Sinagtala Tomo XII, Blg. 1 - Agosto - Abril, 2024

Page 1


Sinagtala

BOSES NG KABATAAN KASANGGA NG TAUMBAYAN

TOMO XII, BILANG I Agosto - Abril, 2024

Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Taguig

Hakbangin para sa nagbabagang heat index, ikinasa ng TagSci

Kamao ang panghukay

Naglatag ang Taguig Science High School (TagSci) ng mga hakbangin upang sugpuin ang nararamdamang matinding init ng mga Scientians at opisyal ng paaralan, na umabot na sa 44°C.

HIV awareness, mas pinaigting sa Scientians

ni CHRISTIAN CABALLERO

Pinalawig ang kaalaman ng mga magaaral ng ika-12 baitang tungkol sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa pamamagitan na ginanap noong ika-9 ng Nobyembre, 2023, sa Taguig Science High School (TagSci), bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng HIV sa bansa.

Opisyal nang inilipat ang hurisdiksyon ng mga barangay at paaralan sa Enlisted Men’s Barrio (EMBO), Makati sa lungsod ng Taguig nitong Agosto 2023 matapos magpahayag ng aprobasyon ang Commissions on Elections (COMELEC).

DENUMERO

Naitalang 10 barangay mula sa ikalawang distrito ng lungsod ng Makati ang nailipat; binubuo ito ng mga Barangay Pembo, Comembo, Cembo, South Cembo, West Rembo, East Rembo, Pitogo, Post Proper

Northside, Southside, at Rizal.

PINAGMULAN Tumagal nang halos tatlong dekada ang territorial dispute sa pagitan ng lungsod ng Makati at Taguig bago maresolba ang alitan ng dalawang lungsod. Matatandaang naghain ng kaso ang munisipyo ng Taguig laban sa Makati sa Pasig Regional Trial Court noong Nobyembre 1993 na naglalayong ipawalang bisa ang dalawang Presidential Proclamation na kapwa nagtatakda ng bagong hangganan ng lungsod nang hindi dumadaan sa isang

plebisito. Nakasaad sa dalawang proklamasyon na sakop umano ng Makati ang naturang pitong EMBO barangay na kinabibilangan ng Cembo, South Cembo, Comembo, East Rembo, West Rembo, Pembo, at Pitogo, na mariing pinabulaanan ng Taguig sa korte. Pinagtibay nito ang naunang pahayag nang maghain ng isang Survey Plan PSU-2031 na diumano'y likha ng gobyerno ng Estados Unidos noon pang 1909 kung saan malinaw na ang lupaing kasalukuyang kinatatayuan ng Fort Bonifacio at ng mga EMBO ay sakop ng

lungsod.

Buwelta ng Makati, peke umano ang PSU-2031 dahilan upang maglabas din ito ng sariling sketch map na inilarawan ng kanilang expert witness base sa tatlong sinaunang dokumento mula sa US National Archives. Kinabibilangan ito ng Spanish Book of Registry of Real Properties na mula sa National Archives of the Philippines, ang kontrata ng pagbebenta ng Hacienda Maricaban, at ang mapa ng Fort William Mckinley Military Reservation na kasalukuyang kilala bilang Fort Bonifacio.

ni CHRISTIAN CABALLERO

Paigtingin ang pinangangambahang seguridad sa Pilipinas

Pagsulpot ng Chinese nat'l sa politika, sinisiyasat

ni JAN RHAIZA EDELEON

Kinuwestiyon sa Senado noong ika-7 ng Mayo ang pagkakakilanlan ni Mayor Alice Leal Guo, na umano'y isang Chinese national, matapos mapag-alamang 17 taong gulang na ito nang iparehistro ang kaniyang birth certificate, at noong Abril 2021 lamang ganap na naging botante ng Bamban, Tarlac, ngunit agad na tumakbo at nanalo sa politika sa sumunod na taon.

Inimbestigahan ang kataka-takang pagsulpot ni Mayor Alice Guo, na kasalukuyang alkalde ng Bamban, Tarlac, matapos ding maiugnay ang pangalan nito sa nabistong Philippine Offshore Gaming Operations (POGO), isang ilegal na Chinese gambling site, na matatagpuan sa Baofu Compound, na pagmamay-ari din umano ng Mayora.

Natuklasan dito ang 167 bilang ng mga Tsinong walang maipakitang travel documents subalit nakapagtrabaho sa POGO, at sangkot pa sa mga aktibidad na may kaugnayan sa pang-iiskam.

Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, "Nakapapasok na sila sa iba't ibang puwesto sa lipunan. Puwede nang tumakbo bilang mayor, bilang politiko. Dahil meron na silang tao sa loob ng sistema, napo-proteksyunan na itong mga POGO."

Dagdag pa nito, kung mayroong "narcopolitic" noon, mayroon namang "POGO-politics" ngayon.

Pingangambahan tuloy ng mga Pilipino kung gaano kadali ngayon para sa mga Tsino na makakuha ng lehitimong government documents tulad na lamang ng passport at birth certificate, sa tulong ng lumalawak na impluwensiya ng POGO.

Saad naman ni Aira Tayoto, konsern na mag-aaral ng Taguig Science High School, nagdadalawang isip na siya sa pagpaparehistro upang magkaroon ng mga valid ID dahil natatakot siya na baka maibenta lang sa dayuhan ang kaniyang mga pribadong impormasyon.

Kaugnay nito, patuloy naman ang pagsiyasat ng Senado ukol sa Chinese national na nakapasok sa politika sa kabila ng kadudadudang pagkakakilanlan, na pinaghihinalaan ding espiya mula sa Tsina.

KOMUNIDAD

Regalong sukli sa sipag at serbisyo

Taguig LGU, namahagi ng tablets para sa mga guro

ni BEN DURAN

Namahagi ang lungsod ng Taguig ng ng 6700 tablets sa mga guro ng pampublikong paaralaan bilang handog sa nagdaang pagdiriwang ng National Teachers’ Month noong ika-6 ng Oktubre, 2023, sa Taguig Convention Center.

Tinatayang nakapamahagi ng Samsung Galaxy 9 tablets na may kasamang libreng pens at keyboards sa 49 na mga punongguro, 52 na mga guro, at kay Department of Education (DepEd) School District Superintendent Dr. Alejandro Ibañez, noong mismong araw ng pagdiriwang.

Naipamigay naman ang natitirang tablets sa lahat ng guro ng pampublikong paaralan ng Taguig kasama na ang mga paaralan sa Enlisted Men’s Barrio, nitong Pebrero.

"The City of Taguig will always be dedicated to helping contribute to your professional development, as each of you plays a pivotal role in what makes our city transformative, lively, and caring," saad ni Mayor Lani Cayetano sa nasabing selebrasyon.

Kinilala at pinasalamatan naman ni Dr. Ibañez ang suporta at kalinga na ibinibigay ng Taguig sa mga kaguruan ng pampublikong paaralan at sinabing makatutulong ang tablets upang mas mapalakas ang puwersa ng pagtuturo ng bawat guro.

Dagdag pa niya, alin man ang sitwasyon, ito man ay face-to-face, blended, o online class, kung ang ating kaguruan ay may kanikaniyang teknolohiya na maaaring gamitin, mas masisigurado natin ang kinabukasan ng bawat paaralan.

Nagpahayag naman ng pasasalamat sa lungsod ng Taguig, lalo na kay Mayor Lani Cayetano, ang punongguro ng Taguig Science High School na si G. Donald Bruno, dahil sa regalong ibinigay nito.

“Maraming salamat, Mayor Lani, asahan ninyo na ang mga gadyet na ito ay magagamit sa tama at produktibong paaran. Dahil dito ay paniguradong mas mapapaunlad pa ng mga guro ang kanilang kakayahan sa paggamit ng teknolohiya, sa gano’ng paraan ay mas matutulungan nila ang kanilang estudyante, kaya isa talaga itong malaking biyaya para sa amin,” pasasalamat ni G. Bruno.

BAGONG TAHANAN

Ayon sa Korte Suprema (SC) 3rd Division, lamang ang ebidensiyang PSU-2031 dahil pinatunayan ito ng dalawang testigo mula sa Department of Environment and National Resources (DENR) at Land Registration Authority kumpara sa sketch map ng Makati na mismong pamahalaan nito ang nagpagawa.

Mula sa testimonya ng DENR, lumalabas na nasa labas ng Makati at nasa loob ng teritoryo ng Taguig ang Fort McKinley mula sa mga mapa ng parehong lungsod noong dekada ‘70. Isinantabi ng SC ang mga census at COMELEC certification na nasa loob ng Makati ang naturang siyam na barangay na sinubukang apelahin ng Makati ng dalawang beses na nauwi sa desisyong final at executory noong Setyembre 2022.

ANG HATOL

Kinumpirma ng SC noong ika-4 ng Abril, 2023 na parte ng Taguig ang Fort Bonifacio.

Siyam na buwan ang lumipas, ika-8 ng Oktubre, 2023, nang maglabas ng memorandum ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kung saan sigurado na ang paglipat ng hurisdiksiyon ng sampung barangay na nabanggit. Inilipat nang agaran ng COMELEC ang hurisdiksyon ng mga nasabing barangay.

Sa kabila nito, umabot ang talakayan sa pangangailangan ng isang writ of execution ng Makati kasunod ng desisyon ng SC. Ipinaglaban ng Makati na kinakailangan ang dokumentong ito para gawing pormal ang paglipat

ng hurisdiksyon na nagresulta sa mga paninindigan ng Taguig na ang mga desisyon ng korte ay hindi na nangangailangan ng writ

Bunsod nito, naghain si Makati Mayor Abby Binay ng motion for clarification at guidelines kung paano ipatutupad ang desisyon ng korte, at humiling din sa korte na mag-utos ng status quo

We are asking for status quo order dahil gusto namin maging maayos ‘yong transition. Ang gusto natin, malinaw na plano, kaya kailangan talaga ng writ of execution. Kasi ang problema, namimili sila kung ano ‘yong gusto nilang kunin. [Kapag gano’n], ang maaapektuhan kasi riyan ay mga residente,” pahayag ni Binay.

EDUKASYON

Pumalo sa 14 na paaralan ng EMBO, Makati ang apektado sa paglipat ng hurisdiksyon, kabilang dito ang mga paaralang Benigno Ninoy S. Aquino High School, Rizal Elementary School, Pembo Elementary School, at Makati Science High School na kasalukuyang nasa direktang pamamahala ng Department of Education (DepEd) habang hinihintay ang mga plano para sa maayos na transisyon.

