Skip to main content

Pintig Koryesunista 2025-2026 | Tomo XXXVIII, Bilang I

Page 1

Pintig

Tinig ng Kabataan, Kabisera ng Katapatan Opisyal na Pahayagang Pangkampus sa Filipino ng Cor Jesu College, Inc. Basic Education Department TOMO XXXVIII BILANG I HULYO 2025 - ENERO 2026

KORYESUNISTA

SEGURIDAD ANG PRAYORIDAD

SAGIP-OPERASYON. Nagsagawa ng search and operation ang PNP ng Digos upang masiguro ang seguridad sa loob ng CJC laban sa bomb threat. KUHA NI XYREX SAYSON

CJC, sinuspinde ang klase dahil sa bomb threat; seguridad pinaigting ni ELIJAH SOTOMAYOR

N

ag-implementa ng mahigpit na seguridad ang Cor Jesu College, Inc. sa pamamagitan ng isang linggong suspensyon at pagdaragdag ng tatlong guwardiya upang protektahan ang mga estudyante at mga tauhan ng paaralan dahil sa isang bomb threat na natanggap ng institusyon noong ika-17 ng Nobyembre 2025. Rumespunde kaagad ang Philippine National Police (PNP) nang matanggap nila ang ulat tungkol sa banta kaya’t inanunsyo ng paaralan ang pagsuspinde ng klase at ang pansamantalang paglipat ng distance learning modality sa naturang araw. Idineploy naman ang mga bagong hired security guards habang patuloy ang suspensyon nang makatanggap muli ng banta ang paaralan sa hapon ng Nobyembre 17 kaya’t naapektuhan ang iskedyul ng pagsusulit ng mga estudyante na dapat naisagawa sana noong Nobyembre 19-21. “The College is in active coordination with the Philippine National Police (PNP) and the National Bureau of Investigation (NBI) to ensure thorough security assessments and continuous monitoring of our campuses [Nakikipag-ugnayan ang paaralan sa Philippine National Police (PNP) at sa National

PAHINA 2

Bureau of Investigation (NBI) upang masiguro ang masusing pagsusuri sa seguridad at patuloy na pagbabantay sa ating mga kampus,] saad ng paaralan sa isang Facebook post. Nagpatupad din ang Cor Jesu College ng 5:00 PM curfew simula nang muling bumalik ang klase noong Nobyembre 24 upang matiyak na wala nang mga magaaral na nananatili sa loob ng paaralan pagsapit ng gabi, bilang bahagi ng mga hakbang para sa kaligtasan ng mga Koryesunista. PINAGMULAN NG BANTA Nagtago sa likod ng isang Facebook dummy account ang pasimuno ng pagbabanta at sinabing hindi sila magaanlinlangang kumuha ng 10 na estudyante mula sa main campus sa Sacred Heart Avenue at ang 10 rin sa isa pang campus ng CJC sa Power, Digos City. “Kahit ilang pulis pa ang ipabantay ninyo hinding-hindi kami magdadalawang-isip na

tapunan ng bomba ang main at power!” pananakot ng dimatukoy na salarin. Sinabi rin ng suspek sa kanyang mensahe na ininsulto at nakatanggap umano siya ng mga masasakit na salita mula sa mga instructor ng CJC noong nanghingi siya ng pangkain sa kanila kaya’t nagalit siya at pinagbantaan ang paaralan. IPAGPAPATULOY PAHINA 3

3 PAHINA 5

bagong guwardiya ang na-hire at inilagay sa puwesto ng paaralan matapos makatanggap ng banta ng bomba ang CJC.

PAHINA 10

SALAT

NAGTHREAT

PAGBABALIK-TANAW

BALITA

OP-ED

LATHALAIN

NA PEKLAT

TRENDING NA KAPABAYAAN

AT PAGBANGON


03 BALITA Digos City nagpatupad ng curfew para sa menor de edad; CorJesians bumoses

# PORSYENTO NG MGA KORYESUNISTA NA SUMANG-AYON AT DI-SUMANG-AYON UKOL SA CURFEW:

46%

ni ROBIE TOLENTINO

Huhulihin na ng Local Government Unit (LGU) ng Digos City ang mga menor de edad na palaboy-laboy lagpas alas 10 ng gabi na walang kasamang magulang o bantay bilang pagprotekta sa mga kabataan laban sa mga indibidwal na maaaring pagsamantalahan at gamitin sila sa masamang gawain.

Ang sumang-ayon dahil nakakatulong sa segridad at disiplina sa Digos

54%

25

ni ELIJAH SOTOMAYOR

Ang di-sumang-ayon dahil sagabal sa mga estudyante

na menor de edad ang Digos CPS sa unang gabi ng pagimplementa ng patakaran at natukoy nilang sa mga internet café, restobars, billiard halls, at iba pang panggabing libangan madalas tumambay ang kabataan

Ito ay base sa onlayn sarbey na isigigawa ng Pintig Koryesunista

Inanunsyo ni Mayor Josef Fortich Cagas noong ika-26 ng Oktubre ang pagpapatupad ng curfew sa mga menor de edad sa isang Facebook post na nakatanggap ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga Digosenyo. “In view of the reported regrouping of juvenile offenders within and outside school premises, the Digos City Police will be strictly enforcing the City Ordinance on Curfew for Minors,” saad ng mayor sa kanyang Facebook post. Sinabi rin ng mayor na hindi ginagawa ang curfew upang parusahan ang mga kabataan o bawasan ang kanilang karapatang makihalubilo sa lipunan, kundi bilang tugon sa panawagan ng mga magulang na hindi na kayang bantayan ang mga gawain at oras ng kanilang mga anak sa labas ng kanilang tahanan. “Our purpose is to protect them from becoming prey to individuals who might use them as tools for their sinister acts

considering their vulnerabilities against temptation that could lead them to violate our existing laws,” sabi ni Cagas sa isang press conference. Nahati ang opinyon ng mga Koryesunista sa curfew, mayroong ibang sumang-ayon dahil ito’y nakatutulong sa pagpapanatili ng seguridad ngunit mayroon ding kumontra dahil may iilang kabataan ding umano’y sa gabi lang may oras para lumabas. “Tunay na walang kaduda-duda ang pagiging epektibo nito,” ani Janwynne Suan mula sa Baitang 11–STEM A. “Bukod sa pagpigil sa mga negatibong pangyayari sa mga menor de edad, nagdudulot din ito ng pagiging tahimik at payapa tuwing gabi, at binabawasan ang dami ng tao.” “Napansin ko na mas naging payapa ang Digos City, ngunit naniniwala akong nagdudulot din ang curfew ng mas malaking posibilidad na mas maging tuso ang mga kabataan sa pag-iwas at

pagtatago mula sa mga awtoridad sa oras na iyon.,” wika ni Alyssa Izza Apas mula sa Baitang 11–BE A. Iminungkahi naman ng ibang mga estudyante na ibaba ang curfew sa 16 taong gulang pababa at dapat maintindihan ng maayos ng mga mamamayan ang patakaran ng curfew upang maiwasan ang paglabag at mapanatili ang kaayusan sa Digos. Resulta ng kamakailang mga kaso na kinasasangkutan ng mga menor de edad na nagrarambulan at lumalabag sa mga batas ng bandalismo ang pagpapatupad ng mayor ng nasabing polisiya. Nakahuli ng 25 na menor de edad ang Digos CPS sa unang gabi ng pagimplementa ng patakaran at natukoy nilang sa mga internet café, restobars, billiard halls, at iba pang panggabing libangan madalas tumambay ang kabataan.

PAARALAN

LABAN SA KATIWALAAN Forum nagpaigting ng malayang pamamahayag ng mga campus journalist sa social media

‘’

ni ZYLEE MARIGMEN

MAS NAUUNAWAAN NAMIN ANG MGA ISYUNG NAKAAAPEKTO SA BANSA

M

atapos magkaroon ng forum sa Cor Jesu College, Inc. (CJC) nitong Setyembre 20, 2025, higit na napalakas ang freedom of speech ng mga campus journalist na malayang naiparinig at naipahayag ang kanilang boses hinggil sa mga isyung panlipunan gaya ng korapsyon sa iba’t ibang opisyal na social media pages.

