
Ulat ng Katotohanan, Boses ng masa
Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng
Senior High School within Bacoor Elementary School
Dibisyon ng Bacoor · IVA Calabarzon
Agosto 2024 - Enero 2025
Tomo 1 - Bilang 1


![]()

Ulat ng Katotohanan, Boses ng masa
Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng
Senior High School within Bacoor Elementary School
Dibisyon ng Bacoor · IVA Calabarzon
Agosto 2024 - Enero 2025
Tomo 1 - Bilang 1


Pagbabawas ng core subjects sa SHS; ilang mag-aaral ng SHSwBES, hindi pabor
Bilang tugon sa planong pagbabawas ng core subjects ng Department of Education (DepEd) sa lima o anim mula sa 15 na asignatura — upang mabigyang-oras umano ang work immersion ng mga estudyante, hindi sinang-ayunan ng ilang mag-aaral ng SHS Within Bacoor Elementary School ang isasagawang pagbabago sa senior high school curriculum.
Base sa isinagawang panayam, karamihan sa mga estudyante ng SHSwBES ang hindi pabor sa pagtatanggal ng core subjects na gustong ipatupad ng DepEd, dahil umano sa mga pakinabang na mayroon ang mga asignaturang maaaring matanggal na makatutulong sa pagpapaunlad ng kanilang kakayahan.
Ayon kay Mollo, mag-aaral sa nasabing paaralan, “Need pa rin natin sila [core subjects] para lalong
mag-improve mga skills natin and mas lalong mapalago yung kaalaman natin,” tumutukoy sa importansya ng mga sentrong asignatura sa SHS. Dagdag pa rito, inilahad rin ng ibang estudyante ang kanilang pananaw tungkol sa work immersion, at kung ano ang layunin nito sa kanila bilang nais itong bigyan ng oras ng DepEd.
“Work immersion is a temporary activity for students to engage into the
Kampanya laban sa karahasan sa kababaihan, isinagawa sa SHSwBES
Idinaos ng SHS Within Bacoor Elementary School ang pagtatapos ng School Observance of the 18-day Campaign to End the Violence Against Women na may temang: “VAW BIGYANG-WAKAS, NGAYON NA ANG ORAS” nitong Huwebes, Disyembre 12.
Isinagawa ang programa sa pangunguna ng mga organisasyong Barkada Kontra Droga at Supreme Secondary Learner Government, kasama ang kanilang mga guro na sina G. Romulo Sausa, Jr. ng BKD at G. Oliric Fabiolas ng SSLG; upang talakayin ang karahasan, diskriminasyon, at kung paano mawawakasan ang mga ito.
Bilang panimula, naghatid ng paunang mensahe si Gng. Lourdes Austria, Master Teacher II, na naglalayong bigyang kaalaman ang bawat isa sa kahalagahan ng tamang pagtrato sa mga kababaihan, maging ang pagsuporta sa adbokasiya laban sa karahasan.
Naghatid rin ng impormasyon si PSSg. Romielyn Lavarro, Chief women and Children protection desk ng PNP Bacoor, kung saan naghatid ito ng mga kaalaman tungkol sa karahasan at diskriminasyon na nararanasan ng ilang kababaihan at ang kahalagahan ng Batas Republika bilang 9262 o ng AntiVAWC, bilang proteksyon sa mga biktima at solusyon upang
real world; para malaman kung anong ginagawa once na we start to work na po,” saad ni Gomez, Pangulo ng konseho ng mag-aaral ng SHSwBES.
Sa kabila ng mayorya ng hindi pagsang-ayon, ilan pa rin sa mga mag-aaral ang nais itong isulong sapagkat naituro na ang ilang paksa sa kanilang sekondarya na hindi na kailangan pang muling ulitin, at dapat pagtuonan umano ang mga asignatura na nakalinya sa Track o Strand na
tinatahak ng mga ito.
Rason ng ‘di pagsang-ayon Ayon sa ilang estudyante ng SHSwBES, mayroon pa ring silbi ang mga core subjects na itinuturo sa SHS, kung saan hindi dapat isagawa ang pagtatanggal ng ilan sa mga ito upang pagtuonan ang work immersion o ang pagsasanay sa trabaho. Sundan sa pahina 2

WAKASAN ANG KARAHASAN. Idinaos ang programa sa pangunguna ng Barkada Kontra Droga at SSLG, disyembre 12, 2024.
LARAWANG KUHA NI Alessandra Denise Abe
matuldukan ang suliraning nagaganap sa bansa.
Bilang bahagi rin ng nasabing programa, nagpamalas ng talento at kakayahan ang mga mag-aaral, kung saan ipinakita ang mga isyu sa karahasan, pagbibigay liwanag, at pag-asa sa mga kababaihan; na sinundan ng paggawad ng parangal sa mga nagwagi sa ginanap na ‘Photo-Exhibit: Human hindi Laruan’, kung saan ay nasungkit ng STEM 11-Albert Einstein ang unang pwesto.
Bilang pagtatapos sa programa, nagbahagi ng pangwakas na pananalita si G. Romulo Sausa, Jr. na ipinaalala sa bawat isa ang kahalagahan ng kampanya laban sa karahasan at diskriminasyon sa mga kababaihan.
‘UNAHIN ANG BAYAN’ National Rally for Peace... BALITA pahina 2
KABATAAN ANG DEHADO EDITORYAL pahina 6
MATAAS NA PRESYO, KAPALIT AY GUTOM OPINYON pahina 7
HANDOG NG BACOOR
LATHALAIN pahina 12
Pag-asa Ng Sangkatauhan
AG-TEK pahina 16
SILYADO ANG PWESTO Taympers... ISPORTS pahina 20

Patnugot ng Balita | Jonah Mei Pancho
NATIONAL RALLY FOR PEACE
Miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang dumalo sa National Rally for Peace
“
Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Senior High School within Bacoor Elementary School
Dibisyon ng Bacoor · IVA Calabarzon · Agosto 2024 - Enero 2025
Tomo 1 - Bilang 1

ni Airielle Sydney
Isinagawa ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang “National Rally for Peace” nitong Lunes, ika13 ng Enero, 2025 sa Quirino Grand stand na siyang dinaluhan ng humigit kumulang 1.5 milyong katao mula sa 13 sites ng iba’t ibang rehiyon sa bansa. Ito ay naglalayong isulong ang kapayapaan at pagkakaisa para sa bawat mamamayang Pilipino.

Dr. Icay, itinalaga bilang assistant principal ng SHSwBES


Opisyal na kinilala ng mga guro, magaaral, at kawani ng Senior High School within Bacoor Elementary School (SHS-BES) si Dr. Marita S. Icay bilang Officer-in-Charge Assistant Principal ng paaralan sa Welcome Program na ginanap nitong Lunes, Enero 13, 2025.
Sinimulan ang programa sa pagkilala ni Bb. Jozelle Domingo kay Dr. Icay sa kanyang pagdating at ang kanyang mga nakamit na tagumpay sa larangan ng edukasyon.
Pagkatapos nito, pinasalamatan ni Bb. Kynah Amor Darvin ang mga punongguro na dumalo sa programa, na sinundan ng pagsuot niya ng ID sa assistant principal na nagpapatunay ng kanyang pagiging opisyal na miyembro ng paaralan.
“Tinatanggap ka po namin sa aming munting pangalan”, giit pa ng punongguro ng SHS-BES.
Nagpasalamat si Dr. Icay sa mga guro at estudyante dahil sa kanilang malugod na pagtanggap sa kanya sa paaralan, at nais rin niyang makilala ang bawat mag-aaral sa kanyang pagsisimula ng trabaho.
Sa pagwakas ng programa, nagbigay-pugay si Gng. Lourdes Austria sa dedikasyon ni Dr. Icay sa pagtanggap ng kanyang tungkulin upang tiyakin ang maayos na pamamalakad sa paaralan.
Ipinahayag dito ni Executive Secretary, Lucas Bersamin na ang isinagawang rally ay makatutulong sa paglilinaw para sa mga isyung kinahaharap ng lipunan. Binigyang diin niya rin ang kahalagahan ng Peace Rally bilang isang karapatan ng mga mamamayan na tinitiyak ng 1987 Constitution, at patuloy nitong suportahan ang Administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. At batay rito tinitingnan nila ang mga pagtitipon bilang bahagi ng pambansang usapan na dapat nating ginagawa bilang isang bayan upang magbigay klaridad at pagkakaunawaan sa mga isyung kinahaharap ng ating bansa. Dagdag niya pa, na siya ay umaasa na ang kaniyang mga opinyon na binitawan ay lubos na makatutulong na malinawan ang bawat isa sa mga usaping kinahaharap natin at ito’y maghatid sa atin ng tunay na pagkakaisa na siyang inaasam-asam ng nakararami.
Ayon sa pahayag ng INC, suportado nila ang opinyon ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi umaayon sa isinusulong na pagpapatalsik sa pwesto kay BisePresidente Sara Duterte, dahil sa tatlong impeachment complaint na nakahain mula sa House of Representatives laban sa kaniya. Binanggit din ng tagapagsalita

ng INC na si Edwil Zabala, marami pang bagay na dapat mas pagtuunan at hindi ito makakamit kung mayroong hidwaan. Ayon pa sa kanila ang mga mamamayang naghahangad ng kapayapaan ay hindi raw tumututol sa opinyon ng Pangulo. Kasabay nito ay binigyan diin naman ng SAGIP Partylist Representative na si Rodante
Marcoleta na naghain ng kanyang pahayag tungkol sa isinagawang imbestigasyon ng Quad Commitee sa Confidential Funds sa Office of the Vice President. Nakatutulong ito para sa pagtetestigo sa mga inihaing impeachment complaint. Kabilang sa mga dumalo rito ay sina Senador Ronald Bato Dela Rosa, Robin Padilla, Francis Tolentino,Bong


Bilang pagsunod sa Omnibus Guidelines ng Regulation of Operations of Parent-Teacher Association (PTAs), isinagawa ang nasabing pagpupulong ng mga bagong itinakdang Presidente at Bise Presidente ng Homeroom PTA ng iba’t ibang seksyon na pinangunahan ni Bb. Kynah Amor Darvin, Principal II. Bilang panimula, iniabot ni Bb. Kynah ang kanyang pagtanggap sa mga magulang na lumahok sa nasabing asembleya, at inihayag ang kanyang pagnanasang makipagtulungan sa bawat isa na maisagawa nang maayos ang kanilang mga tungkulin sa paaralan. Sa pagpapatuloy, inumpisahan ang eleksyon ng mga opisyales ng PTA para sa baitang 11 at 12, na pinangasiwaan ni Bb. Jozelle
Anne Domingo, matapos ang paunang mensahe ng dating Presidente na si Gng. Mary Joy Ocampo na naghatid ng kan’yang pasasalamat bilang dating opisyal. Matapos nito, pinasimulan ang pagtatalaga para sa miyembro ng SPTA, na pinangunahan ni G. Rechell Veneles bilang Presidente, at ni Gng. Gemma Grageda bilang Bise Presidente, kasama ang iba pang opisyal. Bilang katuparan sa kanilang tungkulin, nagsagawa ng panunumpa ang bawat miyembro tanda ng kanilang pangako sa pagtupad ng kanilang gampanin na may pag-alala sa importansya nito para sa pag-unlad ng paaralan at kalagayan ng mga magaaral.


Bagong ruta ng LRT-1 Cavite
Extension Phase 2, patapos na
Ihinayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista na nasa 94 porsiyento na ang natapos na right-ofway (ROW) para sa Phase 2 ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Cavite Extension, at anim na porsiyento na lamang ang kailangang ayusin upang tuluyang matapos ito.
Ayon sa kanya, magkakaroon ng pagbabago sa alignment ng Phase 2 na kinabibilangan ng mga istasyon sa Las Piñas at Zapote.
“Sa ngayon, ang ginagawa ng aming technical team ay ang bagong alignment. Hindi ito masyadong malalayo sa orihinal, pero maaaring magkaroon ng karagdagang gastos,” ani Bautista.
Binalikan din niya ang kasunduan


Go, at iba pang personalidad na siya ring sumuporta sa nasabing rally. Dagdag naman dito ng INC Organizing team na ito ay walang kinalaman sa kahit kaninong politiko. Sa isinagawang rally na ito ng ating mga kapatid na INC ay siyang lubos na ginabayan naman ng ating gobyerno upang matagumpay na mairaos ito. Sa kabila ng maiingay

na bangayan sa mundo ng politika sa loob ng ating bansa. Para naman sa maayos at maunlad na Pililinas nawa’y maging daan ito para sa kapayapaan, kaunlaran, serbisyo at kaligtasan ng bawat mamamayang Pilipino.

ng gobyerno sa mga pribadong partner nito para sa proyekto. “Sa concession agreement, dapat magsimula ang proyekto kapag 100 porsiyento nang naayos ang right of way,” ani ng opisyal. Nananatiling determinado ang pamahalaan na maituloy ang Phase 2 ng LRT-1 Cavite Extension na magpapabuti sa sistema ng transportasyon sa Cavite.

Pagbabawas ng core subjects sa SHS...
Saad ng mga ito, magsisilbing gabay ang mga core subjects sa tatahakin ng bawat estudyante sa kabila ng hindi ito nakahanay sa mga kukunin sa hinaharap.
“Alam mo iyon, kahit sabihin nating hindi siya aligned sa kukunin mo pero ‘di mo rin i-e-expect sa huli na yung nakuha mong lesson sa mga subjects na ‘yon is nakatulong pala sa’yo,” ani Cabanlig ng SHSwBES.
Ipinahayag din ng mga ito na nakadepende na rin sa isang tao ang magiging resulta ng kaniyang kinabukasan, kung kaya’t dapat lang bigyan pansin pa rin ang mga asignatura na magbibigay kaalaman sa lahat.
“I think it’s important pa rin for us to prioritize yung mga subjects na related to our field because it’s either talino or diskarte na ang labanan,” ani Gomez.
Dagdag ni Mollo, “As someone na nasa Pilipinas, need mo maging flexible kasi nga diba kadalasan naman sa atin dito, hindi magtutugma yung job na nakukuha mula sa natapos natin; E’ ang purpose ng core subject, kung ‘di ako nagkakamali, is to give common knowledge or learning sa mga student.”
Alternatibo
Bilang solusyon sa halip ng pagtatanggal ng core subjects sa SHS, naghayag ng kanilang pananaw ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral.
Saad ng mga ito, dapat umanong magkaroon ng konsiderasyon
sa binibigay na gawain sa halip na asignatura ang alisin, upang magkaroon ng oras sa work immersion ang mga estudyante at iba pang aktibidad pang-paaralan.
Ani pa, kakayanin naman kung mababawasan ang mga pinapagawa sa paaralan, at kung may tamang pamamahala sa oras ang mga magaaral ng senior high school.
Oportunidad para kay Angara Matatandaan na kamakailan lang isinaad ni DepEd secrectary Juan Edgardo ‘Sonny’ Angara ang isasagawang pagbabago sa SHS curriculum, kung saan nais umano nitong isulong ang pagpapahaba sa work immersion ng mga estudyante.
“If we reduce the subjects of our SHS curriculum, the students will have more time to for on-the-job training or work immersion needed by the industry so that our senior high school graduates will become more employable even if they lack work experience,” nagsasaad na magbibigay oportunidad umano sa trabaho ang dagdag oras sa pagsasanay kung sakaling hindi magtuloy sa kolehiyo ang mag-aaral.
Sa kabila nito, ayon sa Philippine Business for Education (PBEd), ilan pa rin sa pribadong sektor ang pabor sa pagtanggap ng empleyado na nakapagkolehiyo, kung saan mawawalangbahala ang pagtatangal ng core subjects sa SHS upang pagtuonan ang on-the-job training.
Nagsagawa ng 4th Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2024 ang Senior High School within Bacoor Elementary School (SHSwBES) nitong Nobyembre 14, bilang paghahanda sa mga sakuna gaya ng lindol.
Pinangunahan ni Engr. Marlone Arevalo, Bb. Ferlyn Agotilla, at Principal II, Bb. Kynah Amor Darvin ang programa na magbibigay kaalaman sa mag-aaral kung ano ang mga nararapat at hindinararapat gawin sa oras ng kalamidad.
“Siguro, mayroon pa tayong room for improvement para mas maging capable pa po sila kapag naging totoo na kung ano mang sakuna ang mangyari,” ani Bb. Darvin.
Tinukoy ang NSED bilang isang pagsasanay sa ilalim ng ahensiya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang subukan ang kahusayan at ang kapakipakinabang ng paghahanda ng taumbayan laban sa mga sakuna.
Matatandaang nakiisa rin ang nasabing paaralan sa una at ikatlong kuwarter ng NSED noong Marso at Setyembre upang magbigay preparasyon sa
mga estudyante.
Suspendido naman ang klase para sa ikalawang kuwarter na inilunsad noong nagdaang bakasyon ng Hunyo.
Samantala, puspusan naman ang paalala ng mga kawani ng paaralan na panatilihin ang likas na pagiging alerto at handa sa anumang oras.
Nagsisilbi lamang umano ang ganitong programa upang matugunan ang ilang kakulangan sa kaalaman ng mga mag-aaral.
Nakaantabay rin ang medical services sakaling mayroong hindi inaasahang matumba, mahilo, at masugatan.
Nagtapos ang aktibidad ng may kahusayan at maayos na paglilingkod ng mga guro. Naging organisado habang may pabaong bagong kaalaman ang lahat sakaling maharap sa sakuna.
Buwan ng Wika at Kasaysayan 2024, ginunita
ni Jonah Mei Pancho
Isinagawa ng SHS Within Bacoor Elementary School ang pagbubukas ng Buwan ng Wika at Kasaysayan 2024, kaninang umaga, bilang pagdiriwang at pagkilala sa wika at kasaysayan ng bansa.
Bilang panimula, pinangunahan ni Engr. Marlone Arevalo, SST 1, kasama ang seksyon ng 12-Galileo Galilei, ang seremonya ng pagtataas ng watawat ng bansa, na sinundan naman ni Gng. Judith Calivara, Teacher III, sa pagbibigay kaalaman at kasaysayan patungkol sa wikang Filipino.
Inilahad naman ni G. Bryan Jazel Paciente, HUMSS Coordinator, ang mga gawaing nakapaloob sa buwan ng Agosto: paligsahan ng Ginoo at Binibining Kasaysayan, Tagisan ng Kaalaman (quiz bee), Pagsasaling-awit, at Dagliang Talumpati, na inaasahang maisagawa ng bawat baitang ng HUMSS at STEM strands.
Bilang opisyal na pagbubukas sa Buwan ng Wika at Kasaysayan, naglahad ng mensahe si Bb. Kynah Amor Darvin, punong guro, bilang pagpapaalala ng importansya ng wika, at pakikiisa sa mga nasabing aktibidad sa buwan ng Agosto, at inihatid ang kaniyang pasasalamat sa mga indibidwal na nagpartisipa sa nasabing programa.
Ipinaabot ni Education Secretary Sonny Angara ang kanyang pagkalungkot nitong Biyernes, Disyembre 13, 2024 kaugnay ng halos P12 bilyong bawas sa panukalang budget ng Department of Education (DepEd) para sa taong 2025.
“Sa amin, almost P12 billion yung na-cut. Karamihan o yung bulk noon na P10 billion ay para doon sa computerization program ng Department of Education (DepEd),” ani Angara sa isang panayam.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mga computer sa makabagong edukasyon upang maihanda ang mga guro at mag-aaral sa paggamit ng makabagong teknolohiya.
“Medyo nalulungkot kami doon kasi gusto natin moderno yung ating edukasyon at yung ating mga teachers at mga estudyante may mga nagagamit na bagong teknolohiya, mga computers. Yung new education technology medyo mahihirapan sila kung wala,” dagdag pa ng opisyal.
Sinabing maaring makaapekto sa layunin ng DepEd ang malaking bawas sa pondo na gawing mas maunlad ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
Binanggit naman ni Senador Grace Poe ang patuloy na suporta ng Senado sa larangan ng edukasyon matapos kumpirmahin na mas mataas ang kabuuang badyet ng Department of Education (DepEd) para sa 2025 kumpara sa 2024.
“We prioritized human resources. Ang kaguruan at mga estudyante ang puso at diwa ng sektor ng edukasyon, hindi ang mga kompyuter. This is why we more than doubled the budget for teaching supplies allowance from P4.825 billion in 2024 to P9.948 billion next year,” hayag pa niya.
Ang Opisyal na Pamparaalang Pahayagan ng Senior High School within Bacoor Elementary School

