Maneja, ginawaran bilang Best Presenter sa Project DOY
Pahina 3
byJayson G.Tullaga
Sa Pamumuno ni Honey Grace Tagumpay ay Laging May Grasya
Pahina 8
AI: kaunlaran o kahirapan?
Ginanap sa Cebuano National High School. Ang kauna-unahang Regional Learners Convergence nitong Nobyembre 22-24, na may temang "SOX Youth Leaders: Igniting Change Thru Unity".Mahigit 400 lider mula sa iba't ibang sangay ng SOCCSKSARGEN ang nakiisa sa nasabing aktibidad. Sa unang araw ng kaganapan at bilang bahagi ng pambungad na programa, isang tagapagsalita ang nagtalumpati tungkol sa mga karapatan ng mga bata alinsunod sa pagdiriwang ng Children's Month.
Sinimulan ang ikalawang araw sa isa pang seminar na may dalawang tagapagsalita na nagpalaganap ng kamalayan tungkol sa mental health at pagbibigay ng karagdagang kaalaman tungkol sa DepEd core values. Itinampok din sa ikalawang
Opisyal na Pahayagang
Pampaaralan ng Cebuano
National High School
Hulyo 2024-Pebrero 2025 Vol. III Bilang I
PAGDAGSA NGMGA LIDER
gabi ang pageant kung saan ipinakita ng kinatawan mula sa iba't ibang sangay ng rehiyon at ipinamalas ang kanilang husay sa pagrampa at pagsagot sa mga ibinigay na katanungan ng mga inampalan.
Isang misa ang ginanap sa huling araw ng kaganapan bago ang pagsasara ng programa. Natapos ang programa sa tulong at suporta ng mga mag-aaral at guro ng CNHS, umuwing masaya ang mga pinuno at may ngiti sa kanilang mukha.nagwakas ang tatlong araw na kaganapan na nakatulong sa mga batang lider na mamuno nang mas mahusay at makipag-ugnayan sa kanilang mga coleader
byCharmine hope D. PIgos
Isang bagong panahon nang pamumuno ang nagsimula sa Cebuano National High School nang ang bagong talagang punong guro, si Ginoong Daniel A. Avergonzado, ay humawak ng tungkulin na may malinaw na mensahe ng pangako patungo sa produktibidad at kahusayan.
"Let's make our time together productive," isang mensahe na umabot sa buong kampus habang binibigyang-diin ni Ginoong Avergonzado ang kahalagahan ng pakikipagtulungan upang mapalago ang isang masiglang kapaligiran sa pagkatuto.
Ankle Breakers, magpapasiklab ng Galing sa Darating na SRAA Meet Pahina 14
Isang mainit na pagtanggap mula sa bawat estudyante, miyembro ng staff, at guro ng CNHS ang bumati sa kanya; mula sa banner hanggang sa init ng kapaligiran, tunay na ito ang simula ng isang bagong panahon.
Habang si Punong Guro Avergonzado ay nagsisimula sa paglalakbay na ito, hinihimok ang buong komunidad ng paaralan na makiisa sa bisyon ng produktibidad, pagtutulungan, at patuloy na pagpapabuti
Pahina12
Avergonzado: “They are now ready”
DSPC, kakasahan ng
CNHS
Isinulat ni Jayson Tullaga
Handa nang kumasa ang mga manunulat ng Cebuano National High School (CNHS) sa
paparating na Division Schools Press Conference (DSPC) na gaganapin sa Polomolok Central Elementary School (PCES), sa ika13 hanggang 15 ng Pebrero.
‘WeBuildChampions’
CNHS,Tagumpaysa ThematicDance Competition
Isinulat ni Jayson Tullaga
Umuwi ang Cebuano National High School na nasa unang pwesto sa Thematic Dance Competition, alinsunod sa 71st Founding Anniversary ng Tupi at 15th Agten Tufi Festival, noong Setyembre 11, sa Tupi Sports & Cultural Center.
mamahayag na maging kinatawan ng
Sinimulan ang paghahanda ngayong Enero 24. Binubuo ng 21 institusyon mula sa parehong midyum na Filipino at Ingles kasama ang kanilang
School Paper Adviser (SPA) na si Rakeem
Cerezo SPA ng Golden Beam at si
Loyd Galdones SPA ng Gintong Busilak. Subalit, kamakailan muntikan nang hindi makasampa sa DSPC ang mga mamamahayag nang dahil sa iskedyul ng Founding Anniversary ng CNHS kung saan sabay itong gaganapin. Upang bigyang solusyon, binago ni sir Avergonzado ang punong guro ng CNHS, ang iskedyul ng Founding Anniversary para
Unang ipinakita ng mga kalahok ang kanilang istilo sa Street Parade Showdown, kung saan may tatlong istasyon na hihinto at magtatanghal sa loob ng dalawang minuto sa harap ng mga hurado. Pagkatapos, muli silang paparada patungo sa huling venue.
Sunod, sinimulan ang Final Showdown sa loob ng Tupi Sports and Cultural Center; Tupi National High School ang unang lumahok na may konseptong "Ang paglalakbay tungo sa Kultura, Tradisyon, at Selebrasyon". Sinundan naman ito ng General Paulino Santos Memorial Institute (GPSMI) na itinampok ang Fruit, Flower, and Vegetable Basket of the South, at panghuling sumalang ang CNHS na ipinabida ang bayan ng Tupi bilang tagapagsulong ng Agro-Tourism.
Pagkatapos ng mga pagtatanghal, agad na inanunsiyo ang mga nanalo: Nakamit ng GPSMI ang 2nd Place na may premyong ₱20,000. Hinakot naman ng CNHS ang ₱30,000 sa 1st place, at ang TNHS ay idineklara bilang kampeon at nag-uwi ng ₱50,000.
Saad niya. Ngayon, buo ang kaniyang suporta sa mga batang manlalahad.
Tungo sa Tungo sa
KAUNLARAN KAUNLARAN
Sa kasamaang palad, hindi nila nakuha ang titulong inaasam at pinaghandaan. Isa sa mga manonood ang nagpahayag ng kaniyang pagkadismaya:
“
Para sa akon, abi ko gani - naga-expect ko nga madaug sila... nami gid abi ang costume, performance kag props ka CNHS... gi-promote gid nila ang mga Tourist Spot sang Tupi.
Hindi man nila nakuha ang panalong inaasam, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mga batang mananayaw. Mas Lalo pa nilang gagalingan ang kanilang performance sa susunod na laban.
