Skip to main content

Ang Sinag, Tomo XXVIII, Bilang I (Agosto 2023-Abril 2024)

Page 1

Ang Sinag Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Eastern Samar National Comprehensive High School Sangay ng Lungsod ng Borongan Rehiyon VIII Tomo XXVIII, Bilang 1 Agosto 2023-Abril 2024

Inklusibong edukasyon, pinaiigting ng ALS-SHS / 02

Ang Pagtahak ng Isang Pipi’t Bingi sa Daan ng Edukasyon/ 10

Isang naratibo ng magsasakang apektado ng pagmimina/ 14

Mga aral mula sa isang estudyanteng siklista/ 18

PAGSULONG NG EDUKASYON Compre, pamahalaang panlalawigan, magkatuwang sa pagsugpo ng krisis sa pagkatuto ni Reign Kiezher Aboy Nagsanib-puwersa ang Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS) at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Silangang Samar sa pagsulong ng edukasyon sa pamamagitan ng pagsugpo sa krisis sa pagkatuto sa kasalukuyang taong panuruan. Pinalakas ng Compre sa pagbubukas ng taong panuruan ang Proyektong Reading Enhancement Activity Drill (READ) na naglalayong mabawasan ang puwang sa pagkatuto sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbasa. Sa ikalawang taon ng proyekto na nagsimula noong nakaraang taong panuruan (2022-2023), nakipagtulungan ang paaralan sa pangunguna ni Dr. Hazel B. Meneses, punong-guro, sa pamahalaan ng probinsiya. Naglaan ng 23 na Learning Support Aides (LSAs) ang pamahalaang panlalawigan sa pagbubukas ng unang kwarter

ng 2023-2024 na tinutukan ang pagbibigay ng mga interbensyon at iba’t ibang gawaing pagkatuto para maiangat ang antas ng mga hindi makabasa o ‘non-readers’ ng paaralan. Sa pagtutulungan, napababa sa 18 ang 28 na mag-aaral na hindi marunong bumasa ngayong taon sa pagtatapos ng ikawalang kwarter. Inaasahang magpapatuloy ang tatlong taong proyekto hanggang sa taong panuruan 2024-2025. KRISIS 03

Paglilingkod sa komunidad, pinalakas ng Compre ni Joey Kevin Enage Pinaigting ng Eastern Samar National Comprehensive High School ang paglilingkod sa komunidad bilang tulong sa mga kabataan at mamamayan ng Probinsiya ng Silangan Samar at Lungsod ng Borongan ngayong taong panuruan. sa Provincial Social Welfare and ng mga mag-aaral ng Caregiving, Sa patuloy na pagtutulungan ng Development Office, Disyembre 14. Cookery at Tourism sa pagsasagawa mga mag-aaral at guro ng Compre, “It amon iskuylahan in nagng gift giving sa Sister’s Servants of matagumpay na naisagawa ang mga eextent hin mga blessings to those the Visitation (SSV) Mission Aid Home gift giving activity, donation drive, at children nga mga nanginginahanglan. kung saan namahagi ng pagkain, outreach program na nagbigay ng (Ang ating paaralan ay nagbibigay laruan at mga damit sa mga kabataan, tulong sa mga nangangailangan bilang ng mga biyaya sa mga batang Disyembre 11. sentro ng makataong pagpapahalaga nangangailangan.),” pahayag ni Dr. Dagdag pa, nagsagawa ng ng Kagawaran ng Edukasyon. Meneses. donation drive ang paaralan sa Hinandugan naman ng Student pakikipag-ugnayan sa Kagawaran ng Pag-agapay sa Kabataan Accountants Organization (SAO) Paggawa at Empleyo (DOLE) upang ng Accountancy, Business and matulungan ang humigit kumulang Pinangunahan ni Dr. Hazel B. Management strand ng mga grocery 170 na kabataang manggagawa mula Meneses, punong-guro ng paaralan, item, mga laruan, at mga damit ang sa bayan ng Jipapad at Guiuan ng katuwang ang Teachers Employee mga kabataan sa Brgy. Calingatnan Silangang Sama, Disyembre 8. Union (TEU), ang pamimigay ng Day Care Center, Lungsod ng regalo sa mga batang nasa ilalim Borongan, Disyembre 13. ng pangangalaga ng Kagawaran ng KOMUNIDAD 05 Nanguna rin ang ang Home Kapakanang Panlipunan Economics Circle na binubuo at Kaunlaran (DSWD)

KAAGAPAY. Batang puso’y aarugain makamtan lang ang mga pangarap ng komunidad.

Kuha ni Andrew Aclao

Ang ating paaralan ay nagbibigay ng mga biyaya sa mga batang nangangailangan. Dr. Hazel B. Meneses Punong-guro

10

sa mga numero

ang nadagdag sa marunong nang bumasa mula sa pagiging non-reader

Bilang ng mga mag-aaral na nakababasa, muling umakyat ni Jessa Valerie Horca Muling nadagdagan ang bilang ng mga mag-aaral na tumaas ang antas ng pagbasa mula sa pagiging ‘non-reader’ o hindi makabasa ng Eastern Samar National Comprehensive High School para sa una at ikalawang kwarter ng kasalukuyang taong panuruan. Sa 28 na bilang ng mga nonreader ng paaralan sa pagsisimula ng 2023-2024, 10 ang nabawas sa kabuuan kung saan apat ang galing sa ikapitong baitang, dalawa sa ikawalo, tatlo sa ikasiyam, at isa sa ikasampu. “This is the result of the effective implementation of the Literacy Program of the school,” pahayag ni Gng. Josephine G. Alegre, tagapagugnay ng programa sa pagbasa ng paaralan. “I am very much thankful for the helpfulness of this program because it provides the needs for the development and enhancement of the students,” dagdag ni Gng. Alegre. Matatandaang ang 28 na magaaral ang natirang ‘non-readers’ mula sa kabuuang 58 na hindi marunong bumasa noong nakaraang taong

panuruan. “Even they can now read, we continue to give remediation, but now, only thrice a week,” dagdag ni Gng. Alegre. Sa kasalukuyan 18 na nonreaders ang tinutulungan sa sumasailalim ng programa. Patuloy ang ibinibigay na interbensiyon ng mga guro at Learning Support Aides (LSAs) sa mga mag-aaral na nanatiling hindi marunong bumasa at inaasahang mapataas ang kanilang antas sa pagtatapos ng taong panuruan. Ayon naman sa isa sa mga mag-aaral na bahagi ng programa, “Malaki ang naging tulong para mahibaro ak magbasa (para matuto akong bumasa). Nagkaroon ako ng pagkukusa sa pagpunta sa reading hub. Nag-enjoy ako.”


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Ang Sinag, Tomo XXVIII, Bilang I (Agosto 2023-Abril 2024) by ESNCHS Ang Sinag - Issuu