Skip to main content

Ang Talipeño - Tomo V Bilang 1

Page 1

TOMO V BILANG 1

talipeño ang

Talipan National High School |

Pagbilao, Quezon

panulat na may dignidad

|

Rehiyon IV-A CALABARZON

YANO AI!

DepEd, tututukan ang pagtuturo ng responsableng paggamit ng AI sa edukasyon >> ALMIRA FATE B. LUSANTA Grade 10 MPT

P

Sa kabila ng kawalan pa ng konkretong programa para limitahan ang Artificial Intelligence (AI) sa edukasyon, nagpaalala na ang DepEd Quezon na maghinay sa ‘di makatwirang paggamit nito. AGBILAO, QUEZON - Pagtutuunang-pansin ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) Quezon ang kanilang mga hakbang sa pagpapatupad ng responsableng paggamit ng Artificial Intelligence (AI) bunsod ng lumalalang impluwensiya nito sa edukasyon. Ayon kay Quezon Division Office Supervisor Abner L. Pureza, kailangang tugunan ang lumalalang pagdepende ng mga estudyante at guro sa AI dahil makasisira ito sa pagtataguyod ng kalidad na edukasyon. “Artificial intelligence first and foremost is created to help for a system to be easy. May responsibility ang paggamit noon. Positive ang purpose niya kaya lang the purpose is defeated kapag ginagamit siya in a negative way,” paliwang ni Pureza. Dagdag pa niya, dapat ituro ang tamang paggamit nito sa mga guro at estudyante na suking-suki ngayon ng mga AI application, lalo na sa paggawa ng mga essay, researches, at quizzes. “It’s a matter of inculcating positive values sa mga bata at sa mga kapwa workers na too much dependent on technology… Yung value of responsibility na basta keep on teaching fellows or the young and even co-workers na kailangan pinaghihirapan ang lahat,” diin nito. Kaugnay nito, suportado ng DepEd ang paggamit ng MultiDimensional Assessment Test kung saan awtentiko dapat ang mga katanungan na gagawin ng guro at hindi basta na lang galing sa AI. Aniya pa, nakikita ring banta sa work efficiency ng bansa ang patuloy na pag-abuso sa paggamit ng AI dahil binabalewala nito ang mga kailangang kakayahan na dapat matututuhan ng tao. “What kind of work are we expecting kung produkto ng mga ganitong pang madalian at nakuha nang ‘instant’ ang mga

YANO AI | Pahina 3

Tutugon lang tayo sa mga plano ng DepEd para umangat sa PISA - Admin >> CRIZIALYN O. PIÑOL Grade 10 MPT

S

Infograpiks ni: Jase Gerald Arquiza

uportado ng pamunuan ng Talipan National High School (TNHS) ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at mga plano nito upang maisalba ang sistema ng edukasyon ng bansa matapos ang bagsak na resulta sa pinakabagong Programme for International Student Assessment o PISA. Ayon kay Dr. Luningning R. Mendoza, Punongguro, walang ibang solusyon sa mababang sistema ng edukasyon kundi ipagpaubaya ito sa mismong Kagawaran na may mga hakbang na ring inumpisahan sa ikaaayos ng sistema bago pa man lumabas ang PISA results ngayong taon. “Una sa lahat, tutugon lang tayo sa mga gusto nila. Sila ang mas nakakaalam sa posibleng solusyon at tayo na nasa baba ay kailangan lang gawin yung part natin

lalo’t higit ang mga guro with socioeconomically sa English, Math at Science advantaged students, we para sa kinabukasan ng mga can see that (we) are around mag-aaral,” ani Dr. Mendoza. five to six years behind,” ani Matatandaang sa Alexander Sucalit, officer-ininilabas na PISA results ng charge ng DepEd’s Bureau Organization for Economic of Education Assessmentand Cooperation Development Education Research Division (OECD), lumabas na halos sa isang panayam. walang paggalaw sa ranking Samantala, hinamon ng Pilipinas mula 2018 at naman ng paaralan 2022 kung saan ‘five to six ang mga guro nito sa years behind’ ayon sa PISA English, Mathematics, at ang kalalagayan ng edukasyon Science na gawin lahat ng sa bansa. kanilang makakaya upang “If we follow the matulungan lalo’t higit ang computation (of PISA) with mga mag-aaral na maging caveats, based on the OECD handa sa kinabukasan.

Ilustrasyon ni: Jase Gerald Arquiza

Mga guro, umaray sa ‘pananakot’ ng DepEd sa mga dumidedma sa Operation Baklas >> JAMES BRYANT T. RUSTIA Grade 10 ERM

H

indi nakapalag ang mga guro nang bantaan silang kakasuhan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) kaugnay sa pambabalewala umano sa DepEd Order No. 21 o Operation Baklas sa mga visual aids na nakapaskil sa mga silid-aralan. OPERATION BAKLAS | Pahina 3

Panukalang pagtuturo sa hayskul ng paglaban vs korapsyon, suportado ng Talipan >> ARIANE JOY M. ALAN Grade 9 FL

T

iniyak ng Talipan National High School (TNHS) ang suporta nito kung sakaling aprubahan ang House Bill No.9054 o ang “Anti-Graft and Corruption Education Act” na naglalayong isama sa basic education program ng bansa ang pagtuturo ng mga araling hinggil sa masasamang epekto ng korapsyon. PAGLABAN VS KORAPSYON | Pahina 3


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Ang Talipeño - Tomo V Bilang 1 by El/Ang Talipeño - Issuu