ANG-TUNOB_FEDERICO-YAP-NHS

Page 1


Matapos ang tatlong taon FYNHS nakatala ng pinakamababang bilang ng dropped out rate

Kumonti na ang bilang ng mga magaaral na hindi na nakapagpatuloy ng kanilang pag-aaral ngayong taon kumpara sa nakaraang taong panuruan.

Sa record ni Cindy B. Husain, school registrar ng paralan,sa kabuuang bilang na 2096, 33 lamang o 1.59% ang nag-dropped sa klase ngayong taong panururan 20242025 kumpara noong unang taon School Year (S.Y) 2023-2024 na may 135 na hindi nakapagpatuloy sa pag-aral sa kabuuang bilang na 2158.

Habang sa taong 2022-2023 nakatala ng may pinakamataas na bilang ng mga nag-dropped na may kabuuang bilang na 152 o 3.68%.

“Kung susuriin, pababa ng pababa ang bilang ng dropped out sa ating paralan kada taon kung ikukumpara ito noong mga nakaraang taon”, pahayag ng punongguro na si Isabelito F. Poncardas.

Ayon sa kaniya ang kadalasan na mga dahilan sa pag dropped sa klase ng mga estudyante ay ang maagang pagbubuntis, paglilipat ng tirahan ng mga magulang ng mag-aaral at child labor

“Yong 33 sila talaga yung at risk kasi hindi na natin kayang mapigilan kung bakit sila huminto dahil sa ang iba ay nabubuntis, at ang paglipat ng mga magulang ng mag-aaral dahil nahihinto na yung trabaho ng kanilang magulang napilitan namang maglipat at yong pinili ng mga magaaral ang magtarabaho kaysa mag-aral”, paglilinaw ni Poncardas.

Panganib at Pagkasira ng Yamang dagat

Ang Opisyal na Pahayagang

Pampaaralan ng FEDERICO YAP

NATIONAL HIGH SCHOOL, Dibisyon ng Davao Del Sur, Rehiyon XI - Davao

TOMO XII BILANG 1

YAPAK NG TAMA AT RESPONSABLENG PAMAMAHAYAG

ESPESYAL NA ULAT

Pagnanakaw sa FYNHS, lumala; estudyante nanawagan ng solusyon

ANGELA ANTICAMARA MENGUITO

tun b

Nanawagan ang mga mag-aaral na magpakabit ng CCTV sa bawat silid-aralan matapos nangyayari ang sunod-sunod na nakawan sa paaralan ng Federico Yap National High School (FYNHS).

BASAHIN Pahina 5

BAGSAK

213 sa 284 estudyante lagapak sa School Based PISA test

Bigo na makapasa ang 213 na mga estudyante sa paaralan ng Federico Yap National High School (FYNHS), sa isang Programme For International Student Assessment (PISA) Test noong December 11-19, 2024.

Sa bisa ng Deped memorandum no.373 ng Sangay ng Davao del Sur ipinag-utos sa lahat ng paaralan ng sekondarya na lahat ng mga mag-aaral na may edad 15 taong gulang na kumuha ng pretest noong nakaraang Oktubre 9, 2024 ang inaasahang makakuha ng post test. May kabuuang 348 na mag-aaral ang kumuha ng pre-test , 284 lamang ang aktuwal na nakakuha sa post-test dahil may iba na nagkasakit sa araw mismo ng pagsusulit at ang iba ay huminto na sa pag-aaral.

Sa datos na ipinalabas ni Gng. Maria Theresa A. Gempesaw- School Guidance Coordinator na sa kabuuang resulta , 25 % lamang ang nakapasa sa naturang pagsusulit at 75% naman ang lumagpak.

Mas marami ang lumagpak na umabot sa 213 samantalang 71 lamang na magaaral ang pumasa.

Samantalang nasa 3.41 lamang na average ang nakuha na iskor ng mga mag-aaral na kumuha ng pagsusulit batay sa pinagbabasehan nitong average na 100.

SA FYNHS

AVERAGE SCORE

Lamang na average ang nakuha na iskor ng mga mag-aaral na kumuha ng pagsusulit

PAGGABAY. Tinuturuan ni Edu Gonzaga, 43, isang guro sa Federico Yap National High School, Astorga, Sta. Cruz, Davao del Sur si Angel P. Dionco, G9 - Capricorn , isang mag-aaral na kumuha ng pagsusulit sa Program for International Student Assessment (PISA). Dahil bagohan lamang ito sa paggamit ng kompyuter kaya tinulungan ito ni Gonzaga. Larawan kuha ni Johann S. Timtim

Pagbabago sa pangalan ng FYNHS inaprubahan ng mga magulang

SSa ipinatawag na General Parent Teachers Association (PTA) meeting noong Enero 28, 2025, nilinaw ni Isabelito F. Poncardas punongguro ng FYNHS kung bakit ito papalitan.

”Nakasaad kasi sa Deed of Donation ng pamilyang Yap na ang pangalan ng paaralan ay dapat alinsunod sa pangalan ng kanilang pamilya na siyang nagbigay ng lote para maipatayo ang paaralang sekondarya ng Barangay Astorga

inang-ayunan na ng mga magulang ang pagbabago sa pangalan ng paaralan mula sa Federico Yap National High School (FYNHS) maging Federico Yap Oh Kee National High School( FYOKNHS).

at maaari nilang bawiin ang lupa na kanilang ibinigay kung hindi ito mapapangalan sa may-ari ng lupa”., paglilinaw ni Poncardas. Sa pamamagitan ng mosyon ni Gng. Zenaida Arellano, pagang-ayon sa lahat ng magulang na sumali sa pagpupulong naaprubahan ang pagbabago sa pangalan ng paaralan.

75%

LAMANG ANG AKTUWAL NA NAKAKUHA SA POST-TEST MULA
BASAHIN Pahina 2
ROSEMARIE S. MAGOYA
LEA G. PANTONIAL
Maagang Pagbubuntis Paglipat ng tirahan Kailangan magtrabaho
SCAN NOW! I-scan ang QR upang ma-access ang Federico Yap National High School Facebook account.

SANIB-PUWERSA

PTA, LSB, MOOE, sinuportahan ang pangkampus na mamamahayag

Naglaan ng pondo ang Parent Teachers Association (PTA) mula sa koleksyon ng school paper fund, Local School Board (LSB), Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) upang mabigyan ng tamang budget ang mga pangkampus na mamamahayag sa isinagawang Division School Press Conference (DSPC) noong Nobyembre 6-8 2024.

Ginanap ang DSPC sa Bansalan Central Elementary School ( BCES) kung saan nakatanggap ng tig 1094 ang kada partisipante para sa kanilang ‘meals’, at 300 pesos para sa pamasahe papunta at pauwi ng mga partisipante.

May 46 na mag-aaral ang sumali sa DSPC 2024 at 9 na gurong tagapagsanay.

Magkakaroon rin ng membership fee na 100 pesos para sa coach, 90 pesos naman para sa writers, at registration fee na 300 pesos sa parehong

Sa kabuuan,umabot sa 37,895 ang tulong na naibigay ng LSB, nasa 45,952 naman sa PTA at 26,400 mula sa MOOE na may pangkalahatang pinansiyal na tulong na 110, 247.00 . Sa municipal budget nagambag ang PTA ng 17, 590 noong Agosto 21-24, 2025 at 15,007 sa District Training noong Oktubre 23-24, 2024. Kaugnay nito, patuloy na sinuportahan sa pondo ng MOOE ang travelling expenses ng 15 partisipante ng FYNHS bilang paghahanda sa darating na Regional School Press Conference (RSPC) sa Marso 17-

SA MGA NUMERO:

P110,247

Kabuuang halaga na natanggap mula sa LSB, PTA, AT MOOE

MULA SA PTA

...213 sa 284 estudyante lagpak sa School Based PISA test

PAGLILINAW. Ipinapaliwanag ng punongguro na si Isabelito F. Poncardas kung ano ang mga batayan sa pagsususpendi sa klase sa ginanap na General PTA Assembly sa bulwagan ng paaralan, Enero 28, 2025. Larawan kuha ni Ayn KIra S. Herbito

21, 2025 sa kanilang pagsasanay na isinagawa tuwing Huwebes hanggang Sabado sa Guihing Central Elementary School, Guihing Hagonoy Davao del Sur na sinimulan noong Nobyembre 15, 2024 hanggang sa Marso na nagkakahalaga ng 220 bawat araw. Ang paglalaan ng pondo ay inaaprubahan mismo ng punong guro III Isabelito F. Poncardas ng Federico Yap National High School (FYNHS), Gng. Hazel V. Luna- Sta Cruz North District Supervisor at G. Joventino Enriquez-PTA President.

P45,952

MULA SA LSB

P37,895

MULA SA MOOE

“Nagpapatunay lamang na mahina sa reading comprehension ang mga mga-aaral sa asignaturang English, Math at Science”, ayon kay Gng. Gempesaw. Binubuo ng 16 items ang isinagawang pagsusulit mula sa link na inihanda ng Department of Education (DepEd) na naglalaman ng mga katanungan na may kaugnayan sa English , Math at Science na asignatura.

Kaugnay nito , ipinapaliwanag ni Gng. Gempesaw na malaking hamon ito sa mga guro ng Math, English at Science.

P26,400

Basehan sa pagsususpinde sa klase

ipinaliwanag ng punongguro

ROSEMARIE S. MAGOYA

NPaglinang ng Sining,

agpaalala ang punongguro ng Federico Yap National High School (FYNHS) na si Isabelito F. Poncardas sa mga estudyante at mag-aaral ng paaralan na maging maalam at mabusisi sa mga binabasang class suspension advisories online.

Kasunod ito sa mga reklamo ng ilang mga magulang na bakit hindi pareho ang pagdedeklara ng mga punongguro sa pagsusupende ng klase.

Tulad ng insidente noon na kahit pumasok na ang baha sa FYNHS pero hindi pa rin nagdeklara ng supensiyon sa klase ang punongguro at sinabi niya na pwede lamang makauwi ang mga estudyante kung kukunin ng kanilang magulang.

Sa isigawang General PTA Meeting ibinahagi ng punongguro ang mga basehan sa pagsususpende ng klase at kung sino sino ang magdedeklara.

“ Ang makakapagdeklara sa pagsususpendi ng ating klase ay ang local government officials tulad ng mayor, punong barangay, ang ating pangulo ng bansa at dito sa paaralan ay ang punong guro”, paliwanag ni Ginoong Poncardas.

Ayon kay G.Poncardas may mga basehan kailan makapagsususpendi ng klase.

“Halimbawa, kung sobrang napakalakas ang ulan at buong gabi hanggang umaga bumuhos ito at ang mga mag-aaral ay nasa bahay pa lang ang mga magulang mismo ang makapgdedeklara na hindi papasukin ang anak sa klase para sa kaniyang seguridad “.

“ Kapag ang anak ninyo ay nandito na sa paaralan, halimbawa sa umaga walang ulan at bigla na lang umulan sa hapon, kailangan hihintayin ng magulang kung kailan mag-aanunsiyo ang paaralan na pwedeng ng sunduin ang kanilang mga anak” sabi ni G. Poncardas.

“Hindi pwedeng mag-anunsiyo ng agarang pagsundo para sa kaligtasan ng bawat isa baka delikado ang panahon habang papunta pa kayo sa eskwelahan may mga di aasahang mangyayari sa daan. Bigyan niyo kami ng panahon na bantayan muna ang mga anak ninyo hanggang sa humupa ang ulan at masundo ninyo.”Pakiusap ng punongguro sa mga magulang.

Nilinaw din ni Ginoong Poncardas na mula sa mga issuances na ibinibigay ng Department of Education (DepeD), Central Office, and the LGU, in the absence of official declarations. May kakahayan ang school head na magdeklara ng suspension of classes upon sound judgement. Ito ay kung sa tingin ng principal ay hindi ligtas sa mga mag-aaral ang lagay ng panahon.

“From the issuances that I have read from Department of Education (DepeD), Central Office, and the LGU, in the absence of official declarations the school head may declare a suspension of classes upon considering a sound judgement.”, saad ng Principal.

“If she or he thinks that the weather inclement will put the students in danger then he or she can declare a suspension. Also, recalling the recent advisory from the LGU it was stated there that the school head may suspend classes so if there are announcements it doesn’t mean that it takes effect immediately to the school”, dagdag pa niya.

Kultura at pagpapahalaga sa pagtutulungan tampok sa 25th Silver Anniversary ng HIYAS PAG

RONNEL L. REVILLA

Patuloy na isinusulong ng Hiyas Performing Arts Guild (HPAG) ang paglinang ng sining, kultura at pagpapahalaga sa pagtutulungan sa pagdiriwang ng kanilang ika-25th Silver Anniversary.

Naitatag ang HIYAS PAG noong 2000 sa pamumuno ni Gng. Jenalyn S. Brucoy sa pamamagitan ng kanilang kauna-unahang pagtatanghal na pinamagatang Malakas at Maganda—isang palabas na agad sumikat at naging simula ng walang katapusang mga pagtatanghal taun-taon na inaabangan ng mga mag-aaral, magulang, at mga mamamayan ng Sta. Cruz.

Naging bahagi ng grupong ito si G.Tyron Dujali na Education Program Supervisor (EPS) na ngayon sa Panabo Division.

Siya ang nagtatag ng Genesis All-Male Dancers, isang subgrupo ng HPAG. Sa ilalim ng kanyang pamumuno at sa pagtutulungan ng mga pangunahing miyembro, nakilala ang

Hiyas Performing Arts Guild sa pagbibigay ng makulay at de-kalidad na mga palabas.

Sa kasalukuyan, pinamamahalaan naman ito ni G. Ronnel L. Revilla isang dating estudyante ni Brucoy at Dujali. Sampung taon na siyang namumuno nito.

Patuloy niyang hinubog ang talento ng mga mag-aaral ng Federico Yap National High School (FYNHS) na puno ng dedikasyon upang patuloy na maisabuhay at mapalaganap ang sining at kultura ng Sta. Cruz.

Hindi lamang nagbibigay aliw ang grupong ito, kundi nagsisilbi ring instrumento sa paghubog ng mga kabataan sa larangan ng sayaw at iba pang sining pang-entertainment. Ang HPAG ay nakapagbigay ng maraming

karangalan hindi lamang sa paaralan kundi pati na rin sa barangay at sa buong lungsod ng Sta. Cruz. Ang kanilang mga tagumpay at kontribusyon sa larangan ng sining ay patuloy na nagpapaalala sa atin ng kahalagahan ng pagtutulungan, dedikasyon, at pagmamahal sa sining.

“ Sa ngayon ang tugon ng DepEd ay dapat talaga matalakay kung ano ang mga competencies, isasanay sa HOTS (Highly Ordered Thinking Skills) questions sa mga pagsusulit ang mga mag-aaral at ang mga katanungan ay nakadisenyo sa PISA Like Test”, dagdag ni Gng. Gempesaw. Bilang pagpapatibay, ang resulta ng School Based PISA Test ay ipapadala sa Regional Office ng DepEd at Central Office. Matatandaan na pangalawa sa kulelat ang mga mag-aaral na Pinoy sa isinagawang PISA test noong 2024 laban sa 81 na bansa.

Target din ng bagong kalihim ng DEpEd na si Sonny Angara na pataasin ang score ng PISA.

If she or he thinks that the weather inclement will put the students in danger then HE OR SHE CAN DECLARE A SUSPENSION.

DEDIKASYON. Nanalo ang HIYAS Performing Arts Guild, isang grupo ng mga mananayaw sa Federico Yap National High School, Astorga, Sta. Cruz, Davao del Sur, nitong 148th Araw ng Sta. Cruz Davao del Sur. Sila ang naging kampeon sa Hugyaw Sayaw sa munisipalidad ng Sta. Cruz. Larawan kuha ni Bryan Anthony C. Mariano
MULA SA PAHINA 1
ISABELITO F. PONCARDAS PUNONGGURO
TOMO XII BILANG 1

Shifting of classes tinuldukan, dagdag na mga silid-aralan ipinatayo

2 SILID ARALAN

ang naitayong Temporary Learning Spaces

ang halaga ng isa pang

gusali na inaasahang magbukas sa Marso

Tuluyan nang ipinatigil ang shifting of classes sa Senior High School (SHS) matapos nadagdagan ng mga naitayong silid-aralan.

Dalawang silid-aralan ang naitayong Temporary Learning Spaces (TLS) na pinondohan ng Local School Board .

Mayroon namang isa pang gusali na inaasahang matapos ngayong Marso na nagkakahalaga ng P1.6 milyong piso mula pa rin sa pondo ng Local School Board.

Sinikap ng punongguro na si G. Isabelito F. Poncardas na madagdagan ang mga silid-aralan upang maging komportable ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral at maibalik sa regular na klase mula sa dating shifting of classes.

“Pinagsikapan nating maibalik sa regular class ang klase dahil nakapagbigay ng maling information sa publiko ang shifting of class, ang akala kasi ng marami buong FYNHS ang may shifting kahit Senior High School

(SHS) lang ang nagshift ”, paglilinaw ni Poncardas.

Ayon kay Poncardas napilitang magshift ng klase noon dahil sa kakulangan ng silid-aralan at kulang ang mga guro ng SHS.

“Ngayon wala ng dahilan na magshifting pa tayo ng klase sa SHS dahil mayroon ng naidagdag na klasrum at may mga bagong guro na rin sa SHS”, dagdag ng punong guro.

Mayroong 2096 ang kabuuang mag-aaral sa FYNHS. 1,748 sa main, 273 sa Coronon Extension at 75 sa Rizal Extension na may kabuuang 49 silidaralan.

Sa DepEd ang minimum na bilang mag-aaral sa isang klasrum ay 15 at maximum sa 50 at ang average class size ay 45.

IPinagsikapan nating maibalik sa regular class ang klase DAHIL NAKAPAGBIGAY NG MALING INFORMATION SA PUBLIKO ANG SHIFTING OF CLASS...

ay 19.

sang linggong isinagawa ang Career Guidance sa mga mag-aaral na Senior High School sa FYNHS. Layunin nitong matulungan ang mga mag-aaral na masuri ang kanilang kakayahan, abilidad at ang akmang kurso na pasok sa kanilang mga kakayahan.

Bilang pagsusuri sa kanilang kaalaman sa Career Guidance ay pinagbubuo sila ng portfolio ukol sa mga gawain sa una hanggang ika-walong modyul. Kasabay nito isinagawa din ang pampinid na palatuntunan noong ika-13 ng Pebrero, 2025 kung saan bawat mag-aaral mula sa baitang 11-12 ay nagsusuot ng kasuotang akma sa kanilang mga propesyon sa hinaharap. Nagkaroon din ng mock job interview kung saan hired on the spot sina Francine Eve Blanco ng Tourism Industry, Ritchielyn Alberto ng Sales/Business, Nicole Benaohan sa Men in Uniform, Christiah Faith Tococon at Kraus Cavite sa Education, Ella Mariano at Ashley Omayana sa Health, Jayvee Sabornido sa Seafarer, Bea Ledama, Alysa Aday at Gretchen Curasa sa Engineering at Architecture, Alfred Marcelo sa Automative, Carl Owen Abellana sa Cook/Chef at sa Web developer ay nukha ni Adrian Entrina. Sa isinagawang palatuntunan ay nagawaran ng pagkilala ang mga mag-aaral na nakasuot ng bukod tanging kasuotan. Sila ay nabigyan ng sash at parangal bilang Mr. & Ms. Career Guidance 2025. Ito ay sina Gretchen P.Curasa ng Grade 12 ABM Humility at Khent Jhesson Monjasng Grade 12 Loyalty SMAW . First runner-up sa Mr Career Guidance si Ham Garcia ng Grade 12 CSS-Charity, at 2nd runner-up si Rheil Sayman ng Grade 11 EIM-Mabini.

