Sinagtala Tomo XI, Blg. 1 - Agosto - Mayo, 2023

Page 1


Dibuho
NILALAMAN

KOMUNIDAD

Abot-kamay na tulong medikal

Telekonsulta, Love Caravan, pinaandar sa Taguig

ni JAMES MICHAEL PABILLAR

Inilunsad muli ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang Taguig Love Caravan noong ika-30 ng Hunyo, 2022 habang patuloy pa rin ang operasyon ng Telekonsulta upang maghatid ng tulong medikal sa mga Taguigeño gamit ang caravan sa mga barangay at telepono.

Binuksan ng Taguig-Pateros District Hospital noong ika-18 ng Agosto 2020 ang Telekonsulta, na naghahatid ng serbisyong medikal sa bawat indibidwal na nangangailangan ng konsulta sa doktor ng Pediatrics, Medicine, Surgery, at OB-Gyne.

Samantala, ibinalik muli ni Mayor Ma. Laarni Cayetano ang programang Taguig Love Caravan na namamahala sa pamimigay ng mga serbisyo gaya ng medikal, dental, libreng konsulta, at nutrition seminars sa mga Taguigeño sa pamamagitan ng pag-iikot sa bawat barangay.

“Importante para sa akin ang Taguig Love Caravan dahil nabibigay nito ang mga serbisyong kinakailangan ko, lalo na’t noong panahon ng pandemya, na walang kakayahang bumili ng mga kinakailangang gamot ang mga tao,” saad ni Thalia Renon, estudyanteng nakatanggap ng serbisyo mula Taguig Love Caravan.

Upang malakip ang serbisyong Telekonsulta, maaaring i-text ang mga kinakailangang impormasyon gaya ng pangalan, edad at kasarian, tirahan o address, at chief complaint o sakit sa mga numerong naaayon sa kani-kaniyang karamdaman.

Sa kabilang banda, umiikot sa bawat barangay sa Taguig ang programang Taguig Love Caravan base sa nakatakdang iskedyul upang magbigay ng serbisyo sa bawat barangay.

Telekonsulta, dahil imbis na tumungo pa kami sa mga ospital para lang magpacheck-up ay maaari na lamang tawagan ang mga doktor hinggil sa kinakailangang tulong!” ani Marion Rongavilla, estudyanteng lumakip ng tulong sa Telekonsulta.

Nakiisa naman ang Taguig Science High School sa Mandatory Earthquake and Fire Drill k u ng saan ipinakita ang posibleng reaksyon at ang mga exit points na dapat labasan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang bahagi ng gusali.

Ayon kay Florence Dela Cruz, guro at presidente ng National Risk Reduction and Management Council-Taguig Pateros Di strict, mas nagiging mabisa ang earthquake drill sa paaralan dahil bumibilis na ang pagtugon ng mga estudyante dahil mas may alam na sila kumpara noon. Sa huling tala ng paaralan, umabot na sa dalawang minuto at 37 segundo ang bilis ng pagbaba ng mga estudyante, nalalapit sa dalawang minutong threshold na itinakda ng paaralan.

“May importansiya ang pagtutuloy ng earthquake drill dahil n adadagdagan ang kaalaman ng mga bata sa lindol at nagkakaroon din ng mind-conditioning dahil nalalaman na nila kung ano nga ba ang dapat gawin ng mga bata,” pahayag ni G. Dela Cruz. Iminumungkahi ni Dela Cruz na nararapat lamang na madagdagan pa ang suporta ng gobyerno sa mga ganitong proyekto tulad ng pagdaragdag ng kagamitan laban sa kalamidad.

Kabilang ang Pilipinas sa mga bansa na sakop ng aktibong Pacific Ring of Fire na madalas tinatamaan ng mga likas na kalamidad t ulad ng lindol na nagpapataas nang panganib sa mga paaralan at komunidad.

Balik pisikal na!

Face-to-face classes, nagbabalik matapos ang dalawang taong ‘distance learning’

Matapos ang dalawang taong pagpapatupad ng distance learning dahil sa pandemya, muling binuksan ang mga paaralan para sa mga mag-aaral sa pagbubukas ng taong panuruang 2022-2023 nitong ika-22 ng Agosto, 2022.

Umarangkada ang pagbabalik ng face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan sa iba’t ibang panig ng bansa sa kabila ng banta ng COVID-19.

“Hindi na natin kaya na muling maantala pa ang pag-aaral ng mga kabataang Pilipino. Kailangan na natin silang maibalik sa in-person learning dahil sa in-person learning, makakukuha ng makahulugan, sapat o wasto, at dekalidad n a edukasyon na kailangan nila para sa kalinangan ng kanilang pag-iisip sa pagtatag ng malakas na bansa,” pahayag ng bagong DepEd Secretary at Vice President Sara Z. Duterte.

Bilang hakbang upang masigurong ligtas ang pagpasok sa eskuwelahan ng mga estudyante at kaguruan, naglatag ng iba’t ibang patakaran ang Department of Education (DepEd) upang maiwasan a ng posibilidad ng pagkakasakit.

Striktong ipinapatupad ng ahensya ang mga safety protocols katulad ng pagpapaigting ng social distancing, pagsuot ng facemasks, pagdadala ng sari-sariling sa nitizer, palagiang paghuhugas ng kamay, at pag-iwas sa physical contact.

Sa kabila ng kaibahan sa kinagawian, kinakailangan ito para sa kaligtasan ng bawat isa lalo na’t

dumarami ang mga eskuwelahang nagsasagawa ng face-to-face cl a sses.

Alinsunod sa inilabas na mga patakaran ng DepEd, inilunsad ng Taguig Science High School (TSHS) ang mga bagong patakaran upang masiguro ang ligtas na pagbabalik ng mga Scientians sa paaralan.

Ipinapatupad ang paglimita sa dami ng mga mag-aaral na nagtitipon sa school grounds para sa ag ceremony, paghikayat sa mga mag-aaral na laging maghugas ng kamay, laging paggamit ng alcohol o hand sanitizer, at pagbilin sa mga mag-aaral na huwag alisin

ang mga suot na face mask. “Bukod sa inilabas ng DepEd na memorandum na dapat sundin sa pagpapatupad ng face-to-face classes, ginamit ng TagSci ang mga epektibong paraan na nakuha mula sa pilot testing na nilahukan ng TagSci noong nakaraang school year upang mas pag-iigihin ang pagprotekta sa mga mag-aaral laban sa COVID-19,” pahayag ni Ginang Virginia Bayani, guro mula sa Filipino. Naniniwala ang mga estudyante ng TSHS na naging handa ang eskuwelahan para sa pagsisimula ng new normal sa kabila ng maraming pagbabago na kinailangang

gawin para sa ikabubuti ng mga mag-aaral.

“Naging istrikto ang pagpapatupad ng safety protocols katulad ng pagsusuot ng face mask at paghuhugas ng kamay. Nakita ko rin a ng kanilang pagdi-disinfect ng mga silid-aralan upang masiguro na ligtas at malinis ang mga silid-aralan para sa mga estudyante,” pa hayag ni Macaila Canave, isang mag-aaral mula sa 10 - Planck. Tinitiyak naman ng TagSci na mas paiigtingin ang pagpapatupad ng mga health protocols upang mapanatili ang seguridad at kaligtasan ng mga guro at mag-aaral.

Bagong K-to-12 kurikulum, isinusulong sa kamara

Arroyo, iminumungkahi ang pagpapalit patungong ‘K+10+2’

Sa kasamaang palad, mas pinapaboran pa rin ng pr p ib d adong g sektor mga nagtapos sa kolehiyo o unibersidad kaysa a sa mga nakatapos sa ilalim ng K-to-12 program.

Inihain

ni House Senior Deputy Speaker at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang House Bill No.7893 noong ika-23 ng Abril, 2023, sa kadahilanang ‘pumalya’ umano ang layunin ng K to 12 na magbigay ng estudyanteng may kakayahan sa lakas-paggawa.

Inihain ni House Senior Deputy Speaker at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang House Bill No .7893 noong ika-23 ng Abril, 2023, sa kadahilanang ‘pumalya’ umano ang layunin ng K to 12 na magbigay ng estudyanteng may kakayahan sa lakas-paggawa. Isinasaad ng HB No. 7893 na palitan ang kasalukuyang programa na K to 12 patungo sa ‘K + 10 + 2’ na sinasaklaw ang pag-aaral mula sa Kindergarten at 10 taon ng Basic Education, at dagdag na dalawang taon sa nagnanais na tumuloy ng kanilang pag-aaral bilang paghahanda sa pag-aaral sa kolehiyo o kilala rin bilang ‘post-secondary, pre-university education.’

“Sa kabila ng paglalayon ng programang K to 12 na mabigyan ng sapat na kakayahan ang mga batang nakapagtapos ng Senior High School (SHS), kinakailangan pa rin na magpatuloy ng mga kabataan sa pag-aaral sapagkat tinatanggap lamang ng pribadong sektor ang mga taong nakapagtapos ng kolehiyo kaysa sa mga nakapagtapos lamang ng K to 12 program,” ani ni Arroyo. Binanggit naman ni Arroyo ang pag aaral na

isinagawa ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na nagsasabing isa lamang sa limang nakapagtapos ng SHS ang nagtatrabaho, ang iba ay nagpapatuloy na sa kolehiyo, inilahad din sa pagaaral ng PIDS na walang malinaw na pagkukulang o lamang ang mga SHS graduates kumpara sa mga nakapagtapos ng Grade 10 o second year college.

Dagdag pa niya, nararapat lamang na bigyan ng karapatang mamili ang mga mag-aaral na makapagtapos agad ng pag-aaral lalo na’t napapabilang ang Pilipinas sa bansang may mataas na porsyento ng poverty incidence na umaabot sa 18%.

Hinihiling ni House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang mabilis at agarang pag-apruba ng House Bill na kanyang isinusulong.

K to 10 implementation

Sa kabilang banda, kasalukuyang bumubuo ang DepEd ng bagong kurikulum para sa Kinder to Grade 10 na balak nilang ilunsad sa taong akademiko 2024-2025. Nabuo ang bagong kurikulum ng K to 10 dahil lumalabas sa mga

pagsusuring nasyonal at internasyonal na walang pagbabago o hindi napabuti ang kalidad ng edukasyon sa ilalim ng kasalukuyang kurikulum. Nagsagawa ng pag-aaral ang DepEd upang mas mabigyang linaw ang mga posibleng problema o kakulangan ng K to 12, na pinangunahan ng dating DepEd Secretary Leonor Briones, at lumabas sa mga pag-aaral na ito na ang kasalukuyang K to 10 kurikulum ay masyadong “congested.”

Sa rekomendasyon ng pag-aaral sinasabi na kailangang bawasan ang mga kasanayang dapat aralin sa ilalim ng kurikulum upang masiguro na lahat ng kahusayang pang-aralin ay naaaral nang mas malalim sa loob nang sapat na oras. Dagdag pa rito, kinakailangan din na ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga aralin at mabigyang pansin ang kognitibong pangangailangan ng kurikulum upang masiguro na ang kakayahan at kaalaman ng bawat mag-aaral ay nabubuo sa bawat baitang na tatahakin nito.

Sa bagong kurikulum ipakikilala ng DepEd ang “Focus on the Big Ideas” na naglalayong magbigay ng mga konsepto na maaaring mailipat sa iba’t ibang mga paksa, konteksto, o pagsisiyasat, na nagbabawas ng information overload. Isa pang parte ng bagong kurikulum ay ang “Redesigned Kindergarten Curriculum” na layuning palakasin ang kakayahan ng mga batang Pilipino na handa at may kasanayan para sa ika-21 na siglo. Ipakikilala rin ng Deped ang Sibika, Kultura, Kasaysayan, at Kagalingang Pangkatawan (SiKaP) na naglalayon na magbigay ng mahahalagang kaalaman, kasanayan, at pag-uugali sa mga mag-aaral upang matamo ang personal at kultural na kamalayan sa pagiging aktibo at malikhain na mga miyembro ng kanilang sariling komunidad. Matatanggal na ang asignaturang Mother Tongue sa elementarya subalit nilinaw ng DepEd na hindi naman nila aalisin ang lenggwaheng lipino bilang pangunahing midyum ng pagtuturo. Samantala, ipinaliwanag ng DepEd na ang kurikulum ng Senior High School ay nasa proseso pa lamang ng konsultasyon at hindi pa marerebisa hangga’t hindi ito nasusuri nang mabuti.

ni AZINETH CHAVEZ
GLORIA MACAPAGAL ARROYO
KONTRA PATULOY NA BANTA NG COVID-19. Sa hangaring matiyak ang kaligtasan ng mga guro’t mag-aaral, ibayong pag-iingat at istriktong safety at health protocols ang patuloy
AGOOT
ni THEA AGGABAO

TRABAHO PARA SA KABATAAN

SPES, naghatid ng trabaho sa 200 Taguigeños

Nagbigay

ng hanapbuhay ang programang Special Program Employment of Students o SPES sa 200 outof-school youths at mga mag-aaral na nasa bakasyon upang matulungan ang mga itong magkaroon ng pagkakakitaan sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Mayor Lani Cayetano, “Nagdudulot ng malaking oportunidad sa mga mag-aaral na magkaroon ng karanasan sa trabaho at magkaroon ng dagdag kita para sa mga mag-aaral.”

