VOLUME I ISSUE 1, THE IMAGE

Page 1

N

oong nakarang buwan, tila ba isang malakas na tunog mula sa isang batingaw ang pumukaw sa ating pansin nang lumabas ang balitang kumwestiyon sa kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Ayon sa resultang inilabas ng 2018 Program for International Student Assessment (PISA), mula sa 79 na bansa mula sa iba't ibang panig ng mundo, lumagpak sa pinakahuling pwesto ang mga Pilipino sa aspeto ng reading comprehension at pangalawang pinakahuli naman sa kakayahan sa parehong asignaturang Math at Science.

The Newsletter of The Reflection,

The Official Student Publication of the School of Education Volume I Issue no. 1

January 2020

Lumitaw mula sa pag-aaral na ito na ang mga Pilipinong mag-aaral, edad 15 anyos, mula sa 188 paaralan sa buong bansa ay nakapagtala ng 340 kabuuang puntos sa reading comprehension, na higit na mas malayo sa general average na 487 ng pinagsama-samang puntos ng mga bansa. Nakakuha naman ang Pilipinas ng 353 puntos sa Mathematics at 357 puntos sa Science, na pareho ring nasa laylayan kumpara sa general average ng lahat ng bansang nakilahok. Pagkaalarma ang dulot ng mga datos na ito, hindi lang sa sektor ng edukasyon, ngunit pati na sa buong sambayanang Pilipino. Ipinapakita lamang ng mga numerong inilathala ng resulta ng PISA 2018 na napag-iiwanan ang ating mga kabataan. Bagamat nakapanlulumo ang resultang ito, maituturing naman itong isang malaking opurtunidad o panggising sa ating mga Pilipino upang pag-isipan pa nang mas mabuti ang sistema ng edukasyon sa ating bansa. Imbes na ituring itong kahihiyan, mas mainam na tingnan ito bilang isang pagtataya sa ating sarili: Saan ba tayo nagkulang? Paano natin ito dapat tugunan? Matapos mailabas ang mga resulta, inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd ang "Sulong EduKalidad", isang programang naglalayong hikayatin ang buong bansa sa pagkakaroon ng isang de-kalidad na basic education. Layunin nitong i-review ang curriculum, paunlarin ang learning environment ng mga bata, i- upskill at reskill ang mga guro at hikayatin ang mga stakeholders na makipagtulungan sa mga paaralan sa pagtamo ng isang de-kalidad na edukasyon. Mabubuti at akma ang mga layuning ito ngunit kasabay nito, mainam ring klaruhin sa mga guro ang ilang inisyatibo ng kagawaran na tila ba naging sangkap pa sa krisis na kinahaharap ng sistema ng edukasyon dahil sa mga maling paniniwala ukol sa mga ito. Halimbawa na ay ang 'No Filipino Child Left Behind Act of 2010' na naglalayong bawasan ang dropout rates ng bansa. Dahil sa maling pananaw ukol dito, nagiging mitsa ito ng pagkakaroon natin ng kultura ng pagpapasang-awa, na kung saan hinahayaan ang mga estudyante na tumuntong sa susunod na lebel ng pag-aaral kahit na pa hindi nila tuluyang nagagampanan ang mga itinakdang kasanayan. Dahil dito, nagiging pabaya ang mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto dahil sa paniniwalang hindi sila ibabagsak ng kanilang mga guro. Ito ay isa sa mga

EDITORIAL

Mensahe ng Batingaw pangunahing dahilan kung bakit marami pa tayong mga non-readers sa mga matataas na paaralan hanggang sa kasalukuyan. Ang dami ng paper works at iba pang responsibilidad ng mga guro, lalo na sa mga pampublikong paaralan, ay maaaring isa naman sa mga sanhi kung bakit hindi na natututukan ng mga guro ang kanilang mga estudyante. Imbes na mas matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral, madalas ay hindi na ito natutupad ng mga guro dahil na rin sa napakaraming oras na sila ay nakatuon sa dami ng kanilang mga ekstrang responsibilidad. Isang pagpukaw din ang krisis na ito ng atensyon ng mga educational institutions sa bansa. Dahil sa mga resultang inilantad ng PISA 2018, mas tumindi rin nawa ang kanilang paghahangad na makapagprodyus ng mga mas epektibong bersyon ng mga gurong kayang tumugon sa mga ganitong suliranin. Kung kaya, isang panawagan din ito sa School of Education na mas ihanda tayo sa mga ganitong uri ng problema. Ang HAUsapanataym, na outreach activity ng departamento, ay isang magandang hakbang upang imulat tayo, mga susunod na guro ng bayan, sa

nakaambang problema ng mga bata sa aspeto ng reading comprehension. Ano pa man, mahalaga ang gampanin ng mga teacher education institutions, tulad ng SEd, sa paglikha ng mga mas epektibong guro, na siyang haharap at tutugon sa mga ganitong problemang sa hinaharap. Mismong mga mag-aaral din ng SEd ay hinihikayat na paunlarin pa ang sarili, at ngayon pa lang ay maghanda na sa pagharap sa mga ganitong uri ng seryosong suliranin. Ang antas ng kasanayang mayroon ang mga Pilipinong mag-aaral ay isang tiyak na indikasyon rin ng antas ng bayang itinuturing sila bilang kanyang pag-asa. Ang malakas na tunog ng batingaw ng resulta ng PISA 2018 ay naglalayong pukawin ang atensyon ng buong bayan, hindi lang yaong mga nabibilang sa sektor ng edukasyon. Ang dapat nating isagot sa batingaw na ito ay pagbangon. Kung kaya, ito ay isang panawagan ng mga susunod na guro ng bayan, sa pamahalaan, sa mga magulang, sa mga estudyante at sa iba pang kabahagi ng komunidad, na mas pagtuonan pa ng pansin at sa kalauna'y resolbahin ang problemang ito- dahil sa huli, hindi lang natin ito ginagawa para sa mga kabataan. Ang paglinang natin sa sistema ng edukasyon ay paglinang din natin sa kalagayan ng lipunan.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.