Skip to main content

BALER NGAYON

Page 1


Edu-PUNDASYON

Primaryang edukasyon, nais pagtibayin ng DepEd

ni MATCHA

Mula sa pag-aalaga ng mga magulang hanggang sa unang pagpasok ng bata sa paaralan, nagsisimula ang paglalakbay tungo sa pagkatuto na kasalukuyang binabantayan ng Department of Education dahil sa pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral sa primaryang antas na may mababang proficiency rate, batay sa saliksik ng Second Congressional Commission on Education, kung saan binigyang-diin ang kakulangan sa dekalidad na early childhood education at ang pangangailangan ng agarang reporma sa sektor.

PANGAKO

Iginiit ni Ivan Balmores, CHST SPA Adviser, ang kahalagahan ng pamumuhunan sa early childhood education at papel ng mga magulang sa pagkatuto ng bata, kasabay ng problemang kinahaharap ng higit 4,600 barangay na walang sapat na Child Development Center, kakulangan sa nutrisyon, at patuloy na pagbaba ng proficiency rate sa 30.52% sa ika-3 baitang at 19.56% sa ika-6 na baitang, habang 14% lamang ng mga mag-aaral sa primarya ang nakakabasa ayon sa Department of Education.

Krisis sa pagkatuto, lumalala batay sa inilahad ng EDCOM II

Isiniwalat ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) sa pinakahuling pagsusuri ang patuloy na pagbaba ng proficiency ng mga mag-aaral, na nagpapakita ng lumalalang krisis sa edukasyon sa kabila ng pagtaas ng kanilang baitang.

Ipinaliwanag ni Ivan Balmores, CHST SPA Adviser, na mababa ang baseline kumpara sa inaasahang antas ng kasanayan batay sa resulta ng mga pagsusulit, at iginiit na “Masyadong mataas ang 75% para sabihing just proficient.”

Ayon sa ulat ng EDCOM II, bumagsak ang proficiency mula 30% sa ika-3 baitang patungong 0.47% sa ika-12 baitang, habang iniulat ng UNICEF na 91% ng primaryang mag-aaral ay hindi pa marunong magbasa at 14% lamang sa ika-5 baitang ang nakakabasa, na sinusuportahan ng resulta ng CRLA at Programme for International Student Assessment kung saan karamihan ay below minimum ang kasanayan.

Kaugnay nito, target ilunsad ni Bam Aquino ang ARAL Reading Program at Bukas Project, habang binigyang-diin ni Balmores ang pangangailangang mamuhunan sa early childhood education at paigtingin ang implementasyon ng mga reporma sa edukasyon.

p other promise to be kept - CHST SPA

KKalakip ng pagsisiwalat ng mga hamong kinahaharap ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) na isinusulong ng Department of Education (DepEd), binigyang diin ni Ivan Balmores, College of the Holy Spirit of Tarlac School Paper Adviser (CHST SPA Adviser) ang pagpapahalaga ng transparency at ng katwiran alinsunod sa pag-iimplementa ng mga primaryang inisyatiba ng komisyon.

Iginiit ni Balmores ang kahalagahan ng agarang pagtugon at pagbibigay ng sapat na atensyon sa mga pangunahing suliraning kinahaharap ng bansa, partikular sa patuloy na krisis sa sektor ng edukasyon, sa kabila ng samu’t saring hamon sa implementasyon ng mga programa at polisiya.

Ayon kay Balmores, bagama’t may mga umiiral na assessment, nananatiling hamon ang pagkuha ng sapat at representatibong datos mula sa mga paaralan upang tunay na maipakita ang kabuuang kalagayan ng edukasyon sa bansa.

Binigyang-diin din niya ang pangangailangan ng agarang aksyon sa early childhood education dahil ito ang nagsisilbing pundasyon ng pagkatuto at pag-unlad ng bawat mag-aaral.

pinaliwanag ni Balmores ang mga inisyatibang target ilatag ni Bam Aquino sa ilalim ng EDCOM II, kabilang ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL)

Paggana

Reading Program at ang Bukas Project na naglalayong tugunan ang learning gaps at gawing mas inklusibo ang edukasyon.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng sapat na alokasyon at paggamit ng mga yaman upang matiyak ang epektibong implementasyon ng mga programang pang-edukasyon.

Bilang tugon sa mga hamon, nirekomenda ng CHST SPA Adviser ang pagsasagawa ng remediation classes at pagpapatibay ng Republic Act No. 11899 upang mas mapabuti ang pagpapatupad ng mga polisiya sa sektor ng edukasyon.

Idinagdag pa niya na kinakailangan ang kooperasyon ng pamahalaan, paaralan, at komunidad upang maging matagumpay ang mga hakbang na ito.

Bilang tugon sa mga hamon, nirekomenda ng CHST SPA Adviser ang pagsasagawa ng remediation classes at pagpapatibay ng Republic Act No.