Pokus ng programa ang pagbibigay ng pagkakakitaan sa mga edad 15 hanggang 25 taong gulang na kabilang sa poverty threshold na itinakda ng lokal na pamahalaan.

Nagmula ang programang SPES sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang mapabuti ang kalagayan ng mga mahihirap at karapat-dapat na mag-aaral na magkaroon ng trabaho at

magsilbing susi ng mga out-ofschool youths ang SPES upang magkaroon ng pagkakataon para makabalik sa pag-aaral.

Itinalaga sa iba’t ibang sektor ang mga napiling mga aplikante at maaaring mapunta ang isang indibidwal sa pampublikong sektor, kung saan maninilbihan sila sa lokal na pamahalaan ng Taguig sa loob ng 20 na araw, at pwede rin sa pribadong sektor sa loob ng 45 na araw.

Nagtatrabaho sa iba’t ibang departamento ang mga benepisyaryo ng SPES gaya ng opisina at administratibo, mga tungkulin sa pagpapatala at paggamit ng kompyuter, pag-

tatrabaho sa komunidad o sa eld, mga sesyon sa pagtuturo, survey at sensus, at pagbebenta at marketing. “Nagdulot ng malaking pagbabago sa akin ang mga naging karanasan ko bilang isang SPES employee. Nagkaroon ako ng mga bagong kaalaman sa iba’t ibang bagong kasanayan at nakatanggap ng gabay mula sa mga propesyonal. Napakahalaga ng karanasang ito para sa akin dahil naniniwala ako na ang mga natutuhan ko dito ay magagamit ko sa hinaharap,” pahayag ni Zcintilla Serquiña, isang mag-aaral ng Taguig Science High School na sumali

sa programang SPES. Binigyang-diin din ni Cayetano, “Lagi naming hinihikayat ang mga kabataan na kuhain ang oportunidad na maging produktibo at gamitin ang kanilang oras ng mabuti habang bakasyon, at ang SPES ay makatutulong upang kanilang maiparating ang kaalaman sa pagtatrabaho at hinahasa ang kanilang kagalingan na pwedeng gamitin habang sila’y nagtatrabaho.”

Limang taon nang sinusuportahan ng lungsod ng Taguig ang nasabing proyekto ng DOLE.

60 SinAg Scouts, sumabak sa first aid training

Paghahanda sa mga hindi inaasahang panahon

Naitalang doses ng

COVID-19

vaccine sa bansa, pumalo na sa 179M

DOH, patuloy ang pagbabakuna sa mga Pilipino

Nakapagtala ng higit kumulang na 179M doses ng bakuna kontra COVID-19 ang ipinamahagi sa mga Pilipino, batay sa huling inilabas ng Department of Health (DOH) noong ika-19 ng Marso, 2023.

Tinatayang nasa 75.7 milyong bakuna ang nagamit para sa unang dose, 79.1M na katao ang nakatanggap na ng kanilang kumpletong dose ng bakuna, at halos 24.1M booster doses ang naipamigay.

Nakamit na ng Pilipinas ang “herd immunity” base

sa layunin ng programang Resbakuna matapos malampasan ang target na 77.1 milyong katao o mahigit 70% na bakunado laban sa COVID-19. Nagmula sa NCR ang pinakamaraming nagamit na dose ng COVID-19, na mayroong 35.2 milyon, at sumunod naman ang Rehiyon 4A at Rehiyon 3. Base sa age status ng mga nakakuha ng bakuna laban sa COVID-19, naging matagumpay ang pagbabakuna sa mga edad na 12 hanggang edad 59 matapos malampasan ang 70% threshold habang malapit na ring maabot ng Senior Citizens

ang target threshold matapos makakuha ng 82% o 7,165,499 ng populasyon ng Senior Citizens na bakunado na laban sa COVID-19.

Samantala, binuksan na ng DOH sa publiko ang pamamahagi ng pangalawang booster shots nitong ika-18 ng Abril, 2023. Kaugnay nito, naglabas ang nasabing departamento ng mga patnubay tungkol sa pagpapabakuna ng pangalawang booster shots para sa mga Pilipino. Ang mga brands ng P zer, Moderna at Astrazeneca ang gagamitin para sa pangalawang

booster shot laban sa COVID. Ayon sa DOH, maaaring kunin ng mga nasa edad 18 pataas ang kanilang pangalawang booster shot anim na buwan matapos makuha ang unang booster shot habang wala pa ring bukas na 2nd booster shots para sa mga batang edad 5 hanggang edad 17. Bagaman matagumpay na nakamit ng programang Resbakuna ang kanilang mga layunin, hindi pa rin tumitigil ang gobyerno na hikayatin ang mga mamamayan na magpabooster at magpabakuna ang mga hindi pa nabakunahan laban sa COVID-19.

Sumabak sa isang First Aid Training ang higit kumulang na 60 SinAg Scouts nitong ika-5 ng Mayo, 2023 sa Taguig Science High School upang ihanda ang mga ito sa mabilisang pagtugon sa mga hindi inaasahang aksidente sa paaralan.

“Ngayong mga panahon, hindi na lang basic knowledge ang kailangan na alam mo kapag mag - rst aid. Kailangang malalim ang iyong kaalaman upang magkaroon ka ng pagkakataon na makatulong sa mga panahong kinakailangan,” ayon kay TSHS Senior Scout Coordinator Jen Arsenal. Dagdag pa niya, mahalagang matuto ang kanyang mga Senior Scouts sa agarang lunas sa mga hindi inaasahang panahon sapagkat ito ang kanilang tungkulin bilang Scouts.

Pinangunahan ng mga nars at mga sundalo ang mga sesyon ng nasabing programa.

Kabilang sa mga nakuhang aral mula sa nasabing training ang mga sumusunod: paano tulungan ang mga taong nabubulunan, paano ang tamang pag bandage, ang RICE method, paano ang tamang pagbuhat ng tao, at marami pang iba.

“Mahirap na kasi ang buhay ngayon, hindi lahat mayaman, hindi lahat masusugod agad-agad sa ospital. May mga dapat tingnan tulad ng pera at oras, lalo na yung oras kasi minsan sa aksidente oras ang pinaka-kalaban natin,” pahayag ni Veverly Jean Sumiwan, isang miyembro ng SinAg Scouts.

Nagpapasalamat naman si Gng. Arsenal sa mga taong nagbigay ng oras upang mabigyan ng pagkakataon ang mga SinAg Scouts na matuto ng basic rst aid skills.

Inaasahang may mga nakalatag pang mga programang ihahatid para sa mga Senior Scouts sa mga darating na buwan.

KAMPUS
Bagong JHS

building, pinasinayaan para sa Grade 7 students

Binuksan na sa mga ika-7 baitang na mag-aaral ng Taguig Science High School ang bagong apat na palapag na gusaling ipinatayo ng Pamahalaan ng Lungsod ng Taguig para sa pagbabalik ng face-to-face classes nitong Agosto 2022.

Malaking tulong ang pagbubukas ng bagong gusali para sa mga bagong mag-aaral ng sapagkat dating nagsisiksikan sa isang maliit na mga silid ang mga scientian na dumaan sa ika-7 baitang. “Nagpapasalamat po ako sa Lokal na Pamahalaan ng Taguig sapagkat malaking kaginhawaan ang makapagaral sa isang silid na maluwag at maayos ang daloy ng hangin sa loob ng silid,” pahayag ni Jhariil Yhuan Esguerra ng 7–Leibniz.

Naglalaman ang apat na palapag na gusaling ito ng dalawang malalaking silid na kayang punan ng 40 na estudyante kada silid at mayroong maayos na bentilasyon upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa loob ng silid-aralan.

Inaasahang bubuksan ang rooftop o ang ikalimang palapag ng bagong tayong gusali kapag nabuo na ang konstruksyon nito.

ni DERICK TIMOTHY JALANDO-ON KAMPUS
ni DERICK TIMOTHY JALANDO-ON
ni DERICK TIMOTHY JALANDO-ON
KABALIKAT SA UNANG LUNAS. Sama-samang nag sanay ang mga Scientians na miyembro ng Boy Scout of the Philippines sa nanganap na irst Aid seminar noong ika- ng Mayo kuha ni ARIANNE ABEJUELA
PANGALAWANG

editoryal

Adobong kulang sa sangkap

Mabilis

na pagtaas ng presyo ang nasasaksihan ng mga konsyumer dahil sa kakulangan sa suplay ng mga pangunahing bilihin. Kabilang dito ang sibuyas at asukal na karaniwang sahog ng sikat na pagkain ng mga Pilipino na ‘Adobo’. Matatanggap ba ito ng iyong panlasa kung ang adobong walang kasing sarap ay mababawasan ng sangkap? Tila isang bangungot ito para sa ilan sapagkat hindi naman sa kakulangan ng sangkap natitimbang ang problema, kung hindi sa kakulangan ng aksyon ng mga nasa taas na dahilan para magkanda-kuba na ang mga mamimili maaabot lamang ang kanilang mga pangangailangan. Sa gitna ng krisis na nararanasan dahil sa pandemya, isa na naman ba itong problemang dadanasin ng bawat mamamayan?

gat sa inilabas na Suggested Retail Price (SRP) ng DA na 250 pesos. Ayon sa isang panayam ng DA, isa sa nakikita nilang butas kung bakit umabot sa nasabing presyo ang sibuyas ay dahil sa farm gate price. Sa kabila nito, nahihirapan silang kumbinsihin ang mga magsasaka na babaan ang sinisingil nila. Kung magbibigay-daan ang magsasaka na ibaba ang presyo, sila naman ang maiipit sa problema. Maraming pwedeng panakip-butas ang pamahalaan sa nasabing problema, ngunit kung patuloy silang magbubulag-bulagan na kumuha na lamang ng mga produktong banyaga ay maiiwan lalo sa baba ang mga magsasakang imbis na pananim ang anihin ay ang pagmamalabis at walang hustiyang tugon ng nakatataas ang inaani.

Pumalo na sa pinakamataas na presyo ang sibuyas at asukal noong nakaraang taon, na siyang pinangangambahan ng mga mamimili. Umiikot sa presyong 90 hanggang 110 pesos ang re ned sugar 83 hanggang 95 pesos para sa washed at 80 hanggang 97 pesos naman ang brown sugar. Ito ay batay sa isinagawang monitoring ng Department of Agriculture (DA). Wika ng mga tindera sa ilang pamilihan ay maging ang mga supplier ng asukal ay hindi malaman kung bakit biglaan ang pagtaas ng presyo nito. Hindi tiyak ang bunga kung bakit bumulusok ang presyo ng asukal kaya isa itong senyales na nakalulula na ang nakikitang presyo ng mga konsyumer, na kung saan hirap na nilang matamo ang ninanais nila para lamang masustentuhan ang kanilang pangangailangan lalo na sa mga sektor na labis ang pangangailangan nito para sa produksyon ng kanilang binebenta. Asukal ang isa sa mga ginagamit para bigyang-tamis ang pagkain ngunit ang presyo nito ang nagiging sanhi ng kaalatan ng kanilang bulsa.

Pagdating naman sa sibuyas ay naglalaro ang presyo nito sa 600 pesos, salun-

Ano nga ba ang magiging damdamin ng mga Pilipino kung ang nakasanayan nilang adobo ay kulang na sa timpla?

Talamak na ang ganitong sitwasyon sa ating ekonomiya na kung saan kaliwa’t kanan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin na malaki ang tulong sa bawat isa. Gaya na lamang ng dalawang produkto na

ito, na kung saan maraming negosyante maliit man o malaki ang naaapektuhan nang biglaan sa patuloy na pagtaas ng presyo. Isa sa nakikitang dahilan ng gobyerno kung bakit walang tigil sa pagdagdag ang mga presyo ng sibuyas at asukal ay dahil sa nangyayaring smuggling. Nagiging kapos sa suplay ang merkado at tumataas ang presyo nito. Umabot ng higit 85 milyon halaga ng mga produktong ito ang nasibat ng Bureau of Customs (BEC). Kaya naisipan nilang ibenta nalang ang mga nalimas sa bawat Kadiwa Store. Ito naman ay siyang kwinestyon, na kung hahayaang mabulok ang mga nakukuha nila, pwede namang ipamigay ito sa mga nangangailangan at nakararanas ng kalamidad. Sa problemang ito na walang konkretong solusyon ang mga nakatataas, hahayaan pa ba nilang magdusa ang lahat bago gawan ng aksyon at maayos na hakbang para maibaba ang presyo? Tila kulang sa timpla at hindi maayos na panlasa ang nagiging paraan nila sa nasabing problema.

