OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LUZ BANZON INTEGRATED SCHOOL, JASAAN SOUTH DISTRICT | MISAMIS ORIENTAL | REGION X
SISI SA AKSIDENTE
OKTUBRE 2024 - ENERO 2025 | TOMO 3, ISYU BLG. 2
i-scan ang QR Code para makakuha ng kopya
ang alingaw
kuha ni: Shanaiah Garrido
ISTORYANG BUO, ISTORYANG TOTOO
SAKLAW NA BALITA
ni JESSICA MANQUIQUIS
N
asa kabuang 6 aksidente na ang naitala ng paaralan matapos masagasaan ng motorsiklo ang isang mag-aaral sa ika-anim na baitang nitong ika-3 ng Disyembre, 2024 na nagtamo ng matinding sugat sa balikat at siko nito habang naglalakad sa pedestrian lane pauwi ng walang nagbabantay na ronda sa kalsada.
Ang walay malay na si Maryll Cagape, 11, isang Grade Six learner, ay dali-daling binuhat ni Gng. Mag-away ng ito ay nadaganan ng isang motorsiklo habang tumatawid sa pedestrian lane bandang alas 4:00 ng hapon. Wala ng masyadong estudyante ang tumatawid sa kalsada kaya naman tudo ang harurot ng mga sasakyan ng tumatawid dito. Wala ng naka-abang na ronda at traffic aide sa lugar dahil umano sa lagpas oras na ng kanilang trabaho. Isa sa naging usap-usapan nila ang kapabayaan ng nakatokang ronda sa araw na iyon na hindi sumipot dahil sa isyu ng sahod nito sa barangay. “Ayaw sad me i-blaim sa nahitabo sir, wala baya sad moy counterpart sa among honorarium nga Ph2,000 sa barangay. Dugay pa man sad kaayo nigawas ang mga bata, alas 4:00 sa hapon raman me taman diri mag-bantay diri,” paliwanag ni Manong Ernie, traffic aide tanod. Inalmahan ito ng punong guro ng paaralan na si G. Pacamalan na isang iresponsableng hakbang nila at pawang walang pakialam sa kapakanan ng mga kabataan sa paaralan. Sa isang PTA Assembly Conference na ginanap noong ika-6 ng Disyembre, buong pusong sinalo ni Hon. Concordia Jardin, Brgy. Chairman ng Luz Banzon, ang responsibilidad sa pangyayari sa harap ng mga magulang. Sa halip na magsisihan, gumawa sila ng inisyatiba upang mag-dagdag ng traffic enforcers sa paaralan at pinaigting din ang pagbabantay sa mga estudyante na hanggang alas-5:00 ng hapon. “Wala tay lain gusto sa atong mgas anak maski sa balay man sila o sa eskwelahan kundili ang ilang safety gyud sa adlaw-adlaw, busa daghan salamat sa inyong suporta sa tag-singko para makahatag kita ug dugang traffic aide nga mubantay sa atong mga kabataan“ saad ni Kapitan Jardin. Limang aksidente na ang naitala ngayong SY 2024-2025 na kung saan isa rito ay namatay dahil sa rickless driving.
“
Kadalasang dahilan ng disgrasya ay reckless driving ayon sa datos mula Municipal Police Office ng Jasaan, Misamis Oriental na may mga biktima edad 7-13 at 35-50
..wala tayong gusto para sa ating mga anak sa loob man ng bahay o sa labas kundi ang kanilang kaligtasan,..
13
- Punong Barangay
Bilang ng mga disgrasya sa daan na namatay
6
Bilang ng mga disgrasya sa daan na sugatan
5th
Wagi sa kabuuang ikalimang pwesto sa RSPC 2024 School Paper Category na ginanap sa CDO, MisamisOriental ang Ang Alingaw Place
Kaso ng pagtatanan, lumolobo 9 na mag-aaral sumailalim sa ‘counseling’ ni SOED ARCELA JUN TUNACAO
A
yon sa ulat ng PNP Jasaan, kabuuang siyam na kaso ng pagtatanan ng mga mag-aaral na may edad 12 hanggang 15 taon ang naitala sa mga paaralan ng Jasaan mula sa unang quarter ng 2025, kung saan ang mga estudyanteng ito ay sumailalim sa masusing counseling upang matulungan sila. Sa isang panayam ni PMAJ Melchor L. Annaway, Chief of Police ng Munisipyo ng Jasaan, halos mag-aaral ang inireklamo ng mga magulang ang nagtatanan sa nagdaang buwan hanggang sa kasalukuyan. sundan sa/PAHINA 2
MGA NILALAMAN
Kapabayaan ng ronda, sinisi sa trahedya
EDITORYAL | Pahina 04
LATHALAIN | Pahina 08
AGTEK | Pahina 12
Asalita ng GenZ
Hakbang sa lubak na pangarap
HanIP sa robotiks