Hiraya
PABALAT CASEY QUIMORA
HIRAYA Ang unang magasin sa wikang Filipino ng Academy of Saint John
LIHAM MULA SA PATNUGOT
Noong nakaraang Enero hanggang Marso, nagkaroon ng mga webinar ang Gawad Alab ukol sa iba’t ibang anyo ng sining tulad ng pagsulat ng sanaysay, tula, at marami pang iba. Sa siyam na webinar, dalawa sa mga nagsalita, partikular na sina Dr. Juanito Cabanias at Prof. Xiao Chua, ang nagpaalala sa buong komunidad ng ASJ na kailangan nating magsulat ng mas madalas gamit ang ating Wikang Pambansa. Hiraya - bunga ng pag-asa, pangarap at hangarin. Nagsamasama para sa proyektong ito ang mga mag-aaral na mayroong hangarin na gamitin ang kani-kaniyang mga talento upang palaganapin at pagyamanin ang wikang Filipino. Mula rito ay nabuo ang Hiraya - ang kauna-unahang magasin sa ASJ na gumagamit ng purong wikang Filipino. Tampok sa Hiraya ang iba’t ibang sanaysay, tula, haiku, obra, at mga larawan na nanggaling mismo sa mga miyembro ng The Lasallian Rheims at sa mga mag-aaral at guro na naging kalahok sa katatapos lamang na Gawad Alab. Ang lahat ng mga likha ay pinag-isa sa magasing ito upang ipalaganap ang kahalagahan ng Wikang Filipino at ang pagmamahal dito. Hiraya - ang bunga ng hangarin ng buong Lasallian Rheims na ipalaganap ang wikang Filipino at pagyamanin ito. Ito ang simbolo ng aming walang sawang paggampan sa aming tungkulin bilang tagapamahayag sa iba’t ibang anyo, mapasulatin man, obra, o mga iba’t ibang uri ng midya. Kahit ilang ulit man kaming sumulat, lumikha ng obra, at gumawa ng mga grapika, patuloy kaming didiretso sa landas ng aming serbisyo. Ang Hiraya ang nagpapatunay sa aming dedikasyon at katapatan para sa serbisyo hindi lamang para sa aming sariling tagumpay ngunit para na rin sa paaralan, sa bayan, sa bansa, at sa Maykapal. Sa ngalan ng tapat na pamamahayag at serbisyo sa komunidad,
Lance Jerson C. Crisostomo Punong Patnugot
MGA MANUNULAT AT TAGAPAGLIKHA LANCE CRISOSTOMO Punong Patnugot
RENZ BAUTISTA
Tagapamahalaang Patnugot/Talatag
ANDREW DELA PLANA MARIELLE NAVARRO KYZZIA PAGUIRIGAN BEN NIVERA LEMMOR LATAZA Manunulat
SOFIA MALVAR HEIMI PATRIARCA ALIZEE REMOTICADO CASEYLYN QUIMORA SHAWN TEVES RINEAI VENTOSO
G. KENT COLOCADO Gurong Tagapayo
GNG. VICTORIA GALLARDO Ikalawang Punongguro
G. RICHARD PINEDA Punongguro
GNG. DAISY ROMERO Kasangguni ng Paaralan
Dibuhista
Mga Kontribyutor
SAMUEL ROBLES ARIANNE DESEO ALLEN RONQUILLO ELMIRA MARCAIDA JOSHUA GUEVARRA ASHER MARCELLANO LORENZO FIGUEROA JOEFF BOBADILLA
JOHN CZAR SALAGUINTO ATASIA PINEDA GNG. ASUNCION GUANIO-ISON G. JM MALANGIS BB. GLADYS GEREÑA GNG. AVEGUEL SALE
MGA NILALAMAN SALAYSAY
KABANATA I
08
PIYESA 34 KABANATA II
LARAWAN 46 KABANATA III
SAL
MGA A
8
LAYSAY
ANEKDOTA, SANAYSAY, AT PANITIKANG SARILING ATIN
9
Huling Minuto: Pinto sa dalawang dimensyon ni Lance Crisostomo
“Class, last 5 minutes before the assessment closes,” ika ni ser. Ang lahat ng mag-aaral ay biglang nakaranas ng labis na kaba at takot. Ito na ang huling limang minuto na magsisilbing huling pagkakataon na siguraduhin na tama ang sagot na nakuha. Maririnig mo ang mabilis na pagpindot sa kalkulador, paulit-ulit na pagsusulat at pagbubura, at mga expresyong nagpapahiwatig ng kawalang kasiguraduhan. Kahit alam ko naman ang gagawin sa bawat suliranin ay hindi ko pa rin napigilang mangamba at mangatog ang mga tuhod. “Tama ba to? Eto ba ang hinahanap na sagot ni ser? Parang may mali, hindi ba?” Ang huling limang minutong iyon ay naging limang minuto ng pagkukuwestiyon ko sa aking sariling gawa. Kamag-aral, kumusta? Isang linggo kang dumigma sa mga mahahabang pagsusulit na may malaking epekto sa iyong marka ngayong kapat. Sa loob ng isang linggo ay tumahak ka sa isang daang puno ng sorpresa. Sa sobrang daming leksyon at lekturang iyong babalikan, tiyak na nagkaroon ka ng 10