Hindi ang simpleng kakulangan ng sangkap ang nagpapasakit sa ulo ng mga Pilipino, kung hindi ang ka-

kulangan sa agarang aksyon ng pamahalaan sa isyung ito. Maraming apektadong sektor ang umaasa rito, sapagkat sa isang presyo ng produktong tumataas ay problema agad ang dulot para sa kanila. Mga establisyimento at maging ang mga karinderya na ang umaaray dahil diretso sa kanila ang tama sa tuwing tumataas ang presyo ng ilang bilihin. Mga pananderya na ang sarap ng kanilang mga tinapay ay nakaasa sa asukal para magbigay-tamis at sarap sa kanilang mamimili ay tuluyan ng naglalaho. Umaasa sila sa kikitain para mairaos ang pang-arawaraw nilang pangangailangan ngunit ang kita na para sa pamilya ay nauuwi na lamang na pandagdag sa iba pang kailangan sa paninda. Kung paanong pinagsamang toyo at suka ang ilan sa kailangan para makabuo ng adobo, masiyasat na pagaaral at maayos na aksyon naman ang hinihiling para sa pamahalaan nang sa gayon ay mapigilan na ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin. Hindi lang sa panlasa ng dila nasusukat ang sarap ng pagkain, kung hindi sa sapat na timpla ng aksyon at seguridad ng mga presyo ng mga bilihin sa bansa.

Aksyon dapat ang usapin ng kamara sa mga kumakalam na sikmura, hindi ang mas lalong paghahain ng ginto sa lamesang masa.”

Kapag

Linisin ang umaalingasaw na korupsyon

ikaw ay nagkasakit, kanino ka lalapit? Malaki ang inaasahang suporta ng bawat Pilipino sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth. Ito ang nagsisilbi nilang takbuhan sa tuwing nagigipit sila sa trahedyang pangkalusugan. Umalingasaw ngayon ang korapsyong nanaig sa mga namamahala sa PhilHealth nang ang nagkakahalagang 15 bilyon ay nalustay lamang sa wala. Tila nagtanggal sila ng puso at patuloy silang nagsaya sa perang kanilang binulsa habang ang mga nangangailangan ng suporta para sa pagpapagaling ay naghihingalo kung saan kukuha ng suportang pinansyal. Ano kaya ang reaksyon ng mga nakatataas sa sinasabing “PhilHealth Ma a”?

Nagsimulang umalingasaw ang korapsyong nangyari sa PhilHealth nang may isang dating opisyal ang nagsiwalat na may mga mapagmalabis sa pondo ng PhilHealth at ito ang sinasabing naging sanhi ng paglustay na 15 bilyon. Ayon naman sa inilatag ng Ombudsman, sinuspende na nila ang 12 sa mga opisyales ng PhilHealth. Ngunit, ayon sa Presidential Anti-Corruption Commision (PACC), 36 na opisyales ang iniimbestigahan sa nangyaring korapsyon. Kaya kung titignan ay napakaunti ng bilang na sinuspinde nila, kasama pa ang ilang nangunguna sa katiwalian. Sa ganitong sitwasyon, hindi malabong magpatuloy ang korapsyong ginagawa nila sa mga perang iniipon ng mga Pilipino, lalo na sa mga naghuhulog ng premium. Kapag kinailangan na nila ng suporta sa kanilang ipon ay wala silang makukuha kung hindi ang salat na pera dahil sa korapsyong nagpapatuloy. Ayon kay Senador Sonny Angara, nararapat na paigtingin ang pamamalakad sa PhilHealth para maisaayos ang pagtakbo ng ahensya. Ngunit,

bakit patuloy pa ring nasa puwesto at hindi sinisibak si PhilHealth Chief Ricardo Morales na siyang sangkot sa korapsyon? Kung gugustuhin ng mga mambabatas na ayusin ang sistema sa PhilHealth ay dapat na patalsikin na nila ang lahat ng may mabahong intensyon sa ahensya. Kahit sabihin na may matibay na ebidensya sa nasabing korapsyon, kung hindi naman magpapakita ng agarang aksyon ay malulustay pa rin ang pinaghirapan ng mga Pilipino. Umaalingasaw na ang korapsyong nangyayari sa ahensyang inaasahan ng mga Pilipinong naghuhulog para sa kanilang kalusugan. Ngunit ang baho ng mga opisyales na namumuno at namamahala rito ay sagad-sagad pa rin sa katiwalian. 15 bilyon, marami nang maitutulong sa mga Pilipino lalo na sa mga walang oportunidad sa maayos at kalidad na seguridad pangkalusugan, ay umaabot lang sa nakalulungkot na paglustay ng mga inaasahang mamahala nito. Pera ng bayan, ibalik na lang kaysa maging puhunan ng mga mabahong nangangatwiran.

Kalasag ng mga Pilipino

Sa mundong ating ginagalawan, lahat ay walang kasiguraduhan. Maaaring mangyari ang ‘di inaasahan, kasama na ang peligrong dala ng bawat labanan. Hindi lahat ay may armas at lakas upang lumaban, kaya naman kani-kaniyang tago ang mga Pilipino upang sarili ay kanilang maprotektahan. Tanging takot para sa sarili lamang dala, habang nananalangin na karapat-dapat na kapayapaan at karapatan ay matamasa.

Upang masiguro ang kaligtasan ng lahat, nagpasa ang Senado ng Senate Bill No. 1083, isang panukalang batas na may layuning bigyan pa ng ngipin ang 2007 Human Security Act para palakasin ang kampanya kontra terorismo, at ang mga iniuugnay na aktibidad dito tulad ng kidnapping at bombing operations ng Abu Sayyaf Group. Sa gitna ng nagbabantang pandemya, dinala ng iilang Pilipino sa kalsada ang kanilang galit sa Anti-Terror Bill. Ito ay dahil sa takot na baka madamay, mapuntirya, at maparusahan nang wala sa oras ang mga ordinaryong mamamayan kahit na wala namang pinagbabasehang ebidensiya. Nagpahayag din ng pagtutol sa panukalang batas ang iba’t ibang grupo sa pamamagitan ng hashtag na #JunkTerrorBill dahil sa probisyon nito na umano’y banta sa karapatang tao. Pangamba pa ng ilan, maaari umano nitong agawan ng responsibilidad ang korte na magbigay ng hatol sa mga mamamayang inaakusahang nagkasala. Paniniwala naman ng ilang grupo, ang panukalang batas na ito ay ang bagong sandata ng gobyerno upang paigtingin ang proteksyon para sa mga Pilipino at maiwasan ang mga kagula-gulantang na pangyayari. Sa kabila ng mga naririnig na pagtuligsa, pinirmahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong ika-3 ng Hulyo, taong 2020, ang Republic Act 11749 o “Anti-Terrorism Act of 2020”. Wala nang nagawa ang mga Pilipino, ngunit hindi pa rito nagtatapos ang kanilang laban. Patuloy pa rin ang pakikibaka. Hindi ang layunin ang nakikitang banta rito kung hindi ang paraan ng pag-iimplementa nito. Gawin itong kalasag upang magprotekta, hindi isang sibat na tutusok sa karapatang pantao ng bawat Pilipino. Nawa ay hindi pa huli ang lahat upang pakinggan ang boses ng taumbayan. Ipakita na ang lahat ay may tainga upang makinig at disiplina sa katawan upang magsagawa ng nararapat.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga Pilipino ang mandatory na pagpaparehistro ng Subscriber Identi cation Module (SIM) card na pinangungunahang isinulong ni Senador Win Gatchalian mula pa lamang noong siya ay miyembro pa ng House of Representatives. Noong ika10 ng Oktubre, taong 2022, isa na itong ganap na batas matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act 11934 o ang SIM Card Registration Act. Ayon sa Pangulo, matagal na dapat itong naisabatas dahil ito ay epektibong paraan ng pag-regulate ng mga SIM card na karaniwang ginagamit sa panloloko at pagpapadala ng mga spam at scam na mensahe.

Nang sumapit ang ika-27 ng Disyembre, taong 2022, tuluyang nagsimula ang pag-implementa ng “Sim Card Registration Act” na may layuning puksain ang mga krimen

talas ni JAN RHAIZA

Huwag paloloko, SIM card ay

o maling gawain na nangyayari sa paraan ng text, tawag, at internet. Binigyan ng pamahalaan ng 180 araw na palugit ang mga Pilipino upang iparehistro ang kani-kanilang mga SIM card. Ngunit, bilang na lamang ang nalalabing araw bago dumating ang dedlayn, ika-26 ng Abril, taong 2023, nasa 58.27 milyong Pilipino pa lamang ang nagpaparehistro na katumbas ng 34.48 na porsyento ng 168.98 milyon nitong subskrayber. Kaya naman, bago pa ang araw ng dedlayn, inanunsiyo na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na ito ay ekstended ng 90 araw matapos aprubahan ng Pangulo. Hindi naman maitatanggi na maganda ang layunin ng proyektong ito. Subalit, masasabi nga ba natin na ito ay para sa lahat? Napakadali para sa ilang Pilipino lalo na sa may mabibilis na akses sa internet at may

iparehistro!

Sa halip na magaan sa pakiramdam nating salubungin ang taong 2023, binigyan pa tayo ng responsibilidad na kinakailangang isipin. Ang dapat na paghinga nang maluwag matapos maisalpak ang maliit na card sa gilid ng ating telepono ay napalitan ng pagbuntong-hininga sapagkat hindi na lamang ito ang hakbang na kinakailangan nating gawin kung hindi pati na rin ang pagpaparehistro nito upang maiwasan ang panloloko.

karunungan sa gadyets na isagawa ang proyektong ito. Kabaliktaran ng ilang karanasan ng mga Pilipino kung saan sila ay nahihirapan na magparehistro nang dahil sa kawalan ng akses sa internet at karunungan sa paggamit ng mga teknolohikal na bagay, lalong-lalo na ang mga Pilipinong nakatira sa malalayong lugar. Hindi rin maiiwasan na magdalawang-isip nang dahil sa pangamba na baka hindi naman ligtas ang kanilang mga impormasyon kung kaya ay mas pinipili na lamang nila na huwag itong gawin. Sa kasalukuyan, nasa 87 milyong SIM cards na ang rehistrado kaya 81 milyon SIMs na lang ang hinihintay. Sa kabila ng lahat ng ito, mas mainam pa rin na huwag matakot at simulan nang magparehistro ng mga SIM card upang mas masiguro ang kaligtasan ng ating sarili pati na ng mga maliliit na card na isinasalpak natin sa gilid ng ating mga telepono.

paglinang

K-to-12: Rebisyon para sa Pagbabago

Lubos nga ba nating nauunawaan ang kasalukuyang sistema ng edukasyon? Sa kasalukuyan nating nararanasan, napapansin natin ang mga pagkukulang at dagok sa kurikulum ng edukasyon. Marami sa atin ang nararamdaman ang kahinaan ng kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Kaya nitong taon lamang, nais rebisahin ng Department of Education (DepEd) ang K to 12 Program sa ilalim ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio.

Matatandaan na noong Hunyo 2012, sinimulan ng DepEd na ipakilala ang K to 12 o Kindergarten + 12 na taon ng Basic Education. Maraming mga mag-aaral, magulang, at guro ang nagulat sa pagbabago lalo na’t hindi lamang nadagdagan ng dalawang taon ang sampung taong sistema ng edukasyon, kung hindi pati ang sistema na rin ng pagtuturo ang nabago. Mainam na baguhin na rin natin ito dahil maski mga estudyante ay kundi nahihirapan ay ayaw ang kasalukuyang kurikulum. Pagkatapos ng anunsiyong ito ay ang sunod-sunod na pananaw mula sa mga mag-aaral at magulang tungkol sa nasabing pagbabago ng sistema. Kasalukuyan naman sigurong sinisilip ng ahensya ang kurikulum sa senior high school na nakatakdang marebisa sa 2023. Maaaring tumagal pa ng tatlong taon bago ang implementasyon nito. Dapat ay maisulong ang rebisang kurikulum sa loob ng isa o dalawang academic school year. Layunin ng pagbabago sa nilalaman ng K-to-12 kurikulum ang pagbabawas ng learning areas sa K to 3, maging sa mga estudyante mula sa baitang 5 hanggang baitang 7 na pagtuunan ng pansin ang hanay ng literacy at numeracy. Maging palakasin ang moral na pag-aaral ng bawat estudyante upang maging isang peace builders sa lipunan. Tamang desisyon na idagdag ito dahil lahat ng nasabing hanay ay hindi itinuturo sa loob ng silid-aralan. Panahon na upang rebyuhin at rebisahin ang nakasanayang kurikulum. Ang karapatan sa edukasyon ay hindi lamang tungkol sa mga taong ginugugol ng mga mag-aaral sa pagbabasa at pagsusulat, ngunit tungkol sa pagpapaunlad ng mga kasanayang kailangan nilang matutuhan sa labas ng silid-aralan. Tiyak na marami talagang mahahalagang bagay ang hindi pa kabilang sa kasalukuyang kurikulum, kaya mas mainam na rebyuhin ito upang matukoy ang mga kakulangan at dapat pang idagdag sa sistema ng edukasyon. Sa isang malaking hakbang na ito ng gobyerno tungkol sa pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa bansa ay patunay na nalalapit na ang pagbabago sa bawat Pilipino.

