at walang makakatumbas nito.

• Angel Benitez

“ Sa panahon ng Artificial Intelligence o modernong mundo, ang pagpapausbong ng kakayahang mag-isip at maresolba o malutas ang problema ay nananatiling susi sa pag-angat ng tao. Huwag hayaang mawala ang ating sariling potensyal sa kaginhawaan ng teknolohiya!

Subok sa paghahanda!

Sa mundong tinitirhan, kontroladong buhay kontroladong mundo. Pero hanggang saan nga ba ang kayang mako-kontrol ng tao?

Araw na naman ng tag-init, araw na syang sumisingil sa kasalanan ng mga tao buhay kaya din ba ang kapalit? O tanging pangingimi na lamang ang ayang gawin ng tao?

Sa patuloy na pagputol ng kahoy at pagpapatayo ng imprastaktura tila’y nakakalimutan na ng mga taong mang-gagawa ang lubos tanging ikadudulot nito. Ano na? Ano kaya ang puwedeng kalasag natin sa banta ng El Niño?

Tag-init ang s’yang

pumupukaw sa pangangamba ng sambayanan dahil tila hindi ito pwedeng ipagsawalang bahala lamang sa kadahilanang umaabot ng 10 degree farenheit ang temperatura sa mga nagdaang araw. Maaaring lubhang mapanganib ang init ngayon kaya hanggat maaari iwasan ang kadalasang paglabas ng bahay para maiwasan ang karaniwang epekto nito sa katawan katulad ng heatstroke, pagkahilo, mabilis na paghinga at tibok ng puso, pananakit ng ulo at iba pa.

Sa ganitong panahon, mas lalong nadagdagan ang pinsala o kapahamakan sa mga taong nakalatag lamang sa higaan dahil sila ang may mas limitadong mobility na mas nahihirapang mapanatili ang kanilang temperatura sa katawan sa normal na antas, kaya mas madali silang maapektuhan ng matinding init. Kaya’t mahalagang mag ehersisyo araw-araw upang mapanatiling malakas at

mabuti ang katawan dahil ito ang tanging panangga sa pinsala ng init ngayong araw.

Sa ganitong sistema, kailangan ng masusing pag-iingat at paghahanda, tulad ng pagtiyak ng sapat na hydration, paggamit ng mga cooling devices, at pag-iwas sa direktang sikat ng araw upang maprotektahan ang sarili sa mga mapanganib na epekto ng El Niño. Ang pagpapalakas ng immune system at pagkonsulta sa doktor ay mahalaga rin upang maiwasan ang mga komplikasyon.

Ang El Niño ay isang klase lamang ng panahon. Ito ay dumarating at lumilipas din ngunit bilang isang tao na kontrolado ang kalikasan, naway maisakatuparan nating iwasan ang pagsira sa ating kapaligiran at panatilihin ang pagbalanse ng ating ekosistema upang mapigilan ang anumang kapahamakang sakuna.

• Angel Benitez

Delos Reyes sinisid ang Tagumpay, muling lalangoy para sa PCDAAM

Lulusong muli sa Pagadian City Division Athletic Association Meet

Dala ang kaba ngunit may pusong palaban, maagang ipinamalas ng SMC Pool Panther na si Cristine Delos Reyes ang kanyang liksi at husay matapos pataubin ang kanyang mga kalaban at humakot ng apat na medalya. Isang ginto para sa 50m Freestyle, tig-iisang pilak na medalya para sa 100m Freestyle at 100m Breaststroke, at Isang tanso para sa 50m Breaststroke sa ginanap na Private Schools Athletic Association Meet, Swimming Women’s Category na ginanap sa Our Lady of Triumph noong huwebes, November 29.

Nagpakitang-gilas si Delos Reyes sa 50m Freestyle stroke na kung saan ay pinahanga niya ang mga manonood sa kanyang bilis at husay. Sa unang bahagi pa lamang ng kadera ay kapansin-pansin na kaagad ang kanyang pangunguna na tila ay isang torpedong dumaan sa tubig na buong lakas na kinokontrol ang tubig na tila wala siyang kapantay sa kanyang bawat galaw na nagawang makasungkit ng isang ginto para sa kanilang koponan.

