Skip to main content

Ang Gintong Bagwis 2024-2025

Page 1

Laglag na Matatag

ang gintong

bagwis

Bagong Kurikulum, Kinondena

Ang Opisyal na Pahayagan ng Misamis Oriental General Comprehensive High School

NI LUCHIE BELLE A. MORTOLA DIBUHO NI ANGELA G. RAFAL

TOMO 1 BILANG 1

DepEd, AFP: 1.5-M laptops na naipit, ipapadala sa Region 10 NI PHOEBE N. REYES Suportado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa paghahatid ng mahigit 2,000 digital na kagamitan sa mga paaralan matapos ang 1.5-M laptops na natagpuan sa bodega mula 2020.

61% samganumero

Ibinunyag ni Juan Edgardo ‘Sonny’ Anggara, Kalihim ng DepEd na natagpuan umano ang mga laptop sa isang bodega sa Carmona, Cavite noong Setyembre 3, 2024 sa isang House Committee deliberations sa hinihinging P793-B budget sa 2025. Pinangunahan ni Gen. Romeo Brawner Jr., Chief of Staff kasama ang AFP sa pagbabantay sa mga laptop na inaasahang maipapadala sa ilang rehiyon, kabilang ang Region 10 ayon sa press release ng DepEd noong Setyembre 22. “So, we contacted the Air Force and others to help us remove them… We’re doing our best to get them out so that the materials don’t deteriote,” saad ni Anggara. Naitatalang 464 laptops, kasama ang bags at accessories, 264 telebisyon ang naipadala sa Rehiyon 10 para sa 412 paaralan at 686 na guro. Binggit naman ng DepEd na tinutugunan pa rin nito ang logistical challenges na kinabibilangan ng pagkakaantala sa pamamahagi ng mga kagamitan dahil sa mga isyu sa warehouse sa 2020 at 2021. Matatandaang pinamunuan ni Leonor Briones ang departamento ng edukasyon mula 2016 hanggang 2022 sa ilalim ng administrasyong Duterte at sinundan naman ni VP Sara Duterte na bumaba sa pwesto na kanyang hinawakan mula 2022 at pinalitan ni Anggara noong Hulyo 2024.

mag-aaral ng MOGCHS na nakararanas ng pagbaba ng marka sa unang markahang pagsusulit kaysa sa pangalawang markahang pagsusulit

pahina 2 balita Kaso ng Illegal Drugs sa Paaralan, Lumobo

D

ismayado ang 56% mag-aaral ng Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) dahil sa mataas na pamantayang dala ng DepEd Order 10, s.2024 matapos ang 45 minutong pag-amendya sa bawat klase.

Nakasaad sa DO 10 ang pagkakaroon ng 45 minutong pagtuturo sa mga guro na nagdulot ng malaking hamon sa mga mag-aaral na makasabay sa mabilisang pagkatoto na inaasahan ng patakaran. “Instead of being helpful, it actually became a problem [be]cause of the fast-paced schedule that balances the learning schedule from minor to major subjects” pahayag ni Christine Dela Pena, mag-aaral. Bagamat layunin ng DepEd na magbigay ng pantay-pantay na oras para sa bawat asignatura, nahihirapan silang maglaan ng sapat na oras upang talakayin ang mga mas malalim na konsepto gaya ng Agham at Matematika. “It affected my overall performance, instead of doing my best, my works became in minimum efforts, like for example in math, the time allotted is very limited in comparison to the hard given questions that I have to answer.” Pahayag ni Joan Carreon, grade 10-amethyst. Ayon naman sa Teachers and Employees Association for Change, Education Reforms and Solidarity Inc. ang pilot implementation ng MATATAG kurikulum ay nagpapadagdag lamang sa stress at pagkapagod sa mga mag-aaral at guro. “While the MATATAG Curriculum is designed to improve foundational skills, the piloting has led to increased workloads for teachers and students” pahayag ni Serain Molina ng TEACHERS Inc. PAGBABA NG MARKA Tinatayang 61% mag-aaral ng MOGCHS ang nakaranas ng pagbaba ng marka sa kanilang unang markahang pagsusulit kompara sa pangalawang markahang pagsusulit na ikinadismaya ng karamihang mag-aaral ng MOGCHS. “The decline of students scores from 1st quarter to 2nd quarter suggests that the limited time may not be sufficient as it seems because majority of the students have different learning environments that need to be complied with, which is crucial for equality of education,” Pahayag ni Ralph Ethan Abejuela, President ng Supreme Student Learners Government (SSLG). Ayon sa mga mag-aaral, isa sa malaking sanhi nito ang pagpapatupad ng mabilisang pagtuturo, partikular sa mga major subjects gaya ng Agham at

Matematika dahil sa ‘overloaded’ na skedyul at paghihirap sa mas maraming takdang aralin at pagbabasa dala ng mas pinaikling class schedule. “Magkatambak-tambak ang mga gagawin ng mga estudyante dahil sa pagbilis ng learning strategy na nagbubunga ng maliit na oras upang magpahinga o makapagself-study na kinakailangan for holistic development” dagdag ni Abejuela. Nakasaad din sa World Bank of 2021, maaring magresulta sa paghihirap ang mabilisang pagtuturo kung saan mahihirapan ang mga mag-aaral na intindihin ang mga materyales para sa kanilang baitang. Isa ito sa mga pangunahing pinatupad ni VP Sarah Duterte, dating kalihim ng DepEd bago sya bumaba sa kanyang pwesto noong June 2024. ‘FLEXIBLE’ KURIKULUM, IPAPATUPAD Inaprubahan ni Sonny Anggara, bagong kalihim ng Department of Education ang ‘flexible’ na pagpapatupad ng MATATAG kurikulum sa ilalim ng DO12, s.2024 nitong ika-18 ng Setyembre, 2024 dulot ng samotsaring pagbabatikos ng mga guro at mag-aaral sa dating kurikulum. Alinsunod DO12, s.2024 pinapayagan ang mga paaralan na magpatibay ng mga iskedyul na angkop sa kanilang ‘pangangailangan at kapasidad’ kabilang ang typology o ang uri at laki ng mga paaralan, kurikulum at pagkakaroon ng mga guro at mga silid-aralan,” gamit ang tatlong opsyon para sa mga iskedyul ng pagtuturo. “To address challenges faced by teachers and schools in managing resources, the Department of Education has introduced flexible guidelines for the implementation of the MATATAG Curriculum,” pahayag ng DepEd. Pinangunahan naman ni Abdon R. Bacayana, PHD, dating Punong Guro ng MOGCHS ang mabilisang pag-aksyon ng MOGCHS sa pagpapatupad ng 55 minutong klase sa bawat asignatura bilang tugon sa pagrereklamo ng mga guro at mag-aaral sa sobra-sobrang pasanin ng DO10. “The 45 minutes that comes with the DepEd Order No.10 is very complicated because of the fast paced learning that the teachers are expecting from us, and now that they have already switched to 55 minutes, I am very grateful.” saad ni Christine Mae Dela Pena, G10-Amethyst, magaaral na nahihirapan sa 45 minutong skedyul.

opinyon

pahina 5

Hamon sa Edukasyon lathalain

pahina 10-11

Dangal ng Dilag agtek

pahina 13

Ngiti sa Ulap, Pait sa Pagarap isports Munting Sulyap

pahina 20


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Ang Gintong Bagwis 2024-2025 by official_agb.com.ph - Issuu