Isinagawa ang “Usapang Bayan: Understanding the Corruption in the Philippines” sa pamamagitan ng Google Meet at livestream, na pinangunahan ng Guidance Counseling Center, bilang hakbang hindi lamang sa pagpapalalim ng kamalayang panlipunan kundi pati sa pagbibigay-daan sa mas bukas at responsableng diskurso sa digital platforms ng paaralan. Bilang susunod na aksyon matapos ang forum, hinikayat ng pamunuan ng CJC ang mga campus journalist at mag-aaral na gamitin ang opisyal at kaakibat na social media pages bilang daluyan ng

#

CJC Foundation, umaalab ang adbokasiyang pagbibigay-tulong pinansiyal sa mga estudyante

makabuluhan, mapanuri, at etikal na talakayan tungkol sa mga usaping pampulitika at panlipunan, partikular ang laban kontra katiwalian. “Here at Cor Jesu College we ensure transparency and our actions are guided by our three pillars: excellence, community, and apostleship, and grounded by the core value of compassion. Excellence calls us to live with integrity, community reminds us that we are stronger together, apostleship challenges us to practice our faith through action, and compassion urges us to go beyond ourselves and

MGA IMPLEMENTASYON NA GINAWA NG MGA FACULTY, STAFF, AT MAG-AARAL PAGKATAPOS NG FORUM

1

ni JANWYNNE SUAN 11-STEM A

work for the good of others, especially those most affected by injustice.” ayon kay Gng. Jingle Navarez, MAEd, RGC, Head ng Guidance and Counseling Center. Ibinahagi rin ng mga tagapagsalita ang mahalagang papel ng malayang pamamahayag sa pag-unawa sa korapsyon, na nagsilbing inspirasyon sa mga mag-aaral na magsulat at makilahok sa diskurso.

RESIBO SA PAARALAN Strict implementation of using official receipt in school transaction.

2

SIGAW. Bumuhos ang sigaw ng hinaing ng mga STEM-SHS students ukol sa isyung korapsyon na tinalakay sa forum nitong Setyembre 20, 2025. KUHA NI DEE HAO

Matapos ang forum, ilang artikulo at editorial posts ang nailathala sa social media pages ng Cor Jesu College, patunay ng pinalakas na boses ng mga campus journalist sa mga isyung panlipunan. “Mas naging matapang kami ngayon na magsulat at magpahayag ng aming saloobin online dahil alam naming may suporta ang institusyon sa responsableng pamamahayag,” ayon sa isang campus journalist na aktibong lumahok sa paglalathala ng mga post matapos ang forum. Binigyang-diin ng Guidance Counseling Center na ang paggamit ng social media bilang

MALAYANG OPINYON Journalists were encouraged to share their opinions on social media

3

medium ng diskurso ay bahagi ng mas malawak na layunin ng paaralan na hubugin ang mga mag-aaral bilang mapanuri, may paninindigan, at handang makilahok sa demokratikong proseso. Pinatunayan ng Cor Jesu College na ang forum laban sa katiwalian ay hindi nagtatapos sa talakayan lamang, kundi nagpapatuloy sa konkretong aksyon sa pamamagitan ng pagbibigay-lakas sa malayang pamamahayag at paggamit ng social media bilang kasangkapan sa pagtataguyod ng katotohanan, pananagutan, at pagbabago sa lipunan.

ISYUNG PULITIKAL SA KLASE Integration of relevant current political issues in the class discussion.

Pangingikil vs Cor Jesian

Panawagan ng mga estudyante kontra pangingikil ng PNP Digos ni ZYLEE MARIGMEN

Umapela ang mga mag-aaral ng Cor Jesu College, Inc. (CJC) na itigil ang umano’y illegal na gawain ng ilang pulis matapos lumabas sa isang student-led survey na 10 mag-aaral ang nagsabing sila ay nabiktima o may direktang karanasan sa umano’y pangingikil sa mga checkpoint sa Digos City.

DISKUSYON. Tinalakay ng PNP ng Digos ang ukol sa illegal na gawain o pangngikil ng kapwa nila kapulisan upang matigil na ang masamang gawi nito. KUHA NI MARCO VILLAHERMOSA

Ayon sa survey, may mag-aaral na nakaranas ng umano’y pangingikil, at ang iba ay may kakilalang nabiktima sa mga checkpoint Batay sa sarbey, karaniwan umano ang paniningil kapalit ng hindi paghuli, o mas mahigpit na trato sa estudyanteng rider kaysa ibang motorista. Binayaran ko nalang ng ₱1,000 para hindi ako hulihin, natakot ako kahit minor lang ang violation,” sabi ni alyas Marvin, estudyante ng CJC. Dahil dito, sama-samang nanawagan

ang mga mag-aaral ng CJC na agad na matigil ang umano’y pangingikil at masigurong patas ang pagpapatupad ng batas. “Panawagan naming mga estudyante na sana ay itigil na ang ganitong gawain upang hindi na maulit sa iba,” pahayag ng isa pang Cor Jesian. Kaugnay nito, sinisiyasat ng Digos City Police, katuwang ang Davao del Sur Police, ang paratang ng isang abogado sa umano’y pangingikil sa Barangay Colorado, na iniuugnay ng mga

estudyante sa kanilang karanasan. Sa kasalukuyan ,wala pang opisyal na pahayag ang Digos City PNP tungkol sa paratang ng pangingikil na iniuugnay sa mga estudyante ng CJC at komunidad. Patuloy na hinihikayat ang mga Cor Jesian na magsumite ng reklamo at ebidensya laban sa umano’y pang-aabuso, habang umaasa ang komunidad ng CJC sa hustisya at pananagutan ng mga sangkot.

Sa likod ng tagumpay ng bawat nangangarap na Corjesian, may mga taong tahimik na gumagabay at tumutulong. Iyan ang adbokasiyang patuloy na inihahandog ng Brother Polycarp Foundation, foundation ng Cor Jesu College, para sa mga nangangailangan ng tulong upang makapag-aral, lalo na sa mga nangangarap na mga mag-aaral ng CJC, kung saan isa ito sa mga nagbibigay tulong-pinansiyal sa mga estudyanteng kapos. Ayon kay Madam Maribel C. Guerra, Executive Director ng Brother Polycarp Foundation, “We provided educational assistance for identified working students in a form of monthly financial assistance to aid some of their educational needs, like supplies, photocopying of requirements, transportation kay pobre man sila.” Dagdag niya, pangunahing layunin ng organisasyon ay ang maghatid ng educational assistance at capacity building activities sa mga kabataan, kabilang ang Computer Literacy, Dancing, Theatre, at iba pa, na humahasa at nagpapaunlad ng kanilang mga kakayahan. “Kini amoang mga working students kanang typical nga support for working students, tuition fee nila, and of course naa pud sila’y monthly allowance,” tugon niya. Pagbabahagi niya, sinimulan ang pagbibigay tulong ng Cor Jesu College noong 1980s hanggang sa opisyal itong naging foundation noong 2009, kung saan simula 2013 ay nakapagtapos na sila ng 3 Student Assistants, at nakapag-abot ng tulong sa mahigit 100 na mga mag-aaral. “We also have 203 sponsored children, so we provide educational assistance from head to toe, meaning ilahang school uniform, school bag, shoes,” pagbabahagi ng BPF President. Sa kabilang banda, ayon naman kay Roxanne Ramos, President ng Association of Student Assistants, kurso niya ay Bachelor of Science in Business Administration, Major in Financial Management, dahil sa programa, natulungan siyang patuloy na makapag-aral habang nagtatrabaho bilang Student Assistant sa CJC. Sa huli, sa pagiging student assistant (SA) sa Cor Jesu College, mahirap man ngunit taos-pusong nagpapasalamat si Roxanne, at patuloy din ang pagbibigay-tulong ng programa sa mga batang nangangarap ng maunlad na bukas.

PAGPAPATULOY MULA SA PAHINA 1

CJC, sinuspinde ang klase dahil sa bomb threat; seguridad pinaigting HINAING NG KORYESUNISTAS AT MGA MAGULANG

Nabahala ang mga estudyante sa nasabing pangyayari at ani ng karamihan ay takot pa rin sila sa posibilidad na mangyari ulit ang pagbabanta habang sila ay nasa loob ng paaralan. “Kani nga experience kay very serious jud siya kay daghan kaayo ang maapektuhan if nahitabo jud and hadlok sad kaayo kay daghan ug mga nag ingon nga from NPA kuno ang nag send sa threat,” pahayag ni Mikko Alterado mula sa Baitang 12- ABM A. Nagpahayag din ng pangamba ang mga magulang sa sitwasyon ng paaralan dahil hindi na sila kampante na ligtas ang kanilang mga anak sa loob ng CJC. “Hindi madaling mag-alala nang lubusan, hindi biro ang bomb threat.,” saad ni Gng. Angeles sa kanyang comment sa isang post ng CJC. “Laging maging mapagbantay at dagdagan ang seguridad, ang mga sasakyang papasok at lalabas sa paaralan ay dapat inspeksyunin.”

