Skip to main content

RHEIMS SPECIAL: SEPTEMBER

Page 1

RHEIMS SPECIAL: SEPTEMBER

BALITA

LINGGO, OKTUBRE 4, 2020

KORAPSYON SA GITNA NG PANDEMYA ni Jade Magno

Ipinapahayag ni resigned anti-fraud officer, Thorrsson Montes Keith, ang kaniyang imbistigasyon tungkol sa sinasabing korupsyon ng Philhealth na pinaniniwalaan niyang may halagang ₱ 15 billion. August, 2020. photo from Rappler

Sa kalagitnaan ng pandemya, inakusahan ng pagnanakaw ng mahigit 15 bilyon ang ilang matataas ng opisyales ng PhilHealth. “Naniniwala po ako na ang perang winaldas at ninakaw ay humigit kumulang 15 billion” sabi ng dating anti-fraud legal officer ng PhilHealth na si Thorrsson Montes Keith. August 4, Martes, sinabi ni Atty. Thorrsson Montes Keith sa Senado na ang lahat ng mga executive member ng PhilHealth ay mafias na nanloko sa korporasyon sa nagdaang maraming taon. Si Keith ay nagbitiw sa kanyang posisyon sa ahensya na pinatakbo ng estado dahil sa hinihinalang

“laganap na katiwalian” sa loob ng tanggapan, at kanya itong tinawag na “crime of the year” “My primary job as antifraud legal officer of PhilHealth is to spy on corrupt personnel … What I have discovered in PhilHealth may be called ‘crime of the year,’” sabi ni Keith, na umalis sa kanyang posisyon noong Hulyo 23. Bukod dito, isiniwalat din ni Keith na ang dating CEO ng PhilHealth na si Ricardo Morales, ay minsang sinabi sa kanya na lapitan ang komisyoner ng Presidential Anti-Corruption Commission, Greco Belgica, upang “imasahe” ang pagsisiyasat tungkol sa diumano’y overpric-

ing ng mga Covid-19 test kit. “Inutusan ako para hilutin ang kaso sa overpriced test kits,” ani niya. Samantala, sinabi naman ni Morales na nagdududa siya sa mga akusasyon ni Keith sapagkat mula noong siya ay opisyal ay nabigo siyang magsumite ng anumang mga anomalya tungkol sa ahensya.

“What I have discovered in PhilHealth may be called crime of the year”

PH MOST INFECTIONS; 2ND HIGHEST IN DEATHS IN SEA REGION

by Jade Magno Philippines remains to have the most Covid-19 infections and has the second highest death count among the countries in South east Asia as of September 26. There are currently 301,256 cases in the Philippines making the country have the most covid 19 infections in the South East Asia region, followed by Indonesia with 271,339 cases. Meanwhile, Philippines comes in second when it comes to deaths having 5,284 as of today and Indonesia comes in first with the total of 10,308 deaths in their

2

country due to Covid-19.

Source: Center for Strategic & International Studies

The Lasallian Rheims

facebook.com/Rheims2020 @Rheims2020


RHEIMS SPECIAL: SEPTEMBER

BALITA

LINGGO, OKTUBRE 4, 2020

DOH, PH GOV’T PATULOY ANG AKSYON KONTRA COVID-19

ni Lance Crisostomo

Sa kasalukuyan (Oktubre 1 2020) mayroon nang naitalang 314,079 bilang ng Covid-19 na kaso sa bansa at sa bilang na iyan ay 254,223 ang mga recoveries at 5,562 ang bilang ng mga nasawi; sa araw na ito ay 2,415 ang nadagdag na kaso, 771 ang nadagdag na recoveries at 58 naman ang mga naiulat na nasawi. Dahil sa patuloy na pagdagdag sa bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa, inilunsad kamakailan ng Department of Health ang isang kampanya kontra Covid-19 ang BIDA ang May Disiplina: Solusyon sa Covid-19 national advocacy campaign, na katuwang ng CODE visits na ginagawa ng pamahalaan.