Nagkaisa ang Khan Academy, Programme for International Student Assessment (PISA), sa DepEd upang mapabuti ang edukasyon ng mga mag-aaral sa Pilipinas sa mga asignaturang matematika, agham, at pagbabasa. Magbibigay ang Khan Academy ng online learning materials sa higit 1,000 pampublikong paaralan simula sa taon ng 2024-2025 upang tulungan ang mga mag-aaral na mapahusay ang kanilang pagkatuto sa mga nasabing asignatura.
Kasama sa programa ang mga hakbang tulad ng online oryentasyon para ipakilala ang platform ng Khan Academy, at pag-verify ng mga paaralan upang matiyak na sumusunod sila sa teknolohikal na pangangailangan. Magkakaroon din ng face-to-face training para sa mga guro upang matutunan nila kung paano gamitin ang mga resources ng Khan Academy sa pagtuturo.
Dadalo rin ang mga magulang sa oryentasyon tungkol sa mga resources ng Khan Academy upang matulungan ang kanilang mga anak sa pag-aaral. Inaasahang mapapabuti ng proyektong ito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga internasyonal na pagsusulit tulad ng PISA 2025.
Paghahanda sa 41st Founding Anniversary, Puspusan: Mass
dance at Super Model, hahataw na
Isinulat ni Angel Velarde
Puspusan nang pinaghahandaan ang nalalapit na 41st Founding Anniversary ng Cebuano NHS na gaganapin sa February 20- 21 upang gunitain ang apat na dekadang pagkatatag ng institusyon, mula noong 1984.
Lalahukan ito ng anim na pangkat mula sa Grade 7 Green Stallion, Grade 8 Yellow Tiger, Grade 9 Blue Eagle, Grade 10 Pink Panther, Grade 11 Red Phoenix, at Grade 12 Purple Raptors.
Gaganapin sa unang araw ang Academics, kabilang ang Team Quiz, Debate, at Extemporary speech. Samantala, sa ikalawang araw naman itatampok ang mga highlights ng patimpalak; kabilang ang Mass Dance, Saludo, at Modelling.
Kaugnay rito sinimulan na ang pagsasanay sa Mass dance, at saludo kung saan todo bigay ang bawat
koponan sa pagsayaw. Malapit nang matapos ang kanilang pag-eensayo at kinakailangan na lamang ng kaunting pagsasanay upang mapaunlad pa ang kanilang pagsasayaw.
Isinasagawa tuwing hapon ang pag-eensayo ng bawat pangkat, pagkatapos ng kanilang klase. Binibigyan din ng iskedyul ang bawat curriculum kung saan sila magsasanay. Mahigit 100 na kalahok sa bawat koponan.
Bukod dito, rarampa na rin ang mga modelo ng bawat pangkat, dito nila ipapamalas ang husay sa pagrampa. Nang matapos nila ang kanilang pictorials kung saan tampok ang kanilang curriculum tshirts' sa mga litrato bilang representasyon ng bawat nasabing curriculum.
Pagbibigay Pagkakataon sa kolehiyo, Layunin ng RMMC - MI
Upang makapagbigay ng pagkakataon sa mga magaaral pa lamang ng kolehiyo, pinagasiwaan ng Ramon Magsaysay Memorial Colleges-Marbel Inc. (RMMC-MI) ang Libreng Entrance Examination sa ika-12 baitang ngayong Dec. 9.
Matatag Curriculum, ipinatupad sa JHS
Ipinatupad ang bagong Matatag Curriculum kasabay sa pagbukas ng bagong taong panuruan (2024-2025) sa Cebuano National High School ngayong Hulyo 29, para sa Junior High School (JHS).
Nakapaloob sa bagong kurikulum ang pagabago ng iskedyul ng klase, batay sa DepEd Order (DO) No. 01, S. 2024: Mula isang oras, bawat asignatura ay naging 45 minuto na lamang. Binawasan ng 15 minuto, upang maging 8 asignatura bawat araw ang tatalakayin, kumpara sa dati na 7 asignatura lamang bawat araw.
Mga nagtapos, nagsamasama sa Panagtapok
Naging matagumpay ang ikalawang Grand Alumni na ginanap sa Cebuano National High School (CNHS) noong Disyembre 28, 2024. Dinaluhan ng mahigitkumulang isang libong kalahok mula sa iba't ibang batches.
Sinimulan ang programa sa motorcade mula Crossing Loleng patungo CNHS na pinangunahan ng Batch 1988 at natapos sa Batch 2024.
Binigyang halaga sa programa ang pagbalik-tanaw sa kasaysayan at tagumpay ng CNHS na isiniwalat ni John F. Villalobos ang pangulo ng Alumni Association.
Naging sabik ang lahat nang simulan na ang mga palaro tulad ng Volleyball at parlor games
Isinagawa din ang paghalal ng mga bagong opisyales at agad nagpulong para sa susunod na Panagtapok.
Maneja, ginawaran bilang Best
Presenter
sa Project DOY
Pinarangalan bilang best presenter ang tubong Cebuano National High School na si Yosef Benedict Maneja laban sa ibang munispyo mula sa sangay ng Timog Cotabato na nagtagisan ng galing sa Project Dreamweaving Opportunities for the Youth (Project DOY) sa kaniyang proyektong pambayan na "Nourishing Futures" na ginanap bilang isa sa mga kompetisyon ng Division Learners Convergence (DLC) sa Banga National High School.
Isinulat ni Jayson Tullaga
Adhikain ng proyektong "Nourishing Futures" na matugunan ang lumalalang suliranin na may kaugnay sa malnutrisyon at magbibigay ng solusyon na makakapagbigay lunas sa naturang suliranin.
Binigyang pugay ng mga hurado ang kaniyang proyekto bilang makabuluhan pagdating sa paglutas sa malnutrisyon.
It was amazing because I was able to speakup about my cause, kwento ni Maneja nang tanungin tungkol sa kaniyang nararamdaman.
Isinulat ni Jonna Kaye Ybanez
SBI, umarangkada sa CNHS: layunin ang kaligtasan kontra sakit
Isinulat ni Jayson Tullaga
Umarangkada sa Cebuano NHS ang SchoolBased Immunization (SBI) o mas kilala bilang Bakuna Eskwela kasama ang Barangay Healthcare Workers (BHW) sa mga piling mag - aaral ng ika - pitong baitang nitong Oct. 17.
Alinsunod sa Department Memorandum No. 2024-250, na pinamagatang “Interim Guidelines on the Resumption of School-Based Immunization (SBI) after the Covid-19 Pandemic”, nakipagtulungan ang Kagawaran ng Kalusugan (DOH) at Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa muling pagpapatupad ng SBI program o mas kilala bilang Bakuna Eskwela na sumailalim sa National Immunization Program (NIP) at agad na nilagdaan.