MGA BIRO TUNGKOL SA SITWASYON (BOMB JOKES)

Pinaalala ng Prefect of Student Formation na si Bb. Rhea Mae Aratan na hindi dapat gawing biro ang sitwasyon at lumalabag ito sa Student Handbook ng CJC at sa Presidential Decree No. 1727 o Anti-Bomb Joke Law na nagbabawal sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon o biro tungkol sa pagpapasabog ng paputok o bomba. “We urge all students to exercise responsibility and caution when posting or sharing content online,” saad ni Bb. Aratan. “Violations will be taken seriously and may result in disciplinary action.”


08 OP-ED PAKINGGAN

Palabas ng mga Payaso ni MICO PANGILINAN

Pondo ay dapat sa mahihirap, hindi sa pagpapahirap Binabaligtad ng ating pamahalaan ang tunay na gamit ng kapangyarihan, mula sa dapat ay paglilingkod ay tumutungo sa pagpapasikat, na para bang ang lungsod ay entabladong itinayo hindi para sa mamamayan kundi para sa sarili nilang palabas. Sa lungsod na may bilyong piso ang kita, mas pinipili nilang magpakitang-tao kaysa mag-ayos ng buhay ng tao. Kung ganito ang patuloy na direksiyon ng pamahalaan, hanggang kailan pa ba kami maghihintay sa aruga ng ating lokal na pamahalaan? Bilang isang Koryesunista, hindi ko alam kung pagtawanan o ikahiya ang pamahalaan ng Digos na nagmistulang entablado ng sirko, at tila sila lang ang natutuwa sa kanilang palabas. Ayon sa City Budget Office, gumastos sila ng halos ₱18 million para sa Araw ng Digos. Maganda sanang pakinggan kung hindi nabubulok ang maraming serbisyong dapat ay inayos na. Sa kabila ng kulang na pasilidad pangkalusugan at pamayanang arawaraw na lumalaban, mas mahalaga sa kanila ang liwanag ng entablado kaysa liwanag ng tungkulin.” Sa lungsod na matagal nang nauuhaw sa maayos na serbisyong pangkalusugan at kalinisan, pinili ng

pamahalaan ng itong nilalanghap. Digos na diligan ang Ang ganitong uri pansamantalang ng pamamalakad aliw. Ayon sa City ay hindi lamang Information Office (CIO), nagtayo sila ng P10.5-milyong Health Center noong nakaraang Disyembre, ngunit mas masagana MAS MAHALAGA ang halos SA KANILA ANG ₱18 milyong LIWANAG NG badyet ENTABLADO KAYSA para sa LIWANAG NG ilang gabing selebrasyon TUNGKULIN ng Araw ng Digos. Samantala, ayon sa pag-aaral ng University of Mindanao (UM) noong Abril 2025, nagbabadya ang tambak ng basura kapalpakan, kundi sa Barangay Lungag, kawalan ng respeto sa na nagdudulot ng amoy bawat mamamayang at polusyon sa mga nagbabayad ng buwis pamilyang araw-araw na para bang ang naging

‘’

SANAYIN

ItinaPONg buhay ni ARNBEL VILLARENTE

Mababang financial literacy ng mga Cor Jesians

lunas ng lungsod ay hindi gamot kundi panandaliang kasiyahan at maiingay na tugtugan. Habang milyonmilyon ang ginugugol sa mga engrandeng selebrasyon, patuloy na iniwawalangbahala ng pamahalaan ang buhay at kaligtasan nating mga nasasakupan. Ang mamamayan ng Digos ay hindi humihingi ng marangyang proyekto, ang aming hinaing ay sana ang maayos na pangkalusugan, suportadong pasilidad para sa bayan, at malinis na kapaligiran. Kailangan dagdagan ang pondo ng mga pasilidad pangkalusugan at

tiyakin ang regular na pagpapatayo nito, lalo na sa mga lugar na malayo sa ospital at madalas salat sa serbisyong medikal. Kailangan ding magkaroon ng tuluytuloy na pagmomonitor sa kalinisan sa mga pamayanan. Sapagkat, kung magpapatuloy ang kapabayaan, hindi na kailangan ng mga pagtatanghal na nakakaaaliw sa lungsod sapagkat ang mismong pamahalaan ang nagiging payaso at nagpapakita ng katatawanan sa sariling bayan at sistema ng kanilang pamumuno. Direktang resulta na sa palabas na iyon, ang kinabukasan nating mga mamamayan ang palaging talo.

Liham ng Patnugot Mahal na Patnugot,

Ramdam po naming mga SHS na mag-aaral ang labis na init sa klasrum tuwing hapon. Nais ko lang pong malaman kung bakit hanggang alas-3 ng hapon lamang maaaring magamit ng mga SHS-students ang aircon gayong may ilang mga klase o mag-aaral na hanggang 4:20 ng hapon sila gagamit ng klasrum? Gumagalang, Trixie Mangundato – Grade 11 – ASSH B

Tugon ng Patnugot Trixie, Dinig ko sa karamihang mga SHS na magaaral ang isinusumbong mo at hindi ito maipagkakaila na malaking abala lalong lalo na sa mga mag-aaral na may gawain pang ginagawa sa klasrum. Ilang beses ko na ring naririnig ang reklamong ito. Kaya, maasahang makakarating ang iyong hinaing sa mga nangangasiwa sa ating Pamantasan. Sumasainyo, PATNUGOT

PAGTIMBANGIN

Spill-age vs. Skill-age: Bumabahang pondo, estudyante ng CJC kumilos! ni QUENN QUIDET

Sa bansang patuloy na ninanakawan ang kaban ng mamamayan, ang pananahimik ay pakikiayon. Kaya naman ang pakikilahok sa Trillion Peso March ay malinaw na paninindigan laban sa sistematikong korapsyon.

AASCU-approved, may papuri, at P mataas ang rating ang Cor Jesu College Inc., ngunit sa kabila ng lahat ng

Ano nga ba ang korapsyon para sa Digos City? Isang malinaw na halimbawa ang Digos River Flood Control Project (Contract ID 22L00080). Ayon sa PACC field validation noong Setyembre 9, 2025, iniulat ng DPWH na 80.03% na ang natapos ng proyekto, ngunit aktwal na humigit-kumulang 20 linear meters lamang ang natapos. Naantala rin ang proyekto ng mahigit tatlong taon mula sa orihinal na 320-araw na iskedyul, at ginamit ang right-ofway justification sa isang river easement na pampublikong dominyo sa ilalim ng Civil Code Sa CJC, lantad ang kultura ng labis na paggastos, at Water Code ng Pilipinas. Hindi lamang pera lalo na sa canteen. Batay sa isang campus survey, ang ninakaw—ang karapatang maprotektahan 9 sa bawat 10 estudyante ang nauubos ang baong laban sa sakuna ay ipinagkait din sa mga ₱1k–₱3k bago matapos ang linggo. Ipinapakita nito Digoseño. na hindi kakulangan sa pera ang suliranin, kundi Mahigit 200 na Digoseño, kabilang ang kakulangan sa financial education at disiplina sa mga estudyante at guro sa CJC, manggagawa, paggastos, na pananagutan ng sistemang dapat pamilya, at miyembro ng simbahan, ang gumabay sa kabataan. nagtipon sa Rizal Park gamit ang karapatang Ang Republic Act No. 10922 o Economic and garantisado ng 1987 Philippine Financial Literacy Act of 2016 ay mahalaga Constitution, Article III Section sa paghubog ng wastong pamamahala ng 4. Hindi ito banta sa estado; pera, na dapat ituro mula sa murang edad. ito ay paalala na may Gayunman, mahirap itong matutunan mamamayang handang kung ang paaralan ay nakatuon lamang maningil at magsalita. sa akademikong marka at hindi sa Ang malawakang INIULAT NG DPWH NA mga kasanayang kailangan sa totoong panawagan laban sa 80.03% NA ANG NATAPOS buhay. korapsyon ay nagbunga NG PROYEKTO, NGUNIT SA Hindi sapat ang husay sa Math AKTWAL NA GAWA HUMIGITkung kulang sa kakayahang magKUMULANG 20 LINEAR budget. Walang saysay ang mataas na METERS PA LAMANG ANG grado kung mahina sa pagdedesisyon. NATAPOS. Sa gitna ng mahal na bilihin at limitadong oportunidad, ang pag-iipon at matalinong paggastos ay anyo ng katalinuhang nasusukat hindi ng pagsusulit, kundi ng realidad. Dapat ituro sa paaralan sa lahat ng antas ang praktikal na kaalaman—financial management, decision making, at konsepto ng delayed gratification. Hindi ito kapalit ng akademikong aral, kundi katuwang nito. Ang estudyanteng marunong mag-isip bago gumastos ay mas handa sa kolehiyo, trabaho, at responsibilidad sa pamilya. Ang disiplina sa pera ay pundasyon ng disiplina sa buhay. Sa huli, ang pag-iimpok ay hindi pagiging kuripot kundi pagiging handa. Sa ilalim ng RA 10922, kinikilala ang kahalagahan ng financial literacy, BILANG NG MGA gaya ng sa Singapore kung saan ito’y bahagi ng K–12 curriculum. Dahil dito, mas handa ang kabataan sa MAMAMAYAN totoong buhay—isang layuning dapat isulong ng NG DIGOSENO edukasyon, hindi lamang ang pagpasa sa pagsusulit. Dapat ang edukasyon ay nagtuturo kung paano NA DUMALO pumasa, hindi kung paano itapon ang kakayahang SA TRILLION mabuhay.

ito, tila walang silbi ang itinuro sa mga bata dahil pagdating sa totoong buhay, “practical” hindi “theoretical”. Marunong nga mag-solve ng komplikadong equation, pero nauubos agad ang baon sa simpleng budget. Sa sistemang ito, malinaw ang kakulangan: kulang sa praktikal na edukasyon, lalo na sa kung paano humawak ng pera at gumawa ng matalinong desisyon sa araw-araw.

