Skip to main content

1999-10 ang ubod

Page 1

bun1andila sa Battle of the Brainssundansap.lkol.2

Ang op.1syal na paha.9agang F1l1pmo ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Ma_1Jnrla

Ang opisyal at unibersal na simbolo ng bagong milenyo

Ikatlong mileny._o ...

Kalin811Efill al kulfura n5 m5a Pilipi00 sa b830fi8 milenyo n5 palnu5ulan n5 An5 Ubod

~ _A_cadeII~ic freedo•~

malayo sa pangan_ib' - Sen. Miriam Defensor-Santiago "Hindi maaapektu.han ang mga guro 't mag-aaral ng mga pagbabago sa konstitusyon," pahayag ni Senador Miriam Defensor-S antiago nang siya'y makapanayam ng mga patnugot ng Ang Ubod sa Senado ng Pilipinas. Kanyang winika na ang academic freedom ay isa sa mga probisyon ng konstitusyon na hindi maaaring mabago. Ang academic freedom ay ang kalayaan ng mga guro na makapagturo at ng mga mag-aaral na matuto sa anumang paraang pinakamabisa upang matugunan ang tawag ng propesyong pang-edukasyon. Kanya ring idiniing walang ahensiya ng pamahalaan ang maaaring makapagpasa ng batas o resolusyon upang mapigil o masugpo ang academic freedom. Ayon sa senador, hindi niya inaasahang maapektu.han ang mga mag-aaral at guro ng anumang pagbabago ng konstitusyon. Ngunit, bilang mga mamamayan ng Pilipinas, maaapektuhan sila sa mga pagbabagong ito dahil winika ni Pangulong Joseph Estrada na ang pangunahing hakbang sa pagbabago ng konstistusyon ay ang

pagpapasulong sa mga pangekonomiyang adhikain ng pamahalaan. Winika niyang, malaking bahagi ng badyet ang natatanggap ng edukasyon. Wala siyang nakikitang makakapagpabago nito at ito 'y mananatili. Sinabi rin niyang sa ngayon, ayon sa mga dalubhasa sa badyet at finance, mas nabibigyang pansin ang pagbabayad ng mga utang ng Pilipinas sa labas ng bansa, sa halip na gastusin sa edukasyon. Ayon pa sa kanya, napapasailalim ang mga probisyon sa pagbabayad ng mga ito kaya't hindi napabubuti ang edukasyon para sa publiko. Dito, ayon sa senador, ay may paglabag na sa konstitusyon. Kanya ring binigyang diing ang mga pangunahing hakbang sa pag-aamyenda ng konstitusyon ay hindi nagmumula sa Kongreso. Ayon sa kanya, ito ay isang paglabag sa konstitusyon dahil ang hakbang ay nararapat na manggaling sa Kongreso at hindi sa ehekutibong sangay ng pamahalaan. Dahil hindi pa nakapagpapasa ang mababang kapulungan ng resolusyon ukol sa

pagbabago ng konstitusyon, ayon sa senador, ay wala pang hakbang ang senado sa pag-aamyenda nito. S a panayam ng mga patnugot, kanyang sinabing ang konstitusyon n g

Pilipinas ay isa sa mga pinakamaayos na naisulat sa buong Asya dahil sa tayo'y mahusay sa wikang Ingles. Mataas ang kaantasan ng pagkasulat ng ating konstitusyon subalit pagdating sa "reality" o sa pagpapalaganap nito, tayo 'y mababa. Ang ating mga batas, tulad din ng sa ibang bans a, ay hindi naisasakatuparan kaya tuluyang lumalaganap ang graft and corruption sa ating bansa.

Battle of the Brains - Year 7

De Guzman, Yabut; mga kampeon

UTAK LAHAT. Sina Patrick Gerard de guzman at Neil Ttristan

» S unuan sa pah.ma 2 Yabut, kasama sina Ong. Concepcion, Ong. Gaspar at Ong. Banta. ,J

Nagkampeon ang Mataas na Paaralang Pang-agham ng Maynila (MPPM) sa 7th Battle of the Brains na ginanap sa Teatro Aguinaldo, Quezon City, Hunyo 14. Sina Patrick Gerard S.de Guzman at Neil Tristan M. Yabut ang mga kinatawan ng MPPM. Nanguna sina de Guzman at Yabut sa weekly, monthly at quarterly finals bago nakapasok sa grand finals. Naging malawak ang pagitan ng puntos ng MPPM at ng mga katunggali sa grand finals. Dahil dito 'y hindi na nakahabol pa ang mga kalaban. May dalawang rounds ang paligsahan, ang easy at difficult round. Pumangalawa sa grand finals ang Sisters of Mary - Imus, samantalang pumangatlo naman ang Angelicum College. Kalahating milyong piso ang premyo ng nanguna. Sina de Guzman at Yabut ay tumanggap ng halagang Pl 00,000 at mga kagamitan tulad ng mga aklat at kagamitang pambahay. Kasama rito ay premyong libreng paglalakbay sa Pilipinas. Ang Negros Navigation ang isa sa mga nagtaguyod sa paligsahan. • Sina Ong. Emilia Gaspar, guro ng Araling Panlipunan , at Gng. Leticia Concepcion, guro ng agham, ang mga tagapagsanay nina de Guzman at Yabut. Sila rin ay tumanggap ng halagang PS,000 at mga kagamitang pambahay.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
1999-10 ang ubod by Neil Yabut - Issuu