Brgy. Cebuano, tumanggap ng parangal
Isinulat ni Angel Velarde
Pinarangalan bilang 2nd top performing Barangay Local Government Unit (BLGU) ang Barangay Cebuano noong Nobyembre 22, 2024.
Nanalo sila sa kategoryang 5,000 above population. Nakakuha rin sila ng sertipiko bilang Certified Zero Open Defication (ZOD)-Grade 1 Status.
Tinanggap nila ang kanilang parangal sa The Farm, Carpenter Hill, Siyudad ng Koronadal.
Nakatanggap rin sila ng sertipikong pagkakakilanlan para sa pagkamit ng 1% Total Population at Outstanding Support to the National Voluntary Blood Servive Program noong taong 2023.
Naglalayong masiguro ng programa ang kaligtasan ng mag - aaral laban sa mga sakit lalo na ang Vaccinne Preventable Diseases (VPDs) sa pamamagitang ng pagbabakunana na patuloy pa ring nanalasa ngayon kabilang ang measles, rubella, tetanus, diphtheria, at Human Papillomavirus (HPV) para sa mga kababaihan . Nagpaabo naman ng pasasalamat ang Barangay Healthcare Station (BHS) sasuporta ngpaaralan at mga kawani ng Barangay Local Government Unit (BLGU) Cebuano sa pagpapatupad ng programa, partikular sa transportasyon.
““We are grateful for the support of the Cebuano National High School and Barangay Cebuano Local Government Unit for the transportation vehicle spearheaded by kap. Noel Dela Cruz,” pahayag mula sa BHS
Isinulat ni Charmine Hope Pigos
CNHS sinimulan ang RACRAS
CNHS sinimulan ang seminar sa RACRAS
Nakumpleto ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Cebuano ang Responsible Adolescence Campaign through Responsible Adolescents Seminar (RACRAS) sa Cebuano National High School noong Disyembre 12, 2024 na may layuning pataasin ang kaalaman ng kabataan tungkol sa reproductive health
Dinaluhan ng seminar ang mga mag-aaral sa Baitang 9, ay nakasentro sa temang "Empowered Youth, Protected Futures: Hence this pair of banners: ”Be Informed, Stay Protected!”
Nilalayon nitong bigyan ang kabataan ng impormasyong kailangan upang maging responsable, at aktibong matugunan ang mga isyu na dulot ng kabataan.
Ilan sa mga naka-highlight na tinalakay ay ang Mental Health, Reproductive Health and Education, at ang Sa tulong nina Junly A. Feguro, Nenette Labuaya, Ritchelle Sustento, Ayen
Responsible DecisionMaking.
Pagcay, at sa mga SSLG officers, matagumpay na idinaos ang naturang seminar.
Bumisita ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa Cebuano National High School (CNHS) upang itaas ang kamalayan tungkol sa pamamahala ng basura.Sinuri ng mga tauhan ng MENRO ang paligid ng paaralan, kabilang ang mga lumang gusali. Ang presensya ng mga plastik na bote sa lupa ng paaralan ay nagpapakita na unti-unting naliligtaan ng mga estudyante ang pagsasanay sa wastong pamamahala ng solid waste.
Kinunan ni Jethryne Suello
Isinulat ni Angel Velarde
BFIT CHECK!
Maguniporme para mukhang estudyante
akit nga ba binabatikos ang mga mag-aaral na nagsusuot ng uniporme sa paaralan? Ang pagsuot ng uniporme ay isa sa mga kailangang gawin nila sa paaralan para maging disente at kaaya-ayang tingnan.
Ang mga mag-aaral na nagsusuot ng uniporme sa paaralan ay hindi na nagkukumpara ng kanilang damit sa kanilang kapwa mag-aaral dahil ang kanilang damit ay pareho lamang. Dagdag pa rito, mas makatitipid ang mga magulang dahil hindi na mag-iisip na bibili ng mga bagong o mga mamamahaling damit dahil ang tanging paglalaanan nalang ay ang pagbili ng uniporme. Sa aking karanasan bilang estudyante, komportable akong magsuot ng uniporme at maganda tingnan sa mata na lahat ng estudyante sa aming paaralan ay nakasuot nito, lalo na kapag lahat ay nakasapatos. Pero, bakit may mga mag-aaral pa ring ayaw magsuot nito? Hindi naman ito nakakaapekto sa pag-aaral ng mga estudyante.
Mayroong tuntunin at regulasyon ang ating paaralan na dapat nating iwasan ang pagsuot ng mga damit na hindi kaaya-aya, pero nilalabag pa rin ito ng ilan sa mga estudyante. Kung ating titingnan, ang tanging sumusunod sa regulasyon ay ang mga nasa mababang baitang. : 'di ba dapat ang mga ate at kuya ang magiging huwaran para sila ang susundin? Ating isipin na hindi naman pangit tingnan kapag tayo'y nakasuot ng uniporme. Sa halip, dapat ito'y sinasanay na gawin.
Ang mga estudyanteng lumabag sa mga regulasyon ay problema ng paaralan. Sapagkat, mas lalong dumadami ang hindi sumusunod. Hindi naman "fashion show" ang ating paaralan kaya walang rason para hindi tayo magsuot ng uniporme. Kaya naman, hinihikayat ko na tayong mga mag-aaral ay magsuot ng uniporme araw-araw, hindi lang dahil ito ay kaaya-aya kundi ang pagsuot ng uniporme ay ang tutulong sa atin na makilala bilang estudyante.
IPagkain na Wasto, Kalusugan ay
Sigurado!
sa sa mga rensposibilidad ng paaralan ay ang mapanatili ang kalusugan ng mga magaaral kaya naman ang mga paaralan ay may mga kantina para masigurado ang kalidad at nutrisyon na kinakain ng mga mag-aaral. Ang kantina ay naghain ng masustansiya na pagkain at ang paaralan ay nagbibigay ng malinis na lugar para sa kantina.
Sa ating komunidad, may mga kantina pa rin na naghahain ng mga pagkain na hindi masustansiya, pero ang mga mag-aaral ay bumibili pa rin sa kabila na hindi ito kaaya-aya sa kanilang kalusugan. Ito ang sinasabi nila na masarap ang mga bawal kainin ngunit sino ang kawawa sa huli kung palagi na lang kakain ng bawal? Gastos na nga nakasisira pa ng kalusugan.