“First is ang ka pressure and kakulba jud, every competition dijud mawala ang kakulba

Sa bawat dribble at shoot, pinatunayan ng SMC Panthers ang kanilang lakas at dedikasyon. Isang laban, isang puso, tagumpay na walang kapantay!

SMC Panthers, bumuwelta ng panalo kontra MNHS

Dominasyon ng Panthers sa Asenso Sports Athletics Cup Season 2

Namayani sa kamay ng Southern Mindanao Colleges high School department (SMC) Panthers ang inaasam na panalo laban sa Manga National high School (MNhS) 85-53, sa larong Men’s Basketball 5x5 sa Asenso Sports Athletics Cup Season 2, na ginanap sa Plaza Luz Covered Court, Pagadian City, Zamboanga del Sur noong Sabado, Enero 04.

Binasag ng Panthers ang kanilang mga lakas at tapang sa loob ng court sa unang kuwarter pa lamang. Ipinamalas naman ang mga Panthers at nakakuha na sunod-sunod na puntos, Ipinakita rin ng Manga ang kanilang determinasyon sa laban. Sa huli, nagtapos ang laban sa iskor na 21-13 pabor sa Panthers.

Bumida naman si Reymark Ligutom sa ikalawang kuwarter dahil sa kaniyang mga diskarte upang ma i-shoot ang bola at maka puntos. Gayunpaman, Nagpamalas din ng husay at galing ang Manga National. Ngunit nagtapos ang laro sa iskor na 43-25.

Ipinatalsik at pinayuko ng Panthers ang Manga National, Ipinakita ang husay at buong lakasloob na makuha ang ang ikatlong kuwarter, dahil sa pagnanais na makuha ang tagumpay ay ibinihasa ng bawat isa sakanila ang

LUMALABAN PARA GINTONG

MEDALYA. Naging matindi ang ipinakitang galing ni Delos Reyes sa kompetisyong ito. Dahil dito, humanga ang lahat ng kanyang tagasuporta matapos niyang makuha ang

Lady

laban. Sa huli, nagtapos pa rin ang laban sa pabor ng Panthers, 64-40.

Nagdomina ang Panthers sa buong laban ng laro, Sa mga koordinasyon ng bawat isa sakanila nila. At dahil na rin sa ipanamalas na galing at pagnanais na manalo sa laban ay sa wakas nakuha rin ng Panthers ang huling laban sa laro. Nagtapos sa iskor na 85-53.

Bagama’t ipinakita naman ng Manga National ang kanilang pagpupursige sa laro at ang kanilang talento, ngunit hindi pa rin mapantayan nila ang lakas na ibinigay ng Panthers.

Naghari ang Southern Mindanao Colleges High School Department Panthers kontra sa Manga National High School. Nagpapatunay na ang kanilang hindi pagpapatalo at tagumpay sa mapaghamong laro.

• Nori Alpha

and tungod kay galain akong lawas naka feel kog kulba nasud sakong huna huna basin diko maka place Ani Kay galain Akong lawas but thanks to God naka gold pa maskin gasuka suka na tungod sa hubak” Ani ni Delos Reyes.

Hindi rin nagpa-awat si Delos Reyes sa 100m Freestyle at 100m Breaststroke na kung saan ay nag-uwi rin siya ng dalawang pilak na medalya sa parehong events. At sa huling bahagi ng kompetisyon ay nasungkit niya ang isa pang tansong medalya sa 50m breaststroke matapos makipagsabayan sa pinakamabilis na swimmers ng

ibang koponan.

“After sa dula, kafeel lang gihapon ug kulba Kay imba (magagaling) na kaayu ug kuntra sa division, but so thankful Kay maskin galain akong lawas nakuha gyapon ko” dagdag ni Delos Reyes.

Sa larangan na kung saan ay tibay ng puso at determinasyon ang puhunan upang masungkit ang tagumpay, pinatunayan ni Delos Reyes na kaya niyang makipag sabayan sa mga malalakas na swimmer na kanyang kalaban.

• Princess Jay Montegrande

Panthers, Lumipad at nagapi ang Napolan NHS 72-26

Isang kahanga-hangang panalo, para sa Lady Panthers

Nakapagtanghal ng kahanga-hangang mga galaw at diskarte ang bawat koponan ng Southern Mindanao Colleges high School department (SMC) at Napolan National high School (NNhS) sa laro ng Women’s Basketball 5x5 sa Asenso Sports Athletics Cup Season 2, na ginanap sa Plaza Luz Covered Court, Pagadian City, Zamboanga del Sur noong Lunes, disyembre 23.