11899 upang mas mapabuti ang pagpapatupad ng mga polisiya sa sektor ng edukasyon.

Sa huli, iginiit niya na ang tuloytuloy na pagsusuri at pagpapabuti ng mga programang pangedukasyon ay susi upang matiyak ang dekalidad at inklusibong edukasyon para sa lahat.

Dagdag pa rito, nanawagan si Balmores sa mas malawak na pakikiisa ng iba’t ibang sektor upang masigurong ang bawat mag-aaral ay mabibigyan ng sapat na suporta, oportunidad, at kalidad na edukasyon na tunay na maghahanda sa kanila sa hinaharap.

ay nito, binigyang-diin niya na ang pananagutan sa pagpapabuti ng edukasyon ay hindi lamang nakaatang sa pamahalaan kundi sa bawat indibidwal na may papel sa paghubog ng kabataan, mula sa mga guro hanggang sa mga magulang at komunidad.

Alinsunod sa pagtatalakay ng mga pangunahing suliranin at hamong kinahaharap ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) Article 2, binigyang pansin ang depektibong mga resulta ng National Achievement Test (NAT) kaakibat ng di umano pagiging “performative” ng mga paaralan sa pagtugon dito.

Ayon kay Ivan Balmores, CHST SPA Adviser, ginagamit ang mga eksaminasyong tulad ng NAT bilang sukatan ng pagganap ng mga guro, subalit iginiit niya na

BUNYAG IbinunyagngSecond CongressionalCommissionon Education(EDCOMII)ang mababangresultangNATat angumano’y“performative”na pagtugonngilangpaaralan ditoisangsuliraning sumasalaminsamasmalalim nahamonngsistemang edukasyon

“The NAT has a background of being unreliable, nagiging side lang ito ng mga teachers to have bonuses,” habang binibigyang-diin na ang mga pagsusulit, kabilang ang Programme for International Student Assessment, ay nagsisilbi ring batayan upang matukoy ang learning gaps sa literacy at numeracy.

Base sa datos ng Department of Education, karamihan sa mga magaaral sa ika-12 baitang ay nasa “low proficiency” level batay sa 2024 NAT Results, at patuloy na bumababa ang performance habang tumataas ang baitang, na kinumpirma rin ng Second Congressional Commission on Education, kaya target ilunsad ni Bam Aquino ang ARAL Reading Program at Bukas Project upang matugunan ang lumalawak na agwat sa edukasyon.

5-6 na taongnapag-iiwanan

ang mga 15 taong gulang na mga Pilipino pagdating sa internasyonal na pangunahing kakayahan sa pagkatuto.

Mula sa resulta ng mga Pilipinong mag-aaral sa Programme for International Student Assessment (PISA), sinasabing napag-iiwanan ng lima hanggang anim na taon sa pagkatuto ang mga 15-anyos na mga estudyante ng Pilipinas kung ikukumpara sa ibang bansa.

ni MATCHA
ni MATCHA

BALERNGAYON

SIPA. Ipinamalas ng koponan ng Pilipinas sa palarong Women’s Sepak Takraw ang kanilang kagalingan matapos pabagsakin ang koponan ng Thailand

PSa bawat dagundong ng bola sa hangin at sa bawat sipa na tila sumasayaw laban sa grabidad, naroon ang isang larong matagal nang bahagi ng kulturang Asyano, ang Sepak Takraw ang palakasan na pinaguugnay ang liksi, balanse, at pambihirang husay ng mga manlalaro

Gayunpaman, sa kabila ng kagila-gilalas na galaw sa himpapawid, madalas itong manatili sa gilid ng entablado ng isports, tila isang bituin na natatabunan ng mas maliwanag na liwanag ng iba pang laro

Sa mga torneo tulad ng Southeast Asian Games paulit-ulit na ipinapakita ng mga atleta ang kahanga-hangang sining ng paglipad at pag-ikot sa ere

SIPALPAK SIPALPAK

Pumalya mula sa unang round ng 33rd Southeast Asian (SEA) Games 2025 ang Pilipinas matapos pabagsakin ng Thailand sa Women’s Sepak Takraw Regu Opening Match,0-2, na ginaganap sa Nakhon Panthom Gymnasium Stadium, Thailand nitong ika-10 ng Disyembre, 2025.

Matagumpay na sinelyuhan ng Thailand ang laro kontra sa Pilipinas matapos magpakawala ng sunod-sunod na service ace, spikes, at sementadong block, 315 at 4-15.

Pinangunahan ng Star Rookie Player na si Mallika Bunthad ang Thailand laban sa Pilipinas sa pagpapaulan ng mga ace at pangmalakasang mga spike.

“It is so fulfilling to start off the season strong, as a rookie this all so fun for me,” wika ni Bunthad.

Agarang binulaga ng Thailand ang Pilipinas sa pagpatak ng unang mga segundo sa pagpapalasap ng matikas ng rollback spike ni

Pimprapha Kaewkhamsai, 0-1.