Pulso ng Scientians

Ano ang iyong opinyon patungkol sa planong pagrerebisa ng kurikulum mula K to 12 patungong ‘K+10+2’?

Ang pagrerebisa ng kurikulum na K to 12 ay mahalaga upang magkaroon ng mga asignaturang nakatuon sa mga kontemporaryong hamon at isyu sa lipunan Ito ay makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng malawak na kaalaman at maunawaan ang totoong mundo Kailangan ding suriin kung paano ito maipapatupad nang maayos para sa mga layunin nito

Nicole Ritzhie Buena, 10-Archimedes

Sa aking opinyon, marami nang mga programa, kampanya, at mga seminars na tumatalakay sa mga paksang hindi natututuhan sa loob ng ating paaralan Kaya bakit kailangan pa ang pagrerebisa? Hindi ako pumapayag na rebisahin ang K-to-12 kurikulum Kuntento na ako sa kung anong mayroon tayo ngayon

Chloe Danielle Tria, 8-Carson

Payag naman po ako sa pagdaragdag ng mga aralin tulad ng social awareness, culture peace, at iba pa sa kasalukuyang kurikulum Dahil, sa aking paniniwala, makatutulong ito upang madagdagan ang ating mga kaalaman na maaari namang makatulong sa pag-unlad ng ating mga sarili pati na ng ating lipunan

Trisha Capistrano, 11 - STEM A

Para po sa akin, nakadepende po ito kung mas maganda naman at mas makabubuti para sa mga estudyante ‘yong magiging implementasyon Pero, una po dapat sa lahat, bago po gawan ng rebisyon ‘yong K-to-12, dapat po ay tanungin muna nila ‘yong mga estudyante kung gusto po ba nila o hindi na ituloy ‘yong gagawing rebisyon

Alexa Lucille Sulit, -Euler
Dibuho ni MA. ALEXANDRA DIONEDA
Dibuho ni JAYCEE VALENZUELA

Hindi sapat na estudyante lamang ang mayroon sa paaralan. Ang isang komunidad ay nangangailangan din ng pinuno na mangunguna sa mga pagbabago at proyektong makatutulong sa pag-unlad ng lahat. Hindi magiging hadlang ang katagang “Bata ka pa.” lalo na kung ang nais mo para sa iyong kapwa ay kabutihan.

Ika-17 ng Setyembre taong 2022 nang i-anunsyo ang pagiging SSG President ni Julian Isaiah Roa, isang mag-aaral mula sa ika-labindalawang baitang. Isa sa mga nag-udyok kay Julian na tumakbo bilang SSG President ang kagustuhan ng kaniyang puso na pagsilbihan ang mga kapwa niya mag-aaral. Ang dating libreng oras ay naipagdadamot nang hindi sinasadya. Isinasakripisyo ang pahinga maisaaayos lamang ang mga proyekto. Ang mga bagay na ito ay hindi naging dahilan upang sumuko si Julian dahil para sa kaniya, wala ng

Para kanino ka bumabangon? Ito ang isang kataga mula sa sikat na komersyal ng kape. Habang paulit-ulit na naririnig at napapanood ay talagang mapapaisip tayo. Bilang estudyante, para kanino ba tayo bumabangon?

Hindi madaling maging estudyante, alam na ‘yan ng maraming mag-aaral. Hindi ka lamang dapat maging magaling sa akademika. Kinakailangan mo ring maging malikhain.

Sa kasalukuyang dapat may kasiguraduhan, ika’y mapapalaban

mas mahalaga pa kung hindi ang kapakanan ng eskwelahan at ng mga mag-aaral dito. Sa tuwing nakikita niya ang mga ngiti sa labi ng mga estudyante ay parang siyang nakatingin sa isang salamin. Animo repleksyon ng kaniyang puso ang nakikita. Ito ang kaniyang nagiging motibasyon upang patuloy na maglingkod habang nakaluklok sa puwesto. Nitong Oktubre 2022 lamang, isa sa mga proyekto na naranasan ng mga estudyante sa ilalim ng kasalukuyang SSG O cers ay ang selebrasyon para sa buwan ng mga guro kung saan nagkaroon ng iba’tibang aktibidad na kaaaliwan at magugustuhan hindi lamang ng mga estudyante bagkus pati ng mga guro. Nagkaroon ng mga nakaaaliw na booths kung saan maaari silang maglaro at bumili ng mga palamuti. Dagdag pa rito, mga ST o student teachers muna ang nagturo sa mga estudyante ng

bawat guro sa paaralan upang sila may makapagpahinga mula sa mga gawain at pagtuturo. Boluntaryo nila itong ginawa bilang simbolo ng pasasalamat sa kanilang mga sakripisyo Bukod pa rito, ang mga proyektong Tree Planting Project, DENR Contest, at Pamaskong Handog ay naging matagumpay rin dahil sa dedikasyon ni Julian, kasama ng mga kapwa niya SSG O cers at ng kanilang SSG Adviser na si Ginang Guevara. “Hindi magiging maayos at matagumpay ang mga proyektong ito kung wala ang kanilang tulong.” Ani ni Julian. Kaalaman sa maayos na komunikasyon, kaalaman sa pamumuno sa isang organisasyon, at kagustuhang magserbisyo sa kapwa. Iyan ang mga katangian ng isang lider para kay Julian na talaga namang kaniyang naipakita sa pamumuno sa buong paaralan ng Taguig Science High School.

Paglilingkod ay serbisyo

Tangan ang sulo

Mabubuo ang karanasan mo sa paaralan kung nasubukan mo nang umawit, sumayaw, gumuhit, at maging aktor sa dula-dulaan. Talagang dito ay kalilimutan mo ang salitang hiya upang makapasa.

“Kung hindi mo kayang talunin ang takot, gawin mo ito nang may takot.” Ayan ang kataga sa buhay ni Lara Colinares, isang mag-aaral sa ika-labindalawang baitang sa Taguig Science High School, sa tuwing nararanasan niya ang mga pangyayari na taliwas sa kaniyang inaasahan sa paaralan.

Simula sa bahay at magtatapos sa paaralan

Sa pagmulat ng mata, ang sinag ng haring araw ay humahalik na sa balat. Ang katawan ay gising kasabay ng diwa. Parisukat na gadyet sa lamesa ay bubuksan, panibagong araw na naman sa eskwela.

Ganito ang buhay ng estudyanteng si Zian Contreras sa loob ng dalawang taon. Isa sa naging epekto ng pandemya ay ang pagkatigil ng mga klase. Ngunit ito ay hindi naging hadlang para sa mga guro at estudyante upang itigil din ang pagpapalawak ng kaalaman. Online Classes, Iyan ang alternatibong paraan na kailangan iproseso ng bawat estudyante. Nasa ika-pitong baitang si Zian ng magsimula ang

Ilang buwan na lamang ang natitira at malapit na ang oras na siya ay mamaalam sa kaniyang pinakamamahal na alma mater na nagturo at gumabay sa kaniya sa loob ng anim na taon, ang paaralan na nagsilbi upang antisipahin niya kung ano nga ba ang mangyayari kinabukasan. Kaya’t hindi niya mapigilan na balikan ang kaniyang mga naging karanasan sa loob ng paaralan sa nag

ang intramurals na kaniyang naranasan dahil ito lamang ang oras na nakatakas siya sa gawaing paaralan. Ang pagbangon niya sa kaniyang higaan sa loob ng tatlong araw ay naging magaan at kapana-panabik dahil alam niyang pagdating sa paaralan, ang sasalubong sa kaniya ay iba’t ibang booths na mayroong mga palaro, mga tindahan na maaaring pagbilhan ng mga nakaaaliw na bagay, pagkakaroon ng pagkakataon na umamin at makasama ang taong iyong hinahangaan. Ngunit pagkatapos ng kasiyahan ay kinakailangan ng bumalik sa reyalidad. Dadating ang pangyayari sa paaralan na kung saan sabay-sabay ang pasahan ng mga proyekto at mga gawain, nasasamahan pa ng sunod-sunod na pagsusulit. Minsan sa dami ng gawain, kinakailangan nang hatiin ang katawan. Nagpapatong-patong ang pagod, tensiyon, at kabang nararamdaman. Napapaisip kung ano nga ba ang saysay ng lahat ng paghihirap na nadarama.

Mga hindi malilimutang sandali sa eskuwelahan.

paar an ng kinab ka mga nagi ng karan daang mga taon. mal eskuwe pangala daan alaala. k ay L ang estudyante kaniy paara pags

Iyan ang pangalan ng sobre sa kaniyang daan-daang alaala. Ayon kay Lara, bilang estudyante, importante sa kaniya ang mga kaganapan na ginagawa sa isang paaralan, katulad ng pagsasagawa ng ‘Intramurals’. Hinding-hindi makalilimutan ni Lara

online classes. Kakaiba man sa nakasanayang paraan ng pag-aaral, sinikap niya na sumabay sa ikot ng mundo. Noong una, katulad din ng ibang estudyante, hindi madali ang mga unang araw ng klase para kay Zian. Akala mo ay naghahanap siya ng itim na blusa sa dilim sa pangangapa ng kaniyang dapat gawin.

Isa sa mga solusyon na naisip ni Zian upang magawa niya ang mga gawain na kinakailangan ay ang pagsusulat ng listahan. Dito ay mas nakikita niya kung ano nga ba ang mga gawain ang dapat na niyang gawin o/at malapit na ang pasahan. Ito ay nakatutulong sa kaniya upang hindi niya makaligtaan ang mga responsibilidad na mayroon siya.

Sa paggising ay nagtatago pa si Haring Araw. Ang katawan ay nakatayo ngunit ang diwa ay natutulog. Isang oras para sa paghahanda. Magpapaalam kay Inay na aalis na. Dalawang taon makalipas ay nasa ika-siyam na baitang na si Zian. Balik eskwela na naman ngunit may isang pagsubok, kung noon ay screen ng kaniyang laptop

“Isinasakripisyo ko ang aking kasalukuyan para sa aking kinabukasan na wala namang kasiguraduhan.” malalim na pananalita ni Lara na tuwirang naglalarawan hindi lamang sa kaniyang kalagayan, kundi sa kalagayan ng maraming mag-aaral. Hindi maiwasan na kuwestyunin kung magbubunga ba ang itinanim. Sa tuwing pinag-uusapan nila ng kaniyang mga kapwa mag-aaral ang hinaharap, napupuno sila ng takot

ang kaharap, ngayon ay pisara at ang pigura na ng kaniyang bagong guro. Ang nakasanayan na daloy ng araw ay huminto at nagbago ng direksyon. Mas maraming aktibidad, gawain, at pagsusulit ngunit kaunting tulog. Isang malaking pagbaliktad ng mundo ang naranasan ni Zian.

Upang hindi malunod sa dami ng gawain, patuloy niya pa ring ginagawa ang nakasanayan niyang gawin sa online classes, ang paglilista, subalit kung minsanan ay hindi niya ito nagagawa

sa kanilang TAHA

at pagdududa ngunit sa kabila nito, gumigising pa rin sila sa araw-araw. Sila ay bumabangon upang malaman kung saan nga sila dadalhin ng kanilang takot.

“Bumabangon ako para sa aking sarili.” Ito ang kaniyang pahayag na aking lubos na hinahangaan. Kakaunti lamang ang mga nabubuhay para sa kanilang sarili sapagkat marami sa atin ang umiiral para sa kapakanan ng iba. Isa pa lamang ang kaniyang kwento sa libo-libong mayroon ang mga scientian. Katulad ni Lara, sila ay bumabangon din sa kanilang mga higaan upang salubungin at alamin ang kanilang hinaharap, upang makita kung maaabot ba nila ang kanilang mga pangarap.

Iba’t ibang karanasan man ang mayroon, ngunit may isang tiyak na rason. Sino nga ba ang hindi magnanais malaman ang kaniyang kinabukasan? Nakagugulat isipin na ang paghihirap na nararanasan natin sa eskuwelahan ang huhubog sa ating pagkadalubhasa pagdating ng araw. Minsan ang kailangan lang talaga natin ay karagdagang lakas at tibay ng loob upang malagpasan ang araw at makagawa ng isa pang hakbang patungo sa pangarap. Para sa sarili, para sa pangarap, para sa kinabukasan, iyan ang dahilan kung bakit ang mga scientian, katulad ni Lara, ay patuloy na lumalaban sa buhay. Ikaw, para kanino ka bumabangon?

determinasyon na mayroon sila upang makapag-aral sa gitna ng pandemya. Hindi nila hinayaan na hilahin sila pababa ng pagbabago at natutuhan nila na ang mga bagay na kailangan nila upang makamit ang kanilang pangarap ay disiplina at pagsisikap.