Layunin ng kampanya na maipahatid sa sambayang Pilipino ang mensahe na dapat lahat ay magkaroon ng disiplina sa sarili lalo na sa mga panahong ito dahil mahirap malaman kung ligtas ang bawat isa sa virus na ito lalo na’t may mga naitatalang paglabag sa mga health protocols ng pamahalaan at DOH. “Public-private cooperation is indeed an ideal solution to our present situation to defeat Covid-19 as it augments both local and national government’s efforts and resources. Ang pagtutulungan sa panahon ng pandemya ang susi para mawaksan natin ito. Ang laban natin against Covid-19 ay hindi laban ng National o Local Government lamang. Bawat isa sa atin, kabilang

ang private sector ay may malaking role na ginagampanan,” sabi ni Health Secretary Francisco Duque III. Sa kabilang dako naman, ang CODE visits ay ang pagpunta ng mga kinauukulan sa mga rehiyon at pagbabahay-bahay ng mga kinauukulan upang malaman ang mga may Covid-19 sa lugar at malaman rin kung sino ang mga asymptomatic. Patuloy ang pagpapaalala ng DOH at ang pamahalaan sa quarantine protocols at pagsusuot ng face mask at face shield kapag lalabas at huwag na huwag kalilimutan ang social distancing kapag lumabas,parte ito ng layunin ng DOH na maisailalim ang NCR sa MGCQ sa Nobyembre.

DUTERTE, PUMAYAG SA PAG-ALIS NG MGA HEALTH WORKERS ni Dave Domingo

I

dineklara ng Malacañang kamakailan na ang mga nars at ibang health workers na may kontrata mula ika-31 ng Agosto sa ibang bansa ay maari ng umalis upang pumunta sa kanilang trabaho. Dati, ang mga may kontrata lamang at mga dokumento sa paglalakbay noong o bago ang Marso 8 ay ang naibukod mula sa pagbabawal. Sa isang press briefing noong ika21 ng Setyembre, sinabi ng Presidential Spokesperson na si Harry Roque na halos 1,500 na mga health workers ang makikinabang mula sa partial lifting ng ban sa overseas employment, na sinabi niyang napagpasyahan ni Pangulong Duterte bilang tugon sa panawagan ng mga health workers na apektado ng paghihigpit na nagmula sa coronavirus disease (Covid-19) pandemic. “The President listened to the concerns of the nurses. So those who have papers and complete documents as of Aug. 31, 2020 are now allowed to leave,” dagdag ni Roque. Iba’t ibang labor groups ang tumuligsa sa ban on deployment, sinasabing lumalabag ito sa karapatang maglakbay at nagtataguyod ng hinfacebook.com/Rheims2020 @Rheims2020

di kusang-loob na pagtatrabaho. Isa dito ang mga grupo ng mga nars na tinatawag na “PrisoNurses.” Kung kaya’t noong nagkaroon ng partial lift nagpasalamat sila sa Pangulo at ipinahayag ang kanilang pagasang tunay na matangal ang ban. Sinabi ng pangulo ng PrisoNurses na si Jerrick Gomez na matagal nang inaasahan ng mga nars na makakaalis para sa trabaho sa ibang bansa sa kabila ng mga panganib mula sa pandemya. “Leaving their families behind is never easy. But hard decisions have to be made to better the lives of their loved ones in the country,” dagdag pa niya. Ngunit, ayon sa Recruitment Leader na si Lito Soriano, ang karamihan sa mga health workers na nakakuha ng trabaho sa ibang bansa ay wala pa ring Overseas Employment Certificate (OECs) para sa mga umaalis na mga Pilipinong manggagawa at sa gayon ay hindi makalalabas sa bansa. Bagaman ang mga health workers ay may mga kontrata sa trabaho, sinabi ni Soriano na hindi sila maaaring mag-apply para sa OECs dahil ang mga tanggapan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay sarado maging ang mga ahensya ng pangangalap

The Lasallian Rheims

ay pansamantalang sinuspindi ang operasyon dahil sa pandemya. “When the POEA finally opened it decided to do manual processing for (healthcare workers) so it would take a while before the departing workers could secure the required documents,” paliwanag ni Soriano. Samantala, sinabi ng POEA chief na si Bernard Olalia na sinadyang ginamit ng ahensya ang manu-manong pagpoproseso upang malimitahan ang pag deploy ng health workers as ibang bansa. Dinagdag ni Olalia na sisimulan ng POEA ang online na pagpoproseso kapag tunay ng naalis ang ban.