pagkakataon kung saan hindi mo alam saan magsisimula o kaya’y anong uunahin. Maghapon, magdamag kang nagbasa ng mga lektura, nagkabisa ng mga terminolohiya, at nagsanay para sa sipnayan at agham. Siguro’y gumigising ka pa sa madaling araw upang magbasang muli at siguraduhing handa ang sarili para sa pagsusulit. Mula ikawalo ng umaga hanggang ikaisa ng hapon - kumuha tayo ng iba’t ibang uri ng pagsusulit tulad ng identipikasyon, pagpili sa tamang sagot, paglikha ng sanaysay, at iba pa. Mayroon pang mga asignaturang kombinasyon ng mga nabanggit ang binigay. Sa bawat sagot na iyong pinipili ay may pagdadalawang isip ka no? Hindi mo malalaman kung ito ba ang tama o maling sagot hangga’t hindi natatapos ang pagsusulit. May mga pagkakataong papalit-palit ka ng sagot o di kaya’y pinili mo kung ano ang sa tingin mo’y tama base sa iyong intuwisyon. Patuloy na nagtatalo ang iba’t ibang bahagi ng iyong isip sa mga tanong na nasa pagsusulit. Hanggang sa pagpindot mo sa
(ipagpatuloy sa pahina 8)
submit, pagpatay ng Zoom conference, at pagkain mo ng meryenda ay naiisip mo parin siguro ang pagsusulit na iyong kinuha. Isang linggo natin ito ginagawa sa iba’t ibang asignatura, nakakapagod ‘di ba?
aralan. Hindi mo lamang nililinlang ang iyong guro, pati na rin ang iyong mga kamag-aral at sarili. “Last one minute class,” ika ni ser sa dakong 12:39 ng hapon. Katatapos ko lamang kuhanan ng larawan ang aking mga sagot Ngayon, tatanungin kita ka- at ilagay ang mga ito sa assessmag-aral. Kumusta naman ang mga ment. Pinapawisan, kinakabahmarka mo? Mataas ba ito? Nakamit an, nangangatog - iyan ang aking mo ba ang minimithi mong marka? mga karanasan sa huling minutong Siguro ang iba sa atin ay tuwang-tu- iyon. Kahit na alam kong tama ang wa sa kani-kaniyang marka. May- aking mga ginawa ay may bahagi roon din sigurong iba na dismaya- pa rin sa aking isipan ang nangando o ‘di kaya’y kontento na sa kung gamba. “Hay, wala nang panahon anong nakuha. Para sabihin ko para sa pagkukuwestiyon. Naninisayo kamag-aral, kahit anong mar- wala akong tama ang ginawa ko.” ka man ang natamo mo, saludo pa Dahan-dahan kong ginalaw ang rin ako sa’yo. Bawat puntos, bawat aking mouse at pinindot ang subtamang sagot na iyong nakuha - mit. Matapos maipasa ang pagsuprodukto iyan ng sakripisyo, tiyaga, sulit ay dali-dali akong tumayo at at pagpupursigi mo. Hindi man ikaw huminga ng maluwag. Sa wakas, ang pinakamataas, alam ko’t alam tapos na ang isang linggong pagmo rin na ginawa mo ang maka- susulit. Kung ano mang markang kaya mo. Hindi ikabababa ng digni- aking makukuha ay tatanggapin dad mo kung mababa man ang ko ng buo sapagkat pinaghirapan, marka mo o nasa tamang lebel iniyakan, pinagsakripisyuhan, at lamang. Ang mahalaga ay ginawa ipinaglaban ko ito. Pero sa ngayon, mo ang iyong makakaya at naging dito muna nagtatapos ang isang tapat ka sa ngalan ng karunungan madugong kapat at panahon na at kaunlaran bilang isang tao. Aan- upang magpahingang panandalia’t hin mo ang mataas na marka kung saka maghandang muli para sa ito nama’y isinubo lamang sa’yo isa nanamang mahabang kapat sa habang ang iba’y nahihirapan sa taong-pampaaralang ito. [R] pag-alala sa kanilang mga pinag-
11
12
ni Renz Bautista
Pano kung Filipino ang gamit sa pagtuturo ng Math?