Antas

ng pagkabigo sa pagbasa sa English nasolusyunan ng project GRAB

ROSEMARIE S. MAGOYA

Upang mapababa ang antas ng pagkabigo sa pagbasa sa English at mapaunlad ang kasanayan ng mga mag-aaral inilunsad ang programang Project GRAB na may katagang Guiding Readers to Achieve Betterment.

Dinesenyo ito ni Khristie Lyn P. Villegas , MT-1 ng English ang naturang programa upang matulungan ang mga mag-aaral na nasa antas pagkabigo sa pagbasa. Mayroong dalawang hakbang ng naturang prorama.Una ay ang Oral Reading o pasalitang pagbasa at ang ikalawa ay ang Reading Comprehension o paguunawa sa pagbasa.

Ayon kay Villegas hindi makakatuloy sa course 2 ang mag-aaral kung hindi makuha ng bata ang layunin sa course 1.

“ Dapat makabasa muna siya ng lubos sa mga salita, nauunawaan ang kahulugan nito at nabigkas ito ng tama bago siya makapagpapatuloy sa course 2”, pahayag ng guro.

“Kung ang bata ay natapos at nakapasa sa course 2 hindi na siya isasailalim sa reading tutorilas hanggang sa susunod na baitang”, paglilinaw ng Master Teacher.

Ayon sa kaniya nakatutok sa 3R’s at E ang programa. Reassessment ,dito sinusuri ang mga kakulangan ng mag-aaral sa pagbasa, Remediation-Kapag nasuri na ang kakayahan ng bata sa pagbasa ay bibigyan ito ng angkop na remediation na akma sa kaniyang pangangailangan, Reinforcement-tulungan ang mag-aaral na maisanay ang kakayahan sa pagbasa at Enhancement pagbibigay ng mga makabuluhang gawain para mahasa ang kaniyang kakayahan. Para maisagawa ito, lahat ng guro ay hinikayat na tumulong sa programa sa pagbasa.

“ Bawat bata ay may nakaatas na guro na siya ang magtuturo sa pagbasa , ginagawa ito during remedial class o bakanteng oras ng mga guro”, aniya ni Villegas . Nabatid na dahil sa programang ito bumababa sa 12 % ang bilang ng mga magaaral na nahihirapan sa pagbasa. Mula 277 sa Pre Test ay nagiging 244 na lang ito. May 33 na mag-aaral ang umabante sa instructional level kung saan marunong na silang bumasa ng mga salita at nakilala na ang mga titik ng salita. Ang mga hindi pa nakapasa sa course 1 at 2 ay patuloy na bigyan ng interbasyon para mapahusay ang antas ng pagbasa at hindi sila titigilan sa pagtututo ng pagbasa hanggang sa matuto ito.

Kaugnay nito ang FYNHS main ay may 45 na class size samantalang sa Coronon Extension ay 46 at sa Jose Rizal
SOLUSYON. Nagtayo ng ang Federico Yap National High School, Astorga, Sta. Cruz, Davao del Sur ng bagong isang gusali para sa mga mag-aaral, upang masulosyonan ang kakulangan ng silid-aralan at shifting of classes ng mga estudyante sa Senior High School (SHS). Para maging tuloy-tuloy na at komportable ang klase ng mga mag-aaral. Larawan kuha ni Johann
Timtim
PAGMAMALAKI. Ipinakita nina (Mula kaliwa) Allysa Aday, Francine Eve A. Blanco, Kirk Daven B. Carmen at Bea Mhyka Ledama ang kanilang kasuotan a kursong kukunin nila sa kolehiyo sa isinasagawang parade ng kasuotan bilang bahagi sa pangwakas na palatuntunan sa Career Guidance Week.Larawan kuha ni Bryan Anthony C. Mariano.
ISABELITO F. PONCARDAS PUNONGGURO
PARA SA EDUKASYON. Tinuruan ni Khristie Lyn P. Villegas, Master Teacher I ng Federico Yap National High School (FYNHS) ang mag-aaral na si Angel Anar-Grade 10 Laurel upang malinang pa
Samantalang 1st runner-up sa Mr. Career Guidance si Nicole Ronquillo ng Grade 12 CSS Charity at 2nd runner-up namn si Nelche B. Escototo ng Grade 11 ABM-Jose Rizal. TOMO

Wastong pamamahala ng mga basura, ugaliin – Adalim

Nakiusap si Ecological Conservation and Humanitarian Observation (ECHO) Executive Head at Barangay Kagawad Committee on Environment Hon. Ryan Adalim sa mga mag-aaral sa Federico Yap National High School sa wastong pagpapatupad ng solid waste management upang mapanatili ang kalinisan hindi lamang sa mga mag-aaral at guro ng FYNHS kundi para sa lahat ng tao.

Sa kaniyang anunsiyo sa flag ceremony, sinabi ni Hon. Adalim sa mga mag-aaral na hindi lamang sa paaralan dapat matututo sa tamang paghihiwalay ng mga basura kundi sa kaniya kaniyang mga tahanan.

“Kamo mismo mga batan-on ang mag-initiate particularly labi na sa inyong mga balay. Kung sa mga kabataan pa lang mismo dili ma segregate sa inyong tagsa tagsa ka mga balay, meaning to say wala mo naga follow sa proper waste management”,saad ng Executive Hon. Adalim.

“ So it must be done from the household, na kamo mismo dapat kabalo mo asa proper nga disposal sa inyong mga basura”, dagdag pa nito.

Inaanunsiyo rin ng kagawad na may mga aktibidad ang ECHO upang ang mga tao ay matuto sa tamang pagtatapon ng basura.

“So by the time nga mag-inspection mi sa mga students nga pataka rag labay sa ilang basura, naa tay ginatawag na multa na kung makit-an nako sila o mga kasapi

sa ECHO na mag patakag labay sa ilang basura bisag asa, is maka bayad silag 300 pero kung ikaduha na kay 500, pag ikatulo is 2500 pero pag muabot nag ika-upat, sa korte nalang sila magpaliwanag”, aniya ni Hon. Adalim.

Ayon sa kaniya ang magpapataw ng parusa ay ang Munisipalidad ng Sta.Cruz sa pamumuno ni G. Allan Angub at sa ilalim ng Environment Resources Management Office at irerecord it sa opisina ng police station.

Hinimok niya na dapat matutong maghiwalay sa mga basura ito ay ang residual waste o mga gamit na plastic , pangalawa ang compostable waste mga nalalata na pwedeng ilagay sa compost fit, pangatlo ang special waste (mga waste na delikado katulad ng zonrox bottle, makakalason na medisina na dapat ilagay sa contamination area at hindi dapat itapon sa ilogat ang ang ikaapat ay ang mga waste na hinahayaan lang iyinapon kung saan saan.

“ Simula ngayon dapat wala na akong estudyanteng makita na nagtatapon

Programang W.A.T.C.H

ng FYNHS hinangaan

Dahil sa organisadong pagpapatupad ng programang We Advocate Time Consciousness and Honesty (W.A.T.C.H) hinirang na kampeon ang Federico Yap National High School (FYNHS) laban sa mga paaralan ng elementarya at highschool sa buong munisipalidad ng Sta.Cruz.

Hinangaan ang paaralan sa kakaibang paraan sa pagpapatupad ng iba’t ibang W.A.T.C.H advocacy . Kabilang dito ang pagpipili ng Best in Attendance at Most Punctual sa bawat buwan ng mga kawani ng gobyerno maging sa mga mag-aaral ng bawat pangkat.

Itinanghal si G. Jupiter V. Lantape na pianakamaagang guro na dumating sa paaralan.

Kaugnay nito nahihikayat din ang mga mag-aaral na hindi liliban kapag may mga programa ng paaralan dahil bawat seksyon ay magsusumite ng listahan ng attendance matapos ang mga aktibidades at ipapasa naman ito sa opisina ng punong guro. Ginagawan ito ng report ni Lyka Mae Abadilla, office clerk ng paaralan para maitanghal ang pangkat na Best in Attendance.

Nakuha ng Grade 8 Melon ang sunod-sunod na panalo sa pamumuno ng kanilang tagapayo Gng. Pamela L.Edisane, MT-1. Mayroon ding Lost and Found Center. Dito isinasauli ang mga kagamitang nawawala na nakikita ng mga mag-aaral. Lahat ng mga mag-aaral na nakasauli ng mga kagamitang kanilang nakikita ay binibigyan ng parangal sa falg ceremony.

Ayon sa tala ni Abadilla-, may kabuuang 1,990 ang perang naisauli at naibalik naman ito sa mga may-ari. Sa mga kagamitan may naisauli na 5 purse, 2 tumbler, 6 na ID, 5 cellphone at 3 wallet.

Kabilang sa pagpapatupad ng W.A.T.C.H ay ang integrasyon nito sa pagtuturo ng mga guro sa kanilang pagtuturo na nakalagay mismo sa knilang DLL (Daily Log Plan).

Isa din sa kinikitaan ng pagiging kampeon ay ang taon-taong paghahanda ng mga dokumento sa W.A.T.C.H at pagsusumite nito may patimpalak man o wala.

Ayon kay Bb. Maria A. Gempesaw tatlo ang award na nakuha ng FYNHS ngayong taon, Champion tayo Most Implementer of Project W.A.T.C.H for the year 2024 at W.A.T.C.H Advocacy at 1st runner-up sa W.A.T.C.H Club Activities.

Enrollment rate bahagyang bumaba; Early enrollment campaign pinalakas

Sumadsad ng 9.71 porsyento ang enrollment rate sa Federico Yap National High School (FYNHS) ngayong school year. Mula sa 2,158 noong school year 2023-2024 naging 2096 na lang ito ngayong school year 2024-2025 ay 2,096 na lang ang naipatala.

ng basura dapat bawat isa sat ain may palkialam sa ting kapalihiran”, paghihikayat ni G. Adalim.

Ang Solid Waste Management Act na kilala bilang Republic Act 9003 ay batas tungkol sa tamang pagbubukod ng mga basura na naglalayong maging responsable ang mga mamamayan sa pagpapanatili ng kalinisan at kalusugan ng bawat isa. Sinumang mamamayan, opisyal, o ahensya na lalabag sa batas tulad ng pagkakalat, pagtatapon, pagtatambak ng basura sa mga pampublikong lugar, pagsusunog ng basura, pagpapakolekta o pagpayag sa pagkolekta ng hindi pinaghiwa-hiwalay na basura, pagtatambak, pagbabaon ng basura sa mga lugar na binabaha, walang paalam na pagkuha ng mga recyclables na may talagang mangongolekta, at paghahaluhalo ng pinaghiwalay na basura ay maaaring sampahan ng kasong kriminal at sibil.

PAGLINANG SA KAKAYAHAN

PARANGAL. Ginawaran ng karangalan ang paaralan ng Federico Yap National High School (FYNHS), Astorga, Sta. Cruz Davao del Sur sa kanilang dedikasyon sa pagpapatupad ng adbokasiyang We Advocate Time Conciousness and Honesty (W.A.T.C.H.) sa pagpapanatili ng katapatan at pagiging maagap sa mga aktibidad sa loob at labas ng paaralan. Larawan kuna ni Ma Thesesa Agusto Gempesaw

“Every year ta mag join, ginatan-aw ang atong mga activity the naga pasa tag documents, mostly we got 3 awards cash price and trophy” ani ni Gng. Gempesaw. Ang mga gantimpala ay tinanggap ni Gng. Gempesaw, Project W.A.T.C.H Coordinator noong Disyembre 23, 2024 sa Municipal Training Center, kasama ang punong guro ng FYNHS, Isabelito F. Poncardas at North Sta. Cruz District Supervisor Hazel V. Luna.

pinakamababang bilang ng enrollment na umabot lamang ng 336 kumpara noong taon na may kabuoang 427. Bilang tugon ng pamunuan ng FYNHS sa mababang enrolment rate, mas pinalawak at pinaigting pa ang early enrollment campaign sa pamamagitan ng pagpunta at panghihikayat sa mga incoming Grade 7 students sa iba’t ibang eskwelahan sa distrito na mag-aral sa FYNHS sa susunod na taong-panuruan.

Sa datos ng registrar, 295 mag-aaral na ang nagpatala mula sa iba’t ibang paaralan ng North Sta. Cruz District, Sta. Cruz, Davao del Sur.

9.71

Sumadsad ng 9.71 porsyento ang enrollment rate sa FYNHS sa Taong Panuruan 2024-2025.

Grade 12 isasalang sa Work Immersion

ROSEMARIE S. MAGOYA

Upang makaranas sa totoong mundo ng pagtratrabaho at malinang ang kakayahan sa espesyalisasyong kinuha positibong tinanggap ng mga Grade 12 na magaaral ang hamon sa Work Immersion.

Ipapadala ang mga 207 mag-aaral sa TVL sa labin-apat na kompanya na naging stake holders ng Federico Yap National High School (FYNHS) simula pa noong nagsimula ang implementasyon ng SHS. Enero 13, 2023, nagsimula ang work immersion ng mga mag-aaral sa Grade 12 mula sa iba’t ibang strand at matatapos sa Marso 8, 2025. Ang mga mag-aaral mula sa strand ng Hairdressing ay napunta sa Julia Frances Salon, Salon , Yanyan Gaudicos Salon at Leo Revita sa Toril, Davao City. Habang ang mga mag-aaral sa Computer System Sercvicing (CSS) ay napunta naman sa Development Bank of the Philippines (DBP)–Sta.Cruz Branch, AGRI-EXIM Global Philippines Inc. sa Upper Quinokol, Darong Sta.Cruz, at Medcore Hospital sa Sta. Cruz, Davao del Sur Samantalang ang mga mag-aaral naman sa Cookery ay napunta sa Myles Salo-Salo-Brgy. Astorga, Sta.Cruz, Davao del Sur Euro, Baker sa Gmall, Toril, Davao City,Dolly’s Seafood Restaurant sa Brgy. Coronon, Sta. Cruz, Davao del Sur at Medcore Hospital Inc. sa Brgy. Zone II, Sta. Cruz, Davao del Sur. Kaugnay nito, ang Shielded Metal Arch Welding (SMAW) at Electrical Installation and Maintenance (EIM) ay ipinadala sa Ace Industrial Sales sa Binugao, Toril, Davao City, AGRI-EXIM, International Pipe Industries (IPI) sa Barangay Darong, Sta.Cruz, Davao del Sur at Davao del Sur Electric Cooperative (DASURECO) sa Brgy. Cogon, Digos, Davao del Sur. Sasailalim ang mga mag-aaral ng sampung araw sa work immersion o 80 oras upang makompleto ang kakailanganing oras sa work immersion.

BABALA.Nag-anunsyo si Ryan Sanchez Adalim, 45, founder ng Ecological Conservation and Humanitarian Organization (ECHO) at Barangay Kagawad - Committee on Environment mga maga-aaral ng Federico Yap National High School (FYNHS) sa mga batas na pwdeng ikakakulong o may pataw na kaparusahan sa paglabag sa pagtapon ng basura. Larawan kinuha ni Johann S. Timtim
LEA G. PANTONIAL
Makikita rito na sa dalawang School Year (SY), , S.Y 2023-2024 hanggang S.Y 20242025 naitala na ang ng Grade 8 ang may
ROSEMARIE S. MAGOYA

533

sa 930 estudyante ang nanakawan sa paaralan.

Pagnanakaw sa

FYNHS, lumala; estudyante

nanawagan ng solusyon

ANGELA ANTICAMARA MENGUITO

Nanawagan ang mga magaaral na magpakabit ng CCTV sa bawat silid-aralan matapos nangyayari ang sunodsunod na nakawan sa paaralan ng Federico Yap National High School (FYNHS).

Sa nakalap na survey, 533 sa 930 estudyante ang nakaranas na nanakawan sila.

Nangunguna ang grade 9 sa may pinakamataas na bilang ng mga nanakawan, habang ang grade 12 naman ang may pinakamababang bilang ng mga nanakawan.

Sa datos, nangungunang bagay na nanakaw ang pera, at ang pinaka malaking halaga na nanakaw ay higit sa dalawang daang libong peso. Sinundan ito ng pagnanakaw ng ballpen at may apat na kasong nawawalan ng mamahaling sapatos.

Sa insidenteng ito ang naisip na solusyon ng karamihang estudyante ay maglagay ng CCTV sa bawat classroom upang wala na magnanakaw pa, at kung meron man ay malalaman na kung sino.

Bilang tugon sinabi ni Ginoong Isabelito F. Poncardas na punong guro ng paaralan, na maglalagay ng dalawang CCTV sa bawat corridor upang mas makita ng malinaw ang magtatangkang magnakaw.

Ngunit mangyayari ito sa susunod na taon dahil sa taong ito hindi ito nakalagay sa procurement plan.

“Hindi maaaring sa bawat silid talaga ang lalagyan ng CCTV dahil dapat ang mga estudyante ay may privacy pa rin sa kanilang mga silid, kaya instead na sa bawat classroom, sa bawat corridors nalang lalagyan ng tig dadalawang magkaharap na CCTV para mas makita ng malinaw, kase pag isa lang na CCTV hindi masyadong makikita ang sa malayo layo”, ani ni Ginoong Poncardas.

Hinihikayat din ni G. Poncardas ang lahat ng mga estudyante na maging mapagmatyag at aktibo, disiplinado at matutong rumespeto at wag nang magnanakaw pa.

KOMPORTABLENG EDUKASYON

Dalawang silid-aralan naisaayos

NDEŇA MAE ELIE

aging komportable na ang pag-aaral ng mga mag-aaral sa dalawang seksyon matapos itong inaksyunan ng punong guro lll ng Federico Yap National High School (FYNHF) Isabelito F. Poncardas sa pamamagitan ng pagpapaayos sa mga sirang bahagi ng silid-aralan.

Sa isang panayam sinabi ni G. Poncardas kung saan kinuha ang pondo na 200,000 na ginamit sa pag-aayos ng mga silid-aralan.

“Kadtong isa ka room is ang gigamit ato kay gikan sa Parent Teacher Association ( PTA) funds contribution tung isa is gikan sa School Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) which is same silang amount 90,000 and ang atop sa duha ka classroom close to 200,000 tanan “, saad ng punong guro.

Nagbahagi naman ng pasalamat ang dalawang adviser ng G7 Mahogany na si Bb. Sitti Ahyessa B. Asan at Gng.Charie M.Lim na matapos ang 17 taon na paghihirap sa sirang silid-aralan naisaayos na rin ito.

“ Sa atop buslot siya, guba ug lumping na ang mga kisame tapos ang door is guba”, saad ni Gng.Chai Lim.

“Ceiling, bubong permi na siya nagatulo which is the major repair sa room and also ang kisame especially if mag take mig pictures every recognition is dili kaayo ko nagapicture para dili maapil ang ceiling and I think maka-affect sya

ang halaga na nagastos sa renobasyon

sa mga student about sa ilang room compare sa ubang room” aniya ni Bb. Asan. Ayon sa dalawang guro malaki ang naitulong ng pagpapaayos sa mga silid aralan.

“Nice na ang room, komportable, maaliwalas na kay with pintura naman, dili na mahadlok kung naay bitin kay dili na buslot ang kisame og dili na mahadlok makawatan ug TV kay lig-on na ang gigamit na mga materials”, sabi ni Gng. Lim.

“ Dako kaayo siyag na help and nalipay jud ang mga students sa kausaban sa ilang room specially tung na pinturahan murag nibag-o ang among room and mao to nawala ang feeling na I compare ilang room sa lain. Mas naganahan mig limpyo sa among room kay light and clean na siya”, dagdag ni Bb. Asan. Nasiyahan din ang mga estudyante sa malaking pagbabago ng kanilang silid-aralan na napaayos na ito at hindi na mangamba kung may ulan.