3 Photo source: ABS-CBN News


Editor-in-Chief : Christian Dave Domingo Associate EIC: Lance Jerson Crisostomo News Editor: Jade Magno Cartooning: Seann Carpizo Features: Renz Bautista Poem: Justine Benedict Yalung Caption: Cassandra Mae Remotigue Arts: Alizee Remoticado John Czar Salaguinto Adrianne Meigh Gonzales Karl Portollano Allexandra Pascual Layout: Marcus Diego Mugol Adviser: Mr. Kent Bryan Colocado

WE ARE OPEN FOR

CONTRIBUTORS! Submit your work at

rheims@academyofsaintjohn.edu.ph

4

Priso-Nurses: Problema sa Deployment Ban ni Dave Domingo

N

oong Abril, pinagbawalan ang mga health care workers na umalis ng bansa upang matugunan ang paglalaan ng mga tao para sa National Health Care System. Maraming nars ang hinarang sa Ninoy Aquino National Airport, at pinagbawalang bumalik sa kanilang mga kontratang trabaho sa United Kingdom at iba pa. Ayon kay Teodoro Locsin Jr., ang desisyon na ito ay lumalabag sa konstitusyon: right to travel, inviolability of contracts, at punitive ex-post facto resolution. Maraming Pilipinong nars ang hindi sumasang-ayon sa deployment ban. Sa kasaysayan ng Pilipinas, maraming nars ang umaalis ng bansa upang makakuha ng mas mataas na sweldo at mas magandang kondisyon sa pagtatrabaho. Ngunit dahil sa deployment ban, maraming nars ang napilitang magtrabaho sa Pilipinas. Marami sa kanila ay nararamdaman na walang karapatan ang gobyernong pilitin silang manatili sa bansa “I myself worked here in the Philippines before and volunteered for 6 months without pay. The government never appreciates nurses, you can’t blame them for wanting to go abroad. Nurses here are underpaid, overworked and under appreciated. Now they want our help?” Ito ang nasabi ng isang nars na rehistrado sa United Kingdom na pinigilang bumalik at nagsimulang boluntaryong magtrabaho para sa Department of Health. Ayon kay Chiara Cruz na dating nagtrabaho bilang nars, ang

The Lasallian Rheims

sahod kada buwan ay hindi hihigit sa P10,000. Kung kaya’t noong nakakuha siya ng trabaho sa ibang bansa. “It’s a dream come true,” ani niya. Pero noong nagkaroon ng Luzon Lockdown, ang bakasyon niya sa Pilipinas ay naging trahedya. “I used to earn P8,000 a month in the Philippines. Does the government really think poorly of us? Because of the pandemic our lives are at stake here. It’s a life and death situation. The P500 daily allowance for volunteering is not worth the life of a person,” daing niya.

“The government never appreciates nurses, you can’t blame them for wanting to go abroad.” Ang sitwasyon ng mga nars sa Pilipinas ay mahirap. Mababa ang sahod at maraming trabaho kaya maraming nars ang naghahanap ng pambuhay sa pamilya sa ibang bansa. Ngayong pinagbabawalan ang mga nars na magkaroon ng matatag na kabuhayan, nagkakaroon ng mga protesta mula sa hanay ng mga nars. Ang mga health care workers ang tinatawag nating mga bayani sa panahong ngayon. Ganito ba dapat tratuhin ang mga bayani ng bansa? Ninanais ng gobyernong panatilihin ang mga nars sa Pilipinas. Hindi nila dapat hinahanap kung papaano sila pananatiliin, kundi bakit sila umaalis. facebook.com/Rheims2020 @Rheims2020


Guhit ni: Seann Carpizo

HINDI KA NAG-IISA Ang kalusugan nating pangkaisipan ay napakadaling isantabi lalo na sa panahon ngayon kung saan lahat ng atensiyon ay nakatuon sa pandemya at pagbangon ng bansa mula sa sitwasyon natin ngayon. Bakit kung ano pa ang mahalaga sa kabuuang kalusugan natin ang laging pinapabayaan? Kinakalimutan? Pinagkakaitan ng pansin ng mga taong sila mismo ang dapat na unang tumutulong at gumagabay sa atin sa mga oras tayo’y nawawala sa landas? Sa oras ng pandemya ngayon, pisikal na interaksiyon ay iniiwasan. Anim na buwan na halos ang nakalilipas ng kakaunti lamang na pakikihalubilo’t pagsasama sa mga kaibigan, at kapamilya, maliban sa pag-ttext at pagtawag natin sa kanila. Ngunit hindi padin ito gaya

ng dati. Dahil sa pagkalayo-layo’t pagdidistansiya na ating inoobserbahan ngayon, marami nag nakakaramdam ng pagkalungkot at pagiisa. At hindi lahat ay mayroong tao na kanilang napagsasabihan nila ng mga problema nila. Lalo na ngayon at naging panibagong normal na ang online learning. Hindi lahat ay nakakasabay dito. Madaming mga tao ang bumibigay mula sa lahat ng pighati, pag-aalala, at tensiyon na idinudulot nito sa kanila. Masakit man sabihin, pero mayroon ng mga sumuko sa buhay dahil sa mga kahirapan kanilang naranasan mula sa online classes. Kaya nararapat na maintindihan ng lahat na importante ang kalusugang pangkaisipan natin. Madami ang nagkikimkim at hindi