Sa bawat pagtira ng mga dalawang kamay, agad na ipinakita ng SMC Lady Panthers ang kanilang mga mahusay na galaw at diskarte upang makuha ang bola laban sa NNHS! Kitang-kita sa bawat pag pasok ng bola ay ibinigay ang bawat lakas at pagsisikap. Gayunpaman, sa kabilang banda ay ipinakita rin ng NNHS ang kanilang tapang at determinasyon upang maka iskor, ngunit mas malakas ang SMC Lady Panthers na nagresulta hindi naka bangon ang iskor ng kanilang kalaban, nagtapos ang unang kwarter sa iskor na, 19-0.

Sa ikalawang kwarter ng laro ipinamalas ng NNHS ang kanilang hindi pagpapatalo sa laban, naka ahon ang kanilang iskor sa talaan at naka puntos na iilan, ipinakita nila ang kanilang pagnanais na manalo sa laban. Ngunit hindi pa rin nila mapantayan ang mabibisang pag depensa at mga taktika ng SMC na nagresulta na nangunguna pa rin sila, Nagtapos ang ikalawang kwarter sa iskor na 34-17.

Ipinakita ng dalawang koponan ang kanilang mahusay na ginawang diskarte upang makuha ang bola mula sa kalaban at ang kanilang koordinasyon sa bawat miyembero. Ipinakita ang kanilang hindi pagpapakampante at hindi pagsuko sa laban, ngunit sa huli nangingibabaw pa rin ang SMC Lady Panthers sa ikatlong kwarter at nagtapos sa iskor na 50-21.

Mga mabilisang pagkilos at pag takbo ang ginawa ng bawat koponan, ipinakita ng SMC Lady Panthers

ang kanilang husay at pagpupursige sa laban. Habang ang NNHS ay nahihirapan na habulin ang puntos ng kanilang kalaban, dahil sa agwat ng iskor nila. Sa huli, nakuha pa rin ng SMC Lady Panthers ang panghuling laban sa iskor na 72-26.

Nagreyna at naipagtagumpay ng Southern Mindanao Colleges High School mula sa School. miyembero ang katatagan at tapang upang maipanalo ang laban, bagama’t hindi nakuha ng NNHS ang tagumpay ngunit nag tagumpay naman sila dahil sa mga sumusuporta sa kanila.

“Grabe ang among training po and self disipline sa mga pagkaon pud, and also after sa dula nga na daog mi I feel incredibly happy and proud.” Pahayag ni Ross Bea Pao.

• Nori Alpha

“ Hindi pa rin mapapantayan ng pagod kung ang nais mo ay manalo sa laban, Bumangon at harapin muli ang pagsubok.

Flexiles Umindak ng todo, Susulong sa Regional Meet

Ipinamalas ng SMC Flexiles dynamic duo na sina Princess Mariell heuser at Jurdan Bacasmas ang kanilang kamangha-manghang galawan sa dance floor ng makuha nila ang gintong medalya at tinanghal na kampeon sa ginanap na Pagadian City division Athletic Association Meet (PCdAAM) na ginanap sa Plaza Luz Covered Court noong araw ng Miyerkules ika apat ng disyembre 2024.

Simula pa lang ng tugtog pinatunayan na ng dalawa ang kanilang angking galing sapag sasayaw, sinimulan nila sa pitik ng mga kamay at timing sa ritmo ng mga binti.

Nagpakitang gilas at ipinakita ng dalawa ang makamanghang galawan at kaakit-akit na ekspresyon upang mapamangha at makuha ang atensyon ng mga hurado at

manonood.

“For me first time namo ni apil sa akong bff best partner sa by school competition na naka gold medal maong lipay kaayo mi.” Ayon kay Jurdan Bacasmas

Muling ipinamalas ni Princess Mariell Heuser ang kanyang flexible na katawan at matinik na ekspresyon sa kaniyang mukha, habang si Jurdan

Sa bawat hakbang, tagumpay ang aming inaasam; ang musika’y gabay, ang sayaw ay aming buhay.

Bacasmas naman ay ipinakita ang kanyang mababangis na galawan.