PAGTUTULUNGAN. Nakikinig ang mga magulang sa silid-aralan ng Grade 7–Mahogany sa Federico Yap National High (FYNHS), Astorga, Sta. Cruz, Davao del Sur sa isinagawang pagpupulong sa Homeroon PTA Meeting. Larawang kuha ni Sitti Ahyessa Asan.

Sukat ng paaralan di sapat

HMababang

Math Literacy ng FYNHS ikinabahala ng mga guro – survey

ROSEMARIE S. MAGOYA

Ikinadismaya ng ilang guro ang mababang ranking ng mga estudyante Sa Federico Yap National High School (FYNHS) sa asignaturang matematika bagay na matutugunan daw ng sapat na pagpaprayoridad.

Sa panayam ng mga piling mamamahayag ng FYNHS,isiniwalat ng math teacher at Numeracy coordinator ng Grade 7 at Grade 8 na si ma’am Liera niña V. Manginsay na isa sa sampung estudyante ang hindi marunong magresolba ng mga simpleng ‘equation’.

“Based on the result of the pretest for grade eight level one out of 10 students do not know how to solve simple equation in mathematics particularly the fundamental operation in mathematics” pahayag nito.

25%

ng mga nasa baitang 7 ay hindi nakakasabay sa asignaturang matematika

Ayon naman kay grade seven mathematics teacher na si ma’am Liezel Into na 75% ng kanyang mga tinuturuan na nakakaintindi ngunit 25% ng mga ito ang hindi pa masyadong nakakaintindi.

Kaugnay nito, ayon kay Manginsay ilulunsad ang programang The Math Code: cracking the basics ng mga math teachers na inilaan upang tumuon sa pagbuo ng matibay na pundasyon at mga pangunahing operasyon na mahalaga para sa akademikong tagumpay.

Konektado ang programang ito sa MATHAGUYOD program nasisimulan na noong nakaraang taon at ipagpaptuloy sa susunod na taong panuruan 2025-2026. Magkakaroon rin ng ‘oneon-one math tutorial from simple addition to division’ at magkakaroon ng Post-test sa bawat grade level.

Samantala sa record ng Mean Percentage Score (MPS) umabot sa 82 bahagdan ang Mean Percentage Score (MPs) ng grade 7 at grade 8 student sa second quarter, nasa 81 naman ang MPs ng grade 9 at 83 naman sa Grade 10.

PRINCESS MAE TAYONG

indi sapat ang kabuuang espasyo ng paaralan ng Federico Yap National High School (FYNHS) dahil nakadepende lang tayo sa donasyon na binigay ng may-ari. Ito ang naging pahayag ng punongguro III ng FYNHS Isabelito F. Poncardas . May posibilidad talaga na madagdagan ang paaralan natin ng land area DAHIL NAPAKASUPORTADO NG ATING ALKALDE...

“Hindi rin kakayanin ng paaralan na magbili ng dagdag na lupa para madagdagan ang ating espasyo”, pahayag ng punongguro Isabelito F. Poncardas.

Sa isang panayam, sinabi ng punongguro na kulang tayo ng espasyo para sa gawaing panlabas.

“ Kulang talaga tayo ng land area para sa outdoor activities, kailangan pa natin ng karagdagang espasyo para ang mga programang isinasagawa sa labas ay maorganisa nang maayos “, saad ni Poncardas.

Samantala, ipinaliwang ng

punongguro may posibilidad na mapalawak ang espasyo dahil may mga isigawang negosasyon ngayon sa may-ari at nangako ang alkalde ng Sta.Cruz na si Mayor Jose Nelson Sala na magbili ng isa pang ektarya kung papaya ang may-ari nito.

“ May posibilidad talaga na madagdagan ang paaralan natin ng land area dahil napakasuportado ng ating alkalde, nangako siya na bibili kapag papaya ang may-ari nito”, ani ng punongguro.

Ang paaralang ng FYNHS ay naitatag noong Agosto 1991 kung

ISABELITO F. PONCARDAS PUNONGGURO

saan ang lupang pinagtatayuan nito ay ibinigay ng mga tagapagmana ni Don Federico Yap oh Kee at Doña Lim Kheng.

AYON SA SURVEY
LIMITADO. Siksikan ang espasyo sa paaralan ng Federico Yap National High School, Astorga, Sta. Cruz Davao del Sur dahil pinagkasya lamang ang isang ektaryang donasyon ng may-ari nito. Larawang kuha ni Felix Lupio

Maging pantay ang pagtingin

Ang pagtanggap ang ipinaglalaban ng LGBT Community hanggang ngayon. Ang paglabas at pagpapahayag kung sino talaga sila, ay isang mahirap na hakbang para sa kanila na gawin. Ang ilang mga tao ay hindi bukas pagdating sa pagtanggap patungkol sa sekswalidad ng isang tao na nagdudulot ng diskriminasyon sa mga miyembro ng LGBT.

PAIGTINGIN

Upang mamuhay nang may masaya at kasiya-siyang buhay, DAPAT TAYONG

MABUHAY UPANG

MATUTUHAN KUNG

PAANO TANGGAPIN ANG SEKSWALIDAD NG ISANG TAO

Ayon sa bagong pagaaral ng United Nations 30% ng mga miyembro ng LGBT sa Pilipinas ang nakararanas ng bullying. Sa pamamagitan nito, nangyayari ang karahasan na nakabatay sa sekswal na oryentasyon sa buong bansa gayundin sa mga paaralan. Noong 2017, sinabi ni Ryan Thoreson, isang fellow sa LGBT rights program sa Human Rights Watch, “Ang mga estudyante ng LGBT sa Pilipinas ay madalas na target ng pangungutya at maging ng karahasan. At sa maraming pagkakataon, ang mga guro at administrador ay nakikilahok sa pagmamaltratong ito sa halip na magsalita at lumikha ng mga silidaralan kung saan lahat ay maaaring matuto.”

Ang Sekswal na Oryentasyon ay isang pangunahing aspeto ng ating sarili at hindi dapat humantong sa karahasan at kawalan ng respeto. Ang mga mag-aaral na apektado nito ay mas nagdadalawang isip na lumahok sa mga aktibidad sa paaralan at pinipigilan ang kanilang sarili na makipag-ugnayan sa kanilang mga kapwa mag-aaral. Sa kabilang banda, inilabas ng Department of Education (DepEd) ang DepEd Order no. 3 s 2017 o ang Gender Responsive Basic Education Policy na naglalayong tugunan ang parehong nagtatagal at umuusbong na mga isyung may kinalaman sa kasarian at sekswalidad sa basic education.

Sa Federico Yap National High School, (FYNHS) maraming improvements pagdating sa hair policy at dress code sa mga LGBT students kumpara noon. Ngayon, binibigyan ng kalayaan ang mga estudyante ng LGBT na ipahayag kung sino sila nang walang anumang pag-aalala at takot na madiskrimina. Ito ay nagpapataas ng pagpapahalaga sa sarili ng mag-aaral at nagpalakas din ng kanilang kumpiyansa, hindi lamang sa pisikal, pati na rin sa lipunan at akademya. Sa ilang mga guro, mayroon silang magkahalong ideya at opinyon tungkol sa mga estudyanteng LGBT na nag-cross-dressing at nagpapahayag ng kanilang sarili. Hindi sila tutol sa ideya ngunit ito ay dapat magkaroon ng mga limitasyon. Ayon sa isang mag-aaral na kabilang sa LGBT, malaki ang naging pagbabago sa paaralan kung sa usapin ng pagtanggap sa kanila. Sa estilo ng gupit at sa pamamaraan ng pagnanamit pero dapat mayroong limitasyon at displina tungkol dito. Naniniwala sila na maraming estudyante ng LGBT ang hindi na kailangang itago ang kanilang sarili dahil sa pagtanggap at pagpapatunay mula sa institusyon. Sa kabuuan, kung noon ay naging hadlang man ang mahigpit na alituntunin sa malayang pakikilahok ng mga LGBT sa paaralan. Ngayon ay mas naging bukas na mas pagtanggap sa kanila. Bagama’t nagsisimula nang kumilos ang Department of Education (DepEd) at ang mga school administrators hinggil sa isyung ito, dapat pa rin silang bumuo ng isang matibay na batas upang ganap na tanggapin at itaguyod ang karapatan ng mga LGBT students sa isang ligtas at nagpapatibay na kondisyon sa edukasyon. Ang paaralan ay isang ligtas na lugar kung saan ang lahat ay maaaring maging totoo sa kanilang sarili. Upang mamuhay nang may masaya at kasiya-siyang buhay, dapat tayong mabuhay upang matutuhan kung paano tanggapin ang sekswalidad ng

ng mga miyembro ng LGBT sa Pilipinas ang nakararanas ng bullying.

SCHOOL CALENDAR OF ACTIVITIES: AYUSIN

Ilang linggo na lamang ay periodical exam na para sa ikatlong markahan ng school year 2024- 2025. Ang mga guro, gaya ng dati, ay abalang - abala na at naghahabol sa mga competencies na hindi pa naituturo sa mga estudyante. Sumabay pa riyan ang ibang mga school activities na nakikihati sa oras ng kanilang pagtuturo at pag-aaral. Mga sunod-sunod na gawaing dapat ay na-organisa ng maayos upang hindi makaantala, kung saan halos wala ng oras para sa kanilang sarili at pagpapahinga ang mga guro at mag- aaral.

Sa Federico Yap National High School, pansin ang pagod ng mga guro at mag-aaral. Isa nga sa pinaghahandaan ngayon ng paaralan ay ang Davao del Sur Division Athletic Association (DAVSURDAA ) at Regional Schools Press Conference ( RSPC ) kung saan ay hindi na halos alam ng mga estudyanteng bahagi ng nabanggit kung papasok ba sila o magsasanay. Kung minsan, huling-huli na sila sa kanilang mga naging leksiyon na ang resulta, tutunganga na lamang sila sa tuwing may pagsusulit o markahan. Hindi rin biro ang pasanin ng mga guro na tagapagsanay pa sa mga atleta at batang mamamahayag.

Naaapektuhan din ang mga magulang sa mga ganitong pangyayari. Bahagi ng Filipino values ang tungkulin ng mga anak na tumulong sa kanilang mga magulang ngunit, hindi na ito nasusunod dahil maging araw ng Sabado at Linggo ay inilalaan na ng mga mag-aaral sa

ibang mga gawain upang mahabol ang deadline. Tampok nga ngayon sa Social Media ang mga katagang nagiging bisita na lamang daw ang mga estudyante sa kani-kanilang mga bahay. Ayon sa National Institute of Health (NIH), ang stress ay isang pangkaraniwang kadahilanan na higit na nakababawas sa moral at maaaring makaapekto sa kalusugan ng isip ng isang indibidwal at maaaring humantong sa iba’t ibang sikolohikal na karamdaman, tulad ng depresyon. Nakababahala ang epekto ng mga sunod-sunod na gawain sa paaralan hindi lang sa pisikal na kalusugan ng mga estudyante at guro, maging sa kanilang emosyonal at mental. May mga naiuulat nga na mayroong mga estudyanteng nagkakasakit ng hindi pangkaraniwan at kung minsan ay tinatapos ang sariling buhay dahil sa sobrang stress. Tunay na nakaaalarma ang mga ito dahil tila nag-iba na rin ang panahon ngayon para sa mga

kabataan. Mas madali na silang maapektuhan sa mga bagay-bagay lalo na at nariyan ang peer pressure sa mga akademikong parangal. Sa pangkalahatan, hindi na nakapagbibigay ng sapat na oras sa kanilang mga sarili at pamilya ang mga estudyante at guro dahil sa dami ng mga gawain. Dapat ay aksiyunan ito ng gobyerno, partikular na ang Kagawaran ng Edukasyon upang planuhin ng maayos ang pagsasagawa ng mga aktibidad nang hindi aabot sa puntong papasanin na lahat ng mga estudyante at guro ang pagod at hirap. Malaki rin ang maitutulong ng mga magulang sa pagsuporta sa pag-aaral ng kanilang mga anak upang sila ay magabayan at mabigyan ng motibasyon na huwag masyadong sarilihin ang mga gawain at laanan ng oras ang sarili at pamilya. Mahalagang isaisip na ang pagpapahinga ay isang mahalagang pundasyon upang makapagpatuloy sa mga pang-araw-araw na hamon.

Hamon sa kaayusan

Sa Federico Yap National High School, ang covered court ay isang pangunahing pasilidad na ginagamit hindi lamang para sa mga aktibidad ng palakasan kundi pati na rin para sa mga paghahanda ng pagtatanghal, programa, at mga patimpalak. Ang covered court ay isang mahalagang espasyo para sa mga mag-aaral na nagnanais ipakita ang kanilang talento at kasanayan. Ngunit, dahil sa kakulangan ng oras at espasyo, nagiging hamon ang tamang pagsasaayos ng iskedyul sa paggamit nito.

Sa pamamagitan ng isang maayos na iskedyul, MAPAPALAKAS ANG PAREHONG

PAGKATUTO AT PAGUNLAD NG MGA MAGAARAL NANG HINDI NAKAKAABALA SA IBA.

Dahil sa dami ng mga gumagamit, madalas ay nagsasabay-sabay ang mga aktibidad. Ang mga klase na nagsasagawa ng performance rehearsals, mga grupong naghahanda para sa mga patimpalak, at ang mga programa ng paaralan ay nangangailangan ng malawak na espasy. Ang ganitong sabayang paggamit ng pasilidad ay nagiging sanhi ng kalituhan at pagkakaabala sa mga aktibidad ng bawat grupo. Isa pang epekto ng sabay na iskedyul ay ang abala sa mga silid-aralan na malapit sa covered court. Ang ingay mula sa mga nag-eensayo, mga malalakas na tunog ng tugtugin, at ang paggamit ng mikropono ay nakakagambala sa mga klase. Hindi maiiwasan na ang mga mag-aaral sa mga silid-aralang ito ay nahihirapang ibigay ang buong tuon at makinig sa kanilang guro. Sa ganitong kalagayan, nagiging sagabal sa normal na daloy ng mga klase sa paligid. Bukod sa epekto sa mga mag-aaral sa paligid ng gym, ang pagkakaroon ng hindi maayos na iskedyul ay nagiging sanhi rin ng pag-aagawan sa oras. Dahil limitado ang bilang ng oras, may mga

pagkakataon na ang mga mag-aaral ay napipilitang mag-ensayo sa hindi tamang na oras, tulad ng dis-oras ng gabi. Ang ganitong mga kondisyon ay nagiging sanhi ng pagkapagod at kakulangan ng konsentrasyon sa mga mag-aaral. Upang matugunan ang mga isyung ito, isang hakbang na maaaring gawin ay ang magtakda ng mas organisadong iskedyul. Dapat tiyakin ng pamunuan ng paaralan na may sapat na pagitan sa bawat aktibidad upang maiwasan ang sabayang paggamit ng gym. Gayundin, maaari ring limitahan ang oras ng paggamit ng bulwagan sa mga oras na hindi nakakaabala sa mga klase at iba pang aktibidad sa paaralan. Sa ganitong paraan, magiging mas maayos at epektibo ang paggamit ng covered court. Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng tamang oras para mag-ensayo at magsanay, at ang mga klase naman ay hindi magagambala. Sa pamamagitan ng isang maayos na iskedyul, mapapalakas ang parehong pagkatuto at pag-unlad ng mga mag-aaral nang hindi nakakaabala sa iba.

JOMARIE C. FERNANDEZ

Pagpuksa sa Walang Katapusang Isyu

Maaaring isipin natin na ang pagbubuntis ay bahagi ng kalikasan ng kababaihan, ngunit sapat na ba itong dahilan ng teenage pregnancy? Ang teenage pregnancy ay hindi na bago. Gayunpaman, ito ay naging isang malaking isyu sa buong bansa dahil sa premarital sex. Ito ay isang pandaigdigang suliranin na may malinaw na kilalang mga sanhi at malubhang kahihinatnan sa kalusugan, panlipunan at pang-ekonomiya.

BIGYAN ANG MGA KABATAAN NG

EDUKASYONG

SEKSUWAL NA

MAGDADALA

SA KANILA SA

MATUWID NA

LANDAS.

Ayon sa Philippine National Council na ang teenage pregnancy ay may negatibong kahihinatnan at ang pinakaapektado ay ang mga teenage na ina. Ang pagtaas ng pagbubuntis sa mga mag-aaral ay naging laganap. Ang mga mag-aaral na nagsasagawa ng mga ganitong gawain ay maaaring humantong sa mas mataas na rate ng pag-alis sa paaralan. Ang Commission on Population (Pop-Con) ay nakakita ng 7% na pagtaas sa mga panganganak sa mga batang babae na may edad 15 at mas bata. Ayon sa PSA, ang rate ng pagbubuntis sa mga batang babae na may edad 10 hanggang 14 ay tumaas mula 11% o 1,903 kapanganakan noong 2016 hanggang 2,113 rehistradong kapanganakan noong 2020.

Ang mga magaaral na gumagawa ng ganitong gawain nang hindi iniisip ang mga posibleng kahihinatnan, ay pinatunayan lamang kung gaano ang Sex Education ay kinakailangan sa kurikulum ng ating paaralan. Maaari itong magbigay sa kanila ng isang mas mahusay na pag-unawa at pag-aaral tungkol sa isang malawak na mga paksa na may kaugnayan sa sex, tulungan silang ganap na magkaroon ng kamalayan sa negatibong resulta ng premarital sex at maaaring makakuha ng kanilang kaalaman tungkol sa kahalagahan at paggamit ng mga contraceptives. Sinuri ng mga mananaliksik ang epekto ng sex education para sa mga kabataang edad 15-19 at nalaman na ang mga kabataan na tumatanggap ng komprenhensibong sex education ay 50% na mas mababa ang posibilidad na makaranas ng pagbubuntis at bawasan ang mga rate ng premarital sex at mga pag-uugali sa panganib sa sekswal. Sa kabuuan, ang maagang pagbubuntis ay maaaring magdulot ng hindi malusog na relasyon at pag-uugali. Kailangan ng lahat na magsimulang kumilos at magsalita nang higit pa tungkol sa isyung ito na pinagdadaanan ng mga kabataan. Bigyan ang mga kabataan ng edukasyong seksuwal na magdadala sa kanila sa matuwid na landas.

ang porsyento na itinaas ng pagbubuntis ng mga batang babae na may edad 10 hanggang 14 ayo sa PSA

Sinuri ng mga mananaliksik ang epekto ng sex education para sa mga kabataang edad 15-19 at nalaman na ang mga kabataan na tumatanggap ng komprenhensibong sex education

PULSO NG MGA

MAG-AARAL

HINDI

Dapat bang ma-impeach si VP Sarah Z. Duterte?

“Dili ko mosugot nga i-impeach si Sara... Basta confidential fund, confidential dapat dili i-bisto... They are just politicizing... we will be losing a good president in the future.”

Suplay ng Tubig:

Tutol ako sa impeachment. Habang sinusubaybayan ko ang mga pagdinig sa Kongreso, lahat ng akusasyon ay nasagot ay may mga dokumento, at kahit ang audit ng COA ay nagpapatunay na siya ay nalinis na.

Ang impeachment ay isang hakbang ng mga maruruming politiko, ginagamit ang kanilang mga personal na motibo sa pulitika, hanggang sa mapatumba nila ang VP. Sa ekonomiya, maaari itong magdulot ng panghihina ng loob sa mga mamumuhunan, at ang inflation ay patuloy na tumataas dahil sa labanan sa pulitika. Kung ang mga pro-impeachment ay tunay na makabayan, dapat nilang harapin ang mga tunay na problema sa bansa, hindi ang magsimula ng isang digmaang civil.