naglalabas sa kanilang mga kakilala ng mga paghihirap na meron sila, kaya lagi mong kausapin at kamustahin ang mga mahal at kaibigan mo. Sa panahong ganito, walang mas importante kundi komunikasyon. Minsan, kailangan lang nila na mayroon silang kausap. Minsan ang isang pangangamusta sa kanila, kung nakakain na sila, o kaya naman ang simpleng pagbati lang ng “magandang umaga” ay sapat na para sila’y mas sumigla. Isang tao na kanilang mapagsasabihan at mapagkukwentuhan ng mga damdamin nila. Mapa-kaibigan, mahal sa buhay, kapamilya, guro, kahit sino. Kasama na din doon ikaw, maaaring para sa iba, ikaw ang magsisilbing tagapakinig sa mga karamdaman nila. At kung mangyari man na ikaw sa sarili mo ay malungkot, wag kang matakot na humingi ng tulong at kausap. Mahalaga ka din.

“May mga taong nag-aalala at mahal ka, kaya wag kang matakot na magsalita. Mayroon palaging tao na nandiyan para sa iyo.”

ni Seann Carpizo

FILIPINX AT PINXY, TULARAN O HINDI? ni Seann Carpizo Kamakailan, isang isyu ang sumakop sa Twitter at Facebook na nagdulot ng sandamakmak na pagdedebate at pagtatalo sa internet. Ito’y dahil sa paglaganap ng terminolohiyang “Filipinx” at “Pinxy” na naidagdag at nailimbag sa dictionary.com, na isinasaad na maaaring gamitin ang mga itong bilang pamalit na pantawag sa mga Pilipino. Tulad ng inaasahan, madami ang hindi sang-ayon dito. Ang rason para dito ay dahil iminungkahi din nito na hindi gender-neutral ang ating sariling linggwahe, kahit na karamihan sa facebook.com/Rheims2020 @Rheims2020

mga panghalip na ating ginagamit ay napapasailalim dito. Isa din sa mga naging isyu ng mga tao dito ay ang pinagmulan nito, na nanggaling sa salitang “Latinx”. Hanggang sa kasalukuyan, napakadami’t napakalaki na ng mga naging impluwensiya’t pagbabagong dulot ng mga iba’t-ibang kultura mula sa labas ng ating bansa, bakit padin natin to pinapahintulutan? Ni hindi nga natin ginagamit ang letrang “X” sa ating alpabeto. Dapat nating ipagmalaki ang sarili nating pinagmulan at kultura kung paano ito nakasaad, hindi

The Lasallian Rheims

natin kailangan pang kumuha ng mga iba’t-ibang aspetong kultural mula sa labas, kundi dapat pa natin pagyabungin, palaguin, at pagyamanin ang sariling atin. At bilang isang estudyante, ano ang maaaring mong gawin? Ipakita mo ang iyong pusong Pilipino ngayong ALK sa ating paaralan, kung saan ating kikilalanin ng husto ang mga iba’tibang panig na bumubuo sa ating kultura bilang isang paraan ng ating pag-tangkilik dito. Gamitin mo ang iyong talento, at ipakita mo ang iyong dignidad at saloobin bilang isang Pilipino.

5


RHEIMS SPECIAL: SEPTEMBER

BALITA

Art by: John Czar Salaguinto, Grade 11 - St. Benilde (1st Place)

LINGGO, OKTUBRE 4, 2020

VISION-MISSION WEEK ONLINE by Jade Magno Academy of Saint John’s Vision-Mission Week contest still pushed through despite the pandemic. “Even in the comfort of their own homes, we see to it that these activities be made possible in order (to) enhance students’ ideas towards life-long learning.” ASJ’s Principal Mr. Richard Pineda said. September 4, Friday, contests like kids coloring for the lower level students, artwork making and storytelling for the higher level, vlogging and digital artwork for high school students and quiz bee for both

high school and grade school pupils were held online through Schoology. According to Pineda, the Principal’s Council met to finalize the programme and the mechanics for the different contests that will be held. They made sure that the activities are suited for the skills today’s generation. “We decided to handle contests online that will still cater the interests of our students and at the same time anchored to the Vision-Mission of the school.” Math and Science coordinator Mr. Cris Dulutan said.