‘’

#

MARCH

DIBUHO NI DEE HAO

ng simbolikong hakbang—ang livestream ng bicameral conference committee. Ngunit sa kabila ng sinasabing transparency, nananatiling malabo ang pananagutan sa mismong nilalaman ng pambansang badyet na nagkakahalaga ng ₱6.793 trilyon. Sa proseso ng bicam, ang ilang pondong kinuwestiyon o binawas sa senado ay muling na-realign sa pinal na bersiyon. Ipinapakita nito na ang pagiging bukas ng deliberasyon ay maaaring nagmistulang performative transparency, mas nakatuon sa imahe kaysa sa tunay na pagsusuri at proteksiyon ng pondo ng publiko. Kinakailangang suriin at i-reporma ang mga batas na namamahala sa public misconduct at accountability. Tulad ng Anti-Corruption strategy sa Malaysia, ipinapakita ng highprofile cases tulad ng pagkakakulong kay dating Prime Minister Najib Razak sa 1MDB scandal na maaari talagang mapatawan ng pananagutan ang pinakamataas na opisyal. Ang kawalan ng mataas na personalidad na nahuhuli sa Pilipinas ay malinaw na indikasyon ng kahinaan ng ating hudikatura at ng umiiral na batas sa infrastructure at accountability measures. Mahalaga rin ang papel ng civil society at mga watchdog organizations. Ang mas maraming mata na nakabantay sa proseso ng

200+

Ang sumali sa pagtitipon sa Rizal Park Digos City upang ipaabot ng boses ng mamamayn ukol sa korapsyon ng mga nasa posisyon.

pamahalaan ay nagreresulta sa mas ligtas na paggamit ng pondo, habang ang mga thirdparty observers at international monitoring ay nagpapahirap sa anumang pagtatangkang magnakaw. Ang panukalang batas hinggil sa blockchain ni Senador Bam Aquino ay isang hakbang patungo sa mas transparent na procurement at mas mababang posibilidad ng katiwalian. Hindi lamang ang mga nakaupo sa pwesto ang may tungkulin sa reporma. Ang kabataan, partikular ang mga estudyante ng CJC, ay may konkretong puwedeng gawin: basahin at suriin ang badyet at ulat ng pamahalaan, gamitin ang campus publications bilang plataporma ng fact-based na kritisismo, at magsagawa ng mapayapang forum tungkol sa korapsyon at pananagutan. Maaari ring palakasin ang student organizations bilang bantay ng transparency at magsulong ng civic literacy at voter education. Sa ganitong paraan, ang ingay ay nagiging makabuluhan, ang pagtindig ay nagkakaroon ng direksyon, at ang kabataang kumikilos ay nagtatayo ng mas responsible at may pananagutang kinabukasan. Sa panahon ng spill-age, ang skill-age ng kabataan ang tanging sandata laban sa katiwalian at kapabayaan.

6.7T

Pambansang badyet na patuloy ang diskusyon ukol sa transparency sa paggastos ng pondo.


Opisyal na Pahayagang Pangkampus sa Filipino ng Cor Jesu College, Inc. Basic Education Department TOMO XXXVIII BILANG I HULYO 2025 - ENERO 2026

LATHALAIN 09

Kape’t Koneksyon

Nang sabihin ng kanyang apo na nais mag-aral sa Cor Jesu College, hindi na siya nag-atubili sa mas mataas na gastusin sapagkat para sa kanya, ang edukasyon ay pagasa. Mula umaga hanggang hapon, masipag siyang nagtatrabaho at nag-iipon upang matustusan ang pag-aaral at pangarap ng kanyang apo. Kaya mula umaga hanggang dapit-hapon, naghahati siya ng karne, tumatanggap ng suki, at iniipon ang bawat baryang mayayari—lahat para sa tuition, libro, baon, at pangarap ng kanyang apo.

ni CHRISTHALLENE VILLAHERMOSA

Sa ilalim ng sikat ng araw sa Digos City, hindi lang ang usok ng mga sasakyan ang bumabalot sa hangin. Sa bawat kanto, may isang pamilyar na samyo na tila tumatawag sa ating mga pandama: ang tapang at bango ng bagong giling na kape. Para sa mga kabataang Cor Jesian, ang kape ay hindi lamang negosyo kundi bahagi na ng kanilang pagkakakilanlan. Isa itong simbolo ng pagsisikap na kasing-pait ng espresso ngunit kasing-tamis ng tagumpay. maliit na puhunan bitbit ang disiplinang itinanim ng kanilang alma mater. Sila ay natutong maging masinop, matiyaga, at malikhain sa gitna ng tumitinding kompetisyon sa merkado. Isa na rito si Christine Robillos, isang Grade 12 student ng CJC, na tumutulong sa kanilang Dwntwn Café. Para sa kanya, malaking tulong sa pamilya at sa sariling paglago ang pagpasok sa ganitong uri ng hanapbuhay. “Natuto akong makitungo sa mga customer at magpatakbo ng negosyo,” aniya. Ngunit bilang isang mag-aaral na hinubog sa hamon, alam niyang hindi madali ang laban dahil sa

dami ng nagsusulputang kapehan. “Mas tumitindi ang laban. Kailangan mong magisip ng kakaibang konsepto para mapanatili ang mga customer.” Ang pananatili sa tuktok ay nangangailangan ng higit pa sa simpleng pagtitimpla; kailangan ng diskarte at talino. Ganito rin ang karanasan ni Samuelle Buac, isang Grade 10 student ng CJC na tumutulong sa The Nook. Para sa kanya, ang bawat lamesa ay saksi sa puyat at pagod ng kapwa niya mga estudyante. “Dito kami nag-aaral at nagpapahinga. Para siyang extension ng paaralan,” kwento niya. Ang café ay naging santuwaryo ng mga diskusyon at

FRIES AT PINEAPPLE JUICE Ang sakripisyo ng isang ina sa pagtitinda sa night market ni DENJANE REUSORA

PAGMAMAHAL. NAGPUPURSIGI GABI-GABI SA PAGTITINDA SA NIGHT MARKET ANG ISANG INA NA SI MARY JANE CABRERA, 30, NG MGA STREET FOODS UPANG KUMITA NG PERA AT MASUPORTAHAN ANG KANIYANG DALAWANG ANAK NA NAG-AARAL PA LAMANG. KUHA NI MARCO VILLAHERMOSA

samahang Cor Jesian, bagaman ramdam niya ang panganib na mawala ang uniqueness kapag naging pare-pareho na lang ang lahat. Sa Digos City, ang pagiging Cor Jesian ay lumalampas sa apat na sulok ng silid-aralan at nananalaytay sa bawat tasa ng kape. Ito ay tulay ng koneksyon, simbolo ng pagtitiyaga, at patunay ng pangarap ng mga kabataang ayaw sumuko sa hamon ng buhay. Sa bawat lagok, naroon ang paalala na sa gitna ng lahat ng tamis at ginhawa, matatagpuan ang tunay na lasa ng pagsisikap: mapait man, pero totoo.