Hindi inaakala na sila ang tatanghaling kampeon sa labing-dalawa na contestants sapagkat magagaling din ang mga ito. Kitang-kita ang determinasyon at koordinasyon ng dalawa mula sa pag hawak na kanilang ibinida sa bawat hakbang.

“The feeling when I first entered the floor I was feeling nervous because I was bringing the name of SMC highschool and just thinking about proceeding to the division meet was shocking cause the compition was hard But then I realized I was doing what I loved so it was pretty awesome getting into the regional meet.” Ani pa ni Princess Heusser.

• kristine kaye Villasan

Sa Sepak Takraw, ang SMC Lady Spikers ay nagpakita ng hindi matitinag na tibay at determinasyon, pinagsama ng husay na teamwork at matalinong estratehiya, para makamit ang matamis na tagumpay.

Green Panthers, walang kahiraphirap na pinataob ang

Lucan Central Colleges

Pasok sa Division Meet matapos ipakita ang galing sa pag atake at depensa

Sa isang kamangha-manghang at kapana-panabik na laban, ipinamalas ng Southern Mindanao Colleges (SMC) Panthers ang kanilang galing sa basketball nang makaharap ang koponan ng Lucan Central Colleges (LCC), na nagtapos sa iskor na 105-45 sa Private Meet na ginanap sa Munisipalidad ng Pagadian City, Zamboanga del Sur noong Martes, ika-dalawampu’t walo ng Nobyembre 2024.

Ipinakita ng dalawang koponan ng Southern Mindanao Colleges High School Department (SMC) at ng Eastern Mindanao College of Technology (EMCOTECH) ang kanilang mga hindi mahulaan na taktika sa kanilang laban na Sepak Takraw, Ipinamalas din nila ang kanilang mabagsik na pag-sipa at galaw na ginanap sa Private Schools Athletic Association Meet (PSAAM) sa SMC Annex, Rizal Avenue, Pagadian City, Zamboanga Del Sur, noong Huwebes, Nobyembre 28.

Sa unang set ng laro, ipinangunahan ng Lady Spikers ang kanilang mabilisang sipa na hindi malaman ng Ravenclaw ang kanilang mga galaw. Determinadong manalo ang Lady

Spikers at laging nakatuon sa kanilang laro. Naging masidhing labanan ito sa pagitan ng dalawang koponan, dahil gustong habulin ng Ravenclaw ang iskor ng Lady Spikers.

Nabigo pa rin ang Ravenclaw dahil sa depensa at head pass ng Lady Spikers, at nagresulta sa kanilang pagka-panalo sa unang set, 15-5.

Dahil sa matatalim na serves

Sa pagsisimula ng laro, ang Panthers ay agad na nagpakita ng kahusayan at gilas sa larong basketball. Mabilis nilang naitatag ang isang agresibong depensa na pinangunahan ni France Abarquez, habang si Reymark Ligutom ay nagpakita ng lakas at galing sa pag-atake, na nagbigay sa kanila ng maagang kalamangan sa puntos, 16-6 .

Sa unang kalahati ng laban, naging tila nangingibabaw ang Panthers sa kanilang matibay na depensa at maingat na pag-atake. Hindi nagpatalo ang Luc an, na pinangunahan ni Jhonrix Solatorio, na nagpakitang-gilas sa mga tres at maayos na pasa, at nagtalaga ng sunod-sunod na puntos, ngunit hindi pa rin ito sapat upang makahabol sa Panthers, 40-27.

“Lisod kaayo kontrahon ang SMC kay kabalo mi nga maayo sila pero Nice G gihapon sa amoang team” Ani ni Jhonrix Solatorio

Sa ikalawang kalahati, patuloy na nagpakitanggilas ang Panthers sa kanilang mahusay na execution sa depensa at opensa. Sa bawat pagkakataon, nagawa nilang sumalakay at magtulungan upang mapanatili ang kanilang kalamangan sa puntos, 78-40.

Sa huli, dahil sa patuloy na pagtutulungan ng baw at miyembro ng koponan at sa dedikasyon ng mga manlalaro, hindi maikakaila ang husay at tapang ng SMC Panthers. Matapos ang isang matinding laban, nagwagi ang SMC Panthers laban sa Lucan, na may iskor na 105-45.