Ayon sa World Health Organization, isa sa mga rason kung bakit ang mag-aaral ay nakaranasan ng diarrhea o kahit pagkasakit siya tiyan ay dahil sa mga pagkain na marurumi at hindi masustansiya. Nakakasakit din isipin na may kabataan na ayaw kumain ng masusustansiya kagaya ng gulay at prutas kaya nagkakasakit dahil mas gusto nila ang mga pagkaing mamantika at mga pagkaing mataas ang calories.
Sa aming paaralan, mayroon kaming kantina at maraming uri ng pagkain ang binebenta. May mga pagkaing masustansiya at may mga pagkain din na hindi. Subalit, mas lamang na kinakain ng mga estudyante sa aming paaralan ang mga hindi masustansiya. Hindi natin alam ang proseso sa kanilang pagluto ng mga pagkain na kanilang binebenta o hinahain kaya mas mabuti pang piliin ang mga pagkain na masustansiya.
Ang kinakailangan dapat na hinahain sa mga kantina ay hindi dapat junk foods o soft drinks kung kaya mga pagkaing magbibigay lakas at katalinohan sa bawat mag-aaral para sa kanilang pag-aaral. Hindi dahil na ito ay masarap, kakainin na agad at ibebenta? Pwede bang suriin muna kung talagang masustansiya ito at hindi makakaapekto sa kalusugan ng kabataan para maiwasan ang magkasakit. Ating isipin na ang kalusugan natin ang pinakamahalagang bagay sa ating katawan, maging maingat at matalino sa kung ano ang kinakain at binibili dahil nasa huli ang pagsisisi.
Kabataang
PILIPINO:
M
araming kabataan ang . hinahayaang magmaneho, ngunit wala pang lisensya dahil sa murang edad. Ang iba ay nauuwi sa masaklap na aksidente dahil sa padalos-dalos na pagmaneho.
Kung tutuusin, dapat hindi pababayaan ang kabataan na magmaneho. Sapagkat, maraming 'di inaasahang bagay ang maaaring mangyari kagaya ng aksidente kung saan ang sisisihin ay ang mga magulang.
Nagmamaneho ang ilan sa kabataang Pilipino dahil sa kakulangan sa oras ng kanilang mga magulang, kung saan hindi na nila maihatid ang kanilang mga sariling anak sa paaralan o di kaya sa mga dapat nitong puntahan.
DAPAT BANG
MAGMANEH
Isinulat ni Nica Mae Urdaneta
Bilang isang magulang, dapat kayo'y maging responsable sa inyong mga anak. Ibigay sa kanila ang buong atensyon at sikaping mapaglaanan ng panahon, kung saan kayo ay nagbibigay payo at aral sa ating kabataan.
Mas higpitan pa lalo ang seguridad sa EDSA upang mabigyan ng limitasyon ang mga tsuper na nagmamaneho. 'wag nating hayaang mapahamak ang kabataang Pilipino.
AYON SA PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY (PSA) AT WORLD HEALTH ORGANIZATION (WHO):
Maging magandang halimbawa tayo sa kanila bilang nakakatanda.
35%
Sa kabataang Pilipino ang namamatay dahil sa road traffic incidents
Isinulat ni Jonna Kaye Ybanez
Isinulat ni Jonna Kaye Ybanez
Iginuhit ni Claire Maure
Telepono sa Klase, Aral ay Nasasayang Lagi Telepono sa Klase, Aral ay Nasasayang Lagi
Isinulat ni Nica Mae Urdaneta
adalasan sa mga kabataang Pilipino ay gumagamit ng telepono sa oras ng klase. Maraming mga guro ang namomroblema sa bagay na ito. Sapagkat ang ibang estudyante ay hindi na makapagpokus sa mga aralin na ibinabahagi ng kanilang mga guro dahil lamang sa paggamit ng telepono.
Kung hahayaan natin ang ating mga estudyante na gumamit ng telepono sa oras ng klase, ay para narin nating kinukonsente ang kanilang katamaran at umasa nalan g palagi sa media.
Kinukumpiska ng mga guro ang mga telepono ng mga estudyante sa Cebuano National High school. Sapagkat halos sa mga estudyante ay nalulong sa larong Mobile Legends at iba pa,
na kung saan ay naglalaro ang mga ito sa oras ng klase.
Ang iba naman ay palihim na gumagamit ng telepono upang makapagtanong sa kanilang kaibigang si Meta, ang bagong Artificial Intelligence na ginawa ni Meta para matulungan sila sa mga pinapatawag ng mga guro. Bilang isang guro, dapat nilang matutukan ng pansin ang kanilang mga estudyante upang hindi sila maligaw ng landas at hindi masayang ang mga paghihirap ng mga magulang nito.
Magsagawa ng isang programa kung saan mabigyang linaw ang ang mga kabataang Pilipino patungkol sa limitasyon sa paggamit ng telepono. Higpitan ang mga batas sa isang paararlan.
Hakbang ba sa bagong
Kinabukasan?
LUPON NG EDITORYAL
Taong 2024-2025
EDMUND DRICK F. HIPE
Punong Patnugot
KYTE S. SONSONA
Ikalawang Patnugot
JAYSON G. TULLAGA
ANGEL M. VELARDE
Patnugot sa Balita
NICA MAE M. URDANETA
Patnugot sa Editoryal
JONNA KAYE S. YBANEZ
Patnugot sa Opinyon
ARGELINE C. TABAT
Patnugot sa Lathalain
KYTE S. SONSONA
Patnugot sa Agham at Teknolohiya
BRYAN BACATAN
Patnugot sa Isports
CLAIRE P. MAURE
Taga-guhit
IRENE G. CABATUAN
Taga-anyo
LOYD M. GALDONES
AIsinulat ni Jonna kaye S. Ybanez
yon kay Deped Sonny Angara, nais niyang bawasan ang mga asignatura sa Senior High at gawing lima o anim na lang ito para ang mga mag-aaral ay makapag pokus sa on-the-job training o Work Immersion.
Sa unang tingin, ito ay solusyon sa mga mag-aaral na katulad ko na nahihirapan sa sobrang daming asignatura. Dahil mababawasan ang mga kaalaaman ng bawat mag-aaral sa mga asignaturang tinuturo.
Sa kabilang banda, layunin na ang bawat mag-aaral ay maging "employable" dahil hindi na sandamakmak ang inaatupag na asignatura at pokus na ang mga estudyante sa work immersion.
Dagdag pa rito, kaming mga estudyante ay hindi na mapapagod sa pag-aaral at mas lalong nagaganahan na Ako, bilang estudyante ng Senior High.
