

ULAT DALAMPASIGAN

ni PATOLA
OSAEC at CSAEM; proteksyon kontra sa online napagsasamantala, iginiit
Alinsunod sa paglabas ng mga hindi napaguusapang kaso ng pagmamanipula at pangaabuso sa mga bata at kababaihan, binigyang diin ni Atty. Jeniffer Glory Pearl P. Amwao, DepEd Legal Counsel ang presensya ng ahensya ng Deparment of Education (DepEd) na antabay sa mga biktimang nakararanas ng karahasan, sa ilalim ng Republic Act No. 11930 o Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) at Child Sexual Abuse and Explotation Materials (CSAEM).
Iginiit ng opisyal na sila ay handang tumulong at bukas ang kanilang ahensiya at opisina sa pagtanggap at pagtugon sa mga kasong tinututukan ng OSAEC at CSAEM kalakip ng pagdagsa ng mga kaso ng pang-aabuso at pagsesexualize sa mga bata.




Ayon sa inilahad na datos, 0% hanggang 4% lamang ang narerekord na ulat ng ahensiya kaakibat ng 40% ng mga biktima sa mga paglabag sa ilalim ng OSAEC at CSAEM ay ay walang kaalaman kung saan posibleng magsampa ng kaso.
GuLUGOD: DepEd Legal
Counsel representasyon ng sandigan ng mga bikitma
Sa paggunita ng Women’s Month 2026, muling inihayag ang isang tahimik ngunit lumalalang krisis sa digital na mundo, ang kawalan ng sapat na seguridad sa internet na patuloy na naglalagay sa panganib sa kabataan at kababaihan.
Binigyang-diin ni Atty. Jeniffer Glory Pearl P. Amwao, DepEd Legal Counsel, na sa likod ng makabagong teknolohiya ay naroon ang mga mapagsamantalang indibidwal na gumagamit ng internet upang manlinlang at mang-abuso.
Ayon sa kanya, ang online na pang-aabuso ay hindi agad lantad, bagkus nagsisimula sa simpleng pakikipag-usap, isang “hello” na untiunting nagiging daan sa pagbuo ng tiwala hanggang sa mauwi sa pagpapadala ng sensitibong nilalaman, at kalaunan ay pananakot at pagsasamantala.
Sa gitna ng ganitong mga kaso, mahalagang maunawaan ang Republic Act No. 11930, na tumutugon sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) at Child Sexual Abuse and Exploitation Materials (CSAEM), na kapwa kinikilala bilang mabibigat na krimen laban sa dignidad ng kabataan.
DepEd Legal Counsel tinuligsa ang seguridad sa online; pagsasamantala sa kababaihan at kabataan, isiniwalat

SSa gitna ng tumitinding pag-unlad ng teknolohiya at ng mga hamong hatid nito, mariing kinondena ni Atty. Jeniffer Glory Pearl P. Amwao, DepEd Legal Counsel, ang alanganing seguridad sa internet para sa mga kabataan, partikular din sa kababaihan alinsunod sa paggunita ng 2026 Women’s Month, na nakararanas ng karahasan, seksuwal na pag-aabuso, at pagsasamantala.
Ipinaliwanag ng opisyal ang pagkakasunod-sunod na proseso ng ganap na pang-aabuso at pagmamanipulang kinahaharap at nararanasan ng mga kabataan at kababaihan sa online.
“Nag-uumpisa ito sa simpleng pagmessage like hello that builds rapport. After nito, naginging friendly kayo and that leads to sending messages and videos that lead to threat and exploitation,” wika ni Amwao.
Binigyang-diin ni Amwao ang pagpapatibay at pagbibigay kaalaman ukol sa ng Republic Act No. 11930 o Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) at Child Sexual Abuse and Explotation Materials (CSAEM) (Article 2) kaakibat ng pagbanggit ukol sa mga pangyayaring dinaranas ng mga kabataan ukol dito, partikular ng kababaihan.
Sinasaad na ang OSAEC, ay tumutukoy sa anumang anyo ng pang-aabuso sa mg bata sa pamamagitan ng mga mensahe,



