Skip to main content

Ang Ambahan 2023 - 2024

Page 1

Ang Ambahan

OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG DIVINE WORD

COLLEGE OF CALAPAN CALAPAN MAIN CAMPUS

DIBISYON NG CALAPAN CITY REHIYON NG MIMAROPA AGOSTO 2023 - ABRIL 2024 TOMO I BILANG 1

SUNDAN SA ISYUNG ITO.

MAGINOO PERO MEDYO BASTOS Mga Divinista, sinusugang bigyang-pansin ang ‘Bawal ang Bastos Law’ sa kampus

I

7

BIYERNES SANTO NG PAGKATUTO TULANG AMBAHAN

9

ni Donald B. Corona

sinusulong ng mga mag-aaral ng Divine Word College of Calapan (DWCC) na tutukan ng paaralan ang pagpapatupad ng Republic Act 11313 o “Safe Spaces Act” upang matiyak ang seguridad at kapakanan ng mga mag-aaral laban sa mga pang-aabuso at pangha-harass sa loob at labas ng paaralan, March 12.

Nakababahala ang dumadaming kaso ng pang-aabuso sa paaralan, kaya naman humiling ang mga mag-aaral ng DWCC sa guidance counselor na magkaroon ng programa para talakayin ang usapin gayung hindi lamang nasasakop ng batas ang pisikal na pangaabuso sapagkat nakapaloob din dito ang sekswal at berbal na paglabag sa karapatan ng isang tao. Sa isang panayam kay Cherish Dale Narciso, Guidance Counselor ng DWCC, inamin niyang wala pa silang nakaplanong programa para dito. “Sa ngayon, wala pang specific program, pero sa tingin ko, matagal na rin naman itong pina-practice by setting up boundaries and pagbibigay ng respeto sa personal space ng bawat isa kasi siyempre, dito sa DWCC, pina-practice naman natin ‘yung giving respect to others,” sabi ni Narciso. Binigyang-atensyon din niya na kailangang magkaraoon ng awareness ang mga bata, guro, at mga empleyado para maikatuparan ito ng paaralan. “Ico-consider namin yan kasi magandang idea rin ‘yan para sa pag-come up ng bagong programs ng guidance. We’ll see kung ano ‘yung pwede naming gawin para sa mga

susunod na school years,” ani Narciso. ABUSO AT INABUSO Nitong Nobyembre 16, may nag-ulat na estudyante ng kaso ng pang-aabuso mula sa isang student-teacher. Ayon kay Maria D. Cruz (hindi tunay na pangalan), isang Grade 8 student ng DWCC, nakipagchat diumano ito sa kanya at humingi ng larawan ng walang saplot . “I didn’t think much of it kasi he was just sharing about his problems and nag-escalate sa personal stuff like sending pics like without top, or seducing pic,” pagbabahagi ni Cruz. Isinumbong ito ni Cruz sa paaralan at idinulog sa Philippine National Police (PNP) Women and Children Protection Center Calapan ang kanyang kaso. Sa kasalukuyan, inaasikaso pa rin ng polisya ang ulat na ito upang magamit na ebidensya ni Cruz kung sakaling mapunta ang kaso sa korte. PSST! BAWAL ‘YAN Pinuna rin ng mga mag-aaral ang mga abusadong tricycle drivers na sumisit sa mga estudyanteng pasahero. “Minsan kapag ginabi ng uwi ng dahil sa practice may sumisitsit sa akin sumisigaw ng “miss akin ka na lang,” wika

