The Seagull Official Literary Folio Of John B. Lacson Foundation Maritime University-Molo,Inc.

Page 22

Tayo sa Ferris Wheel D'Authentic

Habang tayo ay papalapit Dibdib ko’y sumisikip Kaba, saya at takot ang namumuo Tila, parang tatalon ang puso ko Biglang huminto at may bumaba Tayo ay sasakay na pala Ng pataas na ng pataas Ako’y biglang napakapit sa braso mong naninigas Ramdam ko ang mainit mong kamay Habang tayo ay pataas-pababang nakasakay Sa Ferris Wheel na kasing tibay Ng pagkakaibigan nating tunay Ako’y napayakap ng mahigpit Samantalang ikaw ay nakapikit Tanaw ko ang mga bituin sa langit Parang ikaw, kay ganda’t bait Napasigaw ako ng todong-todo Ngunit ika’y tulog sa braso ko Kay sarap ulit-ulitin at damhin Habang tayo ay magkayakap sa dilim Napakagandang ala-alang binuo Nating dalawa, ikaw at ako Tunay ngang lungkot ay mapapalitan ng saya Pag ikaw ang lagi kong kasama.

22

IMPRINTS


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.