I...mahalagang turuan ang mga estudyante ng wastong paggamit at pangangalaga sa mga palikuran upang maiwasan ang pagkasira at pagkaubos ng tubig. MAHALAGANG ITATAK SA ISIPAN NA ANG KAAYUSAN AY NAGSISIMULA SA KAALAMANG MAY AKSIYON NA KAAGAPAY.

sang pangunahing pangangailangan ang malinis at sapat na tubig para sa kalinisan at kalusugan. Ito ay parte ng pagiging ligtas sa mga maduduming paligid na maaaring panggalingan ng mga nakamamatay na sakit. Kung kaya’t lubhang nakalulungkot at nakababahala ang patuloy na kakulangan ng sapat na suplay ng tubig sa mga palikuran, lalo na sa mga pampublikong pasilidad, gaya ng paaralan. Isa nga rin ito sa mga suliraning kinakaharap ng Federico Yap National High School (FYNHS) na nakaaapekto sa mga guro at mag-aaral, at nagdudulot ng iba’t ibang problema.

Mahalagang bahagi ng kalinisan ang pagkakaroon ng suplay ng tubig sa lahat ng mga pasilidad, kahit na sa sariling mga bahay. Sa sitwasyon ng paaralan, dahil sa mga sirang daluyan ng tubig, naiiwang marumi ang mga palikuran na ayon sa cubix-inc, maaaring panggalingan ng mga mikrobyo at bacteria, tulad ng Norovirus, E. coli, Shigella, at Streptococcus. Posible rin itong magdala ng iba’t ibang sakit na lubhang delikado sa mga batang may mahinang immune system. Kaya naman, ang pagtiyak ng sapat na suplay ng tubig sa mga palikuran ay isang mahalagang hakbang upang mapanatili ang kalusugan ng mga guro at mag-aaral.

Bukod sa kalusugan, ang kakulangan ng tubig ay nakaaapekto rin sa pag-aaral ng mga estudyante. Kapag ang mga palikuran ay marumi at walang sapat na tubig, ang mga estudyante ay maaaring mahiya o mailang na gumamit nito. Dagdag pa ng cubix-inc, ang pagpipigil ng ihi ay nakaaapekto sa lower urinary tract health, at nagiging hadlang para sa konsentrasyon ng mga magaaral sa talakayan. Hindi rin kaaya-ayang tignan ang maruming palikuran dahil na rin sa masangsang nitong amoy na nagdudulot ng masamang impresyon sa mga dumadaan, lalo na kung mayroong mga bisita. Ito ay nakaaapekto

sa pangkalahatang imahe ng paaralan. Samakatuwid, ang pagpapanatili ng kalinisan ng palikuran ay mahalaga hindi lamang para sa kalusugan, kundi pati na rin sa pagpapanatili ng isang positibong imahe. Sa huli, ang paglutas sa problema ng kakulangan sa sapat na suplay ng tubig sa mga palikuran ng paaralan ay nangangailangan ng kooperasyon ng lahat ng sektor. Tungkulin ng gobyerno, partikular na ang Kagawaran ng Edukasyon na lapatan ito ng aksiyon, sa pamamagitan ng paglalaan ng sapat na pondo para sa pagpapaayos at pagpapanatili nito. Ang mga lokal na pamahalaan ay maaari ring tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa mga paaralan sa kanilang lugar. Hindi rin dapat mawala ang papel na gampanin ng mga paaralan mismo. Mahalaga na magkaroon ng isang maayos na sistema sa pagpapanatili ng mga palikuran, kabilang na ang regular na paglilinis at pag-aayos ng mga sirang pasilidad. Higit sa lahat, mahalagang turuan ang mga estudyante ng wastong paggamit at pangangalaga sa mga palikuran upang maiwasan ang pagkasira at pagkaubos ng tubig. Mahalagang itatak sa isipan na ang kaayusan ay nagsisimula sa kaalamang may aksiyon na kaagapay.

HANNAH PENALOSA
HON. JOVENTINO ENRIQUEZ JR. Barangay Astorga Kagawad, FYNHS PTA President

CAMPUS JOURNALISM: SUPORTAHAN

Isa sa mga suliraning lumutang tuwing napag-uusapan ang mga hamon sa edukasyon ay ang kakulangan sa mga kagamitan, na siyang hindi dapat nangyayari dahil ito ay may malaking bahagi na ginagampanan upang maisakatuparan ang mga gawain. Katulad din ito sa mapapansing kakulangan sa paaralan ng Federico Yap National High School (FYNHS) kung saan naaapektuhan ang pagganap ng mga guro at estudyante, lalo na kung mayroong mga taunang aktibidad na nangangailan ng sapat na kagamitan para sa maayos na pagsasanay. Sa madaling salita, kung ganito lang naman ang mangyayari, walang saysay ang pagsasanay.

Halimbawa rito ang Schools Press Conference, isang aktibidad na ginaganap taon-taon, kung saan ang lahat ng mga batang mamamahayag at tagapagsanay ay naghahanda ng ilang buwan bago ang aktwal na kompetisyon. Partikular na sa group events gaya ng Television Broadcasting, Radio Broadcasting at Collaborative Desktop Publishing. Ang makapagsanay nang maayos ay mahirap para sa kanila dahil sa kakulangan sa mga kagamitan tulad ng camera, laptop, mikropono, telebisyon, printer at iba pa. Kaya kung minsan, pinapahiram na lamang ng mga gurong tagapagsanay ang kanilang mga personal na laptop at printer upang makapagsanay ang mga manunulat. Kung iisipin, nakaaawa ang ganitong sitwasyon na hiram dito, balik doon. Posible pa’ng masira ang kagamitan.

Isa pa sa kakulangan sa paaralan ay ang sariling silid na pagsasanayan. Kung minsan, hindi makapagpokus ng maayos ang mga manunulat dahil sa kawalan ng silid na magagamit. Nandiyan pa ang ingay sa paligid dahil sa bukas ang espasyo. Kaya, paano na lamang ang hangaring manalo sa kompetisyon kung sa pagsasanay pa lang, wala ng kasiguraduhan.

Ayon kay Awuma (2015), ang mga kagamitan at pasilidad ay may malaking papel sa pagpapaunlad ng isports. Hindi makakamit ang kasiya-siyang resulta kung ang mga pasilidad sa pagsasanay ay hindi sapat o substandard. Tulad ng mga atleta, hindi rin nalalayo ang kahalagahang ito sa mga batang manunulat ng paaralan, malaking lamang ang pagkakaroon ng sapat na kagamitan sa pagpapabuti ng kalidad ng pagsasanay at sa

Kaligtasan, gampanin ng bawat isa

Sa aking paglalakad patungo sa aking silid-aralan, ako ay napalingon nang marinig ang mga bulungan na kung saan ay may matinding aksidente na kinasangkutan ng mga estudyante na binububully ng kanilang kapuwa magaaral. Masakit sa tenga na marinig ang mga ito dahil ang mga magulang ng mga mag-aaral ay umaasa na ang kanilang mga anak ay ligtas sa loob ng paaralan.

MAS PAGTUONAN

NG PANSIN ANG

PINAKALAYUNIN

SA PAGPASOK SA

PAARALAN, ANG

MATUTO SA LAHAT

NG ASPETO BILANG

ISANG TAO.

Sa kasalukuyan ay marami na talagang mga estudyante ang mapanakit sa kanilang mga kapuwa mag-aaral at binubully pa nila ito. Ngunit ang paaralan ay walang sapat na mga bantay upang magmasid sa loob. Isa rin sa dahilan kung bakit malaya ang mga estudyante na gumawa ng mga bagay na nakasasakit sa iba, ang kawalan ng disiplina ng bawat mag-aaral. Matatandaang noong mga nakalipas na mga buwan, ayon sa Philstar.com na ang Pilipinas ay tinaguriang Bullying Capital of the World, bukod pa rito nanguna rin ang Pilipinas sa Loneliness. Posibleng ang mga dahilan nito ay ang kawalan ng disiplina ng mga mag-aaral sa loob ng tahanan, kaya hindi na sila naiilang na gumawa ng masamang gawain sa loob ng paaralan. Ngunit sa kabila ng lahat hindi rin nababantayan ang mga estudyante sa loob ng paaralan sa kadahilanang kulang sa pagbabantay. Naway bigyan ito ng pansin ng paaralan dahil ang kaligtasan ng mga estudyante sa loob ng paaralan ay isang mahalagang isyu na dapat ay pagtuunan ng pansin. Ngunit sana naman ay hindi rin tayo aasa sa iba at bilang mag-aaral responsibilidad din natin na hikayatin ang bawat isa na iwasan ang mga masasamang gawain.

Upang maiwasan ang hindi kaaya-ayang mga pangyayaring ito, nararapat lamang na bigyan ng sapat na paalala, pag-unawa sa magkakaibang sitwasyong kinakaharap ng bawat mag-aaral at bumuo ng isang programa na naglalayong mapaunawa sa bawat mag-aaral ang pagpapanatili ng respeto sa kapwa. Higit sa lahat, ang bawat isa ay may mahalagang papel na ginagampanan upang mapanatiling ligtas at mas pagtuonan ng pansin ang pinakalayunin sa pagpasok sa paaralan, ang matuto sa lahat ng aspeto bilang isang tao.

pagkakaroon ng motibasyon na maipanalo ang kompetisyon. Mas nagkakaroon din ng kumpyansa sa sarili ang mga sasabak na manalo. Kung ikukumpara sa ibang mga malalaking paaralan, mas maraming nananalo mula sa kanila dahil sa sapat ang kanilang pagsasanay hatid ng kumpletong kagamitan. Sa pangkalahatan, malaking porsiyon ang naiaambag ng kumpletong kagamitan sa kapanaluhan. Dapat ay aksiyunan ito ng gobyerno, hindi iyong tatalakayin lamang. Pondohan ng ang kagawaran ng edukasyon at punan ng kumpletong kagamitan ang mga paaralan. Sa pamamagitan ng tamang pondo at suporta, maiiwasan ang kakulangan sa kagamitan at pasilidad, at mas maipamamalas ng mga batang manunulat ang kanilang taglay na kakayahan sa larangan ng pamamahayag.

Patnugutan

PUNONG PATNUGOT: HASMINE S. MAGOYA

PANGALAWANG PATNUGOT : ROSE MARIE S. MAGOYA

PATNUGOT SA BALITA : PRINCE G. MANIB, LEA G.

PANTONIAL, ANGELA A. MENGUITO, DEXY IM C. BROA

PATNUGOT NG KOLUM: JUSTINE MAE BARCELO, KIRK

DAVEN B. CARMEN, JILLIAN ELIO

PATNUGOT SA LATHALAIN: JAMASHIE MANDIN

PATNUGOT SA AGHAM: GARRY LLEGO

PATNUGOT SA ISPORTS: JOHNDER VYNS B. CEMINE, BEA

MHYKA LEDAMA, LEN JOHN E. AMARILLENTO, DIEL JOHN

CAJILLA, XYNEL JOS SALAZAR

DIBUHISTA: SHANE KATRICE A. CUASITO, CHEERY

DAGANATO, ALYSSA P. ADAY

LITRARISTA: JOHANN S. TIMTIM ADRIAN ENTRINA, EDWIN

MALONE, ASCHANA GRACE LANTAPE

TAGA ANYO NG PAHINA: CHRISTIAH FAITH L. TOCOCON, FRANCINE EVE A. BLANCO, EMILY D. JAMITO

SA PAMAMAGITAN NG TAMANG PONDO AT SUPORTA, MAIIWASAN ANG KAKULANGAN SA KAGAMITAN AT PASILIDAD, at mas maipamamalas ng mga batang manunulat ang kanilang taglay nakakayahan sa larangan ng pamamahayag.

KONTRIBYUTOR: PRINCESS GEORGIA O. GALLARDO, LOUIGIE ENRIQUITO, HANNAH YVAINE PEÑALOSA, JESSA M. UNGAB, JERYLL MEPIEZA, FIONA MAE PARADA, JUSTINE DANIELLE PAMAT, JOMAREI FERNANDEZ, SARAH MERCADO, ROMMEL D. DEMASUHID

TAGAPAYO: ELWINA O. BEFITEL PANGALAWANG TAGAPAYO: ROTSEN B. DULFO, GLE LIEZL C. SANTE, RONNEL L. REVILLA

PUNONGGURO AT SANGGUNIAN: ISABELITO F. PONCARDAS

TAGAMASID PAMPUROK NG HILAGANG STA. CRUZ: HAZEL V. LUNA

TAGAPAMANIHALANG PANSANGAY: LORENZO E. MENDOZA ,CESO V

tun b

Ugnayang magulang at paaralan, Dapat palakasin

KASANGGA NG PAMILYA AT PAARALAN SA PAGHUBOG NG

Kung hangad nating mapataas and kalidad ng edukasyon maging ang tamang pag-uugali ng mga mag-aaral kailangang palakasin talaga ang Home Schooling partnership.

Noon pa man naging prayoridad na ng ating gobyerno ang pasasakatuparan nito nang ipatupad ang Republic Act No. 11476 kung saan sa programa ng Batayang Edukasyon ng K to 12 ang pagtuturo ng GMRC sa grade 1-6 at values education sa Grade 7-10 ay talagang ipinatupad. Ngunit kahit ano pa man ang gagawin ng gobyerno kung walang partitipasyon ang mga magulang tila wala ring saysay ang mga batas na nilikha ng ating pamahalaan. Ang mga magulang ang unang guro at kasama ng kanilang anak sa loob ng kanilang tahanan. Kung paano sila tinuruan sa bahay yun ay kanilang madala sa paaralan o labas ng kanilang bahay. Kamakailan lang naging trending sa facebook ang pambabastos ng bata sa kanilang sariling guro sa harapan ng kanilang klase kung saan ang guro ay sabay na pinagtatawanan ng kaniyang mga estudyante. Habang nagsasalita ang guro, nilapitan ng bata at pinatingin ang direksyong kanyang itinuro pagkatapos hinawakan ng bata ang kanyang mukha upang ipalipat ang direksyon ng mukha ng guro bagay na pinagtawanan ng mga bata ang guro. Umani ito ng reaksyon mula sa netizen at kinuwestiyon kung paano pinalaki

ng magulang ang batang ito na tila nawawalan ng wastong pag-uugali. Malaki talaga ang papel na ginagampanan ng mga magulang sa paghubog ng wastong pag-uugali ng kanilang anak. Kung lahat lang ng mga magulang ay maglaan ng tamang oras upang turuan ng wastong pag-uugali ang kanilang mga anak ay makatutulong ito ng malaki para maiwasan ang stress ng mga guro sa paaralan at makapokus doon sa pagtuturo at hindi masayang ang oras sa kadidisiplina ng mga bata.

Ang mga programang naitupad na ng DepEd ay dapat paigtingin at ipagpapatuloy. Ilan sa mga ito ang pagpapatawag sa mga magulang kung may di-kanais-nais na ugali ang kanilang anak na ipinakita sa paaralan, pagkaroon ng family day, pagpapunta ng mga magulang bawat markahan upang malaman ang pagganap ng kanilang anak sa paaralan at pagbibigay ng mga parangal sa mga modelong pamilya. Kasangga ng pamilya at paaralan sa paghubog ng sangkatauhang Pilipino. Kapag laging magkatuwang ang dalawa magkaroon tayo ng mahusay na kabataang Pilipino na may dangal at makapagpaunlad sa bawat pamilya maging ang ating bansa.

JILLIAN ELIO
ELWINA O. BEFITEL
TAPATAN
SA AKIN LANG

Juan Tamad: Ituwid nang mahigpit

sa sa mga naging tila normal na ngayon para sa mga kabataang Pilipino sa maraming paaralan sa Pilipinas ay ang pagdating nang huli sa klase. Kung titignan, tila nawalan na ng ganang pumasok ang mga estudyante na hindi kasiya-siyang pagmasdan kung ganitong klase ng pag-uugali ang kanilang pinapairal. Hindi ito basta simpleng pagkukulang lamang, bagkus ay isang isyu na may malalim na epekto sa pag-aaral at disiplina ng mga mag-aaral, at sa kabuuang sistema ng edukasyon. Kailangan na itong matigil at harapin nang may pag-unawa at pagkilos.

Ang mga nahuhuling mag-aaral ay nahuhuli rin sa mga mahahalagang bahagi ng mga talakayan at mga aktibidad sa klase, na nagreresulta sa pagkukulang sa pag-unawa ng mga konsepto at paksa. Kung saan, kapag hindi nasolusyunan, ay maaaring magdulot ng pagbaba ng marka at pagkawala ng

Layunin ng bawat paaralan ang malinang ang isang mag-aaral hindi lamang sa akademiko maging sa tamang pag-uugali at disiplina. Ang pagiging huli ay nagpapakita lamang ng kawalan ng paggalang sa oras ng guro at sa mga kaklase, maging sa proseso ng pag-aaral mismo. Nakapagpapababa rin ito ng kanilang pagpapahalaga sa sarili at nagdudulot ng

negatibong epekto sa kanilang pakikisalamuha sa kapwa. Sa paaralan ng Federico Yap National High School (FYNHS), pansin ang makapal na kumpulan ng mga nahuhuling mag-aaral tuwing araw ng Lunes kung saan ginaganap ang pagpupugay sa watawat ng bansa.

Kailangan magpatupad ng mahigpit ngunit makatwirang mga patakaran laban sa pagiging huli ng mga estudyante. Gaya ng sinimulang hakbang ngayon ng FYNHS kung saan ipatatawag ang mga magulang ng mga mag-aaral na tatlong beses nang nahuli sa pagpasok. Samantala, kailangan ding magbigay ng konsiderasyon ng paaralan sa mga estudyanteng may katanggap-tanggap na dahilang sanhi ng pagiging huli sa klase.

ISa pangkalahatan, ang paglutas sa problema ng pagiging huli sa paaralan ay nangangailangan ng isang komprehensibong aksiyon at pagtutulungan ng paaralan, mga magulang, at ng mga estudyante mismo. Dapat sinisigurado ng mga magulang na ang kanilang mga anak ay makararating sa paaralan sa saktong oras. Maaari ring mag-upgrade ang mga guro tungo sa mas kawili-wiling paraan ng pagtuturo. Higit sa lahat, nasa mga estudyante pa rin nakasalalay ang pagbabago dahil sa katunayan, hindi lang basta disiplina ang nahuhubog mula rito, kundi maging sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon para sa lahat.

VAPE: SALOT SA LIPUNAN, DAPAT PIGILAN

sang malaking pagkakamali ang paggamit ng E-cigarettes o vape. Ito ay desisyon na habang buhay ay maaaring pagsisisihan. Sa patuloy na pagdami ng mga tumatangkilik nito, marami rin ang napapalapit sa peligro, sapat na upang sabihing wala ng rason pa upang hindi ito pigilan. Kaya gumising na sa pagbubulag-bulagan sa hindi magandang epekto nito sa kalusugan.W

Ayon sa Philippine Information Agency, nagpa-alala si Dr. Beverly Anne Dominguez, Tuberculosis Coordinator ng Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) sa isang Kapihan media forum na pinangunahan ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) sa kanilang tanggapan noong Ika-22 ng Agosto 2023.

Ayon sa kaniya, ang vaping, tulad din ng paninigarilyo ay “risk factor” sa pagkakaroon ng TB o Tuberculosis at iba pang mga sakit tulad ng Chronic Obstructive Pulmonary Diseases (COPD) dahil nakahihina ito ng resistensya na siyang dahilan para maging “Immunocompromised” ang isang tao, bata man o matanda. Patunay ang impormasyong ito na ang paggamit ng vape ay hindi lamang nagdudulot ng personal na problema sa isyung pangkalusugan, kundi mayroon din itong malawakang implikasyon sa kalusugan ng publiko.