Sa ilalim ng mapusyaw na liwanag ng mga poste, habang marahang lumulubog ang araw at unti-unting binubuhay ng gabi ang lungsod sa ingay at galaw, may isang babaeng tahimik na nakatayo sa harap ng kanyang munting puwesto sa night market. Sa gitna ng nagmamadaling hakbang ng mga tao, naroon siya,nakangiti, kahit dama ng kanyang mga palad ang hapdi ng init ng kawali at ang bigat ng ilang oras na pagtayo. Si Mary Jane Cabrera ay isang tindera ng street food at isang ina na nagsisikap itaguyod ang pamilya. Sa bawat benta ng pineapple juice at pritong fries, tinutustusan niya ang pangaraw-araw na pangangailangan at pag-aaral ng kanyang anak sa Cor Jesu College. Hindi man kalakihan ang kita na humigit-kumulang ₱500–₱800 kada araw, sapat na ito upang makabili ng pagkain, baon ng mga anak, at masuportahan ang pagaaral ng kanyang anak at ang simpleng pamumuhay ng kanilang pamilya. Ang puwestong kanyang tinatayuan ay hindi niya pag-aari. Ito ay pagmamay-ari ng kapwa niya miyembro ng simbahan, isang patunay ng kapatirang hindi lamang umiiral tuwing linggo, kundi sa araw-araw na pakikibaka ng buhay. Dito niya natutunan na ang pagtitinda ay hindi lamang

MONTHLY INCOME

500-800PHP kada araw, sapat na ito upang makabili ng pagkain, baon ng mga anak, at masuportahan ang pag-aaral ng kanyang anak at ang simpleng pamumuhay ng kanilang pamilya

Isang kuwentong sakripisyo, pagkalinga ng isang lola para sa kanyang apo ni DENJANE REUSORA

Mapait na pagsisikap, totoong tagumpay ng mga CorJesian

Ayon kay Christian Sanchez, Senior Trade Industry Development Specialist ng DTI Digos, nasa mahigit limampu ang rehistradong coffee shops sa lungsod, bukod pa sa mga pop-up stalls. Nagsimula ang pagdami nito noong pandemya habang sarado ang mga paaralan at mall. Dito muling nabuhay ang mga kalsada sa amoy ng kape at tunog ng espresso machine. Dahil sagana ang Digos sa Arabica coffee mula sa paanan ng Bundok Apo, maraming lokal na negosyante ang nagsimulang magproseso ng sarili nilang beans. Maraming kabataang Cor Jesian ang sumabak sa

Katas ng Karne

‘’

MAGSIKAP KAYO SA PAG-AARAL DAHIL HINDI MADALI ANG TRABAHONG ITO

pag-abot ng pagkain, kundi isang tahimik na anyo ng pag-aalay ng sakripisyo at pag-ibig. “Magsikap kayo sa pag-aaral dahil hindi madali ang trabahong ito,” madalas niyang paalala sa kanyang mga anak—hindi bilang sermon, kundi bilang paalala na ang bawat pawis, puyat, at bawat basong pineapple juice na naibebenta ay may kaakibat na pangarap na hindi dapat sayangin. Madalas na madalingaraw na siya nakakauwi, dala ang lamig ng gabi at matinding pagod, ngunit hindi siya sumusuko. “Hindi ako puwedeng panghinaan ng loob dahil may mga anak akong pinag-aaralan,” wika niya—sapagkat para sa kanya, ang puyat at pagod ay anyo ng pagmamahal at puhunan sa mas maliwanag na kinabukasan ng kanyang mga anak. May mga pagkakataong isinasama niya ang kanyang panganay sa pagtitinda upang iparamdam ang tunay na halaga ng

bawat kinikitang piso at ituro na ang tagumpay ay pinaghihirapan. Sa gitna ng usok, ilaw, at ingay ng night market, si Mary Jane ang haligi ng kanyang pamilya—isang inang walang kapaguran na patuloy na lumalaban, nagsasakripisyo, at nangangarap.

MONTHLY INCOME

1,200-1,800PHP

bagama’t pabago-bago ito depende sa benta at suplay ng karne

Sa isang araw ng pagtitinda, kumikita si Lola Nilda ng humigit-kumulang ₱1,200–₱1,800, bagama’t pabago-bago ito depende sa benta at suplay ng karne. May mga araw ding hindi siya nakapagtitinda, kaya sa loob ng isang buwan, ang kanyang kita ay umaabot o minsan ay hindi umaabot sa ₱50,000. Hindi maikakaila ang pagod at hirap ng kanyang araw-araw na trabaho, ngunit sa tuwing nababalitaan niyang mataas ang marka ng kanyang apo, napapawi ang lahat ng ito. “Masaya ako at nawawala ang pagod ko,” wika niya, sabay ngiting hindi matutumbasan ng anumang halaga. Sa labintatlong taong pag-aaruga at pagtitiis, hindi niya inusisa ang sariling sakripisyo. Para kay Lola Nilda, ang tunay na pagmamahal ay kusang ibinibigay—at sa bawat hiwa ng karne, dala ang pangarap ng mas maliwanag na kinabukasan para sa kanyang apo. Dito nagiging malinaw ang kahulugan ng katas ng karne. Ito ay hindi lamang pinansyal na pinagkukunan, kung hindi bunga ng sakripisyo, pruweba ng pagmamahal, at ugat ng isang pangarap na unti-unting natutupad. Ang katas ng karne ang nagpaaral. Ang katas ng karne ang nagbukas ng pintuan ng oportunidad. Ang katas ng karne ang naging katas ng pag-asa. Hindi kailangang maging engrande ang kabayanihan para maging totoo. Minsan, sapat na ang isang pares ng kamay na handang magtrabaho para sa kinabukasan ng minamahal. PAG-AALAGA NA WALANG HANGGANG. SA ISANG MAINGAY AT MASIKIP NA PALENGKE AY NAKATAGO ANG KUWENTO NG SAKRIPISYO NG ISANG LOLA, ISANG PATUNAY NA ANG PAGMAMAHAL AY PUNO NG PAGAARUGA, HINDI MATUTUMBASAN, AT WALANG KATAPUSAN. KUHA NI MARCO VILLAHERMOSA


16 AG-TEK PANGAMBA’T PROTOKOL. LABIS NA NABAHALA ANG COR JESU COLLEGE INC. BASIC EDUCATION DEPARTMENT SA PAGTAAS NG KASO NG CHICKENPOX NOONG SETYEMBRE 30, 2025 KAYA IPINATUPAD ANG MANDATORYONG FACE MASK AT PAG-IWAS SA SKIN-TO-SKIN CONTACT UPANG MAPIGILAN ANG PAGKALAT NITO SA PAARALAN.

PANGANIB NA BUTLIG CJC nangangati

KUHA NI DEE HAO

dahil sa chickenpox, 17 inpektado ni KATE PAYAN

I

pinatupad ng Cor Jesu College Inc. — Basic Education Department (CJC - BED) ang mandatoryong pagsuot ng face mask ang pag-iwas sa skin-to-skin contact dahil sa tumataas na kaso ng chickenpox noong ika-30 ng Setyembre 2025. Alinsunod ito sa pagsiklab ng kaso ng chickenpox sa paaralan kung saan 17 na ang nahawa, isang (1) aktibing kaso hanggang kasalukuyan. Isang nakakahawang sakit ang chickenpox na nagpapakita bilang makakati ang namumulang tuldok sa buong katawan na puno ng tubig o nana. Ito rin ay kadalasang sinasamahan ng lagnat, sakit sa ulo, pagkapagod, at kawalan ng ganang kumain. Sa pamamagitan ng pahinga at tamang gamot, matapos ang pito hanggang labing-limang araw ay mawawala rin nang tuluyan ang mga tuldok-tuldok sa katawan ng pasyente. “Ang mode of transmission ng Chickenpox ay sa pamamagitan ng direct contact at respiratory droplets, kaya ayon na ang aksyon ng clinic ay online class para sa mga bata na may “local transmission” sa chickenpox at mandatoryong pagsuot ng mask.”, ayon sa CJCBED School Nurse, Paulina Mae R. Melendez, RN. Dagdag pa ni Nurse Melendez na ang mga mag-aaral na mayroong “local transmission” sa chickenpox ay ang mga kaklase ng pasyente kaya’t panandalian silang inilipat sa pag-aaral online upang maobserbahan ang mga magaaral sa kung sino ang posibleng naapektuhan ng karamdaman. “Ang pagtigil sa paglaganap ng impeksyon ay nakadepende sa kung ano ang sakit ng lumilitaw.” karagdagang punto ni Nurse Melendez. Ipinaliwanag ng school nurse na mayroong tatlong pangunahing paraan sa pagkalat ng mga sakit.

#

69

Ito ay ang sa pamamagitan ng “direct contact” o direktang paghawak sa impektadong parte ng katawan ng may sakit, maaari rin itong “airborne” o makukuha sa kontaminadong hangin kung saan posibleng sumabay ang sakit, at respiratory droplets o laway. “Karaniwan din ang sore eyes sa atin dito. Ang sore eyes kase ay lubos na nakakahawa.” sabi ni Nurse Melendez. Alinsunod dito, ang ginagawa ng klinik ng paaralan sa mga mag-aaral na maaaring mayroong sore eyes ay kaagad itong pinapa-uwi.

i

7-15

Araw na maaaring gumaling ang balat na may chicken pox.

