Skip to main content

UGSA- NVSU Intramurals 2024 Special Issue Vol. 1 No. 2

Page 1


Nueva Vizcaya State University— Bayombong Campus, November 14—College of Teacher Education (Blue Marlins) men spikers ended supposed three peat of the College of Engineering (Red Lions) in men’s Volleyball on the second day of University Meet 2024, held at the Provincial Sports Complex.

Red Lions spiked effectively as they demolished the Blue Marlins in the early game, taking 2-0 sets with 25-22 and 2523 scores.

In an interview, Benigno A. Fragata III, Blue Marlins representative, believed that it is through their strengthened unity that empowered them to win.

“Talagang trinabaho po namin lahat, which is ‘yong communication, chemistry ng [team] namin, at coordination ng bawat isa. And also, in-strengthen po namin ‘yung unity namin [para] manalo pa rin kami kahit [2-0] na.” Fragata replied after asked about their strategy despite of the score gaps.

In a separate conversation, Dr. Gail G. Gumilet, coach of Blue Marlins, reminded

his trainee that attitude is always the best.

“Huwag nilang sirain ‘yung attitude sa laro. Kasi once na nasira ‘yung attitude, lahat [ay] masisira na. Attitude ang the best sa laro.” Gumilet said.

“Focus lang. ‘Wag magpapa- distract sa mga audience.” The team coach replied when asked what strategy they made despite of the score gap.

The Blue Marlins thrilled the audience as they comeback stronger, serving sharp and blocking techniques distinguished them on the third and fourth set which made the team climb up the standing 2-2.

On the last set, the Blue Marlins triggered the Red Lions as they made a strong gap in the early game scoring 8-4 in favor to the Blue Marlins.

The audience saw an intense defensive techniques from the Red Lions as they tried to defend their winning streak scoring a tie of 15-15.

Blue Marlins reigned supreme after the Red Lions failed to receive the final service making the final score 15-17. VC

Typhoons Nika and Ofel impact Intramurals ‘24

Despite two typhoons in a row: Severe Tropical Cyclone Nika and Super Typhoon Ofel, Nueva Vizcaya State University (NVSU)Bayombong pursues celebration of Intramural Meet 2024 to foster a spirit of community, teamwork, and healthy competition among students at the Provincial Sports Complex, November 13-15, 2024.

Typhoon Nika “Toraji” affected the plans of the Office of the Sports Development to conduct the intramural meet on November 11-14 which was moved to November 13-16.

Meanwhile, Super Typhoon Ofel “Usagi” was reported by the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA) to landfall on November 14 declaring Nueva Vizcaya under Tropical Cyclone Signal number one.

However, President Wilfredo A. Dumale Jr. stated in his speech that if the rain will continuously pour, the games will have to be canceled, “we’ll still proceed with all the games, kaya lang kapag tuloy-tuloy na ang ulan, we are going to postpone all the remaining activities to ensure that everything is safe to play the grounds.” VC

EDITORYAL

Bugtong ng Buhay

Tug... tug-tug... tunog ng tambol.

Bawat hampas, bawat kumpas, bawat pito, at bawat pwersa— lahat ay nagdadala ng kaba at sigawan, nagpapa-alab ng paligsahan.

Sa bawat galaw, tama man o mali, may nakatakdang puntos. At sa bawat puntong ito, ang tanging kahahantungan ay pagkapanalo o pagkatalo.

Ngunit, gaano nga ba kahalaga ang bawat puntos? Ano ang kaakibat nitong responsibilidad at katumbas na saya at galak? Isa sa mga pinakaaabangan at minamahal na laro, hindi lamang sa ating paaralan kundi maging saan mang sulok ng mundo, ay ang basketball at volleyball. Sa larangan ng palaro, hindi lamang oras ang kalaban ng mga manlalaro, kundi maging ang kanilang sarili.

Ang bawat hampas at tama ng bola ay tila hindi alintana ng mga manlalaro sa init ng laban, subalit ang pagkatalo

SALAKNIB

Makasaysayan ang bawat pagdapo ng agila sa isang kolehiyo ng unibersidad— ang taas at tibay ng lipad nito ay sumasalamin sa dedikasyon at determinasyon ng bawat estudyanteng atleta. Higit pa rito, ipinapamalas ng agila ang diwa ng pagkakaisa sa ating unibersidad, lalo na sa mga panahong talamak ang kompetisyon tulad ng intramurals.