Binisita nitong Brigada Eskwela 2023 ni Taguig Mayor Laarni Cayetano ang mga paaralang nasangkot sa paglipat ng teritoryo at personal na nagbigay ng mga libreng school supplies at uniporme na may bagong disenyo "What I want all of you to realize is that you are all extremely blessed Napadpad kayo sa lungsod ng Taguig, isang mapagkalingang lungsod," saad ni

Cayetano sa kaniyang pagbisita.

Ginagampanan ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang mga pangangailangan na dating nakasanayan ng mga EMBO tulad ng libreng edukasyon, uniporme, at mga allowances na ikinatuwa naman ng mga residente nito.

Pahayag naman ni John Clarence Cruzado, mag-aaral mula sa Makati Science High School (MakSci), “Ngayong Taguig resident na ako, nakagugulat at nakaeengganyo na maraming monetary benefits ang Taguig para sa mga residente nito. Mayroong iskolarship pati benepisyo para sa senior citizens. Noong may nasunugan din sa West Rembo, dali-dali namang pumunta si Mayor Lani para mag-abot ng tulong pinansiyal.”

KALUSUGAN

Naapektuhan din ang serbisyong pangkalusugan ng mga residente ng EMBO nang inanunsyo ni Makati City Mayor Abby Binay na tatanggalan na ng karapatan ang mga nailipat na residente sa subsidiyang "yellow card" ng Makati na nagbibigay-daan upang matulungan ang mga ito sa gastusing pangmedikal.

Gayunpaman, makatatanggap din mula sa lokal na pamahalaan ng Taguig ng mga benepisyo pangkalusugan ang mga residente ng EMBO tulad ng libreng dialysis at gamot, pati na cash gift tuwing kaarawan ng mga senior citizen

“Sa paglipat namin sa Taguig, dumami ang benepisyong natatanggap namin, pati health center nga dumami,

dati kasi malayo pa ang kailangan naming puntahan dahil kakaunti lang ang center sa EMBO. Kaya malaking tulong talaga ito lalo na sa pamilya ko,” komento ng residenteng si Jacob na pitong taon nang naninirahan sa EMBO.

KASALUKUYAN

Nagsisimula nang masanay ang mga residente ng EMBO sa kanilang bagong pamumuhay sa ilalim ng pamamahala ng Taguig. Hindi naman maiiwasan na may iilan pa ring mga residente ang nagpapahayag ng kanilang saloobin na manatili sila sa ilalim ng pamamahala ng Makati dahil sa pag-aalinlangan, ngunit nanatiling matatag ang desisyon ng SC. Ayon nga kay Cruzado, mag-aaral mula sa MakSci, sobrang apektado ang kanilang pamumuhay dahil malaki ang pagkakaiba ng pamamalakad ng Taguig sa Makati.

Nirerespeto ng mga residente ng EMBO ang desisyon ng SC, ngunit ang sigaw ng masa, ninanais pa rin nilang manatili sa Makati at hinihiling na makonsulta ang mga residente nito tungkol sa transisyon na naganap. Patuloy naman na nagtatrabaho ang pamahalaang lungsod ng Taguig upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga bagong mamamayan at tiyakin na makatatanggap ang mga ito ng parehong benepisyo na kanilang natanggap sa Makati. Nananatiling matatag ang mga residente ng EMBO at patuloy na umaasa sa mas magandang kinabukasan sa ilalim ng pamamahala ng Taguig.

Palestinian BNC, iminungkahing i-boycott ang mga kompanya na sumusuporta sa Israel

Ipinakita ng Scientians ang pakikiisa sa Palestine sa pamamagitan ng pakikibilang sa isinasagawang pandaigdigang pag-boycott sa mga kompanya kabilang na ang McDonalds, Starbucks, Chanel, at Disney, na sumusuporta sa Israel na kumikitil ngayon ng libo-libong Palestinian.

“Noong nalaman ko ang ginagawa nila [Israel], agad akong naalerto dahil sobrang dami na ng nadadamay. Dahil dito, mas naudyok ako na makiisa sa boycotting na nangyayari ngayon. Minsan nga ay pinagsasabihan ko na rin ang mga kakilala kong hindi alam ang kasalukuyang nangyayari, dahil sa palagay ko, malaki rin ang donasyon na naibibigay ng mga kompanyang ito,” ani Mikailah Catalbas, konsern na mag-aaral mula sa Taguig Science High School (TagSci).

Pinamumunuan naman ng Palestinian BDS National Committee (BNC) ang boycotting na bunga umano ng giyera sa pagitan ng Israel at Palestine na nagsimula noong ika-7 ng Oktubre, 2023, nang gulantangin ng Hikarat alMuqawama al-Islamiya (HAMAS), grupo na namamahala sa Gaza, isang lugar na kabilang naman sa Palestine, ang Israel,

sa pamamagitan ng pagbomba rito. Pahayag ng HAMAS, ang pag-atake na ginawa nila ay tugon lamang sa mga hindi makataong ginagawa ng Israel sa Palestinians. Nagbunga ang hidwaan ng dalawang panig sa unti-unting pagkaubos ng mga Palestinian dahil sa patuloy na pagbomba at kawalan ng pagkain, tubig, tirahan, at gamot. Bahagi naman ni Trizsha Carias, magaaral din mula sa TagSci, bawat buhay ng tao ay mahalaga, kaya kahit na iisang tao lamang ang hindi bumili sa mga nasabing kompanya, katumbas na nito ang pagsalba sa buhay ng ilang Palestinian. Kaugnay nito, patuloy na nananawagan ang mga Scientians at iba pang mamamayan sa ibang bansa, gamit ang kanilang social media, na i-boycott ang mga kompanyang sumusuporta pa rin sa Israel.

JAN RHAIZA EDELEON
INTERNASYUNAL
Mga larawan mula sa MAKATI at TAGUIG LGUs

NSugpuin ang matinding init

aglatag ang Taguig Science High School (TagSci) ng mga hakbangin upang sugpuin ang nararamdamang matinding init ng mga Scientians at opisyal ng paaralan, na umabot na sa 44°C.

Ito ay matapos pumalo sa Danger classification ang heat index o ang nararamdamang init ng mga tao ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaari umanong magdulot ng

heat cramps heat exhaustion, at heat stroke

Binigyang-aksyon ito ng TagSci sa pamamagitan ng pagtatag ng half day classes upang maibsan ang init na nararamdaman at maiwasan ang pananakit ng ulo at kahirapan sa paghinga ng Scientians dulot ng matinding init sa paaralan.

Pahayag ng punongguro ng TagSci na si G. Donald S. Bruno, bagamat mayroong air conditioner sa mga silid, hindi pa rin ito sapat at nakararanas pa rin ng init ang

mga ito sa kanilang pagpasok at pag-uwi kaya’t minabuti ang pagpapasiya ng desisyong ito.

Inilatag naman ng Department of Education (DepEd) ang mga alternatibong uniporme na maaaring suotin ng mga guro alinsunod sa Memorandum DMOUHROD-2024-0662. Nakasaad dito na maaaring magsuot ng kahit anong kulay na DepEd polo shirt na ginamit sa mga nagdaang aktibidad ng DepEd at puting collared polo shirt na may nakaukit na DepEd at MATATAG logo.

awareness, mas pinaigting sa Scientians

Pinaigting ang kaalaman ng mga mag-aaral ng ika-12 baitang tungkol sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa pamamagitan ng isang awareness seminar na ginanap noong ika-9 ng Nobyembre, 2023, sa Taguig Science High School (TagSci), bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng HIV sa bansa.

Layunin ng pamahalaang lungsod na magkaroon ng pagpapalaganap at kamalayan ang mga kabataang Taguigeño patungkol sa usaping HIV at Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS).

Ayon sa ulat ni Department of Health

Secretary Ted Herboso, mayroong 50 kaso ng HIV sa bansa araw-araw kumpara mula sa dating 22 kaso. Halos dumoble ang bilang ng mga kaso ng HIV sa bansa na pinangungunahan ng mga kabataang may edad 15 hanggang 24. Nagmula sa Taguig Social Hygiene Clinic & Drop-In Center ang mga naging tagapagsalita ng seminar na pinangunahan ni Ginoong Van Jasper Lopina na tinalakay ang bilang ng mga kasong naitala sa lungsod at binigyang diin ang mga sakit at sintomas na maaaring makuha mula sa HIV, pati na rin ang pagkakaiba ng mga terminong Sexually Transmitted Infections (STI), HIV, at AIDS.

"Ang mga kabataan ngayon ay nasa stage kung saan sexually active o nasa experimentation sila. Kaya mas nakababahala ngayon na baka lalong lumaki ang kaso ng STI at HIV dahil may kakayahan na silang magkaroon ng access sa mga dating apps dahil halos lahat sa kanila ay may ginagamit na

ng komportable at

Pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang paglabas tuwing 10 ng umaga hanggang 4 ng hapon mula sa kani-kanilang tahanan upang maiwasan ang heat stroke, dala ng matinding init.

Sinuspinde naman ng lokal na pamahaalan ng ibang lungsod sa National Capital Region (NCR) ang mga klase at mga opisinang nasa ilalim ng gobyerno.

cellphone," pahayag ni G. Lopina sa kanilang layunin. Napag-usapan din sa seminar ang mga paraan upang makaiwas sa pagkakaroon ng mga naitalakay na sakit at kung paano ito makatutulong sa mga mag-aaral na nakiisa sa seminar.

"Sa tingin ko po, dahil sa seminar na naganap kanina sa paaralan ay nasira ang mga misconceptions na madalas na sinasabi tungkol sa sakit na AIDS. Dahil po roon ay napagalaman ko rin ang pagkakaiba ng HIV sa AIDS, lalo na ang mga paraan kung paano ito hindi pa lalong lumaganap at kung paano ko maaaplika sa sarili ko na umiwas sa sakit na iyon," pahayag ni Kolina Jill La Victoria, mag-aaral mula sa TagSci.

Pamahalaang lungsod ng Taguig lamang ang may natatanging HIV treatment hub facilities na matatagpuan sa unang palapag ng City Health Office at Taguig Pateros District Hospital. Bukas ang nasabing pasilidad sa publiko, kasama ang mga hindi residente ng Taguig nang libre at kumpidensiyal.

Inaasahan na magkakaroon ng susunod na seminar para sa mas malalim na talakayan at diskusyon sa mga darating na buwan.

Progresibong pambansang probinsyudad

Kauna-unahang LGU-run Disability Resource and Development Center, inilunsad sa Taguig

ni KHELSEY NICHOLE DAQUIO

Itinayo sa Barangay North Signal, Taguig ang kaunaunahang Local Government Unit-Run Disability Resource and Development Center sa pangunguna ni Mayor Lani Cayetano kasama ang mga konsehal ng lungsod na naglalayong tulungan ang mga nasa sektor ng may kapansanan, nitong ika-9 ng Enero, 2024.

