Skip to main content

The Courier Express (Aug 2023)

Page 1

SPECIAL ISSUE IN FILIPINO

ISSUE NO. 4 | SPECIAL ISSUE IN FILIPINO

AGOSTO 2023

1

THECOURIER THE OFFICIAL STUDENT PUBLICATION OF NORTHWEST SAMAR STATE UNIVERSITY- MAIN CAMPUS

ISSUE NO. 4

AGOSTO 2023

CALBAYOG CITY, SAMAR

BS Nursing sa NwSSU Pagbubukas ng Nursing, posible sa 2024 ni CAROL PERITO, ARELYN RONZON POSIBLENG sa susunod pang taon mabubuksan ang kursong Bachelor of Science in Nursing para sa NwSSU Main Campus. Ito ay matapos hindi pa inirekomenda ang pagbubukas ng nursing program ng Commission on Higher Education (CHED) Region 8 sa kanilang onsite ocular visit na isinagawa noong Hunyo 5, 2023. Ayon sa naging resulta ng paunang pagbisita ng CHED, kinakailangan pang masunod ang lahat ng mga kondisyon na nakasaad sa CMO No. 13 Series of 2017 o ang Policy Standards and Guidelines para sa Bachelor of Science in Nursing program. Kasama na sa mga kondisyon na ito ang pagkakaroon ng sapat na faculty, library, laboratory, at base hospitals na hindi pa natutugunan ng NwSSU sa kasalukuyan. “By this academic year, we are not favorably recommending this for endorsement to CHED Central Office because it’s the central office that gives the final decision,” ani Erlita S. Piñero Education Supervisor II. Bukod dito, sinabi ni CHED Supervisor Piñero na kailangan pang isumite ng unibersidad ang mga kulang na dokumento at ayusin ang kakulangan bago ito iendorso sa central office. “As long as they are going to comply with the minimum requirements. I don’t have any doubts, basta mag comply,” dagdag pa niya.

WHAT’S INSIDE Follow us on Instagram and Tiktok @nwssucourier Like us on Facebook Facebook.com/nwssucourier Read more at https://thecourier.nwssu.edu.ph/

POSIBLE NA. NwSSU faculty ipinakita ang kahandaan ng unibersidad sa ocular visit ng CHED para sa takdang pagbubukas ng B.S Nursing sa pasukan 2024. KUHA NI CHINO ORTIZ

INFRASTRUCTURE AND FACULTY “No BSN Program without base hospital [because] it’s a major requirement of the program for the skills training of the nursing students. They need a base hospital [for their] clinical rotation or experience,” sabi ni Piñero. Sa exit conference, binigyang-diin ni Piñero na ang Nursing program ay dapat isang standalone na kolehiyo na may kwalipikadong dean at mga miyembro ng faculty at may sariling gusali na may perpektong set up ng ospital. Nabanggit din niya ang kalamangan

ng pagkakaroon ng isang silid-aralan na istilo ng teatro na may minimum na kinakailangan na hindi bababa sa 50 upuan. “When the teacher or clinical instructor does the demonstration, they can see everyone if they are following,” sabi niya. Higit pa rito, may agarang pangangailangan na kumuha ng mga guro na kwalipikadong akademiko at klinikal. “Instruction is the key. How can you

IPINAGPATULOY SA PAHINA 2

OPINION.p5

LATHALAIN.p10

ISPORTS.p12

Higit pa sa logo at slogan

Street food, patok sa Norwesians

Pagkakaiba sa gitna ng pagkakaisa


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
The Courier Express (Aug 2023) by The Courier | NwSSU Main Campus - Issuu