Sa pangunguna ng Pangulo, House Speaker Martin Romualdez, ang 65 ahensya ng Pamahalaan, at maging ng mga opisyales ng lungsod ng Bacoor, naisagawa ang serbisyo sa iba’t ibang dako ng lungsod, kung saan naghatid ito ng mga tulong sa bawat mamamayan.
Alinsunod sa kampanya ni Pangulong Marcos na Bagong Pilipinas, ipinamalas nito ang kanyang pagtugon sa pangangailangan, gaya ng serbisyong may kinalaman sa trabaho, edukasyon, kalusugan at iba pa, kung saan layunin din ng nasabing programa na mapalapit umano ito sa mga tao at sa kaniyang nasasakupan.
Dagdag pa rito, nagbahagi rin ng tulong pinansyal, sa ilalim ng Integrated Scholarship and Incentives Program (ISIP) bilang pagbibigay suporta sa mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.
Nagbahagi rin ng tulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga paunang pangangailangan, gaya ng bigas at pagkain, sa pangunguna ng sa mga taong kapus-palad na resulta ng pagtaas ng mga bilihin sa bansa.Nagsagawa rin ng mga mga Livelihood programs ang BPSF para bigyan
oportunidad ang mga negosyante, maging mga mamamayan na magkaroon ng trabaho at paunang pinansyal para makapag-simula ng kanilang pagkukuhanan ng kita.
Samantala, bilang pagbibigay buhay sa nasabing programa, nagsagawa rin ng mga tugtugan: ang Musika at Pagkakaisa, kung saan pinangunahan ito ng mga banda gaya ng Banda ni Kleggy, Sandwich, Plethora, Imago ar Al James.
Sa pagtatapos ng Serbisyo Fair sa lungsod ng Bacoor, naghatid ng pasasalamat ang bawat mamamayang natulungan, maging mga nanguna sa nasabing aktibidad, kung saan hangad ng bawat isa na maglikha ito ng daan tungo sa bagong Pilipinas.
Sa sinabing panayam noon bago simulan ang BPSF, saad ni Romualdez, layunin umano ng programa na magsilbing tulay para sa bawat nasasakupan, at may nagagawa ang gobyerno para bigyan kagaan ang buhay ng bawat isa.
“Sa bawat serbisyong hatid ng BPSF, layunin nating gawing mas madali at abot kamay ang mga oportunidad para sa ating manggagawa,” ani House Speaker Martin Romualdez.
Isinagawa ng Senior High School within Bacoor Elementary School ang 2024 Gawad ng Manlilikha ng Bayan (GAMABA) Fashion Show nitong ika-24 ng Setyembre, ito ay upang bigyang pagkilala ang mga GAMABA artist at bigyang pugay ang mga natatanging personalidad sa larangan ng pagdidisenyo ng damit.
Inirampa ng mga piling mag-aaral mula sa iba’t ibang pangkat ng baitang 12 STEM at HUMSS ang kanikanilang obra maestra na mga kasuotan na hango sa iba’t ibang estilo ng pananamit. Nagsimula ang programa sa isang magiliaw na pambungad na pananalita ni Bb. Kynah Amor Darvin, Principal II. Napuno naman ng hiyawan at palakpakan ng mga mag-aaral ang school grounds ng magsimula na ang programa. Ito ay bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa kani-kanilang mga obra maestra na suot ng kanilang mga kapwa magaaral.

Unang bumida sa ‘runway’ ang mga kalahok suot ang kanilang casual
outfits na sinundan naman ng panibagong pangkat ng mga kasapi suot ang kanilang formal attire.
Upang makadagdag sa diwa ng programa, nagpamalas ang Tindig Dance Guild ng isang masiglang sayaw na sinundan ng isang nakakakilig na harana mula kina Gng. Grace PediongcoBabina at G. Mark Anthony Tangi, ADA I.
Sa huli, itinanghal ang STEM 12-TESLa bilang “Most Creative” sa parehong kategorya na nakakuha ng average score na 96%. Natapos ang programa sa isang pangwakas na pananalita mula kay Bb. Abigael Villanueva, STEM coordinator, na nagpabatid ng kaniyang pagbati sa mga naging kalahok.


Ang Opisyal na Pamparaalang Pahayagan ng Senior High School within Bacoor Elementary School
PANANALIKSIK. Ipinamalas ng mga mag-aaral ng SHSwBES ang kanilang galing sa pananaliksik sa isinagawang 2024 Research Congress.
LARAWANG KUHA NI Julia Combras




ni Jonah Mei Pancho Arielle Sydney
Matagumpay na isinagawa ang Science and Technology Fair (SSTF) 2024-2025 sa Senior High School within Bacoor Elementary School (SHSwBES) noong ika-16 ng Disyembre, mula alas siyete ng umaga hanggang alas singko ng hapon na may temang “Bridging the Future: Sustainable Innovations for the Next Generation”.
Sa panimula ng programa ay siyang sinimulan ni Christine Monares (STEM 12 – Galileo Galilei) sa pamamagitan ng isang panalangin na siyang sinundan naman ng pambansang awit. Kasabay din nito ay nagbigay ng makahulugang mensahe si Bb. Kynah Amor M. Darvin ( Punong guro II) para sa mga estudyanteng saklaw nitong programa, at siyang sinundan nila Dr. Lourdes G. Austria (Master Teacher II) at Gng. Guianne Lei A. Lejano (Guro III – Research Coordinator) na nagbigay rin ng mga mensahe para sa mga researchers. Matapos ang pagbibigay ng mensahe bago tuluyang simulan ang programa ay inihayag naman ni Engr. Marlone J. Arevalo (Special Science Teacher I) ang mga alituntunin ng programa, at sinundan ito ng pag papakilala ni Rynn Vynzynt Cabrera ( Vice Chairman, SSTF 20242025 STEM 12 – Galileo Galilei) sa mga hurado ng programa.
Para sa unanang sesyon sa umaga ito ay pinangunahan ng mga mag-aaral mula sa STEM 12 (James Watson, Nikola Tesla, at Michael Faraday) ay nagpakita ng kanilang mga proyekto sa pananaliksik. Sa hapon naman ay ang natitirang mga mag-aaral ng STEM 12 Galileo Galilei.
Natapos ito ay nilaanan ng 30 minutong deliberasyon na siyang nagbigay daan para sa mga hurado na suriin ang mga proyekto.
Para sa unang araw ng programa, bago tuluyang magtapos ito ay dumako muna sa pag gagawad para sa mga kinilala bilang Best Display Board, Best Research Paper, at Best Research Presenter.
At sa pagtatapos ng programa nagbigay ng mensahe si Rynn Vynzynt Cabrerana at
ang mga mag aral na sina Maeber Gomez (STEM 12 Michael Faraday) at Miggy Buenaventura (STEM 12 Nikola Tesla) para sa matagumpay na pagdaos ng programa. Kinabukasan naman, Disyembre 17, 2024 ay para naman sa mga estudyante mula sa naman sa Humanities and Social Sciences (HUMSS) na ginanap mula alas otso ng umaga hanngang alas dos ng hapon, sa pag papatuloy nitong programa para sa ikalawang araw ay binigyang tema na “Quantifying Ideas, Amplifying Insights: Advancing Humanities and Social Sciences Through Data-Driven Research”. Nagsimula ang seremonya sa pangunguna ng paham ng programa mula sa Humss -12 Corazon Aquino na si Warren Reyes, na sinundan ng Pambansang Awit, panalangin, at pagbubukas na mensahe mula sa (Principal II) na si Bb. Kynah Amor M. Darvin. Nagpaunlak naman ng mensahe si G. Pepito P. Saliba, (PhD, Master Teacher I), na binibigyang diin ang kahalagahan ng datadriven research para sa mga mag-aaral. Kasunod ng seremonya ng pagbubukas, ipinakita ng mga kalahok na mag-aaral ang kanilang mga proyekto sa pananaliksik sa pamamagitan ng mga interactive poster display at oral presentation.
Bilang mga panelista ng programa ay nagbigay ng mahalagang kumentaryo sina Gng. Guianne Lei A. Lejano (Teacher III), G. Bryan Jazel Y. Paciente (Special Science Teacher I), G. Ariel Almasco Jr. (Special Science Teacher I), at Bb. Rosemae H. Sumagpang (Teacher II), ukol sa pananaliksik na isinagawa ng mga mag-aaral.
Sumunod naman ang deliberasyon ng mga parangal na pinangunahan nina Bb. Kynah Amor M. Darvin, (Pincipal II), Dr. Pepito P. Saliba (Master Teacher I), kasama pa ang ibang mga panelista.
Ang kaganapan ay nagtapos sa pagbibigay ni Gng. Guianne Lei A. Lejano ng pang wakas na mensahe para sa mga mag-aaral, at pagbati sa bawat isa para sa matagumpay na pagdaraos ng programa.
BALITANG LOKAL
Sa pagdiriwang ng asembleya ng Bacoor
Nakibahagi ang Provincial Government of La Union (PGLU) sa paggunita ng ika-126 anibersaryo ng asembleya ng Bacoor sa Bahay na Tisa, nitong unang araw ng Agosto, taong 2024 para sa Buwan ng Pambansang Kasaysayan.
Matatandaang kabilang ang La Union sa mga nagtipon noong Agosto 1, 1898, upang manumpa sa deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas laban sa kolonyalismo ng Espanyol sa loob ng Bahay na Tisa. “Ang kontribusyon nitong PGLU ay makakatulong na makapagpaunlad ng partnership at makaakit ng pagkakataon sa turismo,” ani Gobernor Raphaelle
Nagsilbing daan umano ang pagdalo ng PGLU upang palakasin ang ugnayan ng La Union sa iba pang mga lalawigang nakilahok gaya ng Quezon, Bulacan, Pampanga, Laguna, at Batangas. Kasama ring nakiisa ang ilang mga opisyales at ahensiya galing sa iba’t ibang lalawigan, gaya ng DOST, City Councilors ng District 1 at 2, at nina Provincial Tourism Officer Dr. Katrin Erika Buted, Executive Assistant Dr. Eleazar
B. Belgicia, at Local Historian Mr. Alfredo Darag Jr. Pinaunlakan naman ng papuri ni Member of the House of Representatives Lani M. Revilla ang Bahay na Tisa matapos nitong maging sentro ng kaganapan para sa pagdiriwang.
Aniya, “Nakilala na po yung event, finally, after so many years na sine-celebrate natin dito, since 2017.”
Sumunod ito sa pagpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Batas Republika Blg. 12073 o “The Bacoor Assembly of 1898 Act” na siyang nagdedeklara na ang ika-1 ng Agosto ay nararapat na maging special working holiday bilang “Araw ng Paglalathala at Pagtatanyag ng Kasarinlan ng Pilipinas.”
Mababalikan ding ang Cuenca Ancestral House o Bahay na Tisa ay kinilala bilang “Unang Malacañang,” na siyang naging unang tanggapan at kabisera ng
pamahalaang rebolusyonaryo ni Hen. Emilio Aguinaldo matapos maipahayag ang kalayaan noong Hunyo 12, 1898, sa Kawit, Cavite. Sa kabilang banda, kasama namang inimbitahan sa Bahay na Tisa ang paaralan ng Senior High School within Bacoor Elementary School (SHSwBES).
Nakiisa rito ang mga estudyanteng nasa 11 at 12 na baitang ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) strand, kadikit ang kanilang Punong Guro II, Bb. Kynah Amor M. Darvin at kanilang mga guro.
Nagwakas ang pagdiriwang nang may bagong kaalaman at positibong pananaw sa nakaraan ang lahat.
Patuloy namang umaasa ang PGLU na mapanatili ang pagpapabuti at pagpapalawak ng prinsipyo ng pagkakaisa at kasarinlan ng kasaysayan.





nanunsyo ni Senate Committee on Basic Education Chairpersons Senator Sherwin Gatchalian na aprubado sa Bicameral Conference Committee ang pagbabawas ng pondo para sa Department of Education(DepEd), Commission on Higher Education (CHED) at State Universities and Colleges (SUCs). Katutoltutol ang desisyon ng Bicam na tapyasan ang badyet sa sektor ng edukasyon sapagkat maaaring hindi nito lubusang matugunan ang pangangailangan ng kabataan dahilan para masabing sila ang dehado sa pasya
Ayon kay Gatchalian, tumatagingting na 12 bilyong pondo ang kinaltas sa DepEd. Nakalulungkot isipin na bilyon-bilyong pondo ang tila nawala ng parang bula para sa mag-aaral. Maaari pa sana itong mapakinabangan ng kabataang pilipino na hirap maabot ang edukasyon o kulang ang pangangailangan para makapag-aral subalit tinatanggalan
Dagdag pa, 30 bilyon naman ang binawas sa pondo ng CHED at pumapalo sa 3 bilyon ang hindi pinayagang dagdag para sa freehigher education sa SUCs. Kapansin-pansin lamang na binabalewala ng pamahalaan ang mga kabataang pag-asa ng bayan. Nakadidismayang sa dami ng nag-aasam na makapagtapos, mismong gobyerno pa ang pumipigil sa
Sa kabilang banda, lubos ang pagtutol at pagkadismaya ni DepEd Secretary Sonny Angara sa desisyong bawasan ang pondo ng ahensya. Nilinaw niyang magagamit pa sana ito para sa pambili ng gadgets na magagamit ng mag-aaral at guro. Patunay lamang na dahil sa pagbawas ng badyet sa DepEd ay magreresulta ito sa kakulangan ng gamit dahilan para masabing kaawa-awa at Kaugnay nito, labis din ang pagtutol at pangamba ng mga ilang estudyante sa Senior High School within Bacoor Elementary School (SHSwBES) na siyang maaaring maapektuhan sa pagbabawas ng budget sa DepEd. Ayon sa kanila, ang pagtapyas sa pondo ay hindi matutugunan ang dekalibreng edukasyon para sa kabataan at maaaring maapektuhan din ang mga guro sapagkat malaki ang posibilidad na bumaba ang kanilang sahod. Kapansin-pansin lamang ang mga hinaing ng ilang mag-aaral sa SHSwBES na
Sa kabuoan, ang sektor ng edukasyon ang pinaglalaanan ng pinakamalaking budget taon-taon kung kaya ang 12 billyong kaltas ay malaking sampal sa hangarin o pangako ng gobyerno na unahin ang edukasyon sa bansa. Nang dahil sa kanilang desisyon ay maaaring maraming magulang ang tumigil sa pagpapaaral ng kanilang anak lalong-lalo sa kolehiyo. Isa pa ang mga pangangailangan
Panahon na upang bawiin ang kaltas sa badyet nng DepED, CHED at SUCs. Dagdagan ang kanilang pondo at siguruhin na magiging sapat ito para sa susunod na taon. Tiyakin din ang wastong pamamahala sa badyet at ang nararapat na mamuno rito ay tapat at walang bahid ng korapsyon.
Sa huli, edukasyon ang susi sa magandang kinabukasan. Harinawa’y mag-iwan ang katagang ito ng aral sa bawat isa na magtulungan at gawin ang nararapat para maibigay ang magandang edukasyon para sa mag-aaral. Sa ganitong paraan, tiyak na walang kabataan ang dehado o maghihirap habang tinatahak ang minimithing pangarap.





Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Senior High School within Bacoor Elementary School
Dibisyon ng Bacoor · IVA Calabarzon · Agosto 2024 - Enero 2025 Tomo 1 - Bilang 1

Isa ang Pilipinas sa pinakamababang ranking sa PISA sa mga nagdaang taon, lalo na sa panitikang Mathematics at English. Maaring dahilan ito ng mababang kalidad ng kurikulum, o baka naman ay mababang kalidad ng pagtuturo. Nasa mag-aaral ba o nasa guro ang kasalanan?
Sa apat na sulok ng silid-aralan, ang tanging nasa harapan ay guro. Paano kung ang gurong nasa harap ay tinatamad at hinahabol lamang ang lesson plan upang masabing nakapagturo siya nang maayos? At halos ipamigay na lang ang gradong dapat pinaghihirapan.
Maraming mamamayan ang kinikwestiyon ang Kagawaran ng Edukasyon, kung bakit andaming May Karangalan o With Honors ngunit napakababa pa rin ng ranking ng ating bansa sa PISA. Ayon naman naman sa ilang mga guro sa social media, dahil ito sa grading system na kung saan tumataas lalo ang initial grades ng mga estudyante, na siyang nakapagbibigay ng karangalan sa mga ito.
Bilang isang mag-aaral, mahalaga saakin ang maayos na pagtuturo ng isang guro. Mahalagang pagbutihin ang mga leksiyon sa silidaralan upang labis na maintindihan ang aral na tinatalakay. At hindi mapunta sa wala ang oras na nilalaan ng kabataan sa eskwelahan.
Tayo’y dapat tinuturuan, hindi binabasahan. Marami sa mga guro ang binabasa na lamang ang powerpoint presentation imbis na lalong palawakin para maintindihan naman ito ng mga estudyante. Hindi kaaya-ayang tingnan ang mga ganito dahil nakababawas sa kanilang abilidad bilang guro ang hindi pagtuturo nang maayos sa mag-aaral na ang ipinunta sa paaralan ay para matuto.
Bagama’t pabor sa ilang estudyante ang ganitong paaran ng pagtuturo, paano naman ang sabik matuto ng panibagong bagay? Hindi nakapagtataka kung bakit mababa ang iskor ng Pilipinas sa PISA, dahil sa mga sa gurong hindi inaayos ang kanilang trabaho.
Maraming paraan o teaching method ang maaaring pagpipilian -- graphic organizer, pagkakabisa, at pagpapalawak ng aralin. Sa ganitong paaran, tataas ang kalidad ng kanilang pagtuturo na siyang makapag-aangat sa mga kabataan tungo sa minimithing kinabukasan. Kudos sa mga gurong buong pusong nagtuturo sa mga estudyante, at hindi hinahayaang may isang mag-aaral na hindi makasusunod sa araling tinatalakay.
Ngunit sa huli, nasa estudyante pa rin ang huling desisyon kung gusto niya bang matuto, o gustong magliwaliw imbis na mag-aral. Kahit gaano kahusay ang isang guro, walang silbi ito kung walang pagkukusa ang isang estudyante.

Sa taas ng presyo ng mga bilihin sa loob ng kantina ng Senior High School within Bacoor Elementary School (SHSwBES), mas pipiliin mo na lang malipasan ng gutom kesa bumili sa pagkaing mala-ginto ang presyo. Dahilan para marami sa mga estudyante ang umalma sa isyung ito.
Tila’y nakapagtataka na sa kakarampot na kanin at ulam ay nagkakahalaga na ng 55 pesos hanggang 75 pesos, at tunay na napakamahal na nito, higit sa lahat hindi ito sasapat para mabusog ang bawat bibili. Mayroon din namang mga tinapay at biskwit na itinitinda na siyang mas mura. Ngunit, ang mga ito ay mas lalong hindi sasapat para mabusog ang mga estudyanteng maghapong nasa loob ng paaralan kung ito lamang ang kanilang bibilhin, dahil ito lang naman ang pasok sa kanilang badyet.
Kaya naman, hindi na nakapagtataka na mayroong mga estudyanteng mas pinipili huwag nalang bumili sa kantina at tiisin na lamang ang kani-kanilang mga gutom hanggang sa makauwi.
Ito ay sanhi ng mataas na presyo ng mga paninda na hindi suwak sa kanilang badyet bilang isang mag-aaral. Ngunit, hindi lang din naman ang mag-aaral ang nagrereklamo sa taas ng presyo, dahil kabilang na riyan ang ating mga guro na nabibigatan din sa presyo ng bilihin.
Kaya marapat lamang na bigyan ito ng isang agarang aksiyon. Isang aksiyon kung saan ibababa ang presyo at aangkop sa badyet ng isang estudyante gayon din ng ating mga guro.
Anong silbi na mayroong kinikita ang kantina ng paaralan kung kapalit nito’y pagkagutom ng isang indibidwal? Batid nating lahat na walang sino man ang gugustuhing tiisin ang gutom. Ngunit, kung ganitong sitwasyon ang kinahaharap araw-araw ay ganito nalang talaga ang mangyayari. Tiis gutom dahil hindi suwak sa badyet ang presyo ng bilihin.
Nakalulungkot pakinggan, ngunit karamihan ng mga estudyante rito sa ating paaralan ay ganyan ang tinatamasa. Oo, mataas na talaga ang mga presyo ng mga bilihin ngayon. Pero, tila’y mas doble ang taas ng presyo ng bilihin na pagkain sa ating kantina. Kaya nga ang boses ng mga estudyante sa paaralan araw-araw ay “Paldo na naman sa atin ang Canteen” na ibig sabihin, malaki na naman ang kita nila, dahil sa taas ng mga presyo ng kanilang mga paninda. Kaya, para sa mga taong namamahala sa likod nito. Inyong itatak sa inyong mga isipan na kung hahayaan ninyong magpa tuloy ang mataas na presyo
ay patuloy na marami ring mga estudyante ang magugutom. Tunay na napaka hirap bilang estudyante na magkahapon ka na ngang nasa klase kumakalam pa iyong sikmura habang nagkakaklase. Tila’y sobrang hirap hindi ba? Higit lalo iyong mga arawaraw pa itong nararanasan. Batid nating lahat na, kapag ka gutom o walang laman ang tiyan ng isang tao ay tunay na mahirap ito, dahil apektado nito pati ang ating isipan at kung papaano natin gagawin ang isang bagay. Kaya siguro napakarami ring mga estudyante ang hindi aktibo sa loob ng mga silid-aralan at tila’y mga lumilipad sa kawalan ang mga isipan, dahil sa mga nagwawala nilang mga sikmura sa gutom na siyang nakaapekto para sa kanilang partisipasiyon sa diskusyon.
Hindi ba, presyo lang ang problema natin, ngunit napaka laking problema ang naidudulot nito sa bawat isa sa atin. Kaya nararapat na huwag na kayong mag bulagbulagan pa sa hinaing ng bawat estudyante ng ating paaralan. Dahil tiyak na kung kayo ang nasa sitwasyon o nasa pwesto namin ay isa rin kayo sa mga umaalma at nagrereklamo sa mahal na mga bilihin.
Dapat na bigyan niyo na ito ng aksiyon at solusyon. Huwag niyo ng patagalin pa. Ano pang silbi ng mga namamahala rito kung wala namang gagawin para matuldukan ang mga hinaing na ito? At
patuloy lang na magpapakaisip-linta at sarado ang mga isipan para sa mga ganitong pangyayari. Walang saysay kung malaki man ang tinutubo ng ating paaralan dito kung marami namang mga estudyante at mga guro ang umaaray dahil sa taas ng presyo rito. Huwag na kayong magpa tumpik-tumpik pa, bigyan na ito ng agarang solusyon. Solusyon kung saan masisiguradong hindi na mahihirapan ang mga estudyante dahil sa taas ng presyo ng bilihin, dahil ito’y suwak na sa kanilang badyet. At ng sa gayon ay wala na ring magtitiis na kumalam ang sikmura habang nasa klase. Ibaba ninyo ang presyo, dahil iyan ang tanging solusyon upang gutom sa loob ng ay tuluyan ng matuldukan.
“
Paano makakapag pokus ang estudyanteng pinipiling kumalam ang sikmura, dahil sa mala gintong paninda?


TANGLAW NG CAMPERS
Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Senior High School within Bacoor Elementary School

Tila isinabuhay ng Lungsod ng Bacoor ang kanilang pagkakakilanlan na ‘City of Fire’, dahil sa nakadududang sunod-sunod na balita ng sunog sa iba’t ibang dako ng lungsod. Nitong Setyembre 10 lamang, nabalot sa maitim na usok at nagliliyab na apoy ang Barangay Longos kung saan tatlong libong indibiduwal ang naapektuhan, at sa katuwaang palad ay walang nasawi. Sa kasunod na buwan, nagmistulang panggatong ang humigit kumulang na 700 kabahayan sa Sineguelasan at Alima dahil sa malaking sunog na tila nilalamon ang buong lugar; at tatlong libo’t kalahati ng isang daan ang naperwisyong tao. Sa ganitong sitwasyon ay mababahala ka na lalo’t nagmimistulang naniningil na ang mundo, ngunit hindi ka ba magtataka sa sunod-sunod na balita? Nasunog o aksidente ba talaga? O may nagtangkang liyaban ang mga kabahayan dahil nais paalisin ang mga nakatatira, ngunit dahil may lahing makulit ang mga tao kaya’t nag-isip ng paraan na tinago nila sa likod ng salitang ‘aksidente’ kahit hindi naman talaga? Isang gawaing intensyon namang ginawa, na binalot ng mga mapanlinlang na tao sa salitang ‘di sadya’ at inihain sa mga tao; at dahil kulang sa talino ang mga Pilipino, ay tinanggap ng buong puso ang salita at kasinungalingan ng mga trapo upang pagtakpan ang balak na gawin sa kalupaan at katubigan na kanilang inapuyan.
Sabi sa balita, electrical wirings ang problema. Kuryente na maluwang na nakasaksak at nagkaroon ng kung anong pagliyab mula rito. Ngunit mukhang maluwang din ang turnilyo ng mga tao sa utak kung tatanggapin nila ang rason na tila pinulot sa estero. Alam ng karamihan ang rason at puno’t dulo ng kanilang pagbubura ng mga kabahayan. Hindi ka ba magtataka? Lahat ng pangmalakasang sunog na maririnig mo sa radyo o telebisyon na galing sa lungsod ng Bacoor, ay laging sa tabing dagat. Bakit wala sa siyudad? O sa ibang dako? Madalang mapakinggan sa ibang lugar, ngunit normal nang awit sa mga lugar na malapit sa laot o katubigan. Ang intensyon ng mga trapong ito ay kasing-itim ng usok na sila rin naman ang gumawa.
Matatandaan na balak atang magpatayo ng

Kasabay ng pag-usad ng panahon, patuloy na nagbabago at nadadagdagan ang mga estilo ng kasuotan. Ito ay dala na rin ng pag-usbong ng teknolohiya at impluwensiya ng mga banyaga. Ang noo’y baro’t saya, ngayon, may iba’t iba ng katawagan. Ilan sa mga ito ang Y2k, grunge, at coquette. Sa kabilang banda, tila hindi lahat ay natutuwa sa pagbabagong ito. Isa na rito ang ilan sa mga matatanda o kilala bilang “boomers”. Karamihan sa kanila ay hindi sang-ayon sa bagong estilo ng pananamit ng mga kabataan bagkus malayo ito sa kanilang kinalakihan na pormal at balot na balot na mga kasuotan. Kadalasan, ito ay napupunta pa sa hindi pagkakaunawaan. At ang hindi pagkakaintindihan, nauuwi sa mga pagtatalo at diskusyon. Bilang kabataan na may hilig sa pag porma, naniniwala ako na ang pananamit ay isa sa paraan ng ekspresyon ng sarili na hindi dapat agad husgahan o labanan.
Hindi lahat ay maboses sa kaniyang damdamin o makuwento sa kung anong klase siyang tao. Ayon kay Pagdilao ( 2021), naipapakita ng isang indibidwal ang kaniyang pagkakakilanlan sa pamamagitan
LRT station sa Cavite. Ang tanong, saan tatayuan? Hindi naman santo si Villar na pwede mong hingian ng lupa lalo na’t paboritong laro nito ay monopolya; o kaya maglabas ng limpak-limpak na pera ang mga nasa taas para bilhin ang mga nakatambak na lupa, lalo’t mukhang naibulsa na ang ilan, o naubos na sa kampanya para sa darating na halalan. Imbis tuloy na kilay ang sunugin para mag-isip ng ligtas at malinis na paraan, ay lugar ang naisipang isunog, pinapatunayan na marupok at kinakalawang na ang utak ng ilan.
Kakatuwang mababasa mo sa comment section sa social media, o maririnig sa daan ang ilang katagang: “kasalanan rin naman ng taong bayan. Kung umalis na sila una palang, e ‘di hindi na nauwi sa ganitong trahedya.” May punto kung tutuusin,
Kasuotan: Ekspresyon ng kabataan
ng pananamit. Naipapamalas nila ang kanilang respeto sa sarili na nakatutulong naman sa pagtaas ng kanilang kumpyansa. Nagsisilbing inspirasyon ang ating mga idolo na napapanood sa telebisyon at nakikita sa social media kung paano natin naipamamalas ang pagiging malikhain at mapanuri sa pananamit. Halimbawa na rito ang pagsusuot ng may kalakihang damit na may kombinasyon ng magagarang pantalon, minsan pa ay may nakasabit na mga anik-anik. Bagama’t malayo sa nakasanayan, mas mapapabuti kung papalawakin ang isip at kakitaan ito bilang isang mahusay na pamamaraan na sumasalamin din sa pagpapahalaga ng sining at kultura kesa patuloy na ipanlaban ang mga kasabihang matagal nang nabaon sa hukay.
Malaki ang papel ng norms sa kung paano hinuhusgahan ng lipunan ang kasuotan ng mga kabataan. Bagama’t hindi ito nakasulat sa legal na tuntunin ng bansa, nakatatak na ito sa mga boomers at ang kanilang ginagamit na batayan sa kung ano ang inaasahan nila sa mga makabagong henerasyon. Ayon sa artikulo mula sa
kaso mapurol kung tatasahin mo ng mabuti. Hindi naman magtatayo ng tahanan ang mga mamamayan sa tabi ng dagat kung mayroong lupa silang mapaglalagyan, at kung may titirhan silang hindi ginto ang presyuhan na akala mo diyamante ang nahuhuli sa palaisdaan. Sa lahat ng maririnig, ito ang pinakamalala: “kabayaran iyan sa panghuhusga kay Quiboloy.” Ano ang kinalaman ni Quiboloy sa sunog na nangyayari? Ito ba ang paraan kung saan inakyat ang naglalagablab na apoy patungo sa mundo, dahil hindi siya mapadala sa impyerno? Pero bakit normal na tao ang naapektuhan? Sapagkat dahilan lang ‘yan ng mga taong nabayaran ang moralidad at nabusalan ng matatamis na salita at pangako ng nasa kataastaasan. Kawawang mga tao, nauna pa silang

Kabataan Noon at Ngayon, ang pagiging konserbatibo ay nagsisimbolo ng respeto. Ngunit, iba na sa ngayon. Kung kaya’t ang mga bagong estilo ng kabataan sa pananamit ay nagsusulong ng mas obhetibong pananaw at hakbang sa pagbabago ng mga norms na hindi na akma sa makabagong panahon. Sa magulo at mapanghusgang mundo na ating tinatapakan, malaking tulong ang pag-eestilo ng kasuotan dahil sa ganitong paraan, naipapakita natin ang ating mga personalidad, interes, at paniniwala. Malaki rin ang tulong nitong matagpuan ang mga taong may pagkakapareho sa ating personalidad na kaya tayong tanggapin ng buong puso. Sa mga nakatatanda, mapabubuting isantabi ang panghuhusga at nawa’y palawakin nalang ang isip sa ganitong pagbabago dahil ito’y bahagi na ng pag-unlad na nararapat tanggapin. Hindi lahat ng nagbabago ay may masamang epekto. Gayunpaman, malayo man ito sa dati nilang nakasanayan, ang pagbuo sa sarili sa pamamagitan ng pananamit ay kailanman hindi masamang indikasyon ng kanyang pagkatao, ito ay positibong hakbang pa tungo sa malalim na pagtuklas ng kanyang tunay na identidad.


magdiwang ng bagong taon bago ang pasko. Ngunit sa kabila na tila ‘kulay wala’ na aksyon ng nasa itaas, hindi sila magawang ibasura ng mga tao, dahil umano, may tulong pa rin ang mga ito. Ano ba ang hindi nila maunawaan? Kung kayang gawin ng mga trapong ito na sunugin ang kabahayan sa kabila ng mga naninirahan dito para lang may magpatayuan ng LRT station, ano pa kaya kung bigla na lang silang ‘maglinis’ ng mga tao at sasabihing ‘aksidente’ ulit ito, para solusyunan ang paglago ng populasyon sa lungsod? Tila hindi ganon katalino ang mga namumuno, dahil hindi man lang nahanapan ng malinis na paraan ang ganitong problema; at hindi rin naman matalino ang mga mamamayan para maglahad ng kanilang pananaw, o wala lang silang kakayahan dahil natakpan na ang bibig ng mga nais magsalita.

