DYARYO TAMBULI
PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG SAN JUAN CITY ACADEMIC SENIOR HIGH SCHOOL
LATHALAIN
JUAN MASIPAG
ANG LAHI NI JUAN SA PANAHONG KASALUKUYAN
Ang kuwento ay hango sa nobelang Espanyol na pinamatagang “Buhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia sa Caharian ng Portugal.” Hindi malinaw kung sino ang nagsulat nito.
BASAHIN SA PAHINA 8-9
NA KAMI!
PAGSASANAY SA PAGGAWA NG PAMPAARALANG PAHAYAGAN SA DIBISIYON NG SAN JUAN HANDA
Naglunsad ang Dibisyon
ng San Juan City ng limang araw na workshop para sa mga batang mamamahayag sa bawat paaralan. Naganap ito noong
Nobyembre 7 hanggang
Nobyembre 11 taong 2023. Tinalakay dito ang bahagi ng pahayagan, pagsusulat ng mga artikulo sa bawat kategorya hinggil sa isyu o balitang mainit-init sa mata ng mga mambabasa, at ang paggawa ng layout o biswal na itsura ng pahayagang pampaaralan.
Pinangunahan
ng Chief Curriculum Implementation Division na si Dr. Josefino C. Pogoy Jr. ang pagsisimula ng aktibidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng pambungad na pananalita.
Nagbigay payo at paalala ang mga tagapagsalita sa mga batang manunulat kaugnay sa kung paano mapapagbuti ang kanilang kakayahan at kaalaman sa pagsulat, pangangalap ng tama at beripikadong impormasyon. Mga beterano at matagal na sa larangan ng journalism ang mga tagapagsalita, ito ay sina: G. Rhandee Garlitos, G. Michael Angelo Jugado, G. Mark Villaluna, G. Johannes L. Chua. Matatandaang naging hurado si G. Villaluna sa NSPC noon. Nagbibigay na rin ang iba sa kanila ng kritikal na pagsusuri sa mga artikulo.
“First time ko maging SPA kasi malayo
siya sa major ko so medyo nag-aadjust ako, pero sa 5 days na seminar marami akong natutuhan, kagaya sa mga terms na kailangan tandaan sa pagiisip ng topic at paano mo macacatch yung interest ng readers”, pahayag ni Charish B. Salazar, school paper adviser ng WCES.
Ayon sa panayam tungkol sa naging karanasan ng isang batang Akademiko na si Irish Merceda, “Natutuhan ko ang iba’t-ibang paraan ng pagsulat sa iba’tibang kategorya. Ang mga resource speaker ay lubos na nagbigay ng kanilang kaalaman ukol sa kanilang kadalubhasaan. Hindi lamang ito, natutuhan ko rin ang makipagtulungan
sa aking mga kasama upang mas mapaganda ang aming output.” “’Yung training ngayon na isinagawa ng SDO about school paper can serve as pathway for future journalist. Aside from that, ‘yung mga tinuturo sa sessions is mas deep compare sa basics and usual na naririnig every seminar per categories” dagdag ni Nhea Ann Tagalog na isang mag-aaral ng SJCASHS.
Pinangunahan ni Dr. Buenafe E. Sabado ang pagtatapos ng aktibidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangwakas na talumpati.
CAREER TALK SA JUANSCI, MATAGUMPAY!
Sa tulong ng mga guro sa San Juan City Science High School, nagsagawa ang San Juan City Academic Senior High School ng Career Talk sa mga JuanScians na pinangunahan nina Bb. Peah F. Fegal, Bb. Stephanie De La Cruz at Dr. Jermel Diaz mula sa Akads, at ni G. Catalino Camayra mula sa JuanSci. Tinalakay sa nasabing Career Talk ang mga akademikong landas na maaaring kunin ng mga magaaral sa ika-10 baitang.
Nabanggit din sa aktibidad na ito ang mga parangal, tagumpay, at pagkilala na nakuha ng San Juan City Academic Senior High School sa nakaraang panahon. “Marami po akong naging mga realisasyon kasi una sa lahat isa ako sa mga hindi pa nakakapagdesisyon sa landas na tatahakin ko. Ang alam ko bago magkaroon ng Career Talk ay mahirap ang STEM o madali ang ABM, pero sa totoo lang wala akong idea kung ano o paano ang
takbo ng bawat istrand na iyon. Nalaman ko rin ang mga personal na karanasan ng ilang mga mag-aaral sa iba’t-ibang mga istrand, at masasabi ko na depende pa rin talaga sa tao kung paano niya haharapin ang pressure na dala ng bawat istrand na nabanggit kanina. Iniisip ko rin na mag-aral sa Akad dahil gusto ko ring ituloy ang aking journey sa pamamahayag. Nakakatulong ang Career Talk na naganap kanina at nagpapasalamat ako sa lahat
TAGISAN NG KATALINUHAN, SINUKAT NG SAN JUAN CITY ROTARY CLUB”
Nagkaruon ng patimpalak ang Rotary Club ng San Juan City sa mga batang akads noong ika-12 ng Enero, Biyernes, ng ala-una ng hapon. Ito’y ginanap sa conference room ng San Juan City Academic Senior High School. May walong kalahok mula sa iba’tibang istrand ng paaralan.
