Skip to main content

Mandaragit | FPL 1st Term Project

Page 1

MANDARAGIT BOSES NG KABATAAN, SUMISIYASAT NG KATOTOHANAN TOMO 1, BLG. 1 HULYO 2024 - SETYEMBRE 2024 OPISYAL NA PAHAYAGANG PANG-KAMPUS NG STEM 12 - NEBRES

Grade 12 Lagronians, sumabak sa entrance exam ng UPCAT ni RYAN JAKE MATIONG

ITULOY SA PAHINA 2...

Nakiisa sa pagbubukas ng pagsusulit sa kabila nang malakas na buhos ng ulan ang mga estudyante sa ika-12 na baitang ng Lagro High School (LHS) na naghahangad na makapasok sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) nitong Agosto 10 at 11, na ginanap sa iba’t ibang testing center ng UP.

Mga Estudyante ng LHS kinilala sa International Film Scene; Kampeon sa Lokal na Patimpalak ng HASIKAN Club ni ALTHEA ANTOGOP

ITULOY SA PAHINA 2...

Ang bidyo ni Nicole Borromeo, isang estudyante mula sa Humanities and Social Sciences (HUMSS) 11 - Aguinaldo ng Lagro High School (LHS), ay napiling finalist sa New Jersey Film Awards sa Estados Unidos. Ang bidyo ay lumahok sa isang minutong bidyo contest na inorganisa ng Haligi ng Sining Kanlungan (HASIKAN) Club na may temang ‘Kalikasan, Pangalagaan’.

MGA NILALAMAN Bistro Lagro: Tapang ng Kape’t Linamnam ng Tinapay, Lagronians Sumabaybay! BALITA | PAHINA 3

Para sa Bayan o Para sa Pangalan OPINYON | PAHINA 4

Larawan mula sa INTRAMURALS TELEGRAM CHANNEL

46TH FOUNDATION DAY NG LHS

LHS: 46 TAON NANG TAGUMPAY, MAUNLAD, AT NAGKAKAISA ni SHAWN KARL MAGLAYA

uling umarangkada ang kasiglahan sa Lagro High School (LHS) sa pagdiriwang ng ika-46 na anibersaryo nito sa temang “Celebrating 46 Years of Excellence: Reminiscing the Past, Embracing the Future,” noong Agosto 30. Ang makulay na selebrasyon, na isinagawa mula alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa covered court ng eskwelahan, na pinuno ng kasiyahan at makabuluhang aktibidad.

M

Sinimulan ang selebrasyon sa isang masiglang parada, kung saan ang Drum and Lyre Corps at mga mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang at strand ay naglakbay sa paligid ng eskwelahan na may kani-kanilang yell, kasunod na binati ni G. Alith F. Masubay, Head Teacher IV ng MAPEH, ang lahat sa kanyang pambungad na pananalita, habang ibinigay naman ni Gng. Zaida M. Padullo, Principal IV, ang pampasiglang mensahe para sa lahat ng dumalo. Mula sa mga mag-aaral ng Baitang 7 hanggang 10 ng Special Program in the Arts at LHS Taekwondo Club, naghatid sila ng isang pagtatanghal na puno ng talento, na tila ginagaya ang estilo ng BINI at SB19 sa kanilang pagsayaw at pagkanta, matapos

ay ang torch lighting at pagbigkas ng Oath of Sportsmanship ay pinangunahan ng mga mag-aaral mula sa Baitang 12 na sina Kaye Laurice L. Mustaza at John Cedrick Batac. Nagkaroon din ng palaro sa basketball kung saan ang koponan ng LHS Teachers ay nagtagumpay laban sa Non-Teaching at LHS Varsity Alumni, kung saan sa volleyball naman, nagharap ang LHS Faculty Team A at Team B sa isang mainit na laban, at ang Bench Cheering Competition, ibinandera ng mga Lagronian mula sa Junior High School at Senior High School ang kanilang makukulay na kasuotan at mga galaw. Ipinarinig ni Jamaica Suganob ang kanyang tuwa at pagmamalaki

sa kaklaseng tumindig sa Mr. at Ms. Intramurals 2024, at nanalo bilang first runner-up, “Grabi nga yun, sobrang nakaka proud tas kasama pa namin sa room araw-araw”, sambit ng mag-aaral ng malaman ito sa pagtitipon. Huwag palampasin ang kadugtungang pagdaraos ng Sportsfest mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 4, kung saan magkakaroon ng Food Expo mula sa mga estudyante ng Senior High School, pati na rin mga larong pampalakasan na magdadala ng higit pang saya sa LHS, ang pagdiriwang ng ika-46 na anibersaryo ng LHS ay tiyak na nagsisilbing alaala ng pagkakaisa, kasiyahan, at tagumpay para sa buong pamayanang Lagronian.

Ligtas at Malinis: Bagong Hakbang sa Lagro High ni REINA MAE NAVARRETE

Gusto ko Lamang sa Buhay ay... LATHALAIN | PAHINA 7

Kinatatakutang Sakit na MPOX, Nakapasok na sa Pilipinas AGTEK | PAHINA 12

aayos na idinaos ang pagpupulong ng mga magulang kasama ang mga guro na ginanap sa Lagro High School, Setyembre 9, 2024, kung saan tinalakay ang mga bagong programa at proyekto na magtataguyod ng kalinisan at kaligtasan sa paaralan, nagsimula ang pagpupulong ng mga pang-umaga ng gawing 10 ng umaga at ika-1 naman ng hapon para sa mga pang-hapon ang klase.

M

Kabilang sa mga pangunahing plano ang paglalagay ng net sa mga bintana ng bawat silid-aralan, na naglalayong maiwasan ang pagpasok ng mga lamok na kilalang nagdadala ng mga sakit tulad ng dengue at iba pang nakakahawang karamdaman. Bukod sa mga hakbang na ito para sa kalusugan, itinaas din sa pagpupulong ang pangangailangan

para sa mas mahigpit na regulasyon sa pagtatapon ng basura, upang matiyak ang kalinisan at kaayusan sa paligid ng mga silid-aralan at sa buong kampus. Ang halalan para sa mga presidente ng bawat seksyon ay nagbigay daan sa mabilis na pagtanggap ng kanilang mga tungkulin, at agad silang nagtungo sa Audio Visual Room (AVR) upang

pag-usapan at planuhin ang mga detalye ng pagpapatupad ng mga nasabing proyekto. Ang mga hakbang na inilatag ay nagbigay ng bagong pag-asa para sa isang mas maayos at ligtas na kapaligiran sa Lagro High School, na inaasahang magiging pundasyon para sa isang matagumpay at masiglang taon para sa lahat ng miyembro ng paaralan.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Mandaragit | FPL 1st Term Project by Ryan Jake Mationg - Issuu