ANO ANG ITSURA NG BULUTONGTUBIG O CHICKEN POX? SORS: Homeroom School Nurse

1

PRODOME (THE START)

2

Nagsisimula 1–2 araw bago lumitaw ang pantal. Mga sintomas: lagnat, pananakit ng ulo, kawalan ng gana kumain, at pangkalahatang pakiramdam ng panghihina o hindi maayos ang pakiramdam (malaise).

THE RASH (VESCICLES) Lumalabas ang makating pantal na nagsisimula sa dibdib, likod, at mukha bago kumalat sa buong katawan, at kalaunan ay nagiging mga paltos na may laman na likido.

3

CRUSTING (HEALING) Pumuputok at natutuyo ang mga paltos hanggang maging langib, at nakahahawa ang pasyente hanggang lahat ng paltos ay maglangib.

DINGGIN Ang naitalang HIV+ ng Digos City Health Ofiice na nagbigay alarma at nagtulak sa kanila na magbigay kamalayan sa mga kabataan.

Edad 15-18, pinakamataas sa kaso ng HIV sa Digos; lokal na pamahalaan umaksyon

Yelong Yakap: Bagong aircon units sinalba ang CJC sa Init ni KATE PAYAN

ni JHULLY TAMPUS

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa lungsod ng Digos, kung saan karamihan sa mga bagong pasyente ay mga kabataang nasa edad 15 hanggang 18, mas pinaigting ng lokal na pamahalaan ang mga hakbang sa pagbibigay-kamalayan sa pamamagitan ng HIV awareness lectures sa mga paaralan at komunidad. Sa datos ng Provincial Health Office (PHO), umabot na sa 156 ang HIV-positive cases mula 1984 hanggang Hunyo 2018, habang 69 naman ang naitala ng City Health Office (CHO) sa parehong panahon; 82% sa mga ito ay nasa edad 15 hanggang 24, na nagpapakita ng patuloy na pagdami ng mga mas batang nagiging positibo. “Pinakamahalaga talaga ang information dissemination dahil malaki ang pagtaas ng kaso sa mga edad 15 hanggang 24, kaya pumupunta talaga ako sa mga paaralan para maging aware ang mga kabataan sa kung ano ang dapat nilang gawin,” ayon kay Renesa Christine T. Alvarado, RN, HIV Counselor ng Reproductive Health & Wellness Center (RHWC) ng lungsod ng Digos. Dahil sa pinalawak na kampanya, dumami ang nagpapasuri at gumagamit ng proteksiyon gaya ng condom, pumupunta rin sila sa mga establisyemento, paaralan, at pampublikong lugar upang ipaliwanag ang HIV testing sa publiko. Tumaas ang bilang ng kaso bunsod ng mas mataas na awareness at accessibility ng libreng testing sa CHO. Sa paaralan ng Cor Jesu College,

Inc. (CJC), mas pinaigting ang health education upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang tamang impormasyon tungkol sa HIV, lalo na sa usapin ng safe sexual practices at pagiwas sa diskriminasyon sa mga taong apektado nito. “CJC can raise HIV awareness by integrating basic HIV education into science and health classes, focusing on facts and prevention.” ayon kay Miss Aia Franco, isa sa mga guro sa Agham ng CJC. Ayon sa CHO, karaniwang nasa edad 14, 15, 16, at 18 ang nagpositibo, indikasyon ng kakulangan sa wastong kaalaman at maagang exposure sa risk behaviors, dahilan upang palakasin ang edukasyon tungkol sa sakit. Sa kasalukuyan, nakikipagugnayan na ang lungsod ng Digos sa mga infectious disease specialists at Embrace Health Clinic para sa agarang referral, libreng laboratory tests, at tuloy-tuloy na gamutan upang matiyak na ang mga kabataan at iba pang pasyente ay hindi lamang nalilinawan kundi nabibigyan din ng komprehensibong suporta laban sa HIV.

Nanginginig ang apdo ng mga mag-aaral ng Cor Jesu College nang sinimulang pabugahin ng nagyeyelong hangin ang mga ikinabit na air conditioning units sa bawat silid ng Senior High School Department ng Cor Jesu College (CJC) mula noong simula ng school year sa Hulyo 2025. Sumusobra man ang ginaw, ito naman ay nagsisilbing solusyon mula sa mga kapahamakang dala ng umaalingasaw na init ng mundo. Noong kasagsagan ng Hulyo, umabot sa humigit kumulang 40°C hanggang 46°C ang heat index o nararamdamang temperatura sa Digos City, ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO). Ang lebel ng init na ito ay tinuturing “danger level” ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa kanilang heat index chart. Sa antas na ito, maaaring maranasan ang heat cramps, heat exhaustion, at tuluyang heat stroke. Sa init na ito, mistulang imposible ang pagkatuto ng mga mag-aaral at posibleng maging sanhi ng mga masamang karamdamang kaugnay sa maalinsangang panahon. Nagdadala ng negatibong epekto sa marka ng estudyante ang labis na init. Ayon sa pag-aaral sa University of Ibn Khaldoun sa Algeria na sabing ang matataas na temperatura ay nagiging sagabal sa konsentrasyon ng mga magaaral sa kanilang silid na nagreresulta sa pagkapagod at distraksyon na maaaring maging rason ng pagbaba ng kanilang kahusayan sa pag-aaral. Ngunit, masasabi ring panganib sa kalusugan ang pagiging air conditioned

ng mga silid-aralan dahil sa mga sakit na posibleng makahawa sa pamamagitan ng pagpabalik-balik ng daloy ng hangin dahil sa limitadong

‘’

ANG ISYUNG ITO AY MAAARING MASULOSYONAN SA PAMAMAGITAN NG SIMPLENG PALAGING PAGLILINIS NG BAWAT MAKINA NG AIRCON

pagkasala ng hangin ng aircon. Subalit, ang isyung ito ay maaaring masulosyonan sa pamamagitan ng simpleng palaging paglilinis ng bawat makina ng aircon upang masigurado ang kalinisan at sanitasyon ng hanging binubuga nito.

Dagdag pa ng American Lung Association na ang kalidad ng hangin sa bawat paaralan ay naaapektohan ng iba’t ibang aspekto tulad ng lokasyon, bentilasyon, temperatura, pangangalaga ng mga impastraktura, at kahit ang kilos ng mga taong nananatili rito; ang pagsasawalang bahala ng kalidad ng hangin sa mga paaralan ay magiging rason ng panandalian o pamhabangbuhay na epekto sa kalusugan ng mga mag-aaral at mga tauhan. Tunay na hindi maikakaila ang positibo at negatibong epekto ng air condition sa mga silid ng CJC. Kaya’t upang makontrol ang mga isyung ito, kailangang paigtingin ang pagpapanatili sa kalinisan sa bawat aircon unit at paigtingin ang mga gawain ng school clinic at paaralan upang maibsan ang mga kaso ng mga sakit na nakukuha mula sa hangin. Kahit nanginginig ang katawan ng bawat mag-aaral ng Cor Jesu, nagsisilbing nag-aapoy na yakap ng pangangalaga at malasakit ang bawat buga ng nagyeyelong hangin dahil sa dala nitong saklolo mula sa tila impyernong init ng mundo.


Opisyal na Pahayagang Pangkampus sa Filipino ng Cor Jesu College, Inc. Basic Education Department TOMO XXXVIII BILANG I HULYO 2025 - ENERO 2026 ISPORTS LATHALAIN

ISPORTS 17 ISPORTS 17

HARI NG MGA ALON

Mga bangkero nilabanan ang mga alon, parangal, inuwi ni LENJANSON ABLAZA

S

a rami ng problema sa mundo, tumatawag-pansin ang pangangailangan sa mga epektibong solusyon na maaaring lumutas sa sari-saring problema gamit ang isang pangkalahatang sagot. Lalo na sa larangan ng agrikultura kung saan ang mga problema rito ay maaaring umepekto sa ekonomiya at sa kalusugan.

