Good Governance, People Empowerment & Transparency
Taon Blg. 1, Isyu Blg. 2
June 15 - 31, 2009
G
OOD GOVERNANCE, EMPOWERMENT & TRANSPARENCY o GET MOVEMENT ay kilusan ng mamamayan mula sa iba’t-ibang sector, grupo at lugar ng Lunsod ng Marikina. Ang GET Movement ay naglalayon at nagnanais na magkaroon ng isang pamahalaan na may mabuting pamamahala (good governance), gobyerno na kalahok ang Mamamayan sa pamamahala (peoples empowerment/participative governance) at gobyernong bukas sa mamamayan (government of transparency). Sa matagal na panahon ng pag -iral ng Gobyerno ang kapalaran ng mamamayan ay nasa kamay ng iilang personahe na pinagkatiwalaan ng taongbayan. Ang papel ng taongbayan ay nagsisimula at nagtatapos sa araw ng kanilang pagboto sa politikong kanilang napili. Hindi nakagisnan ng mamamayan na ang gobyerno ay pag-aari ng taongbayan, kaya ang mamamayan ay hindi nakikilahok sa pamamahala ng Gobyerno at sa kabilang banda walang Gobyernong nagsikap na turuan ang mamamayan na makilahok pamamahala ng Gobyerno. Hindi lamang sa pagsunod sa mga patakaran at mga batas ang tungkulin ng mamamayan, kundi dapat kasama sa pagpapasya at
pagpapatupad ng programang pangkaunlaran. Ang ganitong katangian ng pamamahala ng Gobyerno ay magaganap lamang kung ang mamamayan ay mulat na nagkakaisa tungo sa isang mithiin na magkaroon Gobyernong kinatatangian ng Good Governance, pamamahala na kasangkot ang mamamayan sa pamamagitan ng participative governance at Gobyernong bukas sa taong bayan. Sa ganitong katangian ng pamamahala ng gobyerno higit na kaunlaran ang matatamasa dahil sa aktibong pakikilahok ng mamamayan. Sa sitwasyon ng Marikina, napapanahon nang simulan ang peoples development. Dapat simulan na ang mga pundasyon tungo sa
Ombudsman
“Tell me and I'll forget; show me and I may remember; involve me and I'll understand” higit na pag-unlad. Kailangan magkaisa ang mamamayan sa isang pananaw at paninindigan sa pagsasakatuparan ng Good Governance, pangunahin ang pagtataguyod sa kampanya laban sa korapsyon at pagtataguyod ng Government of Transparency. Kailangang kumilos ang taongbayan sa pagsusulong at pagsasakatuparan ng participative governance sa pamamagitan ng Peoples Empowerment/participation. Magkaroon ng malawakang pagmumulat sa mamamayan, sa pamamagitan ng malawakang Edukasyon, propaganda, mga talakayan upang lalong lumalim ang pagkakaunawa ng taongbayan tungo sa pagkakaroon ng Good Governance, Transparency at People Empowerment. Ang GET Movement ay patuloy sa pagbibigay ng panimulang oryentasyon sa lahat mamamayan ng Marikina na nagnanais tamasahin ang bunga ng Good Governance. Ganundin sa iba’t-ibang grupo, mga tsuper, samahan ng Komunidad, Manggagawa at ibang organisadong grupo. Kung hindi natin ito sisimulan ngayon, kalian pa? Kung hindi tayo sino? Kaya hinihintay namin kayo, kung may mga katanungan at sinumang interesado ay makipagugnayan lamang sa Cellphone No. (0910) 6698352 at sa email: getmovement@yahoo.com
“KORAPSYON”
Mercedita Gutierrez said that at least P1.3-trillion (about $25 billion) in public revenue were lost due to fraudulent practices of some government officials and agencies from 2001 to 2005. report estimate that kickbacks from the purchase of drugs — also known as standard operating procedures (SOPs), rebates, internal arrangements and "love gifts" — given to mayors, governors and other local officials range from 10 to 70 percent of the contract price.
Good Governance, People Empowerment & Transparency
Page 1