13
Habang binubuklat ko yung bagong biling rebyuwer ko para sa mga pagsusulit na ibinibigay kapag ikaw ay mag-aaply sa isang unibersidad, nabuklat ko ang seksyon kung saan nakasulat sa wikang Filipino ang mga tanong sa Matematika (o Sipnayan). Isa sa mga halimbawa ng tanong na aking nakita sa rebyuwer ay “Hanapin ang mas maliit sa dalawang positibong buumbilang kung saan 4 na minultiplika sa isqueyr ng una at idinagdag sa 7 na muniltiplika sa isqueyr ng pangalawa ay 211 at ang diperensiya ng kanilang mga isqueyr ay -16.” Nakakadugo ng ilong no? Nagulat ako sa aking nakikita at nahamon ako na sagutan ang mga tanong dahil gusto ko masubukan ang aking kaalaman sa Filipino at sa Sipnayan. May mga bilang na mali ako sa pagkamarka ng aking mga sagot. Habang sinasagutan ko ang mga tanong, napapaisip ako kung paano nga ba kung biglang itinuro ang Sipnayan/Matematika gamit ang wikang Filipino imbes na sa kinasanayan nating Ingles. Marami ang malilito, kabilang na rin ako. Malilito tayo sa una kung ano ano ba ang mga ibig sabihin ng mga expresiyon at paano ba ito ituturo sa perspektib ng isang guro. Hindi natin puwedeng ibasta-basta ang pagtuturo nito dahil ang Sipnayan ay isang teknikal na subjek, tulad ng Agham. Ang mga konsepto at terminolohiya ay isasalin sa Filipino mula sa Ingles. Para masolusyonan ito, puwede hindi isalin ang mga kompleks na terminolohiya at mga operasyon (tulad ng square root, discriminant, inverse, cosine, sine, logarithm, differentiation, etc.).
14
Sa katunayan, gumagamit ako ng wikang Filipino upang maipaliwanag ko nang mas madali ang aking mga itinuturong mga konsepto kapag ako ay nagtuturo. Napapansin ko rin na mabisa para sa iba ang pagsasalin o paghahalo ng wika upang makapaliwanag ng isang konsepto, lalo na sa mga teknikal na paksa.
Siguro maganda itong subjek bilang isalng elektib sa mga unibersidad o sa mga eskuwelahan. Mayroon akong nabasa na tesis na isinulat ni Maxima Acelajado (1996) tungkol sa pagtuturo ng Matematika sa wikang Filipino.Nakalagay sa pananaliksik ang ilan sa mga salita sa Sipnayan na ibinaybay sa Filipino tulad ng buumbilang, fancsyon, nyumerator, coordineyt, kantidad, grap, eksponent, at iba pa. Marami dito ay isinalin base sa kung paano ito binabasa. Mayroon rin itong halimbawa ng mga tanong na nasa wikang Filipino mula sa Elementaryang Algebra hanggang Calculus. Sumatotal, wala namang masama kung ituturo ang Sipnayan gamit ang wikang Filipino kung ito ay bilang elektib lamang o opsiyonal. Ang masama lang para sa akin kung ipipilit na gawing Filipino ang lahat ng instruksyon sa nasabing subjek at lahat ng estudyante ay kailangang umangkop sa mga baybay sa Filipino. Kakaibang karanasan para sating lahat ang matuto ng Sipnayan na hindi gamit ang wikang Ingles na kinasanayan natin. [R]
15
Transpormasyon ng limang blanko ni Lance Crisostomo
Limang blankong papel - isang nakagigimbalang tema para sa isang sanaysay na aming ibinigay para sa isang mag-aaral. Limang blankong papel na walang bakas ng kahit anong tinta, kulay, mga parirala’t salita, o litrato man lang. Isang buwan ko nang iniisip kung paano sulatan ang temang iyon. Sa katunayan, kahit anong ideya o istilo ng pagsulat ang aking gamitin ay wala ni isa sa aking mga likhang sanaysay ukol roon ang nakapukaw sa aking atensiyon at imahinasyon. Sa muli kong pagbasa sa mga sanaysay na ito, pumasok ang isang ideya sa aking isipan at dito ko ninais na ilatag ito. Papel - simbolo ng buhay na mayroon ang tao. Bumalik tayo sa nakaraan, partikular na sa panahon ng ating kapanganakan. Sa pagkakataong ito ay mayroon tayong isang malinis na papel na hawak na may kaakibat na panulat. Sa araw-araw na tayo’y lumalaki, unti-unting nagkakalaman ang papel na hawak hawak natin. Mula sa mga unang salita, unang mga aksyong ginawa, sa mga karanasan, at sa mga nakilala - diyan nakabase ang mga laman na ating tinatala sa ating unang blankong papel. Patuloy na nagkakalaman ang unang papel na ito hanggang sa mapuno na’t wala nang ni isang titik ang magkasya. Mapuno man ito, ‘wag kang mag-alala dahil hindi lamang isa ang papel na handog para sa iyo. Mayroon pang ikalawang papel na maaari mong talaan at kulayan.
