Skip to main content

Ang Sulyap TOMO XIII BILANG II

Page 1

ANG PASTOL NG KATOTOHANAN

TOMO XIII BILANG 2

B

ilang pasasalamat sa mga magulang, makabuluhan ang Sinundan ito ng panimulang pananalita mula kay Gng. Lea Parent’s Night 2024 na isinagawa ng mga estudyante Abacan, IBEd Assistant Principal at nagbigay naman ng mula sa ikasampung baitang kalakip ang temang inspirational message si Sr. Mary Añanita Borbon, RGS, PhD, “Wandering Through Life: A Night of Gratitude and College President. Appreciation”. Tunay na hindi makakalimutan ang pampasiglang bilang Naganap ang selebrasyong ito noong ika-21 ng Mayo, mula sa Grade 10 PAO-RB kasama ang ilang Grade 10 2024 sa ganap na ika-3 ng hapon sa St. Bridget College students sa kanilang production number sa kantang “A Night Manuela Q. Pastor Auditorium na dinaluhan ng mga Grade to remember”. 10 students at kani-kanilang mga magulang. Taon-taong kaganapan ito sa mga magsisipagtapos na mag-aaral kung saan nagkakaroon sila ng pagkakataong Nagsimula ang programa sa isang panalangin maipakita ang kanilang mga talento kasabay ng paghahatid mula kina Bea Villena at Roxie Aguirre, BISA- ng mensahe at pagmamahal sa mga importanteng tao na EXECOM President at Vice President, kasama ang nagbigay ng malaking tulong sa kanilang apat na taon sa Grade 10 PAO-ICAP talents na tumugtog bilang sekondarya. dasal sa gabing iyon. Iba’t-ibang yugto ng buhay ng isang mag-aaral ang ipinakita ng pitong seksyon; early stages ang ipinakita ng 10Justice at 10-Compassion, growing up stage ang sa 10Nationalism, 10-Service, at 10-Perseverance, habang maturity stage naman ang sa 10-Courage at 10-Generosity.

Hindi lamang mga estudyante ang kabilang sa programa, pati ang mga magulang ay nakapagbahagi ng kanilang mensahe, para sa mga estudyante at sa kapwa nila magulang, sa katauhan nina Gng. Imelda Manalo at G. Manolo Merhan. Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng samasamang pag-awit ng mga mag-aaral ng “With A Smile” at kasabay nito ang pagbibigay nila ng simpleng regalo sa kanikanilang mga magulang. Panghuling pananalita mula kay Gng. Jovita Lualhati, Student’s Activity Coordinator at punong abala para sa isinagawang programang ito, ang naging wakas ng Parent’s Night. Tunay na mahalaga ang pagpapakita ng pasasalamat at pagpapahalaga sa mga magulang na tumulong para sa magandang nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ng mga mag-aaral kaya naman ang programang ito ay naging matagumpay.

Iyak, tawa, at kung ano-ano pa; Halo-halong emosyon ang naramdaman ng mga magulang nang mapanood ang palabas na inihandog ng kanilang mga anak para sa kanila.

ANG

SULYAP ENERO-HUNYO 2024

Opisyal na pahayagan ng Lungsod ng Batangas, St. Bridget College, Mataas na Paaralan ng Rehiyon 4-A, CALABARZON

Bridgetines, Nagpakitang-gilas sa ASMEPPS Nationals 2024!

