GUTONGLAK - GUTALAC NATIONAL HIGH SCHOOL

Page 1


RULE OF LAW

7610

kilala bilang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act,” na ipinasa noong Hunyo 17, 1992 upang mapalakas ang proteksyon ng estado sa mga bata. Layunin ng batas na pigilan at parusahan ang sinumang gumagawa ng pisikal, emosyonal, o seksuwal na pang-aabuso sa mga menor de edad.

18,756

kaso ng karahasan laban sa mga bata ang naiulat sa buong bansa noong 2023

ng child abuse sa 2023

7,933 18,089 7,262

ng child rights violations noong 2024

sa datos ng Philippine National Police – Women and Children Protection Center (PNP-WCPC)

UTALAC, ZAMBOANGA DEL NORTE — Umaming nakararanas diumano ng pang-aabuso ang 12 babaeng estudyante ng

Grade 10 mula sa Gutalac National High School (GNHS) sa isinagawang recollection noong Abril 10 bilang bahagi ng

Moving Up Ceremony, ayon sa ulat na nakalap ng Gotonglac.

Ang rebelasyong ito ay naglalantad ng mas malalim na sugat na dinadala ng kabataan sa Gutalac: mga batang biktima ng sariling pamilya na nananatiling tahimik dahil sa takot, hiya, at kawalan ng tiwala sa sistemang dapat sana’y magtatanggol sa kanila.

Sugat na Inilihim

Sa eksklusibong panayam ng pahayagan, dalawang biktima na ating papangalanang “Anna” at “Joy” (hindi nila tunay na pangalan), ang nagbahagi ng kanilang karanasan.

“Hindi ako makapagsalita noon dahil natatakot ako na baka mas lalo akong saktan. Pero habang lumilipas ang panahon, pakiramdam ko wala na akong halaga,” wika ni Anna habang pinipigil ang luha.

Batay sa datos ng Philippine National Police – Women and Children Protection Center (PNP-WCPC), umabot sa 18,756 kaso ng karahasan laban sa mga bata ang naiulat sa buong bansa noong 2023, kabilang dito ang 7,933 kaso ng child abuse at 7,262 kaso ng rape.

Noong 2024 naman, iniulat ng parehong ahensya na may 18,089 kaso pa rin ng child rights violations, na nagpapakita na nananatiling mataas ang antas ng karahasan sa mga kabataan sa bansa.

Kinumpirma ng pamunuan ng GNHS na agad nilang iniulat sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang naturang mga kaso.

Gayunpaman, aminado ang paaralan na nananatiling mabagal ang proseso dahil hindi handang magsampa ng pormal na reklamo ang ilan sa mga biktima dahil sa takot at kahihiyan.

“Hindi madali para sa kanila na magsalita. Lalo na’t ang mismong mga taong dapat mag-alaga ang siyang nanakit. Pero bilang paaralan, tungkulin naming magbigay ng ligtas na espasyo at kaukulang suporta,” pahayag ni Guidance Counselor Jacqueline T. Acain.

Si Joy, isa rin sa mga nagsalita, ay nagsabing matagal na niyang kinikimkim ang pangyayari.

“Parang bihag ako sa bahay namin. Gusto kong magsumbong pero natatakot akong walang maniwala,” aniya.

Boses ng Panghahalay

Bukod kina Anna at Joy, dalawa pang estudyante ang umamin na nakaranas ng panghahalay mula mismo sa kanilang kapamilya.

Isa rito si “Rica” (hindi tunay na pangalan), na nagsabing nagsimula ang pang-aabuso sa kanya noong siya ay 13 taong gulang pa lamang.

“Wala akong lakas ng loob na magsabi kahit kanino. Sinasabi niya na kapag nagsumbong ako, sisirain niya ang pamilya namin. Hanggang ngayon, parang dinadala ko pa rin ang bigat ng lahat,” ani Rica habang nanginginig ang tinig.

Ayon sa kanya, hindi lamang katawan kundi pati ang pagkatao niya ay tuluyang nadurog dahil sa paulit-ulit na panghahalay. Sundan sa Pahina 5

- Valerie R. Egcalinos - Melody L. Marmis
Dibuho: Merelle Pugoy at Karl Arvie Jadol

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.