16
Sa paglipas ng panahon, dumadami ang ating mga kakilala at mga
koneksyon sa buhay dahil dito ay nagkakaroon ng saysay at kulay ang ating buhay. Kasabay nito ang paglawak ng ating mga karanasan, kaalaman, at karunungan. Dito na pumapasok ang mga kamalian at mga tagumpay ng ating buhay. Sa bawat tagumpay at kamaliang ito ay nagkakaroon tayo ng mga bagong kaalaman na humuhubog sa atin bilang isang mabuting tao. Sa sobrang bilis ng pagdating ng mga ito ay kasabay nito ang mabilis nating pagsulat at pagkukulay upang walang malimutang detalye. Kung magkamali ka man, magpatuloy ka lang sa pagsulat at pagkulay sa papel na ito. Sayang naman kung susunugin o kaya’y ibabaon mo sa lupa ang papel na iyan. Pakatandaan na ang bawat aksyon, tagumpay, at kamalian mo sa buhay ay humuhubog sa’yo bilang isang tao. Ayos lamang na sumobra ka ng kurba sa bawat linya o hindi pantay-pantay ang mga titik na iyong tinatala, ang mahalaga ay natututo ka rito at may kakayahan kang ituwid ang iyong pagkakamali. Hindi na mabubura pa ang mga pagkakamaling ito. Ang panulat na handog sa’yo ay walang pambura o kaya’y “redo” o “erase” na elemento na tulad ng sa MS Word o Google Docs. Magpatuloy ka lamang kapatid. Sa paglipas ng panahon at sa ating pagtanda, patuloy ang ating pagsusulat at pagkukulay sa mga papel na handog sa atin. Bawat pangyayari, tagumpay, pagbagsak, taong nakikilala, mga emosyong nadama, at mga ala-alang nalikha - lahat ay iyong itinala at
iginuhit sa mga papel na handog sa’yo. Sa sobrang bilis ng panahon at sa dami ng nangyari sa iyong buhay ay hindi mo na namalayan na malapit mo nang mapuno ang ikaapat na papel na hawak mo. Iyong nilapat ang mga huling pangungusap at mga huling kulay na sa tingin mo’y magpapaganda rito. Itinaas mo ang papel na ito at napangiti. Sa iyong isipan, alam mong hindi pa tapos ang buhay mo dahil may huling kabanata ka pang dapat gawin at dapat tapusin. Hindi mo pa tapos ang misyong ipinagkaloob sa iyo. Ikalimang papel - huling kabanata ng buhay. Sa paniniwala natin, ang huling bahagi o kabanata ng mga tula, sanaysay, at iba pang uri ng panitikan ay dapat may dating at anking gandang tinataglay. Patuloy ang iyong buhay kaya’t patuloy din ang iyong pagsulat, pagguhit, at pagkulay. Ngunit ‘di katulad ng sa iba, dito ay kakaibang pagsisikap ang nakikita sa’yo. Labis ang oras na binibigay mo sa huling kabanatang ito. Sa bagay, mawawalan ng saysay ang ilang dekadang paghihirap mo sa naunang apat na papel kung walang dating ang ikalima’t huling papel. Ilang taon ang lumipas ay malapit mo nang matapos ang pagsusula’t pagguhit sa ikalimang papel. Maliit na espasyong puti na lamang ang natitira. Sa pagkakataong ito, parang ayaw mo nang tapusin ang kabanatang ito. Dali-dali mong kinuha ang unang apat na papel at saka pinagnilayan. Dito ay nakita mo ang iyong mga simpleng simula na siyang naging daan upang maging ganitong kaganda ang mga sumunod na kabanata. Bumalik sa iyong ala-ala ang mga masasayang pagkakataon kasama ang pamilya’t kaibigan, mga tagumpay sa buhay, mga away, at mga sakripisyong ginawa upang makarating sa huling kabanata. Habang inaalala ang mga ito ay
