Skip to main content

Mayonista - Unang Lathala

Page 1

UNANGTOMO;UNANGLATHALA

ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN NG MATAAS NA PAARALAN NG PAMANTASAN NG BIKOL

MAYONISTA BALITA, P3

PBBM, BINATIKOS MATAPOS GUMAMIT NG HELICOPTER SA ISANG CONCERT

BUSINA

Para sa Pasada AGTEK, P11

SA LIKOD NG HARUROT NG

Jeepney 2.0

67.82%

Posiyento ng ruta sa Bicol na wala pang nakakapag-consolidate na mga dyip alinsunod sa Public Utility Vechicle modernization program

2

16 ta

ru

52 ruta

541

ruta

Rutang walang nakakapag-consolidate Kakaunting nakakapag-consolidate (<60%) Maraming nakakapag-consolidate (>60%) Datos mula sa Land Transportation Franchising Regulatory Board, Disyembre 31, 2023

DEL CASTILLO

“Maginhawa siya para sa’yo kung bumabyahe ka. Pero kung taga-riles ka, makikita mo ang tunay na kalagayan ng mga taong naninirahan doon.” Ito ang naging pahayag ni Aldrin Ramirez, isang residente ng Barangay Washington, Legazpi City, Albay kasunod ng muling pagbubukas ng Philippine National Railways (PNR) sa Lungsod ng Legazpi.

“Unang-una, maingay kapag dumadaan ang tren. Pangalawa, marami ring maliliit na negosyong nagbebenta sa gilid ng riles ang inalisan ng pagkakakitaan para mabigyang daan ang PNR,” paliwanag ni Ramirez.

NAKAKABINGING

LATHALAIN, P8

Muling pag-arangkada ng PNR, ikinabahala ng mga residente ng Washington, Legazpi FREAL JAVEN

Ani Ramirez na limang taon nang naninirahan sa may riles ng PNR, ang pagbabalik ng operasyon ng tren ay nagdulot ng samot-saring problema sa pamumuhay ng mga residenteng naninirahan sa tabi ng riles nito.

EDITORYAL, P4

NILALAMAN

DAANGBAKAL

Mga mag-aaral ng BUCEILS-HS, nangangamba sa pag-phaseout ng mga dyip

Binigyang-diin din ni Ramirez ang banta ng pagtakbo ng PNR sa kaligtasan ng mga residente.

GEO ANGELO LABALAN Nagpahayag ng pangamba ang mga mag-aaral ng Bicol University College of Education Integrated Laboratory School - High School (BUCEILS-HS) dahilan ng maaaring pag-phaseout ng mga dyip kasunod ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan. Binigyan ng gobyerno ang mga jeepney drayber at operator ng hanggang Abril 30, 2024 upang mag-consolidate ng kani-kanilang prangkisa para makapasada ng kanilang mga dyip.

is multipurpose… tapos sa modern kasi mga tao lang na nakatayo,” ayon kay Arrojo.

Ayon kay Ken Amano,isang student commuter, mawawalan siya ng paraan ng pang-araw-araw na transportasyon dahil hindi naman siya sumasakay sa van at bus dahil mas mahal ang pamasahe roon at hindi naman laging mayroon kumpara sa mga dyip.

Hinaing ng publiko at ng mga tsuper na malaki ang magiging epekto ng jeepney modernization sa kanilang kabuhayan kahit pa nakapag-consolidate na sila sa PUVMP.

“Hindi ako palaging nagva-van or bus kase mas mahal sila…Kunware stranded ako, ang tanging paraan ko nalang ay magtawag ng kamag-anak upang magpasundo, pero nakakaabala pa ako kung ganoon”, ani Amano. Kaugnay nito, saad ni Dannah Millalos, madaragdagan ang kanyang gastusin sa pang-araw-araw na pagpunta sa paaralan dahil magiging tricycle ang kanyang paraan ng pag-commute kung mawawala ang mga dyip. Gayundin, giit naman ni Isemman Arrojo na isang komyuter ng modernized jeepney, kahit mas pipiliin niya ang modern jeepney kaysa sa tradisyunal, hindi mawawala ang kanyang pagkadismaya dahil nakatatak na ang modelo ng lumang dyip. “Malulungkot ako para sakanila [mga tsuper]. Icon na talaga ng jeepney ang traditional. Kasi ang model ng traditional