Inilaan ang una, pangalawa, at ikaanim na palapag para sa Persons With Disabilites Affair Office na pinamumunuan ni G. Helario Supaz, samantalang nakalaan naman ang ikatlo hanggang ikalimang palapag para sa Physical Medicine at Rehabiliation Unit, na may iba’t ibang serbisyong pang rehabilitasyon, kabilang ang adult physical therapy sa ikatlong palapag ng gusali.

Nag-aalok ang nasabing pasilidad ng mga libreng serbisyong tutulong sa mga taong mayroong kapansanan, kabilang ang speech therapy, pediatric and adult physical therapy, occupational therapy, multi-sensory integration at konsultasyon sa mga medical doctor na nagmula sa lungsod ng Pateros.

“Patunay na sa Taguig hindi lang natin basta sinasabi na mahal natin ang mga Persons with Disability, kundi may kaakibat na aksyon at programa upang iparamdam ang kalinga ng lokal na pamahalaan. Dalangin ko po na ang pasilidad na ito ay magdulot ng ginhawa at kagalingan sa mga taong makikinabang. Inaalay po natin ito para sa sektor na malapit sa aking puso at higit sa lahat, for the greater glory of our Lord,” saad ni Cayetano. Nagpahayag naman ng pasasalamat si Gng. Liezel Marcos, magulang ng isang batang benepisyaryo, dahil sa natatanggap na serbisyong medikal ng kaniyang anak gaya na lamang ng libreng oxygen, na tulong ng lokal na pamahalaan.

“Dahil sa bagong pasilidad, hindi na namin kinakailangan na magpunta sa pribadong ospital kaya nabawasan din ang aming pinagkakagastusan at mas naging accesible para sa anak ko ang theraphy na kinakailangan niya,” pahayag ni Gng. Liezel.

Kalingang para sa lahat

Programang Lifeline Assistance para sa mga Taguigueño, sinimulan

Inihain sa mga Taguigueño ang programang Lifeline Assistance for Neighbors In-need Care and Support o mas kilala bilang LANI Cares upang tulungan sila sa kanilang pinansiyal at medikal na pangangailangan na opisyal na inilunsad noong ika-19 ng Hunyo, 2023.

Ayon kay Ginang Lolita Vibar, isa sa mga benepisyaryo ng LANI Cares, natulungan siya ng programa dahil sa pamimigay nito ng libreng gamot pati na tulong pinansiyal upang makapagpagamot.

Kabilang pa sa mga bagay na maaari nilang matanggap ay mga food packs, hygiene kits, sleeping kits, at iba pang kagamitan na kanilang magagamit sa oras ng kalamidad.

Upang makakalap ng tulong mula sa programa, kinakailangan na magpasa ng dalawang kopya ng valid ID na may tatlong pirma, isang orihinal na kopya ng sertipiko ng pagboto, mga hospital bills, sertipikong medikal, at promissory note

“Nagpapasalamat po ako kay Mayor Lani Cayetano at sa pamahalaan ng Taguig dahil natulungan ako ng programa nila para sa mga pangangailangang pangkalusugan, paniguradong napakarami ang matutulungan nito” saad pa ni Gng. Lolita

Pinupursigi naman ng programang LANI Cares na matugunan ang kahirapan sa lungsod at siguraduhing walang maiiwang Taguigueño.

ni CHRISTIAN CABALLERO
ni DIANNE IBARDALOZA
KAMPUS EKSPRES

Sinagtala

Kamao ang panghukay

Hinuhulma na ang hukay ng kaluluwang mahigit 40 taon nang yumayakap sa karapatan ng bawat mamamayan, dahil sa kasalukuyan, muli na namang binubuhay ng kongreso na amiyendahan ang Konstitusyon ng 1987 sa kabila ng naaagnas na suporta galing sa publiko noon pa man. Pilit na iminumungkahi na ang pag-amiyenda nito ang magiging tulay upang puksain ang patong-patong na suliranin sa ekonomiya. Ngunit, kung pansariling interes at kasakiman lamang sa puwesto ang nakikitang tunay na puno't dulo ng aksyon, maituturing bang nararapat na baguhin ang konstitusyon na binigyan tayo ng kalayaan at kaparatang pantao?

Ika-9 ng Enero, taong kasalukuyan, nang maglabas ng advertisement video ang grupong People’s Initiative for Modernization and Reform Action (PIRMA). Nakapaloob dito ang pangunguwestiyon nila sa kasalukuyang 1987 Constitution, pati na ang kagustuhan nilang amiyendahan ito. Tinawag ang nasabing pagnanais bilang Charter Change o Chacha, na kasalukuyan naman nang pinagdidiskusyunan sa kamara.

Ayon sa inilabas na pahayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siyang pabor sa pag-amiyenda, ang pagbabago ay isasagawa upang mas pataasin pa ang aktibidad sa ekonomiya ng bansa, nang sa gayon ay mas marami pang mamumuhunan ang mahikayat. Parehas ito sa sentimento ni House Speaker Representative Martin Romualdez, na siyang isa sa mga nangunguna sa Cha-cha, na hindi umano imposibleng mabago ang konstitusyon para sa ikabubuti ng ekonomiya, kung magtutulungan at magkakaisa ang mga kongresista at Senado para maging makabuluhan ito.

Subalit, ang inihain nilang mga dahilan para baguhin ang konstitusyon ay nakitaan ng malalaking butas, kung kaya’t hindi maiwasang maghinala ng taumbayan.

Isa na sa nakikitang butas dito ay ang pagbabalewalang ginagawa sa totoong problema kung bakit humihina ang mamumuhunan sa bansa—ang patuloy na korupsiyon na namamayani sa gobyerno. Nagbubunga ito ng pagtapyas sa nararapat na kita ng mga mamumuhunan. Dagdag perwisyo pa ang sandamakmak na red tape na kinakailangan pagdaanan ng mga ito upang makapagtayo ng negosyo.

Isama pa rito ang mahaba pang hanay ng mga problemang hindi nabibigyan ng matinong solusyon na lubos namang nakaaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino. Kabilang dito ang kakulangan sa trabaho na nagdudulot upang makagawa ng isang hindi kanaisnais na bagay, pagbaba ng antas ng edukasyon sa kabila ng malaking pondo na nakalaan para dito, hindi matapostapos na suliranin sa daloy ng trapiko,

walang tigil na implasyon, at maraming pang iba.

Ang tangkang paggamit naman ng ‘People's Initiative’, na pinangunahan ni Romualdez, kung saan kinakailangan lamang makakalap ng 12% boto mula sa mga botanteng mamamayan upang hindi na dumaan pa sa Senado at Kongreso ang kagustuhang amiyendahan ang konstitusyon, ay itinuturing nga ng ilan bilang isang mapanlokong taktika. Dahil ang nangyayari, sa bawat pirma ng mga tao, ayuda ang binibigay sa mga ito bilang kapalit. Para bang naging daan ito upang pagsamantalahan ng mga nasa puwesto ang pangangailangan ng mga normal na Pilipino.

Kaya kung bibigyang pansin, sa halip na maging utak ang mga mambabatas para makaahon ang bansa sa nakasasakal na problema, sila pa ang nangunguna upang tuluyang patabain ang yumayabong na hindi makataong sistema sa bansa. Ang batas na dapat ay inilalaan para sa mga tao, ngayon ay namumukadkad na sa paraang hindi makatao. Pangunguwestiyon tuloy ngayon ng karamihan, konstitusyon ba ang dapat na bigyan ng rebisyon o ang nakadidismayang pamamahala ng mga kasalukuyang nakaluklok sa puwesto?

Tila para bang hindi talaga nakararamdam ng pagtaas ng balahibo ang ilang kongresista sa pagtatanim ng rason sa mga mamamayan na ang pagamiyenda ng konstitusyon ay para sa kapakanan ng mga Pilipino kahit na ang katotohanan ay maskara lamang ito ng sarili nilang interes sa kapangyarihan. Nasa kamay nila ang kapangyarihan, kaya lakas ng kamao ang kanilang ginagamit na instrumento para bungkalin ang hukay na paglalagyan ng 1987 Constitution. Ngunit, hindi pa huli ang lahat, sapagkat tayong mga Pilipino na naiipit pailalim sa hukay ang siya ring may kakayahan na tapusin ang ilusyon ng mga nangangarap na mapasakamay ang karapatan. Dahil ang paghulma ng libingan para sa kaluluwa ng konstitusyon na binihisan tayo ng kalayaan at karapatang pantao, ay paniguradong hindi kasama sa opsyon ng taumbayan upang pagbutihin ang kasalukuyang estado ng bansa.

ni APRIL VIRREY BULADO bigyang pansin

Hindi talaga tumataas ang balahibo ng mga kongresita na tanging maskara lamang ang pag-amiyenda sa 1987 Constitution upang mapalago ang sariling interes at kapangyarihan

Pag-usisa sa dagling paglaho ng kaban ng bayan

IKung sa simpleng katanungan ko ay hindi mabigyan ng konkretong kasagutan, iisipin ko talaga na iniwaldas sa pansariling kagustuhan ang perang dapat ay para sa bansa at mga mamamayan nito.

sang kahig, isang tuka, ayan ang nakagawian ng mga Pilipino dahil sa patuloy na tagtuyot na kanilang nararanasan. Tuyot na nga sa pera, tuyot pa sa tulong ng may kapangyarihan. Kung ang mga Pilipinong nasa laylayan ay pilit na nagsusumikap upang matamasa ang pakiramdam na mabuhay sa itaas ng tulay, ano na lamang kanilang mararamdaman kung ang perang kanilang ibinabayad sa pamahalaan ay nilulustay lang sa hindi malamang dahilan?

Noong ika-25 ng Setyembre, taong 2023, kinumpirma ng Commission on Audit (COA) na ginastos ng Office of the Vice President (OVP), sa ilalim ng pamumuno ni Bise Presidente Sara Duterte, ang kanilang confidential funds (CF) na nagkakahalaga ng 125 milyong piso. Nakagugulantang pa rito na inilustay ang kaban ng bayan sa loob lamang ng 11 araw, ibig sabihin ay halos 11 milyong piso ang ginastos ni Duterte kada araw.