Ako ay sang-ayon sa ipapatupad ni Secretary Sonny Angara dahil sa isang araw pitong asignatura ang kinakailangan namin. Tagapayo
Dagdagan pa ng mga proyekto na kailangang ipasa at gawin, talagang tambak na tambak talaga at nakakapagod lalo na kapag kaming mga mag-aaral ay may mga kompetisyong sinasalihan at hindi na makakasubaybay sa klase.
Ang mga asignatura naman ay may mga bahaging pareho lang ang tinuturo kung kaya dapat isahin na lang ito at baguhin upang hindi malito ang mga mag-aaral at mas lalong maipapadali ang pag-aaral naming mga kabataan na ang tanging pangarap ay makapagtapos at magkaroon ng maayos na trabaho.
Sa kabuuan, ang pagbabawas ng mga asignatura sa paaralan ang magbibigay solusyon sa mga estudyanteng nahihirapang kayanan sundan ang mga talakayan sa pag-aaral lalo na't kapag ang isang estudyante ay may mga ekstrakrikular na aktibidad. Hangga't ang institusyong paaralan ay magbibigay ng kaalaman sa bawat estudyante, ito ay hakbang sa aming kinabukasan.
ang sang-ayon sa pagbawas ng asignatura sa SHS at 18% ang hindi naman sang-ayon sa paaralan ng Cebuano National High School
Iginuhit ni Claire Maure
Honey Grace Enario: pagsisilbing may puso ISKOLAR AKSYON
Tok! tok! tok!
Sa kanyang pamumuno, inilunsad ang iSKolar EduAksyon: Your path to a Brighter Future!, isang makabuluhang proyekto na naglalayong bigyan ng pagkakataon ang mga kabataang nangangarap makapagtapos. Bukas ito para sa Junior at Senior High School students mula sa Cebuano NHS at Cirila G. Odal NHS, na magbibigay sa kanila ng suporta upang maabot ang kanilang mga pangarap sa edukasyon.
Hindi lang ito tungkol sa pagbibigay ng
Tunog ng maladambuhalang takong sa bawat lakad sa harap ng karamihan. Ngiti dito, ngiti doon habang postura’y dapat kaaya-aya sa mga mata ng madla. Indayog sa bawat hakbang, kaway-kaway nang marahan na parang ikaw ang may-ari ng entablado. Ngunit para saan nga ba ito?
Pambansang patimpalak, Hiyas ng Pilipinas. Sa apatnapu’t limang kalahuk sa bawat sulok ng ibat-ibang rehiyon ng bansa, isang binibini ang rarampa dala-dala ang pangalan ng kanilang lupang kinagisnan. Isa lamang ang siyang magwawagi sa ganitong kompetisyon.
Dugo’t pawis, mga sakripisyo, at ano pa? Karaniwang persepsyon ng masa sa pagmomodelo’y purong pagpapaganda, lakad dito’t lakad doon lamang. Ngunit sa likod ng bawat ngiti’y pagod at hirap ang totoong nararamdaman.
Marela Glospeah Juaman, ang kamakailang nagwagi at ang siyang nakasungkit sa koronang inaasam- asam. Siya’y isang Koronadaleña na minsang nangarap sa lugar ng Koronadal. Libo-libong masigabong hiyawan at palakpakan ng Koronadaleños,-tuwa, galak at pagmamalaki. Marela, marela ang unang nakasungkit ng korona na mula sa Koronadal.
Kung may lugar na kayang pagsamahin ang likas na kagandahan, mayamang kultura, at progresibong pamayanan, ito na marahil ang South Cotabato. Matatagpuan sa puso ng Timog Mindanao, ang probinsyang ito ay kilala bilang “Land of the Dreamweavers” dahil sa tradisyunal na sining ng T’nalak weaving ng mga T’boli. Ngunit higit pa sa kanilang sining, maraming kayamanan ang matutuklasan sa bayang ito.
Kalikasang Hinding-Hindi Mapapantayan
Kung usapang tanawin, hindi magpapahuli ang South Cotabato. Ang Lake Sebu ay isa sa mga pangunahing atraksyon dito, kilala sa tahimik nitong tubig na tila salamin ng kalangitan. Nariyan din ang Mt. Matutum, isang bundok na may hugis perpektong kono at tinuturing na simbolo ng probinsya.
Hindi mabubuo ang South Cotabato kung walang mga T’boli, isang katutubong pangkat na may malalim na koneksyon sa kanilang tradisyon at kalikasan. Ang kanilang mga hinabing T’nalak ay hindi lamang tela, ito ay salaysay ng kanilang panaginip at pananampalataya.
Bagamat mayamang-mayaman sa kultura, hindi nagpapahuli ang South Cotabato sa usapang pag-unlad. Ang kanilang agrikultura ay pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan, partikular na ang pagtatanim ng pinya, palay, at mais.
Ang South Cotabato ay higit pa sa isang destinasyon, ito ay tahanan ng kasaysayan, kalikasan, at pagkakaisa. Kung nais mong masilayan ang perlas ng Timog Mindanao, bakit hindi mo subukang bisitahin ang probinsyang ito?
PASTILan sa tiyan, PASTILan sa bulsa
ainit-init at mabango. May kakaibang linamnam.
Iyan ang pastil, ang pagkain ng masa, ang sandigan ng mga estudyanteng butas ang bulsa. Sa halagang sampu hanggang labinlimang piso, may kanin ka na, may ulam ka pa!. Hindi mo na kailangang maghintay ng sweldo ni mama o manghingi ng dagdag kay papa para lang mabusog sa tanghalian.
Simple pero sapat, mura pero masarap! Balot sa dahon ng saging, parang regalo na naghihintay buksan. Sa loob, kanin na may ginisang manok, isda, o baka na karaniwang may kaunting toyo at sibuyas para sa dagdag na lasa.
Pero paano nga ba ito ginagawa? Una, pinapakuluan ang karne at pinipira-piraso bago igisa sa bawang at sibuyas. Kapag luto na, saka ito tinataktak sa ibabaw ng mainit na kanin at binalot nang maayos. Walang arte, walang komplikasyon, pero siguradong patok sa panlasa!
Kung usapang budget-friendly, walang tatalo sa pastil!. Hindi mo na kailangang maghanap ng kutsara’t tinidor, buksan lang ang dahon, kurot dito, kurot doon, solve ka na!.
Pero bakit nga ba ganito kasikat ang pastil? Dahil ba sa lasa? Sa presyo?
Sex, bastos lang Sex, bastos lang ba lagi?
“Edukasyon ang tulay sa tagumpay.” Edukasyon nga, ‘gamit ba ng tama? Kuwalidad ba’y tugma?
