Skip to main content

Ang Aninaw

Page 1

ANGANINAW TIMPALAK NG KARUNUNGAN AT KAISIPAN

ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANG-KAMPUS NG Mababang Paaralan ng CABEZA , Siyudad ng Laoag, Ilocos Norte | TOMO I BLG I | Enero - Disyembre 2024

PANGUNAHINGBALITA

CES nakamit muli ang “Pangalawang Gantimpala” sa patimpalak ng “Cleanest and Greenest School” RAYNOR KARSTEN AGBAYANI

MAS MAAYOS NA “DISASTER RESPONSE” ANG HINAING SA CES ROXANNE BALATICO

Sa gitna ng mga hamon ng kalamidad, isang mahalagang isyu ang patuloy na kinakaharap ng mga komunidad: ang kahalagahan ng maayos at mabilis na "disaster response" o pagtugon sa mga sakuna. Kalamidad... Likas... Ayuda... Uulitin... “Nakakasawa”, ito ang palaging hinaing ng mga pamilyang kinakailangang lumikas sa CES.

Ito ang naging sambit ng isang nanay na lumikas sa CES noong kasagsagan ng Bagyong Julian.

Para sa isang bansang palaging binibisita ng bagyo dahil nakahimlay ito sa Pacific Ring of Ang CES ay nagsisilbing evacuation center Fire, nakakagulat na hindi maganda ang tuwing may kalamidad, palaging nakabukas ating disaster response at preparedness. ang mga pintuan ng CES para sa mga Ang Pilipinas dapat ang isa sa bansang pamilyang nasalanta ng bagyo ngunit, kahit maganda at maagap ang kahandaan sa mga nakapagbibigay ng kahit pansamantalang bagyo, ngunit hindi, at ang nakakalungkot tahanan ang munting paaralan, mas ang mas naapektuhan ay ang mga malakas pa din ang hiyaw para sa mas pamilyang barong barong lamang ang magandang disaster response and bahay o hindi kagandahan. Sila ang palaging preparedness. nagiging kawawa. “Nakakasawa na ang paulit-ulit na paglilikas, pag-tatanggap ng ayuda, at makakalimutan muli ng mga kagaya kong lumilikas lamang,”

Napakaimportante para sa isang bansa na mayroon tayong maagap at maayos na

disaster response dahil buhay ang nakasalalay dito. Sa CES, ito rin ang tingin ng mga bata tuwing may kalamidad na nangyayari. Sa maliliit na paraan, kapag natutunan ng mga bata kung ano ang tamang gawin tuwing may kalamidad, maaaring ibahagi ng mga bata ito sa kanilang pamilya, at mas marami ang magkakaroon ng ideya kung ano ba ang mga angkop at tamang gawin tuwing may kalamidad. Sa munting paraan ng mga mag-aaral, hiling nila, mas magiging malakas ang kaalaman ng mga tao sa tamang pagresponde dahil ayaw na nilang maulit kung ano man ang nangyari noong Bagyong Egay. Hiling nila, sana hindi na nila maranasan kung ano man ang malungkot na nangyari noon. Maagap... Maayos... Mabilis... ito ang nais.

Sa isang nakakagulat na kaganapan, nakamit muli ng CES ang pangalawang pwesto sa 2024 “Search for Cleanest and Greenest School”, sa kabila ng ang pangunahing layunin ay ibangiba. Ang hindi matitinag na dedikasyon ng paaralan sa pagpapanatili ng isang maayos na kapaligiran para sa pagkatuto ay hindi inaasahang naging isang makinang na halimbawa ng kalinisan at kalikasan. Habang ang pagkilalang ito ay isang kaakit-akit na sorpresa, nananatiling matatag ang CES sa kanyang pangako na lumikha ng isang paaralan na nagpapalago ng holistic na pag-unlad. Patuloy ang paaralan sa mga inisyatibo na nagpapahusay sa kabuuang karanasan sa pagkatuto, tinitiyak na bawat mag-aaral ay nakakaramdam ng inspirasyon at suporta. Bilang karagdagan sa tropeo, ang paaralan ay nakatanggap din ng P15,000 na gantimpala na sinabi ni Gng. Cherry E. Agliam, ang nangunguna sa “Clean and Green” ng CES, na gagamitin ang gantimpala para sa patuloy na pag-unlad ng paaralan at sa pagsusumikap nitong mapanatili ang isang kapaligirang malinis, berde, at angkop para sa pagkatuto.

7.8%

ni

Pagbaba ng Enrollment ng CES S.Y. 2019-2020 at S.Y. 2021-2024

Patuloy na pagbaba ng enrollment, ikinabahala ng CES JANELLA BAJADO

Patuloy na nakararanas ng pagbaba ng bilang ng mga mag-aaral ang CES. Noong 2019-2020, nakapagtala ang CES ng 618 na mag-aaral mula Kindergarten hanggang ika-anim na baitang. Ngayong taong panuruang 2024-2025, nakapagtala ang CES ng 570 na bilang ng mag-aaral. Kung saan bumaba ang populasyon ng mga estudyante ng halos 7.8% sa loob ng nakalipas na limang taon. itinuloy sa p. 2

LATHALAIN tignan sa p. 8


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Ang Aninaw by MJ Domingo - Issuu