“Tuwang-tuwa ako at lubos na nagpapasalamat sa Panginoon dahil binigay nya ang aming hiling na magtagumpay, nagpapasalamat din ako sa kanya sa walang sawang pag gabay at protektahan kami sa aming laro” ayon nmn kay Reymark Ligutom pagkatapos ng laro.

• kristine kaye Villasan

ni Kimberly Alicarte ng Lady Spikers at ang mahusay na koordinasyon ng bawat miyembro, sunod-sunod ang kanilang nakuha na puntos. Ngunit dahil sa hindi pag-papatalo ng Ravenclaw, ipinakita nila ang kanilang liksi at lakas upang ma-sipa ang bola. Gayunpaman, malayo pa rin ang naabot nilang puntos laban sa Lady Spikers.

Isinagawa ng Lady Spikers ang bawat pag-atake sa kanilang laban, at sa paggamit ni Joesiel Caliza ng kanyang underhand pass, nakuha nila ang ikalawang set at nagtapos ito sa

15-7. Matagumpay na itinapos ng Lady Spikers ang laro at nagresulta ito sa kanilang pppagkapanalo dahil sa

kanilang mga kaakit-akit na galaw at ipinakitang kasanayan.

Bagama’t hindi naging madali at nabigo rin ang Ravenclaw sa paghabol ng iskor, ipinakita naman nila ang kanilang mga kasanayan at pag-harang laban sa Lady Spikers.

Naghari ang Lady Spikers dahil sa kanilang panalo laban sa Ravenclaw. Ipinakita nila ang kanilang koordinasyon at tiyaga upang maipanalo ang laban

“Happy kaayo ko kay naay supporter naa dira nako, mura kog nanglupad sa clouds jud. Pero before sa dula, nagpray jud mi,” Ani Kimberly Alicarte. • Nori Alpha

Pasok sa Division Meet Matapos ang Matinding Hatawan sa Podium

Kislap At Talino Ni Yldifonso: Unang Pilipinong Nagbigay Wisik sa Olimpiyada

Isa sa mga hindi malilimutang yugto sa kasaysayan ng Pilipinas sa isports ay ang pagkapanalo ni Teofilo Yldefonso, ang unang Pilipinong nagwagi ng medalya sa Olimpiyada.

Noong 1932 Summer Olympics sa Los Angeles, nakamit ni Yldefonso ang bronze medal sa 200-meter breaststroke. Hindi lang ito isang tagumpay sa personal niyang karera, kundi isang malaking hakbang para sa buong Pilipinas sa pagpapakita ng galing sa internasyonal na isports.

Bilang isang batang mula sa Ilocos, hindi naging madali ang daan ni Yldefonso patungo sa kanyang tagumpay. Walang sapat na kagamitan at pasilidad sa kanyang panahon, ngunit nagpakita siya ng walang kapantay na determinasyon. Sa kabila ng mga hamon, nakamit niya ang pinakamataas na antas ng tagumpay sa pamamagitan ng kanyang sipag at tiyaga, kaya naman hindi nakapagtataka na ang kanyang pangalan ay naging simbolo ng pag-asa sa mga Pilipinong atleta.

Hindi lamang ang kanyang medalya ang naging makasaysayan kundi pati na rin ang epekto nito sa buong bansa. Ang tagumpay ni Yldefonso ay nagbigay inspirasyon sa mga kabataang Pilipino na hindi hadlang

ang kalagayan sa buhay upang magtagumpay. Si Yldefonso ay nagsilbing halimbawa ng tunay na lakas ng loob at walang hanggang pangarap sa kabila ng mga pagsubok.

Ang bronze medal ni Yldefonso ay nagsilbing isang milestone hindi lamang sa kanyang buhay, kundi sa buong Pilipinas. Sa kabila ng mga limitasyon, ipinakita niya sa mundo na ang mga Pilipino ay may kakayahang magtagumpay sa mga pinakamataas na antas ng kompetisyon. Ang kanyang tagumpay ay nagpamalas ng hindi matitinag na lakas ng isang atleta at ang kahalagahan ng sipag at dedikasyon sa tagumpay.

Hanggang ngayon, ang legacy ni Yldefonso ay buhay na buhay sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang kanyang pagkapanalo sa Olimpiyada ay nagsisilbing paalala na sa bawat pagdapo ng isang atleta sa entablado ng internasyonal na paligsahan, laging may “splash” ng tagumpay na nagsisilbing inspirasyon para sa mga susunod na henerasyon.