Mabilisang tinangay ng Thailand sa Pilipinas ang bentahe nang tamabakan ang mga ito ng 5 puntos, 0-5, sa pag-aatake ng magkakasunod na sunback spike.

Pilit hinabol ng Pilipinas ang pagarangkada ng Thailand subalit umiskor lang ng 3 puntos at

Agad bumangon ang Pilipinas sa pagdaos ng ikalawang set nang gulantangin ang Thailand matapos ang unang puntos sa isang block subalit kinapos nang bumida ng sunod-sunod na service ace si Bunthad, 1-1.

Tapatang pinag-aagawan ng

Pilipinas at Thailand ang bentahe ng unang kalahati ng ikalawang round, 2-2, subalit kinapos ang mga Pinay nang kumamada muli ng back-to-back service ace at spike si Bunthad sa tulong ni Kaewjai Pumsaward.

Inagwatan sila muli ng Thailand sa mga matikas na spike at service ace nang bumagon muli ang Pilipinas bago matapos ang laban upang kumalap pa ng 2 puntos, subalit bigo maselyuhan ang round nang pigilan sa isang sementadong block ang mga Pinay.

Susunod na haharapin ng Pilipinas ang Vietnam sa second round sa susunod na araw.

Sepak Takraw, isang isport na kinakailangan ang ligsi at bilis ng bawat manlalaro subalit pagdating sa pagproseso ng laro sa iba pang mga kompetisyon, partikular sa Olympics, ay nananatiling hindi kinikilala at mabagal ang pagtanggap sa opisyal na listahan ng kompetisyon. Bagamat patuloy ang paglalantad ng nakamamanghang laro ng sepak takraw kaakibat ng kahusayan ng mga Asyanong manlalaro, nananatili ang kakulangan sa global reach at visibility ng isport na ito. Limitado ang tinatanaw na oportunidad ng laro pagdating sa usapang internasyonal na mga komptisyon.

Ayon sa International Sepak Takraw Federation (ISTAF), isa mula sa mga pangunahing dahilan ng hindi pagkakasama ng laro sa Olympics ay ang limitadong presensya at akses ng isports sa iba pang mga kontinente gaya ng Aprica, Hilaga, at Timog Amerika. Hindi rin sapat ang global footprint o ang pagkilala sa isports ayon sa pamantayan ng International Olympic Committee (IOC).

Ang kawalan ng Olympic platform ng sepak takraw para sa mga manlalaro nito ay hindi simpleng pormalidad lamang sapagkat ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng kaunting pansin at limitadong kapasidad lamang sa internasyonal na aspeto. Nakadidismayang isipin na isinasawalang bahala ng internasyonal na madla ang makikisig at ibang klaseng gameplay ng mga manlalaro ng sepak takraw.

Ang bawat “sipa” ay tila isang tulang isinulat sa hangin, mabilis, matapang, at puno ng ritmo Ngunit matapos ang hiyawan ng iilang tagahanga, kadalasan ay muling bumabalik sa katahimikan ang larong ito, tila isang obra na hindi gaanong nabibigyan ng sapat na pagtanaw

Hindi maikakaila ang teknikal na ganda ng sepak takraw Sa isang iglap, ang manlalaro ay lulundag, iikot sa ere, at sisipa sa bola nang may eksaktong tiyempo

Para itong sayaw na may kasamang panganib, isang pagtatanghal kung saan ang katawan ang nagsisilbing instrumento ng lakas at husay Sa bawat rally, makikita ang pinaghalong tiyaga at disiplina na hinubog ng mahabang oras ng ensayo

Sa Pilipinas at sa iba pang bansa sa TimogSilangang Asya, ang sepak takraw ay hindi lamang laro kundi bahagi ng pagkakakilanlan

Sa mga barangay court at bakanteng lote, makikita ang mga kabataang nangangarap na isang araw ay makalipad din sa ere tulad ng kanilang mga idolo Sa simpleng bola at lambat, nabubuo ang isang entablado kung saan ang pangarap ay unti-unting sumisibol

Ngunit sa gitna ng kasikatan ng basketball at volleyball, ang sepak takraw ay madalas na napag-iiwanan sa usapin ng atensyon at suporta

Kulang sa spotlight, kulang sa pagbanggit, at kung minsan ay kulang sa pagkilala Para itong isang awiting bihirang marinig sa radyo, maganda, makabuluhan, ngunit hindi palaging napapansin

Gayunpaman, patuloy pa ring umiikot ang bola at patuloy pa ring lumilipad ang mga atleta sa ere Sa bawat sipa ay may paalala: ang tunay na galing ay hindi nasusukat sa dami ng nanonood, kundi sa dedikasyon ng mga naglalaro

At sa bawat laban ng sepak takraw, muling pinatutunayan na kahit nasa anino, ang isang laro ay maaaring magningning sa sarili nitong paraan

BALER NGAYON by OnlinePub 25 - Issuu