Sa Federico Yap National High School (FYNHS), mayroon na ring mga nahuling gumagamit ng vape.

Ayon kay Kingruzzel Liquin, isang Grade 12 representative ng Barkada Kontra Droga (BKD+) Organization ng paaralan, siya ay nakapagtala ng hindi bababa sa 17 estudyanteng nasa baitang 12 na gumagamit ng vape.

Ito ay malawakang isyu na dapat ay noon pa sinimulang aksiyonan. Kahit bilang lang ang mga nahuli sa nasabing paaralan, mayroon pa rin itong implikasyon hindi lang sa kalusugan ng mga estudyante, maging sa kanilang kinabukasan. Nakadidismaya lamang dahil natututo na silangy gumamit ng vape kung saan naiimpluwensyan din nila ang kanilang mga kaklase at kaibigan.

Ayon naman sa ansrmn.org., ang

Paggamit ng marijuana dapat ayawan

mga baterya ng vape ay mapanganib na basura kung hindi ito maitatapon ng maayos. Mayroon ding mga pagkakataon na nagdudulot ito ng disgraya dahil sa pagputok ng baterya nito habang ginagamit.

Sa kabila ng mga ipinapatupad na mga patakaran at batas na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga lugar na pampubliko, kabilang na ang paaralan, marami pa rin sa mga kabataan ang matitigas ang ulo. Partikular na rito ang mga mag-aaral na patuloy pa rin sa pag-eengganyo sa bisyong ito. Sa halip na mag pokus sa pag-aaral at makibahagi sa mga gawaing pang-akademiko, ginagawa nilang smoking area ang paaralan. Kung saan nagpapakita lamang ng kawalan ng respeto sa institusyon. Kahit ano pang paraan ang maaaring maging solusyon sa problemang ito, hindi pa rin ito matatapos

namang hindi menor de edad ang bibili pero menor de edad ang gagamit. Kaya, nakalulusot pa rin ang mga kabataan. Ang batas na ito walang pinagkaiba sa ibang mga batas na walang pakinabang. Sa pangkalahatan, ang paggamit ng vape ay dapat nang tigilan. Wala na dapat pang sayangin na oras. Kailangang bigyan ito ng sigurado at pangmatagalang solusyon. Isa sa maaaring gawing hakbang ang pagkakaroon ng maigting at regular na pagche-check

aharap ang Pilipinas sa hamon kaugnay sa paggamit ng marijuana.

Ayon sa Office of National Drug Control Policy (2007) ng Estados Unidos, may kaugnayan ang paggamit ng marijuana sa maraming kondisyon sa kalusugan. Ang mga impeksyon sa respiratory system, pagkabawas ng memorya, di-regular na tibok ng puso, pag-atake ng nerbiyos, pagkabalisa, at pagpapababa sa kakayahan sa pag-aaral ay ilan lamang sa mga nakababahalang resulta ng paggamit nito.

Sa datos ng Phillipine Drug Enforcement Agency (PDEA), natuklasan na ang Marijuana ang pinakatalamak na ginagamit na droga sa buong bansa at sumunod dito ang methamphetamine hydrochloride o kung tawagin ay “shabu”. Ang patuloy na paglago ng paggamit ng Marijuana ay nagpapahiwatig ng kagyat na pangangailangan na labanan at puksain ang lumulubong bilang ng Marijuana-users sa loob ng bansa. Sa mga paaralan, lalo na dito sa Federico Yap National High School (FYNHS), lalong napatunayang epektibo ang marijuana, kasama ang alak, sa pagpapababa ng academic performance at paghadlang sa kakayahan ng mga mag-aaral na makumpleto ang kanilang edukasyon nang matagumpay.

Ayon sa pananaliksik ni Rimsza (2005), malaki ang ambag ng mga substansiyang ito sa mababang pagganap sa paaralan at pagpigil sa mga estudyante na makumpleto ang kanilang edukasyon nang maayos.

Bukod dito, ang isang pag-aaral na sumuri sa mga gumagamit ng cannabis na mayroong mga umiiral na panganib sa cardiovascular ay nagdulot ng nakababahalang mga resulta. Sa gitna ng 28,535 mga kalahok, ang mga gumagamit ng cannabis ay nagpakita ng 20% na mas mataas na posibilidad na magkaroon ng malubhang karamdamang pang-cardio o pang-utak habang nakaospital kumpara sa mga hindi gumagamit. Ang resultang ito ay nagpapakita ng malubhang panganib sa kalusugan na kaakibat ng paggamit ng marijuana, lalo na para sa mga indibidwal na may mga preexisting na kondisyon sa kalusugan.

Kaya naman, mahalaga ang agarang pagtugon, pagpapalaganap ng edukasyon tungkol sa mga panganib ng paggamit ng marijuana, at pagtataguyod ng mga patakaran na naglalayong itaguyod ang kalusugan at kapakanan ng publiko.”

17

estudyanteng nasa baitang 12 na gumagamit ng vape

...mahalaga ang agarang pagtugon, pagpapalaganap ng edukasyon tungkol sa mga panganib ng paggamit ng marijuana, AT PAGTATAGUYOD NG MGA PATAKARAN NA NAGLALAYONG

ITAGUYOD ANG KALUSUGAN AT KAPAKANAN NG PUBLIKO

JAYRALD DANTON
PANANAW

Salamin ng Kabataan

tunob 10.

Sa aking paglalakbay tungo sa paaralan, aking nakita mga basurang nakakalat kahit saan-saan. Mga plastic, papel, na nakabulagta sa mga kanal. Agos ng tubig na hinahanap ang daan sa gitna ng mga basurang parang pader kung makaharang. Sa pagpapatuloy ng aking paglalakbay, isang grupo ng tao ang aking nasaksihan. Isa-isang kinukuha ang mga basurang halos isang sasakyan, ay hindi pa kaya. Isang lata ang nahulog at gumulong papunta sa aking direksyon, isang babae ang tumakbo upang mahabol ang latang parang sports car kung gumulong. “Wuuuuy, palihug kog kuha bi” (Oyyy, pwede mo bang pulotin?). Aking kinuha ang malikot na lata sabay sabi sa kanya, “dara oh, nganong inyung nang ginabuhat?” (Ito po, bakit ninyo ito ginagawa?). Sabi niya, “ay para ni sa atong palibot, para sa atoang gwapong environment” (Ay para ito sa ating paligid, para sa ating magandang kapaligiran). Mga mamamayang bukal pa ang pag-asa para sa magandang umaga. Aking napagtanto sa aking sarili, kahit pa sa siguro sa ating mundong puno ng kasamaan, meron pading mga mamamayang puso’y puno ng kabutihan.

SAMAHANG DAPAT TULARAN

Ang mundong ating tinitirahan ay hindi na katulad ng dati. Mga puno’y nagsisilbing palamuti sa ating mga mata, ngayo’y napalitan na ng mga sementadong poste.Hanging nagbibigay buhay, ngayo’y siya na ang pumapatay. Kaaya-ayang mundo ngayon ay mananatiling katang-isip nalamang. Ngunit isang liwanag ang lumitaw sa madilim na lagusan, isang grupo ng tao ang bumulagta sa aking harapan. Mga taong ginagawa pa rin ang lahat upang maibalik ang ganda ng inang kalikasan, sila ang AMECC o Astorga Mountaineering and Ecological Conservation CLUB.

Ayon sa Bise Presidente ng AMECC na si Rj Esguerra Pujeda, “Ecological Conservation naga advocate ang AMECC sa marine conservation since sa una pa before ko na AMECC mao nani ilang... mao nani. Timely, naa tay Marine Conservation area or protected area which is ang Bacutan then as mga Mountaineer morag moral obligation na namo siya.” (Ang AMECC ay nangangalaga ng kalikasan at sumusulong ng pangangalaga sa karagatan mula pa noon. Bago ko pa man malaman ang AMECC, ito na ang kanilang pinagkakaabalahan. Sa kasalukuyan, mayroon tayong Marine Conservation area o protected area na tinatawag na Bacutan.Para sa mga mountaineer tulad namin, parang moral na obligasyon na pangalagaan ito).

Umaapaw ng pag-asa at determinasyon ang ipinakita ng AMECC sa kanilang ginawang misyon upang maibalik ang kaaya-ayang inang kalikasan. Nasa kamay na natin ang tagumpay, paglilinis at pagtatanim lang ang kailangan, makikita na natin muli ang ganda ng inang kalikasan.

Ang nakaraang mundo ay isang paraiso, mga ibong parang naghaharana sa ibabaw ng puno, mga halaman mo pa’y hataw ng sayaw kung ang reynang hangin ay dadaan. Tubig na may kapangyarihang maipakita ang iyong imahe, at haring araw kung makasikat ay parang nangangalaga ng tao. Ngunit lahat ng ito ay nagbago na, mga ibon sa poste na nanghaharana, halaman ay naging parte na ng kalsada, tubig sa lawa ni bato’y hindi makita, at haring araw kung makasikat ay namamamalo na. Parang wala ng pag-asa, ngunit isang biyaya ang dumating sa ating harapan, mga taong naging daan upang makita muli ang maganda at maaliwalas na kalikasan. Modelong galing sa langit, naghahasik ng mabuting hangarin. Sila ang tularan, mga salamin ng kabataan.

BAYANI

ng Bayan

“Kung iligtas ang kapwa, hindi gamit ang baril, sandata o espada, kundi ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa ang daladala.”

Tirik ang araw na para bang kumakagat sa aking balat, parang pinakuluang hangin ang nalalanghap at mala-baldeng pawis ang naipon dahil sa haring araw na mapangahas. Ngunit ako’y nagtaka sa aking nakita, isang patak ng tubig galing sa asul na langit ang bumago ng lahat. Mga tubig na parang ilog kung umagos, tubig na kasing laki ng tao, at mga mag-aaral na humihingi ng saklolo. “Tabang, tabang, kadako sa tubig”. Ako’y nataranta dahil sa aking nakita, sa isang iglap ang mga pawis na lumabas sa aking balat ay napalitan ng kaba at luha sa aking mga mata. Ngunit ako’y hindi nawalan ng pag-asa nang aking nasaksihan, mga

taong nakasuot ng kakaibang damit, sama-samang hinarap ang malahalimaw na lawa at walang takot na tumulong. Sa walang pag-aalinlangan, ginawa kaagad nila ang kinakailangan, mga pambihirang mamamayan, mga bayani ng bayan.

BAYANING HANDANG-HANDA Sa gitna ng marahas na baha na naranasan ng mga mag-aaral, guro, at iba pang tao sa eskwelahan ng Federico Yap National High School, walang tigil na pagkataranta at kaba ang naramdaman nila sa araw na iyon. Ngunit isang grupo ang naging instrumento upang sila ay sagipin sa hindi kaaya-ayang pangyayari,

ahit pa sa mundong puno ng kasakiman, meron pa ring mga mamamayang damdamin ay puno ng kabutihan”
DANIEL NACUA

Lathalain

sila ang ECHO o Ecological Conservation and Humanitarian Organization.

YOU ture

arte sa ating buhay bilang bata ang mga kwentong buhay ng ating mga magulang at ang mga sinaunang kwento nina Lolo at Lola. Pero tila binago ang paraan ng pagkukwento, ang malihim na paligid pinalitan ng mala-piyesta sa dami ng dumalo. Ang Hugyaw Sayaw ay isang paligsahan sa munisipalidad ng Sta. Cruz, probinsya ng Davao del Sur na naglalayong maisalaysay ang isang kwento sa pamamagitan ng mala-teatro na dula. Isa sa mga taas-noong sumali ang grupo ng Handog Intelek Yaman Alay Ay Saya o HIYAS Performing Arts Guild. Isa sa mga yaman at produkto ng paaralang Federico Yap National High

mo, mangyayari ang dapat mangyari. Ang tanging mababago mo lang ang takbo ng iyong kapalaran, Ikaw lang mismo ang

Sa umuusbong na pagbabago ng mundo, minsan nalang natin nakikita ang pagsusuot ng mga katutubong kasoutan gayundin na rin sa ating pambansang damit, baro’t saya. Ito’y mga bakas ng kahapon na unti-unting binubura ng kasalukuyang panahon. Kung tunay nga ang hangarin natin ay umunlad, nawa’y sabay-sabay at walang maiiwan. Iba-iba ang kwento ng bawat tao, iba-iba ang pinagmulan, ngunit iisa lang inaasam, Pagbabago. Ang bawat obra, tela, desinyo, at pagkaguhit, may kwento sa mga likod nito. Ilang taon itong inalagaan at prinotektahan, patunay kung gaano ka giting ang ating pinagmulan at kung saan tayo dadalhin sa kinabukasan kung marunong lang tayo

Isang yaman na pinanday sa loob ng mahabang panahon. Isang yaman na sana matamasa pa ng susunod na henerasyon. Sa bawat kwentong natatapos hudyat na may bagong kwentong magsisimula. Tayo’y manawagan sa kapwa natin Pilipino, huwag kalimutan ang nakaraan bagkus dalhin ang mga alaalang humubog sa ating kasaysayan. Panatilihin ang kagandahan ng likas na kultura maging ang ating YOUman CALLture.

Ayon sa founder ng ECHO na si Ryan Sanchez Adalim, “So far it’s a matter of preparation..and uhh. we have already prepared early preparation for this natural calamity such as flooding. So far also, we have trained at least 30 students from Federico Yap National High School to facilitate the flood incident”. Hindi na kalaban ang malupit na baha sa determinasyon at pagmamahal ng ECHO sa kanilang kapwa. Kahit butas ng karayom kanilang susuungin, para lang ang mga biktima’y sagipin.

MARANGAL NA MGA BAYANI

Hindi masusuklian ang sakripisyong inalay ng ECHO para sa mga naging biktima ng pagbaha sa paaralan at komunidad. Sa pagtayo at sa paggabay ng mga biktima sa tamang lugar, at pagtitiis sa mala yelong panahon, kanilang inalay ang taos-pusong serbisyo para sa kanila.

Sabi ng founder, “it’s a matter of thank you then fulfillment for achieving such operation. If you are a volunteer, you are not hoping to recieve na..ano monetary na part. As a matter of fact, isang thank you lang nung.. mga victims is enough for all of us” (Ang bagay na ito ay tungkol sa pasasalamat at kaganapan sa pagkakamit ng ganoong operasyon. Kung ikaw ay isang volunteer, hindi mo inaasahang makatanggap ng anumang salapi. Sa katunayan, isang pasasalamat lang mula sa mga biktima ay sapat na para sa ating lahat). Sa mundong ating ginagagalawan ang mga pangyayaring nakatatayo ng balahibo ay hindi maiiwasan. Mga pangyayaring hindi nagpapaalam, at hindi magdadalawang-isip na tumapos ng buhay. Mga makapangyarihang mamamayan na nagtatago lamang sa mga anino, hindi gumagamit ng baril, sandata o espada ngunit kaya kang iligtas sa anumang oras. Mga pambirang mamamayan, mga bayani ng bayan.

Sa mundong ating ginagagalawan ang mga pangyayaring nakatatayo ng balahibo ay hindi maiiwasan. Mga pangyayaring hindi nagpapaalam, at hindi magdadalawang-isip na tumapos ng buhay. MGA MAKAPANGYARIHANG

MAMAMAYAN NA NAGTATAGO LAMANG SA

MGA ANINO, HINDI GUMAGAMIT NG BARIL, SANDATA O ESPADA NGUNIT KAYA KANG

ILIGTAS SA ANUMANG ORAS

Maestra

FIONA MAE V. PARADA

“Huni ng mga ibon, payapang dalisay ng tubig-ilog at malamig na simoy hangin.”

Ganyan kung ilarawan ang kaniyang obrang nagpaantig sa puso ng karamihan. Obrang puno ng iba’t ibang klase ng emosyon, kuwentong pinanggalingan, mga aral at inspirasyon na nagtulak sa kaniya upang mabuo ang napakagandang mga gawa. Bawat paggalaw ng kaniyang kamay ay lumilikha ng pambihirang obra na gumigising sa natutulog na isipan at damdamin ng bawat sumisilip dito. Ganyan kagaling ang pinagpalang kamay ni Artemio “Art” Bongawan Jr. Nakamamangha hindi ba? Unang tatlong letra pa lamang ng kaniyang pangalan ay masasabi mong pinanganak nga talaga siya upang maging parte ng masining na mundo. Bata pa lamang ay kilala na siya dahil sa kaniyang husay at galing sa pagpipinta. Maging ang kaniyang mga guro ay bilib sa kaniyang angking talento, na siyang isa sa mga naging daan upang magkaroon siya ng pagkakataong maipamalas ang kaniyang tinatagong kakayahan. Sila rin ang isa sa mga nagtulak sa kaniya na ipagpatuloy ang paghubog sa kaniyang talento sa pagtuntong sa kolehiyo. Matapos ang ilang taon ng pagsusumikap, nagtapos si Art sa kursong Bachelor of Fine Arts Major in Painting sa University of Mindanao. Ngunit kagaya ng ibang mga pintor sa industriya, hindi rin nakaligtas si Art sa mga hamon sa pagabot niya sa kaniyang mga pangarap.

Bawat patak ng pintura, bawat hagod ng brotsa, at bawat hugis at

Kadayawan Festival sa Davao City, PLDT Visual Arts Competition, Shell Arts Competition, Mindanao Arts Festival, at Vision Petron Arts Competition, unti-unti niyang natutupad ang kaniyang pangarap na maging isang tanyag na pintor sa industriya. Bagama’t may mga pagkakataon na sinusubukan ng mundo ang kaniyang katatagan, hindi ito naging hadlang upang sumuko. Bagkus ay mas naging matibay at matatag siya sa pagharap sa mga hamong ito.

Sa taong 2023, ika-22 araw ng Abril, ang araw ng kapanganakan ng ating magiting na pintor ay siya ring paggunita ng kaniyang kauna-unahang soloexhibit. Nakatataba ng puso na makita at masaksihan ang pag-usbong ng isang taong alam mong nararapat bigyang pansin ang kaniyang angking talento. Sa kaniyang pag-usbong sa industriya, taas-noo niyang naipamalas ang kaniyang husay at kaalaman sa mga kabataang kagaya niya, mayroon ding angking talento sa pagpipinta. Isa ang

maipipinta sa kasaysayan ng sining. Buhay pintor, ika nga nila ay mahirap intindihin sapagkat kakaiba kung gumalaw ang kanilang pag-iisip. At hindi nga sila nagkamali, dahil ang pangalang Artemio “Art” Bongawan Jr. ay naging tanyag sa larangan ng sinig dahil sa kaniyang kakaibang pag-iisip at paglarawan sa malawak niyang imahinasyon. Sa huli, hindi man natin maipipinta ang hinaharap, kaya naman nating gawing inspirasyon ang ating mga nakaraan upang makabuo ng maipagmamalaki nating obra maestra.

Obra Libro ng Hinaharap

MA. FE V. ORCULLO

Maniniwala ka ba na makapangyarihan ang iyong pag-iisip? Na kaya mong mahigitan si Madam Auring? Maniniwala ka ba na kahit wala kang bolang kristal at baraha ay kaya mong makapagdikta ng iyong kapalaran? Maniwala ka. Madali lang ‘yan

Elementarya pa lamang, bantog siya bilang isang komedyante ng klase. Hindi tulad ng ibang komedyante, ang kanyang mga birong mala-Dolphy ang datingan, hindi pinaghahandaan dahil likas ito sa kanya, mga galawang mala-FPJ kung kumilos, mahusay at nakabibilib, at ang kanyang tawa ay talagang nakah ahawa, kulang nalang gawing ganap na sakit ito. Kilala si AJ Mangulabnan bilang mapagbirong tao, pero kagaya ng ibang komedyante, may nakatagong kalungkutan sa kanyang mga ngiti na hindi makikita gamit ang bolang kristal at baraha.