• Princess Jay Montegrande

Matinding Pasabog at Panalo! Nagpakitang-gilas ang dynamic duo ng SMC Flexiles na sina Trisha Manilag at Cris Laurence Perocho matapos Basagin ang Dance Floor at masungkit ang 5th place sa Latin American Category sa ginanap na Private Schools Athletic Association Meet (PSAAM) na ginanap sa Plaza Luz, Covered Court kahapon November 27.

Simula pa lamang sa unang tugtog ay ramdam na kaagad ang tensyon sa dance floor at ang Pag-indayog ng balakang at timing sa ritmo ng mga binti, sinimulan nina Perocho at Manilag ang kanilang magkatugmang galaw at ekspresyon upang makuha ang atensyon ng mga manonood at mga hurado.

Ang flexible na katawan at mabangis na ekspresyon ng mukha ni Manilag kasama ang matitinik na galaw ni Perocho ang naging dahilan upang sila ay mapili sa top six na siyang aabante sa final round.

“Akong na feel lang jud ato nga time ate kay kapoy kaayo jud kay ano waman gud mi kaon ato tapos way tubig jud hangak jud kaayo super” pahayag ni Manilag. “Ang nafeel nako ato mix emotion, excited mi ato kay gusto na kaayo mi mubawi kay since last year napildi mi and then nakulbaan mi at the same time kay ana among coach nga daghan mi nga participant sa Latin dance nine pairs mi ato tas ang kwaon kay six ra.” dagdag ni Perocho.

Muling ipinakita ni Perocho ang kanyang husay sa paggalaw sa dance floor, habang si Manilag naman ay pinamangha ang lahat sa kanyang mga spins at dip na nagpapakita ng kanyang liksi at poise. Kitang-kita ang kanilang magandang koordinasyon mula sa paghawak hanggang sa tindi ng emosyon na kanilang ipinamalas sa bawat hakbang.

“After sa competition happy lang mi kay maka division mi balik after a year nga nag dusa” masayang sabi ni Perocho.

Bagama’t siyam na pares ng kalahok ang kanilang kalaban sa kompetisyon ay nagawa parin nilang umarangkada at makakuha ng puwesto patungo sa nalalapit na Pagadian City Division Athletic Association Meet na gaganapin ngayong December 4, 2024.

Princess Jay Montegrande

Sa bawat sisid at galaw ng mga braso at binti, matagumpay na makasisid ng dalawang medalya ang SMC Pool Panther na si Mark Jhan

medalya sa 100m Backstroke at Tansong medalya naman para sa 50m Freestyle sa ginanap na Private Schools

“Before ang dula kulbaa jud kay basin ako ray hinay tapos sila kusog kaayo mang langoy tapos while nag dula nami naka feel na jud kog pressure wala nako kasabot sa akoang gi bati,” Ani ni Abrenica.

ng

Our Lady of Triumph, Pagadian City noong Biyernes, November 29. Nagpakitang gilas at hindi nagpatalo si Abrenica sa kanyang mga kalaban sa 100m backstroke matapos nyang unahan ang mga ito at makapag uwi ng Pilak na medalya dahil sa kaniyang bilis at liksi sa loob ng pool. Bagama’t may dalang kaba at takot na hindi niya matapos ang laro, pinatunayan niya parin na kahit unang beses nya palang sumalang sa pampalakasan ay kaya niyang makipag sabayan sa mga mas eksperyensadong manlalangoy na kanyang kalaban.

Ipinakita ni Mark Jhan Abrenica ang kaniyang galing at determinasyon sa kaniyang talento sa paglangoy. Ibinihasa niya ang kaniyang lakas at mabilisang pagkilos upang maunahan niya ang kaniyang kalaban, Gumamit siya ng mga ma sikretong skills at diskarte upang mapagtagumpayan

ang kaniyang laban.

Naging kapana-panabik ang kanyang mga galaw sa paglangoy at naging masidhing labanan dahil sa kanyang matibay na sipag.

Ipinakita ni Mark Jhan Abrenica ang kanyang husay sa iba’t ibang istilo ng paglangoy, pagkontrol ng paghinga, at komportable sa tubig. Kitang-kita na kahit ito’y may kaba na dinadala ay nagawa pa rin niyang makamit ang tagumpay.

magaling na manlalangoy si Mark Jhan Abrenica. Ipinapakita niya ang kanyang dedikasyon, husay, at galing sa paglangoy. Hindi madali ang kanyang pinagdadaanan sa ilalim ng tubig, pero ipinakita niya ang kanyang bawat galaw sa paglangoy kahit na may halong panginginig sa kaba.