hindi mo na namamalayan ang pagdaloy ng luha mula sa iyong mga mata. Wala nang atrasan. Gaya nga ng sabi ko kanina, walang “redo” sa buhay. Ang iyong buhay ay uusad lang paharap. Kailangan mo nang tapusin ang pagsula’t pagkulay sa ikalima’t huling papel mo. Alam mong hawak mo ang sariling mong oras pero iyan ang masakit na riyalidad na kailangan mong tanggapin. Hindi mabubuo at makukumpleto ang saysay ng buhay kung hindi mo pupunan ang natitirang puting bahagi. Ngayong tapos mo na ang limang papel, unti-unti mong pagmasdan kung gaanong kaganda ng iyong buhay. May mga baku-bako mang bahagi ang lima mong papel ngunit iyan pa nga ang ikinaganda ng iyong mga kabanata. Limang papel na naglalaman ng limang kabanatang ikaw mismo ang lumikha. Sa wakas, nakumpleto mo na ang istorya ng buhay mo. Ngayong tapos na ang iyong misyon at nabigyang saysay na ang iyong salaysay, dumating na ang itinakdang oras para sa iyo. Oras na upang iwanan mo ang limang papel na iyan sa mundong ito; unti-unting isara ang iyong mga mata, at ngumiti dahil naghihintay na sa iyo ang anghel na magdadala sa iyo sa susunod na habambuhay. [R]
“May mga bakubako mang bahagi ang lima mong papel ngunit iyan pa nga ang ikinaganda ng iyong mga kabanata.” 17
LIWANAG DILIM
18
Takipsilim
ni Marielle Navarro
Paningin mong umitim Magdasal ng taimtim Huminga ng malalim Liliwanag ang dilim
19
HATING-ISIP ni Ben Nivera
Nakakalitong mundo Naguguluhan ako Mga salungat dito, Anong pipiliin ko?
20
KAIBAHAN ni Kyzzia Paguirigan
Bukal ng katauhan, Kinaiya ang puhunan, Yugtong kinabukasan, Dalawang kahulugan.
21
HIMIG
Ang bawat pantig, Bawat musikang likha, Magandang himig.
ni Andrew Dela Plana
22
B A W A T Sa bawat tao, Buhay ay mahalaga, Huwag marahas.
T A O ni Andrew Dela Plana
23
KAPE
ni Renz Bautista
Pagkagising ko, iisang basong kape, bubungad sakin
24
Ngiti
Sindak ang tingin, Ngiti ay abot langit, “Kumain ka na?”
ni Andrew Dela Plana
25
HILING ni Renz Bautista
Hinihintay mo, Sabi mo kukunin mo, Ba’t di ka nagwish?
26
Mars
ni Lance Crisostomo
Natanong si Juan, “Juan, ‘nong kasunod ng Mars?” Mars… ‘di pautang
27
TRAYAL BALANS
ni Renz Bautista
Sumatotal mo, Hindi magkaparehas, Ulit ka ngayon 28
Pakundangan ni Lemmor Lataza at ng Lupong Editoryal
Wikang Filipino’y ating ipagmalaki ‘Pagkat ito’y sagisag na tayo’y malayang lahi. Ito’y ating dangal, diwa’t pagkakilanlan Wika ay sandigan nitong kasarinlan. Wikang Filipino’y ating gamitin Mayamang kultura’y kanyang sinasalamin. Kaloob ng Maykapal, pagsaluha’t mahalin ‘Di dapat itatwa, manapay lubos na galangin. Wikang Filipino’y huwag ipagkait Ituro sa mga bata, salitain ng malimit. Sa bawat baybay at bawat pagbigkas Sa wikang Filipino’y hatid ay buhay at lakas.
29
Pumapatak-patak, Mga pangarap nati’y nawasak Kumukulog-kulog, Ang pusong natutulog ay biglang naalog Ilang araw pa ba Ang aantayin ko para bumalik ka O ilang buwan pa ba para tuluyang makalimutan na kita Hindi, hindi ko pa kayang bumitaw Ang puso ko’y hinahanap lang ay ikaw. Ayaw ko, Ayaw ko pang lumayo, Ang ngiting hinahanap-hanap ko lamang ay sa iyo. Bakit? Bakit hindi ako makalimot? Bakit ang mga salita ko’y punong-puno ng poot? Ang mga luhang tumutulo mula sa aking mga mata, ay tila mga patak ng ulan na naglalaho na lang bigla Palakas nang palakas, Pabigat ng pabigat, Tulad ng maingay na ulan, damdamin ko para sayo’y hindi nawawalan.
30
Oo, oo alam kong nakahanap ka na Binabati kita, sana ikaw ay masaya Pero pano ako? Iniwan mo lang ako dito habang ang puso’y nagdurugo!