NILALAMAN

OPINYON

KARYN MIKAELA U. FORTU

N

agpakita ng husay at talento ang mga mag-aaral ng St. Bridget College sa Association of Science and Mathematics Educators of Philippine Private Schools (ASMEPPS): National Marathon of Skills and Talents na ginanap sa University of Baguio noong Marso 9-10, 2024. Lumahok ang mga Bridgetines na nagwagi noong regionals level na naging daan upang maging kwalipikado sa nationals na ginanap sa Baguio City. Maraming kategorya’t larangan ang sinalihan ng mga mag-aaral at ang ilan naman dito ay nakapaguwi ng medalya. Ginanap sa unang araw ang mga paligsahan tulad ng Science Quiz, Math Quiz, Science Trivia, Math Trivia, Exhibit Presentation, Oral Presentation, Team and Life Science, at Individual and Team Applied Science. Kasama na rin dito ang mga paligsahan sa Story Telling, Declamation, Science Creative Writing, Drawing and Coloring, Poster Making, Poem Delivery, Oration, Extemporaneous Speech, at Campus Journalism. Naipamalas naman agad sa unang araw ang galing sa pagguhit nina Rhianne Jasmine P. Garcia, Jewell Elizabeth A. Garcia, Skye Angelyn G. Padilla, Maia Lynette M. Padrilan, Maria Kendra S. Macatangay, Margaux Ysabel B. De Villa, Jayden Rey S. Pintado, Adam Vinz A. Andoy, at Rain Iyesha A. Berana, na nakakuha ng ikaapat, ikalima, ikaapat, ikalawa, ikawalo, una, ikalawa, ikaanim, at ikasampu na gantimpala. Ayon kay Margaux Ysabel B. De Villa, ang kampeon sa pagguhit mula sa 9-Creativity, “Naisip ko sa sarili na sulit talaga yung mga "practice" na ginawa ko sa mga nakaraang linggo bago ng paligsahan. Sa karanasang ito, natutunan ko din na maging mapagpakumbaba kahit manalo ka. Well, medyo "common sense" naman yun pero kita ko talaga yung mga kalaban ko, magaling din talaga sila. I felt honored to go against them sa kabila ng matingding kaba sa panahon ng paligsahan.”

Sa larangan ng poster making naman, nagwagi sina Kate Jaden M. Macatangay, Sophia Marie A. Beron, Sophia Gabrielle G. Baretto, Ayesha Gwyneth G. De Guzman, Franchesca Josanne I. Montalbo, Franchesca Reine M. Lasheras, Patricia Louise C. Aguila, Kloe Nicole M. Rosales, at Precious Mayen C. Casa na nagkamit ng pangatlo, panlima, pansampu, panlima, pang-apat, panlima, pangalawa, pampito, at pangatlong pwesto. “Mga naramdaman ko ay syempre kabado pero nandon pa din ang pagtitiwala ko sa sarili ko na kaya ko at gagabayan ako ni God. Naramdaman ko po noong nagwagi ako super happy po ako at sa pamamagitan nito lalo ko pang pagbubutihin ang pag-guguhit bilang pasasalamat sa talent na ibinigay saakin ng Diyos”, ani Precious Mayen C. Casa mula sa 10-Justice, na nakakuha ng ikatlong gantimpala sa poster making.

LATHALAIN

Sa ikalawang araw naman, sinimulan rin ang Sci Modeling, Dance for the Environment, at Solo Singing. Nakapag-uwi rin ng medalya ang mga mang-aawit na sina Stacey Joyce M. Magbuhat, Sophia Gabrielle G. Barretto, Radaelli Marta L. Matienzo, Mayumi Jianne L. Tiongson, at Kloe Nicole M. Rosales na nakakuha ng ikatlo, ikasiyam, una, ikawalo, at ikaanim na gantimpala. “Ang pagbabalanse ng aking pag-eensayo sa pagguhit at pagkanta ay nangailangan ng mahusay na pagpaplano ng oras at disiplina. Naranasan ko ang halo-halong emosyon: kinakabahan ngunit nananabik; gayunpaman, pagkatapos ng lahat ng ito, nagkaroon ako ng kasiyahan mula sa aking mga nilikha,” pahayag ni Kloe Nicole M. Rosales mula sa 10-Compassion, na nagwagi ng ikaanim at ikapitong gantimpala sa Solo Singing at Poster Making. Halo-halong emosyon ang naramdaman ng mga Bridgetines nang matapos sila sa kani-kanilang paligsahan. Lubos silang natuwa sapagkat nakapamasyal din sila sa Baguio City at nakapag-uwi rin sila ng maraming mga ala-ala at mga aral.

Isports


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Ang Sulyap TOMO XIII BILANG II by The Beacon & Ang Sulyap - Issuu