larawan, at mga isinasagawang livestream na may ibang hangarin at pakay ipalabas.
Sa ilalim CSAEM naman ay ang mga ilegal na larawan o video na nagpapakita ng naturang karahasan, kung saan iginiit ni Amwao na ito ay itinuturing na malubhang krimen sa ilalim ng batas na naglalayong protektahan ang dangal at kaligtasan ng mga kabataan at ng kababaihan sa digital na mundo.
Binigyang-kahulugan ni Amwao na ang mga karasanang nararanasan ng mga kabataan ay wala sa kanilang kalingkingan.
“When a child becomes a subject of CSAEM and pornographic material, it is never there fault because children are naturally curios, naturally trusting, and they are not the ones to be blamed,” paliwanag ni Amwao.
Ayon sakaniya, isa sa limang mga kabataan ang nakararanas ng seksuwal na pang-aabuso sa online at mihigit 2 milyon ang
RSPC 2026, pormal nang inilunsad sa
Baler, Aurora
Opisyal nang sinimulan ang pagsasagawa ng mga indibidwal at panggrupong kategoryang kompetisyon sa 2026 Regional Schools Press Conference (RSPC) na may temang “Navigating the Digital Frontier: Responsible Journalism in the Age of AI,” ngayong ika-19 ng Marso, sa bayan ng Baler, Aurora, matapos ang pagsusuri ng mga kagamitan ng mga grupong kalahok na ginanap kahapon.
Layunin nito tukuyin ang mga nararapat na kalahok na magrerepresenta sa Region III para sa isasagawang 2026 National Schools Press Conference (NSPC) na gaganapin sa Ormoc City, Leyte sa darating na ika-13 hanggang ika-17 ng Abril.
Kasalukuyang inilulunsad ang kompetisyon ng Online Publishing sa Wesleyan University - Maria Aurora, Radio Scriptwriting & Broadcasting sa Mount Carmel College Main at Annex,
Collaborative Destop Publishing sa Aurora State College of Technology, at TV Scriptwriting & Broadcasting sa Aurora National Science High School, Ang mga indibidwal na kategorya para sa Elementarya at ang Mobile Journalism ay isinasagawa sa Baler Central School, at Baler National High School para sa mga Sekondarya, habang ang paglunsad ng Pagsulat ng Isports sa Aurora National High School.
naka-aapektuhan taon-taon.
“Many suffer in silence, like women, because of fear, shame, and do not know who to tell,” diin ni Amwao.
Naging sentro isinagawang diskusyon ang kahalagahan ng pagpapalakas sa batas upang protektahan ang dignidad at kapakanan ng mga kabataan kalakip ng mga kababaihan, sa agarang pagtugon sa kinahaharap na isyu.
Binibigyang-diin sa mga isinagawang diskusyon ang kahalagahan ng pagpapalakas sa batas upang protektahan ang dignidad ng mga kababaihan, partikular na ang pagtugon sa mga insidente ng pang-aabuso na nangyayari sa mga online platforms.
Lumabas sa mga pagsusuri na may mga mag-aaral na pinipiling manahimik na lamang dahil sa takot at kawalan ng sapat na mekanismo para sa kanilang proteksyon sa loob ng institusyon.




5-6 na taongnapag-iiwanan ang mga 15 taong gulang na mga Pilipino pagdating sa internasyonal na pangunahing kakayahan sa pagkatuto.

Mula sa resulta ng mga Pilipinong mag-aaral sa Programme for International Student Assessment (PISA), sinasabing napag-iiwanan ng lima hanggang anim na taon sa pagkatuto ang mga 15-anyos na mga estudyante ng Pilipinas kung ikukumpara sa ibang bansa.

BALITARAL
ni PATOLA
ni PATOLA

ULATDALAMPASIGAN

SPATAPON
Anino
Sa gitna ng alingasngas ng sigawan at palakpakan sa loob ng court, unti-unting hinuhubog ang pangalan ni Rodolfo Milan, isang batang manlalaro ng volleyball mula sa Aurora na sa murang edad na labing-pito ay sumuong na sa mas malawak na entablado ng Central Luzon Regional Athletic Association CLRAA
Sa bawat hampas ng bola at bawat pagtalon sa ere, tila isinasabuhay niya ang isang kwento ng tapang, pagtitiis, at walang kapantay na talento
Hindi naging madali ang kanyang paglalakbay Bilang isang miyembro ng LGBTQ+ community, kinaharap ni Rodolfo ang mga matang mapanuri at mga salitang mapanakit
May mga pagkakataong ang kanyang pagkatao ang nagiging sentro ng tukso at pangungutya, ngunit sa halip na magpatinag, pinili niyang gawing sandata ang mga ito upang higit pang pagtibayin ang kanyang loob
Sa bawat panghahamak na kanyang naririnig, mas lalo niyang pinatatag ang kanyang paninindigan sa sarili
WUP Aurora pinabagsak ang Aurora MVT Secondary, panalo sa Volleybal Exhibition Match, naibulsa
Sinelyuhan ng Wesleyan University Maria Aurora Main Campus ang pagkapanalo kontra sa Aurora Men’s Volleyball Team Secondary matapos magpasiklab ng sunod-sunod na pag- atake at magbagsak ng sementadong blocks, 2-1, sa Volleyball Men’s Exhibition Match na ginaganap sakanilang sariling teritoryo, WUP Aurora Gymnasium ngayong Huwebes
Matagumpay na tinapos ng WUP ang laban kontra sa Central Luzon Regional Athletic Association (CLARAA) Representatives matapos gulantangin ang mga ito sa pagsabak ng ikalawa at ikatlong set matapos ang palya sa simula, 21-25, 30-28, at 15-13.
“Ginamitan po namin ng 3-plays tactic ang laro namin against sa kanila, at siguro po dahil na rin sa experience kaya kami po yung nanalo dahil mas matanda at masexperienced po kami sa kanilang mga highschool pa lang,” wika ni Sindac, setter ng WUP Aurora.
Agarang ginulantang ng Aurora
Aurora pinabagsak ang Aurora MVT Secondary, panalo sa Volleybal Exhibition Match, naibulsa Sugo ng Alimpuyo Sugo ng Alimpuyo
MVT ang WUP Aurora sa pagbugso ng unang set kugn saan tuloy-tuloy ang pagpapaulan ng CLARAA Representatives ng mga combo attacks sa tulong ng kanilang kapitan na si Benz Venzon, 21-25.
Pinagpatuloy ng Aurora MUT ang pag-arangkada sa ikalawang set nang matagumpay na tablahin ng WUP Arora ang laban, at nagpakawala ng sunod-sunod na pangmalakasang spike kontra sa CLARAA Representatives, 21-21.
Hindi nagpatinag at nagtuloy-tuloy ang palitan ng bola ng dalawang koponan na umabot sa 4 deuce, na nagtapos sa dalawang