Mga barya-baryang galing s a sobrang salapi ang kanilang in i maliit na halaga lamang. Tangi ng maalat na mani, at malinam Ngunit maniwala ka sa hindi, k ng isang tao. Kaunti man sa iny mamaliitin sapagkat ang pinag nila ay isa sa mga naging daan estudyante at ng kaniyang pa m Naglalakihang usok ng apoy mga matang nais sumilip. Bilis maipaliwanag na kaba, at pag- a kapakanan ng sarili at ng pami parang pagtakas mula sa isang umaalingangaw. Nasaksihan n g kung paano tupukin ang bahay buong buhay. Ang trahedyang i karanasan para kay Charis, isa n baitang.

Likas na matulungin, isa ito magandang katangian ng mga s ang sinapit ng kanilang kapwa estudyante ay hindi naging isa n sila sa kanilang kapwa mag-aa r kaagapay, sila ay buong puson g mayroon sila at isa na riyan ay Ang halagang naipon mula s nakalikom ng isang halagang m Naging sandigan sa pagbangon tadhana, pinili nilang bumango mga pagsubok na sa kanila’y m na barya ang siyang nagsilbing makapagsimulang muli sa pagl buhay. Kagamitan sa pag-aaral at s a tuwing siya ay titingin sa harap mga bagay na nabili ni Charis g natanggap mula sa mga kapwa Hindi pa dito nagtatapos an g dahil bukod dito, ang mga kas u ng apoy ay napalitan sa tulong ang kaniyang uniporme ay nap nakapagbigay sa kanya ng inspi rin ay nakatanggap ng electric mapawi ang init na kaniyang n tirahan. Hindi rin siya pinabaya dahil maliban sa mga kagamit a pagkain na maaari nilang pags a Sa kabila ng lahat ng danos n Charis sa patuloy na pagkamit Nakapagpatuloy siya sa buhay pokus sa pag-aaral. Kahit na m a siya ay naka-ahon sa tulong ng Buong pagpapasalamat niya School, kapwa niya scientian, m gurong tagapayo na si Binibini n daan na maipagpatuloy

ni TRIZSHA CARIAS
ni ALMIRA ORELLANA
ni TRIZSHA CARIAS
MARICR

TIANS

g ikalawang

ANAN

TagSci Musica: araw ng saya

angkin nilang talento. Mga kaganapang ito ay matutunghayan sa isang konsiyerto.

tiliang kay titinis at masigabong palakpakan ang sumalubong sa banda. Lalo pang nabuhayan ang lahat nang nag-umpisa na silang tumugtog. Samu’t-saring positibong emosyon ang kanilang dinala, tinig nila ay tila pahinga.

o, dugtong garap ko

IS TULAGAN

Malalakas na tunog, palamuti’y nakasisilaw, mga tao’y nagkukumpulan, lumulundag at nagsisigawan. Pag-indayog ng bawat isa ay sumasabay sa ritmo ng kantang itinutugtog ng banda. Sabay-sabay kumakanta, mistulang ang lahat ay nagsasaya. Nakamamanghang mga talento ng mga musikero, tunay na nakahahanga ang

Nitong nakaraang ika-28 ng Abril, 2023, naganap ang “Summer Blast” sa Taguig Science High School. Ito’y hinandog ng mga opisyal ng GPTA at SSG. Hatid nila ang palabunutan na sumubok sa swerteng taglay ng mga Scientian. At ang pinakainabangan ng lahat, nagdaos din sila ng isang libreng “concert” na pinagtampukan ng mga bandang binuo ng mga mag-aaral ng paaralan. Isang hampas sa tambol, dalawang strum ng gitara, tatlong bilang mula sa bokalista, dito ang kasiyahan ay nag-umpisa. Mga estudyanteng hindi mo aakalain na may angking talento ang nakita sa entablado. Boses nilang bumihag ng damdamin, mga awit na tumagos sa puso namin. Bawat liriko ng kanta, mga tao’y sumabay kahit sa pahinga. Mga musikerong Scientian na nagtatanghal ay tunay na mga idolo. Bukod sa kagalingang akademiko, sila rin ay tunay na talentado!

Gumulat sa lahat ang presensya ng bandang “Paham”. Ibang klaseng galak ang kanilang nadama,

Mga kanta nila’y makaka-relate ka, na tila ang liriko ay tugma sa iyong mga karanasan. Sa bawat salitang tagos sa mga puso ng madla, mga alaala’y kanilang naaalala. Ibang klaseng kilig ang hinandog ng banda, talaga’y ngiti nila abot tenga. Sa kumpol ng mga taong nagsasaya, isa rito si Kaia Hernandez. Sa dami ng tugtuging handog ng nakagigiliw na mga musikero, purong kasiyahan lamang ang kaniyang nadama noong araw na iyon. Mga kaganapan tulad nito ang tunay na nagpalitaw sa diwa ng “TagSci-ya”. Nakikita niya ito bilang isang araw ng pahinga ng mga estudyante. At dahil dito, lubos siyang nakapaglibang nang walang kahit anong iniisip. Maaaring ito’y nagkaroon ng impluwensya sa mga estudyante, lalo na sa mga taong may hilig at malawak na interes sa musika. Posibleng nakabuo sila ng bagong

pag-unawa o pagtanggap sa mga bagay-bagay dahil sa karanasan sa konsiyerto. Nakalikha ng mga memoryang tumatak sa kanila ng todo. Hindi madali ang maging isang estudyante, maraming mga takdang aralin at gawain. Sa kabila nito, magandang bagay na maglaan din ng oras upang magpakasaya. Huwag masyadong lunurin ang sarili sa pag-aaral, dumalo sa mga programang tulad nito. Nakatutulong na palayain ang sarili sa mga responsibilidad at tungkuling naghahatid ng pagod. Pagkakataon din ito upang palawakin ang pakikipagkilala at pagbuo ng komunikasyon sa kanila, tulad ng mga taong may parehas na interes sa musika.

Sa huli, ang pagdalo sa konsiyertong iyon ay isang hindi malilimutang karanasan para sa mga Scientian. Nag-iwan ito ng markang nakapagpapaligaya sa bawat pag-alala. Kaya naman huwag palalamapasin ang mga pagkakataong ito. Walang pagsisisi ang iyong madarama dahil TagSci Musica ay araw ng saya!

Sa bawat pagkabit ng kable, paikot na pagbaon ng turnilyo, at pagtatype ng iba’t ibang numero, letra, at simbolo sa laptop, isang panibagong imbensyon ang naitatanghal sa madla. Ang kaganapang ito ay hindi na bago para kay Jaisa Julene L. Mataac, Captain at President ng Sciborgs Robotics Club. Noong una, hindi talaga nakapako ang interes nito sa pagbuo ng isang robot. “Research talaga ang gusto kong gawin.” Ani ni Jaisa. Ngunit bilang isang bagong pasok sa Taguig Science High School, ang daang ito ay hindi pa para sakaniya dahilan upang subukan niya ang pagsali sa Sciborgs na kalaunan ay kaniyang nagustuhan.

Kaakibat ng desisyong ito ay ang pagkahati sa dalawa ng atensyon. Bukod kasi sa pagiging presidente ng Sciborgs, si Jaisa ay isa ring estudyante mula sa Seksyon STEM - A ng Baitang labing-isa. Sa bawat paligsahan na sinasalihan ay siyang pagbibigay ni Jaisa ng puting papel na naglalaman ng liham tungkol sa kaniyang pagliban sa klase.

Isang robot na hinahabol

ang kaniyang kalaban sa SumoBot kung maituturing ang buhay ni Jaisa sa oras na matapos ang paligsahan na kanilang sinalihan. Hindi maaaring sumobra ang dedikasyon sa pagbuo ng robot at makulangan sa determinasyon sa pag-aaral. Katulad ng toyo at suka sa adobo, dapat ito ay balanse. Kaya naman sinisigurado pa rin ni Jaisa na kahit makita na niya ang pagpalit ng buwan sa araw dahil sa buong araw na pagttraining, lumalapit pa rin siya sa kanilang mga guro upang matugunan niya ang mga aralin at gawain na naiwan. Hindi kailanman naging madali ang pagbabalanse ng pag-aaral para kay Jaisa ngunit ginagawan niya ito ng paraan dahil para sa kaniya, bilang isang estudyante, dapat nating unahin ang pag-aaral. Kung minsan ay iniisip na niyang umalis sa Sciborgs ngunit mas nangingibabaw ang kagustuhan niyang manatili at ang dedikasyon upang pamunuan ang Sciborgs Robotics Club. Kamakailan lamang ay nanalo si Jaisa ng gintong medalya sa FIRA RoboWorld Cup Preliminaries sa ilalim

ng kategoryang Innovation and Business na ginanap noong Ika-labing lima ng Abril.

a natirang baon, sukli, o hatid. Kung iisipin, ito ay n g matamis na kendi, pakete na biskwit ang kayang bilhin. aya nitong baguhin ang buhay ong paningin ngunit huwag s ama-samang mga donasyon upang ang kapalaran ng isang ilya ay maging maganda. ang tumakip sa kaniyang ng tibok ng puso, hindi alalang nadarama sa ya. Paglabas ng bahay ay halimaw na panganib ay g kaniyang dalawang mata na naging silungan niya to ay kalungkot-lungkot na n g scientian mula sa ika-pitong sa mga ipinamamalas na scientian nang ibalita sa kanila m ag-aaral. Ang pagiging n g hadlang para makatulong al na nasa kagipitan. Bilang naghandog ng kung anong a ng gabay na pinansyal. a mabubuting kalooban, m alaki ang naitulong sa kanila. muli upang kaharapin ang n kaysa magpakabaon sa a gpapalugmok. Ang maliliit gulong ni Charis upang a lakbay tungo sa panibagong lamin na makatutulong sa p ng pisara, ilan lamang ‘yan sa amit ang tulong na kaniyang niya scientian. g biyayang kaniyang natanggap otan na nahagip ng ningas n g mga kamag-aral. Pati alitan ng bago na mas rasyon sa pagpasok. Siya fan na nakatutulong upang a raramdaman sa bagong a an ng mga kapwa scientian n, sila ay nag handog din ng a luhang pamilya. n a iyon, hindi nagpapigil si n g kalidad na edukasyon. h abang nagawa ring makapagayroong sakunang nangyari, paaralan niyang tinatangi. sa Taguig Science High m ga kaibigan, at sa kaniyang n g Capistrano na nagbigay n iyang kinabukasan. Payo t anong mangyari, stay ng sa tingin mo sayo’y sa m agkaroon ng positibong m atanaw. Ang karanasang ito yanihan ay mahalaga. Walang ng kaagapay dahil maaaring angarap ko.

Sa isip, sa katha, at sa disenyong gawa

Kuris-kuris na pagdisenyo, sa madla’y nagpapaengganyo

ya a n g g ntian n n g l si n a kapa gg yari, ng i. h yang gay yo sa n g ng Walan g a ring

Ang isang malinis na papel ay lapatan mo ng iba’t ibang hugis. Bilog, parisukat, tatsulok, o hindi naman kaya bulaklak. Depende sa gusto mo. Samahan mo na rin ng linya. Tuwid, zigzag, o patagilid. Kailangan babagay dapat sa nakalagay na. Bigyan natin ng buhay sa pamamagitan ng kulay. Pula, bughaw, luntian, o dilaw. Ikaw ang bahala basta ang mahalaga ay kaaya-aya sa mata ng madla. Oops! Huwag kalilimutan ang sulat, baka sila ay magtaka kung para saan ang iyong ginagawa.

Para kay Jaisa, ang bawat oportunidad na ibinibigay sa atin ay dapat nating itrato bilang isang babasaging robot na hindi mo maaaring bitawan. Subalit huwag mong lunurin ang iyong isipan sa pagpapahal aga ng iyong hinahawakan. Sapat nang alam mo ang iyong responsibilidad at kakayahan. Huwag ipagkait ang pagpapahinga dahil katulad ng isang robot, tayo ay nawawalan din ng baterya. Ang buhay ng isang estudyanteng kontesera ay hindi madali. Ang simbolo ng iyong desisyon ay maituturing na libra scale, dapat pantay, walang labis at walang kulang.

Libra scale sa pagitan ng robot at kuwaderno

r in g papahalh awa k an. mo a ng d ad i ay bra y,

Taga-anyo o ‘Layout Artist’. Iyan ang tawag sa mga taong gumagawa ng disenyo para sa isang bagay gamit ang makabagong teknolohiya. Mapa-tasa, damit, karatula, o karton pa ‘yan, kayang-kaya nilang gawan ng disenyo ‘yan. Sabihin mo lang ang gusto mong tema at kulay at sila na ang bahala na gawing posible ang imahinasyon mo.