Ano bang solusyon ang dapat gawin? Bumoto ng tama. Pumili ng mga indibiduwal na kayang solusyunan ang problema, hindi sunugin ito. Ang mali sa mga Pilipino, dahil nakasanayan na ang taong nakaupo ay sila ulit ang iboboto. Halatang sanay masaktan at sanay tratuhin ng hindi tama, mga masokista na kayang tiisin ang pahirap sa buhay basta sa pera nakataya. Hangga’t hinahayaan ang mga taong trapo na manatili sa pwesto, ay hindi makakamit ng kahit sino ang tunay na pagbabago. Nagsunog para tayuan ang lugar ng LRT station, akala mo pinadali ang buhay ng mga Pilipino para sa karagdagang transportasyon, ngunit pagpapahirap naman ng buhay ng iba ang naging kabayaran para sa sarili nilang kaginhawaan.
Hindi dapat nagtuturo ang guro ng hindi naman niya pinag-aralan ng apat o limang taon.
Maraming guro ang nadedestino sa hindi angkop na subject sa kanilang inaral noong kolehiyo. Mahigit pa sa kalahati o 62 na porsyento ng mga guro sa pampublikong paaralang sekundarya ang nagtuturo ng asignaturang hindi nila pinag-aralan.
Walang magiging saysay ang mga napag-aralan ng mga guro kung ang kanilang ituturo ay wala sa kanilang kaalaman. Ayon naman kay Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) Executive Director Karol Yee, isa sa mga nag-aambag sa problema ay ang paano kumukuha ng mga bagong guro ang Department of Education (DepED). Hindi nila ipinapaalam nang maaga sa mga guro ng pampublikong paaralan ang tungkol sa asignatura na itinalaga sa posisyon na kanilang inaaplayan. Ipinapakita ng datos na ito kung gaano ka-iresponsable ang DepED sa mga taon ng pagkuha ng mga

guro. Maaapektuhan ng problemang ito ang maraming bagay sa pag-aaral ng estudyante at paano nila ito naiintindihan. Pati na ang kalidad ng pagtuturo ng mga guro. Ayon sa datos na iprinisenta ng EDCOM 2 halos kalahati ng lahat ng guro sa asignaturang agham ang walang naging pagsasanay tungkol sa asignatura. Ang kaalaman na ito ay naging dulot ng pag-aalala sa magiging resulta ng mga mag-aaral na kukuha ng pagsusulit na nakatutok sa agham para sa International Student Assessment (PISA) sa 2025. Hindi dapat ibinibigay ng mga paaralan ang mga asignaturang hindi okupado sa mga guro na hindi nauugnay sa nasabing asignatura sa kanilang inaral na propesyon. Dapat ayusin ng DepEd ang sistema sa pamamagitan ng pagkuha ng mga guro sa mga paaralang kulang sa kanilang kadalubhasaan at hindi lamang pagkuha ng mga guro dahil kulang ang paaralan.


Matalinong pagboto, para sa pagbabago
Nakagugulat at nakalulungkot lang ng ianunsiyo itong mga tatakbo sa senado ngayong taon. Tunay bang gusto ng pagbabago para sa bansa o isang pamemerwisyo lang ang gagawin kapag naka halal na sa pwesto? Dahil ganiyan naman ang nangayayari sa ating bansa puro pangako wala namang nagagawa. Oo, naroon na tayo sa gustong makatulong sa kapwa kaya tumakbo. Ngunit, hindi ito sapat na rason para pasukin ang politika ng ganoon lang kadali. Kaya mas nagiging mahina at bulok ang sistema ng ating bansa, dahil maisip lang na gustong tumulong tingin nila kaagad ay kayang-kaya na nilang mamuno. Hindi man lang naiisip na sa posisyong ito ay isang malaking gampanin na kailangan ng wastong pagkilos dahil kinabukasan ng sambayanan ang nakasalalay dito. Lahat ay may kakayahang tumulong sa kapwa at lahat tayo ay ninanais din namang makatulong. Ngunit, kung usaping politika ay makatutulong tayo sa pamamagitan ng pagpili ng mga taong karapat-dapat na maging parte ng gobyerno at hindi na dadagdag pa para makapang loko ng tao. Bagkus ay para sa maganda at patuloy na pagbabago ng sistema, hindi dagdag perwisyo.
Piliin natin ang mga taong tiyak na may alam sa batas at bihasa sa galawan sa politika, upang makasigurado tayong matatag at maayos na serbisyo ang maihahatid sa bansa, higit lalo sa bawat mamamayang Pilipino. Isa itong seryosong diskusyon kaya huwag tayong magpabulag sa mga suhol at matatamis na salita sa ibinibigay nila. Isipin niyo ang kinabukasan natin, huwag ipagpalit sa panandaliang saya kung ang magiging kapalit nito ay paghihirap para sa ating pang araw-araw. Lahat naman tayo ay gusto ng pagbabago para sa ating bansa. Ngunit, paano ito mangyayari kung patuloy na nagpapaka mangmang ang mga Pilipino? Iboto niyo ang mga karapat dapat na iboto, hindi iyong sa kampanya lang nagpapabibo pero pagdating sa senado ay tila mga nagtatago sa sarili nilang mga anino. Maraming problema ang ating bansa na kinakailangang masolusyunan, kaya naman dapat na maging matalino sa pagboto. Mga taong mga perwisyo at kunwari pang mag se-serbisyo huwag ng iboto. Upang bansa’y magkaroon ng pagbabago. Gisingin natin ang mga natutulog na puso at isipan ng mga buwaya sa gobyerno na walang ibang ginawa kundi samsamin ang kaban ng bayan, pero wala namang aksiyon para sa mamamayan. Kung ganito lang din naman ang nangyayari sana ay hindi na lang sila tumakbo at namuno kung wala namang balak na mag-serbisyo ng tapat at mahusay gaya ng kanilang mga pangako. Kaya naman ngayon ay simulan na ang matalinong pagboto upang bulok na sistema ay atin ng mabago.
Ang

Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Senior High School
within Bacoor Elementary School

Napakaraming mga estudyante sa Senior High School within Bacoor Elementary School (SHSwBES) ang matitigas ang ulo na hindi sumusunod sa patakaran ng paaralan para sa pagsuuot ng uniporme. Nakadidismaya dahil mas matatapwng pa ang mga estudyante na ito tuwing nasisita.
Sa panimula pa lamang ng taunang panuruan ay inabisuhan na ang mga ito na panatilihin ang pagsusuot ng uniporme. Kaya, anong rason na hanggang ngayon ay paulitulit pa rin sa pag suway.
Nagbago nalang lahat-lahat ang taon. Ngunit, itong mga sutil na mga mag-aaral na ito ay wala pa ring pagbabago. Ano bang mahirap sa pagsusuot ng uniporme? Wala naman hindi ba? depende na lang kung wala pang uniporme at hindi pa kayang makabili. Dahil ang mga dahilan na iyan ay siyang ikinukonsidera naman ng paaralan. At alternatibo munang mag suot ng puting damit.
Pero, itong mga estudyanteng matitigas lang talaga ang mga ulo at mas pinipili pang sumuway sa regulasyon ng paaralan ay di hamak na parang mga walang pinag-aralan. Inuuna pa ang pag porma. Bakit nasaan ba kayo? Nasa paaralan kayo hindi ba? kaya anong rason para ipagpilitan niyo ang inyong mga kagustuhan na suotin iyang mga damit na gusto niyo, kahit pa ito’y lumalabag sa patakaran ng paaralan. Estudyante ka! hindi ka artista para mag fashion show araw-araw sa loob ng paaralan at lantarang suotin ang mga damit na gusto mo lang kesyo

“estetik” pero hindi naman angkop para sa kasuotan ng isang estudyante.
Isa sa mga rason kaya hinihikayat ng ating paaralan ang bawat estudyante na suotin ang kani-kanilang mh uniporme ah para sa kanilang personal na kaligtasan at pagkakakilanlan. Upang maiwasan na rin ang mga kaso ng cutting classes, dahil nangyari na iyan sa isang estudyante ng ating paaralan na alam ng kaniyang mga magulang na pumasok pero ang totoo ay hindi naman talaga dahil ang estudyante ay nakumpirma na naglalakwatsa lang naman, imbis na pumasok sa paaralan.
Kaya para sa mga sutil na estudyante sanay inyong malaman na kaya kayo hinihikayat na sumunod sa pagsusuot ng inyong uniporme ay para sa inyo ring mga kaligtasan. At inyong itatak sa inyong mga utak na ang bawat isa sa atin ay mga estudyante lamang kaya huwag na kayong magmatigas pa, sumunod ka nalang. Hindi niyo naman kina angas iyang pag-porma niyo ng kung anoano sa paaralan. Lalo na’t hindi naman ito angkop. Estudyante ka hindi ka pasiyonista.
Huwag ka ng magmatigas pa suotin mo iyang uniporme mo.

Romasanta Joseph
DAPAT TOTOO
Hindi solusyon sa problema ang panibago na namang problema. Hindi rin kaduwagan at kahinaan ang hindi paglaban sa matinding tensiyon na kinahaharap ng ating bansa mula sa mga banyagang tsino na sugapa sa teritoryo.
Napakaraming pang-aabuso at pagpapahirap ang ipinaranas sa atin ng mga ito. Ang tensiyon na matagal ng nabubuo sa panig ng ating bansa at China na hanggang ngayon ay hindi pa rin matapos-tapos. Hindi na nakapagtataka na lubos tayong pinag mumukhang mangmang ng mga puganteng ito. Ang masaklap pa rito ay mga ilang kapwa natin Pilipino pa ang ilan sa gumagawa ng paraan para pagkakitaan at abusuhin tayo.
Kung hindi tayo magsisikilos ngayon ay kailan pa? Kapag tuluyan na tayong nasakop ng mga mapang lamang na mga banyagang ito. Huwag na kayong magbulagbulagan pa. Umaksiyon na. Hindi away at anumang ikakukumplikado ng sitwasyon ang nais nating mangyayari.
Isa lamang, at iyon ang matapos na ang alitan natin mula sa bansang China.
Kailanma’y hindi natin dapat na isuko ang teritoryong tunay na atin. Kalampagin natin ang mga nagtutulug-tulugang mga diwa ng mga kapwa natin higit lalo ang mga nakatataas kinakailngan na nating magsikilos. Walang patutunguhan kung puputak lang tayo sa mga social media at paulit ulit na babanggitin ang “teritoryong atin ipaglaban” pero wala namang mga aksiyon na ginagawa. Nakatatawa lang kase wala tayong mapapala riyan bukod sa
nakatutulong ito kahit papaano para mabatid ng mga kapwa natin ang mga kasalukuyang nangyayari. Ngunit, mas mainam pa rin kung kikilos na.
Tayo lang din ang tatapos sa problemang ito. Pero, hindi kailan man magiging solusyon ang pakikipag giyera o anumang pisikal na pakikipag laban. Batid nating lahat na napaka lakas ng bansang China at tiyak na wala tayong laban sa mga ito sa oras na makipag bakbakan tayo sa kanila. Isa pa, mas marami lang ang maaapektuhan at mailalagay sa panganib sakaling mangyari ito.
Ngunit, dapat atin ding itatak sa ating mga isipan na hindi natin dapat na hinahayaan lang na abusuhin tayo ng ganito. Tama na ang pagbubulag-bulagan ating patunayan sa kanila na kailan man ay hindi mapapa sakanila ang teritoryong kanilang minamata at pilit na inaangakin. Aksiyon ang tanging solusyon, para sa mga bansang kulang sa atensiyon. Walang ibang ginawa kundi mang gitgit ng mga bansang alam nila na kakaya-kayanin lang nila. Ngunit, ating patunayan na hindi nila iyon magagawa sa atin. Dahil ating ipaglalaban ang teritoryong tunay na sa atin na kailan may hindi natin hahayaang maangkin ng kung sino mang mga banyaga.

Pirmado na ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act na layuning gawing institusyon ang mental health at well being program para sa mga guro at mag-aaral. Nakatutuwa ang hangarin ng bagong batas na tutukan ang mental na kalusugan hindi lamang sa mga guro kundi pati sa kabataan sapagkat makatutulong ito para mapanatili ang maayos at kalmadong pag-iisip ng mga mag-aaral na katulad ko na siyang tulay sa maginhawang buhay.
Ayon kay Marcos, ang batas ay malaking tulong para makapaghatid ng iba’t ibang serbisyo para sa mental health, pag-unlad ng emosyonal na kalusugan at maalis ang maling impresyon sa taong may pinagdaraanan kaugnay sa mental health. Kung ako ang tatanungin, ang batas ay tiyak na malaking kaagapay para masolusyonan ang mental health problems, mapaunlad ang sarili at higit
sa lahat ay mapababa ang kaso ng suicide rates sa bansa na siyang isa sa aking lubhang ikinababahala ngayon. Kasunod nito, parehong pampubliko at pribadong paaralan ang makikinabang sa bagong batas. Magtatayo rin ng care centers sa bawat pampublikong eskwelahan na pamumunuan ng isang school counselor. Tunay ngang maghahatid ng pagbabago at ginhawa ang batas dahil malaki ang saklaw nito at sa itatayong care centers na daan sa pagkakaroon ng buong pagtutok sa mga programa’t serbisyong ihahatid sa benepisyaryo. Kamakailan lamang, inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na pumalo sa 198 kaso ng pagpapakamatay noong school year 2023-2024 at 1,492 pagtatangkang pagpapakamatay ngayong 2024-2025. Para sa akin, nakababahala ang napakalaking bilang ng magaaral na nagpapatiwakal dahil sa mental health problems kung kaya ang Batas Republika Blg. 12080 ay magandang
Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Senior High School within Bacoor Elementary School