Malala pa nito, napag-alaman din ng COA na ang CF na natanggap ng OVP ay mula pala sa contingent funds para sa taong 2022. Ang perang inilalaan dapat sa mga hindi inaasahang pangyayari sa bansa ay naubos lamang ng Bise Presidente sa hindi matukoy na dahilan at sa

napakabilis na oras. Pahayag naman ni Duterte, hindi dapat kinukuwestiyon ang CF base sa bilang ng oras o araw kung kailan ito nagamit, bagkus ang pinakaimportante ay ang pagsiguro sa kaligtasan at seguridad ng mamamayan. Ngunit, hindi rin magawang maniwala ngayon ng mga Pilipino na kapakanan pa rin nila ang isinasaalang-alang kung puro salita na lamang ang mga nasa puwesto. Sa rami ng pangakong inilalahad nila, bakit tila biglang napipi ang mga ito noong kinuwestiyon kung saan nga ba napunta ang kompidensyal na pera. Kung simpleng katanungan pa lang ng taumbayan ay hindi na mabigyan ng kasagutan, paano

pa masisigurado na mabibigyang aksyon ang matagal nang hinaing ng mga Pilipinong may ipinaglalaban? Masasalamin sa pangyayaring ito ang isa sa mga halimbawa kung paano inaabuso ng mga nakatataas ang kanilang kapangyarihan. Nagreresulta ang ganitong mga pangyayari upang mas ipagsigawan ng mga mamamayan ang kanilang karapatan bilang isang Pilipino. Mas nagkakaroon sila ng lakas ng loob na kuwestyunin ang hindi makataong mga gawain ng mga nasa puwesto. Bunsod nito, hindi tayo titigil na umusisa kahit wala ng kasagutang nakukuha. Kaban ng bayan ang ginamit, sariling pera natin ang inilustay, kaya may karapatan tayong malaman ang katotohanan at pagbayarin ang dapat na managot.

Dibuho ni STEPHANY CRUZ
MANGGAGAWA MULA SA TAGUIG
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Taguig
TOMO XII, BILANG I Agosto - Abril, 2024 editoryal

hinay lang

Pangungutang, hindi sagot sa lumolobong krisis

ng bansa

Iniluwal tayo sa mundong ibabaw para maranasan ang ganda ng buhay, at upang makinabang sa biyaya na mula sa itaas. Ngunit, paano kung ang mga taong nasa itaas ng tatsulok, na silang inaasahan natin na mag-aangat sa atin mula sa laylayan, ang sila palang magdadagdag pa ng kalbaryo sa buhay natin?

Pagpasok pa lamang ng unang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos ay agad nang bumulaga ang 12.79 trilyong piso na utang na iniwan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sinasabing umabot nang ganito kalaki ang pasanin ng bansa dahil sa nagdaang pandemya kung saan umutang tayo sa mga imperyalistang institusyon, tulad ng Asian Development Bank at World Bank. Hanggang sa mas lumobo ito nang lumobo dahil pangungutang pa rin ang sagot ng bansa sa kahirapan na nararanasan ng mga mamamayan. Kaya naman nito lamang Pebrero, taong kasalukuyan, pumatak na ng 18 trilyong piso ang nakabinbin nating utang, na tinatayang 41 % na agad ang itinaas mula Hunyo, 2022, ang unang buwan ni Marcos bilang opisyal na Pangulo ng bansa.

masamang kahihinatnan

Nasilaw sa tropeyo

a loob ng paaralan nabibigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na ibahagi ang kani-kanilang talento. Isa nang paraan ang pagsali nila sa pahayagang pangkampus, kung saan nahahasa nang lubos ang kanilang kakayahan na maghatid ng konkretong balita, at maglahad ng may paninindigang opinyon.

Bilang isang estudyanteng mamamahayag, nakaukit na sa akin ang pagtataglay ng integridad. Ang pagkakaroon ng katangiang ito ang nagtutulak sa akin na mas pag-igihan pa ang pagpapalaganap ng mga isyung dapat na bigyang-pansin ng isang Pilipino.

Subalit, nakapanlulumo na hindi sapat ang katangiang ito para makuha ko ang tropeyo na sa tingin ko’y magpapatunay sa angking galing na mayroon ako. Kaya naging inspirasyon ko ito sa pagpapatuloy na sumali sa larangan ng pamamahayag.

Ngunit, ang kagustuhang makuha ang tropeyo ay nag-udyok din sa mga mamamahayag na tumungo sa landas na hindi angkop sa nararapat. Umabot na sa puntong nasisilaw na sila sa kumikinang na premyo na ngayon ay humahantong sa malalang kaso ng plagiarism Sa kasalukuyang taon ng Schools

Press Conference, isang paligsahan para sa mga mamamahayag na nais ipamalas ang kanilang abilidad sa pagsulat at paghahayag, maraming kaso ng plagiarism o panggagaya sa likha ng ibang pahayagan ang nagsusulputan. Karaniwang nasasangkot dito ang panggagaya sa layout o lapat ng dyaryo ng isang pahayagan.

Bunsod nito, hindi maiwasang magtaka ng mga kapwa mamamahayag kung paano nakalulusot sa mga tagapaghusga o hurado ang mga ganitong uri ng dyaryo lalo na kung orihinalidad ang isa sa mga tinitingnang pamantayan.

Kung kahihiyan sa mata ng maraming madla ang kapalit ng tropeyong nakamit, hindi ba’t maituturing pa ring talo ang mga mamamahayag dahil nadungisan na ang kanilang pangalan? Kasama na rito ang pagbaluktot nila sa tunay

na dahilan ng pamamahayag pangkampus, ang alamin at magpalaganap ng katotohanan para sa kapakanan ng taumbayan.

Nangangahulugan ito na sa panahon ngayon ay tila tropeyo na talaga ang sumisimbolo sa kahusayan ng isang mamamahayag, kaya naman halos lahat ay nagiging desperado na.

Ngunit, hindi pa naman huli ang lahat upang ibalik ang tiwala ng nakararami pati na ang dignidad at integridad na tinataglay ng isang mamamahayag.

Tatandaan lamang na ang tunay na sumisimbolo sa atin ay hindi ang pagtungtong sa entablado na may hawak na tropeyo, kung hindi ang pagtupad sa tungkulin na punahin ang katiwalian, mulatin ang mga Pilipino, at maging modelo sa mga mamamayan bilang isang tao na marunong humusga sa kung ano ang tama at mali.

Kaya mas nakadidismaya dahil ang dapat na nababawasan nang utang ng bansa dahil sa nagbabalik nitong malagong ekonomiya ay mas lumolobo pa nang husto dahil sa hindi makatwirang paggasta ng gobyerno. Hindi rin makatarungan na ang buwis na ibinabayad ng mga Pilipino, na katumbas na sana ng ilang sako ng bigas, ay inilalaan lamang bilang pambayad sa utang ng Pilipinas sa halip na ibalik ito sa bulsa ng taumbayan na hanggang ngayon ay umaasa pa rin sa mas epektibong pagtugon ng gobyerno sa krisis na pinagdadaanan. Kung tutuusin, marami namang serbisyo para sa mga Pilipino ang maaaring magbukas upang patuloy na umikot ang pera sa ating bansa, datapwat, kung patuloy pa rin ang

nakagawiang pangungurakot ng mga may kapangyarihan, magreresulta lang talaga ito sa hindi matapos-tapos na pangungutang, na mga Pilipino lamang ang lubos na naaapektuhan. Tunay ring nakababahala na 12.1% ng pambansang badyet natin ang inilalaan bilang pambayad sa hindi na makontrol na paglaki ng ating utang. Kung sana ay sa departamento ng edukasyon ito inilaan upang mas masigurado ang progresibong pagkatuto ng kabataan na silang magdadala sa bansa ng magandang kinabukasan, hindi na siguro kakailanganin pang umutang upang matustusan ang mga darating na pangangailangan ng bansa, at hindi na rin patuloy na maiipit ang mga Pilipino sa lobong mga may kapangyarihan naman ang nagbigay dahilan upang lumaki ito nang husto.

Piliin nating maging mamamahayag dahil gusto nating maghayag ng katotohanan at maging boses ng taumbayan, hindi dahil nais natin makuha ang tropeyo para lamang may mapatunayan. LORDSON AGOOT Tagapamahalang Patnugot, Sinagtala

Tila ba napalitan na ang hari ng kalsada dahil sa kali-kaliwang tatlong gulong na makikita sa ating paligid o mas kilala bilang e-bike. Sa malayo pa lamang, matatanaw mo na ang mga estudyanteng sakay nito na nakadungaw, tila ba hindi nangangamba sa peligrong dala nito.

Sa kabila ng malaking tiwala na ibinibigay sa mga ito, malaking pangangailangan pa rin na masigurado ang seguridad ng mga pasahero. Ngunit, ano na lamang ang panghahawakan upang matiyak na protektado kung hindi naman ito rehistrado?

Noong ika-30 pa lamang ng Nobyembre taong 2023, iminungkahi na ng Land Transportation Office (LTO) sa Department of Transportation (DOTr) ang pagsasagawa ng mandatory registration ng mga e-bike kahit ano pa mang vehicle capacity nito. Pahayag ni LTO Chief Vigor Mendoza, “For as long as these vehicles are used in public roads, they should be registered. We understand the side of manufacturers, and importers, and the public, but the law is law."

Datapwat pumasok na ang bagong taon, pakalat-kalat pa rin ang mga e-bike at malayang nakapamamasada kahit na hindi rehistrado. Karamihan pa sa mga ito ay nakikitang umaarangkada sa gitna ng pampublikong daanan, nakikipagsabayan sa malalaking sasakyan, at nahuhuling

sumisingit o pumaparada sa bawat gilid na maaari nilang lusutan, dahilan sa mas matinding pagbagal ng trapiko at pagdami ng kaso ng aksidente sa daan. Nakababahala pa rito, ang ilan sa mga drayber ng e-bike ay walang lisensiya at menor de edad pa lamang. Pangamba tuloy ng ilang pasahero, sino na lamang ang aareglo sa pagkakataong desgrasya ay matamo, lalo na kung halos mga estudyante ang pasaherong palaging sakay nito. Paliwanag naman ng ilang drayber, hindi na kakailanganin pang magparehistro lalo na kung hindi naman sila tulad ng iba na kaskasero at iresponsable kung magmaneho. Malaking tulong pa man din ang e-bike sa mga estudyante, ang isang oras mong byahe gamit ang ibang pampublikong sasakyan ay kayang paiksiin sa 30 minuto na lamang. Kaya kung may balak mang sumunod sa yapak ng tinaguriang hari ng kalsada sa kasalukuyan, mainam na siguraduhing rehistrado muna ang sasakyan upang matiyak na lahat ay protektado.

ni
RHAIZA EDELEON
ni MARICAR SAN PEDRO hinay
Dibuho nina ARIANE LOISE NONOG at MARINETH SAN PEDRO denumero

Barya sa pag-ikot ng manibela

"Para po!"