Kung pagiging malikhain lang naman ang pag-uusapan, hindi ‘yan problema kay Marcus Tario, estudyante mula sa ika-11 baitang. Gamit ang kaniyang laptop at kamay, nakagagawa siya ng mga disenyo para sa mga iba’t ibang bagay. Nasa ika-siyam na baitang si Marcus nang magsimula ang interes niya sa pagle-layout. Napako ng interes niya ang aralin nila sa asignaturang ICT na tungkol sa Web Design. Para bang umayon ang langit sa kaniya dahil nasaktuhan na wala siyang masyadong ginawa kaya naman sinubukan niyang tumingin ng mga layouts. Pagkatapos makahanap ng disenyong gagawin, inililipat niya ito sa Multimedia Softwares gaya ng Adobe Photoshop. Nagpatuloy ang ganitong libangan ni Marcus hanggang sa siya ay nadiskubre ng kaniyang mga guro, dahilan para magsimula ang landas niya sa paggawa ng layout para sa paaralan. Lingid sa kaalaman ng iba na si Marcus ang nasa likod ng mga disensyo ng journal, invitation, ilang tarpaulin, at merchandise ng paaralan. Siya rin ang gumawa ng disenyo para sa online moving-up ng kaniyang mga kamag-aral noong sila ay nasa ika-10 na baitang. Kasabay nito ay miyembro rin siya ng year-

book committee ng paaralan. Masaya ngunit nakapapagod. Ilang oras na nakaupo at nakatutok sa harap ng kaniyang laptop. Buong araw na gumagana ng utak. Hindi gumagalaw ang katawan ngunit walang enerhiya. Sabayan mo pa nang kung minsan ay tinotopak na laptop. Napapabuntong-hininga na lang si Marcus sa tuwing nararanasan niya ang mga ito. Pero kahit na gano’n, sinisikap niya pa ring matapos ang kaniyang dinidisenyo. Para sakaniya, iba ang sayang nararamdaman niya sa tuwing nakikita niya ang kinalabasan ng kaniyang paghihirap. Ang mga damit na suot ng mga estudyante. Ang mga tarpaulin na nakapaskil. Hindi man nakalagay ang kaniyang pangalan, sapat na nagustuhan nito ng mga kapwa niya magaaral at ng kaniyang mga guro. Naging malaking tulong din kay Marcus ang gawaing ito dahil nahahasa ang kaniyang kakayahan sa paggamit ng mga software at mas nailalabas pa niya ang kaniyang pagkamalikhain at napapalawak niya ang kaniyang imahinasyon. Sa likod ng bawat sining ay isang tao na naglaan ng oras upang pag-isipan ang bawat detalye nito. Ito ay ituturing na obra maestra na kabigha-bighani sa mata ng lahat.

Estudyante na, Kontesera pa!
ni TRIZSHA CARIAS
ni TRIZSHA CARIAS

Tatlong

Pagbabalik-tanaw sa delubyong sa mundo y lumusaw

taon mahigit ang lumipas mula nang simulang yakapin ng nakamamatay na mga braso ng COVID-19 ang bawat dako ng mundo. Nagdulot ito ng milyon-milyong kaso ng mga kasuwalida d, pagkasira hindi lamang ng kalusugang pampisikal maging ang pangkaisipan. Ang sindak ay nanibasib sa damdamin ng bawat tao sa daigdig, walang nakatitiyak kung may bukas pa bang nagaabang o ang kamatayan ay nandiyan lamang at handa silang tambangan.

Ngunit, nito lamang ika-5 ng Mayo, idineklara ng World Health Organization (WHO) na ang COVID-19 pandemic ay hindi na “Global Emergency”.

“It’s with great hope that I declare COVID-19 over as a global health emergency,” isinaad ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus sa isang konperensya noong Biyernes.

“That does not mean COVID-19 is over as a global health threat,” kaniyang sinabi. Dagdag pa niya, hindi siya mag-aatubili na itipon muli ang mga eksperto para siyasatin nang mabuti ang sitwasyon, kung sakaling ang COVID-19 ay magdulot muli ng ibayong panganib.

Matatandaang ang COVID-19 ay isang nakahahawang sakit na dulot ng SARS-CoV-2 virus. Unang natuklasan ang virus na ito sa Wuhan, China noong Disyembre 2019. Kabilang ito sa pamilya ng mga coronavirus na nangangailangan ng tao bilang host upang makapagsimula ng pagdami. Ang COVID-19 ay kumakalat sa pamamagitan ng droplets ng laway na nalalabas kapag nagbubuga ng hangin ang isang taong may sakit, mula sa kanyang bibig o ilong, lalo na kapag nagsasalita, umuubo, o humahatsing.

Gayunpaman, nanatiling matatag ang mga Pilipino at hindi nagpatinag sa mga pagsubok na idinulot ng COVID-19. Paunti-unti, patuloy silang sinusulong ang mga suiraning dumadaluhong upang makakalas sa kadena ng pandemya.

Ang ugat ng trahedya

Ang unang opisyal na kaso ng COVID-19 ay naitala noong ika-31 ng Disyembre, 2019, matapos makatanggap ang WHO ng mga insidente ng Pneumonia sa Wuhan, China, nang walang napag-alamang sanhi. Noong Enero 7, 2020, ang mga awtoridad mula Tsina ay natuklasan na ang Novel Coronavirus ang sanhi ng karamdaman na ito.

Pagkasaid sa bilang ng mga doktor at nars, 23 taon bago maitawid - DOH

ni GWYNETH PERSEVERANDA

“Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?”

Sa lagpas tatlong taong pananalasa ng virus, tinatayang ng pandemya ang ekonomiya, sapagkat halos lahat ng mga establisyemento ay kailangang ipasara at matitira lamang ang nagbibigay ng “essential” na mga produkto at serbisyo. Bukod pa rito, ang agrikultura ay naapektuhan din sa pamamagitan ng pagkasira ng supply chain bunga ng mga patakaran sa lockdown at pagpopositibo ng mga trabahador sa COVID-19, pagtaas ng presyo ng pagkain, at kakulangan ng pondo.

Pagkontrol sa malawakang pagkalat

kaso ng virus sa bansa. Ayon kay dating Health Secretary Francisco Duque III, ang pasyente ay isang 44-anyos na lalaking Tsino, na idinala sa San Lazaro Hospital sapagkat mayroong Pneumonia, matapos makaranas ng lagnat, ubo, at pamamaga ng lalamunan. “Let’s start with narratives by saying that everything is well in the country, that there’s nothing really to be extra scared of the coronavirus thing.” ani Duterte sa isang pagpupulong, upang pawiin ang pangamba ng mga Pilipino.

Base sa tweets ng Foreign

pg,yg mayroong 4, 106, 974 kaso ng COVID-19 ang naita la sa bansa, 66 453 ang mga nasawi, at 4, 027, 815 na man ang na k arekober. Sa ka sa lu kuya y n, a ng mga a k t ibong ka so ay y pu mapa lo la ma a ng sa 12 , 706. Lubos s na na ap apek tu u ha n g E mergency Inte Concer n” k K agawaran n g Ka l unang k aso ng No r us Pilipi n k a suwa

Makaraan ang ilang linggo, Enero 30, 2020, ipinahayag ng WHO ang Novel Coronavirus outbreak bilang “Public Health Emergency of International Matapos nito, kinumpirma ng Kagawaran ng Kalusugan ang unang kaso ng Novel Coronavirus 2019 sa Pilipinas. Ang unang kasuwalidad ay mula sa Wuhan, ang episentro ng bagong virus, at tumungo sa Pilipinas via Hong Kong. Sa kaniyang pagdating sa bansa, hindi ito nagpakita ng ano mang sintomas ng virus.

Inisyal na aksyon ng pamahalaan

Budget ng pamahalaan, pagkuha ng bakuna

Noong Marso 8, nilagdaan ni Duterte ang Proclamation No. 922 na nagsasaad ng “state of a public health emergency”, nang umakyat sa 24 ang mga kaso. Sa patuloy na paglaganap ng virus, noong Marso 11, idineklara ng dating pangulo ang pagsuspinde ng klase sa lahat ng antas, upang mapigilan ang mabilisang pagkalat ng sakit. Matapos nito, ang buong Metro Manila ay inilagay sa “Community Quarantine”. Ilang araw matapos ihayag ni Duterte ang community quarantine, noong ika-16 ng Marso, inilagay ng pangulo ang kabuuan ng Luzon sa ilalim ng “Enhanced Community Quarantine”. Sa patuloy na paglugmok ng bansa dahil sa COVID-19, nilagdaan noong ika-25 ng Marso ni Duterte ang “Bayanihan to Heal as One Act”, na kung saan ay magbabahagi ang gobyerno ng pinansyal na tulong sa mga manggagawang pangkalusugan na nagkasakit dulot ng COVID-19. Ang batas na ito ay nagbigay rin ng awtoridad sa dating pangulo upang muling ihanay ang budget ng gobyerno sa pagtugon sa krisis.

bansa at kumpanya, kabilang ang AstraZeneca, P zer-BioNTech, Moderna, Johnson & Johnson, at Novavax. Nagpatuloy ang pagdating ng mga bakuna sa bansa sa mga sumunod na buwan. Pakpak ng kalayaan umaalpas, COVID-19, malapit nang magwakas?

Kaugnay nito, ipinag-utos ni dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte ang “temporary ban” sa mga Chinese nationals mula sa Hubei province, Wuhan City. Pagpatak ng ika-2 ng Pebrero, 2020, naitala ang unang

Ang Department of Budget and Management (DBM) ay nagpahayag na sila ay naglabas ng P355.1 bilyon para sa COVID-19 response. Kaugnay nito, nakiisa ang Pilipinas sa COVID-19 Vaccines Global Access Facility o COVAX. Pagdating ng Agosto 6, 2020, pumanaog na sa 119, 460 ang kabuuang kaso ng sa Pilipinas, na siyang nagdulot upang manguna

Nakatanggap ang Pilipinas ng unang batch ng bakuna laban sa COVID-19 noong Pebrero 28, 2021. Binubuo ito ng 600, 000 doses ng Sinovac CoronaVac, isang donasyon mula sa Tsina. Mula noon, nakatanggap din ang Pilipinas ng iba’t ibang mga COVID-19 vaccines mula sa mga bansa at kumpanya, kabilang ang AstraZeneca, P zer-BioNTech, Moderna, Johnson & Johnson, at Novavax. Nagpatuloy ang pagdating ng mga bakuna sa bansa sa mga sumunod na buwan.

Sa idinaos na pagdinig sa kongreso, inamin ni Department of Health (DOH) of cer-in-charge undersecretary Maria Rosario Vergeire na kapos sa mga nars at doktor ang bansa. Naganap ito matapos siyang usisain ni House Appropriations Panel senior vice chairperson Stella Quimbo tungkol sa maraming lisensyadong doktor at nurses na hindi nagtatrabaho sa tinapos na larangan. Tinatayang aabutin mula 12 hanggang 23 taon bago mabigyang solusyon ang kakulangan ng mga nurses at doktor Tinuturing ang pagiging doktor na isa mga pinakamahirap, mabusisi, at matagal na propesyong maaari mong tahakin. Kinakailangan mong dumaan sa matinik na proseso at magsagawa ng marubdob na pananaliksik ukol sa mga paksang iyong tatalakayin. Bago maging isang doktor, kinakailangan mong kumuha ng Bachelor’s Degree sa loob ng apat na taon, matapos nito ay maaari kang sumubok sa pagkuha ng pagsusulit na Medical College Admissions Test (MCAT). Kung ikaw ay pinalad na makapasa, ikaw ay kukuha ng Medical Degree sa loob ng apat na taon. Sunod, ikaw ay magtatrabaho at kukuha ng residensya sa ospital bilang espesiyalista sa napiling larang. Bukod pa rito, ikaw ay kukuha ng pagsusulit upang magkaroon ng lisensya at maging isang ganap na propesyonal na doktor. Kasunod nito, para sa mas magandang takbo ng iyong serbisyo, ang paghingi ng sertipikasyon ay mainam. Panghuli, upang mapagyabong ang iyong kaalaman at kadalubhasaan, maaari kang mag-aral muli. Ang ganitong mga proseso ay mayroong pagkakapareha sa pagiging nars, subalit may pagkakaiba lamang sa uri ng mga pagsusulit na pagdaraanan bago maging propesyonal na manggagawa.

Sa kabila ng lahat ng dugo at pawis na inilaan upang magpagaling ng bayan, maraming mga doktor at nars ang napilitang lakbayin ang daan na ang kanilang mga paa’y hindi naman dapat tapakan. Bunsod ito ng mababang pasahod sa mga manggagawa ng kalusugan at mga benepisyong isinaad lamang ngunit kanila nama’y hindi nakakamtan. Kung kaya ay nagbubunga ito ng pagtaliwas sa landas at mas pinipili nila na magtrabaho sa isang larangan na mas makapag-aangat ng kanilang buhay.

Naging plano ng pamahalaang Pilipino na magkaroon ng rehabilitasyon ang Manila Bay gamit ang dolomite sand. Ang programang pang rehabilitasyon ay idinisenyo upang mapabuti ang kalidad ng tubig at itsura ng baybayin ng Manila Bay. Ginawa ang proyektong ito sa paraang pagbuhos ng dolomite sand sa mababaw na parte ng Manila Bay. Ang dolomite ay kilala rin bilang Calcium Magnesium Carbonate, isang materyal na karaniwang ginagamit sa mga triyal. Ang dolomite sand na

Manila Bay ay nagsisilbing pangunahing sentro ng aktibidad ng ekonomiya ng Pilipinas mula sa shipping, industriyal, komersyal, pangingisda, aquaculture at mga aktibidad sa turismo. Ngunit sa kabila ng kagandahang bigay nito sa mamamayan ng bansa, patuloy pa rin ang pagsira ng mga tao rito. Ang Manila Bay ay kinapapalooban ng maraming problemang pangkapaligiran: kawalan ng magandang kalidad ng tubig, pagkaubos ng mga isda at iba pang hayop, labis na pananamantala sa mga bigay nitong likas na yaman, at ang pinakatanyag na problema rito ay ang polusyon. Ang 21% ng polusyon sa Manila Bay ay nanggagaling sa polusyon mula sa Pasig River, samantalang ang 70% naman ay mula sa ating mga tao. Ano kaya ang nakaplanong rehabilitasyon sa Manila Bay? May masama bang epekto ang rehabilitasyong ito sa ibang aspeto ng kapaligiran?

ginamit pang rehabilitasyon sa Manila Bay ay nagmula sa pagtibag ng mga bundok na gawa sa dolomite, sa lungsod ng Alcoy at Dalaguete sa Cebu. Ayon sa Cebu Province, hindi nila binigyang-permiso ang pagkuha ng dolomite, kung hindi ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) mines at Geoscience Bureau ang nagpatupad nito. Ngunit, ito ay labis na pinuna dahil hindi nito epektibong nasolusyunan ang mga isyung pangkapaligiran ng lugar, at kung tutuusin ay mas pinalala pa nito ang sitwasyon.

Ang dolomite ay ginamit para sa “sand-like” na itsura nito, nang matagurian na ngang dolomite beach ang Manila Bay at maging isang tourist attraction sa bansa. Ngunit, ang paggamit ng dolomite ay nagpataw ng maraming panganib sa kalusugan ng tao, hayop, maging sa kalagayan ng Manila Bay. Nagsasanhi ng kanser sa baga maging diarrhea ang dolomite kapag ito ay pumasok sa ilong at bibig. Para naman sa mga hayop, ani ng isang Marine Scientist na si Diovanie de Jesus, ang dolomite nakapipinsala sa mga hayop sa loob at labas ng

tubig sa Manila Bay. Nakasasama ang dolomite sa mismong Bay maging sa “ecosystem” ng mga karatig na anyong tubig gaya ng Mangroves. Nakasisira ang dolomite sand hindi lamang sa Manila Bay, pati na rin sa pinagkukunan nito. Masasalamin na hindi pinag-aralan nang mabuti ang magiging epekto ng dolomite sand sa iba’t ibang aspeto na maaaring maapektuhan ng rehabilitasyon, marahil mas nagpokus ito sa itsura o kagandahan ng Manila Bay at hindi sa mga isyung pangkapaligiran na lumalaganap dito.

Ayon sa estadistika ng DOH, mayroong 44, 602 na doktor at 178, 629 na nars ang nagtatrabaho sa bansa, malayo sa inilabas na bilang ng Professional Regulatory Commission (PRC) na may 95, 000 na doktor at 509, 000 na nurses.

Iginiit ni Vergeire na marami sa mga doktor at nars ay mas piniling magtrabaho sa iba’t ibang propesyon kagaya ng pagtuturo at pagiging call center agent. Aniya, kailangan umano ng bansa ng 178, 000 nurses at 114, 000 na doktor.

“We produce 4,387 physicians and 10,645 nurses per year, so it would take 12 years for the nurses, and 23 years for physicians [to meet such a target],” paliwanag ni Vergeire. Dinagdag pa ni Vergeire, kapag nagmula sa mga pampublikong institusyon, nararapat lamang na sila ay magbigay ng serbisyo matapos magtapos at makakuha ng lisensya. Ito ay sa kadahilanang sila ay pinondohan ng pamahalaan habang nag-aaral. Ani Vergeire, hindi naman daw ito kumpletong sakripisyo sapagkat sila naman ay mayroong suweldo at nagsisilbi habang may pagsasanay.

dribol trobol ni PAUL CRUZ

Suporta ng Pinoy, hagdan sa muling pag-angat ng Gilas

Hindisa lahat ng pagkakataon ay laging panalo, minsan kailangan nating matuto sa lahat ng mga pagkakamali na nagawa natin upang umangat muli. Napagtanto ng SBP ang kanilang mga pagkukulang dahilan upang ang Pilipinas ay bumagsak sa larangan ng basketbol. Sa lahat ng iyon, alam nating nadismaya rin ito sa naging resulta ng mga laban ng ating pambansang koponan na Gilas Pilipinas. Kailangan ng Gilas Pilipinas at Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang suporta ng mga Pilipino upang makabalik ulit sa tuktok sa World Games.

“We at the Samahang Basketbol ng Pilipinas share the disappointment of our Filipino basketball fans and take full responsibility with the results of our 31st Southeast Asian Games campaign. We apologize we fell short and were not able to give our teams better support they needed to retain the Gold. There are no excuses and we’ve learned valuable lessons. We will bounce back and reclaim our spot to stay ahead,” ito ang naging pahayag ng presidente ng SBP na si Al Panlilio matapos malaglag ang Gilas sa kampanyang 31st Southeast Asian Games.

Hindi masisisi ang SBP kung bakit hindi nakakukuha ang Gilas ng malalakas na manlalaro upang lumahok sa mga palaro sa buong mundo. Puno ng panghihinayang ang nararamdaman ng mga Pinoy na hindi nakakukuha ang SBP ng sapat na mga batang malalakas na manlalaro ng kolehiyo mula UAAP at NCAA. Maski sa ating pambansang liga na PBA, hindi man lang makapagpahiram ng mga mahuhusay na manlalaro, isa na rito ang 9x Champion at 6x MVP na si Junmar Fajardo dahil kasalukuyang naglalaro ito para sa Honda S47 Philippine Cup Finals.

Marami ring magagaling na manlalarong Pinoy ang nagdesisyon na lumipad lang ng ibang bansa upang doon maglaro sa malalaking liga gaya ng KBL at Japan B-League. Dahil dito, naaapektuhan ang kanilang kakayahan at responsibilidad na maglaro para sa Gilas Pilipinas. Ang kakayahang maglaro ng mga nasabing manlalaro ang dahilan upang hindi rin nakapag-eensayo ang Gilas nang mahabang oras. Isa ang maiksing oras ng pag-eensayo sa mga malaking kadahilanan sa pagkababa ng kalidad ng laro ng Gilas Pilipinas. Hindi naihahanda ang mga plays na susi upang maging maayos ang takbo ng laro para sa pambansang koponan. Idagdag pa ang walang sawang pag-uulit ng sistema ni Coach Chot Reyes ng Gilas Pilipinas. Isang roller coaster experience ang natamasa ng mga Pinoy kung saan ang dating pinaka paboritong tagapagsanay para sa mga Pinoy ay ngayo’y pinaka kinakainisan dahil sa paraan ng pagpapatakbo sa koponan nito. Hindi na nagiging epektibo ang sistema ni Chot Reyes ngunit patuloy pa ring ginagamit ang sistema nito mapa-depensa man o opensa. Lubog na ang dribble-drive o ense at hindi na napagiiwanan na ng sistema ng ibang bansa na European style na paglalaro ng basketbol. Walang nagawang pagsasaayos ang SBP tungkol sa isyung ito, wala ring ibang tagapagsanay ang may kakayahan na magsanay sa mga manlalaro kaya hindi rin napapalitan si Chot Reyes. Kung meron man ay isa lang ang ating naiisip, ito ay si Tab Baldwin, ngunit sa mga nakaraang laro ng Gilas Pilipinas ay kasalukuyang siya ang tagapagsanay ng Ateneo Blue Eagles. Si Tab Baldwin din ang mismong pinalitan ni Chot Reyes para muling bumalik sa pagiging tagapagsanay ng Gilas. Sa kabila ng lahat na pagbagsak ng ating pambansang koponan sa basketbol ay patuloy pa ring nating suportahan at asahan na maisasaayos ng SBP ang kanilang sistema at muling umangat ang Pilipinas sa buong mundo. Isa sa mga dahilan ng pagbagsak ng Gilas at SBP ay imbis na suporta ang matanggap nila ay puro pambabatikos mula sa mga kapwa Pilipino. Walang sinuman ang may gusto sa mga nangyari sa ating pambansang koponan kaya intindihin natin at alamin na mayroon ding ginawang pagsasaayos at paghahanda ang SBP, lalo na ngayong nalalapit na ang FIBA na gaganapin sa Pilipinas, Japan at Indonesia. Ipadama natin ang buong suporta natin para sa Gilas Pilipinas. Muling magniningning ang Pilipinas at ipapakita muli sa buong mundo na kaya ring makipagsabayan ng mga Pinoy sa larangan ng basketbol.

Ikinararangal at natutuwa po ako na pwede akong maka impluwensya sa mga estudyante na sila ay sumali sa ganoong isports”

Sa loob ng eskwela, animo’y sumasabay sa alon habang nagsusulat ang dalawang atleta dahil sa patuloy na pagtahak ng kanilang mga kamay sa bawat pakurbang letra. Maraming medalya na ang naiuwi ng dalawa mula sa iba’t-ibang kategorya sa nasabing palakasan, sa loob at labas ng bansa.

Matagumpay na naiuwi ni Mayzeus Arsenal ang dalawang gintong medalya sa kategoryang 200m breastroke at 4x100 freestyle relay sa naganap na Division Athletic Meet.

Humakot naman si Kyle Sibayan ng limang ginto at isang pilak na medalya sa mga kategoryang 100m backstroke, 200m backstroke, 50m backstroke, 50m freestyle, at 4x50 medley relay, sa parehong paligsahan.

Maging sa labas ng bansa ay hindi nagpa-awat sa galing si Sibayan matapos nitong makamit ang pilak na medalya sa Asia Open Schools Invitational Aquatic Champion -

ships, isang internasyonal na patimpalak na ginanap sa Thailand noong ika- 3 hanggang 7 ng Marso taong 2023. Para kina Mayzeus at Kyle malaking karangalan ang maipresenta ang Taguig Science sa swimming, lalo na’t isa itong isport na hindi tanyag na sinasalihan ng paaralan.

“Ikinararangal at natutuwa po ako na pwede akong maka-impluwensya sa mga estudyante na sila ay sumali sa ganoong isports,” pahayag ni Kyle Sibayan. Sa gitna ng maraming gawain, nagagawang pagsabayin ng mga naturang atleta ang kanilang pag-aaral at pagsisid.

“I manage my time. Ang start kasi ng training ko ay 6pm and that time one hour nag stu-study na ako on the way sa venue ng tra-trainan ko. Yung training ko nag e-end sa 8 tapos noon gumagawa ako ng homeworks at nagre-review rin ako,” ani ni Kyle Sibayan. Hindi rin maiiwasang may mga panahon na sinusubok sila ng tadhana ngunit kahit

ganoon ang sitwasyon, nagawa nilang magpursige para sa mga taong walang sawa na sumusuporta sa kanilang mga pangarap.

“My inspiration was my ate since she was the rst from my family to study swimming,” ani ni Mayzeus Arsenal.

Sa tulong ng determinasyon at pagsuporta ng kanilang gurong tagapagsanay na si Gng. Jen Arsenal, mas nahahasa nina Kyle at Mayzeus ang kanilang galing at bilis sa paglangoy.

“She’s very determined po to us [Gng. Jen Arsenal], hindi niya po kami pini-pwersa na gawin ‘yon, mag-enjoy lang daw po kami at ang goal lang po ay ma-beat yung best time po namin,” pahayag ni Kyle Sibayan. Tunay ngang kahanga-hanga ang kakayahan ng mga Taguigeño sa iba’t-ibang larangan. Ang kanilang mga tagumpay at karanasan ay nagsisilbing ehemplo para sa mga mamamayan, upang magpursige at abutin ang kanilang mga pangarap sa buhay.

TATAG SINAG

TagSci, nagpakilala sa NCR Meet

ni MAXENE MENDIOLA

Determinadong

humarap sa NCR Palarong Pambansa 2023 ang nag-iisang kinatawan sa larong Pencak Silat ng Taguig Science High School na napagtagumpayang makuha ang ikatlong pwesto na ginanap sa Navotas Elementary School noong ika-24 hanggang 25 ng Abril, 2023.

Kinagisnan ng mga Pilipino ang Pencak Silat na isang Indonesian martial arts na kabilang sa mga combat sports na kung saan may sipa, suntok, at take down, ngunit walang tama sa ulo na tinatawag na ‘Tunggal’. Si Lara Andrea A. Burabod ay nasa ika-sampung baitang pa lamang nang isinasama ng kaniyang ama sa pagsasanay ng Pencak. Noong pandemic niya nakahiligan ang isports na ito, impluwensya ng kanyang tatay at mga kapatid.