Ngayon na panahon ng palakasan, masigla ang pamantasan sa layuning higit pang pagyamanin ang larangan ng sports. Isa itong okasyon upang ipakita ang talento at galing ng mga magaaral, ngunit hindi rin maikakaila ang hamon ng kompetisyon sa

ng isang puntos ay nagdadala ng matinding pagkainis at panghihinayang. Madalas pa, kinakalaban at kinukuwestiyon ang mga hurado dahil sa isang puntos na tila walang katapusan ang halaga. Para sa manonood, ang isang puntos ay hindi lamang simpleng puntos—ito ay may kasamang kaba sa bawat paglamang ng kalaban, isang pagpipigil-hininga habang patindi nang patindi ang labanan.

Ano nga ba ang tunay na halaga ng isang puntos na tila “isa lang” naman? Bakit kailangang magpatayan ang bawat isa para lamang dito? Dahil ang bawat puntos ay may kasamang dugo, pawis, at sakripisyo. Ang mga manlalaro ay hindi lamang lumalaban para sa tagumpay kundi para sa karangalan at kasiyahan ng kanilang paaralan o pamayanan.

Sa isang laro, maaaring sa isang puntos lamang ay matalo o manalo ka. Ngunit ang bawat

pagitan ng bawat kolehiyo—mga konseptong nagpapakita ng mga isyung pangpagkakaisa. Tunay na kahanga-hanga ang kanilang kagustuhan sa tagumpay, ngunit ang tanong, nananatili kaya ang adhikain ng Nueva Vizcaya State University (NVSU) na maging buo? O nakukubli na ito sa mga pakpak ng agila?

Sa mga nagdaang taon, naging saksi ako sa mga tagumpay ng bawat koponan, ngunit hindi naiiwasang nagiging tampulan din ng tukso at mga di-makatarungang biro, tulad ng mga komentong “Hampasin ng T-square,” “Araruhin,” “Isemento,” at “Batuhin ng chalk.” Kung magpapatuloy ang ganitong sistema, ito’y magdudulot lamang ng tensyon, lalo na sa mga atleta. Makatarungan pa ba ito para sa mga atleta at kanilang kinakatawan?

Ayon sa North American Journal of Psychology, ang suporta ng mga tagapanood ay mahalaga sa pagpapalakas ng hangaring magtagumpay ng

puntos ay hindi lamang para sa mga manlalaro—ito ay para sa mga sumusuporta, sa mga tagahanga, at sa bawat taong nakakakita ng kanilang pagpupursigi. Ang bawat puntos ay bugtong ng buhay, kasamang nilalaman ng kanilang puso’t damdamin.

Sa bawat pagkakamali, dama nila ang sakit. Ang ibang manlalaro, napanghihinaan ng loob; ang iba nama’y mas lalong nagpapakatatag. Ang isang maling galaw ay maaaring magbago ng takbo ng laro, ngunit para sa iba, ito’y isang paalala na may aral sa bawat pagkakamali.

Ito ay isang puntos, ngunit may katumbas itong bigat. Sa bugtong ng buhay, may aral na mapupulot—sa bawat laro, sa bawat pagkatalo, o tagumpay. ‘Pagkat ang tunay na kampyeon ay ang taong hindi sumusuko, patuloy na lumalaban, at tinatanggap ang bawat hampas ng alon sa agos ng buhay. VC

mga atleta. Sa kabilang banda, ang di-magandang pag-uugali ng manonood ay may negatibong epekto sa kanilang pagganap. Hindi lamang ang estado nila bilang estudyante ang magdadala ng tagumpay—kundi ang bawat isa sa atin ay may mahalagang gampanin para sa isang matagumpay na intramurals. Ngayong natapos na ang unang araw ng ating intramurals, mainam na pagtuunan natin ng pansin ang pagkakaisa at suportahan ang bawat koponan sa isang responsable at makabuluhang paraan. Sapagkat walang medalya o tropeyo ang makapagtatakip sa katotohanan na higit na premyado ang unibersidad kapag nangingibabaw ang pagkakaisa, nasa loob man o labas ng paaralan. Sa ganitong mga sandali, nawa’y matutunan ng bawat isa na humarap sa salamin, magnilay sa nakaraan, at isaisip ang nararapat. Sapagkat higit pa sa agila ang tunay na diwa ng intramurals—ang pagyakap sa pagkaka-isa ng bawat kolehiyo. Iisang NVSU, higit pa sa agila. VC

Joshua Javier

Silang Mga Bayani ng Pulang Krus

Iyak at tuwa. Sa bawat iyak ng pagdurusa, sa bawat ngiti ng tagumpay, at sa bawat sakit na kailangan ng paunang lunas, lagi silang naririyan—handang tumulong at magserbisyo sa bayan. Sila ang mga bayaning tahimik na sumasalamin sa diwa ng pulang krus. Sa kanilang mga kamay, dumadaloy ang lakas ng loob, at sa kanilang mga puso, ang walang sawang dedikasyon para sa kapwa.