Vision-Mission ALIVE IN TIMES OF PANDEMIC

by: Jade Magno Academy of Saint John celebrates the Vision-Mission week with the theme Vision-Mission: Alive in times of pandemic. “Even in times of uncertainty the Academy of Saint John is eager enough to be awaked and to see the positive side of this pandemic.” said Mr. Richard Pineda. According to him, the theme for this years’ Vision-Mission week makes peculiar ASJ’s natural decision to empower its mission in spite of today’s complexity. Additionally, he talked about how the activities in the Vision-Mission week can reflect on what the students can share to the society after graduating. “I say that the vision and mission of our alma mater serves as a parameter of excellence; a reminder that life doesn’t just end within the four corners of the room and that there is still so much more that we can do.” alumnus Kent Christian Go said.

Art by: Alizee Remoticado, Grade 10 - St. John (1st Place)


RHEIMS SPECIAL: SEPTEMBER

BALITA

LINGGO, OKTUBRE 4, 2020

Nagpapamalas ng kanilang pagkamalikhain ang mga mag-aaral sa high school level ng Academy of Saint John para sa selebrasyon ng Araw ng Lahing Kayumanggi. September 12, 2020.

ALK ONLINE

husay-pilpino pinamalas ni Dave Domingo

Ipinaliwanag ng Filipino Academic Coordinator na si Gng. Aileen Posadas na ang layunin ng pagdiriwang ng Araw ng Lahing Kayumanggi ay upang ipakita ang mga talento ng mag-aaral sa mga piling larangan tulad ng pagguhit, pagtula, at iba pa.

makakuha ang mga magaaral ng mga awitin na nakasalin sa wikang Pilipino; ganoon din ang pagpapahalaga sa katutubong sayaw, kung bakit mayroon tayong paligsahan sa pagsayaw, pati ang pagbigkas ng tula ay upang mapakita kung gaano kahusay ang Pilipino sa wika,” ani ni Posadas.

Sa isang interbyu noong ika-19 ng Setyembre, sinabi ni Posadas na maliban sa pagpapakita ng husay sa mga iba’t-ibang larangan, layunin din ng ALK ang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.

Idinagdag ni Posadas na sa panahon natin ngayon, hindi maiiwasan na nahahaluan na tayo ng banyagang salita. Hinalimbawa niya na karamihan sa mga bata ngayon, wikang Ingles ang ginagamit sa loob ng tahanan at paaralan.

“Napakahalaga ang pagsagawa ng mga paligsahan upang ipakita ang mga talento ng mga mag-aaral at kanilang mga husay sa iba’t ibang larangan. Kasabay nito, naisin din ng programa na facebook.com/Rheims2020 @Rheims2020

Kung kaya’t, sa pagdiriwang ng ALK, nabibigyan sila ng pagkakataon na magsalita sa buong maghapon ng wikang Pilipino kasabay nito ang pagsali nila sa

mga paligsahan na Filipino ang gamit na wika.

“Aaminin naming nahihirapan kami, paano gagawing online? Paa Sinabi pa rin ni no tayo magdiriwang ng Posadas na isang paraan ALK na online,” ani niya. upang maging isang ‘proud Pilipino,’ na isang “grad- Sinabi niya na dahil uate attribute” ng Acade- nagkaroon na ng kasanayan my of Saint John, ay ang ang mga guro sa ‘normal boluntaryong paglahok set up,’ kung saan madaat pagpapakita ng interes li ang preparasyon, mula ng mag-aaral sa pagamit sa paghahanada ng enng Filipino sa mga pala- tablado, paglalagay ng hok sa ALK, tulad ng dekorasyon, at pagimbita pag-awit, pagsulat at pag- sa mga hurado, nahirapan bigkas ng tula, at pagsayaw mag-ayos ang mga guro. ng mga katutubong sayaw. Idinagdag niya Dagdag niya, “Ito ay na ang mga hurado pagpapakita ng pagmama- ngayong taon ay sina G. laki sa lahing Pilipino.” Darwin Losing, G. Arvie Bayan at G. Joel Cenizal. Samantala, ipina- Pinaalala din ni Posadas hayag din ni Posadas na na ang tema na ginagmaraming hamon na hi- amit sa ALK, na ukol sa narap ang ASJ sa pagha- pagpapahalaga sa wikang handa ng ALK ngayong Pambansa, ay alinsutaon dahil sa pagbabago nod sa ibinibigay ng Detungo sa online medium. partment of Education.