Sa kasamaang palad, tila hindi pa ito ang oras niya nang makamit ang ranggong ikalawa sa dulo. Imbis na manlumo at tuluyang sumuko, tinanggal niya ito sa kaniyang bukabularyo at ipinagpatuloy niya na lamang ang pag-eensayo. Nagbunga ang kaniyang dedikasyon, ang bigat na kaniyang pasan ay tila napawi nang manalo siya sa Rio Olympics taong 2016. Nasungkit ng atleta ang medalyang pilak, huling nakamit ng bansa dalawang dekada ang nakalipas. Kung dati ay ikalawa siya sa dulo, ngayon ay sunod na ang pangalan niya sa nangunguna. Siya ang kauna-unahang babaeng nakakamit nito, una sa larangan ng weightlifting at unang taga-Mindanao. Agad din itong sinundan ng ginto sa Asian Games 2018 at Sea Games 2019. Sunod-sunod na wagi ang natamo ni Hidilyn subalit may ninais pa siyang abutin. Hangad niyang makatungtong sa Olympics at bauinin ang gintong medalya pauwi sa bansang sinilangan. Mataas na hangarin na may kaakibat na mga suliranin. Biglang humagupit ang pandemya na siyang naging tunay na pagsubok para sa atleta. Kinailangan niyang malayo sa pamilya upang ipagpatuloy ang pagsasanay. Ibang klaseng kalaban ang pagkaulila at ang mga gumugulong na teorya sa kaniyang isipan. Nagdulot ito ng anxiety at mga problema sa kaniyang

pangkaisipang estado. Dagdag pa rito, hindi naging sapat ang mayroon si Hidilyn upang maipresenta ang bansa sa kompetisyong matagal niya nang ninanais salihan. Dito pumasok sa kaniyang isipan ang paghingi sa suportang pinansyal sa mga pribadong kompanya. Ayon sa kaniya, nahihiya talaga siyang gawin ito subalit kinakailangan. Misteryosong inulan ng galit ang atleta, tila minasama nila ang paghingi ng gabay sa mithiin na para rin sa bayan. Grabeng pagpapasakit ang kaniyang dinala, ang babaeng malakas at makisig ay halos hindi na kinaya. Sa kabila nito, walang mas tumimbang sa kaniyang layunin na ginto ay abutin. Sa kabutihang palad, nakatungtong siya sa kompetisyon. Buong bansa ay nakaantabay at napapigil hininga nang siya’y lumabas na. Nakatayo sa gitna ng entablado habang ang barbell ay nasa unahan nito. Mga kamay ay binalot ng harina, sa pag-buhat ay handa na. Inarko ang katawan at bumuwelo, agad na isinampa ang bigat sa hita. Sinubukang tumayo at itaas ang mga kamay sa kabila ng bigat sa binubuhat na bagay. Tagumpay! Nagawa niyang maiangat ang isang 127kg na barbell. Pagkabitaw ay agad siyang lumuha, sumabog ang samu’t saring emosyon na kaniyang nadarama. Kahit ang atleta ay hindi makapaniwala na kaniyang kinaya.

Lahat ng sumubaybay mula sa kanilang mga tahanan ay napahiyaw sa tuwa, lalo na ang mga kababayan na mula sa Zamboanga. Hinirang siya sa pagkakakamit ng gintong medalya, hindi maipaliwanag ang nadamang saya. Dati ay akala niya hindi niya kaya, sa mga pagsasanay nila ay hindi niya nabubuhat ang ganoon kabigat kahit subukan niya ng subukan. Milagrong lakas ang sumanib na pinaniniwalaan niyang tulong gabay ng Panginoon at ng mga taong sumusuporta sa kaniya. Kauna-unahang ginto ito ng Pilipinas sa Olympics, isang historikal na pangyayaring hatid ng isang huwarang babae. Tunay na ipinagmamalaki siya ng mga Pilipino. Ang kaniyang pag babalik bansa ay sinalubong ng purong pagmamahal. Sa karangalang kaniyang inuwi, inulan siya ng mga benepisyo bilang pagkilala sa kaniyang talento. Hindi lamang siya sa paligsahan naging wagi dahil nanalo din siya sa pag-ibig nang ang isa sa kaniyang coaches na si Julius Naranjo ay naging kaniyang kasintahan. Bigat ng pasanin ni Hidilyn ay hindi tumibag sa pangarap niyang abot sa mga tala. Walang masyadong mataas sa taong tunay na desidido at pursigido. Alay ito ng atleta sa ating bansa, sa kaniyang lupang sinilangan. Isang gintong pangkasaysayan na para sa bayan!

“Nagsimula kasi ‘to sa kuya ko na isa sa naging kinatawan ng Palarong Pambansa 2019 sa Davao at ito ang nagsilbing inspirasyon ko para sumali sa isports na ito. Hindi ko nga inaasahan na malaki ang magiging epekto nito sa akin bilang estudyante,” ani ni Lara. Masasabing malaki talaga ang naging impluwensya sa kan’ya ng binatang kapatid para simulan ang isports na ito. Hindi nagpatinag sa mga kalaban si Lara bagkus ay mas lalo na lamang inihanda ang sarili para sa laban na haharapin. “Nang papalapit na nga ang laban bigla na akong nakakapinsala sa aking kanan na paa kaya naman nahihirapan akong depensahan lalo ang sarili,” pagdidismayang dagdag nito. Sa kabila nito, naramdaman niya ang hirap na pagsabayin ang pag-aaral at pag-eensayo para sa paparating na laban, ngunit hindi naging hadlang ang mga sakit na nararamdaman para harapin ang mga hamon sa buhay. Upang matapos at magawa ang mga nakaabang na gawain, mahalagang maisabuhay ang tamang paggamit ng oras mapa-trabaho man o sa paaralan.

LARA BURABOD kuha ni Francine Bandavia

HIDILYN 20
Mga kuha mula sa AITN Bangkok Aquatics
Sining ni JAYCEE VALENZUELA

Exodus ng mga atletang

Pilipino: kanino ang sisi?

ni TIMOTHY TRIVIÑO

masalimuot na isyu ang patuloy na bumabagabag sa mundo ng isports sa Pilipinas, ang exodus ng mga atletang Pilipino. Hindi na ito bagong hamon sa mundong ito, ngunit nakababahala ang lumalagongkalakaran ng mga atletang Pilipino na umaalis sa bansa dahil ito ay humahantong sa pagkawala ng mga mahuhusay na atleta.

Kamakailan lamang ay isang atletang Pilipino na naman ang nalagas sa ating bansa. Ayon kay Jorge Souza De Brito, hindi na magiging bahagi ng National Team...

EXODUS ISPORTS, 18

Taguig Sports League 2023, pinasinayaan

ni OWEN DIPAD

Pormal nang binuksan ang

Taguig Sports League sa Lakeshore Grounds nitong ika-29 ng Abril, 2023 na naglalayong mabigyan ng pagpapahalaga at oportunidad ang mga atletang Taguigeño.

Sinimulan ang liga sa pangunguna ng Sports Development O ce (SDO) at ng halos 8,000 kalahok na nagmula sa una at ikalawang distrito ng Taguig.

Magtatagisan ang iba’t ibang mga koponan upang makamit ang mga kampeonato sa iba’t ibang uri ng sports mula sa basketbol, balibol, bilyards at iba pa. Dumalo sa nasabing...

isports

Quarterscores: 28·25, 36·53, 66·76

Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Taguig Tomo

MgaAng tunay na bida, nagpapabugbog lang sa una

TAGUIG, KAMPEON MULI NG NBL

ni DERICK TIMOTHY JALANDO-ON

Bumangon

solidong patag na bilog na kay bibigat kung buhatin, pinag-uugnay ng isang pahabang metal na nagsisilbing hawakan. Sa bawat pag-arko ng katawan at pag-buwelo sa pagbuhat, dito sinusubok ang tunay na lakas. Hindi ito madali, isang hamon sa tatag ng pangangatawan at alertong isipan. Saksi ang buhay ng isang weightlifter na tulad ni Hidilyn Diaz. Subalit sa likod ng kaniyang tikas, pilit siyang pinabibigatan ng buhay habang ang pangarap niya’y nakasalalay. Musmos pa lamang si Hidilyn ay namulat na siya sa larangan ng weightlifting. Ipinakilala ito ng kaniyang mga pinsan noong siya ay labing isang taong gulang lamang. Naramdaman niya agad ang koneksyon at pagmamahal sa naturang isports. Tinangka siyang pigilan ng kaniyang ina subalit pinilit ni Hidilyn na magpatuloy. Hindi naging madali ang karera na tinahak ng atleta. Maraming unos ng buhay ang dumadagdag sa bigat ng kaniyang barbell. Isang pinakamabigat na pasanin na kanyang dala-dala ay ang kahirapan. Nahirapan ang kanilang ama na sila ay matustusan sa trabaho nitong pamamasada ng tricycle at pagsasaka. Sa hirap ng pamumuhay, halos hindi na siya makabili ng sapatos o unipormeng para sa pagsasanay. Umaasa na lamang siya sa panghihiram at paghihintay ng pinaglumaang mga kagamitan. Kinailangan niya ring kumandong sa mga kaibigan kapag sila’y sasakay upang makatipid sa pamasahe.

Sa kabila ng lahat, patuloy na bumuwelo si Hidilyn at patuloy na binuhat ang pangarap. Hindi niya pinabayaan ang pag-aaral, ginamit niya ang talento sa isports upang maging iskolar sa isang lokal na unibersidad. Tunay siyang idolo kahit sa akademiko!

Kalaunan, nagkamit siya ng malaking oportunidad nang siya’y makasali sa pang-nasyonal na kompetisyon sa weightlifting. Taong 2008, unang sabak niya sa internasiyonal na paligsahan.

mula sa isang 20 puntos na lamang ng La Union Paower ang Taguig Generals, 94-92, upang muling

makuha ang kampeonato ng National Basketball League (NBL) Chairman’s Cup 2022 sa balwarte ng La Union sa San Juan Sports Gym nitong ika-7 ng Enero, 2023.

Tinapos agad ng Generals ang best-of-3 series sa loob lamang ng dalawang laro upang mapigilan pang magkaroon ng tyansa na maagaw ng La Union Paower ang titulo at mabawi ang tropeo matapos ang tatlong taong pag-iintay upang makamit muli ang inaasam-asam na kampeonato.

Sumiklab sa huling yugto ng laro si Mike Je erson Sampurna, na kumamada ng walo sa kaniyang 19 puntos, upang pangunahan ang Generals sa kanilang ‘comeback win’ na nagdulot upang itanghal siyang ‘Finals MVP’ ng serye.

“Masaya po, bonus na lang po yung Finals MVP, ang pinakamain goal po namin sa liga ngayong season ay magchampion po kasi sa past seasons puro nasa nal four lang kami kaya gutom talaga kaming magchampion,” pahayag ni Sampurna. Nakapasok ang Generals sa playo s sa ikalawang pwesto at direkatang nakapasok

araniwang maaalala ang Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Taguig pagdating sa mga kompetisyon sa matematika at siyensa. Ngunit lingid sa kaalaman ng iba maraming atleta sa naturang paaralan ang nag-uuwi ng tagumpay pagdating sa larangan ng palakasan

kunin ang unang laro kontra sa Paowers, 113108, sa Hagonoy Sports Complex, Taguig.

Nagtala si Jonathan Lontoc ng 14 puntos at tumulong naman si Fidel Castro na nagambag ng 12 puntos habang tumirada naman ng 11 puntos si Noel Castro upang ipamalas ang kanilang balanseng opensa. Maagang tinambakan ng Paowers ang Generals sa unang kalahati ng laro, 36-53. Lumobo pa ang kalamangan ng Paowers at umabot ito sa 20 puntos, na unti-unting tinapyasan ng Generals sa 10 puntos matapos ang ikatlong yugto, 66-76.

“Magfocus lang kayo, huwag niyo na isipin yung lamang, patuloy lang sa paglalaro at magtiwala sa isa’t-isa, at huwag kakalimutan na ipasa ang bola,” nang tinanong si Sampura kung ano ang ipinayo ng kanilang head coach sa kabila ng malaking kalamangan ng Paowers.

Naitabla ng Generals ang laro sa iskor

Sinelyuhan ni Noel Santos ang kampeonato ng Generals matapos pumasok ang kanyang lay-up shot.

HIDILYN ISPORTS, 19

“Ang tagal na naming naghihirap, sinuklian na nung nasa itaas yung paghihirap namin. We don’t have holidays, trinabaho talaga namin ito, this past New Year, Christmas, walang day o . Pinaghirapan talaga namin ito,” pahayag ni Bing Victoria, Head Coach ng Taguig Generals.

Napabilang naman sa Mythical Five ng National Basketball League Chairman’s Cup 2022 si Dan Anthony Natividad na nagpasabog ng 29 puntos para sa Taguig Generals noong unang laro kontra Powers.

Pinangaralan naman si Jap Pambid ng La Union bilang MVP ng torneo. Si Pambid, Natividad, Erven Silverie, Billy Boado ng La Union at RV Jumaquio ng Bulacan ang bumuo sa Mythical Five. Nagbigay naman ng pagbati ang pama -

muling Union sa ang k anyan g
ni MARICRIS TULAGAN
LATHALAIN

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.