Alingwan
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mababang Tomo 5 Blg 1|AGOSTO-MARSO 2023
Paaralan ng Balindan, Paracelis, MP, CAR
LIGTAS ANG MAY ALAM! Ibinahagi ng mga kawani ng BFP ang mga dapat gawin tuwing may lindol at sunog sa pagsabay sa National Simultaneous Earthquake Drill noong Marso 9, 2023 sa Balindan Elementary School.
BES nakisabay sa eartquake drill Gyth Acha-ol
Nakisabay ang mga magaaral, mga guro at magulang sa malawakang pagsasagawa ng National Eartquake Drill noong Marso 9, 2023. Pinangunahan ito ng mga kawani ng Bureau of Fire Management- Paracelis sa kanilang pagbisita sa paaralan. Masusi nilang itinuro ang mga dapat gawin tuwing may
lindol at sunog. Ipinalala nila na gawing makatotohanan at seryosohin ang pagsasanay na ito. Ito ay para maiwasan ang mga casualty tuwing may kalamidad lalong lalo na madalas na ang mga lindol na nagyayari sa ating bansa. Maayos naman na isinagawa ng mga bata ang “duck, cover and hold.” Samantala nagpalabas
ang pamahalaang lokal ng Paracelis ng mga precautionary measures tuwing may darating na bagyo at palatandaan kung gaano kalakas ang bagyo. Sinuri ang mga pwedeng evacuation centers at isa ang BES na lugar para sa mga evacues ng sitio Mabaclao at Masablang.
Handog Pamasko ng ASA Nova Lapawen Pinagkalooban ng maagang pamasko ang mga mag-aaral ng Balindan Elementary School sa pagbisita ng mga kawani ng Awareness Service Action (ASA) noong Nobyembre 9, 2022. Mapalad ang BES dahil isa ito sa mga napiling mahandugan ng mga biyaya. “Ito ang simpleng paraan namin para masuklian ang mga biyaya na ipinagkaloob ng mga miyembro ng Paracelis at ibabalik namin ito sa mga aktibidad na kagaya nito,” sabi ni Marissa Lopez, representante ng ASA-Paracelis. Nagpamigay ng mga payong at mga school supplies. Bukod dito ay nagpakain din sila ng lugaw sa mga magaaral. Laking pasasalamat ng mga bata sa mga biyayang naipagkaloob sa kanila. “Maraming salamat at isa ang balindan ES ang napili na makatanggap ng mga regalo,” ani ni Mam Gladys Liban School Head. Samantala, sinabi naman ng pamaunuan ng ASA na sila ay tumatanggap ng mga aplikante para sa scholarship. Kaya pinagsabihan ang mga magulang na magsumite ng kanilang mga aplikasyon .
BES wagi sa sabayang bigkas Jasper bawal
Sabay sabay na ipinamalas ng mga mag-aaral ng Balindan Elementary School ang piyesa sa sabayang bigkas para makamit ang unang gantimpala sa online na kumpetisyon noong Nobyembre 2, 2022 sa distrito ng Paracelis North. Sinalihan ito ng iba’t ibang mababang paaralan ng distrito. Ang programang ito ay ionrganisa ng Regional
Subcommittee for the Welfare of Children (RSCWC) at Regional Juvenile Justice Welfare Committee (RJJWC) para sa selebrasyon ng National Children’s Month at Justice Consciousness Week na may tema na “Kalusugan, Kaisipan at kapakanan ng Bawat Bata Ating Tutukan.” Layunin ng programang ito na mahasa
ang mga bata na maipakita ang kanilang mga talento sa pagsusulat at pagbabahagi ng kanilang mga komposisyon para tawagin ang pansin ng lahat at ang mga kinakaukulan na pahalagahan at pangalagaan ang kapakanan ng mga bata. SA ASA MAY PAG-ASA.
Ang BES ang Bumisita ang mga kawani ng ASA kakatawan sa distrito sa at namahagi ng mga pamasko pandibisyong kompetisyon sa at nagpakain sa mga mag-aaral ng sabayang pagbigkas BES noong Nobyembre 12, 2022.