Siguro ay isa iyan sa mga linya na paborito mong banggitin sa iba't ibang tono; tonong nahihiya, tonong nagmamadali, at tonong puno ng giliw. Sa bawat sakay o byahe sa dyip, nagdadala ng makukulay na karanasan mapasaan man ang iyong destinasyon. Ang bawat indayog nito sa mga lubak sa kalsada na dinaraanan at ang hangin na humahaplos sa mga pisngi ay nagpapaalala ng mga pangyayari sa ating memorya. Si manong tsuper naman ay abot tenga ang ngiti habang hawak-hawak ang manibela, ang rason? Malakas daw ang biyahe ngayon! Ang umaalingawngaw na tunog ng busina ng dyip ang gumigising sa ating diwa. Sa umaga, tanghali’t gabi, walang humpay ang pamamasada. O talaga ba? Paano kung ang mga tawa't saya ay maging isang panaginip? Panaginip na bigla ka na lamang magigising sa kalsadang tahimik, walang ni isang imik, walang ni isang dyip.

Noong taong 2017, inilunsad ang programang "jeepney modernization" o ang pag-alis ng prangkisa sa mga tradisyonal na dyip at pagpapalit ng modern jeepneys o mini buses na mas makabago mula sa makina hanggang sa itsura nito. Ang nakatakdang petsa ng pagsasagawa ng programang ito ay nausog sa taong 2021 hanggang naging 2022 ngunit ito ay muling napag-usapan at napagdesisyunan na isagawa sa taong 2023.

Luma at napag-iwanan na ng panahon kung ituring ang mga dyip. Sa kabila ng mga makukulay na panlabas nito ay nakapapaloob ang mga maiitim na mga lihim at argumento. Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), hindi nila layunin ang pagkakaroon ng sinasabing phaseout sapagkat ang kanilang hangad ay gumawa ng talon patungo sa modernisasyon. Modernisasyon na nagdadala sa bawat drayber ng mga pasakit at malaking konsumisyon. Ang bawat argumento ay nagiging dahilan ng kanilang pagwawala at protesta habang ang kanilang mga pamasadang dyip ay unti-unti nang nawawala. "Barya lamang po sa umaga" ang madalas na makita na nakapaskil sa mga dyip, totoo nga.

Ayon kay manong Ernesto Rodrigo, isang tsuper mula noong taong 1993 hanggang sa kasalukuyan, masakit sa kaniyang puso ang lumalaganap na isyu dahil hindi pa nga sapat kung tutuusin ang kanilang kinikita sa araw-araw at tila’y tinatanggalan sila ng karapatan at kalayaan upang mamasada na siyang ibinubuhay sa kaniyang asawa’t mga anak. Sa pamamasada niya kinukuha ang kanilang pang-araw-araw na gastusin, mula sa pagkain hanggang sa edukasyon ng kaniyang mga anak. Ang kaniyang manibela ang isa sa mga naging saksi sa pag-akyat ng kaniyang mga anak sa entablado sa bawat pagtatapos. Sa bawat ikot ng kaniyang bihasa na kamay sa manibela ay mayroong kapalit na ginhawa sa pamumuhay ng kaniyang minamahal na pamilya. Kung kaya’t ang kaniyang mensahe para sa mga opisyal na nakaupo ay pagaralan nang mabuti ang kanilang inilatag na plataporma.

“Sobrang mahal ng modernization, hindi ko talaga kakayanin. Kahit pa mamasada ako ng walang tulog hawak ang aking manibela, hindi talaga kaya” ang pag-iinda ni manong Ernesto. Nagkakahalaga ng hindi kinakailangan ng P25 hanggang

P30 ang pamasahe sa dyip upang masakop ang halaga ng modernisasyon. Barya lamang ang kanilang araw-araw na kita at sila'y walang kapasidad upang makabili ng modernong dyip ngunit ang katotohanan na ito ay hindi makita-kita, paano na sila kikita at magkakaroon ng pag-asa sa bawat umaga? Paano sila kakayod simula ng alas-tres ng umaga kung ang kanilang kabuhayan ay mawawala? Sabi nila, ang mga dyip ay ang hari ng kalsada ngunit dahil lamang sa modernisasyon ay naglaho ang kanilang korona. Ang kalsada na dating nagsisilbi nilang trono ay nagdulot ng pagkabilanggo sa aspektong

pagpasada at kabuhayan ng kanilang mga pamilya. Oo, barya lamang ang kanilang kinikita ngunit ang bawat barya ay mahalaga sa kanila. Kung sila'y tuluyan ng mawawala, sasakay ka pa ba dala ang iyong mga piso-pisong barya papunta sa iyong destinasyon kung saan ka papara?

Unang lapag, lagapak ang bayan ng wala man lang palag. Sa Singapore ang una niyang naging destinasyon. Kagaya ni Dora, abot tenga rin ang ngiti sa paglalakbay niya. Hindi lamang isa, dalawang beses niyang napanood ang F1 sa bansang kilala ang statwa ng Merlion. Siya’y ganap na ganap sa pagiging matapang, sa sobrang tapang, ang dating tigre ng Pinas ay nagiging huwad na leon na ngayon.

Mula sa pluma na uling ang ginamit na panulat, ang mga mensahe ng mga dukha’y nag-aasam para sa pagbabago ngunit tila ay siya’y nagiging manhid at antipatiko. Ang dati niya na pangakong suporta sa transportasyon ay mabilis na napako na naging dahilan ng kilos-protesta ng mga tsuper dahil sa takot na sila’y mabaon sa utang dahil sa inilulunsad na “jeepney modernization”. Hindi lamang mga tsuper ang gumagawa ng mga gawaing ito sapagkat pati ang masa ay patuloy na humihiyaw dahil sa tila mabigat na kahon na naglalaman ng mga suliranin na nakapatong sa kanilang likod. Krimen ay hindi lamang inaasahan pagsapit ng dilim sa gabi ngunit ang buhay kahit umaga’y isa na rin maituturing na delubyo, mga madidilim na lihim ay

BAGONG pilipinas

Alas-siyete na ng umaga! Wala nang pinalampas na minuto o segundo, kalahati man ng aking diwa’y nasa isang hindi mawaring panaginip pa, agad-agad akong lumabas sa aming kulambo at bumaba sa aming kusina sabay ang mabilis na pag dekwatro. Habol na habol sa paghinga ngayong umaga ngunit pagdating sa aking paboritong palabas ay walang katumbas ang saya. Itsura ko’t hininga man ay lukot at sabog pa, tunog ng palabas na “Dora the Explorer” ay isang nakaaadik na musika na dumadaloy sa walang laman ko na sikmura. Hindi bale na, ang mahalaga ay nakaaaliw ang nakikita ng aking mga mata. “Ma, sira ‘yung TV!” sigaw ko habang ang mga inosenteng mata’y papikit-pikit pa, paano ba naman ay hindi si Dora na aking inaasahan ang nasa loob ng telebisyon, kung hindi ay balita na nagdulot sa akin ng malaking konsumisyon. Ngunit kagaya ni Dora, siya rin ay naglalakbay nang masaya ngunit hindi iyon ang dapat na makita ng masa. Litong-lito ang inosente kong isipan sa lahat ng napapanod ng aking mga maliliit na mata, dapat ko ba itong panoorin pa?

nakapako sa likod ng pinto ng senado, paano tayo magkakaroon ng angat na estado kung palaging ganito?

Pangalawang bansa na kaniyang pinuntahan, mukha ng taong bayan ay basang-basa na sa luha. Imbes na mahiwagang backpack kagaya ni Dora, maleta ang kaniyang bitbit at dala-dala. Ayun naman pala! May dalang ginintuang pananamit para sa pagdalo ng isang royal wedding sa Brunei. Habang ang kasalan ay napupuno ng ligaya, daig pa ang paakyat na escalator sa pagtaas ng mga bilihin sa mga palengke sa loob ng bansa, sikmura’y kumukulo na. Pangako na bente pesos na bigas ay napako na nang wagas. Gabundok ang suplay ng bigas sa Pilipinas ngunit patuloy pa rin ang pag-import mula sa ibang bansa. Saan pa ba kasi aabot ang bente pesos ng isang tao?

Bahaw na kanin at tuyo lamang ang nariyan para sa tuyot na lalamunan. Hindi kaaya-ayang amoy ang umaalingasaw at kaawa-awa ang kalagayan. Bahala na, may presidente naman tayo na kaibigan si Boots na maaasahan. Kapit-kapit lang ayon sa pangulo, baka unity talaga ang kasagutan para maisaayos ang mga isyu na pasan ng bayan.

“Wala na nga tayong makain, ‘yan pa ang inaatupag mo!” sigaw ni nanay na nagpagising sa akin mula sa reyalisasyon na kanina ay binabaybay. Tama si nanay, kahit man lang tinapay ay nagdudulot na ng aray. Mahirap na ang kasalukuyang buhay. May pag-asa pa ba na magkaroon ito ng kulay? Ngayong taong 2024, tinatayang 1.408 bilyon ang travel fund ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kaniyang lokal at dayuhang paglalakbay, ito ay batay sa Republic Act No. 11975 o ang General Appropriations Act of 2024, na nilagdaan niya noong Disyembre 20 taong 2023 sa Malacañang. Ito ay 58 porsiyente na mas mataas na malayong-malayo sa P893.57 milyon na badyet noong taong 2023. Sa bawat paglalakbay na ginagawa ni Dora, siya ay mayroong mahalagang layunin na sadya. Ang presidente kaya, ano ang kaniyang sadya? Isa ba ito sa kaniyang mga istilo upang magkaroon ng pagbabago na kaaya-aya? Sana nga. Sana’y hindi na bahaw na kanin na lamang ang maaamoy at mailalatag sa mesa. Sana’y hindi na tuyo ang palaging nasa ating mga platito. Maraming sana sa kasalukuyan pero higit sa lahat na sana, sana’y matamasa natin ang buhay na hindi nasa kuko ng agila.

Mga sining ni LORDSON

"Bente pesos kada kilo ng bigas!"

Pangako sana’y hindi mapako

Tunay na nabihag ang puso ng masa, nahumaling sa kaniyang plataporma. Isa ka rin ba sa mga taong napana ni Pangulong Bongbong Marcos sa kaniyang pangako? Bilang mahal na bilihin ang isa sa mga nagpapasakit sa ulo ng mga Pilipino, tunay silang napaisip sa pangakong kaniyang inilatag noong kasagsagan ng kandidatura sa pagkapangulo. Sektor ng agrikultura aniya’y kaniyang tututukan, pabababain ang presyo sa mga pamilihan. Maiahon tayo sa matagal nang hamon, implasyon ay mabibigyan na ng solusyon. Halos magdadalawang taon na siya sa kaniyang posisyon, tanong ng masa, kailan kaya ito matatamasa o patuloy na lamang ba silang aasa?