The Lasallian Rheims

7


BALITA

“It’s okay to ask for help” RHEIMS SPECIAL: SEPTEMBER

by Jade Magno The Rheims Publication and some members of the Multimedia team together with Ms. Cyril Mamaril had an interview with Ms. Eizaleen Fusingan, a psychology professor in University Santo Tomas, about mental health in times of pandemic. Questions about mental health, tips and tricks on how to deal with stress especially during this time was asked to Ms. Eizaleen Fusingan, September 28, Monday. “Mental Health should be observed during this time (because) some have difficulty in terms of adjusting to this kind of situation that we have right know” said Fusingan. When asked about how to determine if someone is suffering from a mental illness, Fusingan said that the way a person cope in their day to day situation, their change in routines, change in eating and sleeping behaviors, their withdrawal from other people, and also their quality of thought can help in determining if a person is being affected by a mental health disorder.

LINGGO, OKTUBRE 4, 2020

Psychology Professor Eizaleen Fusingan talks about mental health with the Rheims Publication and Multimedia team via Zoom, Monday, Sept. 28.

“The person should actually be encouraged or motivated to seek for help, because you know it’s okay to seek for help” she said. Additionally, Fusingan also discussed about the factors that can contribute in our stress during this pandemic just like the inconveniences that we can’t control that in turn affects the virtual learning process. This also includes the distractions that students encounter during online class and the lack of social interactions that this pandemic caused.

Fusingan shared tips like setting for online classes and home responsibilities. She furthered that communicating to parents about the responsibilities that a student has can help with time management. She also talked about making use of journals and organizers, finding out the best way to cope with online classes and asking help from classmates can help a lot with distressing. “Do the things that you enjoy doing, that’s really important especially after class,” Professor Fusingan said.

MENTAL HEALTH WEBINAR FOR PARENTS

by: Jade Magno A webinar was held for the ASJ parents via Zoom about the Do’s and Don’ts during distance learning and about mental health and psychological well-being of the children. September 19, Saturday, parents of Kinder up to Grade 7 students together with teachers gathered in a Zoom meeting to watch a video prepared by REX Book store titled “Distance Learning: Do’s and Don’ts” by Dr. Michele Alignay.

8

Another video that was sent by the REX Bookstore was “SEL Saturdays: Well-being in the age of disruption and uncertainty” with Dr. Shiela Marie Guevarra-Hocson as speaker. This was played in a Zoom meeting by the homeroom advisers and was attended by the parents of grade school pupils and high school students last September 21 and 22 respectively.

The Lasallian Rheims

facebook.com/Rheims2020 @Rheims2020


RHEIMS SPECIAL: SEPTEMBER

BALITA

LINGGO, OKTUBRE 4, 2020

Mental Health:

Pangalagaan at Huwag Pabayaan ni Lance Crisostomo

“Ang kalusugan ay di lamang para sa pisikal na katawan ngunit sa pangkalahatan ng isang tao.” Isa sa pinakamahahalagang aspeto ng kalusugan ng tao ay ang kanyang pag-iisip. Sa pamamagitan nito, ang isang tao ay nakapag-iisip at nakakikilos ng maayos sa kahit anong pagkakataon. Ayon sa World Health Organization, “Mental health is a state of well-being in which an individual realizes his or her own abilities, can cope with the normal stresses of life, can work productively, and is able to make a contribution to his or her community.” Ibig sabihin hindi lamang ito tungkol sa hindi pagkakaroon ng kahit anong komplikasyong pisikal, ngunit sa pagpapanatili ng kabutihan at kaayusan ng ating pag-iisip. Ang pagpapanatili ng malusog na pag-iisip ay talagang mahalaga.

facebook.com/Rheims2020 @Rheims2020

Maraming bagay ang nakaaapekto sa mental health ng isang tao. Ilan sa mga ito ay ang kapaligiran na kung saan tayo naninirahan o nagtatrabaho, mga karanasan at pangyayari na ating nakikita pati na rin ang mga bagay na ginagawa niya. Lahat ng mga ito ay nagpapakita kung gaanong kagaan at kung nasaang direksyon ang pag-iisip ng isang tao. Ngunit ang tanong ng nakararami ay kailan nga ba malalaman kung may masamang nangyayari o hindi kaya’y may nakaka apekto na sa mental health ng isang tao? Ayon kay Eizaleen Fusingan, isang psychologist at registered psychometrician, malalaman natin na may nakaaapekto na sa mental health ng isang tao kung titignan natin ang pagbabagong nangyayari sa kanya. Ang pagbabago sa pagkain, pagbabago sa ugali at ang koneksyon at kumonikasyon ng isang tao ay