Sa panibagong bukas na maligayang bagong taon, may panibagong bukas din na maligayang bagong pag-aaralan. Higit sa bilang ng daliri ng mga kamay ang mga senador na siya’ng nagbukas ng malabombilyang lumiliwanag na ideyang idadagdag sa pag-aaralan ng kabataan. Komprehensibong Edukasyon sa Sekswalidad, komprehensibo nga ba?, edad apat? Kay bata, maiintindihan kaya nila?. Sensitibong mga usapin, ililipat kaalaman sa mga kabataang umuusbong pa lamang ulirat at kamalayan. Musmus na siyang wala pa sa yugtong bukas ang kaisipan. Bakit ba naisipan ng mga lingkod bayan ito?
“Tulong, tulong, tulong!”
Sigaw ng 6 na taong gulang biktima ng makabag damdaming karasahang panggagahasa. Ang araw na dapat ay puno ng musikang hagikgikan, walang hanggang takbohan, at puro laro lamang. Ngunit laking sugat sa dibdib na ang akalang kaibigan at kalaro lamang ang siyang unang kabiguan. Bata kapwa bata, edad 10 at 8, magagawang gumawa ng malaking kasalanan. Ngunit ang malaking katanungan, paano nila nalaman ang prosesong sekswal?
Sa modernong puno ng similar na karahasan, malaking ambag kung uukitin at buksan ang kaalaman at kaisipan ng kabataan. Ngunit sa murang edad na apat? isang malaking “HINDI!” ang matatanggap ng lingkod bayan sa masa.
Konprehensibong edukasyon sa sekswalidad, komprehensibo naman ngunit kong ito’y isasadlak sa utak ng isang apat na taong gulang na bata? ni kahit ang salitang komprehensibo, ‘di maintindihan. Tama at magadang daan ang klaseng edukasyon ito, ngunit sana lebel ng gulang ay taasan.
“Prevention is better than cure”
Kabataang gutom ang kyuryusedad. Hindi alam ang kasagutan, kaya’t pilit binubusog ang kaalaman, ngunit ‘di namamalayan na sa maling kaparaanan ang pagpapakain. Imbis na tuldukan, bakit hindi gawing progressong pagpapakain? Ang edukasyong pagtalaga ay isang akssyong ‘di natin alam na kailangan pala ng karamamihan.
Ngayon ikaw ang tatanungin ko, bastos nga ba ang salitang “sex”?
Argeline Tabat
Kinuha mula sa Yummy.ph
Kinuha mula sa AdventuRoj.com
AI:
kaunlaran o kamangmangan?
Isinulat ni Kyte S. Sonsona
M
apapamangha ka kung sumagot; isang tanong mo lang may makukuha ka ng sagot. Ngunit hindi ito tao, kundi robot.
Basura para sa kaunlaran ng masa
Basura ang pinakamalaking problema sa ating kapaligiran, ito'y nakakaapekto ng kalusugan at kinabukasan. Kung hindi ito gagawan ng paraan, maaaring lumala ang polusyon sa ating mundo.
Hindi porket basura na, hindi na mahalaga. Ang basura ay nagbibigay ng malaking papel sa ating sistema. Kung tutuusin maaari itong e-recycle upang magamit muli katulad ng eco-bricks. Isa pa, mas malinis tingnan ang kapaligiran kung walang basura. Ang partikular na basura na ginagamit nila ay ibat-ibang uri ng plastik.
Ang plastik sa isang Eco brick ay napakatibay at hindi kailanman masisira, ginagawa ito sa karaniwang materyales katulad ng buhangin, semento at iba pa.
Ang Eco brick ay ginagamit sa mga umuunlad na bansa upang gumawa ng muwebles at maging mga gusali, at ginagamit din ito sa UK para magpatayo ng mga palaruan ng mga bata. Ang mga proyektong isinasagawa gamit ang eco brick ay ang mga outdoor classroom, komunidad mga hardin, at isang composting toilet. Sa Guatemala, karamahan sa mga paaralan ay gawa sa eco brick.
Isa pa ang reduce, reuse at recycle ay itinuro na sa atin kahit noong bata pa tayo, ngunit ang “recycle” na salita ay hindi na natutuunan ng pansin. Habang natututo tayo ng higit pa tungkol sa pag-ayos ng ating kapaligiran, nagiging mas malinaw na ang pagrecycle ay hindi gaanong mahalaga sa tatlong totem na iyon. Siyempre, mahalaga ang pag-recycle, dahil iwas sa bayarin at nakatutulong pa ito sa ating planeta.
Ang mga Engineers ay nagsasaliksik ng iba't ibang binder ng plastik na basura. Ang epekto ng mga pagbabago sa mga parameter ng produksyon sa mekanikal na katangian ng mga plastik na buhangin ay nagawan na ng abstract na maaaring maging pakinabang para sa pagbibigay ng positibong pananaw sa pamamahala ng iba't ibang basura sa mga eco brick.
Ang hollow block na gawa sa plastic ay isang makabago at epektibong solusyon sa problemang dulot ng plastik na basura. Sa tamang teknolohiya, suporta, at kamalayan, maaari itong maging bahagi ng mas malinis, mas ligtas, at mas maunlad na kinabukasan.
Ang terminong ito ay karaniwang ginagamit upang ilarawan ang iba't ibang teknolohiyang ginagamit ngayon, marami ang hindi sumasang-ayon kung ang mga ito ay talagang bumubuo ng artipisyal na katalinuhan. Sa halip, may ilan na nagsasabi na ang karamihan sa teknolohiyang ginagamit sa tunay na mundo ngayon ay talagang binubuo ng napakaadvanced na machine.
Habang umuunlad ang teknolohiya ito ay pinapakinabangan, lalo na sa mga nag-tatrabaho, trabahon at mga estudyante. Dahil mas napapadali ang paggawa ng mga presentasyon o gawain. Dagdag pa dito, uunlad din ang larangang medikal dahil mas mabilis ang pagkilala sa sakit ng isang tao gamit ang Artipistyal na katalinuhan.
Ito ay laganap na sa iba’t ibang bansa, ginagamit ito upang mapadali ang mga gawain, ngunit paano na lamang ang mga taong naghahanap ng trabaho upang mabuhay. Nakakalungkot kung isipin, kaso alam naman nating ang mga tao ngayon ay mas pabor sa mga pagpapadali ng mga gawain. Ayon sa statistiko, ng dahil sa AI.Mababawasan ang mga tao na nagtatrabaho, aabot hanggang 400-800 million sa taong 2030.
