Skip to main content

ANG BATINGAW 2025 Intramural Meet Special Edition

Page 1

ang

batingaw

Maging updated sa mga kaganapan online! Magtungo sa ating opisyal na Facebook Page. I-SCAN ang QR CODE.

Opisyal na Pahayagang Pangkampus sa Filipino ng Solano High School Sangay ng Nueva Vizcaya, Rehiyon ng Lambak ng Cagayan

SOLANO HIGH SCHOOL 2025 INTRAMURALS SPECIAL EDITION

dibuho ni JOHN BENEDICT CORREA

SAMA-SAMA SA DIWA NG PAMPALAKASAN‌ INTRAMURAL MEET 2025 FINAL AND OFFICIAL MEDAL TALLY GINTO

PILAK

TANSO

25

5

8

19

15

12

17

5

8

16

24

14

14

7

9

10

12

7

Datos mula sa RECORDS COMMITTEE

Bilis at Bagsik

Yellow Lightning Cheetahs hinirang na kampeon ng Solano HS Intramurals 2025 ni KISHA CHAALAN

N

angibabaw ang Lightning Cheetahs (Unit 5) matapos abuhin ang limang koponan sa palakasan at tanghalin bilang over-all champion sa pagtatapos ng Solano High School Intramurals 2025, Setyembre 6.

Inangkin agad ng Lightning Cheetahs ang mga ginto mula sa finals ng mga team sports at nakapagtala ng 25 na ginto, limang pilak, at walong tansong medalya na sinundan naman ng Green Vipers (Unit 1), 19-15-12, patunay ng kanila ring bangis sa kompetisyon. Sumunod naman sa ikatlong puwesto ang Red Fiery Mustang (Unit 2), 17-5-8, habang ang Blue Iron Eagle (Unit 3) ay nagtapos sa ikaapat na puwesto, 16-24-14. Nakumpleto ang talaan ng Pink Mighty Ravens (Unit 6) sa ikalimang puwesto, 14-7-9, at Purple Wolf sa ikaanim na puwesto, 10-12-7. Sa kabila ng naging labanan sa medalya, higit na

tumampok ang diwang ipinamalas sa buong paligsahan. Ayon kay School Sports Officer Elenita B. Navarro, tiniyak na nasusunod ang DepEd Order No. 9, s. 2025 o ang ‘No Disruption of Classes’ kaya’t tanging mga atleta lamang ang dumadalo at nagaganap ang mga laro sa itinakdang oras. Sa temang “Fueling Passion, Fostering Empathy: Together We Play as One,” ipinakita nito na higit pa sa medalya at tropeo ang tunay na tagumpay, kundi sa pagkakaisa, pagmamalasakit sa kapuwa, at ang pagpupursigi tungo sa kagalingan—mga natatanging-aral na iniwan ng intramurals sa bawat SHSian.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
ANG BATINGAW 2025 Intramural Meet Special Edition by REINMARK TAMANI - Issuu