The Lasallian Rheims

ilan lamang sa mga nabanggit ni Fusingan na dapat bantayan. Ang mga pagbabagong ito ay maaring magdulot ng komplikasyon sa mental health ng isang tao. Nariyan na anxiety and depression, panic disoreders, phobias, mood disorders, at marami pang iba. Dahil sa mga komplikasyon na ito, nagbabago ang pananaw ng tao sa kanyang pang araw-araw na pamumuhay at gawain. Mula sa pagkakaroon ng positibong pananaw ay napupunta ito sa pagiging negatibo. Kasabay nito, nawawala ang pagiging produktibo at kasiyahan sa gawain ng isang tao. “It’s ok to seek for help,” ani ni Fusingan. Nariyan ang mga guidance counselors sa paaralan at mga doktor upang tulungan ang lahat upang mapanatiling malusog ang ating kalusugang pangkaisipan.

9


RHEIMS SPECIAL: SEPTEMBER

LATHALAIN

LINGGO, OKTUBRE 4, 2020

O Stress Lubayan Mo Ako ni Lance Crisostomo

Ikaw ba ay pagod na sa pang-araw-araw na gawain mo? Ikaw ba ay naiirita sa mga tao at bagay sa paligid mo kahit sa napakaliit na dahilan? Nakararamdam ka na ba ng sakit ng ulo dahil sa gawain sa trabaho o paaralan na sinasabayan ng pansariling problema? Hinay hinay ka muna at baka ikaw ay nakararamdam na ng stress na maaaring bumago sa iyo di kalaunan. Ang stress ay ang pagkakaroon ng pakiramdam ng tensyon ito man ay emosyonal na tensyon o pisikal na tensyon. Ang tensyon na ito ay maaaring mula sa mga pangyayari na nagdadala sa iyo na magalit, kabahan, malungkot at marami pang iba. Maaari rin itong maramdaman dahil sa kombinasyon ng problema, dami ng gawain, isipin at iba pa. Kung hindi natin aagapan, maaari tayong makaranas ng anxiety, depression, insomnia at marami pang problema na babago sa atin. Mula sa normal nating pamumuhay ay mas dadalas ang ating pagkaramdam ng pagod, pagkainis kahit sa maliit na dahilan, madalas na pananakit ng ulo at ang pagpasok ng mga negatibong kaisipan - ilan lamang iyan sa mga maaaring idulot ng stress sa atin. Ang malaking katanungan sa ating lahat partikular na sa mga mag-aaral at guro, ano nga ba ang mga puwede nating gawin upang sa gayon ay mabawasan ang nararamdamang nating stress? Sa aming panayam kay Eizaleen Fusingan, isang psychologist at registered psychometrician, marami raw na paraan upang mabawasan ang stress na nakaaapekto sa atin.

10

Ang paggawa sa mga bagay na nakapagpapasaya sa atin ay isa sa mga puwede mong gawin. Kung panonood man yan ng mga videos na nakatatawa o paglalaro ng isports basta’t nakapagpapasaya sa iyo, makatutulong iyan upang mabawasan ang iyong stress. Ang pagkakaroon ng mga break ay makatutulong din. Ang pag-stretch ng katawan at breathing exercises ay mga bagay na puwede mong maging break activity. Ang pagtatanim ng halaman rin ay isang paraan upang mabawasan ang stress. Nakatutulong ang pagtatanim upang makalayo pansamantala sa mga gawain at makahinga’t makalanghap ng sariwang hangin. Ang palayo sa screen ng iyong gadget ay makatutulong rin upang maibalik sa tamang direksyon ang iyong isipan at mapakalma ang sarili. Sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na ito, iyong mararamdaman ang pagkakaroon ng magaang pakiramdam, pagkabawas ng mga alalahanin, at pagkakaroon ng pahinga sa iyong isipan at katawan. Kung tutuusin ay hindi naman masama ang stress sa katawan, ang masama ay ang lubos-lubos na stress. Palaging tandaan maraming bagay ang pwedeng gawin upang mag de-stress.