Kapag umuuwi si Nanay galing palengke, sinasalubong ko siya sa pintuan upang tulungang maipasok ang kaniyang naipamili. Bayong na kay bigat wari’y nabawasan ang timbang, napansin ko na sa nagdaang panahon ito ay gumagaan. Dami rin ng pinamili ni Nanay tila’y nililimitahan ng pamilihan; marahil ay dahil sa patuloy na pagsipa paitaas ng mga presyo, dulot ng patuloy na perwisyo ng implasyon. Hindi lamang si Nanay ang humaharap sa suliranin na ito bagkus pati na rin ang milyonmilyon pang mga Pilipino.

Panibagong taon, demokrasya ay patuloy pa ring hinahamon. Sa pagsusulong ng kongreso na muling amiyendahan ang 1987 Constitution, sa paanong paraan nga ba iindayog ang bayang sinilangan sa sayaw na ito?

Maituturing na pinakamakapangyarihang batas ang 1987 Constitution. Ito’y naglalaman ng mga artikulo na umaayon sa karapatan ng mga Pilipino. Sa ilalim nito ang mga usapin patungkol sa termino ng mga opisyales ng gobyerno, teritoryo, at pagiging demokratiko ng bansa. Mga ordinansa, maging ang mga batas, ay hindi maipapasa kung lalabag dito. Kung kaya’t ang pagpapakilala ng Charter

Change o Cha-cha ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong siya ay nasa termino ay kaagad pinabulaan ng mga tao.

Nitong Disyembre 2023 lamang ay inanunsiyo ng tagapagsalita na si Martin Romualdez na kanilang susubukang buksan muli ang Cha-cha. Ayon sa kaniya “Bagong konstitusyon, bagong Pilipinas” ito ang tema ng amiyendang gagawin. Pagnanais na mabago ang konstitusyon upang bigyang solusyon ang kay tagal nang humaharang sa pag-unlad ng nasyon: kakulangan sa mga banyagang namumuhunan. Sa pagrerebisang gagawin, inaasahang ekonomiya ng bansa ay uunlad. Ngunit ang hinaing ng Kilusang Mayo Uno (KMU), hindi ba’t mas lalong maghihirap ang mga manggagawang Pilipino?

Resulta’y mababang pasahod para sa mga mangagawang Pilipino, kasabay ang paglaganap ng mabilisang kontrata sa trabaho. Inaasahan na sana’y tataguyod sa pamilyang kinakapos, tila ba tatapos sa opurtunidad na makaahon mula sa pagiging lugmok.

“Sa ilang taon kong pagpunta araw-araw sa palengke, ni minsan ay hindi bumaba ang presyo,” pag-inda ni Moneth Reymano, isang nanay na nangangasiwa ng pagbabadyet sa kanilang tahanan. Ayon sa kaniya, barya na lamang ngayon ang naituturing na malaking halaga noon. Kung ang 500 pesos halos makapuno na ng isang bayong noon, iilang produkto na lamang ang kaya ngayon.

Ang pag-akyat sa 6% ng implasyon noong 2023 ang nagpababa sa halaga ng piso. Direktang nagdulot ito ng malupit na pagbabago sa mga presyo ng iba’t ibang produkto lalo na sa mga agrikultural na kalakal tulad ng bigas. Nakatatak na sa ating mga Pilipino ang kanin bilang importanteng bahagi ng pagkain. Kulang kung wala ito sa mesa kaya naman lubos na kalbaryo ang patuloy na pag-angat ng halaga nito. Napababalik-tanaw tuloy ang mga mamamayan sa noo'y pangako ng ating pangulo. Patuloy silang naghihintay, makamit ang araw na sa presyo’y hindi na sila aaray. Sa kabila nito, nananatili pa ring palaisipan ang kaniyang binigkas. Posible nga ba ang bente kada kilong bigas?

BAGONG pilipinas

"Hindi talaga ako naniniwala diyan…hanggang ngayon hindi naman nangyayari, bagkus tumataas," ayon kay Juliet Aguilar, isang tindera. Bukod sa bigas, samot-saring produkto at serbisyo pa ang sabay-sabay na tumaas ang presyo. Kabilang dito ang gulay, asukal, isda, karne, at itlog na mga kasama sa hanay ng nagtala ng pinakamataas na porsiyento ng implasyon. Wala ring takas ang mga produkto sa sari-sari store ni Aling Nena. Mapa-candy, sitsirya, biskwit, de-lata, soft drinks, ang presyo ay saranggolang mataas ang lipad.

May ibang naniniwala, mayroong hindi nakakikita. Nahahati ang opinyon ng mga mamamayan ukol sa kinabukasan ng presyuhan. Para naman kay Anong Manalo, kinatawan ng mga magsasaka sa Pangasinan, posible na maisakatuparan ito.

Kinakailangan lamang nila ng matatag na suporta mula sa gobyerno, maibigay ang kanilang pangangailangan, at gabayan sila sa mga suliraning kinahaharap ng kanilang mga tanim tulad ng mga kalamidad at mga insektong

Bukod pa rito, nanganganib ding mabago ang taon ng termino ng mga opisyal sa gobyerno. Hindi pagpapaiksi, ngunit pagpapahaba, ito ang mithiin ni House Lawmaker Aurelio “Dong” Gonzales. Dagdag pa ni House Lawmaker Gus Tambunting, ang tandem na tatakbo para sa pagkapangulo at ikalawang-pangulo ng bansa ay dapat parehong paburan ng mamboboto. Paraan ng kanilang pagpili ay hindi maaaring iba sa kasama ng kanilang napupusuan.

Bilang paninigurado, nagbigay ng tatlong paraang pagpipilian para sa pagbabago ng konstitusyon: Constitutional Convention Constitutional Assembly, o People’s Initiative. Ngunit sa hakbang na gagawin, ang desisyon ng taong bayan pa rin ang siyang masusunod. Labing-dalawang porsiyento mula sa kabuuang bilang ng mga botante ang kinakailangang pirma upang ang konstitusyon ay tuluyan ng umikot.

maaaring sumira sa kanilang lupain. Marahil ang tunay na sasagot sa ating palaisipan ay hindi ang kung ano ang nasa isip ng mga mamamayan, bagkus ang magiging kilos ng mga nasa pamahalaan.

Sa kabilang banda, may mga taong nasa malalang kakulangan na ng pangangailangan; mga nasa laylayan ng lipunan. Paano na nila mapupunan ang kanilang mga tiyan? Pagbabawas ng konsumo ang nakitang solusyon ni Loradel Solano, isang ina na

namamahala sa pagbabadyet ng pamilya. Sa paglilimita ng kanilang pagbili, nababawasan ang kanilang gastusin na nagraraos sa kanilang araw-araw. Kaniyang daing, lagi na lamang bang mamamayan ang pilit na aayon sa sitwasyon kung maaari namang gumawa ng solusyon ang mga nasa posisyon? Isa ang implasyon sa mga sakit ng lipunan mula pa man noon. Sa kasamaang palad, patuloy itong lumalala sa kasalukuyang panahon

“Tutol ako sa people’s initiative dahil hindi naman ito boses ng tao bagkus boses ng mga may gusto ng kapangyarihan.” Ani kongresista ng Davao na si Paolo Duterte. Kung walang sapat na konteksto at kaalaman ang taong bayan, sa paanong paraan nila maiintindihan ang pagbabagong aasahan?

Sa kabila ng suporta mula sa mga miyembro ng kamara, samu’t saring pagtutol pa rin ang maririnig mula sa mga mamamayan. Patuloy ang mga protesta na kanilang ginagawa upang magbigay kaalaman patungkol sa pagbabalak na baguhin ang konstitusyon at posibleng epekto nito sa bayan. Ingatan ang demokrasya, ang kay Juan ay kay Juan, at kailanman ay hindi magiging kay Pedro. Sa panibagong indayog na ninanais ng bansa, Cha-cha ang amiyendang nakikita. Sa kagustuhan ng bagong Pilipinas, kinakailangan bang magpakitang-gilas ang konstitusyon at sumabay sa sayaw na hatid nito?

Nitong ika-17 ng Pebrero lamang ay ipinakita ng mga miyembro ng Alpha Phi Omega ang kanilang pagtutol sa sa Chacha sa pamamagitan ng Oblation Run sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman Palma Hall. Walong kalalakihan ang humarap sa daan-daang estudyante ng unibersidad, dala-dala ang iba’t ibang karatula habang tumatakbo ng walang saplot. Bilang kaisahan sa kanilang adhikain, sila ay nagbigay babala sa maaaring pagkuha ng mga banyaga sa ating lupa, na siyang magiging daan ng paghihirap ng mga Pilipino sa sarili nilang bayan. Kanila ring tinawag ang atensiyon ng mga opisyales ng Uniteam upang umalis sa puwesto dahil sa kanilang pagpapakita ng suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Ikalawang Pangulong Sara Duterte.

IPagsiklab ng kaalaman

Ang kakaibang tagumpay ng 2023 Regional Science, Technology, and Innovation Week

ni NOEL JR. AMBAT

nilunsad ng Department of Science and Technology - National Capital Region (DOST-NCR) ang 2023 Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTW) noong ika-30 ng Agosto hanggang ika-7 ng Setyembre, na ginanap sa SM Aura, Bonifacio Global City, Taguig.

Sa temang "Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na kinabukasan," layunin ng tatlong araw na pagdiriwang na bigyang-diin ang kahalagahan ng siyensiya, teknolohiya, at inobasyon sa pagpapalakas ng kaalaman at kasanayan upang mapaunlad ang kinabukasan, kaakibat ang teknolohiya at kagamitang pang-agham.

Ibinida sa RSTW 2023 ang iba't ibang aktibidad tulad ng mga eksibit na nagpapakita ng mga bagong teknolohiya at siyentipikong inobasyon at mga hands-on interactive demonstrations na kadalasang gawa ng mga inatasang kamangha-manghang mag-aaral mula sa iba't ibang paaralan.

Mayroon ding mga forum na tumatalakay sa mga kasalukuyan at panghinaharap na trend sa siyensiya at teknolohiya.

Inaasahan ng mga kalahok ang makabuluhang talakayan ukol sa mga isyu tulad ng mga inobasyong may kinalaman sa klima, Market-Driven Research & Development at Technology Transfer, at tagumpay ng mga kilalang babaeng siyentista at propesyonal sa agham.

Bukod pa rito, nagbibigay din ang RSTW ng plataporma para sa mga lider ng industriya, mga innovator, at mga tagapagbalangkas ng patakaran na makibahagi sa nasabing programa.

Sa pamamagitan ng mga inilunsad na mga eksibit, forum, at pagbibigay ng plataporma, inaasahan na magiging isang dinamikong plataporma ang 2023 RSTW para sa pagtataguyod ng kooperasyon at inobasyon sa siyensiya at teknolohiya na may layuning lumikha ng mas matibay at maunlad na hinaharap para sa nakararami.

