Tomo LXXXVIII, Blg. 1 • Ika-30 ng Agosto, 2016 ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANG MAG-A AR AL NG UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS Maynila, Filipinas
HINDI BAYANI. Halos limang libong katao ang lumahok sa naganap na Citizens’ Assembly sa Lapu-Lapu Monument sa Rizal Park, Maynila, noong ika-14 ng Agosto upang kontrahin ang pagpapalibing sa dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. BASILIO H. SEPE
Bilang ng freshmen, sumadsad Nina MARIA CRISANTA M. PALOMA at THEODORE JASON PATRICK K. ORTIZ
UST, namayagpag sa PT, guidance counselor at OT board exams NANGUNA ang Unibersidad sa kakatapos lamang na physical therapy (PT) at guidance counselor licensure examinations ngayong Agosto, samantalang dalawang Tomasino ang pasok sa limang nangunang kumuha ng pagsusulit para sa occupational therapy (OT). Nagtala ang Unibersidad ng 100-porsiyentong passing rate sa katatapos lamang na guidance counselor licensure exam. Pumasa ang tatlong Tomasinong kumuha ng pagsusulit, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC). Malaki ang itinaas ng Tuition PAHINA 5
Paggamit ng electronic tablets sa UST-SHS, ginawang opsiyonal MATAPOS ang batikos mula sa mga mag-aaral ng Pamantasan at kanilang mga magulang, ginawang opsiyonal ng UST Senior High School (SHS) ang paggamit ng electronic tablets bilang bahagi ng technology-based teaching. “If you believe that traditional books fit your purpose, we can accede to your preference, although we are strongly recommending the use of tablets because of their obvious advantage for your son/daughter,” ani Pilar Romero, punong guro ng UST-SHS, sa isang sulat na inilabas sa mga estudyante noong ika-2 ng Agosto. Aniya, makakapamili
na ang mga mag-aaral kung tablet o libro ang gagamitin sa klase. Dagdag pa ni Romero, isinusulong ng UST-SHS ang technology-based teaching upang maging angat ang mga mag-aaral ng UST kaysa sa mga mag-aaral ng ibang institusiyon. “The use of innovative pedagogies is in line with our vision of providing our students with cutting-edge advantage over students coming from other schools,” ani Romero. Paliwanag pa niya, mas mabisa ang tablet kumpara sa mga libro dahil mas magiging interaktibo ang pagtuturo sa klase, at para na rin magamit ang mga napapanahong
e-books na maaaring bilhin at i-download mula sa Internet. Sa ganitong paraan matatamo ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa edukasiyon ngayong ika-21 na siglo, aniya. Umani ng batikos ang UST-SHS matapos itong maglabas ng pahayag sa kanilang pahina sa Facebook noong July 22. Inatasan nilang bumili ang kanilang mga mag-aaral ng electronic tablets, partikular ang modelong iPad kapalit ng
paggamit ng tradisiyunal na libro para sa pagtuturo at pag-aaral. Ayon sa mga kritiko, hindi ligtas ang araw-araw na pagdala ng mga mag-aaral Tablets PAHINA10
BUMABA nang halos 10,000 ang bilang ng mga bagong mag-aaral sa kolehiyo ng Unibersidad matapos ipatupad ang repormang K to 12 ngayong akademikong taon. Ayon sa datos mula sa Office of the Registrar, sumadsad sa 3,772 ang bilang ng freshmen sa kolehiyo, kung saan 71.47 porsiyento ang ibinaba kumpara sa 13,223 noong nakaraang taon. Nagtala ang Faculty of Arts and Letters ng pinakamalaking pagbaba sa bilang ng freshmen na umabot lamang sa 159 na magaaral, mas mababa ng 88.90 porsiyento mula sa 1,433 noong nakaraang taon. Bumaba naman ng 84.26 porsiyento ang bilang ng freshmen sa College of Commerce and Business Administration sa 162 magaaral, mula sa 1,029 noong nakalipas na taon. Tanging ang Faculty of Civil Law lamang ang nagtala ng bahagyang pagtaas sa bilang ng mga bagong mag-aaral. Halos 26 porsiyento ang itinaas sa fakultad, sa bilang na 294 na bagong estudyante, mula sa 234 noong huling taon. Naitala ng Office of the Registrar ang pinakamalaking bilang ng freshmen sa Graduate School (1,358). Pumangalawa ang Faculty of Medicine and Surgery (514) at pumangatlo naman ang Civil Law (294). Kabilang sa mga fakultad at kolehiyong nagtala ng pagbaba sa bilang ng freshmen ang Architecture, Fine Arts and Design, Nursing, Science, Conservatory of Music, Canon Law, Pharmacy, Philosophy, Sacred Theology, Graduate School, Institute of Information and Computing Sciences at Physical Education and Athletics. Nauna nang iniulat ng Varsitarian na nilimitahan sa 18 ang mga kursong inialok ng Unibersidad ngayong taon—accountancy, architecture, business administration major in financial management, business administration major in marketing management, communication arts, computer science, information technology, medical technology, musika, music major in music education, pharmacy, physical education major in sports and wellness, political science, biology, interior design, psychology, advertising arts at nursing. Umabot sa 43,762 ang kabuuang bilang ng mga Tomasino ngayong taon at 4,951 dito ay mga mag-aaral mula sa bagong bukas na UST Senior High School (SHS). Freshmen PAHINA 10