The Lasallian Rheims

facebook.com/Rheims2020 @Rheims2020

Larawan ni: Mykhaylo Pelin


RHEIMS SPECIAL: SEPTEMBER

LATHALAIN

LINGGO, OKTUBRE 4, 2020

Guhit ni: Adrianne Meigh Gonzales

“Pagod na Kami”

The Struggle of the Health Frontliners in the Philippines by Renz Bautista

The Covid – 19 Pandemic tested the healthcare system of every country if they can accommodate the increasing number of cases of the said virus. In the Philippines, with thousands of Covid positive patients daily, nurses and medical frontliners are required to report on duty to take care of the confined positive patients. The rise of the cases of Covid – 19 from April up until to this day alarms the healthcare system in the Philippines as it can only cater to some amount. Nurses and medical frontliners work more than the regular shift in the hospital, wearing their PPEs with minimal time for eating and going to the restroom, for at least 12 hours. Due to the increasing number of patients and the understaffing of nurses, our front liners are very exhausted, with the risk of exposure to the deadly virus. The Philippines has over 300,000 Covid cases as of this writing, and a fraction of these cases are the medical frontliners, with facebook.com/Rheims2020 @Rheims2020

over 6,000 medical frontliners are infected with the virus (as of August 28, 2020). Recently, the frontliners received harsh comments from the President, Senator Cynthia Villar, and some netizens that the medical frontliners protesting that they are tired and exhausted from working and they need a rest. “Hindi na siguro. Pagbutihin nila trabaho nila.” Villiar commented. The comment from the senator received a lot of backlash from netizens saying that the statement was insensitive and disappointing for the side of the frontliners. Duterte replied with numerous statements regarding the protests that the government should improve its response in the pandemic. Duterte said that medical frontliners should lengthen their patience in his statement,”Habaan na lang ninyo ‘yung pasensiya ninyo and your fervor na ikaw ay isang medical na tao, at tiwala kami sa inyong kakayahan. We are aware that you are tired, that you have worked even beyond 24 hours a day”. “Pero ito kasi

‘yung...wala kaming matakbuhan. Kayo ‘yung nag-aral, kayo ‘yung may alam,” he also added.” The frontliners in that time also requested stricter quarantine rules to ease the rising of Covid cases. Entry level nurses working in public hospitals will now get a higher pay after the Department of Budget and Management increases their pay. According to the Budget-Circular 2020-4, entry-level nurses are entitled to a salary bracket of Php. 32,053.00 to Php. 34,801.00 from the previous salary bracket, Php. 22,316.00 to Php. 24,391.00, which is a big increase. Experienced nurses get a salary of Php. 40,381.00. The base salary is accompanied with daily hazard pay. However, the nurses are still dismayed for this increase because the time and sacrifices they made is not worth for the salary they receive. Singaporean nurses receive as much as Php. 200,000.00 monthly, and Vietnamese nurses take home Php. 63,200.00 monthly, which is a big margin in com-

The Lasallian Rheims

parison with the salary bracket here in the Philippines. Complains also arose when some frontliners do not even receive hazard pay. Under R.A. 7305 (The Magna Carta of Public Health Workers) health workers “in areas declared under state of calamity or emergency for the duration thereof… shall be compensated hazard allowance equivalent to at least 25 percent of the monthly basic salary of health workers receiving salary grade 19 and below, and five percent for health workers with salary grade 20 and above.” The medical frontliners and healthcare facilities are two of the biggest assets of a country facing the Covid – 19 pandemic. They are our source of hope for the meantime since they facilitate the confinement and recovery of the Covid – 19 patients. Let us appreciate their work and contribute to their health and safety by following health protocols, going out only for essential work and activity, and giving them prayers and support.

11


The Toponymy of the Past by: Justine Benedict Yalung


Letters line the breath of history, a cry of those before, A lexicon to bridge the past and the sweet bye and bye. Ink pools and quills cement agony and progress, Word of mouth travels to the castle-criers and kings. Stronger than a lover’s love is a lover’s hate, Incurable in the wounds they make. Art to the eye is romantic, History is a burden semantic. Rage, rage, against a rebellious time, Only in shattering can the rebuilding occur. In an age unlike our own, We will be remembered. The fool doth think he is wise, But the wise man knows himself to be a fool. To seek a great perhaps, The archives grow.


Thumbs brush over palms, a gesture vehement Dutifully as the seams tear, fears waxed One by one bound, security threadbare Unmistakable, sincerity waning A thankless duty, a senseless instinct Crimson stains on nails, sheets weaved in a flurry Among masks adorned and gowns worn A little tear slips into the dark Claps and whistles ring in the crowd, Arms wrung like copper, sweat into iron Stomach coiled like a caliphate, The only sin you cannot deny A child, flushed cheeks, You, mother in hand See the smile you formed today And give back your own

- Justine Benedict Yalung


WE SALUTE ALL

Frontliners


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
RHEIMS SPECIAL: SEPTEMBER by The Lasallian Rheims - Issuu