Imahe ng Kagandahan Bulaks
Sa isang lugar sa di kalayuan Napakagandang nilalang aki’y nasilayan Siya ay nakangiti at puno ng kasiyahan Parang isang anghel na nahulog sa kalangitan. Tahimik ko siyang pinagmasdan sa gilid ng puno Siya’y napakaganda at ang mundo ko’y gumuho Nakatulala na parang natamaan ang aking puso Mahal ko na siya at wala nang planong sumuko. Nakaupo ako nung biglang siyang umawit Tila nawala ang lahat ng naramdaman kong sakit Ako’y tumayo at gusto ko nang lumapit Parang may bumubulong at di ko alam kung bakit. Lumapit ako ngunit siya ay tumakbo papalayo Hinabol ko ngunit bigla itong naglaho Ako’y tumigil sa pagtakbo at umiyak Siya pala ay likha lamang ng aking utak.
28
IMPRINTS