Dapat tayo ang lumikha ng hinaharap kung saan ang teknolohiya ang humahawak sa mabibigat na gawain at ang mga tao ang gumagawa ng mga huling desisyon. Ito ang daan patungo sa tunay na pag-unlad.
Kinuha mula sa Shutterstock
Kinuha mula sa www.xinhuanet.com
Isinulat ni Kyte S. Sonsona
Ag-Tek
Robocalls:
Maling sagot, impormasyon mo'y lagot
Tawag na naka-program, tawag na hindi mo alam, maaari ding tawag patungo sa scam. Ang Robocalls ay isang pamamaraan na naman ng mga manloloko, biglabigla na lamang itong tatawag sa iyong cellphone number o kaya sa telepono. Ang boses nito ay walang kabuhaybuhay na para bang may pakay. Ngunit, ang iba naman ay totoong impormasyon ang ibinibigay.
Ang robocalls ay ginagamitan ng autodialing software, ito ay software na automatic na na-didial ang phone numbers galing sa calling lists at upang mabawasan ang trabaho ng mga call center agents na mano-manong tawagan ang mga taong may kailangan. Ang paggamit nito ay maaari nating makita sa mga negosyo, customer's service, political campaigns, at marami pang iba.
Ang robocalls ay maaaring illegal at legal. Natatawag na illegal ang robocalls kapag mayroon itong binebenta na hindi pinahintulutan ng isang partikular na kompanya. Sa kabilang banda, ang legal na robocalls ay kung may pahintulot ito ng taong nakatanggap ng tawag.
‘Di HIhinTO sa pagpaparami
Isda na nakatira sa latian, masarap at malinamnam kung titikman, kung pagpaparami naman ang pag-uusapan panalo ang Tupi diyan.
Ito ay madulas, kaya mahirap hulihin, at may mga espesyal na organo na nagpapahintulot dito na makaligtas sa mababang oxygen at kahit sa labas ng tubig. Matibay ito at mataas ang presyo sa merkado, dahil sa malambot na laman at masarap na lasa.
Ang laki ng mga tangke o pond ay depende sa lokasyon kung saan itatayo. Para sa isang lugar na 15m² o higit pa at may lalim ng 1-1.5m, ito ay mainam para sa hito. Kung concrete ang pond, dapat takpan ang ilalim ng anim na pulgadang clay soil upang magbigay ng natural na tirahan at pagkain para sa mga isda.
Dito sa bayan ng Tupi, nakasunod-sunod na panalo limang panalo na sa pinakamalaking hito. Ang mga hito rito ay sing laki ng hita ng isang tao, na inaalagaan ni ng mga farmers na sinusuportahan ng Municipal Agriculturist.
Mahalaga ang pangangalaga sa tirahan ng hito upang mapanatili ang biodiversity at suplay ng isda. Ang pag-iwas sa polusyon at responsable na pagaani ay susi sa pangmatagalang kaligtasan ng hito at iba pang isda.
Ang hito ay higit pa sa isang simpleng isda; ito ay isang simbolo ng pagkain, kultura, at ekonomiya ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng responsable at sustainable na pag-aalaga at paggamit nito, maaari nating matiyak na ang hito ay patuloy na magiging isang mahalagang bahagi ng buhay ng mga Pilipino sa mga darating na taon.
PNagbabala ang ABS-CBN at BSP tungkol sa mga scam na naglalayong mangalap ng personal na impormasyon sa pamamagitan ng pekeng tawag. Sinabi ng BSP na hindi sila kasangkot sa mga robocalls at tinawag itong peke. Ayon naman sa Globe, tinitiyak nilang ligtas ang impormasyon ng kanilang mga customer at hindi ito ginagamit nang hindi nila ikino-consento. Pinayuhan ang publiko na huwag magbigay ng impormasyon sa mga hindi kilalang tawag.
Food Poison: Alamin! bago kainin
agkain na nakakaapekto sa sikmura, maari kang mamatay, pero may chansa ding mabuhay. Ang mga pagkaing ito ay maaaring nasa paligid natin.
Ang mga sintomas ng lason sa pagkain ay karaniwang lumalabas ng ilang oras pagkatapos kumain ng kontaminadong pagkain. Kadalasan, kasama sa mga sintomas ang pagsusuka, pagtatae, sakit ng tiyan, at lagnat. Sa ilang pagkakataon, maaari itong magdulot ng mas malubhang kondisyon tulad ng dehydration at sepsis.
Maraming salik ang maaaring magdulot ng lason sa pagkain, at isa na dito ang hindi tamang pag-iimbak ng pagkain. Ang mga pagkaing hindi maayos na niluto o inihanda ay maaaring maglaman ng mga delikadong mikrobyo na nagdudulot ng sakit. Ang pagpapabaya sa pagkain at pag-iwan nito sa temperatura ng kuwarto ng matagal ay maaari ring magdulot ng pagdami ng bakterya.
Noong May 2, 2022, sa Lake Sebu, South Cotabato, 108 tao ang naapektohan matapos dumalo sa campaign rally. Ayon kay Baggong, “Most of the victims were already weak when we got to them. Some were from remote sitios that are not accessible to . vehicles so our rescuers had to go on . foot to reach the last batch,” ayon . kay Baggong.
Batay sa kanilang pagmamanman noong Lunes ng umaga, sinabi ni Baggong na 46 sa mga biktima ay mga bata na may edad na 10 taong gulang at pababa, habang ang natitira ay 11 taong gulang at pataas, kabilang ang isang senior citizen at isang buntis na ina. Sinabi niya na ang mga biktima, na 10 na ang na-discharge hanggang hatingabi, ay mula sa limang sitio ng Barangay Tasiman at apat ng Lamfugon.
“We’re looking into this incident and will make appropriate actions to ensure that it will not happen again,” ayon kay Joel Madlon
Upang maiwasan ang lason sa pagkain, mahalaga na sundin ang mga wastong pamamaraan sa pag-iimbak ng pagkain. Dapat tiyakin na ang lahat ng pagkain ay maayos na niluto at inihanda. Dapat din na hugasan ang mga kamay bago at pagkatapos hawakan ang pagkain. Ang pag-iwas sa pagkain ng mga pagkaing hindi na sariwa ay mahalaga rin.
Isinulat ni Kyte S. Sonsona
Isinulat ni Kyte S. Sonsona
Isinulat ni Kyte S. Sonsona
Isinulat ni Bryan Bacatan
sa ginanap na South Cotabato Provincial Athletic Association (SCPAA) meet nitong nakaraang Nobyembre, ipinakita ng Grade 11 student na si Simone Angela Adre ang kaniyang galing at talino sa larangan ng badminton. Ito ay matapos niyang dominahin at pagurin ang kaniyang kalaban sa dalawang sets ng badminton single B championship round, na ginanap sa AMCOOP Polomolok Badminton Gymnasium.
