TOMO XXXII
BLG. 1
s.y. 2023 - 2024
PAGSASABUHAY NG BARTER OF PANAY: KASAYSAYAN AT PINAGMULAN NG ATI-ATIHAN Sa likod ng indayog na tunog ng tambol, namamalagi ang umaalingawngaw na diwa ng kapistahan. Kasaysayan at pinagmulan, kultura at pagkakakilanlan — nasa likod ng pariralang “Hala, bira!” ang nakaraan kung bakit ipinagdiriwang ang Atiatihan.
EDITORYAL
02
Isang malaking katanungan sa karamihan ang pinagmulan ng Atiatihan Festival. Bukod sa karangalan ng Santo Niño, sinasabing ito rin ay isang pagdiriwang upang gunitain ang Barter of Panay, kung saan ang mga Aeta ay nakipagkasunduan sa sampung datung Bornean na tumakas mula sa isang malupit na... ituloy sa pg. 9
LATHALAIN
09 AGTEK
12 ALIWAN
14 ISPORTS
17
B
ALEXI TALA-OC
ilang tugon sa paggabay at paghahatid ng dekalidad na edukasyon, iba’t ibang samahan ng RSHS VI ang tulong-tulong na nagsagawa ng isang malaking selebrasyon para sa Araw ng mga Guro noong Oktubre 9, 2023 sa RSHS VI Covered Court. Sa pangunguna ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), kasama ng
kuha ni graison trieste
mga titser, pinasaya ng mga sayanista sa
araw ng mga guro
Sci-Arts, Hiraya, Koro at Banda Marahuyo, Silakbo Dance Troupe, SciLens, RSHS VI Interact Club, at Sugilanon it Sayans, ang inihandang pagdiriwang ay kumuha ng inspirasyon mula sa iba’t ibang pelikula ng Disney kung saan napuno ng kasiyahan ang mga mukha ng mga guro sa hatid na salamangka ng mga mag-aaral.
Ang pagdiriwang ay sinimulan ng isang nakamamanghang sayaw sa driveway na inihanda ng Silakbo Dance Troupe at sinundan ito ng isa-isang pagtawag sa mga kawani
at di-kawani ng pagtuturo pati na rin sa pag-abot sa kanila ng mga token of appreciation o maliliit na handog mula sa mga magaaral. Ibinigay rin sa kanila ang mga ginawang Disney-inspired headbands ng mga mag-aaral. Naaliw naman ang mga guro sa pagtatanghal ng Silakbo Dance Troupe, Koro Marahuyo at Banda Marahuyo pati na rin sa pabunot ng SSLG kung saan iba’t ibang papremyo ang napanalunan ng mga maswerteng napili na guro. Umayon din sa napiling tema ang kasuotan ng mga mag-
aaral at guro nang nakabihis sila ng kanilang paboritong karakter mula sa Disney kung saan gumanap bilang Moana si Gng. Doren Magdamo at naiuwi pa ang titulong “Best Dressed Teacher.” Matagumpay na binigyang halaga ang mga guro sa kanilang serbisyo at dedikasyong magkaroon ng matatag na kinabukasan ng mundo sa pagtatapos ng kasiyahan sa isang Disney Sing-Along na pinangunahan ng Koro at Banda Marahuyo. #PI