WALANG HAHADLANG
Sa nalalapit na halalan ay isa na namang palaisipan para sa lahat kung magiging maayos ba ang kalalabasan at hangarin ng mga politikong tatakbo ngayong eleksyion, kung ating titingnan ay nitong mga nagdaang taon ay samut-saring problema ang kinaharap ng ating bansa gayundin ang alitan ng mga ilang politiko na nagpatunay na hindi nila kayang panindigan ang kanilang mga pangako na maayos na serbisyo para sa bayan.
Ngunit, siyang tunay na hindi ganoon ang nangyayari dahil mismong mga namumuno pa ang mga perwisyo. Sa nalalapit na Senatorials Election ay kasabay naman sa paganunsiyo sa publiko na si Senator Imee Marcos ay mag-isang tatakbo o independent candidate at siya rin ay walang partidong kinabibilangan, dahil siya ay kumalas na sa administrasyon ng kapatid niyang si Pangulong Ferdinand “Bong-bong” Marcos Jr. at nilinaw din mismo ng senador na wala umani silang alitan ng kanyang kapatid, dahil desisyon niya mismo ang umalis sa partido.
Kaya naman ngayong
palapit na ang eleksiyon ay dapat na ayusin at mapatunayan ng bawat politiko na sila’y karapatdapat na iboto. Dahil sa gulo ng ating sistema at hindi maayos na pamumuno ng mga nasa gobyerno ay siya namang pagkasira ng tiwala ng mamamayan lalo na kaming mga kabataan. Isang napakahalagang usapin nito na marapat nating pagtuunan ng pansin, hindi lang para maiayos ang sistema ng bansa gayundin para sa kapakanan ng bawat mamamayang Pilipino na matamasa ang tama at pantay na karapatan nila, espesyal sa mga usaping may kinalaman ang politika. Sapagkat, hindit ito sa isang laro na dapat lang sumabay sa agos kahit
pa may kapansin-pansin na ang hindi kaaya-ayang pangyayari sa ating bansa. Dahil ang mga bagay na ito ay napaka seryosong bagay na kinakailangan ng aksiyon. Tapat na serbisyo ang kailangan hindi perwisyo. Sa magulo at bulok na sistema ng bansa ay dapat itong pagkatutukan. Mga politikong wala namang mabuting hangarin sa bayan ay puksain. Hindi na tayo dapat pang magbulagbulagan. Kinabukasan ng bawat isa ang nakasalalay kaya naman iboto ang karapat dapat na ma-iboto, huwag ang mga kandidatong magaling lang sa umpisa at puro napapako ang pangako.
Sa Patnugot,
Walang duda na nagkaroon ng pag-uswag ang The Camper’s Light sa iba’t ibang aspeto ngayong taong panuruan, dahilan upang lalo ko pang ipagmalaki ang nasabing organisasyon na minsan ding akong naging bahagi. Kapansin-pansin ang naging pagbabago sa pormat at disenyo ng mga inilalathala ninyong publication materials sa Facebook. Dahil dito, mas lalong nagiging kaakit-akit at impormatibo ang mga ito sa paningin ng madla. Gayunpaman, sa aking paglisan sa organisasyon halos isang taon na ang nakalilipas, may mga binuo akong plano na tingin ko ay hindi naipagpatuloy ngayong taon. Kabilang dito ang serye ng mga dokumentaryo at artikulo na nagtatampok sa mga kuwento ng ating mga kababayan sa komunidad. Bahagi ito ng gampanin ng mga mamamahayag na palakasin ang tinig ng mga ordinaryong Pilipino. Bilang bagong editor ng publikasyon, naniniwala akong kaya mo pang lagpasan ang tugatog ng nasabing proyekto at makapag-iwan din ng isang hindi malilimutang marka. Bilang pagsusuma, tanggapin mo ang aking pagpupuri. Wala akong ibang hangad sa The Camper’s Light kundi tagumpay at matalas na panulat na may dangal at tapang para sa pag-asa at katotohanan.
- Axel John Cainglet Dating Punong Patnugot
Para kay Axel, Una, ako’y nagpapasalamat sa lahat ng papuring natanggap ng aming organisasyon mula sa’yo—kung paano nagkaroon ng magandang pagbabago ang The Camper’s Light sa panuruang ito. Sa katunayan, iniaangat ko ang papuri at pasasalamat sa aking mga miyembro, maging sa mga guro, dahil sila ang nasa likod kung paano naging mas maganda ang mga disenyo ng mga lathalain na aming nailalabas, na hindi lamang impormatibo, bagkus nakaka-enganyo ring basahin. Pangalawa, nais ko ring pasalamatan ang lahat ng proyektong iyong binuo sa iyong pamumuno sa nakaraang panuruan; kung saan nais mong magpahayag ng mga kwento na tiyak kapupulutan ng aral ng bawat mag-aaral. Humihingi ako ng paumanhin dahil hindi namin ito naipagpatuloy kaagad, ngunit nangangako ako na amin itong muling sisimulan bilang katugunan sa proyekto na iyong sinimulan. Maraming salamat muli, hangad ko rin ang tagumpay ng aming organisasyon, hindi lamang sa kompetisyon, maging sa paglalahad ng totoong impormasyon.
- Jonah Mei Pancho Kasalukuyang Punong Patnugot

HUBAD NA KATOTOHANAN
Escarza Gabriel Ang Pugante at bulok na sistema ng Pilipinas
Kitang kita ang bulok na sistema ng ating bansa matapos maganap ang pagdakip sa puganteng si Alice Guo sa Jakarta, Indonesia. Kapansin-pansing may pinapaburan din ang ating sistema dahil mala Very Important Person (VIP) na pagtrato sa pugantenteng si Guo, kahit pa patong-patong na kaso ang kinakaharap nito.
Siyang tunay na napakalakas pa ng loob nito, dahil sa kabila ng mga pinaggagawa nitong pang-aabuso sa batas ng ating bansa ay nagagawa pa rin nitong umaktong kaswal na para bang isang artista dahil kitang-kita naman natin sa mga larawan na kumakalat sa midya na siya’y wagas kung makangiti at mga pacute.
Sa mga ganitong pangyayari at problema ay patuloy pa rin ba tayong magbubulag-bulagan lalo na ang mga taong namumuno? Dignidad at karapatan natin bilang mga Pilipino ang tinatapakan at ipinapasawalang bahala rito. Ngunit, hahayaan pa rin ba natin itong magpatuloy? Hindi pa huli ang lahat kung kikilos at gagawa na ng aksiyon ang bawat isa sa atin higit lalo ang mga nasa matataas na sangay ng pamahalaan ang usaping ito ay tiyak na makakayanan pa nating maaksyunan at hindi na kailan
man magiging problema ng bansa. Maraming nagsasabi at naniniwala na hindi natin dapat na husgahan si Guo, ngunit sa mga aksiyon na kaniyang ipinapakita sa ating lahat ay sino ang hindi nagtataka at mapaiisip na siya ay nagsisinungaling at mas pinagugulo lang ang sitwasyon. Kung wala naman palang kasalanan at ginawang mali bakit pati ang mga simpleng katanungan patungkol sa kanyang pagkakakilanlan ipinagkakait niyang bigyan ng kasagutan? Sino ba naman ang hindi magtataka rito diba? Kaya naman kung patuloy na paiiralin ng mga nakaupo sa gobyerno ang sarili nilang kapakanan at ipagpapatuloy ang pagiging mga buwayang laway na laway sa pera ng bayan ay tiyak na ang bawat isa sa atin ay walang matinong patutunguhan gayun din ang ating bansa at ang bulok at baluktot na sistema nito.
simula para mapababa ang bilang ng suicide at attempted suicide ng estudyante. Isa ito sa dapat na matutukan sapagkat kung papabayaan, ay saan na ang patutunguhan nito? Baka ang mangyari pa ay lubos na magsisi ang bawat isa kaya habang hindi pa huli ang lahat, kinakailangan ang pagbibigay ng buong pansin dito. Isa pa, ang RA 12080 ay tutugon din sa kalulangan ng guidance counselors sa bansa. Una nang nilinaw ni 2nd Congressional Commission on Education (EDCOM II) Executive Director Dr. Karol Mark Yee na 4,469 ang kinakailangang posisyon sa guidance counselors subalit 300 lamang kada taon ang nakukuha at nakatatapos ng master’s degree sa guidance at counseling. Nakalulungkot isipin na wala pa sa kalahati ang bilang ng guidance counselors kaya ang batas ay maghahatid din ng trabaho para sa ilan. Hindi ba’t nakatutuwa na
Huwag nating pabayaan na patuloy tayong pagmukhaing mangmang nitong mga banyagang naririto sa ating bansa lalo na ang mga kapwa pa natin Pilipino na mga sugapang sangkot sa mga ilegal na gawaing ito. Bigyang boses na ang mga kinakailangang pagkatutukan higit lalo itong puganteng si Guo na patuloy tayong pinaiikot-ikot sa kanyang mga kalokohan at kasinungalingan. Muli, hindi pa huli ang lahat. Umaksyon na. Gamitin natin ang ating mga boses at talino upang matamasa natin ang patas na pagtrato at tuluyan nating maipabusara ang bulok nating sistema at mga patuloy na umaabuso nito.

bukod sa makatutulong na ang batas sa kalusugan ay maghahatid pa ito ng bagong oportunidad para sa iba.
Samakatuwid, ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act o RA 12080 ay magbibigay ng tulong para maging payapa ang isipan at maharap nang maayos ang hamon sa buhay. Magdudulot din ito upang magkaroon ng kaalaman ang ang tulad ko at kapwa mag-aaral ko kung paano pangalagaan ang sarili, maiwasan ang stress, at agarang maaksyunan ang problema. Kung payapa at maayos ang mental na kalusugan, tiyak na maayos din ang mga pagpapasya tungo sa magandang kinabukasan. Panahon na upang masimulan ang pagpapatayo ng care centers, paghahanap at pagha-hire ng school counselors. Mainam din ang pakikipag-ugnayan ng DepEd sa ibang kagawaran
gaya ng Department of Health (DOH) upang masiguro na angkop, epektibo, at mapa-igting ang mga programang ibabahagi gaya ng Oplan Kalusugan (OK), One Week Health Activity, at Batang Matatag: Nourishing Minds, Strengthening Bodies Program. Higit sa lahat, mainam ding isama sa sakop ng batas ang higher education lalo pa’t isa rin sila sa nakararanas ng mental health problems kaya hindi natin sila dapat kalimutan. Panghuli, tutukan lalong-lalo na sa mga lugar na mataas ang bilang ng individwal na nakararanaas ng mental health problems. Sa puntong ito, kinakailangan natin ang pagtutulungan, pag-unawa , at bukas na isipan para solusyonan ang mga problema sa mental na kalusugan. Sa ganitong paraan, tiyak na makikita ang tulay tungo sa maginhawang buhay.
Patnugot ng Lathalain | Josaine Mendoza
Hindi lamang isang simpleng linya ang pahayag , kundi isang paanyaya na yakapin ang kasaysayan, kultura, at kasiyahan ng bayan. Ang Bacoor ay isang bayan na hindi lang basta-basta. Sa bawat sulok ng Bacoor, may mga kwentong nag-aantay na madiskubre, mga nakatagong yaman na handang ibahagi. Halika na’t sama-sama tayong umakyat sa bakod at alamin ang mga nakakatuwang bagay tungkol sa ating bayan, dahil sa Bacoor, ang bawat araw ay isang pagdiriwang ng buhay!
Tuwing huling Linggo ng Setyembre, hindi lang tayo nagdiriwang ng Bakood Festival, kundi pati na rin ang ating 353rd founding anniversary! Isipin mo, 353 taon nang nakatayo ang Bacoor na parang bahay na walang bakod. Pero teka, ano nga ba ang kahulugan ng “bakood”?

Mula sa salitang “bakood” na ang ibig sabihin ay “bakod,” ang Bacoor ay orihinal na isang simpleng bayan na napapalibutan ng mga bakod o dingding. Isipin mo ang mga naging bakod na nagsilbing simbolo ng pagkakaisa at pag-unlad. Kaya naman, tuwing naririnig mo ang “Bacoor,” naiisip mo na hindi lang ito isang pangalan kundi isang simbolo ng katatagan at pag-asa.
Alam niyo bang ang Bacoor ay kilala bilang “The Gateway to Cavite”? Kung baga sa isang pelikula, siya ang leading lady na umaakit sa lahat ng tumatawid sa kanya. Kaya naman, hindi lang ito basta lungsod, kundi isang matamis na pagsasalubong sa lahat ng nais makilala ang mga yaman ng Cavite.
Dagdag pa rito, ang Bacoor ay kilala bilang lugar kung saan naganap ang “Battle of Binakayan” noong 1896. Oo, tama ang narinig mo, dito nagumpisa ang laban para sa kalayaan! Isipin mo, ang Bacoor ay parang tagapagligtas ng Cavite na may kwento ng tapang at sakripisyo. Sa simpleng bayan na ito, dito natin makikita ang pagkakaisa at laban para sa karapatan.

“We need a comfort food this rainy season. Tapos interactive—kumbaga, experience sa mga clients natin.”
Tuwing tag-ulan, ano pa ba ang madalas na pampainit ng mga Pilipino? Bukod sa kape, ay tiyak champorado! Patok na patok sa panlasa ng masa. Mabilis at madaling lutuin, kaya naman sa taga-ulan ay talaga hahanap-hanapin.
Kakaiba naman ang paandar ng ilang mga negosyante. Hindi lang kasi tipikal na champorado ang kanilang binebenta, kundi champoradong mas pinabongga. Kaya naman, kaliwa’t kanan ang pagusbong ng iba’t ibang videong tampok ito. Hindi na nakapagtataka na madali itong nag-trending at tinangkilik ng masa.
Sa kapehan ng “The Bistro” sa Antipolo, bentang-benta ang nangunguna nilang Triple Chocolate Bowl Champorado na nagkakahalaga ng ₱249.00. Mas pinasarap nila ito sa pamamagitan ng paglalagay ng chocolate dome sa ibabaw ng champorado, na siya namang bubuhusan ng mainit na
gatas upang matunaw. Nagbunga raw ang ideya na ito mula sa mga staff ng restaurant na nagkukuwentuhan ng mga alaala nila tuwing umuulan noong sila’y kabataan.
“And they are very willing to wait.”
Laking tuwa naman nina Mikaela Hallare na siyang may-ari ng The Bistro sa mabilis na pagdami ng mga mamimiling pinipilahan ang kaniyang special champorado.
Bago naman sa pandinig ang naging pauso ng Maja Cafe sa Biñan, Laguna. Hindi lang kasi chocolate flavor ang kanilang inihahain, kundi pati ube at pandan flavored champorado na nagkakahalaga lamang ng ₱ 199.00–325.00. Mabilis naman itong pumatok sa masa, kaya mula sa seasonal lamang na pagbebenta tuwing pasko ay ipinagpatuloy na nila ito. Sinubukan din nilang pasukin ang pang-eengganyo sa digital world, kung kaya’t buhat niyon ay mas nadama nila ang naging pagbuhos ng mga mamimili nung ito’y mag-viral.
Ang mga team bahay naman ay kanya-kanya ring pasabog at post online ng kanilang sariling
bersyon ng champorado. Ang isa pa nga’y imbis na dangit ay daing na pusit ang inihalo, anila’y nakakatakam at bagong bago.

Tunay ngang paminsan-minsan, ay dapat din tayong sumubok ng mga makabagong bagay. Maigi rjng tumuklas at mas palaguin ang mga nakasanayan. At maaaring tulad ng champorado, ito rin ay yumaman at lumago.
Dahil sa huli, tunay ngang naging bravong bravo ang champoradong mas pinagarbo ng mga malilikhaing Pilipino.




Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng
Senior High School within Bacoor Elementary School
Dibisyon ng Bacoor · IVA Calabarzon · Agosto 2024 - Enero 2025 Tomo 1 - Bilang 1

Hindi lingid sa kaalaman ng mga mag-aaral ng Senior High School within Bacoor Elementary School na tulad ko ang Bahay na Tisa. Papunta’t pauwi mula sa paaralan, ang dalawang palapag na tahanang ito ay kanilang napagmamasdan sa kanilang araw-araw na daan. Kapani-paniwala bang malaki ang bahagi ng isang munting tahanan sa pagkamit ng Inang Bayan ng kaniyang kasarinlan?




