KOMUNIDAD
Tuloy ang laban kontra iligal na droga - LGU ni JEHNNY PEARL PARA
luntian
BOL. XXVI • ISYU I ANG OPISYAL NA PAARALANG PAMAHAYAGAN NG YUMBING NATIONAL HIGH SCHOOL AGOSTO 2024 - ABRIL 2025
Upang maging tuloy-tuloy ang pagunlad ng kampanya laban sa iligal na droga, naglunsad ang Mambajao Local Government Unit ng iba’t ibang programa para sa mga barangay na sakop ng lungsod.
basahin sa 02
SAKRIPERWISYO
Sa pahayag ni Mayor Yggy Romualdo, sa pamamagitan umano ng pagsunod sa alituntunin ng mga programa laban sa iligal na droga, tulungang mailayo na bumalik sa bisyo ang isang tao. “Ang drug addiction nandiyan lang yan, hindi yan mawawala. Incurable naman ang disease. Pero mapapagaling ito sa pamamagitan ng ating programa kung susundin, e-follow-up at pag-aralan lang ang policy, patuloy na pag-attend sa programa ng iba’t ibang polisiya. Iyan ay mga paraan upang tuluyan ng mapalayo ang isang tao sa kanyang bisyo”, ani Romualdo. Ilan sa mga programa ng Sangguniang Panlungsod ay ang Relapse Program, Narcotics Anonymous Fellowship Program, Anti-drug Clearing Program, Community-Based Rehabilitation Program. Bukod pa dito, mayroon ding livelihood program mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Training Program mula sa TESDA upang matulungan ang mga biktima ng droga na makapag simula muli. Dagdag pa niya, handa umano ang lungsod ng Mambajao na tumulong at magbigay suporta sa mga taong gusto ng tumigil sa paggamit ng iligal na droga. “Nakahanda na ang Mambajao na tumulong at sumuporta sa mga taong gustong magbago ng buhay lalong lalo na mayroong programa ang ating lokal na lungsod para dito,” giit ni Mayor Yggy. Samantala, hinikayat din ni Romualdo ang mga mag-aaral na hindi ma-enganyo sa paggamit ng droga at ma bigyang halaga ang kanilang pag-aaral. Bilang tugon sa palagay ni Romualdo, hinigpitan ng YNHS ang kampanya kontra droga kung saan iba’t-ibang programa ang inilunsad upang mailayo ang mga estudyante sa iligal na droga.
Kabuhayan, kinabukasan ng mga magsasaka, ‘may kasiguruhan’ sa pagpapalawak ng paliparan COVER STORY SA P04
SIDEBAR
Camiguin Airport Expansion PROPOSED EXPANSION OLD AIRPOT
Kuguita
Baylao
Masasagasaan ng expansion ang
3 BARANGAY
Kuguita, Baylao at Publacion.
56
Patuloy ang lungkot at pangamba ng mga magsasaka at residente na apektado ng nalalapit na pagpapalawak ng Camiguin Airport, sa kabila ng pangako ng lokal na pamahalaan na sila’y makatatanggap ng mahigit P500,000 halaga ng tulong pinansyal upang hindi maantala ang kanilang kabuhayan at matulungan silang makapagsimula ng ibang hanapbuhay.
Poblacion pamilya na puro nakadepende sa agrikultura ang pangkabuhayan.
PHP 500K
ang tinatayang ayudang matatanggap ng bawat pamilyang maapektuhan ng nasabing proyekto.
PAMPAARALAN
WAG I-ASA ANG SANDATANG PAMBANSA EDITORYAL
06
‘No Read, No Pass’ policy, 100% suportado ng mga mag-aaral ni KEMUEL EBUETADA
Buo ang suporta ng mga estudyante mula sa Yumbing National High School (YNHS) sa patakarang “No Read, No Pass”na ipinatutupad ng Department of Education (DepEd), batay sa isinagawang sarbey ng mga pampaaralang pahayagang White Island Breeze at Luntian. Ayon sa resulta ng sarbey, naniniwala ang lahat ng estudyante na ang patakarang ito ay nagbibigay-daan upang matulungan ang mga mag-aaral na may kahinaan sa pagbasa, at mabigyang tugon ang kanilang mga pangangailangang akademiko. “Makabubuti ang patakarang ito dahil
nagsisilbi itong gabay upang matuto ang mga mag-aaral na maging mahusay na mambabasa at lumawak ang kanilang pang-unawa,” ayon sa isang respondent sa sarbey. Bilang mga estudyante, naniniwala ang isang mag-aaral mula sa G10 na makatuwiran lamang ang pagpapatupad ng bagong patakaran. Napapansin umano nila na may ilang
mga kaklase silang nahihirapang magbasa ngunit nakalulusot pa rin at nakapagtatapos kahit kulang ang kakayanan ng mga ito. Sa pamamagitan ng patakarang ito, umaasa ang mga respondent na mahihikayat ang mga mag-aaral na paunlarin ang kanilang kasanayan sa pagbasa at pagunawa.
GURO TUNGO SA AKING PAGKATUTO. Si Gng. Manilyn ay isang guro sa ika pitong baiting. Tuwing hapon pagkatapos ng last period ay tinuturoan niya ang isa sa mga estudyante na mahirap magbasa upang magkaroon ito magandang kinabukasan kung matuto ng magbasa. Kuha ni VENICE SOFIA BERNARDO
NO READ, NO PASS SA P05
#NSPC2024 Sa nakaraang National Schools Press Conference sa Carcar City, Cebu, namayagpag ang Luntian at inuwi ang pangalawang pwesto sa Pahinang Pampalakasan sa School Paper Category – Filipino Secondary.