Higit sa lahat, nagdadala ito ng inspirasyon, hindi lamang sa mga natatanging innovators, kung hindi maging sa mga estudyanteng patuloy na nananaliksik upang makamit ang inobasyong magpapaliwanag sa kinabukasan ng lahat.

H-AMMONIA: Sa isang langhap, masangsang na problema ang nasagap

Pinaalalahanan ang publiko sa panganib na dulot ng ammonia sa kalusugan matapos ang nangyaring ammonia leak sa isang planta ng yelo sa Brgy. Lower Bicutan sa Taguig City.

Naitala ang unang pagtagas ng ammonia bandang alas-siyete ng umaga noong ika-25 ng Setyembre sa isang ice plant sa may M.L. Quezon St., Brgy. Lower Bicutan na agad namang nirespondehan ng mga awtoridad ng Taguig City Rescue at Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa paunang imbestigasyon na isinagawa ng Taguig City Fire Station mula sa maintenance officer ng

naturang pagawaan, nangyari ang leak habang nagsasagawa ng preventive maintenance inspection nang biglang may kumalas na koneksiyon mula sa imbakan ng ammonia ng planta.

Mula sa isang panayam sa ABSCBN News, ayon kay Dr. Maricel Castillo, senior house officer ng Navotas City Hospital, "Sa ammonia gas po, corrosive siya na chemical so meaning it can cause burns, puwedeng mucosal burn. Sa mata, puwedeng mag-cause ng blindness, puwedeng mag-burn ang lining ng mucosa natin sa labi, sa lalamunan, sa baga may tinatawag na chemical pneumonitis o reaksyon ng baga sa

mga kemikal na hindi dapat natin nalalanghap." Dagdag naman ni Navotas City Hospital director Dr. Christia Padolina, mula din sa panayam ng ABS-CBN News, “Considered as noxious ang ammonia. ‘Pag sinabi nating noxious substance, ang effect would be both reactive sa katawan, sa balat. This is a by-product of the ice plant-making which marami sa Navotas because we have a big fish port.”

Batay sa Center for Disease and Control (CDC), pangkaraniwang ginagamit ang ammonia sa mga pabrika, pagmimina, pagrerepina

hipak na dulot ay pahamak

ng petrolyo, at sa mga cold storage facility Pinapaalalahanan ng CDC ang bawat pabrika na maging maingat sa pamamahala ng ammonia upang maiwasan ang ammonia poisoning na maaaring magdulot ng masamang epekto sa ating katawan kapag mali ang paghawak dito. Ayon sa mga eksperto, mahalaga ang agarang pagtugon at dekontaminasyon sa oras na ma-expose sa ammonia upang siguraduhing walang naiwang kemikal sa balat at mata upang maiwasan ang masamang epekto nito sa kalusugan. Ayon kay Dr. Castillo, kailangang

Klimang mala-free trial sa impyerno

Tagaktak na ang pawis ng bawat isa. Malalamig na inumin at pagkain ay hindi na umuubra. Maging ang pagtapat sa electric fan at air conditioner ay parang nakapapaso na, marahil sa tila apoy na hangin nitong ibinubuga. Kung noon ay malapit na tayong maging yelo sa lamig ng klima, datapwat ngayo’y sa sobrang init tayo ay nagdurusa. Ito na ang senyales ng naglalagablab na pagbabalik ng panahon ng tag-init. Kilala ng mga Pilipino ang buwan ng Marso hanggang Mayo bilang buwan ng tag-init. Subalit hindi ito ang nararapat na tawag dito, sapagkat dalawang uri lamang ng klima ang nararanasan ng bansang Pilipinas, at ito ang tag-ulan na nangyayari tuwing Hunyo patungo ng Oktubre, samantalang ang tagtuyot naman ay nangyayari tuwing Disyembre hanggang Mayo. Ang panahong kung tawagin ay tag-init ay parte lamang ng buwan ng tagtuyot, kung saan pinakamainit ang klima.

Isa sa mga tunay na naaapektuhan ay ang mga paaralan, na kamakailan lamang ay nagkaroon ng ilang mga suspensiyon ng klase sa pangunguna ng Department of Education (DepEd) dahil sa matinding init ng panahon. Bagama’t maraming mga paaralang fully air conditioned ang mga silid-aralan, gayunpaman ay wala pa rin itong bisa. Binigyang pansin ito ng guro mula sa Taguig Science High School (TSHS) na si Bb. Liza Alejandro sa kaniyang sinabi na, “Malaking tulong ang air conditioner para maibsan ang init, pero may mga silid kasi sa Grade 10 na mayroon[g] aircon pero init na ang binubuga.” Narito naman ang hinanaing ng mga estudyanteng mula sa ika-

labing-isang baitang, marahil sila ang pinakanakadarama ng matinding sikat ng araw sa oras ng pagpasok nila. Saad ni Mara Ramil, “Dahil summer na, mainit talaga ang panahon. Pero kung titingnan ngayon, kakaiba yung init dahil umaabot na ito sa 40°C”. Sang-ayon dito si Josielyn Bastillada, matapos niyang makita sa mga balita na lumalampas na nga sa 40°C ang heat index sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, kaya’t ito’y nakapagpapabagabag sa kanya. Ayon naman sa ibang Scientian , ang init ay hindi na tulad ng dati na kaya pang tiisin, kaya’t kailangan na talagang suspendihin ang mga klase. Kapansin-pansin mula sa sagot ng mga estudyanteng mula sa TSHS na kakaiba ang taas ng temperatura sa kasalukuyan, sapagkat noon ay ang karaniwang temperatura ay pumapatak lamang sa 27°C. Sa panahon ngayon ay tunay na nakapangangamba nang maitalaga ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Pilipinas bilang nasa “danger level”, matapos pumalo sa 46°C ang heat index ng Dagupan, Pangasinan; ito ang pinakamataas na nakamit na temperatura sa heat index ng Pilipinas. Hindi normal ang ganitong temperatura sa ating bansa, kaya’t marami ang nahihirapang makihalubilo sa klimang ating natatamasa.

Ang ganitong taas ng temperatura ay may kakayanang magdulot maraming sakit. Mula sa inilathalang pag-aaral ng John Hopkins University, ang karaniwang nararanasan sa matinding init ng panahon ay ang heat cramps, heat exhaustion, heat stroke, at maging ang dehydration. Dahil dito, nagbabala ang Centers for Disease Control and Prevention na manataili na lamang sa loob ng bahay, at kung lalabas man ay magsuot ng sunscreen at gumamit ng sumbrero at payong. Ani rin nila, dalasan ang pag-inom ng tubig at kung maaari ay 5-8 walong baso ang mainom kada araw. Sa paaralan ng TSHS, bilang tulong sa prebensyon, idineklara ng punong guro na si Sir Donald S. Bruno na maaaring magsuot na lamang ng t-shirt ang mga estudyante upang maibsan ang malubhang init. Tunay na nakaaalarma ang patuloy na pagtaas ng antas ng init, subalit ito pa lamang ang simula ng pagliyab ng mas malalang sakuna. Manatiling nakatutok sa mga payo ng eksperto, sapagkat sa kasalukuyang panahon, prebensyon ang pinakamabisang solusyon. Kung tutuusin, sa mga laro ang free trial ay kasiya-siya, marahil nabibigyan ka nito ng tiyansang maranasan ang mga bagay na mahirap matamasa, ngunit kung ganito ang free trial na ipapadama, susubukan mo pa ba?

ni MARC JOHN BINUYA
Vector mula sa FREEPIK
Kuha mula sa NYHA Robotics

maghugas, maligo, huilamusan ang mata, magmumumog gamit ang malinis na tubig, at agad na pumunta sa ospital matapos malapit sa isang planta na may ammonia Dagdag na payo naman ni Dr. Padolina, iwasang humawak sa mga mata at maaring gawin muna ang paunang pagsusuri upang matuklasan kung may problema sa paghinga. Inanunsyong kontrolado na ang ammonia leak noong ika-26 ng Setyembre, sa kabila nito patuloy pa rin ang pagpapaalala ng mga eksperto sa publiko na sundin ang payo ng awtoridad, at sumunod sa mga hakbang pangkaligtasan.

Sa patuloy na pagdami ng uri ng sakit na bitbit ng pagkonsumo ng paninigarilyo, hindi hamak na mas naging talamak ang mga alternatibong produkto na sinasabing mas nakabubuti kumpara dito. Ngunit, paano kung ang mistulang mas nakabubuti sayo, ay mas nakasasama pala talaga sa kalusugan mo?

Isa sa mga naging patok na alternatibong produkto sa sigarilyo ay ang “vape.” Ang vape na kilala rin bilang “e-cigarette” ay isang de-bateryang produkto na gumagana sa pamamagitan ng pag-init ng isang uri ng likido na kung tawagin ay “vape juice” upang makagawa ng isang aerosol na lalanghapin ng isang indibidwal.

Nang magsimulang maging popular ang vape, pinuri ito ng karamihan dahil sa paniniwalang mas mababa ang nilalaman nitong nicotine kumpara sa sigarilyo. Bagama’t ito ang ipinararating ng mga kompanya sa publiko, malayo ito sa katotohanan.

Ayon sa Department of Health ng Australia, ang isang vape ay katumbas ng 50 piraso ng sigarilyo o mahigitkumulang dalawang pakete ng sigarilyo ang makokonsumo ng isang indibidwal sa iisang vape. Gayunpaman, patuloy pa rin ang pagkonsumo ng mga mamamayan sa produktong ito at nagsimula na itong maging trend na maaaring magdulot ng sandamukal na kapahamakan.

Ang paggamit ng vape ay maaaring magresulta ng iba’t ibang problema sa kalusugan, lalong-lalo na kapag nagkaroon na ng adiksiyon dito. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng National Academies of Science, Engineering and Medicine: ang vape ay nagbibigay ng banta sa ating kalusugan sapagkat ang aerosol na nilalabas nito ay naglalaman ng mga nakalalasong kemikal, kabilang na ang mga metal gaya ng nickel, tin, at lead Ang matagal na pagkakalantad sa mga

kemikal na ito ay maaaring magkaroon ng malubhang kahihinatnan, mula sa mga isyu sa paghinga hanggang sa mga problemang pang-cardiovascular. Masasalamin lalo ito sa mga kabataan sa ating bansa nang maitala noong 2021 na halos 11% ng mga kabataan na may edad na 10 hanggang 15 ay nakagamit na ng vape Bagama't ang ilan ay nagsasabi na ang vaping ay nagsisilbing tulong sa pagtigil sa paninigarilyo, wala itong kasiguraduhan. Ang mga pangmatagalang epekto ng vaping ay nananatiling limitado sa ating kaalaman, at ang kakulangan sa regulasyon ay nangangahulugan na ang mga mamimili ay aspeto lamang ng isang malawak na eksperimento. Ang mga pamamaraan ng industriya ng vaping sa pagpapalaganap ng kanilang produkto tungo sa kabataan, at bilang alternatibo sa paninigarilyo kaakibat ng pananamantala sa mga butas sa regulasyon ay nagpapalala lamang sa problema, na mas prayoridad ang kita kaysa sa kalusugan ng publiko. Sa patuloy na paglaganap ng mga lumalaking isyung dala ng vaping, nararapat na magkaroon ng wasto at mahigpit na regulasyon sa pagkonsumo rito. Hindi lamang para sa mga kabataan, kundi pati na rin sa mga taong kulang sa kaalaman. Kinakailangang bigyang-pansin ang talamak na isyu na mukhang usok lamang sa ating paningin ngunit malalim pala ang bitbit na panganib sa atin. Marahil, sa isang hipak na sa una’y tila kay sarap, sa likod pala nito’y pahamak na diretso sa lamay ang hatak.

