Skip to main content

Issue No. 1 Volume No. 20

Page 1

“ ADHERING TO THE TRUTH FOR THE WELFARE OF THE PEOPLE “

THE SEARCHER

NEWS 4

ISSUE NO. 1 VOLUME NO. 20 JUNE - NOVEMBER 2018

THE OFFICIAL STUDENT PUBLICATION OF POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES - STO. TOMAS

BALAGTASAN 2018

THE SEARCHER / @THESEARCHERPUP / 0977-682-4075

FEATURE 11

PISTA NG PELIKULANG PILIPINO

COLUMN 15

MEME CULTURE

MULING KAMPEONATO: Isang matindi at puno ng emosyong pagtatanghal ang ipinamalas ng mga mag-aaral mula sa Batsilyer ng Agham sa Impormasyong Pang-teknolohiya matapos ang halos walong taong pagkauhaw nito sa titulo sa Sabayang Pagbikas.

SULONG! LABAN! COMSOC ANG KAMPEON!

SABAYANG PAGBIGKAS 2018 Naghuhumiyaw sa galak ang Batsilyer ng Agham sa Impormasyong Pang-teknolohiya (BSIT) sa muling pagkamit ng kampeonato sa Sabayang Pagbigkas 2018 matapos ang walong taon, ika-20 ng Agosto sa PUP-STB Gymnasium. ANG RESULTA Nabasag ang dalawang taong katahimikan sa dumadagundong na pagbabalik ng paligsahan sa Sabayang Pagbikas para sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Matatandaang ang Batsilyer ng Agham sa Pagtuturo (BBTLE) ang huling nakasiil sa

ipinagpipitagang trono ng Sabayan noong taong 2015. Samantala, taong 2010 pa nang huling napasakamay ng BSIT ang gintong tropeo sa nasabing timpalak. Umalagwa ang Batsilyer ng Agham sa Impormasyong Pangteknolohiya sa unang puwesto nang magkamit sila ng 91.33 puntos bunsod ng kanilang masining na pagtatanghal. Pulidong paggalaw ang ipinakita ng BBTE na siyang nakakuha ng ikalawang puwesto na may 90.7 puntos. Batsilyer ng Agham sa Inhinyeriyang Pang-Elektroniko naman ang umangkin sa ikatlong puwesto na mayroong 90.33 puntos buhat ng madamdaming interpretasyon ng piyesa.

SA LIKOD NG KAMPEONATO Ibinahagi nina Lester Burac (BSIT 4-1), Ivory Icban (BSIT 4-2), at Jomer Bautista (BSIT 4-2)—mga tagapagsanay ng Computer Society—ang kuwento sa likod ng kanilang pagkapanalo. Ayon sa pahayag ni Burac, “[Naging] isang pamilya [kami]— praktis kung praktis. Pero kung may idle time, nagkukuwentuhan kami na parang magkakaibigan.” “Puso at determinsayong manalo. Walong taon bago matikman ulit ang championship. Uhaw na uhaw [kaming] makuha ang [panalo],” kuwento ni Burac sa bukal ng debosyon sa Sabayang Pagbigkas. Sinabi din ni Icban na dahil sa

PHOTO BY ROMELYN ITONG

matagal na paghihintay sa panalo ay nagkaroon sila ng masidhing pagkakaisang maibalik ang trono ng Sabayan sa Computer Society. “Puso ang kailangan sa piyesa. Dapat talagang ilagay ang sarili sa piyesa,” ika ni Bautista. Para naman kay Burac na hindi lamang sa ganda ng tono at lakas ng pagbigkas nasusukat ang husay sa Sabayang Pagbigkas. “Lagyan ng puso; na parang ikaw talaga iyon, kailangang maramdaman ang konsepto” dagdag ni Icban. ANG LABAN Naging instrumental sa kampeonato ng BSIT ang paksang Lady Justice at putikang karahasan na siyang nagpahanga at nagbigay-kilabot sa inampalan. CONTINUE TO PAGE 8

MICOSA DOMINATES PLAYMIX STAGE, HOLDS PUP IDOL 15 TITLE Bachelor of Science in Industrial Engineering claimed the PUP Idol Season 15 throne as Mikee Micosa conquered the Playmix stage at the PUP Gymnasium 1, October 15. Micosa acquired an average score of 93.63 after the standout performance in the entire competition. Regine Velasquez’ version of “Ikaw ang lahat sa akin” assigned by the Central Student Council (CSC) as the winning

piece paved way for Micosa’s all-out performance on the Playmix stage. Bagging the awards and being the early favourite of the crowd, Micosa grabbed the tilt with a score of 93.4 for Kris Angelica’s “Sirena”. Micosa’s version of “The Scientist” by Coldplay dominated the Mellow Round with a 93.3 total score. Completing Micosa’s special awards is the 98-scorred KZ Tandingan’s “Rolling in the

Deep” during the Upbeat Round. “Hindi lang sa program ko, pero para sa ibang PUPian na nag-aalangan dahil hindi mataas ang boses nila. Siguro maiisip nila na nowadays hindi na taas ng boses ang hanap ng mga tao, kundi puso sa pagkanta, dahil mas malaki ang dagdag no’n sa entertainment value,” Micosa answered when asked about her victor’s impact on her program. CONTINUE TO PAGE 8


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issue No. 1 Volume No. 20 by The Searcher - Issuu