VOL. I NO. I
DECEMBER 14, 2023
OPISYAL NA PAHAYAGAN NG DIVISION SCHOOL PRESS CONFERENCE
02
03
04
OPINYON
LATHALAIN
ISPORTS
PAMBANSANG ALYANSA NG NAGTATAGPUANG UTAK LAYUNIN AY TALINO
Dalang panganib ng social media Think before you click- Yoldi 2023
ni Alvin Rex Cerera akipagtalakayan ang isang former campus journalist at social media influencer, Jhon Caster Troy L. Yoldi sa ginanap na Mini Press Conference para sa Division Schools Press Conference(DSPC) 2023 na ginanap sa Guihing Central Elementary School, Hagonoy Davao del Sur, Disyembre 14, taong kasulukuyan. Tinalakay niya ang kahalagahan ng pagiging responsible sa paggamit ng social media at paano maiiwasan ang negatibong paggamit nito. Inihayag niya na maging maingat tayo sa paggamit , saad rin niya na maraming problema ang kakaharapin sa paggamit nito tulad ng cyber bullying, at fake news at mga maling impormasyon. “Think before you click,”paalala ni Yoldi. Dagdag niya rin na isa ang mga magulang na gagabay sa mga kabataan upang maiwasan na mapahamak ang kanilang mga anak, ayon sa kaniya dapat na may limitasyon sa edad ang paggamit ng social media tulad ng Facebook, Instagram at Tiktok. “Be supervision when it comes to children” saad ni Yoldi. Nagpahayag si Ginoong Jhon Caster L. Yoldi ng mensahe at payo sa
N
mga mag-aaral ng nakilahok sa DSPC 2023 na ginanap sa Guhing Central Elementary School, Hagonoy Davao Del Sur. ( Larawan kuha ni: Dhonna Lyne Chavez)
Influencer, nakipagtalakayan sa DSPC 2023 ni Alvin Rex Cerera
I
binahagi ni Jhon Caster Troy L. Yoldi, isang mamamahayag at social media Influencer ang kanyang kaalaman ukol sa responsableng paggamit ng social media sa ginanap na Division Schools Press Conference(DSPC) 2023 na ginanap sa Guihing Central Elementary School, Hagonoy Davao del Sur, Disyembre 14, taong kasalukuyan. Pinaalalahanan ni Yoldi ang mga mamahayag na kumalahok sa DSPC 2023 na maging responsable sa paggamit ng social media. Sa isinagawang mini press conference sinabi ni Yoldi na may positibo at negatibo ang paggamit dito, giit pa niya maraming kapahamakan ang nag-aabang sa paggamit ng social media tulad ng fake news, cyber bullying, at marami pang iba. Ngunit giniit naman ni Yoldi na may Magandang dulot ang social media lalo na sa mga mag-aaral pagdating sa larangan ng akademiko. Dagdag pa ni Yoldi na isa ang mga magulang na dapat gagabay sa kanilang mga sa paggamit ng social media, aniya limitahan ang mga anak sa paggamit ng social media. ‘We should be mindful of using social media’ paalala ni Yoldi.
Social media influencer, guest speaker sa DSPC 2023 ni Alvin Rex Cerera
J
hon Caster Troy L. Yoldi, 18 na taong gulang, resedente ng Sto. Tomas, Davao del Norte, guest speaker sa ginanap na Mini Press Conference para sa Division Schools Press Conference(DSPC) 2023 na ginanap nitong Disyembre 14, Huwebes ng umaga , taong kasalukuyan. Ibinahagi ni Yoldi ang kaniyang kaalaman ukol sa maayos at responsableng paggamit ng social media at paano maiiwasan ang mga maling impormasyon. Siya ay kasalukuyang nag-aaral ng kolehiyo sa kursong AB Political Science sa Ateneo de Davao University. Siya ay isang Associate Editor ng Ang Taga Lupa(20222023), News Anchor sa Davao del Norte Division Meet 2023 Media Team, at news anchor sa ginanap na Davao Regional Athletic Association Meet 2023 Media Team. Pinrangalan din si Yoldi bilang unang puwesto bilang Best News Presenter sa Filipino Category sa ginanap na Davao Regional Schools Press Conference 2022 at pangalawang puwesto bilang Best TV Anchor sa Davao del Norte Press Freedom Interscholastic Competition. Marami rin ang humahanga kay Yoldi sa larangan ng social media, siya ay may mahigit 124k followers sa Tiktok app at mahigit 4.6 million likes. Nagbahagi si Ginoong Jhon Caster Troy L. Yoldi ng kanyang mga karanasan at nakamtan sa kanyang buhay sa ginanap na DSPC 2023 sa Guihing Central Elemntary School, Hagonoy Davao Del Sur ( Larawan kuha ni: Dhonna Lyne Chavez)