PIGIL-HININGA

ng kaso ng Pertussis sa bansa, ikinababahala

Patuloy na nagmamatyag ang DOH sa pagdami ng mga kaso ng Pertussis o Whooping cough sa Pilipinas na dulot ng bacteria na Bordetella, na naisasalin mula sa simpleng pag-ubo at pagbahing.

Hindi bababa sa 862 na kaso ang naitala nitong Marso 23 mula sa mga rehiyon ng MIMAROPA, Metro Manila, Gitnang Luzon, Gitnang Visayas, at Kanlurang Visayas.

Tinatayang nasa 79% ang nasa edad 5 taong gulang pababa at 66% sa kanila ang hindi nabakunahan. Pagdating naman sa edad 20 pataas, 4% ang sinasabing may mga kaso.

Ayon sa DOH, mahalagang maagapan ang pagkalat ng sakit na ito sa pamamagitan ng masusing pagmonitor at pagsuporta sa mga lokal na pamahalaan.

Bilang solusyon sa pagbaba ng mga kaso, inihahanda ng pamahalaan ang mga bakuna tulad ng 5-in-1 na Pentavalent vaccine na nagiging proteksiyon mula sa Pertussis, Diphtheria, Hemophilus influenza type B, Hepatitis B, at Tetanus na ginagamit para sa mga kabataan.

Isa rin sa pinagpipiliang bakuna ang TDaP vaccine na nakakatulong na maproteksiyunan ang kalusugan

ng mga matatanda mula sa Diphtheria Tetanus, at Pertussis

“Meron kaming darating na six million doses of pentavalent by July. Ito ‘yung na-procure na bakuna para sa Pilipinas,” ani ni DOH Secretary Teodoro Herbosa.

Ayon kay DOH Secretary Teodoro Herbosa, inaasahang darating sa Hulyo ang anim na milyong doses ng Pentavalent vaccines

“Pag nakuha natin itong DPT, mapupunan ‘yong kakulangan natin from May, June, until July bago dumating [ang Pentavalent]. Hindi naman siya shortage, ang tinatawag namin diyan, stock out,” dagdag pa ng kalihim.

Nagsisimula sa simpleng ubo at sipon ang sakit na Pertussis na maaaring humantong sa mas malalang sintomas tulad ng malalim na pag-ubo na may kaakibat na pagduduwal at lagnat.

Sa ngayon patuloy na binabantayan ng pamahalaan ang pagtaas ng kaso ng Pertussis sa bansa lalo na’t kabataan ang karaniwang tinatamaan ng sakit na ito.

Para makaiwas sa naturang airborne disease, inaanyayahan ang mga mamamayan na palaging maghugas ng kamay, magtakip ng bibig kapag uubo, at magsuot ng face mask sa mga matataong lugar.

TUGON SA HAMON

WavER, imbensyong hatid ay makabagong solusyon

Sa panahon ng sakuna, saklolo ang simbolo ng pag-asa. Ngunit, hindi sa lahat ng pagkakatao'y abot-kamay itong matatamasa. Sa isang liblib at malayong tahanan, ang hiyaw ng saklolong pilit na tumatagos sa mga dingding ay tila baliwala na. Marahil sa oras ng bagyo, lindol, at sunog ay wala nang makapitang reresponda. Paano na kaya? Paano na sila? Paano na ang mga taong minsa'y pinangarap na mamulat muli ang kanilang mga mata sa kinabukasang kay ganda?

Nitong nakalipas na Innovation Expo 2024 sa Taguig Science High School noong ika-18 ng Abril, nagkamit ng unang parangal ang grupong mula sa ikalabindalawang baitang na kinabibilangan nina Jaisa Mataac, Russell Patricio, Loise Ravina, Lordson Agoot, Jojie De Sagun, Alaysa Macarimban, at Dlon Mabalot sa kanilang natatanging likhang tinaguriang “Wireless Radio Wave Communication Device for Emergency Response in Remote and Isolated Communities (WavER)”. Ang WavER ay isang kagamitang naglalayong magbigay ng accessible, agaran, at de-kalidad na serbisyo sa mga liblib na komunidad sa pamamagitan ng isang wireless communication device kapag may nangyaring sakuna. Gumagana ito sa pamamagitan ng paghatid ng radio waves sa loob ng isang wireless communication system na masasagap ng isang receiver Ginamit bilang gabay sa proyekto ang pag-aaral na isinagawa ni Collado (2019) sa Jomalig Island kung saan itinuring itong Geographically Isolated and Disadvantaged Area (GIDA), matapos lumabas na malaki ang kakulangan nito sa public health at utility services dahil sa distansiya nito mula sa iba pang lugar. Binigyang diin ng miyembrong si Lordson Agoot na sa oras ng sakuna hindi na nararapat pang maglakbay ang mga biktima, kaya’t naisipan nilang bumuo ng kagamitang makatutulong upang maibsan ang ganitong problema.

Isa sa pinaka binigyang pansing aspeto ng isinagawang pag-aaral ay ang radio waves

dahil sa malaking kaugnayan ng kagamitan nito sa layunin ng WavER. Ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA), ang radio wave ay isang uri ng electromagnetic wave na may mahabang wavelengths na kaakibat ang mababang frequency. Karaniwang ginagamit ito sa mga radyo, telebisyon, cellphones, at iba pang aplikasyong may kinalaman sa komunikasyon. Nahahati sa dalawang parte ang WavER. Una ay ang “WavEr Communication Device” na may Arduino Nano microcontroller board na magagamit upang makapagpahayag ng signal sa bilis na 433 mHz na kakayaning umabot ng 5 km ng layo. Samantala, ang ikalawa naman ay ang “WavER Receiver” na may ESP32 WROOM32 board, RFM69HCW module at SMA antenna na may kapasidad na gumana ng walang internet connection, ngunit may abilidad pa ring makapag-upload ng mga datos sa isang external cloud storage Matapos kilalanin ang dalawang aspekto ng WavER, sumailalim ito sa iba’t ibang pagsusulit upang masuri ang kalidad at katibayan ng nasabing produkto. Sa dumaang durability test na kinapapalooban ng drop test, shake test, at water spill resistance test, lumabas na nakapasa ang WavER sa loob ng limang trials. Sa kabila nito, dumaan din ang WavER sa isang performance test na nagtala na may kapasidad na umabot ng hanggang 5 km ang layo ng maihahatid na signal ng WavER.

Kung sa dagat, ang alon o waves ay isang tanawing maganda sa ating paningin, sa kalupaan naman ay may ibang uri ng alon na minsa’y radio waves kung tawagin dahil sa angking kakayahan nitong tumulong sa atin. Sa proyekto na WavER, tunay na masasalamin ang galing ng mga mag-aaral na magsisilbing tanglaw ng pag-asa para sa bawat isa, lalonglalo na sa mga komunidad na tila hindi na napapansin. Kaya naman, ating pagyabungin ang inobasyong maghahatid sa atin sa ligtas at maagap na kinabukasan. Sapagkat sa bawat agos ng pagsubok na hatid ng mundo, hindi kailanman tamang distansiya ang hahadlang sa paghingi ng saklolo.

Dibuho ni ARIANE LOISE NONOG

'DI NAtinag

Taguig Generals, muling nagtagumpay sa NBL Season 3

ni GEIANA NALCOT

Ginising ng Taguig Generals ang diwa ng mga manonood sa kanilang balwarte nang matagumpay na nasungkit ng koponan ang kanilang ikalawang sunod na panalo, 88-87, matapos hindi makapasok sa oras ang 2-point shot ni Calvin Suing ng Luid Kapampangan sa tapatang best-offive series, 3-0, sa Season 3 ng National Basketball League, noong ika-29 ng Setyembre sa Jun Dueñas Gymnasium Central Signal, Taguig City.

Pinangunahan ni Mark Ordoñez ang Generals sa Game 3 matapos mag-ambag ng 19 puntos na sinundan nina Edziel Galoy na may 12 puntos, Jonathan Lontoc para sa 11 puntos, at LJ Mayo na kumamada ng 9 na puntos, 3 blocks, at 13 rebounds

Muling namang itinanghal na Most

Valuable Player ang tinaguriang "The Forest Hunter” na si Mike Sampurna matapos kumamada ng 11 puntos sa krusyal na parte ng Game 3 na nagresulta sa kabuuang 48 puntos sa kanilang 3-0 na laro.

Pasok sa Mythical Five sina LJ Mayo at Mike Sampurna kasama ang pambato ng ibang koponan na sina Lhancer Khan ng KBA Luid Kapampangan, Verman Magpantay ng Camsur Express, at Raymart

to our probinsyudad. You have proven that you are deserving, and the city is proud of the whole team," ani ni Mayor Lani.

Sa pagbubukas ng Game 3, agad na nanaig ang pambato ng probinsyudad na naglatag ng 10-3 bentahe na nagtapos sa iskor na, 29-16, matapos tambakan ang Luid Kapampangan para sa unang kwarter. Pagdating ng 1st half, nabuhayan ang Luid Kapampangan nang magpaulan ng tatlong 2-point shots sina Suing at Mangalang, na agad na natapatan ni Edziel Galoy matapos kumamada ng 5 puntos para sa 14 bentahe, na nagtala ng 45-33 iskor.

Naging pabor sa Luid Kapampangan ang laro pagpasok ng ikatlong yugto nang magrehistro ang koponan ng 10 puntos para muling mapalapit sa Generals na naglista sa 66-52 na iskor.

Lumikom naman ng siyam na puntos si Mark Ordoñez sa simula ng huling kwarter kung saan pumukol ng 21 lead ang Taguig Generals na sinubukang daigin ng Luid Kapampangan mula sa kanilang 0-12 run

Sa huling minuto ng kanilang laro, anim na puntos ang kinailangang habulin ng Luid Kapampangan na agad na sinegundahan nina Manalang at Antiza na naglatag ng 88-87, pabor sa Generals.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.