Skip to main content

The Capitol Lighthouse Vol 2025 No 1

Page 1

08-15

ULAT SA LALAWIGAN

The Official Government Publication of the Province of Catanduanes • June 2024 - April 2025 Issue • #TheCapitolLighthouse

2024

Saan-saan na nga ba ang biyahe ng

SA PAMUMUNO NINA

PASADA

ESKWELA?

5

GOV. BOBOY, VG BOSS TE CUA Kapitolyo muling nasungkit ang Seal of Good Local Governance; Sangguniang Panlalawigan kinilala sa outstanding legislative performance nito

Paaralan

PANDAN

D

1

alawang malaking pagkilala ang nakuha ng Pamahalaang Lokal ng Catanduanes para sa taong 2024 sa ilalim ng pamumuno nina Governor Joseph “Boboy” Cua at Vice Governor Peter “Boss Te” Cua—ang Seal of Good Local Governance at Outstanding Legislative Performance.

Paaralan

CARAMORAN

Kasama ang mga pinuno ng iba’t ibang departamento ng Kapitolyo, pinangunahan nina Gov. Boboy Cua at Vice Gov. Boss Te Cua ang pagtanggap ng karangalan mula sa Department of the Interior and Local Government sa isinagawang SGLG National Awarding Ceremony noong Disyembre 9, 2024 sa Manila Hotel, Tent City. Nitong Marso 18, 2025 naman, isa ang Sangguniang Panlalawigan ng Catanduanes sa binigyan ng Oustanding Legislative Performance Award sa isinagawang 33rd

1

Paaralan

BAGAMANOC

1

Paaralan

Tatak ng Kahusayan Bilang pinakamataas na parangal na maaaring matamo ng lokal na pamahalaan, ang SGLG ay programa ng DILG na kumikilala at nagbibigay-pugay sa mataas na kalidad ng serbisyo na ibinibigay ng mga LGU sa iba’t ibang aspeto ng pamamahala. Mabusisi ang isinasagawang assessment at validation ng SGLG sa performance ng mga LGU sa mga sumusunod na governance areas: financial administration, disaster preparedness, social protection, business friendliness, environmental management, law and order, and public safety. Noong 2015-2017 sa pamumuno rin ni Gov. Boboy, nakatanggap din ang provincial

government ng Provincial SGLG Award at itinaguriang Hall of Famer. Bilang bahagi ng pagkikilala, makatatanggap ang Catanduanes Government ng ₱3M subsidy incentive fund mula sa DILG na maaaring gamitin sa mga programa sa disaster preparedness, health compliance and responsiveness, sustainable education, safety, peace and order, at iba pa. Bukod sa provincial SGLG award na nakamit ng Catanduanes Government, kinilala rin ang mga Munisipyo ng Virac at Baras sa kanilang walang kapantay na dedikasyon at kahusayan sa pamamahala. Sa kaniyang mensahe ng pasasalamat, kinilala ni Gov. Boboy Cua ang pagtutulungan ng mga opisyal at empleyado ng Kapitolyo

see more on page 07

#SerbisyongNoDelay Diaries

PANGANIBAN

4

‘Project Agarang Tulong’ ni Boss Te umarangkada sa mga nasalantang lugar ng Bagyong Pepito sa Norte

Paaralan

Kahit na apektado rin ng bagyo, likas na nga siguro sa mga Catandunganon ang agad na tumulong sa mga kapwa nasalanta. Apat na taon pagkatapos ng mapaminsalang Super Typhoon Rolly, muling binayo ng isang supertyphoon ang probinsiya kung saan ang hilagang parte nito ang malubhang naapektuhan.

SAN ANDRES

1

Paaralan

VIRAC

Sa mga panahong ito, muling ipinakita ang bayanihan sa isang volunteer project na agad ikinasa ng Office of the Vice Governor, sa ilalim ng pamumuno ni Vice Gov. Peter “Boss Te” Cua. Ilang araw lamang matapos ang pananalasa ng Bagyong Pepito, agad na rumesponde ang mga puso at kamay na handang tumulong sa paglulunsad ng Project Agarang Tulong—isang relief operation na umikot sa iba’t ibang barangay sa Norte upang maghatid ng agarang serbisyo at malasakit sa mga nasalanta.

100 10 mag-aaral

National Convention ng Provincial Board Members League of the Philippines sa Century Park Hotel, Maynila.

Kasangga sa Panata

Sa ilalim ng proyektong ito, nabuo ang isang volunteer group kasama ang mga kasangga mula sa Angat Buhay Foundation, Sangguniang Kabataan Provincial Federation, Catanduanes Medical Society, at ang ‘di matatawarang lakas ng Tugon C a t a n d u a n e s Volunteer Group. Unang pinuntahan ng grupo ang Barangay Sioron sa bayan ng Gigmoto, kung saan agad na ipinamigay ang mga libreng lugaw, serbisyong medikal, legal consultations, at libreng charging at WiFi para sa mga nawalan ng koneksyon sa gitna ng sakuna. Sa tulong ng

TO SEE IS TO BELIEVE Personal na inalalayan ni Vice Gov. Boss Te Cua ang isang senior citizen mula sa Baras sa pagsusuot ng naipagkaloob sa kaniyang antipara ng Provincial Government. Ang pamamahagi ng libreng prescription glasses ay bahagi ng programang Ugnayan sa Barangay na ginanap sa Agban Central Elementary School Multipurpose Hall, Okt. 9, 2024.

see more on page 07

sa bawat bayan ang napaglilingkuran araw-araw

taong pagpasada

Catanduanes idineklarang insurgency-free ng AFP, PNP Gawad KALASAG seal iginawad sa probinsya, 8 bayan sa isla

Visit the

Catanduanes Government

Facebook page for more information 02

06


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
The Capitol Lighthouse Vol 2025 No 1 by PLGU Catanduanes - Issuu