magkasunod na puntos ng backto-back spike ni Talamia pabor sa WUP Aurora, 30-28.
Tuluyang sinelyuhan ng WUP Aurora ang laro sa pagpasok ng ikatlong set nang pabagsakin ang CLARAA Representatives sa pinabagsak na spike ni Sindac rekta sa lapag ng kabilang court, 15-13.
Kasalukuyang nag-eensayo at nagpapahinga muli ang Wesleyan University Maria Aurora Main Campus para sa nalalapit na volleyball invitational na gaganapin sa Wesleyan University Cabanatuan sa susunod na buwan.
Tila payapa at tahimik sa unang tingin, subalit sa kailaliman ng karagatan kung saan ang liwanag ay unti-unting sinusugpo ng bughaw na kadiliman, at sa bawat galaw ay inaanod ng alon at natatabunan ng buhangin; naghahari ang isang katahimikang mapanlinlang mula sa dalampasigan. Hatid ng tensyong naglalagablab sa loob ng court, madalas sinusukat ang kakayahan ng isang atleta ng volleyball sa bawat pulgadang kanyang ikinatatangkad.
Ang mga Pilipinong manlalaro sa larangan ng volleyball ay maaaring hindi tinitingala o hinahangaan dahil sa kanilang laki; ngunit sa isang maling galaw—tulad ng pag-apak sa isang salungo mararamdaman ang matalim nitong tinik. Isa itong paalala na ang lakas ay hindi nasusukat sa laki ng anyo lamang. Madalas minamaliit ang mga Pilipinong manlalaro ng volleyball, subalit kung kumilos ay tila salungo na may tinatagong panganib.
Ang mga Pilipinong manlalaro sa larangan ng volleyball ay maaaring hindi tinitingala o hinahangaan dahil sa kanilang laki; ngunit sa isang maling galaw—tulad ng pag-apak sa isang salungo mararamdaman ang matalim nitong tinik. Isa itong paalala na ang lakas ay hindi nasusukat sa laki ng anyo lamang. Madalas minamaliit ang mga Pilipinong manlalaro ng volleyball, subalit kung kumilos ay tila salungo na may tinatagong panganib ng alimpuyo sa bawat galaw.
Sa loob ng court, si Rodolfo ay hindi lamang isang manlalaro, isa siyang mandirigmang may pusong nag-aalab Ang bawat galaw niya ay tila isang sayaw ng lakas at liksi, isang sining na hinubog ng sipag at walang sawang pagsasanay
Sa kanyang unang sabak sa Central Luzon Regional Athletic Association CLRAA, hindi man siya ang pinakabeterano, dala niya ang kakaibang tapang na hindi matitinag ng kahit anong unos
“Lahat naman ng tao ay may masasabi at masasabi kaya medyo naging normal nalang ito sa akin,” ani Rodolfo Milan, Isang pahayag na sumasalamin sa kanyang matibay na paninindigan
Sa likod ng simpleng mga salita ay nakatago ang isang pusong sanay nang harapin ang unos ng opinyon ng iba, at natutong manatiling matatag sa kabila ng lahat Higit pa sa mga panalo at pagkatalo, ang tunay na laban ni Rodolfo ay ang patuloy na pagtanggap sa sarili at ang paglalakasloob na ipakita kung sino siya
Sa bawat laro, hindi lamang puntos ang kanyang hinahabol, kundi ang pagbasag sa mga stereotype at ang pagbibigay inspirasyon sa kapwa kabataan na maaaring dumaranas ng kaparehong pagsubok
Sa dulo ng bawat laban, nananatiling nakatindig si Rodolfo Milan, hindi lamang bilang isang atleta, kundi bilang isang simbolo ng katatagan at pag-asa
Sa kanyang kwento, nawa’y masilayan ng marami na ang tunay na lakas ay hindi nasusukat sa pisikal na kakayahan lamang, kundi sa tapang na ipaglaban ang sarili sa kabila ng ingay ng mundo


WUP