Sa siyudad man o sa bundok, karapatan ng bawat bata ang makapag-aral, pero sa mga pamilyang isang kahig, hirap sa tuka, kakayanin kaya nila? Sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa merkado, swerte ka na kung makakain ka tatlong beses sa isang araw. Pumasok siya sa larangan ng pagbebenta, pantustusan ang pangangailangan. Ang kanyang mapait na buhay ay nangingibabaw pa rin ang matamis na pag-asa.

Ang kanyang Ina ay isang matapang na Overseas Filipino Worker o OFW kaya dahilan ito upang magpatuloy siya sa pag-aaral at mapalitan ang paghihirap at sakripisyo ng kanyang magulang ng medalya’t diploma. Pumatok siya sa Facebook bilang Agaw AJ sa kanyang mga kwelang content. “Padayuna lang na ninyo pero mas i-priority sa gyud inyong school kay mao na ang inyohang kapital sa future unya time management tirada ba pag okay na ka sa school go balik napud sa imong work basta i-pantay lang ug ayaw kaayo ka pressure i-pahuway lang na” Bawat indibidwal, may iba’t ibang kwento. Nakita o nabasa man ng isang manghuhula ang iyong hinaharap, nasa iyo pa rin ito kung maniniwala ka. Mahalaga na sa bawat pagkakataon na ikaw ay magdedesisyon, masama man o mabuti ang epekto, haharapin mo ang kahahantungan nito. Isipin na lang natin na ang bawat pahina’y mahalaga. Ito ay ang tahanan ng mga alaala. Na minsan malungkot, minsan masaya. Ang nakalipas at naisulat ay hindi na mabubura. Ang tao ang sumusulat ng kaniyang tadhana. Nararapat na tayo ang sumulat nito. Ang buhay natin ay mahahalintulad sa isang libro. Tignan mo ang mga naka ukit na linya sa iyong palad. Ramdaman mo ang matapang na enerhiya ng iyong kapalaran. Ikaw lamang ang makakadikta sa iyong libro sa hinaharap.

tunob

Cap-soul-a STI

SEXUALLY TRANSMITTED INFECTION

Sa panahon ngayon, ang mga pagbabago sa lipunan, kabilang na ang kagustuhan sa kasarian, ay unti-unti nang nauunawaan. Binibigyan ng espesyal na pansin ang komunidad ng mga Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer + (LGBTQ+) na mga indibidwal na nasa tamang gulang at mga menor de edad dahil sa kanilang hangarin na kilalanin at sa papel na maaari nilang gampanan nang may kahusayan.

Bukod dito, malayo na rin ang nabago sa kanilang kasuotan, maging ang kabuuang hitsura. Maraming ang nagugulumihanan sa kanilang pisikal na anyo, nagtatanong kung “Bakit sila ganyan tingnan?” at “Paano nila nakamit ang ganitong pagbabago sa kanilang hitsura at katawan?”

PAGTUKLAS SA SARILI

Ayon kay Nazmeen Menon, isang medical author, ang mga transgender women ay mga taong ipinanganak na lalaki ngunit nagpapakilala at nabubuhay bilang babae. Sila rin ay bumubuo ng mga tradisyon at pamumuhay na hindi karaniwan sa kanilang ipinanganak na kasarian. Nagpahahayag nila ang sarili sa paraan ng pagsasalita, pagkilos, pananamit, at estilo ng buhok.

Gayunpaman, ang mga magkakaibang pagkakakilanlan ay humahantong sa hindi magandang kapaligiran. Nakatatanggap sila ng batikos at pinagtatanggalan pa ng karapatan na nagiging dahilan ng hindi pagiging komportable at alanganing kalagayan. Ito ang nag-udyok ng landas tungo sa pagtuklas sa sarili at pagbabago sa pamamagitan ng pagtugma ng kanilang pisikal na anyo sa kanilang pagkakakilanlan sa kasarian.

PAGPILI NG TAMANG HORMONE

Isang uri ng hormonal na terapiyang ginagamit ng mga transgender na kababaihan ang feminizing hormone therapy. Ayon sa artikulo ng Mayo Clinic, ginagamit ito upang magkaroon ng mga pangalawang katangian sa sekswal na naaayon sa kanilang pagkakakilanlan sa

kasarian. Kinabibilangan ito ng paggamit ng mga gamot tulad ng estrogen at antiandrogens na nagdudulot ng malaking epekto na nagpapabago sa distribusyon ng taba sa katawan, muscular mass, texture ng balat at paglaki ng tissue sa dibdib. Sa paggamit, binabatay ito sa kalusugan ng isang indibidwal, edad at personal na mga layunin. May ilan na maaaring uminom ng oral tablets, habang ang iba ay maaaring gumamit ng mga injection o skin patches. Ang pagsunod sa mga isinasaad na schedule at mga regular na pagsusuri ng mga eksperto sa pangangalagang pangkalusugan ay kinakailangan upang makamit ang inaasahang mga benepisyo habang pinapaliit ang potensyal na panganib.

PILL, PATCH O INJECTION

Upang tiyakin ang kaligtasan at epektibidad, dapat na laging iniinom ang feminizing hormones sa ilalim ng pangangalaga ng isang eksperto. Karaniwan itong nagsisimula sa mababang dosage at tumataas sa paglipas ng panahon sa ilalim ng patnubay ng isang doktor. Ang mga regular na pagsusuri ay kinakailangan upang matukoy ang mga epekto ng mga hormone at baguhin ang dosage kung kinakailangan. Sa panayam, sila ay gumagamit ng Daine 35 at Herdoomz bilang bahagi ng kanilang hormone regimen. Ang Diane 35 ay isang hormone therapy na gamot para sa potensyal na mapabuti ang paglaki ng dibdib at ang texture ng balat. Gayunpaman, maaaring magdulot ito ng karamdaman at panganib sa pagkakaroon ng blood clots.

MALING PAGGAMIT

Ilang mga transgender na babaeng kilala ko ay gumagamit ng Daine 35 at Herdoomz bilang bahagi ng kanilang hormone regimen. Ang Diane 35 ay isang hormone therapy na gamot para sa potensyal na mapabuti ang paglaki ng dibdib at ang texture ng balat. Gayunpaman, maaaring magdulot ito ng karamdaman at panganib sa pagkakaroon ng blood clots.

Ang mga sexually transmitted infections (STI’s) ay kadalasang kumakalat sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Ang ilang mga STI ay maari ring maipasa sa panahon ng pagbubuntis, panganganak at pagpapasuso at sa pamamagitan ng mga infected blood o mga blood products. 1. SYPHYLIS

TRICHOMONIASIS

HEPATITIS B

HIV

PAANO IWASAN?

Samantala, hindi aprubado ng United States Food and Drug Administration (FDA) ang pagpapatakbo ng Herdoomz bilang dietary supplement at limitado ang siyentipikong ebidensya sa kahusayan at kaligtasan nito. Mahalagang maging maingat at maging maalam sa paggamit at sa mga posibleng panganib at babala. Ang pag-inom ng mga gamot na kagaya ng Diane 35 at Herdoomz sa maling paraan, tulad ng paggamit ng mga menor de edad dito o walang pangangalagang medikal, ay maaaring magresulta sa malalang negatibong epekto sa kalusugan. Upang tiyakin ang ligtas at epektibong paggamit ng hormone therapy drugs ay mahalagang sundin ang payo ng propesyonal at sumunod sa itinakdang dosage.

443

7,066

Ang Mapanganib na

Daan ng gateway Drugs

a komunidad na kung saan ang paggamit ng sigarilyo, alak, at droga ay lantarang nakikita sa mga nakatatanda, asahang bulok ang bukas ng bansa.

Ang Gateway Drugs ay mga nakahuhumaling na substance na maaaring baguhin ang pag-iisip, damdamin, at ugali ng isang tao. Kadalasan, ito ang unang hakbang patungo sa paggamit ng mas mapanganib na droga. Walang tiyak na listahan, ngunit ang pinakakaraniwan ay alkohol, tabako, at marijuana—mga substansiyang madaling makuha at madalas ginagamit ng kabataan edad 13-26. Sinasabing kasiyahan lang ang lantaran na pagkahumaling ng mga kabataan sa paninigarilyo at paginom ng alak. Subalit, ayon sa National Institute on Drug Abuse, ang paninigarilyo ay nagdaragdag ng posibilidad ng paggamit ng mas malalakas na droga. Ang marijuana naman ay ang pinakakilalang substance dahil sa sangkap nitong nagbibigay ng karamdaman ng kasiyahan o high. Dagdag pa ng Drug Enforcement Administration (DEA), ang THC (delta-9-tetrahydrocannabinol) ay ang pangunahing sangkap ng marijuana na nakakasira sa estado ng pag-iisip ng isang tao, at ito ay nasa mga dahon at namumulaklak na parte ng halaman. Sinasabi din na ang labis at pangmatagalang pagkakahumaling nito na maaaring humantong sa adiksyon. Batay sa survey ng BKD o Barkada Kontra Druga, isang organisasyon ng Federico Yap National High School na naglalayong pigilan ang mga mag-aaral na gumamit ng nakalululong na droga, ang mga lalaking estudyante sa edad na 14 hanggang 16 taong gulang ay kadalasang gumagamit ng sigarilyo, vape, at pag-inom ng alak.

Sa panayam naman ng isang grade 10 student ng FYNHS, ay nasubukan niyang gumamit ng sigarilyo sa murang edad dahil sa mga kaibigan. Hanggang nalulong na siya dito at nahirapang bumitaw. Humantong din sa sitwasyon na may mga nahuling mga studyante ang paaralan na nagdadala at gumagamit ng marijuana sa loob ng paaralan. Ang mga pangyayaring ito ay agad-agad namang iniulat sa tanggapan ng punong-guro at sa kinauukulan. May mga hakbang ding ginagawa ang BKD upang mahadlangan ang paglala ng pagkahumaling at maprotektahan ang karamihan sa mas matindi pang panganib na dulot ng mga substansyang ito. Isa na dito ang OPLAN: Against SAD Movement saklaw nito ang bag inspection, pagpapatwag ng mga may kinalamang mga-aaral, at ang paglagay ng mga posters upang magsilbing paalaala.

Dagdag naman ni Laranio Frederick, police sarhento ng PNP Sta.Cruz Davao Del Sur na nakatalaga sa drug investigation, noong 2022, mayroong 23 kaso ng shabu, at ang mga pinaalis ay nasa pagitan ng edad na 17 at 51. Noong 2023, mayroong 19 na kaso ng shabu, nasa edad 16 hanggang 60. Sa pinakahuling tala, mayroong 1 kaso ng shabu na napaalis at ito ay nasa 37 taong gulang naShabu, o methamphetamine, ito ay isang malakas at lubhang nakahuhumaling na stimulant. Mahalagang malaman ang mga panganib na nauugnay sa shabu at ang papel nito sa pagsulong sa mas mapanganib na droga. Ang ideya ng isang gateway drugs ay naiuugnay sa paggamit ng mga high-risk substance tulad ng shabu o methamphetamine. Ang pananaliksik na inilathala sa “Journal of Substance Abuse Treatment” ay nagpapahiwatig na ang mga indibidwal na nagsisimula sa mga gateway na gamot tulad ng marijuana ay mas malamang na lumipat sa paggamit ng methamphetamine. Ang pag-unawa sa mga ito ay maaaring makatulong na lumikha ng mga partikular na paraan upang maiwasan at maharap ang pang-aabuso sa droga nang epektibo. Manatiling maging matalino at pumili ng landas na walang droga. Tandaan, mas maliwanag ang iyong kinabukasan nang walang impluwensya ng mga ipinababawal na gamot tulad ng shabu at iba pang gateway drugs. Yakapin ang isang malusog at masayang pamumuhay upang maabot ang iyong pinapangarap sa buhay.

GLE LIEZL C. SANTE
CHRISTINE N. BANGAHON
ang kabuuang bilang ng kaso ng HIV/AIDS sa Davao del Sur ayon sa report ng Sunstar Davao NUMERO:

Sa dagliang pagbabago ng panahon, ang kalusugan din ng mamamayan ang hinahamon. Ito ba ay natural na sakit lang na nakasanayan na noon o baka naman ang sangkatauhan ay untiunting binabaon.

HAMON PANGKALUSUGAN

Ubo, sipon, lagnat, pananakit ng ulo at tyan ang mga karaniwang karamdaman na iniinda ng mga estudyante ng Federico Yap National High School (FYNHS). Ang sakit na ubo ang pinakamaraming naitala sa monitoring tools ng school nurse. Kadalasan sa kaisipang napapanahon lang ito ay ibinabaliwala lamang ang naturang sakit. Ngunit sadya nga bang natural lang o simtomas na ng mas malubha.

NATURAL PA NGA BA?

Sa mga mag-aaral na nagkasakit ng ubo sa naturang paaralan, 3 ang nadeklarang may sakit na Tuberculosis o kilala sa tawag na TB. Ito ay isang sakit na maaaring makuha sa hangin dulot ng mikrobyong Mycobacterium tuberculosis na madalas nakaaapekto sa baga. Maaari itong makuha kapag nalanghap mo ang hangin ng isang tao na may karamdamang TB na umubo, tumawa, kumanta, o bumahing. Dagdag pa rito ay puwede mo itong mamana sa kapamilya na may rekord ng naturang sakit.

MYCOBACTERIUM TUBERCULOSIS

Ang Mycobacterium tuberculosis, na kilala rin bilang Kochs bacillus, ay isang species ng pathogenic bacteria o nagsasanhi ng mga sakit. Maaari rin nitong maapektuhan ang ibang parte ng katawan tulad ng bato, utak, at atay. Ayon sa Department of Health (DOH) ay may mga kondisyon na nagpapataas ng posibilidad na pagkahawa ng TB. Ito ay ang diabetes, mahinang immune system, pagiging malnourished, at paggamit ng sigarilyo.

NANG MAGKAALAMAN NA

Ang paglaban sa sakit na TB ay isang pandaigdigang layunin. KINAKAILANGANG

MAPALAWAK ANG KAALAMAN

SA TB LALO NA NG MGA KABATAAN.

Dagdag pa ay isa sa mga dahilan kung bakit dumarami ang kaso sa mga menor de edad na nagkakaroon ng TB ay dahil sa mahinang immunse system na sanhi nang matagal na pagtulog dahil sa pagkawili sa cellphone. Sa paglaganap din sa komunidad, malaki ang ambag ng kakulangan sa kaalaman

TANDAAN UPANG MAAGAPAN

Tahimik na pagbanta

Sinasabi ng World Health Organization (WHO), ang ahensya ng United Nations na nag-uugnay sa mga bansa upang itaguyod ang kalusugan at panatilihing ligtas ang mundo. Ang pinakamahusay na paraan upang masuri para sa pulmonary TB ay sa pamamagitan ng pagsusuri sa plema. Ang mga mikrobyo na nagdudulot ng TB ay makikita sa pamamagitan ng mikroskopyo. Hindi bababa sa dalawang sample ng plema ang dapat suriin para sa tumpak na diagnosis. Kadalasang madaling maabot ito ng mga pasyente dahil kumon ito sa mga pampublikong pasilidad sa kalusugan. Kapag ang mga mikrobyo ng TB ay hindi nakikita sa pamamagitan ng pagsusuri sa plema ngunit ang isang pasyente ay pinaghihinalaang may mga sintomas ng TB, maari rin siyang sumailalim sa isang chest X-ray. Ito ay isang pamamaraan ng imaging upang suriin kung gaano kabisa ang paggana ng iyong mga baga at puso.

TUTOK GAMUTAN

Pinakamabisang paraan para magamot ang TB ay ang

Kinabukasan at Kalinisan

TB-DOTS o Tutok Gamutan. Kailangan lamang nah inumin ang gamot araw-araw ssa loob ng 6 na buwan sa gabay ng health service provider. Importanteng makumpleto nang tama ang paggamot upang hindi umabot sa pagiging Multi-Drug Resistant (MDR) na ang TB. Sa ganitong antas, hindi na hindi na magiging mabisa ang mga gamot na kasalukuyan iniinom. Maari ding mas matagal ang gamutan naa aabot sa 24 na buwan o maging dahilan ng pagkamatay. Ang tuberculosis ay karaniwang ginagamot sa pamamagitan ng paggamit ng pinagsamasamang antibiotics. Ang pinakakaraniwang kumbinasyon na ginagamit para labanan ang TB ay ang Isoniazid at Rifampin. Kaya nitong patayin at pigilang maging resistant ang bakterya sa isa o higit pa na gamot.

ANG PAGLAGANAP

Sa kasalukuyan, sinasabing 34 na mamamayan ng Barangay Astorga ang may sakit na TB noong 2023 at sa buwan ng Enero, 2024 ay may 4 na kaso din ang naideklara na may sakit nito. Kalakip na dito ang iilan na mag-aaral sa Federico Yap National High School, ito ayon kay Mariel Jay G. Bebanco, RN, MPH- Nurse II, Health Education Promotion Officer ng Lungsod ng Santa Cruz, Davao del Sur.

SAyon sa Natural Tuberculosis Control Program, isang ahensya sa ilalim ng Department of Health, pinakakaraniwang sintomas ng TB ay ang talamak na ubo, lagnat sa gabi, pagpapawis sa gabi, pananakit ng dibdib, pagbaba ng timbang, pagkawala ng gana sa pagkain, at pag-ubo na may kasamang dugo.

Kinakailanagan din na mapasuri para sa TB kung ang isang indibidwal ay isang residente o empleyado ng establisyentong malaki ang sakop ng mga grupo ng tao dahil mataas ang panganib ng paglaganap ng sakit dito, tulad ng mga kulungan, hospices, skilled nursing facility, shelter at iba pang pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan. Nagtatrabaho sa isang laboratoryo ng mycobacteriology. Nakipag-ugnayan ka sa isang taong kilala o pinaghihinalaang may sakit na TB. Mababa ang resistensya ng iyong katawan sa sakit dahil sa mahinang immune system at nag-inject ka ng mga recreational drugs.

GAWIN UPANG MAIWASAN

Dagdag pa ng Department of Health (DOH) ang pangunahing pangontra ng sakit na TB ay ang bakunang Bacillus Calmette-Guérin (BCG) na karaniwang ibinibigay sa mga sanggol at maliliit na bata. Nagproprotekta ito sa mga bata laban sa malubha at nakamamatay na mga anyo ng extra-pulmonary TB tulad ng TB meningitis at miliary TB sa pagkabata.

Ipinapayo din na isaalang-alang ang sumusunod : bentilasyon, ito ay mahalaga dahil ang bacteriang sanhi ng sakit na ito ay maaring manatili sa hangin ng ilang oras; natural na liwanag, pinapatay ng UV light ang TB bacteria, mabuting kalinisan (proper hygiene); at pagtakip sa bibig at ilong kapay bumabahing o umuubo ay nakababawas ng pagkalat ng TB bacteria.

inasabing ang karunungan, at mabuting kalusugan, ay nagsisimula sa bahay. Ngunit sa kasalukuyan ang kalinisan sa katawan ang nanatiling isyu sa mga mag-aaral.

Kahit saan ka man mapalingon, ang mga pagkain na nakikita at nabibili sa mga kantina at tindahan ay sadyang nakakatakam. Junkfoods at sugary foods and kadalasang madaling mabibili na may negatibong epekto sa pangangatawan.