ULAN
Heto ako ngayon, nasa gitna ng ulan nangangarap na ako’y balikan bakit ba hanggang ngayon, hindi pa din ako makalimot Mukhang mabubuhay nalang ako tulad ng ulan, puno ng lungkot
ni Ben Nivera 31
PASKO ni Ben Nivera
Sa pagpatak ng hatinggabi Sa hapag kainan tayo’y nagtabi-tabi Mga putaheng nakahanda sa ating harapan, Kaybango ng amoy at kaysarap tingnan Mga kumukuti-kutitap na ilaw, na nakasabit sa punong kayganda. Mga bata’y nag-aagaw-agaw sa mga regalo, kaysaya. Belen na nakakamangha, sobrang ganda, ako’y ‘di makapaniwala. Tayo’y nagtipon-tipon upang magdasal Dahil kaarawan ni Hesus, ang ating mahal. Tuloy pa rin ang Pasko, kahit ang kapamilya’y nasa malayo. Dahil ang tunay na saysay ng araw na’to Ay ang kasiyahan at mga ala-alang ating nabubuo.
32
(blanko)
33
PIYESA 34
MGA TAMPOK NA PIYESA MULA SA KATATAPOS NA GAWAD ALAB
35
PAHINGA ni Arianne Deseo
Pahinga, isang salita, napakahirap makuha. Isa lamang itong gawain ngunit bakit hindi ko magawa? Pagod na pagod na ako kung kaya’t gusto ko ng magpahinga, Subalit parang ayaw at tutol si tadhana. Pagod na akong maging ako, Pwede bang maging ibang tao kahit isang minuto? Ano bang ginawa ko upang mapagod ng ganito? Eto yung pagod na gusto ko ng huminto. Gusto kong lumayo upang matahimik ang mundo, Mundo na nagparamdam sa akin ng pagod na ito. Bakit kailangan ako ang magdusa dahil sa kasalanan ng iba? Pwede bang kayo naman ang magbayad ng pagkukulang nyo, hindi ba? Pagod na akong pagbayaran ang pagkakamali ng iba, Pagod na akong magdusa sa kapabayan nila. Lagi nalang bang ako ang aako sa hindi ko ginawa? Pagod na ako at nais ko ng mag pahinga. Pagod na ko sa buhay kong ito, Kinokontrol ng ibang tao ang mga kagustuhan ko, Tila ba bawal akong kumilos ng na aayon sa nais ko, Ayoko na ng ganito, palayain niyo na ako.
(Ang tulang ito ay nagwagi ng unang gantimpala sa Unang Gawad Alab - Pagsulat ng Tula)
36
Pinanggalingan ng Karimlan
ni Elmira Marcaida
Walang malinaw sa yapak ng isang yugto Malalim ang humaling, mailap ang tinatangi Sa pagsikat ng umaga dala nito ang pagtagpo Lakas na maipahiwatig ay naghatid lang ng delubyo. Ang saliw ng mahika ay nakatalaga sa isipan. Paano maipapahayag kung hindi ito matakasan? Isang sigaw ang nadinig sa patutunguhan. Kailan matutugunan kung ang sarili ang nagmistulang kulungan? Pangarap ay bukas masasabayan na ang mga himig Lakas ng pagnanasa at nais na marinig Pilit na nagpupumiglas upang makasabay sa alon Sinag ng kinabukasan, hatid nito ang sariling pag-ahon
37
SIPHAYO
Isipan ay di mapalagay palaging nalulumbay Lalo na’t ang buhay ay nasa iyong mga kamay Luha sa mga mata’y patuloy na umaagos Hindi makagalaw para bang nakagapos. Bakas sa Hubad na katawan yaong mga pasa at Na bunga ng hampas ng pamalo at patpat Ako’y walang nagawa bahag ang buntot Pilit tinitiis ang sakit ng bawat kurot
Hindi pa dyan nagtatapos ako pa’y hinaplos Katawa’y naghihikahos boses ay namamaos Pilit binabaon sa limot ngunit patuloy na sumusu Matinding pagkatakot at labis na pagkapoot.
At sa gabing mapanglaw sa bintana’y nakadunga Nakatulala, nakatingin sa mga tala Nagbabaka sakaling sa gapos ay makawala Ano ba ang aking nagawa san ba nagkasala.
ni Joshua Guevarra
(Ang tulang ito ay nagwagi ng ikatlong gantimpala sa Unang Gawad Alab - Pagsulat ng Tula)
38
sugat
ulpot.
