Courier: October Issue

Page 1

October, 2014

Opisyal na pahayagan ng C2G2

MANIPESTO

Development Program ?

T

otoo nga bang ang bilang o halaga ng pag-aari ng City (Property, Plant and Equipment ) ay nagkukulang ng Php 691M kumpara sa record ng 2013?Ang diperensya ay lalong lumaki pa kumpara sa 2012 na Php 36.71M. Saan kaya ang mga ito napunta? Totoo nga bang pati ang inbentaryo ng mga gamot at medisina ay kulang din sa bilang na nagkakahalaga ng Php 4.444M? Kanino kaya ang mga ito naireseta? Totoo nga bang may mga expired na gamot na nagkakahalaga ng Php 1.046M ayon sa record? Ngunit nang ito ay inspeksyunin ng City Auditor’s Office wala silang nakita. Ano ito,parang yelo na nalulusaw? Totoo nga bang sobra-sobra ang stock natin ng gamot? Sapat na supply sa loob ng isang taon sige pa ang bili? Totoo nga bang ang implementasyon ng programa sa ilalim ng 20% Development Fund ay di naaayon sa probisyon ng RA 7160? Ang 20% Development Fund ay dapat planuhin ng Local Development Council na dapat kasapi ang mga multi-sectoral organization. Totoo nga bang may mga di makitang gamot at medisina na bigay ng Department of Health (DOH) na nagkakahalaga ng Php 8.679 M?Bakit kaya ang mga ito ay di nairekord? Totoo nga bang walang Annual Investment Program (AIP) ang halagang Php 27.0M. Ito ay nailagak sa KAAYUSAN daw Php 21.0M at KALIKASAN daw Php 6.0 M. Totoo nga bang may alokasyon na Php 137.44 M sa ilalim ng 20% Development Fund? Ang akma lang dito sa programa ay Php 12.0 M o 8.73% at yung Php 86.44 M o 62.89% ay di ayon sa dapat na mabenipisyuhan. Totoo nga bang Php 933,955.00 galing sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ay ginamit lang sa tarpaulin na naman, polo/t-shirts na naman , office supplies, spare parts na naman at mass cards na dapat gastusin para sa mahihirap at Sports

Totoo nga bang Php 1, 052, 394,00 galing sa Disbursement Acceleration Fund (DAF)ay nagastos naman sa pagbili ng spare parts, office and other supplies, mga appliances at tulong pangkalusugan sa mga empleyado ng ibang ahensya nasyonal? Di ba ito kailangan din ng Lokal? Totoo nga bang binigyan na ng sasakyan, patuloy pa rin naniningil ng Transportation Allowance na nagkakahalaga ng Php 1.12M? Totoo nga bang Php 8.711M galing sa Special Education Fund (SEF) ay ginamit na pantulong pinansyal sa mga guro na di tugma sa nasabing programa? Totoo nga bang ang City ay bumili ng pinakamahal na Dredging Machine na may halagang Php 45.0M na hindi naman magamit? Totoo nga bang puro mamahaling ekwipo ang binibili ng City? Backhoe Php 10.7M? Ten-Wheeler Dump Truck Php 7.2 M? Aerial Basket Php 12.0M?Generator Set Php 3.8 M?Text Messaging Alert System Php 10.0M? Hydraulic Shoring Set Php 2.6 M? Tender Truck Php 12.5M? Ambulance Unit Php 1.5M each ? Handheld Radio Php 8,000 each? Oxygen Refilling Machine Php 0.56 M? Kung orasan lang ang kailangan, bakit bibili ng “Rolex”. Di ba Dapat Mura at Dapat Tama? Continued on page 2

“you can run, but you cannot hide”

1


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.