Bagama’t hindi siya nakakuha ng gintong

Naganap ang isang napakamatinding labanan sa pagitan ng dalawang kaponan ng Southern Mindanao Colleges High School Department (SMC) at ng Saint Columban College High School Department (SCC) sa huling Championship Tournament Basketball na ginanap sa Private Schools Athletic Association Meet (PSAAM) Plaza Luz Covered Court, Pagadian City, Zamboanga del Sur, noong Biyernes, Nobyembre 29.

“Nag pasalamat ko sa Panginoon na iyahang gi hatag ang the best saamoa. Ang kahago, iyahang gud gi bunga. Nag pasalamat jud mi sa Ginoo, sa tanantanan.” Ani ni Reymark Ligutom

Matinding pagbakbakan at masisiglang hiyawan ang naghari sa ikalawang quarter dahil parehas ang talaan ng iskor ng magkabilang koponan. Parehong malalakas ang dalawang

koponan at hindi nagpapatalo Mataas ang iskor ng Panthers, pero paulit- ulit na nahahabol ng Dreamhunthers, ngunit mas matibay ang depensa ng Panthers dahil sa kanilang husay sa pagsalo at pagpasok ng bola.

Sa huling dalawang minuto, nahabol ni Lanz Bana ng Dreamhunthers ang talaan ng iskor ng Panthers. Gamit ang kanyang hindi inaasahang galaw at mabilisang takbo, naipasok niya ang bola, kaya nalampasan nila ang Panthers, 64-61. Ngunit nagpakita ng kamanghamanghang galaw si Reymark Ligutom, kaya naging 64-64 ang iskor.

Naging agresibo ang huling bahagi ng laro at sunod-sunod ang pagkuha ng puntos ng magkabilang koponan. Sa huli, nanalo pa rin ang Panthers sa iskor na 68-67.

Ang depensa ng bawat koponan ay kapana-panabik, at palaging

magkasunod ang kanilang mga puntos. Ngunit mas namayani ang galing ng Panthers, na nagpakita ng kanilang lakas laban sa Dreamhunters Gumawa ng kamangha-manghang mga pag-atake ang Dreamhunters para makuha ang bola laban sa Panthers, ngunit dahil sal ahusay ni Carlos Bernal ng SMC Panthers, nakapuntos siya matapos maipasa ang bola sa kanya at makaiwas sa depensa. Itinapos ni Reymark Ligutom ang laro sa iskor na 99-82.

Sa kabuuan, nag wagi ang Southern Mindanao Colleges Panthers, dahil sa kanilang husay at hindi makapaniwalang

mga ipinakita nilang diskarte at galaw na nag resulta sa kanilang pagka- panalo.

“Practice, practice lang jud. Saint Columban is a very strong team, we have to prepare against Columban, Of course wala mi nag salig sa among kusog, nasayod mi nga among kadaugan gi

medalya, nakapag-uwi pa rin siya ng pilak at tanso. Pinatunayan ni Mark Jhan Abrenica ang kanyang kahusayan sa paglangoy sa kanyang unang pagsali sa kompetisyon at determinadong maipanalo ang laban.

“Pag ka human sa dula, na second ko sa backstroke. Tapos naka bronze ko sa free lipay na kayo ko kay first time nako mo apil ug swimming tapos na dala pa jud kog division meet” Ani ni Mark Jhan Abrenica. • kristine kaye Villasan

Sa bawat galaw ng braso at salampak ng tubig, pinatunayan ng SMC Pool Panther na si na ang pusong palaban at puno ng dedikasyon ang magdadala sa kanya sa tagumpay natapos lunurin ang kanyang mga kalaban sa kanyang mabilis na galaw at nagawang mag- uwi ng apat na pilak medalya. Gintong medalya sa 50m backstroke, dalawang 100m backstroke af 100m freestyle, at isa pang tancong medalya sa 50m freestyle Women Category sa ginanap na Private Schools Athletic Association Mect na ginanap sa Our Lady of Triumph, kahapon November 29.