Sa unang set ng laban ay nakapagtaya ng 21-13na puntos si Adre at ramdam kaagad ng kaniyang kalaban ang pagod dahil sa mga kakaibang taktika ng kaniyang paglalaro. Ang pagbibitaw niya ng mga high throws ang lubusan na nagpapagod sa kaniyang katunggali na nagmula sa munisipalidad ng Tampakan. Sa pangalawang set naman ay tinapos ni Adre ang round sa puntos na 21-9 at napaupo na lamang ang kaniyang kalaban sa court habang iniinda ang pagod.
Lubos ang suporta ng buong komunidad ng Cebuano National High School kay Adre. Sa kaniyang pag-uwi ay panibagong laban nanaman ang kaniyang tatahakin laban sa mas mga magagaling pa na mga atleta ng iba't ibang rehiyon, sa darating na Southern Regional Athletic Association (SRAA) meet ngayong Marso 2025. Matapos ang ilang linggo na pagpahinga ni Adre, agad itong nag-ensayo sa mas magagaling pa na mga mentor sa iba't ibang training center, upang palakasin pa ang kaniyang stamina at kaniyang footwork upang makayanan niya na makipagsabayan sa mas malalakas.
Buo ang loob at determinasyon ng Tupi Spikers nang sumabak sila sa South Cotabato Provincial Athletic Association (SCPAA) Meet 2024. Lumaban sila nang buong puso, ngunit hindi nila nagawang makalusot sa matitinding hamon ng kompetisyon.
Sa bawat set, ibinuhos ng Spikers ang kanilang lakas at teamwork. Ramdam ang tensyon sa bawat palo at depensa, ngunit sa huli, kinapos sila laban sa mas malalakas na koponan.
“"Masakit matalo, pero alam naming binigay namin ang lahat. Hindi dito nagtatapos ang laban namin," pahayag ng isang manlalaro.
Sa kabila ng pagkatalo, hindi nawawala ang suporta ng kanilang pamilya, kaibigan, at tagahanga. Para sa kanila, hindi lang panalo ang sukatan ng tagumpay kundi ang dedikasyon at puso sa paglalaro. Gamit ang mga aral mula sa kompetisyong ito, determinado ang Tupi Spikers na bumalik na mas malakas, mas handa, at mas buo ang loob sa susunod na torneo.
NOpisyal na Pahayagang Pampaaralan ng Cebuano National High School
Kaligtasan sa palakasan: Isang paalala mula sa insidente sa Palarong Panlalawigan
Noong Pebrero 1, 2025, sa Palarong Panlalawigan na ginanap sa isang paaralan sa Upi, Maguindanao del Norte, isang 17anyos na atleta sa high jump ang nawalan ng malay matapos bumagsak na nauna ang ulo at balikat sa lupa. Ayon sa ulat, agad na nagbigay ng paunang lunas ang mga organizer, at sa kabutihang-palad, walang natuklasang bali sa kanyang X-ray.
Ang insidenteng ito ay nagsisilbing mahalagang paalala tungkol sa kahalagahan ng kaligtasan sa mga paligsahan sa palakasan. Kinakailangan ang angkop na kagamitan, tulad ng tamang landing mats sa high jump, at sapat na pagsasanay sa tamang teknik, ay dapat na pangunahing prayoridad upang
maiwasan ang ganitong mga aksidente.
Higit pa rito, ang pagkakaroon ng mga medikal na tauhan na handang magbigay ng agarang tulong, pati na rin ang pagsunod sa mga pamantayan ng kaligtasan, ay hindi dapat ipagwalang-bahala.
Sa huli, ang insidenteng ito ay isang paalala na habang ang palakasan ay naglalayong itaguyod ang pisikal na kahusayan at kumpetisyon, ang kaligtasan ng bawat atleta ay dapat manatiling pangunahing layunin ng taga organisa.
Pickleball: Ang bagong sensasyon ng makapabagong henerasyon
Isinulat ni Bryan Bacatan
Sa panahon ngayon, mabilis ang pagusbong ng mga bagong libangan at sports na paborito ng marami. Isa sa mga untiunting umaangat sa popularidad ay ang pickleball. Pinagsasama nito ang mga elemento ng tennis, badminton, at pingpong, gamit ang paddle at plastic ball na may mga butas. Sa unang tingin, mukhang simple ang laro, pero kapag sinubukan mo, siguradong maaaliw ka sa bilis at saya na hatid nito.
Nagsimula ang pickleball noong 1965 sa Bainbridge Island, Washington, bilang pampalipas-oras ng tatlong magkakaibigan at ng kanilang pamilya. Dahil sa pagiging simple ng mga patakaran nito, mabilis itong tinanggap ng mga tao. Ngayon, hindi na lamang ito sikat sa Estados Unidos; unti-unti na rin itong nagiging kilala sa buong mundo, kabilang na ang Pilipinas, kung saan mas pinipili ng mga tao ang mga aktibidad na nakakapagbigay ng saya at ehersisyo nang sabay.
Isa sa mga rason kung bakit patok ang pickleball ay dahil para ito sa lahat. Bata man o matanda, baguhan man o bihasa, pwedeng-pwede itong laruin. Hindi kasing hirap o pisikal ng tennis, kaya’t maraming senior citizen ang nahuhumaling dito. Para naman sa mga kabataan, ang mabilis na pace ng laro ang siyang nagbibigay ng excitement at hamon, kaya’t nagiging paborito rin ito ng mas nakababatang henerasyon.
Sa Pilipinas, nagsisimula nang maging bahagi ng pamumuhay ang pickleball. Sa mga barangay court at sports complex, untiunti nang nagkakaroon ng pickleball facilities. Ang Philippine Pickleball Federation ay aktibo rin sa pagpapakilala ng laro sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ang simple at abot-kayang kagamitan nito ay nagiging dahilan kung bakit mas marami ang naaakit subukan ito.
Higit pa sa pagiging isang laro, ang pickleball ay nagiging tulay upang pagsamahin ang mga tao. Sa bawat rally, hindi lang sigla ang nararamdaman, kundi pati na rin ang koneksyon sa mga kalaro. Sa pag-usbong ng interes dito sa Pilipinas, malaki ang potensyal na maging bahagi ito ng ating kultura. Kung naghahanap ka ng bagong libangan na puno ng saya at samahan, baka ito na ang tamang oras para sumubok ng pickleball!