Ayon sa Philippine Star Ngayon, ang matatamis at di masustansyang diet ay ngdudulot ng pagkabulok ng ngipin ng karamihan sa mag-aaral. Itoiy kadalasang hadlang sa mga aktibidad ng mga bata at nababawasan din ang kanilang kumpiyansa pagdating sa social interaction.

Dagdag pa ng mga eksperto, isa sa mga pangunahing dahilan ng pagliban sa klase ng mga etudyante ang pagsakit ng kanilang mga ngipin.

Ayon naman sa kay Decy Joyce Abano, school nurse ng Federico Yap National High School ay sa 2096 na kamag-aral at nasa 20 lng ang may malinis na ngipin. Dagdag pa niya isa sa dahilan din nito, ay ang Dental Program ng Department of Education ay nakatuon lamang sa elementarya. Na kung tutuusin ay mas prone sa pagbubulok ng ngipin ang nasa sekundarya dahil sa kalayaan na ibinibigay ng mga mga magulang.

Sa kabila ng mga hamon na ito, kailangang maitatak sa mga mg-aaral mula sa pagkabata ang pagiging malinis at pagsisipilyo. Upang ito ay madala nila hanggang sa paglaki. Hindin naman saklaw ng mga magulang ang mag mga binibenta sa mercado ngunit may impluwensya sa kanila ang pagsasanay sa kanila na maging malinis at malusog sa lahat ng aspeto.

Sa kahirapan na hinaharap ngayon ng pamilyang Pilipino, hinihikayat ng mga dalubhaa na panatilihin ang palagiang pagsisispilyo at maging malinis sa pangangatawan dahil ito ay isang mahalagang aspeto ng pagkatao.

HINIHIKAYAT NG MGA DALUBHASA NA PANATILIHIN ANG PALAGIANG PAGSISISPILYO AT MAGING MALINIS SA PANGANGATAWAN DAHIL ITO AY ISANG MAHALAGANG ASPETO NG PAGKATAO.

2096

Kabuuang bilang ng mga magaaral sa FYNHS

HANNA MAE CATAN
GLE LIEZL C. SANTE

PANGANIB ng Yamang-dagat

BIODIVERSITY

Ang biodiversity, na kilala bilang ‘’Saribuhay’’

?

nakababagabag lalo na tatak sa iyong budhi ang kasalanang pagsasawalang bahala ng kapaligiran na bumubuhay sa sangkatauhan dahil sa pagnanais na matugunan ang araw-araw na pangangailangan.

Ang biodiversity, na kilala bilang ‘’Saribuhay’’ sa Filipino, ay sumasaklaw sa lahat ng nabubuhay na nilalang sa tubig, sa lupa, at sa himpapawid. Ang bawat organismo dito ay nagtutulungan upang mapanatili ang balanse at suporta ng buhay.

Kabilang dito ang mga mangroves na ayon sa eksperto ay mga tropikal na halaman na nabubuhay sa tubig-alat, mabuhangin, basang lupa, at patuloy na naabot ng tidal flooding. Para sa iba’t ibang uri ng aquatic at terrestrial na nilalang, nag-aalok sila ng isang mahalagang lugar upang matirhan. Isa sa mga nakadepende dito ay ang mga Olive Ridley Sea Turtle na inilarawan ng National Geographic bilang ang pinakamaraming sea turtle sa mundon na naninirahan sa tropikal na tubig. Pangunahing pagkain nila ang mga hipon, alimango, dikya, at kuhol, minsan ay algae at seaweed. Ang mga Olive Ridley ay nagluluwal ng kanilang mga itlog sa dalampasigan na tropical at subtropical.

Kamakailan lang sa Astorga, Santa Cruz, Davao Del Sur, isang patay na pawikan ang natuklasan ng mga mangingisda. Ayon sa mga eksperto sa sea turtle, ito ay isang Olive Ridley Sea Turtle na babae at namatay sa pagod matapos mangitlog. Sinabi nila na maaaring ang pawikan ay naglalakbay upang makahanap ng masisilungan, ngunit bigo itong maiwasan ang panganib na naka-abang. Maging ang polusyon na di namalayang unti-unting pumapatay sa kanya habang naglalakabay. Agad naman na inulat ng mga mamamayan ang nangyari sa Department of Environment and Natural Resources (DENR PENRO), na mabilis namang umaksyon. Inilibing ang kaawa-awang pawikan sa Bacutan Pawikan Center sa Astorga.

Maiugnay sa naturang geographical structure ng barangay ang makabuluhang pangyayari. Sa baybayin ng

Maaring maliit lang ang pagkilos na ito, ngunit sa pagtugon ng panawagan para sa pangangalaga sa kapaligiran, ANG MGA SIMPLENG AKSYON AY MAHALAGA DAHIL MAARI ITONG MAGING DAAN SA MALAKIHANG SOLUSYON.

sa panahon ng digital na huhubog ng maraming uri nito sa teknolohiya. Binigyang-diin din niya ang ideya na ang mga teknolohiyang digital ay inaasahang hindi lamang makaaapekto kundi mangingibabaw din sa mga sistema at istruktura na humuhubog sa mundo at Kabilang sa mga digital na teknolohiyang ito ang mga kagamitan tulad ng smartphones, smart television, video streaming, social media, at mga computer. Ang mga gamit na ito ay may maraming positibong kontribusyon, lalo na sa larangan ng edukasyon. Gayunpaman, may mga bunga itong

Ayon sa pagsusuri ng mga mananaliksik mula sa Macquarie University, ang pagbabasa sa mga digital na screen ay nagdudulot ng mas mababang kalidad ng pag-unawa kumpara sa pagbabasa sa papel, isang konseptong tinatawag na screen inferiority effect (define). Isa sa mga problema nito ay ang kahirapan sa

Nagdadala ng sari-saring distraksyon ang mga modernong gadgets na nagiging dahilan ng pagkawala ng focus at pag-unawa, ito ayon kay Dr. Lili Yu isa sa mga mananaliksik mula sa Macquarie University. Dagdag pa niya na maaari ring ang laman ng binabasa, ang haba ng oras at iba pang mga pisikal na salik ang

nahihikayat

nabasa ang lahat ng nasa teksto at babasahin lamang kung ano ang mahalaga base sa layunin.

PAGKAWALA NG KAKAYAHANG MAGING

MALIKHAIN

Sa lipunang nakadepende na lahat sa modernong teknolohiya, lahat ay inaasahan na sa mga digital na kagamitan kabilang na ang pagiging malikhain. Ayon kay Ritik Jain, dahil sa lawak ng teknolohiyang ginagamit ngayon ay kung gusto ng mga tao na gumawa ng mga bagay-bagay ay hindi na sila mag-iisip at magsisikap na matapos ang gawain. Sa halip, mas pipiliin na lamang nilang mag-browse sa internet para sa mga ideya.

Maganda namang napapadali nito ang gawain at napapalago ang ideya ng mga tao ngunit sa kabila nito ay napipigilan ang bawat isa na mag-explore at matuto ng mga bagong bagay na dapat nilang matutuhan. Nababawasan din ang kanilang pagkamausisa at pagiging bukas sa mga bagong karanasan.

PAGBALIK SA MAS EPEKTIBO

Ayon kay Professor Erik Reichle, ang tanging paraan upang makapag-focus muli sa mga libro ay ang paggugol ng mas maraming oras sa pagbabasa ng mga ito. Ang pagbalik at pagpapahalagng muli sa tradisyonal na paraan ng pagbabasa ay hindi lamang pagkakataon na pagyamanin ang kaisipan kundi ang pagpapalago na rin ng kakayahan na maunawaan at maiwasan ang pagkalimot sa mga mahahalagang impormasyon at detalye sa nabasa. Bilang isang estudyanteng unti-unti na ring nasasanay sa mundong halos teknolohiya na ang

GLE LIEZL C. SANTE
GLE LIEZL C. SANTE
sa Filipino, ay sumasaklaw sa lahat ng nabubuhay na nilalang sa tubig, sa lupa, at sa himpapawid.

STEMazing and SIP Seminar-Workshop: Makabagong Kaalaman

sa Inobasyon at Research

Dinaluhan ng mga guro sa agham ng Federico Yap National High School noong Sabado and workshop sa Proyektong Pananaliksik sa Agham (SIPs) at STEMazing. Ibinihagi ni Paulo D. Prudente, isang guro mula sa Daniel R. Aguinaldo National High School, ang kanyang kasanayan sa naturang workshop, na naglalayong mapalago ang kaalaman ng 11 na guro ang pag-unawa sa naturang mga events.

Layuning sa paggawa ng SIP ang mapaunlad ang kaalaman ng mga estudyante sa innovation at research. Ang gawaing ito ay nghihikayat din sa pagtutulungan ng mga kalahok upang matugunan ang tiyak na mga lokal at pandaigdigang hamon. Samantala, ang STEmazing ay nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na gamitin ang kanilang kasanayan sa pag-iisip sa agham at matematika upang malutas ang mga suliraning may lokal, pambansa, at pandaigdigang epekto. Hinahayaan nito ang mga kalahok na maging tagapagligtas ng problema sa pamamagitan ng pagtugon sa mga isyung panlipunan, siyentipiko, at pangkapaligiran gamit ang mga kasanayan ng ika-21 siglo.

Ibinahagi ni Gng. Jean Mari L. Laporca, na layunin ng seminar nah ito ang palalimin ag kaalaman ng mga estudyante at guro sa mga konseptong research. Kabilang na dito ang paghahanda sa pagsali sa baturang paligsahan sa susunod na taon.

ALERTO!

PESTE TUNAY NA

MGA NANGNGUNANG BANTA SA KALUSUGAN

Ayon sa datus ng school nurse ng paaralan, Decy Joyce A. Albaῆo ang pangkaraninwang sakit ng mga estudyante sa kasalukuyang pasokan ay:

Kondisyon na maaring dulot ng stress, puyat, gutom, pagkapagod at iba pang kadahilanan sa kapaligiran. Kabilang nito ay tension headache, migraine, sinus headache.

Isang impeksyon sa upper respiratory tract na dulot ng virus, pagbabago ng pangahon, at mahinang resistensya. Karaniwan itong nagdudulot ng baradong ilong, pagbahing, at pangangati ng lalamunan.

Mga pinsala sa balat na maaaring dulot ng hiwa (cut/lacerations), gasgas (abrasions), paso (burns), kagat ng insekto (Bites/ Stings, at pasa (Bruise/ Contusion). Mahalagang gamutin ito agad upang maiwasan ang impeksyon.

HASMINE MAGOYA AT PRINCESS KAHSEY Z. ALBARRACIN

Salot kung ituring ng karamihan sa atin ang mga langaw. Madalas nating isipin na sila ang pangunahing dahilan ng iba’t ibang sakit na ating nararanasan. Samantalang hindi natin nakikita ang ating kakulangan.

Sa barangay ng Astorga, lungsod ng Sta. Cruz, Davao del Sur maraming residente ang nagrereklamo dahil sa perwisyong dala ng mga langaw, tulad ng pagsabay at pakikisalo nito sa pagkain ng mga tao.

Isa sa mga nagreklamo ay si Marilyn Bandila, residente ng nasabing baranggay. Ayon sa kanya, hindi na siya nakasasabay sa tuwing kakain ang kanyang pamilya dahil pinapaypayan niya muna ang pagkain ng kanyang mga anak upang masigurong hindi dadapo rito ang mga langaw.

Ang mga karaniwang sanhi ng sakit sa tiyan ay kabag (Bloating/Gas), lagnat sa tiyan (Gastroenteritis), ulcer o Hyperacidity at pagkalason sa pagkain (Food Poisoning).

Isang sakit na dulot ng impeksyon (viral at bacterial), allergy, alikabok, usok, polusyon, at paninigarilyo. Ang mga uri ng ubo ay ang tuyong ubo (Dry cough), Mamasamasang ubo (productive Cough), at matagalang ubo (Chronic Cough).

Isang normal na reaksyon ng katawan sa stress sa eskwela o trabaho, problema sa pamilya o relasyon, takot, at maling lifestyle. Ito ay maaring lumala at magong anxiety disorder.

DI NAKIKITANG KAHALAGAHAN

Sa pag-aaral ng Commonwealth Scientific and Industrial Research Organization (CSIRO) at iba pang eksperto, ang mga langaw ay maraming mahahalagang kontribusyon mula sa polinisasyon at pag-recycle ng mga nabubulok na bagay at dahil dito sila ay nagsisilbing mga ekolohikal na indikador. Bagaman kulang sila sa kagandahan ng mga paruparo at sa kasipagan ng mga bubuyog, maraming uri ng insektong ito ang mahusay na mga pollinator. Ang paguugaling ito ay may malaking kontribusyon sa pagpapalaganap ng maraming uri ng halaman, nagtataguyod ng genetic variation at nagpapanatili ng balanse ng ecosystem.

Kailangan sila upang tuluyang matunaw ang mga organikong materyales, tulad ng basura at nabubulok na mga hayop at halamang tira. Sa pamamagitan ng pagkain at pagtunaw ng mga produktong ito, tinutulungan ng mga langaw ang pagpapayaman ng lupa, ang nutrient cycle, at ang pagpigil sa mga potensyal na pagkabuo ng ibat’ ibang sakit.

MAHALAGA ANG PAGKAKAROON NG MAS MALAWAK NA PANANAW HINDI LAMANG SA KAMALAYAN SA KALIKASAN kundi pati rin sa pagbuo ng mas makatao at edukadong ugnayan sa mundo.

Sa pagpatuloy ng pamemeste ng mga langaw sa mga tao ng Barangay Astorga, patuloy din ang pagdami ng mga reklamo tungkol dito. Gayunpaman, dapat alam ng tao na ang problemang ito ay bunga ng maruming kapaligiran na gawa din ng mamamayan. At upang ito ay masulosyonan ay dapat umpisahan ito sa saring bakuran.

Ang pag-unawa sa iba’t ibang organismo, pagtanggap sa kanilang ekolohikal na kahalagahan, at pagsunod sa tamang pamantayan sa sanitasyon ay makatutulong sa pagbuo ng balanse at malusog na kapaligiran. Mahalaga ang pagkakaroon ng mas malawak na pananaw hindi lamang sa kamalayan sa kalikasan kundi pati rin sa pagbuo ng mas makatao at edukadong ugnayan sa mundo.”

GARY NATHANIEL LLEGO

Baguhang manlalaro ng FYNHS

swimming team sinelyuhan ang kampeonato sa DavSurDAA UNANG SABAK, GINTO AGAD

Malalag, Davao Del Sur— Nasungkit agad ng mga baguhang manlalaro sa swimming ang sampung gintong medalya, walong pilak, at tatlong tanso ng Santa Cruz Green Eagles sa isinagawang Davao del Sur Atheletic Association (DavSurDAA) 2025 na ginanap sa Allana Palm Resort, New Baclayon, Malalag, Davao del Sur, Pebrero 5-6 taong kasalukuyan.

Binubuo ng sampung manlalaro ang team Eagles ng Sta. Cruz, limang babae at limang lalaki na naglalaro sa iba’t ibang kategorya na freestyle (400m, 200m, 100m, 50m), 4x50m individual medley, 4 x 50m freestyle relay, Breaststroke ( 200m, 100m, 50m), butterfly stroke(100m at 50m), backstroke (200m,100m,50m), 4x50 medley relay.

Tatlo dito na manlalangoy ang mula sa Sta.Cruz National High School (SCNHS) tatlong lalaki at isang babae, lima sa Federico Yap National High School (FYNHS) tatlong babae at dalawang lalaki at isa naman mula sa Inawayan National High School.

Sa kabuuan, 4 na manlalangoy mula Sta.Cruz ang aabante sa Davao Athletic Association ( DAVRAA).

Dalawa sa SCNHS na sina Joshua Hernan at Kim Literal at dalawa sa FYNHS si JR F. Montelibano at Christine P. Canillas.

Umiiskor ng todo ang mga manlalangoy ng FYNHS kung saan nagpakita ng kakaibang estilo si Canillas na humakot ng tatlong gold sa 50 meter breaststroke, 100 meter butterfly stroke, 100 meter breaststroke. Dalawang silver sa backstroke at 200 meter breaststroke.

relay, dalawang silver sa 100m sa breaststroke at 100m sa backstroke at bronze sa 50 meter backstroke si Princess S. Tagalog.

Nakatikim naman si Reymark A. Ermita ng isang bronze sa 100m backstroke.

Bagamat naka-gold sina Tagalog at Pajo hindi pa rin sila makasama sa DAVRAA dahil hindi sila nakapasa sa quality standard ng swimming.

Sinanay ang mga manlalarong swimming ng mga baguhang coach ngunit may puso sa paglinang ng mga kakayahan ng manlalangoy na sina Jason C. Reyes at Junah Mae B. Carpis mga guro ng SHS sa FYNHS.

“ Constant practise ang aming puhunan para humirit sa paligsahan ng swimming, ang mga swimmer natin ay palaging nag-eensayo sa L’Circullo sa Coronon, Sta.Cruz, Davao del Sur at Davao del Sur Coliseum sa Mati, Digos, Davao del Sur”, pahayag ni Reyes.

Datapwat malaki ang ginastos ng mga coach sa tuwing nag-eensayo mula sa practise ng mga manlalangoy, bayad sa entrance fee at pamasahe ng mga manlalaro hindi ito inaalintana ni Reyes at Carpis hindi lamang mapahiya sa DAVSURDAA.

Samantalang, bumuwelta naman si Jr F. Montelibano na sinikwat ang apat na gold sa breaststroke at 4x50 freestyle relay at dalawang silver sa 50m free style at 4x50 medley style.

Solidong nakupo naman ni Feverlyn Jen C. Pajo, ang gold sa 4x50 freestyle relay (group) at 4x50 medley relay (group) at silver sa 50 meter butterfly stroke at 400m free style at bronze sa 100m freestyle. Lumasap naman ng isang gold sa 4x50 medley

ISPORTS TRIVIA

LEN JOHN E. AMARILLENTO

1. Alam mo ba kung sino ang pinakasikat na basketball player at itinanghal bilang hari sa larangan ng basketball?

M J N H A

2. Sino ang kauna-unahang Atletang Pilipino ang nakapag-uwi ng dalawang ginto sa Olympics?

“ Sakripisyo talaga ang pagiging coach kusang ikaw ang maggagasto para maitawid lang ang training ng mga bata, minsan kung kami ay naaubusan na, kusa din ang mga mag-aaral ang nagbabayad ng kanilang entrance fee at pamasahe”, dagdag ni coach Reyes.

Nagpasalamat naman si Reyes dahil ang bayad sa trainor ng mga bata ay pinonduhan ng Local School Board Fund ng Munisipalidad ng Sta. Cruz.

“Umaasa ako na sa susunod madagdagan pa ang suportang pinansiyal ng mga atleta sa swimming at sana may maitatayong swimming pool sa bayan ng Sta. Cruz para masanay pa nang husto ang mga swimmer natin”, paglilinaw ni Reyes.

Balabagan, reyna muli sa chess

Sta. Cruz, Davao del Sur — Umarangkada sa ikatlong laro ng Municipal Meet 2024 Chess championship match na ginanap sa Sta. Cruz Central Elementary School (SCCES) si Kishia Balabagan mula sa Federico Yap National High School (FYNHS) na nagwagi bilang kampeon at kwalipikado sa darating na Provincial Meet.

Natapos sa isang punto matapos gumawa ng mahusay na galaw sa pagpapakita ng reyna at rook ang nagpawagi sa laro matapos magkamali ang kanyang kalaban sa galaw. Pinuri ng kanyang coach na si Melinda J. Nave si Balabagan dahil nalamangan niya ang mga kalaban at matapos makaligtas at manalo sa championship match.