Hinarap ng mga bangkerong mula sa mga bayan ng Digos City, Sta. Cruz, Sta. Maria, at Malalag ang mga hagupit ng alon at nakamit nila ang tagumpay sa iba’t ibang kategorya ng Bangkarera ng Padigosan Festival 2025 sa Barangay Dawis, Digos City, noong ika-19 ng Hulyo 2025. Ipinamalas ng mga bangkerong hindi lang isang uri ng hanapbuhay ang pagbabangka; maaari rin itong maging uri ng palakasan na susubok sa taglay nilang galing. “Sa paghahanda [para sa bangkarera], hindi lang ang bangka ang sisiguraduhin ng aming team. Sinisigurado rin naming nasa kondisyon ang mga katawan namin,” wika ni Patrick Pangyan, isa sa mga nagwagi sa Bangkarera 2025, patungkol sa kanilang paghahanda bago sumabak sa karera. 19 HORSEPOWER & BELOW ASD Matuling pinatakbo ni Patrick Pangyan ng Sta. Maria ang kaniyang

bangka patungo sa ginto at matagumpay niyang nasungkit ang tagumpay sa 19 Horsepower & Below ASD category ng Bangkarera 2025 ng Padigosan Festival 2025. Sumunod sa bangkero mula sa Sta. Maria sina Benjie Prudente ng Malalag sa pangalawang puwesto at Benjack Yudan, na nagmula rin sa Sta. Maria. 16 HORSEPOWER & BELOW HONDA ENGINE Mabalasik na pinatabi ni Eleazar Mawas ng Malalag ang mga along kanyang kinaharap at tinungo niya ang ginintuang katapusan sa 16 Horsepower & Below Honda Engine category ng Bangkarera 2025 ng Padigosan Festival 2025. Humabol sa bangkero mula sa Malalag sina Brex Diego ng Sta. Maria sa pangalawang puwesto at Renemer Geonzon ng Sta. Maria sa pangatlong puwesto.

tagumpay sa Single Paddle Category ng Bangkarera 2025 ng Padigosan Festival 2025. Bumuntot naman sa bangkero mula sa Sinawilan sina Jerom Alibom ng Cogon, Digos City, sa pangalawang puwesto at Hamer Igen ng Cogon, Digos City. BALING Kumaripas ang Boy Kahoy Group ng Aplaya, Digos City, papunta sa ginintuang panalo sa Baling Category ng Bangkarera 2025 ng Padigosan Festival 2025. Sumunod naman ang Power Puff Alaw Group ng Dawis sa pangalawang puwesto at Twin Brother Group ng Dawis. Sa pagwagi ng mga bangkero sa iba’t ibang kategorya, inuwi nila ang mga nagsisigarbong papremyo bilang patunay ng kanilang husay sa pakikipagbuno sa mga alon.

SINGLE PADDLE O DE MANO Gamit ang nagsisilakasang mga katawan, sinagwan ni Joselito Boiser ng Sinawilan, Digos City, ang kaniyang daan patungo sa

ISPORTS BALITA

Bacus, umarangkada patungong ikaanim na puwesto sa MTB XC Challenge ni LORAINE ALBARRACIN

Dumaan man sa butas ng karayom si Bacus ng CJC matapos ang kanyang unang laro, wagi pa rin niyang makuha ang medalya. “Kinakailangan ko pang mag ensayo palagi dahil alam ko na ibibigay ni Lord ang lahat sa tamang panahon,” sambit ni Bacus. Nagpakitang-gilas si Bacus sa simula pa lamang ng laro matapos makuha ang ikaapat na puwesto. Nahirapan naman si Bacus sa gitna ng laro matapos umeksena ang napakainit na panahon dahilan upang bumaba sa ikaanim na puwesto. Nagliyab man sa tensyon ang laro, napanatili pa rin ni Bacus ang kanyang puwesto bago matapos ang laro. Pinilit naman ni Bacus na manguna sa hulihan

KUHA NI MARCO VILLAHERMOSA

ISPORTS BALITA

CJC pinatalsik ang HCKI, DaDiTaMa sinaklot ni LENJASON ABLAZA

Sumalaksak ang Cor Jesu College (CJC) Red Lions para masungkit ang ginintuang puwesto laban sa Holy Cross of Kiblawan (HCKI), 50-91, sa 5x5 Men’s Basketball Championship match sa Diocese of Digos Commission on Catholic Schools (DDCCS) Sports Fest 2025 na ginanap noong ika-5 ng Disyembre sa CJC Open Court. ito naging dahilan upang sila ay madapa, 18-39. Sa ikatlong quarter, muling bumuwelta ang HCKI habang binakuran ng Cor Jesu gamit ang kanilang matinding depensa, ngunit lumiliyab ang dilaab ng CJC at tinapos ang ikatlong quarter sa iskor na 37-55. Malayo ang agwat ng CJC ngunit hindi parin sila naging kompyansa upang makandado ang tagumpay, sa higit na dalawang minuto ang nakatira, pinuruhan ng Cor Jesu ang buong laro at sinungkit ang panalo, 50-91. Isang mahigpit na laban ang ipinakita ng dalawang koponan sa buong laro, mala-kidlat na galawan ang naging dahilan sa mga malakasang pagtira upang mapasakamay ng Cor Jesu ang tagumpay.

KUHA NI DEE HAO

BANSALAN, Davao del Sur— Sinelyuhan ng labing-anim na taong gulang na si Giovanni Bacus ng Cor Jesu College (CJC) ang kanyang unang panalo bilang ikaanim na puwesto sa Mountain Bike (MTB) XC Challenge, ika-20 ng Hulyo.

HAGAPAK SA TUBIG. BUONG TAPANG NA BINAGTAS NG ISANG BANGKARERO ANG MGA RUMARAGASANG ALON SA SINALIHANG BANGKARERA COMPETITION NG PADIGOSAN FESTIVAL SA DAWIS BEACH, DIGOS CITY NOONG HULYO 17-18, 2025.

Pinasiklab ng mga manlalaro ng CJC ang mga matatag na depensa at dinagit ang panalo gamit ang kanilang mabangis na paghagis ng bola papasok sa hoop. “Training everyday and we gave our best upang manalo namin ag laro, we are very happy that we won, and finally our hardwork payed off” saad ni Eric Jhon Dayohoy, team captain ng koponan ng CJC sa basketbol. Sa unang quarter, nagpapakitang gilas ang HCKI habang inangkin ang kauna-unahang 2 points sa laro, ngunit hindi naman nagpapatalo ang CJC at ipinamalas ang kanilang tiyempo at liksi. Sumibat ang CJC sa gitna ng unang quarter at sa higit na 4 na minuto lamang ang nakatira nakuha nila ang momentum upat umangat, 9-15. Sa pangalawang quarter, nagkaroon ng miscommunication ang koponan ng CJC, ngunit hindi

PADYAK. HUMAHAGIBIS SA BILIS ANG IPINAKITANG PADYAK NI BACUS SA KOMPETISYONG BIKING.

‘’

ng karera, bigo naman siyang makalusot dito kaya ikinandado MASAYA PA ang RIN AKO DAHIL ikaanim na NAKAUWI AKO pwestong NG MEDALYA SA panalo. Hindi UNANG KARERA man KO SA BIKING pinaboran si Bacus na manalo sa kanyang unang laro, napasakamay pa rin niya ang medalyang kanyang hinihiling. “Masaya pa rin ako dahil nakauwi ako ng medalya sa unang karera ko sa biking,” pahayag ni Bacus. Makikitang muli ang tapang at bangis ni Bacus sa kanyang susunod na mga laro.

ISPORTS KINIPIL

Baguio, namayani sa 2025 DDCCS chess match ni LOVELY LESTANO BAGSIK NG LEON. SINUNGGABAN NG CJC RED LIONS ANG TIKET PATUNGONG DADITAMA MATAPOS PUGTUIN ANG PANANALASA NG HCAI SA DDCCS SPORTS FEST 2025. KUHA NI XYREX SAYSON

50-91

Umarangkada si Alexander Jess Baguio sa 2025 Diocese of Digos Commission on Catholic Schools (DDCCS) Sports Fest, matapos pinatumba ang hari ni Justine Shane Sarda sa isang masidhing labanan sa chess noong Disyembre 4, 2025 sa Cor Jesu College (CJC). “Well for starters I manipulated my opponent by applying psychology tricks outside the board to remove his entire focus on the game, resulting him making a fatal mistake ” ayon kay Baguio upang magpapakitang gilas gamit ang mga malinis na kombinasyon at matiyak na pagdepensa upang maangkin ang panalo.

ISPORTS LATHALAIN

Unang Skate competition sa Digos, simbolo ng pag-angat ng Skate Culture ni LOVELY LESTANO

Umalingawngaw ang tunog ng gulong at kahoy sa Digos City Dawis Heritage Wharf noong Agosto 30, 2025 ng inilunsad ng Digos City Skateboarding Association ang “Linggo ng Kabataan 2025 Skate Competition” isang makasaysayang kaganapang nagbukas ng bagong yugto para sa local skate scene. Hindi lamang ito isang kompetisyon, kundi isa itong simbolo ng pagbabago, pagkilala, at pag-angat ng kabataang atleta na matagal nang naghihintay ng pagkakataon.