aw Bigat na nararamdaman paano ba mawawakasan Sa mundo kong puro pait at puno ng kamalasan Araw -araw pighati’y nalilikom Para bang sugat na hindi naghihilom Gayunpaman, patuloy paring lumalaban Umaasang itong pagdurusa ay maiibsan Naniniwalang mabubuo ang nawasak na sarili At magiging masaya uli katulad ng dati. Sa kabila ng iyong pangaabuso at panloloko Akoy pari’y naririto hawak ang iyong mga pangako pilit binibigyang linaw ang samahang lumalabo natatakot na baka masayang lahat ng ito Sinubukan mang ibalik ang dating saya Ngunit nauwi nalang sa away at pagkadismaya Mga bangungot ng nakaraan lagi akong binabalikan Nagpapahiwatig sa gapos na dapat ko ng pakawalan 39
Pagpili
ni Allen Ronquillo
Sa mundong palagi nating ginagalawan Mayroong mga pangyayari sa ating buhay na hindi natin inaasahan Minsan ang mga ito ay hindi kanais-nais, ang iba naman ay kaaya-aya Ang iba ay tinuturing itong problema, samantalang ang iba ay biyaya Sa isang iglap, mayroong dadating sa ating buhay Siya, na para bang ang tadhana ang nag-alay Hindi alam kung babalewalain o tatanggapin Hindi maintindihan kung utak ba o puso ang susundin Mayroong tumutulak palayo, may humihila palapit Mayroong gustong ipara ting pero hindi alam saan kakapit Kung sa pag-asa ba na darating muli ang umaga O sa pag-asa na magbibigay ng bagong simula Sa pagpili, may mga bagay tayong dapat isipin Doon ba sa tayo ang magmamahal? O tayo ang mamahalin? Maibabalik kaya ang nawalang ma tamis na ngiti At ang pusong tumigas na ay siyang babalik sa dati. Ang pipiliin ay ang siyang nakakalamang Mangangakong ang sarili ay hindi na magiging mangmang Ang desisyong naging mali ay gagawing tama. Ang pagmamahal ko ay sayo lamang ipapadama
40
Sa mundong maraming hindi nakaiintindi, Kung saan ang bawat salita’y tila isang lason, Isang maling wika, isang pagkakamali, Ikaw ay ikukulong agad nila sa isang kahon, Ang mga katagang isinasalaysay ngayon, Ay parang mga wikang na nagdaan kahapon, Sumigaw at magbigay ka lamang ng iyong opinyon, Salunghat ka na agad at ‘di sang-ayon, Kapag ikaw ang pinapanigan at nasa tama, Sa kanilang mga mata, taksil ka at isang kalaban, Sa oras na gamitin mo ang katuwiran at iyong karapatan, Patatahimikin ka na lamang at mawawala ng parang isang bula, Ang bawat isa satin ay may kani-kanilang ipinaglalaban, Kung ito ang aking paniniwala, bakit ‘di na lamang pagbigyan? Sa dulo pala’y respeto lang ay ‘di ko na matatamo, Sa una palang sana ay akin nang napagtanto, Pakinggan niyo ‘ko hindi dahil kailangan ko, Makinig kayo dahil ako ay naiintindihan niyo, Sigaw ko lamang ay karapatan ay matamasa, Hiyaw ko rin na makamit ang kalayaan kong magsalita.
Pakinggan niyo ‘ko ni Samuel Robles
(Ang tulang ito ay nagwagi ng ikalawang gantimpala sa Unang Gawad Alab - Pagsulat ng Tula)
41
Bilangguang Papel ni Gng. Asuncion Guanio-Ison
Haplos ng hanging dumampi sa pisngi ng langit Nag-alab ang damdaming, sa baga’y kumapit Kapanglawan ng gabi, nanaig hikbi at pait Buwang malamlam ni hindi masungkit Mataas na araw kulay na matingkad Waring magandang bukas ang sa aki’y palad Tinahak ang tuwa’t galak sa mata kong nakatambad Niyapos ang kapalarang inaring pugad Belo’t singsing sa katauhan ko’y isinaplot Kaluluwa’t paraiso, nagmistulang bangungot Ngiti’t halakhak nanaig ang poot Katauhang likha walang natira ni kakarampot Humihingang papel, tinipan ng pag-ibig na marupok Kanlungang pader, moog na dinupog ng dagok Batisang putik, himlayan ng katawan doon naglumok Bilangguan, bilangguang papel yaring nalilok
42
LARO NG MUNDO
Masasabing ang mundo’y sadyang mapaglaro Iba’t- ibang bagay ipararanas, iba’t- ibang bagay ituturo. Minsang naghintay kahit na di sigurado, Naghintay kahit puno ng bakit, kailan at paano?
Tunay na ang mundo’y sadyang mapaglaro May ipinakilala syang tao at maraming aral ang itinuro. Siya’y naging kaibigan, karamay sa lungkot at saya, Kapit- kamay na hinarap ang mga pagsubok sa tuwina.