ni Mary Dela Flores. Inilapit ng Ang Ambahan kay Edwin Escosora, Prefect of Character Formation ang usaping ito. Ayon sa kanya, walang batas ang nauukol sa pagsipol ng mga drayber ngunit kung ito ay catcalling ay maaaring pasok ito sa paglabag sa Safe Space Act o Bawal Bastos Law. “Unang pwedeng gawin ay sabihan ang mga tricycle driver sa maayos na paraan, then maglagay ng mga signage about it for constant reminder, if ‘di pa rin sya naging effective then the school will write a formal complain address sa barangay chairman kung saan tayo nasasakop, at pwede rin s’ya i-report sa TMO para bigyan sila ng kaukalang sanction,” pahayag ni Escosora. Dagdag pa niya nasa Traffic Management Office ang hurisdiksyon ng pamamahala sa mga pampublikong sasakyan at ang TMO ang maaaring magpatawag sa kanila. Bilang mga magaaral ay dapat na patuloy na magpakita ng pagiging disiplinado at magalang sa lahat ng tao. Sa ngayon, habang nirerepaso pa ang mga programa at patakaran sa mahigpit na pagpapatupad ng batas na ito sa kampus, pinapaalalahanan pa rin ang lahat na mag doble ingat.

AYUDA ◙ Disenyo ni Naomi Jersey J. Rafa

Bilang suporta sa dyornalismo, Lokal na gobyerno ng Calapan, nagbigay ng ayuda

L

ni Audie Krizelle Carit

ayuning maiangat pa ang kalidad ng dyornalismo sa Lungsod ng Calapan, naglaan ng sampung libong tulong kada pribado at pampublikong paaralan ang Pamahalaang Panlungsod ng Calapan sa pangunguna ng butihing Punongbayan, Marilou FloresMorillo, Abril 9. Sa mga nagdaang panrehiyon at pangnasyunal na paligsahan sa dyornalismo, itinayo ng mga pribado at pampublikong elementarya at sekundrayang paaralan ang pangalan ng Lungsod ng Calapan kaya’t nakilala ang nasabing lungsod sa ganitong larangan. Kaugnay rin nito, kinilala ng pamahalaang panglungsod ang mga estudyante at paaralang nagtamo ng karangalan sa nasyunal at internasyunal na kompetisyon noong Marso 20. Isa ang The New Horizon, ang opisyal na pampaaralang pahayagan ng Divine Word College of Calapan - Calapan Main Campus sa mga tumanggap ng pagkilala matapos manalong pangatlong pinakamahusay na publikasyon sa buong Pilipinas sa nagdaang NSPC o National Schools Press Conference 2023. “Malaking tulong ang ayudang ito ng pamahalaang panglungsod para makalikha ng mas kompetitib na dyaryo ang mga paaralan. Bukod sa pinansyal na aspeto, mas magandang simulain ito dahil mas kinikilala na ng pamahalaan ang kahalagahan ng ganitong larangan bukod sa patalinuhan at palakasan,” wika ni Jomari Uy, Gurong Tagapayo ng The New Horizon.

213

NAITALANG KASO NG PANG-AABUSO SA MGA PAARALAN

77 70 66

BERBAL

SEKSWAL

PISIKAL

datos mula sa Learners TeleSafe Contact Center Helpline (LTCCH) ng Department of Education (DepEd), Nobyembre 2023

DAPAT ALAM MO! SINAYANG NA GAMOT

13

TALIM NG TINIK NG DILA. Sa Bagong Tipan ng Bibliya, sinasabi sa Santiago 3:8 na ang dila ay puno ng nakamamatay na kamandag. Ang kamandag na ito ay tila kumalat at nilason ang musmos na kaisipan ng mga kabataan. Masalimuot mang sabihin, nangingibabaw sa ating Lipunan ang lantarang pagpapantasya sa mga batang walang malay. Ang mahahalay na salita na ito ay animo’y baril kung paputukin na maaring pumatay sa kanilang kinabukasan. Kailangan na nating bakahin ang kultura ng bastos at kaharasan. Marapat lamang na isulong ang “Bawal ang Bastos Act” at mas mapalalim ang mababaw na diskurso ukol dito. MAKASALANANG DILA ◙ Disenyo ni Naomi Jersey J. Rafa

ITO ANG MGA NAIDULOG SA OWTORIDAD. PAANO ANG MGA WALANG BOSES AT TINATAKOT? I-SKAN ANG QR CODE AT MAGSUMBONG!


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Ang Ambahan 2023 - 2024 by thenewhorizon - Issuu