Agad na nagpamalas ng lakas at bilis si Guilingan sa 50m backstroke women category at dinomina ang swimming pool. Sa unang lap pa lang ay tila kidlat na dumaan ang bawat galaw ng braso at silinyador ng paa niya at upang mahigitan ang kanyang mga kalaban.

Hindi maikakaila ang kanyang kasanayan habang dinomina niya ang karera mula simula hanggang dulo, na mistulang sirena ng karagatan.

“Before ang game akong nafeel kay kakulba, dayon before jud nagstart ang game milingkod kos kilid dayn gatungok wala na gaistorya kay gi compose na

nako akong self.. during sa game nakulbaan ko but instead ma discourage akong gibuhat is gi istoryahan nako akong self nga “this is it, have to prove them what I’m capable of” buong pusong pahayag ni Guilingan.

Hindi rin nagpaawat si Guilingan sa 100m backstroke at 100m freestyle, kung saan nasungkit niya ang mga pilak na medalya matapos makipagsabayan sa pinakamahuhusay na swimmers sa kompetisyon.

Sa 50m freestyle naman ay nagpakita siya ng lakas at determinasyon upang maiuwi ang tansong medalya.

“Ang naa sakong huna huna jud is yes, Lord thank you kaayo, worth it tanan nakong kahago tas akong nahuna-hunaan atong nakagold ko is halahh ma proud na sila nako” dagdag niya.

Sa kabila ng hirap na kanyang pinagdaanan upang ma balanse ang pag-aarl at kanyang pag eensayo, pinatunayan ni Guilingan na ang disiplina at dedikasyon ang tunay na susi sa tagumpay. Sa huli, siya ay nag-uwi ng apat na medalya na naging inspirasyon sa kanyang mga kasamahan at nagbigay ng karangalan sa kanilang paaralan.

• Princess Jay Montegrande

hatag jud namo sa Ginoo. Every timeout we reciprocate to God, we recognize that we are nothing without God, So I would like to thank God for giving the win as a champion in this tournament” lyon ang sinabi ni Coach Babor ng SMC • Nori Alpha

Sa bawat paghampas gamit ang isang kamay at braso, ipinakita ni Michelle Castillo Layaguen ang kanyang lakas at tapang sa paghagis ng bola, na nagpapakita ng kanyang dedikasyon at katatagan sa Track and Field: Women’s Shot Put na ginanap sa Private Schools Athletic Association Meet (PSAAM) sa Dao Sports Complex, Pagadian City, Zamboanga del Sur, noong Lingo, Desyembre 01.

Sa isang makinis at kontroladong paggalaw, Ipinakita ni Michelle Layaguen ang husay sa pagbato at malakas na paghagis ng bola. Hindi mahulaan ang kanyang mga taktika, gamit ang mabilis na pag-ikot at mabilisang galaw, iniitsa niya ang bola na nagresulta sa kaniyang pagtira sa unang laban 6.13-meter.

“Before sa dula is ga training rako’g 2 days kay dili ka lugar inig ting klase.” Ani ni Michelle Layaguen. Bagama’t may dinadalang pangamba, Ibinihasa niya pa rin ang kaniyang mga mabibisang paghampas, iniukit niya ang bola sa hangin. Kamanghangmanghang ipinakita ang kanyang mga pagkilos, determinadong masungkit ang pagkapanalo. Sa kanyang mga matitibay na pagtira, nagtapos ang ikalawang laban na 6.20-meter.

Nangunguna at nagaalab sa huling laban, ipinamalas ang kanyang punong-puno ng lakas at maingat na paghampas. Ang bola ay sumasayaw sa hangin, nag-iiwan ng magandang arko ng apoy. Nagtapos ang panghuling laro sa pagtira na 6.34-meter.

Kitang-kita ang kaniyang determinasyon at pagnanais na manalo, na sungkit niya ang ginto at tansong medalya. Na nagpapatunay sa kaniyang galing at talento sa paglalaro. Kahit tila’y may kaba na dinadala nagawa niya pa rin maitapos ang laban.

“So thankful kay worth it kaayo ang pag training, and thankful sab kay papa God” dagdag pa niya.

• Nor-aisa Alpha

Abrenica matapos mag-uwi
isang Pilak na
Athletic Association Meet, Men’s Swimming Category na ginanap sa
Hindi maikakaila na isang

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.