LIPAD. IPINAMALAS NG KABATAAN SA DIGOS ANG KANILANG GALING AT DISIPLINA SA KAUNA-UNAHANG SKATEBOARDING COMPETITION NA NAGANAP NOONG AGOSTO 30, 2025, MULA BAGUHAN HANGGANG EKSPERTO, SA LIMANG KATEGORYA AT ₱10,000 PRIZE POOL. KUHA NI XYREX SAYSON

“Lipay kay daghan ni support sa skateboaridng and gi hatagan mig event, even though small atleast na lingay” saad ni Gian Carlo isang partisipante sa kompetisyon. Para sa maraming skater ng Digos, ang araw na ito ay higit pa sa paligsahan, ito ay pagkakataong matagal nilang hinintay. Sa loob ng maraming taon, bihira silang mabigyan ng espasyo, suporta, at entablado ng sapat para ipakita ang kanilang galing. Kaya’t hindi

nakapagtataka ng dama ang thrill at saya sa lugar, bawat bata at kabataan na atleta ay may ngiting may kasamang pag-asang hindi na sila “underground” kundi kinikilala at tinatanggap sa komunidad. Bukas para sa lahat, mula baguhan hanggang beterano, umabot mula iba’t ibang bayan ng Davao del Sur ang mga skater na sabik ipakita ang kanilang talento. Hindi rin biro ang ₱10, 000 prize pool, kaya’t mas naging matindi

ang sigla sa limang kategoryang na ang beginner, advanced, expert, women’s, at master. Sa bawat kaskas, flip, at boardslide, makikita ang hirap ng ensayo at puso ng ibinuhos ng mga atleta. Sa pag-oorganisa ng Digos City Skateboarding Association, ipinakita nila na ang skateboarding ay hindi lamang libangan, isa itong disiplina, kultura, at paraan ng paghubog ng kabataan. Nililikha nito ang tamang direksyon, malusog na pamumuhay,

paggalang sa kapwa skater, at komunidad na sama-samang umaangat. At kung ganito kainit ang unang kompetisyon, mas maraming naghihintay para sa mas matitinding tricks, mas malaking komunidad, at mas maliwanag na kinabukasan para sa skaters ng Digos City at buong Davao del Sur.


isports PINTIG KORYESUNISTA

Tinig ng Kabataan, Kabisera ng Katapatan TOMO XXXVIII BILANG 1 HULYO 2025 - ENERO 2026 Opisyal na Pahayagang Pangkampus sa Filipino ng Cor Jesu College, Inc. Basic Education Department

6

NA TITULONG KAMPEON SA ENDURO MOTOCROSS ANG HAWAK NI FIONA PEDIDA MULA 2022 HANGGANG 2025

Pedida, namayagpag sa Super Mega Enduro Series Final Leg; ginto sinunggaban ni LORAINNE ALBARACIN

G

ENERAL SANTOS CITY, Philippines— Humagibis si Fiona Pedida, isang Grade 11 na mag-aaral ng Cor Jesu College (CJC) patungo sa panalo matapos masungkit ang gintong medalya at tropeo sa 2025 3rd Super Mega Enduro Series Finals – Ladies Category na ginanap sa Yolanda’s African Farm noong Nobyembre 16. Binulag ng mga nagaalimpuyong alikabok ang landas ng mga kalabang tuluyang lumamlam sa kanilang paningin sa taktika at paggulong ng kahusayan ni Pedida upang matangay ang kampeonato sa Enduro Finals. Ipinamalas ni Pedida ang kanyang dominasyon sa karera sa kabila ng mapanganib at teknikal na rutang kapareho ng dinaanan ng mga kalalakihang kalahok—isang hamong kanyang hinarap gamit ang disiplina, determinasyon, at tibay ng loob. “Mahirap talaga ang Enduro Trail, lalo na’t pareho lang ang ruta namin ng mga lalaki. Kaya determinasyon at focus lang talaga para makuha ang medalya at patunayang hindi babae lang – kundi babae ako,” pahayag ni Pedida.

PAGSALAKAY NANG WALANG MINTIS

Agad na inangkin ni Pedida ang kontrol sa karera matapos umarangkada mula pa lamang sa simula, dahilan upang mapag-iwanan ang kanyang mga katunggali sa unang mga yugto ng laban. Bagama’t dumaan siya sa matitinding pagsubok—kabilang ang mga bakal, mabatong daan, at madudulas na bahagi ng trail—nanatili siyang kalmado at pinaigting ang kanyang bentahe hanggang sa tuluyang maselyuhan ang panalo. Inuwi ni Chin-Chin Francisco ng Alabel, Sarangani ang pilak na medalya,

PAGGULONG NG TAGUMPAY. MATAPANG NA ITINAWID NI FIONA PEDIDA ANG MGA LANDAS SA ENDURO RACE PARA MAKAMIT ANG TITULO.

habang nasungkit naman ni Derlieene Marie Gicale ng Notre Dame of Maasim ang tansong medalya.

PINAPUTLA ANG KINANG

Tinangka nina Francisco at Gicale na samantalahin ang sandaling pagkakadapa ni Pedida sa isang bahagi ng bakal na daan, subalit bigo silang makalusot sa matatag na depensang kanyang ipinamalas. Mabilis na bumawi si Pedida sa pamamagitan ng mala-kidlat na pagbilis, muling pinalayo ang agwat at pinatunayang hindi matitinag ang kanyang pamamayani sa enduro trail.

REYNA SA KARERA

Maliban sa gintong nasukbit, hawak din ni Pedida ang limang prestihiyosong titulo kabilang ang Asia Pacific Hard Enduro Champion 2022 sa Tagaytay, Motor Ace Enduro Trail 2024 Overall Champion (Iron Woman, walong serye), 2024 Philippine National Enduro Championship Champion, RFS Onslaught Enduro Leg 1 Champion sa Cavite, at RFS Onslaught Enduro Leg 2 Champion sa Pampanga—patunay ng kanyang patuloy na pagrereyna sa larangan ng enduro racing. Samantala, muling aasahan naman ang pagpapasiklab ni Pedida ng kanyang husay at bilis sa paparating na FJ Moto Super Enduro Championship 2026, kung saan target niyang ipagpatuloy ang kanyang matagumpay na kampanya.

MUL SA FB ACCOUNT NI PEDIDA

Fuertes, sinangga ang pag-ulos ni Licayan, gintong medalya, napasakamay ni LORAINNE ALBARRACIN

HAMPAS NG DEDIKASYON. DETERMINADONG PINATUMBA NI FUERTES ANG KALABAN SA BATANG PINOY SINGLES LAWN TENNIS KUNG SAAN NAKAMIT ANG KAMPEON. KUHA NI MARCO VILLAHERMOSA

CHAMPION!

GENERAL SANTOS CITY, Philippines— Bumangon mula sa maagang pagkakalugmok si Stephen Fuertes ng Cor Jesu College (CJC) matapos patumbahin si Tristan Licayan ng University of the East (UE) sa 3-1 (4-6, 6-4, 7-6) na iskor sa naganap na Batang Pinoy Men’s Lawn Tennis Singles 2025, ika-31 ng Oktubre. Maliban sa panalo ni Fuertes ng CJC sa Batang Pinoy, napasamakay din niya ang panalo sa Philta Tennis Tournament 16under boys champion 9x champion year 2024, 18under boys champion 7x champion year 2023, DAVRAA silver medalist year 2024, Palarong pambansa gold medalist year 2024, Cotabato City Invitational tennis tournament men’s singles champion, at Batang pinoy year 2025 champion boys singles.

“Ang naging diskarte ko upang manalo ako ay hinahanap ko muna yung weakness ng kalaban at mag-focus lang ako every point,” pahayag ni Fuertes ng CJC. Bumangon mula sa malamyang simula si Fuertes ng CJC matapos pakainin si Licayan ng UE sa kanyang mala-kidlat sa bilis na mga hampas sa huling dalawang natitirang set ng laro dahilan upang maangkin ang panalo. Mahina man ang naging eksena

ni Fuertes sa unang set ng laro matapos bigong makuha ang momentum, wagi naman niyang nahanap ang momentum sa huling sets ng laro. Sinilaban naman kaagad ni Licayan ng UE ang unang set ng laro matapos paulanan si Fuertes ng CJC ng mga dumadagundong sa lakas ng mga hampas. Pinilit mang panatilihin ni Licayan ang kanyang momentum sa ikalawa hanggang pangatlong

sets ng laro, bigo naman niyang makita ang kanyang momentum dahilan ng kanyang pagkatalo. “Masaya pa rin ako dahil ginawa ko yung best ko dahil sobrang dikit yung naging labanan namin ni Stephen,” saad ni ni Licayan ng UE. Matutuklasang muli ang galing at ang nagliliyab na dangal ni Fuertes ng CJC sa paparating na DDCCS at City Meet.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Pintig Koryesunista 2025-2026 | Tomo XXXVIII, Bilang I by Pintig Koryesunista - Issuu