Mula dekada 60, nagsilbing pangunahing sasakyan ang Baby Bus sa mga Caviteño, at tumulong sa pagkonekta ng mga bayan at lungsod sa lalawigan. Mas maliit kaysa sa karaniwang bus at jeepney, may kakaibang identity ang mga Baby Bus; makulay, puno ng kwento, at may mga pangalan ng pamilya na nakatampok sa harap nito bilang tanda ng personal na ugnayan ng mga may-ari at ng kanilang komunidad.
Maging sa init ng panahon at mahahabang oras ng paghihintay, patuloy na nagsisilbing isang epektibong paraan ng transportasyon ang mga
Matatagpuan sa lungsod ng Bacoor sa lalawigan ng Cavite ang tahanan kung saan nagsimula ang lahat—ang Bahay na Tisa. Nagsilbi itong tahanan para sa mag-asawang Juan at Candida Cuenca. Mahihinuha mo ang mag-asawang lumilibot sa iba’t ibang bahagi ng tirahan para pang-araw-araw na pagkakaabalahan. Sa sala para sa paglilibang, kusina sa pagluluto, likod-bahay sa pagtatanim, at kwarto sa pagtulog. Karaniwan nang ang tahanan ay lugar ng kapahingahan, malaya mula sa kalupitan at kabalisahan. Ngunit para sa mag-asawa, may mas malaking bagay na dapat unahin at pahalagahan—ang kalayaan mula sa mga Kastilang tayo’y inaapakan.
Ang Bahay na Tisa ay tinaguriang “Unang Malacañang ng Pilipinas.” Naging pansamantalang punong-tanggapan ito ng dating Heneral Emilio Aguinaldo nang kaniyang pinili ang Bakoor, na ngayo’y kilala bilang Bacoor, bilang kabisera ng Pamahalaang Rebolusyonaryo ng Pilipinas noong taong 1898. Ang bahay na ito ang naging tagpuan ng Pagpupulong ng Bacoor noong Agosto 1-6, 1898. Humigit kumulang 200 munisipal at probinsiyal na mga pinuno ang tinanggap at pinaunlakan ng tahanang ito.
Ipinagdiriwang ang araw ng kalayaan
tuwing ika-12 araw ng buwan ng Hunyo alinsunod sa kauna-unahang makasagisag na pagwagayway nito sa munisipalidad ng Kawit, Cavite. Ngunit ang makasaysayang pagpatitibay ng ating kalayaan sa pamamagitan ng pagpirma rito ay unang naganap sa Bahay na Tisa, lungsod ng Bacoor, Cavite. Dito, naideklara ang mga Pilipino bilang malayang mga tao. Taunang ginugunita tuwing ika-unang araw ng Agosto ang “Araw ng Paglalathala at Pagtatanyag ng Kasarinlan ng Pilipinas” sa ilalim ng Batas Republika Blg. 12073 bilang pagkilala sa di-malilimutang gampanin ng lungsod ng Bacoor sa kasaysayan ng kasarinlan ng Inang Bayan. Nitong nakalipas na buwan ng Agosto taong 2024, iginunita ang pag-alala sa makasaysayang pangyayaring ito sa Bahay ng Tisa, kasama ang mga mag-aaral ng SHS within Bacoor Elementary School.
Sa kabila nito, hindi maikakailang sa paglipas ng panahon, ang ating kasaysayan ay tila sa limot nababaon. Sa harap ng modernisasyon, unti-unting nalulunod ang tradisyon. Ang pagsasabatas ng paggunita ng mga ito ay isang hakbang lamang tungo sa pag-alala ng ating pinagmulan at pagpahahalaga sa ating mayamang pamana. Nananatili sa ating sariling pagsisikap ang pagpapanatiling buhay at pagbibigay kahalagahan at kahulugan sa mga pangyayaring ito.
Ang maliliit na mga bagay, kapag pinagsama-sama, malaki. Sa pamamagitan ng munting tahanang madalas lagpasan ng mga estudyanteng naglalabasan, kalakip ang pinagsama-samang pagsisikap at paglaban ng ating kanuno-nunuan, ating natatamasa ang ating pangunahing karapatan bilang mga mamamayan ng bansang sinilangan— ang kalayaan.
ni Alessandra Denise Abe
Bawat hinto at pag-andar ng mga Baby Bus sa Cavite ay hindi lang basta biyahe kundi isang paglalakbay sa kasaysayan ng lalawigan. Isang makulay at kakaibang simbolo ng kultura at tradisyon ang mga bus na ito, patuloy na nagsisilbing saksi sa mga pagbabago ng panahon at mga regulasyon.
Baby Bus. Habang bumabaybay sa mga kalsadang puno ng buhay, nagsisilbing tagapagdala ito ng mga kwento ng mga pasahero, mga batang abala sa pag-pindot ng buzzer, at mga drayber na nag-aabot ng tulong at serbisyo sa kanilang mga kababayan. Lahat ng ito ay isang patunay ng malalim na ugnayan ng mga Caviteño sa kanilang mga sasakyan. Sa bawat hinto ng mga Baby Bus, nakikita ang mga pagbabago at lumalalim na kwento ng bayan. Subalit, sa kabila ng kanilang kasaysayan, nagsisimula nang maglaho ang mga bus na ito dulot ng mga bagong regulasyon na nag-aatas ng pagpapalit ng makina at chassis.
Puno ng sakripisyo at hirap ang buhay ng mga drayber. Sa mga bagong regulasyon na
nag-uutos ng pagpapalit ng mga parte ng bus, nahihirapan sila, sapagkat ang halaga ng mga bagong requirement ay higit pa sa halaga ng kanilang mga bus. Ngunit patuloy silang nagtatrabaho, umaasa na matutugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Hindi man ito magtagal, ang bawat pag-andar at busina ng mga Baby Bus ay nagsisilbing alaala ng kasaysayan ng Cavite. Bawat kanto at bawat hinto ay may kwento ng pag-unlad at pagsubok. Ang busina ng mga transportasyong ito ay isang huling sigaw mula sa makulay na bahagi ng kultura ng Cavite na patuloy na magsisilbing yaman ng mga Caviteño.


Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Senior High School
within Bacoor Elementary School

Ang pagiging lider ay hindi lamang nasa titulo—kaakibat nito ang patuloy na pagbibigay ng serbisyo, pagsasakripisyo, at pagsisilbing inspirasyon sa iba. Ang pangunguna bilang namumuno ay tunay ngang mahirap. Ngunit ano pang higit kung ikaw ay maging lider sa murang edad?
Sulyap sa Paglalakbay
Nagtapos ng kursong Bachelor of Arts in Journalism, si Bb. Kynah Amor Darvin. Marahil ay ang mundo ng pamamahayag ang planong tahakin ng butihing guro. Ngunit talaga ngang mapaglaro ang ihip ng kapalaran. Ang dating nag-aalangan sa pagkuha ng posisyon bilang tagapagturo, ngayo’y isa nang ganap na guro—punong guro pa nga.
Nang siya ay makapagtapos sa kolehiyo, nanungkulin si Bb. Kynah bilang Opisyal ng Yamang Tao sa loob ng dalawang taon sa Pamantasang Pampamahalaan ng Cavite sa Sangay ng Imus sa loob ng dalawang taon. Kalaunan, sila ay nangailangan ng tagapagturo ng pamamahayag, at siya ay naimbitahan. Sa puso niya’y namayagpag ang duda at pag-aatubili, sapagkat hindi pagtuturo ang kaniyang propesyon at kursong tinapos. Ngunit ayon sa kaniya, kung hindi dahil kay Campus Dean Dr. Cubillo, hindi raw siya magiging isang ganap na guro.
Siwang ng Pagkakataon
Noong Marso ng 2020, bago pa masuspinde ang mga klase dahil sa pandemya, siya ay ipinaalalahanang magpasa ng papeles para sa pagiging Teacher-in-Charge— sa huling araw ng pasahan nito. Inihabol pa nga niya ito kinabukasan dahil maaari naman. Paglipas ng dalawang buwan, panahon ng “lockdown”, siya ay nakatanggap ng tawag upang maghanda para sa isang panayam at online na demonstrasyon ng kaniyang pagtuturo. Ang tanging nagsilbing motibasyon sa kaniyang pagtuloy sa imbitasyon ng panayam ay ang pag-iisip na ituloy na lamang ang nasimulan—naipasa na kasi ang mga dokumento. Sa harap ng katanungang bumangon sa kaniyang kahandaan sa pagiging isang “school head”, nanatili siyang tapat sa kaniyang sarili—hindi pa siya handa. Ngunit sa kabila nito, responsibilidad ay kaniyang tatanggapin ipagkaloob man sa kaniya ang mapanghamong tungkulin. “I will accept the challenge,” ika niya.
Sa parehong buwan ng kaniyang panayam, siya ay naitalaga bilang Teacher-in-Charge ng Senior High School within Sineguelasan Elementary School. Sa edad na 27, siya’y tinagurian bilang pinakabatang “school head” sa lungsod ng Bacoor.
Sa pag-aakalang hindi siya makukuha sa posisyon, itinuloy niya ang aplikasyon. Ngayon, kahit ang nakaraan ay nabalot ng pag-aalinlangan, siya’y nananatiling inspirasyon at mabuting ehemplo sa pag-asa ng bayan—ang mga kabataan.
Ngunit kaakibat ng posisyong ito ang mga hamon.
Hindi maiiwasan ang “stress” saanmang dako ng mundo tumungo. Sa tulong ng pananalangin, humihingi ng tatag ang punong guro upang malagpasan ang mga pagsubok.
Paghugis ng Kapalaran
Sa kabila ng tagumpay, ang mga humubog at sumuporta kay Bb. Kynah ay kabilang sa kaniyang listahan ng mga hindi-malilimutang bagay. Ayon nga sa isang kasabihan, “No man is an island.” Lahat tayo’y hinubog ng ating mga karanasan at mga taong nakahalubilo. Ang bersiyon ng ating sarili sa kasalukuyan ay binubuo ng bahagi at impluwensiya ng lahat ng mga naging parte ng ating buhay. “You have to thank those people na tumulong sayo para makamit mo kung nasaan ka man ngayon… Be humble, at the same time, be grateful to others kasi hindi lang naman ikaw ang gumagawa sa lahat ng bagay, kundi ito ay sa tulong na rin ng iba.”
Mula sa pagtatapos sa larangan ng pamamahayag tungo sa pagtahak sa gampanin ng isang punong guro—kakaibang ihip ng tadhana kung ituturing man ni Bb. Kynah. Ang salaysay ng kaniyang paglalakbay ay isang malaking patunay na mapaglaro ang buhay. May mga planong hindi nasusunod at daang hindi natatahak, ngunit maaari itong magbukas ng iba pang oportunidad upang lubusang mapagtanto ang ating misyon at layunin sa mundo. Sa laro ng tadhana, nawa’y tularan si Bb. Kynah. Saanman hatakin ng daang tatahakin, harapin natin ito nang may katapangan, pananampalataya, at pananabik.





ni Xedryhz Feliciano

Sa paglipas ng mga henerasyon, maraming tradisyon ang naputol, at isa na rito ang paggawa ng asin. Ngunit may ilan na muling bumalik upang muling buhayin ang tradisyong ito.
“Nong, ibalik natin ang paggawa ng asin,” wika ni Fr. Chris Manongas sa kanyang kapatid na si Nester Manongas. Sa kanilang pagmamahal sa kasaysayan at pamanang iniwan ng kanilang pamilya, nagpasya ang magkapatid na muling bigyang-liwanag ang paggawa ng Asin Tibuok. Asin Tibuok ay isang natatanging asin na natutunaw sa pagkain. Matigas tulad ng bato, ito ay kilala sa taglay nitong malinis na maalat at mausok na lasa mula sa dagat. Ang proseso ng paggawa nito ay umaabot ng tatlong buwan at maaaring gawin lamang tuwing Marso hanggang Disyembre, dahil sa tamang antas ng alat ng tubig
Dahil sa kawalan ng pang-ekonomikong benepisyo, natigil ang produksiyon nito sa kanilang pamilya. Noong dekada ’90, tatlong pamilya na lamang sa Bohol ang gumagawa nito, at noong 2000s, tuluyan itong nawala, Sa paggawa ng Asin Tibuok ay masalimuot. Sinisimulan ito sa paggamit ng coconut
husks, na binababad sa tubig ng tatlong buwan, pagkatapos ay pinatutuyo sa araw upang sunugin at gawing puting abo. Ang mga abong ito ay inilalagay sa mga palayok na tinatawag na sagsag. Ang asin ay minamarinate sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng tubig dagat sa loob ng tatlong araw, habang walang tigil na binabantayan ng mga gumagawa. Pagkatapos nito, ang asin ay inilalagay sa pugon sa mga palayok at pinapatuyo hanggang sa mawala ang lahat ng moisture at tumigas nang husto. Asin Tibuok, sa kabila ng hirap ng paggawa nito, ay nakarating na sa pandaigdigang merkado. Ngunit sa kabila ng tagumpay nito, wala pa ring katiyakan ang pagpapatuloy nito dahil ang bagong henerasyon ng pamilya Manongas ay walang interes sa tradisyong ito. Sa kabila ng lahat ng hamon, patuloy na pinagsisikapan nina Nester at ng kanyang mga manggagawa na ituloy ang pamana ng kanilang ama. Ang Asin Tibuok ay hindi lamang produkto; ito ay isang piraso ng kasaysayan at kultura na naghihintay ng mas maliwanag na kinabukasan.





Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Senior High School within Bacoor Elementary School
Sa kislap ng tagumpay at kasikatan, nakapailalim ang madilim na kwento ng kalupitan at kawalang hustisya. Ang buhay ng isang batang bituin, na sinaklot ng kontrobersiya at trahedya, ay nananatiling isang masakit na paalala sa kung paanong nagiging alipin ang mga mahihina sa mundo ng kapangyarihan.
Isang dekada ng dekadenteng pelikula ang nagbigay ng kinang sa pangalang “Pepsi Paloma”, na iniukit ng Softdrink Beauties, ngunit ang halina ng liwanag ay napalitan ng bangungot noong 1982. Isang alegasyong niyanig ang industriya: ang pang-aabusong di umano’y kinasasangkutan ng mga sikat na komedyante na sina Vic Sotto, Joey de Leon, at Richie D’Horsie. Sa pagitan ng mga bulong ng katotohanan at ingay ng kasinungalingan, isang murang tinig ang sumigaw para sa hustisya. Subalit, sa sistema kung saan ang impluwensya ay sandata, ang sigaw ay pilit na sinikil.

Sa kabila ng lahat ng ito, nananatiling malupit ang naging kapalaran ni Pepsi Paloma. Tila isang boteng inihagis sa ilog pagkatapos simutin ang laman ganyan kung ituring ang kanyang buhay. Isang bagay na sa una’y pinahahalagahan, ngunit kalaunan ay itinatapon na lamang matapos pakinabangan.
Isang diary at isang abiso ng desistance ang nagkubli ng kwento ng kawalang pagasa. Sino ang mag-aakalang ang mundo ng showbiz na puno ng halakhak ay magdadala ng pagluha? Sa murang edad, isang bituin ang namatay, naiwan ang kanyang kwento sa likod ng kurtina ng kawalan. Ngunit hanggang kailan mananatili sa dilim ang katotohanan?
Ngayong taon, ang pelikulang “The Rapist of Pepsi Paloma” na gawa ni Darryl Yap ay naglalayong muling balikan ang kwento ng mapait na nakaraan. Sa pamagat pa lamang, tila isang panawagan upang muling suriin ang iniwang sugat sa kasaysayan. Ngunit makakamit ba nito ang hustisya na matagal nang kinamkam


ng kapangyarihan? Habang ang ilan ay naniniwalang ang sining ay laging malaya, hindi ba’t nararapat din itong maging responsable?
Habang ang mga personalidad na sangkot ay naglalaban sa korte, isa na namang laban ng salaysay at hustisya ang nagaganap. May mga naninindigan para sa katotohanan, ngunit ang iba’y nananatili sa kampo ng kapangyarihan.
Bagamat walang konkretong ebidensya na magpapatunay sa kung ano nga ba ang totoong nangyari Kay Pepsi Paloma, nananatili itong simbolo ng mas malalim na sugat; isang kwento ng kawalang hustisya at pagkakait ng karapatan. Ang isyu ay hindi lamang kung sino ang tama o mali, kundi kung paano natin haharapin ang nakaraan at itutuwid ang mga pagkukulang nito.
Sa karimlan ng nakaraan, hinahanap ang liwanag ng hustisya. Ang bawat detalye ng kwento ay tila bulong mula sa mga anino, pilit na sumisigaw ng katotohanan na matagal nang nais ilantad. Ang masalimuot na kasaysayan ay hindi dapat manatiling tahimik; ito’y isang paalala na ang hindi pagharap sa mga sugat ng nakaraan ay nagdudulot ng paulit-ulit na pagkakamali. Ang kwento ng isang batang bituin na dumanas ng kalupitan ay hindi lamang simpleng salaysay ng trahedya; isa itong salamin ng ating lipunan. Sa bawat pagtatangkang ilihim ang mga pagkukulang ng nakaraan, mas lalo lamang lumalalim ang sugat. Ang hamon ngayon ay hindi lamang alalahanin ang masalimuot na kasaysayan, kundi tiyakin na sa dilim ng karimlan, magsisilbing tanglaw ang liwanag ng katotohanan at hustisya.

Walang nararating ang bawat paghakbang. Walang paroroonan, walang konkretong daan.
Imbis na paglalaro, pagtitibtib ang pinagkakaabalahan niya. Sa musmos na gulang ni Berny, hindi niya tunay na pangalan, ay namulat siya sa hirap ng buhay nang mapilitang magtrabaho upang makatulong sa pamilya.
Sa edad na 11, natuto siyang magbanat ng buto. Daig pa niya ang pagkayod kalabaw, dahil sa kabila ng kaniyang manipis na pangangatawan ay buong sikap siyang naglilinis ng tahong at talaba hanggang sa pagkagat ng dilim.

