Skip to main content

ANG BAHAYAN (Official Filipino School Publication of Trento NHS) SY 2024-2025 Issue

Page 1

ang

TOMO XXIV, BLG. 1 AGOSTO 2024-ENERO 2025 ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO SA TRENTO NATIONAL HIGH SCHOOL TRENTO, AGUSAN DEL SUR KASAPI: PAMBANSANG KAPISANAN NG PAHAYAGANG PANGKAMPUS SA PILIPINAS

Bilang ng Kaso ng Karahasan sa Edad 14-19 na Taong Gulang, Ayon sa MSWD taong 2024

7 7

10 10

Pisikal na pang- aabuso

Emosyonal na pang- aabuso

8 8 Sekswal na pang- aabuso

Ni Chris Dolly Ayala

N

auwi sa kamatayan ang isa sanang masayang inuman ng mga magkaklaseng hindi pumasok sa paaralan dahil sa pagkalasing at pagkahulog sa tulay ng isa nilang kasama, na iniwan at pinabayaan na lamang dahil sa takot na masisi sila sa nangyari. Kinilala ang biktima na si Frelen Borres Abella o mas kilala bilang “Baday“ labinlimang taong gulang, isang mag-aaral ng Trento National High School (TNHS) na nasa ikawalong baitang, seksyon Mars. Nangyari umano ang nasabing insedente noong ika-26 ng Septyembre, 2024 bandang alas-dos ng hapon at natagpuan naman ang bangkay nito sa gilid ng Ilog Bahayan. Ayon kay manong Mario, isa sa resdenteng tumulong para makuha ang bangkay. Aniya pa niya, “wala na, patay na” ng makita na lang nakataob ang katawan sa

mababaw nabahagi ng ilog ang biktima at wala nang buhay. Ayon naman kay Gng. Marieta Guira isang komadrona sa Rural Health Unit (RHU) ng Trento, sinuri ng doktor ang bangkay at napag-alaman ito pala’y buntis. Dumating ang kaisa isang kapatid na lalaki ni Frelen sa RHU, halatang nabigla at walang masabi sa pangyayari. Sumunod na dumating si Dr. Escolastico Cagatin-Station Chief, Trento Research and Experiment Station, ang tumatayong guardian sa nasawi para alamin ang mga pangyayari. Sa kasalukuyan suspendo ngayon ang mga mag-aaral na may kaugnayan sa pangyayari, habang kasalukuyan pang gumugulong ang imbistigasyon. Bilang tulong, nagbigay ng pinansyal na suporta ang paaralan sa pamilya ng biktima.

Rambulan sa SPS 9,

Napurnada Ni Chris Dolly Ayala Nauwi sa rambulan ang mga mag-aaral mula sa regular seksyon, ikapitong baitang, kung saan sumugod sa harapan ng silid-aralan ng taga seksyon Special Program in Sports (SPS), baitang siyam. Ayon sa mga nakasaksi na estudyante, pilit na pinipigilan ng isang batang lalaki ang isang mag-aaral, na tinatawag sa pangalang “Jan-Jan” (palayaw) ng umakma ng may bubunutin sa loob ng bag, at upang makipag suntokan sa isa pang mag-aaral. Ngunit, imbis na mapigilan ito ay mas lalong lumalala ang tensyon at nauwi sa pag-aaway. May nakakita umano na may dalang kutsilyo. Tinawag ang atensyon ng guwardiya kaya nagsialisan ang mga batang nakaumpok at nakiusyuso.

(Sundan sa pahina 2)

EDITORYAL

LATHALAIN

Magnanakaw sapul sa CCTV Dating Mag-aaral ng TNHS ,Timbog Ni Jandi Parido Sako-sakong mga paninda sa kantina ang inilatag ng dalawang magnanakaw sa Trento National High School, himpilan ng pulisya sa nangyaring nakawan sa paaralan nitong Nobyembre 3, 2024. Nilimas ng kawatan ang mga chitcheria, biskwits, at iba pa na makikita nila sa mula mga silidaralan ng mga baitang 8, 9, at 10 baitang. Nakapasok umano ang magnanakaw sa pamamagitan ng pagsira sa bintana, mga lalagyan ng susi at

pwersahang sinira ang pintuan. Ang mga magnanakaw ay nahuli at dinala sa himpilan ng pulisya sa mismong kapitan ng Barangay Manat. Matagal na pinagbanlaan umano, na kung mahuli pa ulit silang magnanakaw ay mismo ang kanilang kaanak ang ikukulong. Humingi naman ng kopya ng ‘CCTV footage’ si Carmelo D. Malubay, ang hepe ng pulisya sa Trento, para sa usad ng kaso sa mga nasabing magnanakaw. Sinubaybayan ni G. Jaime A. Ngoho, guwardiang nkabantay, nang mangyari ang nakawan.

AGHAM AT TEKNOLOHIYA

ebidensya sa pagnanakaw ibinandera ng mga magnanakaw

ISPORTS


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
ANG BAHAYAN (Official Filipino School Publication of Trento NHS) SY 2024-2025 Issue by Justine Paul Alimento - Issuu