Epekto sa Kabuhayan

Para sa isang tsuper na nakapag-consolidate na mula sa Daraga, Albay na si Jonathan Ortega, ang kanyang kinikita sa pamamasada sa pang-araw-araw ay sakto lamang para matustusan ang kanyang pamilya kasabay ang sahod ng kanyang misis.

upang pigilan ang pagwaksi ng mga lumang dyip dahil sa maraming tsuper ang mawawalan ng hanapbuhay. Giit nila, maaari din naman ang pagsasaayos o pagre-rehab ng mga dyip, kung saan kinakailangan lamang ng ‘magagandang’ makina at hindi ng ‘brand-new’ at ‘napakamahal’ na modernized jeepney dahil magreresulta ang pagpapalit sa mga lumang dyip ng “transport disaster.” Bukod doon nananawagan din ang Manibela kay Pangulong Marcos Jr. upang sila ay tulungan. “Maglabas lamang ng executive order ang ating Pangulo na sinasabing wala nang phaseout, magpapatuloy ang mga traditional jeepney, okay na po kami,” pahayag ni Mar Valbuena, Pangulo ng Manibela.

“Kung magkakaroon ng phaseout, syempre magkakaroon ito ng epekto sa aming kabuhayan kasi isa ito sa mga trabahong nagdadala ng pera para sa araw-araw na pang gastos,” ayon kay Ortega.

Panawagan naman ni Ortega, konkretong plano at programa para sa mga mamamayang nasa sektor ng transportasyon ang kailangang gawin ng pamahalaan upang maging upang maging magaan at madali ang paglunsad ng modernisasyon.

Dagdag pa ng tsuper, nakakaawa kung iisipin ang mga kapwa niya drayber na walang alternatibong pagkakakitaan at mawawalan ng hanapbuhay dahil hindi pa nakakapag-consolidate lalo pa at may pamilya silang binubuhay.

Ayon ulit kay Amano, ang kakulangan ng alternatibong transportasyon tulad ng van at bus ang dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan dahil iyon ang papalit sa mga dyip kasabay ng mga modernized jeepney.

Tawag sa Pagkilos

“Kung gusto talaga nila isulong ang modernization, dapat nila ito magawan ng maayos na paraan… Huwag nila madaliin, ipakilala sa publiko nang paunti-unti”, mungkahi ni Amano.

Kabi-kabilang mga reklamo at mungkahi ang inilahad ng mga transport group na Piston at Manibela sa pamahalaan

“Di gaanong napaghandaan ng PNR ang sistema. Kapag dumadaan ang tren, madalas na mga tauhan lang ng PNR ang humaharang sa mga tao, kaya di talaga siya ligtas.,” paliwanag ni Ramirez. Gayundin, nagpahayag si Ramirez ng pagkabahala para sa mga kapwa niya residenteng maaaring mawalan ng tirahan bunsod ng patuloy na pagpapaunlad ng PNR sa lungsod.

MAGPATULOY SA P2

Pamasahe sa dyip, dagdag piso mula Oktubre 8 GEO ANGELO LABALAN Nagsimula na ang pansamantalang dagdag piso (P1) sa pamasahe noong Oktubre 8, 2024 sa pampasaherong dyip. Inaprubahan ng Land Transportation and Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong Oktubre 3 ang provisional fare hike. Wala namang pagbabago sa kasunod na per-kilometer rate. Umakyat sa P10.40 ang 20% discounted fare para sa mga mag-aaral, senior citizen, at Persons with disabilities (PWDs) sa Traditional Public Utility Jeepney (TPUJ), at P12 naman sa Modern Public Utility Jeepney (MPUJ) sa buong bansa. Dagdag pa rito, tumaas din sa P13 ang minimum base fare sa TPUJ, at P15 naman sa MPUJ. Ang pagtaas ng pamasahe ay bunsod ng sunod-sunod na pagmahal ng mga produktong petrolyo.

P10.40 May Diskwentong pamasahe sa Traditional Public Utility Vehicles

P12.00 May Diskwentong pamasahe sa Modern Public Utility Vehicles


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Mayonista - Unang Lathala by The Mayon - Issuu