Pamagat ng bawat programang pampalakasan, tulad ng taunang Intramural Meet at marami pang ibang aktibidad sa unibersidad, ang lahat ng labang naipanalo at lahat ng pagod na maaaring maituring na tagumpay. Sa bawat palo ng bola at talon sa buhangin, ang isip ay nakatuon sa tropeong matatamo. Sa kabila nito, may mga taong nakatayo at nagmamasid sa paligid ng field, handang magbigay-tulong.

Kabalikat ng Intramural Meet 2024 ang Red Cross YouthNueva Vizcaya State University (RCY-NVSU), at iba pang rescue groups ng Pamantasan, upang masigurong may agarang lunas sa mga atletang nagbubuhos ng kanilang lakas upang masungkit ang agila. Sila ang

nasa likod upang sumalo at umalalay sa bawat panghihina, mga indibidwal na madalas hindi pinagtutuonan ng pansin ‘pagkat ang pokus ay nasa pag-uwi ng ginto. Saksi ang bawat sugat na nalunasan at pasang pinahupa ng kamay na ang layon ay maglingkod nang libre at walang hinihinging kapalit.

“NagRCY ako kasi gusto kong tumulong sa mga nangangailangan,” saad ni Jeron P. Tuan, RCY at dating pangulo ng RCY-NVSU, 2021-2023.

Mula unang araw ng Intramurals, maaga ang mahigit 30 aktibong RCY volunteers na nag-aabang sa NV Sports Complex, NVSU Gymnatorium, NVSU Padilla Hall, CBE-CVM grounds, at CVM grounds para sa iba’t ibang isports. Bitbit hindi lamang ang mga

kagamitang panlunas bagkus pati ang layuning mapagaan ang daloy ng Intramurals. Sa dalawang araw na pagbabantay ng NVSU-RCY, mahigit 20 na ang kanilang nabigyan ng paunang lunas at marami na rin ang mga nagpapatingin ng blood pressure, gayong babad ang mga atleta sa laro.

Patuloy silang nakikipagtulungan sa iba pang mga rescue groups gaya ng University Disaster Risk Reduction Management (UDRRM), University Emergency Rescue Team (UERT), at marami pang iba upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan sa 2024 Intramural Meet.

Ngunit hindi dito nagtatapos ang kanilang paglilingkod—patuloy silang maglilingkod sa NVSU’Juans at sa iba pa, dala ang pusong handang tumulong bilang bahagi ng RCY. VC

UGSA /

SPORTS NEWS

CTE women’s badminton achieves historic threepeat victory by Alver Lacerona and Mark Klein Inocencio

Claiming their third consecutive championship, the College of Teacher Education (CTE) women’s badminton team outshined the College of Engineering (COE) in a thrilling final at the 2024 Intramurals, themed “One NVSU,” held in the University Gymnasium, November 14.

A tense match unfolded as CTE secured a hard-earned 2-1 set victory, with scores of 15-21, 21-13, and 21-19. In the decisive third set, CTE held strong, taking advantage of a COE error to clinch the championship after a close 20-19 score.

In the third set, CTE pulled ahead with three straight points, pushing the score to a tight 19-20. A COE error in the final moments handed Blue Marlins the victory.

“This third time winning the title in badminton means a lot, not just to me personally but to the whole tribu-edukado as well as to the ever supportive friends and support system we have,” said CTE team captain Nikole Millano.

Reflecting on the game, Millano acknowledged a slow start in the first set but credited her resilience to the encouragement from her support system.

“I stay motivated because of my friends and family being with me, and above all, with the guidance of our Father; I remain focused.” Millano shared. “There may be triumphs and challenges that cover my way, but the passion and desire that I have was way stronger than ever together with the best support system that I have.”

With their third title secured, CTE’s women’s badminton team is setting sights on a fourth consecutive win next year. VC

Gray Wolves, nasilat ang kampeonato sa MLBB Championship Round Women, 3-0

Sa isang makapigilhiningang championship match, waging nakamit ng College of Veterinary Medicine (CVM) Gray Wolves ang tugatog ng tagumpay matapos nilang pabagsakin ang pambato ng College of Arts and Sciences (CAS) Yellow Tigers sa championship game ng Mobile Legends Bang Bang (MLBB) Women Category sa puntos na 3-0 na naganap sa Management Information System Room nitong ika-24 ng Nobyembre.

