Skip to main content

Ang Sinag, Tomo 26, Bilang 1 (Panuruang Taon 2022-2023)

Page 1

11 isports editoryal

Water quality monitoring system

Bigyan ng helmet yan

Tunay na malayang pamamahayag

Laban Borongan

ANG

03 balita

12 isports

SINAG

Project TV

TOMO 26, ISYU 1, BILANG 1

10 agham

06 lathalain

04 editoryal

Maroons pinayukod ang Eagles

ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG EASTERN SAMAR NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL

P.T. 2022-2023

BANTAY SEGURIDAD

15 CCTV units, handog sa ESNCHS Lianne Mae Belizar

B

ilang proyekto ng Batch 1994 sa pangunguna ng pangulo nitong si Eliseo Ana Jr., nakatanggap ng 15 closed circuit television (CCTV) units ang Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS).

SEGURIDAD. Pinasalamatan ng Bise presidente ng Batch 1994 na si Jennifer Dulfo ang kanilang Pangulong si Eliseo Ana Jr. sa donasyon nito para maisakatuparan ang kanilang proyekto. (Lianne Mae Belizar)

Sa turnover na isinagawa sa School-Based Management (SBM) Hub, 24 Abril 2023, binigyang-diin ni Jennifer Dulfo, Bise Presidente ng batch 1994, na makatutulong ang proyektong nagkakahalaga ng Php295,500 upang “mabantayan” ang mga insidente sa loob at labas ng kampus. “Damo an challenges dinhi ha Compre, so para mabantayan it incidents not only in the campus but also didto ha guwa. We decided and agreed with the president mag put up nala hit CCTV kay asya manggud it napapanahon,” paglilinaw pa ni Dulfo. Binigyang-pugay rin niya ang Pangulo ng batch 94 na naglabas umano ng “personal” na pera para maisakatuparan

ang proyekto. “Very fortunate kita kay an aton president hi Engineer Eliseo Ana Jr. in personal naghatag hin kwarta kun diin inbehalf han 1994 iya igin ngaran nga project,” dagdag pa niya. Nagpapasalamat naman si Dean Ernest Paul Hermano, Officer-in-Charge ng ESNCHS, sa donasyon ng batch ‘94 na aniya’y “very timely”. “We couldn’t be more grateful. It is very timely and it necissitates us to have CCTV cameras already considering that we have incidents that took place before.” pahayag pa niya. Sa ngayon, umaabot na sa 18 ang bilang ng mga CCTV sa ESNCHS na kung saan ay tatlo sa mga ito ay ipinundar mismo ng paaralan.

Dress code policy, aprub sa mga Comprehenyos, mas gusto mag-aaral ang harapang klase John David Bantiles

S

uportado ng mga magaaral ang ipinatutupad na Dress Code sa Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS). Sa ilalim ng patakarang ito na inilunsad noong 22 Nobyembre 2022, kinakailangang magsuot ng puting t-shirt at pants ang mga lalake, at uniporme naman sa mga babaeng magaaral, ipinagbabawal din ang pagsusuot crop top, shorts, at mga dekolor na kasuotan. Layunin nitong masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan at upang maiwasan ang mga ‘outsiders’. Kaugnay nito, nagpahayag ng pagsang-ayon ang ilang mag-aaral sa ipinatupad na patakaran. “Pabor ako sa bagong patakaran dahil magpapakita ito... ng sense of unity, kasi nga formal setting ito ng paaralan kaya magandang tingnan kung lahat tayo’y sumusunod sa pormal na dress code ng paaralan,” ani Erika Aberia, mag-aaral ng ikasiyam na baitang. Ayon naman kay Asti Alena

Dress code... | 2

Edsel Andia

28k pondo sa pananaliksik, laan ng RO8 Edsel Andia

A

prubado ng Tanggapan ng DepEd-Rehiyon 8 ang pondong umaabot sa Php 28,000 para sa mga pananaliksik ng mga guro ng Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS). Kabilang sa mga napondohan ang JIGCOM: Jigsaw Coaching and Mentoring nina Hazel Meneses (Punongguro) , Roessi Mae Arat at Mercia Corado (Php12, 000) at Project Paglinang ni Christian Dave Loren (Php16,000), ayon sa inilabas na Regional Memorandum No. 324, s. 2023. Dahil dito, nakatakda nilang ipatupad ang kanilang pananaliksik sa loob ng anim na buwan. Nagpapasalamat naman si Corado sa pagkakataong ibinigay ng Tanggapan upang maisakatuparan ang kanilang proyekto na may layuning

28k pondo... | 2

SIPAG. Pursigidong nag-aaral sina Hope Caroline Culo (kanan) at LJ Rose Noroña ng 11 STEM F para sa kanilang nalalapit na pagsusulit.(Andrew Aclao)

S

a kabila ng mainit na panahon at suhestiyon ng Department of Education (DepEd) na maaaring bumalik sa modular o distant learning ang mga paaralan, mas pipiliin pa rin ng mga guro at mag-aaral ng Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS) ang face-to-face classes o haraptang pagkaklase. Sa isang panayam nitong 25 Abril 2023, binigyang-diin ni Jessica Lacan-

dose, guro mula sa Accountancy and Business Management (ABM) Faculty, na mas makabubuting ilaan na lamang ang pondo para sa paglilimbag ng mga kakailanganing modyul sa pagbili ng mga electric fan kaysa ipampalimbag ng mga kakailanganing modyul. “Dire mait pirme mapaso it panahon. So para haak dire gud it kuan nga magdidistant learning diretso kun mayda man iba nga solution.

Comprehenyos... | 2


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Ang Sinag, Tomo 26, Bilang 1 (Panuruang Taon 2022-2023) by ESNCHS Ang Sinag - Issuu