PAHINA 3
Catanduanes ikalawa sa may pinakamabilis na paglago ng agri-fishery economy–PSA
PAHINA 9
Aabot sa 10M ayuda ipinamahagi sa 1,915 TODA members
VG BOSS TE FLAG RAISING CEREMONY
Basahin sa ISSUU
ONLINE! .com
P9
https://bit.ly/ TheCapitolLighthouse2023Q3Q4
Opisyal na Pahayagan ng Pampamahalaang Panlalawigan ng Catanduanes | Enero-Hunyo 2024
BFP Nat’l Command Conference isinagawa sa Catanduanes; 55 Smart TVs, donasyon ng PLGU sa mga fire station Isinagawa sa Catanduanes sa kaunaunahang pagkakataon ang Bureau of Fire National Command Conference na nilahukan ng 150 na delegasyon mula sa hukbo ng BFP, Pebrero 20.
P2
pamamahala
KALINGAIN ANG KAGUBATAN Project Restore ng administrasyong Cua layuning makapagtanim ng 1 milyong puno sa loob ng 5 taon
Higit 5,000 Catandunganon nabenepisyuhan sa 8 araw na libreng eye mission ng TWECSCanada
Umabot sa 5,663 Catandunganon ang nabenepisyuhan ng walong araw na libreng eye mission ng Canada-based Third World Eye Care Society o TWECS nitong Pebrero 19 hanggang 26. Ang libreng eye mission na isinasagawa sa Virac Rural Health Unit o RHU Community Hub sa San Isidro Village Virac ay inilunsad sa kolaborasyon ng TWECS Canada sa Rotary Club of Virac at sinuportahan ni Governor Joseph “Boboy” Cua, Vice Governor Peter Boss Te Cua, Virac Mayor Sammuel “Sammy” Laynes at Former Philippine Ambassador to Dhaka, Bangladesh Zenaida Tacorda-Rabago.
P5
Kawangis ang adhikaing mapabuti ang kalagayan ng kaniyang mga nasasakupan, isang makabuluhang layunin para kay Gov. Joseph “Boboy” Cua ang pagkalinga ng ating kagubatan para sa ating kinabukasan. Ito ang misyong nais isakatuparan ni Gov. Boboy sa pamamagitan ng pangmalawakang aksyon— ang Project Restore, na layong maibalik ang kaayusan at sigla ng kagubatan sa isla.
P4
kalusugan
PLGU Catanduanes ginawaran ng Best Practice Award ng DA
Bishop Occiano itinalagang bagong obispo ng Virac Diocese P11
Iginawad ng Department of Agriculture ang plake ng pagkilala sa Pamahalaang Panlalawigan ng Catanduanes sa kakatapos lamang na Social at Environmental Safeguards Forum na ginanap sa Cagayan de Oro City mula Marso 4-6, 2024. Sa nasabing aktibidad, binigyang-pugay ang PLGU Catanduanes, kasama ang iba pang lokal na pamahalaan, para sa bukod-tangi nitong kontribusyon at pagpapamalas ng suporta sa pagsasagawa ng mga proyektong panlipunan at pangkapaligiran para sa Philippine Rural Development Project (PRDP). Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Catanduanes lamang ang kinilalang pamahalaang panlalawigan sa buong Kabikolan ng DA-PRDP sa illim ng best practice category sa implementasyon ng mga safeguard sa Land Acquisition, Rehabilitation, and Resettlement Policy Framework (LARRPF) at Mainstreaming.
MASAGANANG ANI. Abala sa pagkakamada ng kaniyang paninda ang isang Viracnon agripreneur. Isa ang lalawigan ng Catanduanes sa ginawaran ng Department of Agriculture sa ipinamalas nitong suporta sa pagpapayabong ng agrikultura sa bansa.