Nanaig ang Gray Wolves matapos ang tatlong sunodsunod na laro at nilampaso ang Yellow Tigers mula 1st hanggang 3rd game para makuha ang titulo sa seryeng “Best of 5.”

Pinalakas ng Gray Wolves ang kanilang koponan gamit ang mahusay na estratehiya, kung saan nakontrol nila ang turtle ng tatlong beses, nagbibigay sa kanila ng malaking bentahe sa

LENTE

PAGLIPANA NILANG HINDI OPISYAL

Sapaglipana ng mga hindi opisyal na maniniyot sa iba’t-ibang kaganapan sa ating unibersidad, tila nagkaroon ng mas maraming pagkakataon ang ilan na makilala sa larangan ng potograpiya. Gayunpaman, kasabay nito ang tila walang katapusang kritisismo laban sa mga opisyal na maniniyot—mga pintas na nag-ugat mula sa pakunwaring pamantayan na hindi malinaw kung sino ang nagtakda. Pamantayan sa paningin o sa layunin?

Ano nga ba ang tinatawag nilang “standard” ngayon? Bawat pitik ng kamera, basta maganda ang mukha ng subject o sikat ang taong

kanilang tatlong laro.

Naging susi ang kanilang pagkuha ng objective upang mapanatili ang kalamangan laban sa Yellow Tigers subalit hindi nagpatinag ang Gray Wolves at tuluyan nilang itinanghal ang kanilang husay at lakas sa bawat laban sa isang matinding serye ng tatlong laro.

Ipinakita ng Gray Wolves ang kamangha-manghang pagko-coordinate ng kanilang mga hero sa ikatlong laro at ang hero naman na si Atlas ang nagsilbing tangke ng koponan, habang tinitiyak ni Melissa, napiling hero ng CVM, ang mabilis na pagbawas ng buhay ng kalaban.

Tila imposibleng mapasok ng Yellow Tigers ang hanay ng Gray Wolves sa bawat

nakunan, ay tila sapat na upang mapabilib ang marami. Ngunit, ito nga ba ang tunay na pamantayan? Tama, maganda ang iyong larawan o ang kuha sa paborito mong manlalaro. Ngunit, batid mo ba ang likod ng lente ng isang tunay na opisyal na maniniyot?

Ang mga opisyal na maniniyot ay hindi bastabasta lamang nagbibigaypitik. May layunin silang ilahad ang kwento sa likod ng bawat larawan. Hindi ito tungkol sa pagpapaganda ng imahe ng sinuman, kundi sa mas malalim na pagpapahayag ng mga karanasang maaaring hindi nakikita ng mata.

Bawat isa ay maaaring maging maniniyot, pero hindi lahat ay opisyal Sa patuloy na paglaganap ng hindi opisyal na potograpiya, nauunawaan kong mas marami ang nagiging interesado sa sining

salpukan, lalo na’t suportado sila ng mga pangunahing hero na may mahusay na crowd control.

Sa kabila ng pagtatangka ng Yellow Tigers na makabawi gamit ang kanilang mga hero tulad nina Lou-Yi, Ruby, at Lesley, hindi ito naging sapat laban sa solidong lineup ng Gray Wolves na kinabibilangan nina Belerick, Melissa, Kagura, Atlas, at Roger. Itinalagang Most Valuable Player (MVP) si Geraldine F. Delatado, ang Kagura sa ikatlong laro, na nagtala ng impresibong Kill/Death/ Assist (KDA) na 10/1/8 na siang malaking kinapanalo ng Gray Wolves. VC

ng pagkuha ng larawan. Ngunit, hindi ito dahilan upang maliitin ang opisyal na potograpo. Ang hindi paglabas ng iyong larawan sa opisyal na pahina ng unibersidad ay hindi kawalan ng pagkilala sa’yo bilang subject. Maaaring maganda ang kuha ng iba, ngunit huwag mong ipagkamali ang pagiging “artistic” sa pagiging “authentic.” Sa huli, hindi kalabisan ang paglipana ng mga hindi opisyal na maniniyot. Ngunit para sa mga bumabatikos nang walang malalim na pagkaunawa, subukan mong pasukin ang mundong kanilang ginagalawan. Tanging doon mo mauunawaan ang hirap, dedikasyon, at layunin ng bawat opisyal na maniniyot. VC

Screenshot by Varsity Courier. From NVSU Management Information System.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook