Skip to main content

Ang Sapatusan Tomo 7 Isyu Blg. 2 SY 2023

Page 1

ang I-SCAN QR CODE PARA MAPUNTA SA MGA OPISYAL NA SOCIAL MEDIA NG PUBLIKASYON

apatusan

ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN NG MARIKINA SCIENCE HIGH SCHOOL TOMO VII, ISYU 2 HULYO-DISYEMBRE 2023

P11

NAGLALAPAT NG MGA BAKAS TUNGO SA MAPAGPALAYANG KATOTOHANAN

Ex-Marikina Mayor, MMDA Chief Bayani Fernando, pumanaw sa edad na 77 Ni NATE LAWRENCE CRUZ

KAYOD-BAKA. Sakay ng kanyang alagang baka, masigasig na nilalako ni Tiyo Noel ang mga panindang walis tambo at walis tingting sa kahabaan ng Mayor Gil Fernando Avenue, Marikina City. Si Tiyo Noel ay isa lamang na patunay na kayang makipagsabayan ng tradisyonal at sinaunang na transportasyon sa modernong sasakyan sa paglalako ng mga panindang bilihin. | Kuhang Larawan ni Joshua Caleb Pacleta

KUMPISKADO!

Higit 1k kaso ng ilegal na droga, naitala sa Marikina ‘Barkada Kontra Droga’ tugon ng lokal na pamahalaan Nina ANTONIO JOAQUIN RAVELO, SHANAYA SALES Ni ANTONIO JOAQUIN RAVELO

B

atay sa datos ng Bureau of Jail Management and Penology mula sa 1,294 na mga persons deprived of liberty (PDL) sa mga kalalakihan, 987 ang nahuling sangkot sa droga samantalang 241 naman sa 262 na PDL para sa kababaihan ang naitala sa buong Marikina. Nakasaad sa Seksyon 2 ng Dangerous Drugs Board (DDB) Board Regulation No. 5 Series of 2007 na isa ang Pilipinas sa mga bansang lubos na naapektuhan ng pag-abuso sa mga amphetamine-type stimulants (ATS)—karaniwang ginagamit bilang medikasyon sa attention deficit hyperactivity disorder ngunit kung aabusuhin, nakasisira sa sentrong sistema ng utak. Ang methamphetamine hydrochloride o “shabu” at cannabis o “marijuana” ay ilan sa mga uri ng ATS. Ayon sa punong hepe ng Marikina AntiDrug Abuse Council (MADAC), Arnoel Santos, nangunguna pa rin ang shabu sa mga ginagamit na droga sa Lungsod ng Marikina at pumapangalawa naman ang marijuana. Dala nito, nananatiling matinding suliranin sa Marikina ang pang-aabuso sa mga drogang nabanggit. Mula taong 2016 hanggang 2022, naitalang 3,060 ang kusang sumusuko sa MADAC. Para sa ikatlong-kapat ng taong 2023—mula Hulyo hanggang Setyembre—nakumpisa ng lokal na pulisya ang 1,389 gramo ng shabu at 38 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P9,445,200.00 at P4,560.00. Mas mataas ito kumpara sa nakumpiskang shabu noong ikatlong kapat ng nakaraang taon.

695 gramo ang nahanap ng pulisya ng Marikina, na nagkakahalaga naman ng P4,726,000.00. Subalit, mas mataas noon ang nakumpiskang marijuana kung saan ang 1,323 gramo ay nagkakahalaga ng P158,760.00. AKSYON NG MADAC Itinataguyod ng MADAC ang mga programang naglalayong pigilan at bigyang solusyon ang mga kaso ng pang-aabuso ng droga sa Marikina. Naging estratehiya nito ang pagsasanay sa mga boluntaryo upang maturuan din ang mga miyembro ng

kinabibilangang komunidad. “Sa treatment, 'yong community based rehabilitation program namin, may mga partners din kami at volunteers sa mga barangay. Doon naman, nagbibigay kami ng technical assistance. Mayroong ‘Strong Family Program,’ ang training na binibigay para sila naman ang magsasagawa sa kani-kanilang mga barangay,” saad ni Santos. Mga malulubhang kaso lamang ang tinatanggap sa rehabilitation centers, kung saan umaasa ang isang indibidwal sa pagkonsumo ng droga. Karamihan sa mga sumusuko sa MADAC ay sinasailalim sa Strong Family Program, isang rehabilitation program ng konseho. Madalas kaagapay ng mga boluntaryo nito ang relihiyosong sektor at mga barangay health workers. MAGPATULOY SA PAHINA 3

Kartun ni Joshua Caleb Pacleta

Nayanig ang buong bansa noong Setyembre sa pagpanaw ni Bayani "BF" Fernando, dating Chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dating Kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina, at alkalde ng naturang lungsod. Kinumpirma ito ng kaniyang asawa at dating Marikina Mayor na si Marides Fernando sa isang pahayag, "It is with great sadness that I announce the untimely death of my husband, Bayani BF Fernando, today, September 22nd 2023." Batay sa ulat, isinugod ang 77 na anyos na katawan ni Fernando sa Quirino Memorial Medical Center matapos umano niyang mahulog mula sa bubong ng kaniyang tahanan. “Nakikidalamhati ang Marikina City government sa pagpanaw ni former mayor Bayani F. Fernando,” pahayag ng Public Information Office ng lungsod. Nagsilbing alkalde ng Marikina si Fernando mula 1992 hanggang 2001, at naging kinatawan ng unang distrito mula 2016 hanggang 2022. Sa mahigit isang dekada niyang paglilingkod, ginawa niyang modelong lungsod ang Marikina na kilala sa kalinisan mula sa pagiging isang 4th-class na munisipalidad. Sinubukan din niyang itakda ang lungsod bilang isang halimbawa para sa epektibo at reseptibong pamamahala. Higit pa rito, ginawa niyang “Shoe Capital of the Philippines” ang Marikina, isang patunay sa maunlad nitong industriya ng sapatos. Sinuportahan ng kaniyang mga patakaran ang mga lokal na sapatero at itinaguyod ang mga sapatos na gawa sa Marikina na nagpalakas sa ekonomiya ng lungsod at lumikha ng mga oportunidad para sa mga mamamayan nito.

Kuhang Larawan mula kay Mark Demayo, ABSCBN News, Disenyong Lathala ni Noel Rufon II


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Ang Sapatusan Tomo 7 Isyu Blg. 2 SY 2023 by The Shoeland x Ang Sapatusan - Issuu