“ Masaya ako na nanalo si Kishia, hindi nasayang ang mga pinagpapagurang pagsasanay namin, mas marami pang opurtunidad na kaniyang maranasan dahil makasali siya sa darating na Davao del Sur Athletic Association (DavSurDAA),” ani Melinda Juntilla coach ni Kishia. Ang “blue starling tactics” ang nagbigay ng motibasyon

upang ipakita ang kanyang pinakamahusay na galaw sa mga chess pieces at nagbigay ng positibong pakiramdam sa unang 15 segundo ng laro habang iniisip kung anong matibay na depensa na ibigay sa kalaban para hindi na makagalaw pa.

Nanatiling kompetitibo at may matibay na determinasyon si Kishia habang nagpapatuloy ang laro. Sa huling minuto, nagkamali ang kalaban ni Kishia sa paggalaw ng chess pieces na nagbigay ng daan sa kanya upang alisin ang panalo ng kalaban at manatiling siya ang reyna sa chess.

“Hindi sila madaling talunin, mahirap silang gawing talunan,” ani Balabagan matapos ang laro.

ELWINA O. BEFITEL
KAHANGA-HANGANG GALING. Pinatunayan ng mga manlalangoy sa Federico Yap National High School (FYNHS) na kahit baguhan sa naturang labanan maaari pa ring manalo. Larawan kuha ni Jason C. Reyes
JOHNDER VYNS B. CEMINE
Artwork mula sa Canva

ISKOR NG LABAN:

Hulyo 2024 -Pebrero 2025

AABANTE

Sta. Cruz badminton duo, nangibabaw sa DavSurDAA laban Padada

alalag, Davao del Sur - Sa halos lahat ng pagkakataon, ang Sta. Cruz badminton men’s double na sina RB Miles Gabriel at Charlie Ramiro ang nagwagi sa kampeonato sa Davao del Sur Division Athletic Association (DavSur DAA) badminton championship laban sa Padada, 2-0.

Ang kanilang paglalakbay sa kampeonato ay minarkahan ng hindi inaasahang mga panalo at isang patunay sa kanilang pagtutulungan at pagiging matatag, na nakakuha ng tiket para sa DavRAA sa Marso sa Tagum Davao del Norte . Isinagawa ang labanan sa Brgy. Poblacion gymnasium kamakailan.

Ang Green Eagles ay nagulat sa Pink Crocodile Knights, na may 10 puntos na pagkakatalo, na nangingibabaw sa buong set 21-13, 21-11 upang makamit ang gintong medalya.

Kinilala ni Charlie na hindi nila inaasahan na manalo ng ganon kadali, lalo na laban sa Matanao, na mas mahusay na naghanda. Sinabi niya na ito ay isang malaking sorpresa at isang patunay na mahalaga ang diwa ng pagtutulungan ng koponan at eksaktong paggamit ng kanilang kakayahan na

mula sa Malalag, Matanao, at Padada, ang landas ng Sta. Cruz hindi madali. Ang kanilang semi-final match laban sa Matanao ay naging isang nakakagulat na

pangyayari, kung saan ang Matanao ay nanalo sa unang set 21-18, na nagpapakita ng kanilang mas mahusay na paghahanda at karanasan. Gayunpaman, ang Sta. Cruz ay rumesbak, na nanalo sa susunod na dalawang set 21-15 at 21-17, na nagpapakita ng kanilang determinasyon at kakayahan na umangkop sa ilalim ng presyon.

Ang finals ay naglagay sa Sta. Cruz laban sa Padada, sa kabila ng kanilang nakaraang mahirap na laban at limitadong oras ng paghahanda - lamang ilang araw, kabilang ang isang pagtutune-up sa Digos - ang Sta. Cruz ay nangingibabaw, na nagbigay ng isang desisyong tagumpay sa mga score na 21-13 at 21-11.

Ang hindi inaasahang kaginhawaan ng kanilang huling tagumpay ay isang nakakagulat na pagtatapos sa pangyayari ng provincial meet.

JERYLL MEPIEZA AT DIEL JOHN CAJILLA

Sa daigdig ng pag-akyat sa bundok, saan maraming pagsubok at hadlang ang naghihintay, si Jessa Mae Arenas ang maituturing dito na simbolo ng pagtitiyaga at determinasyon. Ang kanyang paglalakbay sa mga matatarik na bundok ay nagpapakita ng kuwento ng pagsubok, pagpupunyagi, at matibay na determinasyon.

Sa gitna ng mga mapanganib na bundok kung saan bawat hakbang ay isang laban, ang di-mabilang na paghahanda ni Jessa ang naging kanyang pinakamalaking sandata. Sa hindi matatawarang pagsasanay na walang tigil, halos hindi na siya bumabalik sa kaniyang tahanan, alam niya na ang tamang paghahanda ang susi sa paglampas sa mga matitinding hadlang sa kaniyang harapan lalo na sa kaniyang kompetisyong kahaharapin. Gayunpaman, ang mga pagsubok ni Jessa ay hindi nagtapos sa pisikal na aspeto lamang. Sa isang larangan kung saan ang kondisyon ng katawan ay pangunahing mahalaga, ang pagharap sa period cramps sa gitna ng matinding init ng Pilipinas ay nagdadagdag ng isa pang hamon sa Batang Pinoy Track and Field Tournament na kaniyang dinaluhan. Sa kabila nito, nananatili ang kanyang tibay ng loob at pagtitiyaga habang siya’y naglalayong kamtin ang tuktok ng kaniyang pangarap.

Bagamat ang paglalakbay ni Jessa Mae ay hindi natapos na may tagumpay, ang kanyang

buong ginawa ay nagbigay sa kanya ng karangalan na maging bahagi ng Pambansang Koponan. Hindi mabibilang ang kaniyang mga nasalihan at napanalunan na paligsahan.Kabilang dito ang 32km New Corillia trail champion, 25km race to Lake Holon champion, 21km Datu Salumay Champion, 25km Movement Precision Trail Run champion,12km Adobo Trail Champion, 42km Kadayawan run at 21km Lanor Trail kung saan nakuka niya ang ikatlong titulo.

Kabilang dito nakasali din siya sa 30km Muspo International marathon champion, Bansalan ridge trail (1st runner up) at Kapatagan trail race 1st runner up.

Dahil sa kaniyang kahusayan, kinilala ang kontribusyon ni Arenas sa munisipalidad ng Sta. Cruz sa pagdiriwang sa Araw ng Sta.Cruz 2023 kung saan nakatanggap siya ng 50,000 mula kay Mayor Jose Nelson Sala.

Ang kanyang walang sawang dedikasyon na kitang-kita sa bawat patak ng dugo, pawis, at luha, ay hindi lamang nagpapakita ng kanyang indibidwal na kahusayan kundi nagbubukas din ng pinto para sa mga babaeng nagnanais na maging isang manlalaro at patunayan na kung kaya ng mga kalalakihan kaya rin ng mga kababaihan.

Ang mga tagumpay ni Jessa Mae ay kuwento ng pagmamahal sa larong ito, at di-matitinag na pagtitiyaga. Napakalaking oportunidad sa kaniya ang mapabilang sa Pambansang Koponan kung saan naghahayag itong isang bagong kabanata sa kanyang paglalakbay. Sa mas pinaigting na pagsasanay patuloy na hinuhubog niya ang kakayahan sa

TOMO XII BILANG 1

FYNHS arnis nanguna nagbigay sa Green Eagles ng 15 golds

JOHNDER VYNS B. CEMINE

MALALAG, Davao del Sur — Isang makulimlim na hapon ngunit nagniningning ang mga medalya para sa Sta. Cruz Green Eagles Arnis secondary team mula sa impresibong bilis, liksi at teknikal na kasanayan na humakot ng labinlimang ginto sa kabuuan na maging daan upang mapasok ang Davao Region Athletic Association( DavRAA) 2025 ticket sa isinagawang Davao del Sur Division Athletic Association (DavSur DAA) meet sa Brgy. Kiblagun gymnasium, kamakailan.

Ang sekondaryang Green Eagles Arnis team ay nangibabaw sa tatlong magkakasunod na taon sa pamamagitan ng dugo’t pawis na pagsisikap, sipag na pagsasanay at mabilis na galaw na precision na dahilan na maangkin ang labinlimang ginto, apat na pilak, dalawang tanso . Binigyang-diin ni coach Ace Lekhan Gumagay ang kahalagahan ng consistency at coordination sa pagsasanay dahil kailangan ang patuloy na improvement sa sport.

Sa Solo Baston event, ipinakita ng Belley Jolance Bulod Oga ang precise technique at nakuha ang gintong medalya. Tinapatan naman ito ni Rhea Olin Isidro ang enerhiyang sa pagganap paraan na maka- ginto.

Nagpakita din ng kahanga-hangang kilos sa kategoryang Doble Baston si Rhea Olin Isidro na naiuwi ang medalyang pilak . Ngunit kahit ginawa niya ang lahat ng makakaya bigo naman si John Allen Capuyan Monserate na makamedalya.

Sa Spada y Daga event Si Cyrus Ayes Ote ay nag-uwi ng bronze.

Parehong nagtagumpay ang mga lalaki at babae sa naka-synchronize na

ISPORTS - EDITORYAL

solo baston, doble baston, at spada y daga—bawat kategorya ay nakuha nag gold dahil sa eksaktong koordinasyon at pagkakaisa.

“Kailangan naming sumali sa labas ng kompetisyon para mapahusay ang kumpiyansa ng aking atleta at harapin ang pressure sa panahon ng kumpetisyon at umaasa rin ako na suportahan kami ng LGU ,” paliwanag ni Ace Lekhan Gumagay, coach ng FYNHS .

“Layunin namin na palakasin ang arnis club para makakuha ng mas maraming miyembro,” dagdag ni Gumagay sa post-interview.

Sa Bantamweight division, parehong nagpakita ng kakaibang husay ang mga lalaki at babae, nasakmit nina

Ian Cloyd Dedios Ambayen at Irish Joy Ayes ang gintong medalya.

Pinatunayan naman sa kategoryang Featherweight ang matinding kompetisyon, kung saan nakakuha ng bronze si Jumhel Embay

Ugal.

Gayunpaman, patuloy pa rin si Rhea Olin Isidro na nangibabaw sa larangan at nag-uwi ng gintong medalya kung saan pinatingkad ang iya ang

Pagtanggap sa eSport: Bagong Yugto ng Isport

Kkaniyang technical prowess at competitive spirit.

Samantala sa Extralightweight event matindi ang labanan nina John Allen

Capuyan Monserate laban sa kabilang koponan, na humantong din sa pilak at di naman

nagpahuli si Blycie

V.Gallego silver finish din.

Sa Half Lightweight Division, puro ginto na inangkin ito nina Cyrus Ayes Ote at Danica Ayag Oton.

Sa kabuuan, pito sa sampu na Arnis player ng FYNHS ang patuloy na ipagtanggol ang sangay ng Davao del Sur sa darating na DAVRAA.

apag tinatanong ang iilan patungkol sa salitang atleta, bihirang naiisip ang isang naglalaro ng video games sa harap ng computer at cellphone. Sa halip, ang kadalasang tingin sa kanila ng karamihan ay isang tamad, hindi malakas sa pisikal na aspeto, at higit sa lahat walang mararating sa buhay. Gayunpaman, ang pagunlad ng electronic sports (eSports) sa bansa, pati na rin sa mga paaralan, ay nagpapakita ng isang malaking hakbang pataas at isang pagkakataon para sa mga manlalaro na ipakita ang kanilang kakayahan at wakasan ang stereotyping.

Idinaos ng Federico Yap National High School (FYNHS) ang kauna-unahang eSports event sa FYNHS Intramurals 2024 na ginanap sa Ika-16 hanggang 18 ng Oktubre, 2024 na pinangunahan at isinaayos ni Melyn Joy Canomay, guro nga Senior High School. Ayon sa kanya, ang mga benepisyo ng eSports ay ang pagtataguyod nito ng teamwork, estratehiya, inklusion, at pagsusulong ng kolaborasyon.

Lahat ng benepisyong ito ay naroroon sa isang koponan. Ang Mobile Legend Team ng FYNHS nananaig sa ikatlong puwesto laban sa walo pang munisipalidad ng Davao del Sur. Kung wala ang kanilang teamwork at sa pamumuno ng kaniang lider na si Lance Rainiel Daclan hindi nila makakamit ang tagumpay na ito.

koponan, palaging binibigyan niya ng pag-asa ang kanyang mga kasamahan at pinupukaw sila na atakihin ang kalaban.

Inuudyok din niya ang kanyang mga kasamahan na makipag-ugnayan at iyon ang isang bagay na wala sa ibang koponan, ang komunikasyon,” ani Canomay.

Ito’y tungkol sa pagtataguyod at pagsasamahan upang maabot ang nagiisang minimithing layunin - ang pagkilala sa eSports bilang isang opisyal na isport, ito man ay may iba’t ibang larangan, mga unibersidad, Asian Games at Olympics. Kaya’t ang paglalagay ng eSports sa mga intramurals ng paaralan ay isang magandang pagkakataon para sa mga mag-aaral na ipakita ang kanilang mga kakayahan at sa pagpapalawak ng industriya ng eSports. Ang suportang

SARBEY: na tinatangkilik ng mga FYNHSians

MOBILE LEGENDS CALL OF DUTY Nanguna ang larong ML na may 175 na boto.

3-peat...

Pinatunayan ni Jairus Adaro, team captain ng FYMVT na ang larong volleyball ay hindi lamang masusukat sa taas ng manlalaro kundi sa laki ng puso at lawak ng isip matapos nitong magsabit ng 21 points na siyang susi para sikwatin ang kampyeonato. Sa unang set, ang dalawang koponan ay parehong hindi nagpatinag sa kani-kanilang opensa at depensa ngunit walang takas ang SCMVT sa bilis ng libero ng FYMVT, si Jacob Escala na siyang nagpahina sa mga atake nito, 22-19. Ang tatlong puntos na bentaha ng SCMVT ay tuluyang nagunaw matapos ang kabilaang service errors na nagpaangat sa kalaban, 23-23 at tuluyang nilusutan ng SC spikers ang FY acers sa iskor na 24-26.

Pinangunahan ni Kenjie Manalo ng SCMVT ang kanilang koponan at dinomina ang pangalawang set nang tustahin ang FYMVT, 5-10. Nawalan ng first ball ang FY acers matapos pinalitan ang kanilang libero dahil sa tinamong sakit ng tiyan, na siyang nagbigay oportunidad sa SC spikers upang tuluyang kontrolin ang laro, 9-15. Naputol ang momentum ng nasabing kalaban dahil sa time out ni Mrs. Darlah Kaye Clamucha, coach ng FYMVT at muling nagpabangon sa kanila nang idinikit nila ang iskor sa 20-22. Nabuhayan ng loob ang FY acers sa muling pagpasok ni Escala at tinapos ni Jayr Tamara ang set 2 sa kaniyang porsyentong quick play, 26-24.

Pangatlo ang larong GRANNY na may 13 na boto. GRANNY 28% 5%

Pangalawa ang larong COD na may 73 na boto.

Bakas sa mga mukha nila ang gigil para sungkitin ang panalo sa ikatlong set nang magpakawala ang parehong koponan nang malalakas na palo at sa walang butas nilang depensa. Sa simula ng set 3 ay di nagpatinag ang team captain ng SCMVT, na si James Lim upang buhatin ang koponan nila, 4-6. Hindi rin nagpahuli si Jomarie Balanza ng FYMVT at sinuklian ng tatlong puntos ang kalaban, 7-6. Sa kalagitnaan ng nasabing set ay nagpakitang gilas ang powerful trio ng FY acers na sila Adaro-Escala-Tamara na siyang nagpataob sa SC spikers, 18-10. Nagpatuloy ang dominasyon ng FYMVT hanggang sa ginimbal nila ang kalaban at tuluyang tinuldukan ni Michael Aquino Jr. ang laro sa kanyang manipis na down-the-line attack, 25-18. “Hindi ako makapaniwala na makukuha namin ang titulo ngayon, lalo na’t malaking kawalan sa amin ang pagkawala ng former team captain namin,” wika ni Adaro. “Sinabihan ko sila (mga kasama) na walang bibitaw hangga’t hindi pa tapos ang laro at dahil dun ay mas pinaniwalaan pa namin ang aming mga sarili, ang tagumpayng ito ay simbolo ng aming paghihirap,” dagdag pa niya. Ang koponang FYMVT ay nananatiling undefeated team sa loob ng tatlong taon at muling kakatawan sa munisipalidad ng Santa Cruz sa ngayong darating na Pebrero 4-8, 2025 sa Davao del Sur Division Athletic Association Meet 2025 (DAVSURDAA) na gaganapin sa Malalag, Davao del Sur.

TIWALA SA SARILI. Positibong hinarap ni Cyrus A. Ote ang hamon sa paglalaro ng Anyo Spada y daga (individual) upang panalunin ang Team Sta. Cruz sa larong Arnis sa isinagawang Davao del Sur Athletic Association (DavSurDAA) sa Brgy. Kiblagun gymnasium sa Malalag, Davao del Sur.
MULA SA PAHINA 20 FYMVT, nagtala ng makasaysayang

isports

sa DavSurDAA

JOHNDER VYNS B. CEMINE

Sta. Cruz, Davao del Sur — Nagpapakita ng kakaibang pagsisikap ang dancesport team ng Federico Yap National High School kung saan nakakuha ng anim na gold sa american standard at dalawang gold at apat na silver sa latin american, daan na masungkit ang puwesto sa Davao del Sur Athletic Association ( DavSur DAA) sa isinagawang Sta.Cruz Athletic Association (SCAA) meet sa Santa Cruz Central ES gymnasium kamakailan.

Ang unang beses na mag-kapareha na sina A. Palomo at Johann Timtim ay nagwagi sa anim na sayaw, kabilang ang grade A five dance, upang makamit ang unang puwesto sa modern standard. “Simula’t sapul, hindi madali ang paghahandle sa mga bagong kalahok, una, ang mga basic steps, pangalawa, ang suporta pinansiyal para sa mga pagsasanay at transportasyon, at pangatlo, ang iskedyul ng mga pagsasanay, ngunit ang importante, maganda ang mga resulta at masaya ako bilang kanilang coach,” ani Coach Mark Daryl Diga.

Samantala, ang pangalawang pagkakataon na lumahok na sina Johnder Vyns B. Cemine at Princess Gerlie Deglison ay hindi nakamit ang unang puwesto, ngunit nakakuha pa rin ng dalawang gold at apat na silver, at kwalipikado pa rin sa DavSur DAA. Nagpahayag si Coach Mark Daryl na siya ay masaya pa rin sa kanilang mga nagawa, kahit na sila ay hindi nakamit ang unang puwesto, ngunit ang kanilang pagtitiyaga at pagpupursige ay nagbigay ng malaking halaga sa kanya.

“ Masaya ako sa naging resulta dahil kasali pa rin ang Top 2 sa darating na DavSurDAA”, pahayag ni coach Diga. Ang modern standard at latin american couple ay nagpapahanda nang husto para sa DavSur DAA meet 2025 na gaganapin sa Malalag old municipal gym.

FYMVT, nagtala ng makasaysayang 3-peat victory sa volleyball N

LOUIGIE ENRIQUITO

asungkit ng Federico Yap National High School Men’s Volleyball Team (FYMVT) ang kanilang ikatlong sunod-sunod na kampyeonato matapos tunawin ang Santa Cruz National High School Men’s Volleyball Team (SCMVT) sa iskor na 24-26, 26-24, 25-18, noong Desyembre 17, 2024, na ginanap sa municipal old gymnasium.

BASAHIN Pahina 19

Pinangunahan ng Team Captain na si Adaro ang Federico Yap National High School (FYMNHS) dahilan para masungkit ang kampeonato.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.