Ngunit tila talagang ang mundo’y mapaglaro Ang aking kaibigan, tila bakit iba ang itinuturo? Unti- unting nabubuo ang pusong matagal nahimlay, ‘di sigurado, pero ito na ba ang aking hinihintay? Mundo’y patuloy naglaro, sayo ay sadyang ibinubuyo Ngunit sarili’y inilayo dahil sa huli ayaw na mabigo. Lahat ng nararamdaman ay idinaan sa dasal Ang itaas na ang bahala, sagot niya’y ‘di magtatagal. ‘di nagtagal nagbunga na ang ipinagdarasal Lahat ng tanong sa puso’t isipan ay nabuwal. Pag ang mundo’y naglaro, matuto ka lang sumabay Dahil baka kasama mo na pala ang matagal nang hinihintay.
Sagot sa mga dasal nasa akin ng mga kamay Ito’y iingatan at aalagaan pang habang- buhay Ika’y bigay ng mundo at ng ating Maykapal Umasa kang ika’y aalagaan at bibigyan ng buong pagmamahal.
ni Bb. Gladys Gereña
43
Guro: Tunay kang bayani sa gitna ng pandemya ni G. JM Malangis
Habang ang mundo ay patuloy na umiikot At ang mga tao’y malayo sa pagkabagot Nakahahawang sakit, lubhang nakatatakot Waring agam-agam na ‘di mabaon sa limot. Agad nagsaliksik mga pantas sa larangan Bansang pinagmula’y masusing pinag-aralan “Ano ba ang dahilan?”, malaking katanungan Lumalaganap na sakit pa’no lulunasan? Naglabas ng panuntunan ang pamahalaan Katuwang ang iba’t ibang mga kagawaran Mga doktor, nars, mapasundalo’t kapulisan Kumilos sa ngalan ng tungkuling sinumpaan. Ngunit sa likod ng maligalig na lipunan Mayroong mga bayaning nakaliligtaan Isa rito ang magigiting na kaguruan May pandemya o wala, sila’y laging nariyan. 44
Tunay na hindi normal maging sa edukasyon Epektibong pagtuturo ay malaking hamon May matututunan ba sa ganitong sitwasyon Ang mga mag-aaral ng bagong henerasyon? Gayunpama’y patuloy na humakbang pasulong Mabigat man ang pagsubok, lahat ay sinuong Inilaan ang oras, lakas, talento’t dunong Hangad sa mag-aaral, isipa’y mapayabong. Modyular man o online, ‘di sila natutuwa ‘Di biro ang mga paghahandang ginagawa Patung-patong na gawain sa kana’t kaliwa Mapalad kung sa maghapo’y may munting ginhawa. Ngunit sa kabila ng matinding paghihirap Walang maririnig na gurong nakikiusap Sa halip ay dinodoble ang pagsusumikap Nang maging gabay ng bawat batang nangangarap. Kaya para sa mga guro sa buong mundo Anuman ang inyong kulay, lahi, o estado May sakuna ma’y nananatiling determinado Sa inyong pagpupursigi, kami ay saludo. Sa gitna ng pandemya kayo’y bayaning tunay Saksi ang sambayanan sa inyong pagsisikhay Pagkilala’t pagpupugay sa inyo ay alay Mabuhay ang mga guro! Mabuhay! Mabuhay! (Ang tulang ito ay nagwagi ng ikatlong gantimpala sa Unang Gawad Alab - Pagsulat ng Tula, Teacher’s Edition)
45
LARA
MGA MAKUKULAY NA OBRA AT LITRATO
46
AWAN
TO NA BUNGA NG MALAYANG PAG-IISIP
47
(Ang larawang ito ay nagwagi ng unang gantimpala sa Unang Gawad Alab - Photography)
48
ASHER MARCELLANO
49
50
CASEY QUIMORA
51
GNG. AVEGUEL SALE
(Ang larawang ito ay nagwagi ng unang gantimpala sa Unang Gawad Alab - Photography, Teacher’s Edition)
52
LORENZO FIGUEROA
53
JOEFF BOBADILLA
54
SAMUEL ROBLES (Dalawa sa mga larawang ito ay nagwagi ng ikalawa (ibaba, kaliwa) at ikatlong (taas, kaliwa) gantimpala sa Unang Gawad Alab - Photography)
55
56
Tejero ATASIA PINEDA
57
58
59
60
61
62
HEIMI PATRIARCA
63
64
65
66
HEIMI PATRIARCA
67
68
SOFIA MALVAR
69
JOHN CZAR SALAGUINTO
70
JOHN CZAR SALAGUINTO
71
H I RAYa © The Lasallian Rheims 2021
facebook.com/Rheims2020
@Rheims2020
official.rheims@gmail.com