Pagkatapos sa eskuwela, dumideretso si Berny sa tibtiban upang linisin ang timba-timbang tahong at talaba. Sinasalamin ng kaniyang maliliit na kamay ang taglay niyang sipag at tiyaga. Tila hindi sapat ang mga gasa, upang itago ang mga sugat na katas ng kaniyang paghihirap. Ang mga lapis ay pilit na kumakawala sa kaniyang mga kamay—senyales ng kakulangan sa lakas ng mga iyon. Ang pansamantalang pahinga



sa pag-aaral ay hindi niya nasusulit, dahil kahit Sabado at Linggo ay wala siyang takas sa trabaho. Buhat niyo, napadalas ang kaniyang pagliban sa paaralan. Bakas ang hirap niya sa pagbalanse ng pagaaral at pagtatrabaho. Madalas siyang maiwan sa mga aralin, at kulang-kulang din ang mga gawain. Gayunpaman, wala siyang magawa kundi magpatuloy dahil sa kakapusan sa buhay. Aniya, minsan ay dumadating sa puntong wala nang makain ang kaniyang pamilya. Kaya naman, gayon na lamang ang kaniyang pagtatiyaga upang makaalpas sa kadena ng kahirapan. Ang kaniyang kinikita sa trabaho ay idinadagdag niya sa pangtustos ng pamilya. Kung minsa’y sosobra’y ginagamit naman niya bilang pambaon sa eskuwela. Bagaman hirap sa sitwasyon, pinipilit niyang pagsumikapang punan ang parehong responsibilidad sa pagaaral at pagtatrabaho. Hindi na iba ang mga kuwentong kagaya kay Berny. Ang child labor ay lubusang laganap lalo na sa ating bansa. Nakalulungkot na
ang mga bata ay tila napagkakaitan ng kanilang mga karapatan dahil sa responsibilidad na ipinutong sa kanila.
Nawawalan sila ng pagkakataong makapag-aral ng maayos, at masayang makapaglaro. Ang mga musmos na bata, ay hindi dapat maging abala sa pagtatrabaho, bagkus ay maging abala sa pagsulit ng kanilang pagkabata.
Sa huli, ang multo ng kahirapan na pilit nilang tinatakasan ay hindi dapat makipaghabulan sa mga batang wala pang muwang sa lipunan. Dahil dadating ang panahon, ang mga bata ay tatanda. Kaya’t hindi dapat nakawin ang mga sandaling sila’y bata pa. Ang mga batang kagaya ni Berny, ay dapat lamang makalaya’t makaalpas. Makatakbo na walang bigat na dinadamdam. Makahakbang at makatagpo ng konkretong daan. Maliwanagan at may mapatunguhan. At sa wakas… ay makapagpahinga, sa habulan ng kahirapan.
Patnugot ng Agham at Teknolohiya | Xedryhz Feliciano
Sa pag-usbong ng hindi tiyak, ang mga taong may tapang na hamunin ang kawalan ng katiyakan ay nakakamtan ang malalim na kahusayan sa paghahangad ng kaalaman.
Ipinakita ng mga estudyante sa National Science Technology Meet sa Word Trade Center, Pasig, ang mga makabagong teknolohiya para sa posibleng paggamit sa ating bansa sa hinaharap.
Ipinresenta nila ang mga likha tulad ng ‘C-Trike’ ng Cagayan State University, na may mas malaking kapasidad sa pasahero at hindi gumagamit ng gasolina.
Isang estudyante mula sa Philippine High School Central Visayas, si David Atu, ay nagpakita ng isang sensor device na kayang mag-detect ng microplastics.
Ipinakita rin sa entablado ang isang ‘electric boat’ ng Mapua na pinuri ni Pangulong BongBong Marcos dahil sa inobasyon nito.
Binanggit din ni PBBM ang patuloy na suporta ng gobyerno sa mga siyentipiko tulad nila at binigyangdiin ang lumalaking pangangailangan para sa kanilang mga kasanayan. Idinagdag niya na ang pag-unlad ng bansa at inobasyon ay nasa kanilang mga kamay.
Sa mga prototype na ipinakita, maaaring matugunan at maiwasan ang ilan sa mga lumalaking hamon sa buong mundo.
Ang labag sa batas na paggamit ng gasolina sa buong mundo at ang mga mapanganib na emisyon na nililikha ng mga traysikel sa bansa ay maaaring untiunting mapalitan ng ‘C-Trike’, at karamihan sa mga pribadong sasakyan sa buong mundo ay maaaring magmigrate, kung maaari, sa mga e-vehicles.
Kasama ng ‘e-boat’ na teknolohiya, maaaring tanggapin ito ng mga ferry at iba pang maliliit na bangka o kahit mga bangka sa ilog na pinapalaganap sa Pasig River.
Itong pagtukoy ng microplastic, bagaman, ay isang isyu ng buhay at kamatayan. Ipinakita sa mga
pag-aaral na ang sobrang microplastic sa katawan ay maaaring magdulot ng malubhang problema sa kalusugan, pati na ang epekto sa utak. Sa pamamagitan ng device, maaaring matukoy ang mga microplastic bago pa man ito pumasok sa katawan at magdulot ng pinsala.
mga inobasyon ay hindi dapat maliitin o balewalain, dahil may potensyal ang mga ito na magdala ng pagasa sa sangkatauhan at magtulak sa atin patungo sa susunod na kabanata ng progreso. Sa malawak na suporta, ang mga pag-unlad na tulad nito ay patuloy na magpapalago.
Nakabuo ang Advanced Research Institute of Quantum Technology sa pakikipagtulungan sa Department of Science and Technology (ARIQT-DOST) ng unang quantum communication network. Ang network na ito ay dinisenyo upang magbigay ng mas ligtas na sistema ng komunikasyon. Gagamitin ang Quantum Key Distribution (QKD) upang labanan ang mga cyber threats.
Sa isang press conference sa University of the Philippines, Diliman (UPD), ipinakita ito bilang isang sistemang hindi maaaring ma-intercept. Binanggit ni Dr. Elena Torres, ang pinuno ng ARIQT, ang kabuuang seguridad nito dahil sa mga quantum particle. “Once a third party tries to tamper with the quantum signal, it immediately changes that state. This means the system can instantly detect unauthorized attempt,” sabi niya.
Pinangalanan ang ‘Q-SECURE PH,’ ang QKD ay umaasa sa quantum entanglement at superposition key principles ng quantum mechanics upang lumikha ng matibay na encryption.
Inaasahan ng ARIQT na maipatupad ang teknolohiyang ito sa buong mundo, lalo na sa mga pangunahing ahensya ng gobyerno, kumpanya ng telekomunikasyon, mga institusyon sa pagbabangko, at mga sektor ng depensa na nangangailangan ng advanced security system.
Sa pamamagitan ng paggamit ng malalim na quantum technology, ang QKD ay maaaring magtagumpay laban sa mga tradisyonal na security
system na madaling mahack ng quantum computers. Anumang pagtatangkang paglusob gamit ang quantum ay magbabago sa quantum state, kaya’t ginagawang halos hindi mababali ang sistema.
innovation. Quantum communication is not only about security but also about advancing data transfer systems to be faster and more efficient,” ayon kay Dr. Roberto Cruz, quantum physicist sa Ateneo De Manila University.
suporta ng publiko at matiyak ang mga banyagang pakikipagtulungan. Sa kabila ng mataas na gastos at pagkalat ng teknolohiya, umaasa si Dr. Torres na tataas ang pondo para sa mga larangang ito ng pag-unlad dahil makikinabang dito ang kinabukasan ng bansa at ang teknolohikal na pagsulong nito.







Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Senior High School within Bacoor Elementary School
Dibisyon ng Bacoor · IVA Calabarzon · Agosto 2024 - Enero 2025 Tomo 1 - Bilang 1

Nais ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na gamitin ang potensyal ng Artificial Intelligence (A.I) upang mapabuti ang ating sistema ng pagkatuto. Sa hakbang na ito, inaasahang matutulungan ang bansa na masira ang siklo ng patuloy na mababang ranggo nito sa akademya kumpara sa ibang bansa. Ayon sa Program for International Assessment (PISA), ang Pilipinas ay nanatili sa pinakamababang ranggo mula 2018 hanggang 2022.
magbunga ng magagandang resulta kung ito ay pag-aaralan at gagamitin
sabi ni Giselle Conception, Special Adviser to the President for Research and Innovation ng UP, sa isang press conference.
ng agrikultura at seguridad sa potensyal na makinabang sa A.I. Naniniwala kami na maaaring magtulungan ang miyembro ng akademya
tutugon sa mga hamon na kinakaharap natin,”
“I think as you may know, AI needs good power, good bandwidth. So we have to ensure that these systems can handle the technology of the future,” dagdag ni Angara. Ang tamang paglalaan ng oras at mga resources sa A.I. ay makikinabang sa iba’t ibang sektor ng bansa, simula sa edukasyon. Gayundin, dapat gamitin ng mga mag-aaral na gumagamit na ng A.I. hindi lamang upang makakuha ng sagot kundi upang makuha ang tunay na kaalaman at hindi lamang sagutin ang mga tanong ng walang pag-unawa.
Sa ngayon, ang DepEd ay gumagamit ng mga software at tools na makakatulong sa mga mag-aaral tulad ng Khan Academy, I AM The Code, at Canva. Dapat gamitin ng mga mag-aaral ang mga tools na ito upang mapabuti ang kanilang akademikong pagganap.
“
Talagang pinag-aralan naming ano iyong posibilidad diyan. Kasi nakikita natin, may pakinabang talaga diyan yung mga guro, meron din pakinabang talaga diyan yung mga guro, meron din pakinabang sa mga estudyante
- pahayag ni Angara sa University of the Philippines (UP) AI Horizons PH 2024 Conference.
Para mapabuti rice production
Kasalukuyang gumagawa ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ng mga sustainable hybrid rice crops upang mapabuti ang produksyon ng bigas sa bansa. Sa pakikipagtulungan ng International Agricultural Institution, nakalikha sila ng isang hybrid rice na layong dagdagan ang ani at mapaglabanan
Kabilang sa mga layunin ng proyekto ang pagtaas ng produksyon ng butil, paglaban sa mga peste at sakit, at ang pagpapakilala ng dalawang uri ng hybrid rice na tinatawag na Mestisa 20 at Mestisa 38. Bukod dito, ang mga tanim na ito ay inaaasahang maging matatag laban sa mga malupit na kondisyon tulad ng mga panahon ng matinding El Niño at El Niña.



Bilang dagdag na suporta, mayroon ding “PalayCheck” na isang step-by-step guide para sa mga magsasaka na nais gumamit ng hybrid rice. Ayon sa mga magsasaka na lumipat sa paggamit ng hybrid rice, nakaranas na sila ng 30% na pagtaas sa kanilang ani. Sa tagumpay ng hybrid rice, layunin ng PhilRice na palakasin ang kakayahan ng Pilipinas sa sariling produksyon ng pagkain, at mag-develop ng iba pang mga pangunahing pananim tulad ng mais, munggo, at iba pang mga mahalagang pananim gamit ang biotech at genomics.

UTAK ANG LABANAN Feliciano
Ipinakita ng Program for International Student Assessment (PISA) ang mga resulta ng 2022 kung saan ang Pilipinas ay nanatili sa pinakamababang ranggo sa Matematika, Agham, at Pagbasa nang walang pagbabago mula pa noong 2018. Tanging isang-kapat lamang ng mga estudyanteng Filipino na sumali sa pagsusulit ang nakapasa sa pinakamababang antas ng kasanayan sa lahat ng asignatura. Ipinapakita nito kung gaano kalaki ang kakulangan ng ating Department of Education (DepEd) sa pagpapabuti ng antas ng edukasyon sa ating bansa.
Kahit na may mga hakbang na isinagawa ang Department of Education (DepEd) at mga pagbabago sa kurikulum, patuloy tayong nagiging katawa-tawa sa pandaigdigang antas ng akademya. Binatikos ng dating kalihim ng DepEd na si Leonor Briones ang World Bank dahil sa paggamit ng mga luma at hindi napapanahong impormasyon sa kanilang ulat noong 2021 tungkol sa ‘pandemic learning’, kahit na wala namang makabuluhang pagbabago mula noong 2018. Ayon naman kay DepEd Senior Education Program Specialist Alexander Sucalit, ang ating sistema ng edukasyon ay 5 hanggang 6 na taon na atrasado kumpara sa iba pang mga bansa, at patuloy na dumarami ang mga estudyanteng hindi marunong magbasa at makaintindi, lalo na pagkatapos ng pandemya.
Sa kabila ng mga nakakahiya at matagal nang resulta na ito, may pag-asa pa para sa pagbabago. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas malinaw at mas mahusay na mga guro at kurikulum na madaling maunawaan at mas malalim, makakamit natin ang mga resulta na maaari nating ipagmalaki sa pandaigdigang antas. Dapat ding gamitin ng mga estudyante ang internet hindi lang para sa libangan kundi bilang isang kasangkapan sa pagkatuto upang makasabay sila sa kanilang mga kababayan sa ibang bansa.
Dapat ding maginvest ang mga magulang sa edukasyon ng kanilang mga anak upang matiyak ang mas maginhawang kinabukasan. Hanggang hindi seryosong inaaksyunan ng DepEd ang mga isyung ito, patuloy na mananatili sa dilim ang pagasa ng ating bansa. Kaya’t magtulungan tayo at gamitin ang ating mga kakayahan upang tugunan ang krisis na ito.


Naroroon sa kailaliman ng karagatang tubig ang isang hindi pa nasilayan na hadlang na may dalang dalawang aspeto—isa na kapakipakinabang at isa na nakakapinsala.
Kinumpirma ng mga mananaliksik mula sa Pilipinas at Malaysia ang presensya ng mga diatom sa Bacoor City, Cavite. Isang mikroskopikong algae na maaaring magbigay ng buhay o magdulot ng panganib. Ang mga organismongdagat na ito ay hindi lamang pagkain ng mga nilalang-dagat—maari rin silang magprodyus ng lason na kayang magdulot ng matinding sakit at pati na rin ng permanenteng pagkawala ng memorya sa mga tao.
Dagdag pa, natuklasan ng pagtutulungan ng mga siyentipiko mula sa Ateneo de Manila University at University Malaysia Sarawak, sina Lorenzo A. Botavara, Janice A. Ragaza, Hong Chang Lim, at Sing Tung Teng, ang dalawang uri ng Pseudo-nitzschia diatoms, ang P. pungens at P. brasiliana, sa mga pook-pang-harvest ng shellfish
sa Bacoor Bay, Cavite, at Pagbilao Bay, Quezon.
Itong mga diatom, na tinatawag na “algae na nakatira sa mga bahay ng salamin,” dahil matatagpuan ang mga ito sa mga marupok na silica shells. Halos kalahati ng 64 na kilalang uri nito ay hindi nakakapinsala, samantalang ang natitirang mga uri ng genus na Pseudo-nitzschia ay nagpo-prodyus ng domoic acid (DA), isang neurotoxin. Kung makonsumo, maaaring magdulot ito ng mga sintomas tulad ng pagsusuka, pagtatae, at pananakit ng tiyan. Sa bihirang mga kaso, humahantong ito sa amnesic shellfish poisoning (ASP), na may hindi maibabalik na pagkawala ng panandaliang memorya.
“It is important to be aware of the toxic potential of these diatoms and to monitor them accordingly, but such efforts must begin by establishing their presence in our waters. To our knowledge, the molecular taxonomy of Pseudonitzschia in the Philippines is virtually nonexistent,” sabi ng mga mananaliksik na sina Lorenzo A. Botavara, Janice A.
Maliit at nakamamatay, tila walang kahalagahan. Bigla na lang, darating ito at kukunin ang iyong buhay.
Dengue, isang salitang nag-iisa, ay maaaring magdulot ng panginginig o magdulot ng takot kapag ito’y nakita natin. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang dengue ay nagmumula sa kagat ng mga babaeng lamok, ganoon lang kasimple. Ngunit bakit parang hindi ito akma sa mundo? Paano nagiging buhay-patay na banta ang isang bagay na ganoon kadali?
Mga lugar tulad ng Cagayan Valley, Cordilleras, at Central Luzon sa Pilipinas ay isinasaalang-alang upang ideklara ang dengue bilang isang outbreak o endemic virus. Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na ang dengue ay isang endemic, dahil ito ay 33% mas mataas kaysa noong 2023. Ayon sa ulat, 13,600 na kaso ng dengue ang naitala ngayong taon.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pag-uusap ni Health Secretary Ted Herbosa sa Bureau of Epidemiology upang malaman kung kailan ide-deklara ang outbreak.
Katulad ng ating mga karaniwang lagnat, hindi agad mararamdaman o makikita ang dengue. Ang mga normal na sintomas tulad ng matinding sakit ng ulo, pantal, pagsusuka, at ang madalas na unang palatandaan ng dengue ay ang lagnat: Isang lagnat na umabot sa 40 degrees Celsius ay sapat nang ituring ang iyong “karaniwang lagnat” bilang senyales ng dengue.
Karaniwan, may suporta ang dengue mula sa mga ospital, at sapat ang response rate upang mapagtagumpayan ito. “But people can die from it, simply because of dehydration or too much fluid intake.”
(Doctor Lulu Bravo, sa isang interview mula sa Philstar Global)
Ilang bansa sa Timog-Silangang
Asya tulad ng Malaysia at Thailand ay may naaprubahang bakuna para sa dengue. Ito ang nagiging dahilan ng kanilang “Zero Death Dengue” sa 2030 na layunin, kung matutulungan ito ng mga
Ragaza, Hong Chang Lim, at Sing Tung Teng. Sa panahon ng mga red tide events, maaaring magdulot ng DA sa mga shellfish, kaya’t nagiging isang malubhang panganib ito para sa mga komunidad sa baybayin. Ipinapahayag ng ahensya na habang hindi nakakasama ang biotoxins sa mga shellfish, maaaring tumaas ang antas ng mga ito sa kanilang mga laman kapag may algal blooms, na nagiging dahilan upang hindi na ito ligtas para sa konsumo ng tao hanggang sa natural na mawala ang lason. Upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, binibigyang-diin ng mga mananaliksik ang kahalagahan ng pagsasama ng monitoring ng diatoms sa mga kasalukuyang programa ng Pilipinas sa pamamahala ng red tide. “Confirming species identities of a genus with half of its constituents known to produce DA is essential to HAB monitoring,” sabi ng mga mananaliksik na sina Lorenzo A. Botavara, Janice A. Ragaza, Hong Chang Lim, at Sing Tung Teng.
ahensya ng gobyerno at mga tagapagbigay ng pangangalaga sa kalusugan dito sa Pilipinas.
“Ambitious yet within our “grasp”— Health Sec. Ted Herbosa Sa kasamaang palad, dito sa Pilipinas, walang ganitong bakuna na naaprubahan laban sa nakamamatay na banta na ito. Sa ngayon, ang DOH ay naghihintay pa ng anumang teknolohiyang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) tulad ng bakuna upang kontrolin at pababain ang sakit na ito.
Madaling maiwasan ang dengue. Kung ito ay kayang kumalat mula sa simpleng mga bagay, kayang-kaya rin itong maiwasan. Kasimple lang ng pagpapanatili ng kalinisan at pagiging hygienic at ang paggamit ng insect repellent lotion ay malaking tulong na upang mapalayo ang mga lamok sa iyo. Mga pangunahing gawain sa araw-araw tulad ng sanitasyon at iba pang mga pangangailangan na ginagawa natin upang maging malinis ay sapat na upang maiwasan ang dengue. Huwag baliwalain ang maliliit na bagay, dahil kahit ang isang bagay na tila maliit at walang halaga ay maaaring magdulot ng kamatayan.

Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng
Senior High School within Bacoor Elementary School
Dibisyon ng Bacoor IVA Calabarzon · Agosto 2024 - Enero 2025 Tomo 1 - Bilang 1
ni Christ Hayden Javier
Patnugot ng Isports | Andrienne Basinilio
ISPORTS EDITORYAL
MPVA: Bacoor Lady Strikers umakyat sa ikalawang puwesto

Umangat sa ikalawang puwesto ng torneyo ang Bacoor Lady Striker matapos ibulsa ang ikalawang sunod na panalo matapos nilang tambakan ang WCC Marikina, 25-10, 25-14, 25-19, upang patatagin ang kanilang tiyansang makuha ang twice-tobeat advantage sa 2024 Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA) noong Lunes ng gabi sa Bacoor Strike Gymnasium sa Cavite.
Malakidlat na winakasan ng Lady Strikers ang Lady Shoemasters, dahilan upang umangat sila sa 11-3 record at okupahan ang ikalawang puwesto, may dalawang laro pa ang nalalabi sa torneyo na itinatag ni dating Senador Manny Pacquiao. Naging matagumpay din ang Bacoor laban sa Valenzuela Classy, 25-14, 25-18, 25-22, noong nakaraang
KAMPUS ISPORTS
Linggo upang makumpleto ang Final Four kasama ang Quezon Tangerines (14-1), Rizal St. Gerrard Charity Foundation (10-4), at Biñan Tatak Gel (10-5).
Ang mga panalong ito ang nagdala sa Lady Strikers sa pinagaagawang second spot na tutukoy sa huling koponan na lulusot sa finals. Pinangunahan ni Cyrille Alemeniana ang koponan na may 13 puntos mula sa 11 spikes at dalawang aces, samanatala ttumagal lamang ng 67 minuto ang laro upang tapusin ng Strikers ang Shoemasters. Sinundan ito nina Winnie Bedania at Daizerlyn Joyce Uy na nakapagtala ng tig-11 puntos, habang may walong puntos naman kay Jemalyn Menor.
Maiseselyo ng Lady Strikers ang second seed kung masusungkit nila ang panalo sa kanilang huling
Idinaan sa santong paspasan ang pag-agaw sa trono ng naghaharing koponan.
Nagpamalas ng kahusayan ang mga atleta ng Senior High School within Bacoor Elementary School sa Division Sports Meet matapos mauwi ang dalawang ginto, apat na pilak, at isang tansong medalya noong Nobyembre 12, 2024 na ginanap sa Bacoor City, Cavite.
Pinagtunggalian ng mga manlalaro ng iba’t ibang kategorya ng isports na kinabibilangan ng badminton, billiards, athletics, at chess.
Pinatunayan ng mga representatibo sa Women’s Badminton Doubles na sina Yunie Mae Arga at ng kaniyang katambal na si May Elayon sa pagpakita ng kanilang angking galing sa kompetsiyon sa pagbulsa ng gintong gantimpala.
Isinilid naman ng kanilang pambato sa Women’s Badminton Singles A ang pilak na korona, Christine Joy Eusebio.
Hindi rin nagpahuli ang kalahok sa Men’s Badminton Singles B na si Richard Espeleta Jr. sa pagbulsa ng pilak na trono sa kompetisyon.
Naging daan sa kanilang pagkapanalo ang gabay at payo ng kanilang tagapagsanay na si Mr. Joven Rios sa kanilang

Iwas trahedya, huwag kung ‘di kaya
dalawang laban. Pursigidong pinaghahandaan ng Lady Striker ang kanilang huling dalawang laban upang depensahan ang kanilang trono sa MPVA noong nakaraang edisyon.
Samantala, nananatiling matatag ang No.1 seed Quezon matapos tambakan ang San Juan, 2519, 25-14, 25-19, para sa 14-1 record.
Nagpakitang-gilas si Mary Grace Borromeo na may 14 puntos, na sinundan nina Rhea Mae Densing at Francis Mycah Go na nagdagdag ng tig-siyam na puntos para sa expansion team na agad nang naging mainam sa nine-team MPVA.
Sa isa pang laro, bumawi ang Valenzuela sa tala na, 25-21, 8-25, 25-20, 25-14 na panalo laban sa ICC Negros matapos lumasap ng masaklap na straight-set na pagkatalo sa Bacoor sa nakaraang laro.
pagwawagi.
Napasakamay naman ang tansong medalya kay Sophia Barcamonte pagkatapos maiuwi ang tansong medalya sa 8 at 9 ball billiards sa tulong ng kaniyang tagapagsanay, Mr. Bryan Paciente. Ipinagpatuloy naman ni Marc Kevin Malia ang mga gantimpala na kanilang naiipon sa pagsabak sa Men’s 1500 meter run na kung saan ipinatikim niya sa kaniyang mga kalaban ang mala-kidlat na bilis sa pagtakbo.
Nahuli man sa simula, untiunting nag-init at humarabas siya sa kalagitnaan ng laro upang maunahan ang mga kalaban at agad na tinapos ang karera gamit ang kaniyang matikas na performance, sumegunda naman siya sa paligsahan.
Binandera naman ni Jillian Erra Gregorio ang pagkapanalo ng pilak na medalya sa Women’s chess na kung saan pinakita niya ang mga nakamamanghang galing sa laban.
Binuhusan ng malamig na tubig ang mga kalaban ng pambato sa Men’s chess na si Rain Vincent Dela Peña na kung saan bulsa niya ang gintong korona sa kompetisyon.
Puno ng determinasyon at pokus ang mga atleta na maiuwi ang mga panalo sa tulong ni Mr. Oliric Fabiolas, ang kanilang tagapagsanay.
LABAN KAMPEON. Nagpasiklad ng SHSwBES sa Division Sports Meet sa iba’t ibang isports nitong ika-12 ng Nobyembre


Mahalagang aspeto ang pisikal na kalagayan ng mga atleta sa tuwing sila ay sumasabak sa mga kompetisyon. Ito ang nagsisilbing pundasyon nila upang makamit ang tagumpay na kanilang hinahangad. Hindi lamang sa mga propesyonal na mga manlalaro, kundi pati rin ang mga estudyante na lumalaban sa mga munting paligsahan o mga aktibidad na ginaganap sa kanilang paaralan. Dapat lamang na magsagawa ng angkop at tamang pagsusuri sa kalagayan ng mga estudyante bago sila isabak sa mga kompetisyon o palakasan. Ang tanong, nagagawa at natutupad nga ba ito?
Isa sa mga hinihikayat ng Kagawaran ng Edukasyon sa mga paaralan ay ang pagsasagawa ng mga kaganapan na makapagpakikita ng angking talento at potensyal ng mga esudyante pagdating sa isports o mga palaro. Kamakailan lang, nagsagawa ng P.E. culminating activity ang Senior High School within Bacoor Elementary School (BES) noong Disyembre 5, 2024 na kung saan ginanap ang iba’t ibang mga isports tulad ng basketball, volleyball, tennis, 4x100 relay, dodge ball, at chess. Kabilang din sa kaganapan ang ilan sa mga laro tulad ng skin the snake, sack race, agawan panyo, hula hoop race, at patintero. Mapapansin na ang karamihan sa mga palaro na kabilang sa kaganapan ay ginagamit ang buong katawan. Dito mailalabas ng mga estudyante ang kanilang kahusayan sa iba’t ibang mga aktibidad ngunit kinakailangan na angkop sa kanilang pisikal na kapasidad ang kanilang sasalihan upang maiwasan ang mga trahedya na maaaring mangyari.
“Nawalan ako ng malay, ‘di ako makagalaw, kailangan ko ma-clinic” pahayag ng STEM 12 na estudyante na si Hanna Toso sa isang panayam. Dagdag pa ni Toso na hindi niya pisikal na kaya ang laro na kaniyang sinalihan ngunit kinailangan niyang sumabak dahil ito ay mayroong karagdagang puntos sa kanilang grado sa P.E. o physical education. Kinakailangan na masuri ng mga guro ang pisikal na kakayahan ng mga estudyante. Maaari itong magawa sa paraang pagkuha ng kanilang bigat at tangkad, rate ng puso, at presyon ng dugo. Hindi lang dapat ang mga guro ang kikilos at maghahanap ng paraan upang malaman ang mga ito. Karapatdapat lang din na alam ng mga mag-aaral sa kanilang sarili kung makakaya ba nila ang sumabak sa mga isports lalo na kung hindi naman sanay ang kanilang katawan sa paglalaro nito. Sa simpleng tanong na ‘kaya mo ba?’, ay dapat masagot nila upang maiwasan na sila ay mapilitan na makilahok. Pagdating naman sa karagdagan puntos sa grado, maaari naman na magbigay ang kanilang guro ng ibang gawain na hindi kinakailangan ng pisikal na paggalaw. Dagdag pa rito, mahalaga rin na alam ng mga estudyante kung paano alagaan ang kanilang pangangatawan. Hindi nga maiiwasan ang mga kapinsalaan, ngunit may mga paraan upang mapigilan ang mga ito. Matutong makiramdam sa sariling kakayahan at pangangatawan. Ang wastong paraan ng pagkuha ng mga sasabak sa mga palaksan ay magbubunga ng maayos na daloy sa mga kompetisyon at makapagbibigay daan sa kanilang pagkapanalo. Kung alam nating hindi kaya, huwag na para iwas trahedya.

Ulat ng Katotohanan, Boses ng masa
Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng
Senior High School within Bacoor Elementary School
Dibisyon ng Bacoor · IVA Calabarzon · Agosto 2024 - Enero 2025 Tomo 1 - Bilang 1

Taympers: Campers nagtagisan ng kahusayan
Makamandag na mga galawan ang ipinamalas ng mga esudyante ng Senior High School within Bacoor Elementary School sa pinkahinihintay na P.E. culminating activity na kung saan ginanap ang iba’t ibang palakasan noong Disyembre 5, 2024, Bacoor City, Cavite.
Nagkaroon ng halo-halong pagpapangkat-pangkat ng mga seksyon sa nasabing paaralan at nakategorya bilang Blue, Red, Yellow, at Purple team.
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang Purple team sa paghataw sa pagsayaw ng ‘galaw pilipinas’ na kung saan bulsa nila ang gintong medalya.
Dinomina naman ng Red team ang Men’s basketball na kung saan napasakamay nila ang pinakamalaking puntos sa huling quarter kontra ang Blue team, 63-55 puntos. Nagpasikat ng matinding determinasyon at kahusayan ang Blue team sa pag-angkin ng gintong gantimpala sa Men’s volleyball.
Sablay man ang Purple team, naipakita pa rin nila ang kanilang potensyal at koperasyon bilang pangkat

sa paglalaro ng volleyball.
Nagpamalas naman ng galing ang Yellow sa Women’s table tennis at Blue team sa Men’s table tennis.
Mala-kidlat na bilis na pagtakbo ang ipinatikim ng Purple team sa mga kalaban sa Women’s 4x100 relay na kung saan uwi nila ang gintong trono.
Umarangkada naman sa pagtatagumpay ang Yellow team sa Women’s chess at Purple team sa Men’s chess.
Naging mabilis ang daloy ng mga palarong karera tulad ng Skin the snake girls at boys na kung saan hinakot ng Blue at Purple team ang gintong medalya.
Nagkaroon ng kaunting kapinsaalan sa larong ito ngunit agad naman naresolbahan ng mga guro.


Hindi rin nagpahuli ang mga malapalakang talon ng Purple at Yellow team sa kanilang pagwagi sa Sack race girls at boys.
Nagpakatatag naman ang Purple team sa mga huling sandali ng laban sa Hula hoop race, isinilid nila ang gintong medalya sa parehas na kategorya ng girls at boys.
Nakamamanghang teamwork at kooperasyon naman ang pinasikat ng Red team sa kanilang pagkapanalo sa larong agawan panyo.
Sinelyuhan agad ng Yellow team ang laban sa Dodgeball na kung saan uwi nila ang gintong gantimapala.
Tunay na magaling at determinado ang Purple team sa P.E. culminating activity a napasakamay nila ang pagiging champions sa kaganapan.

Nanaig ang koponan ng purple team sa ginanap na TAYMPERS: Physical Education (P.E) Culminating Activity sa iba’t ibang pampalakasan na idinaos sa Senior High School within Bacoor Elementary School (SHSwBES) noong ika-5 ng Setyembre 2024.
Sinimulan ang programa ng Punong Guro na si Ms. Kynah Amor Darwin na nagpahayag ng pambungad na mensahe, inilahad din ni Sir Oliric Fabiolas ang kaniyang pasasalamat na sa wakas natupad din ang culminating activity matapos hindi matuloy noong nakaraang taon.
Inumpisahan ang mainit na sagupaan sa Mr. and Ms. Campers, kung saan nagpasiklaban ang iba’t ibang kalahok mula sa mga koponang Purple, Red, Blue, at Yellow, kanya-kanyang paandar at pakulo ang bawat kalahok sa sports at casual wear.
Humataw din ang mga kalahok sa field demo kung saan kanilang ipinamalas ang kanilang mga galawan tangan ng tugtuging Galaw Pilipinas, kasabay nito ang pagbida ng kaniya-kaniyang mga chants na lalong nagpa-init sa kompetisyon.
Sinundan naman ito ng mga laro sa iba’t ibang pampalakasan gaya ng chess, table tennis, relays at mga Larong Pinoy gaya ng patintero, tamaang tao at marami pang iba.
Sa huli, inuwi ng Purple team ang korona na may titulong “TAYMPERS: Champion” matapos humakot ng walang humpay na mga panalo sa iba’t ibang kategorya sa patimpalak, ilan dito ang 4x100 relay, Galaw Pilipinas Mass Demo, at Volleyball. Hindi rin nagpahuli ang ibang koponan na Yellow, Red at Blue na nakasungkit ng ikalawa, ikatlo, at ikaapat na puwesto. Walang umuwing luhaan sa patimpalak matapos parangalan ang lahat ng mga mag-aaral na nakilahok sa aktibidad, kasama na rito ang lahat ng koponan na nakibahagi sa taunang culminating activity sa paaralan. Natapos ang araw na may halong pagod at saya at nag-iwan ng mga ‘di malilimutang mga aral at mga alaala hindi lamang sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa mga guro at kawani ng programa.


