Skip to main content

Volume#9 - Bitbit ang mga Adhikain at Pagtatagumpay

Page 1

Isinulat ni Jenelyn C. Ganon

Idinaos noong Hulyo 12, 2023 sa San Lorenzo Ruiz Elementary School ang Araw ng Pagkilala sa mga natatanging mag-aaral ng San Lorenzo Ruiz Senior High School ngayong taong panuruan 2022-2023. Ang seremonya na dinaluhan ng apat na raan at labinlimang mag-aaral ay may temang "Gradweyt ng K-12: Hinubog ng Matatag na Edukasyon". Matapos ang sampung buwang dedikasyon at patuloy na pagkamit sa tagumpay ay lubos na ipinagmalaki ng mga mag-aaral ang mga natanggap na medalya at sertipiko. Kasama sa espesyal na araw na ito ay ang mga magulang, kapatid, at tagapag-alaga na nagpakita ng suporta at pagmamalaki. Ipinadama naman ni Gng. Maricris O. Murillo, punong-guro ng paaralan, ang kanyang pagpapahalaga sa mga mag-aaral na nagkamit ng karangalan. "Congratulations! I am so proud of all of you" pahayag ni Gng. Murillo. Dumalo rin ang alumni ng San Lorenzo Ruiz Senior High School na si G. Rommel Delfin na nagtapos ng kolehiyo sa University of the Philippines Diliman. Ang alumni ay nagbahagi ng kanyang personal na paglalakbay bilang isang mag-aaral na may matayog na pangarap. Ibinahagi niya rin ang mga hamon na naranasan niya sa pagkamit sa kanyang pangarap na siyang nagkaroon ng malaking papel sa paghubog ng kanyang pagkatao. Siya ay nagbigay inspirasyon sa bawat mag-aaral na patuloy na mangarap at magsikap sa pagtupad ng kanilang mga pangarap. "KAHIT ANO PA MAN, KAHIT SINO KA PA MAN, HINDI MAGIGING HADLANG ANG ESTADO MO SA BUHAY KUNG NANINIWALA KA SA KAKAYAHAN MO. MAY AWARD KA MAN O WALA ANG MAHALAGA AY NAGPAPATULOY KA.” ISA SA MGA MAKAHULUGANG SALITA NA INIWAN NI G. DELFIN.

READ MAGBASA MORE PA LATHALAIN

OPINYON

EDITORIAL: HAPPY ANNIVERSARY, BABY-M!

Mga Kuha ni Kelly Gonzales

KOLUM

MAHARLIKA FIFA INVESTMENT WOMEN’S FUND LAW WORLD CUP 2023


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Volume#9 - Bitbit ang mga Adhikain at Pagtatagumpay by Ruizian Aper Media - Issuu