Sa simula ng patimpalak, nagkaruon ng maikling diskusyon hinggil sa Diversity, Equity, at Inclusion. Sa unang bahagi, pinagsulat sila ng sanaysay sa loob ng isang oras. Pagkatapos ng 30 minutong pagsusuri, pumili na sila ng top 3 para sa ikalawang bahagi ng paligsahan. Ang tatlong kalahok ay binigyan ng labing limang minutong pagkakataon na makipagugnayan sa kanilang mga tagapagsanay na sina G. Arnold Barroga at Bb. Cristine Pimentel upang humingi ng payo.
Ayon sa anunsyo, ang mga nanalo ay sina: Kurt Guevarra ng ABM 11 (ikatlong pwesto), Angeline Roque ng STEM 11 (ikalawang pwesto), at Roi Christian Padua ng STEM 12 (ikaunang pwesto). Nakatanggap sila ng cash prize, sertipiko, toby bag, nike bag, at gift check mula sa National Book Store.
Nhea Ann Tagalog
ng mga naging bahagi nito,” sabi ni Kate Espino, isang mag-aaral mula sa 10-Tesla ng San Juan City Science High School.
Sa pagtatapos ng Career Talk sa tatlong seksyon ng baitang 10, hinikayat ng mga guro mula sa SJCASHS ang paparating na mga bagong mag-aaral.
Saharah B. Polangi
Jaymee F. Huerte at Alexis Kay Longara
MAGSULAT,MAGMULAT,AT KUMILOS
AKADS, MULING SUMABAK SA TALINO SA SIPNAYAN
Muling namayagpag
ang talino ng mga mag-aaral mula sa San Juan City Academic San Juan City sa kakatapos lamang na Big Bay Bei heat round (BBB) nitong ika-3 ng Disyembre. Samantala, ang Thailand International Mathematical Olympiad heat round (TIMO) ay noong ika- 22 ng Oktubre.
Ito’y ginanap sa pamamagitan ng online platform na ibinigay ng Math Olympiad
Training League (MOTLI). Layunin ng kompestisyon ay mas paigtingin pa ang angking talino ng mga bata sa larangan ng matematika.
Ang mga
lumahok ay nagmula sa istrand ng ABM at STEM, sila’y nag ensayo ng ilang linggo sa tulong ng kanilang coach na si G. Adrian Monilla. Apat na putlimang mag-aaral ang nagpasiklab ng kanilang talino sa BBB,
habang labing apat naman sa TIMO.
Ilan sa mga kalahok ay nagkamit ng tatlong ginto, labing-dalawang pilak, Tatlongput-tatlong tanso, tatlong merit, at isang participation para BBB at TIMO. Ginawaran naman bilang Outstanding Coach Si G. Monilla. Habang Top Performing School naman ang San Juan City Academic Senior High School. Sa kabuan ay naging
Most Outstanding Division Awardee ang dibisyon ng San Juan City.
“Ang
pagkapanalo ko sa TIMO at BBB ay patunay ng aking sipag at determinasyon. Ito’y nagpapakita ng aking husay sa larangan ng math at nagbibigay inspirasyon sa akin na patuloy na pagbutihin ang aking kakayaha,.” wika ni Zymon Altamirano (12-STEM: BBB at TIMO Medalist.
TEACHER LEO, SA LUGAR NG MGA OPPA AT UNNIE
San Juan City Academic Senior High School, nagkaroon ng internasyonal na tagumpay sa pamamagitan ng kanilang guro si G. Leo Paolo B. Dilay, isa sa mga guro napili na maging bahagi ng Korea-Philippine Teacher Exchange Program (KPTEP). Ang nasabing programa ay pinangunahan ng Ministry of Education (MOE) ng Republic of
Korea at Department of Education (DepEd) sa Pilipinas nag simula noong 2012 na layong palakasin ang ugnayan ng nasabing mga bansa sa pamamagitan nang pagkatuto sa tinatawag na Global Citizenship Education (GCED), na ito rin ang isa sa pangunahing layunin ng UNESCO. Ito rin ay pagsunod sa kasunduan na pinagtibay noong Abril, 1973 sa pagitan ng nasabing mga bansa.
Si G. Dilay, nagtuturo ng Agham Panlipunan sa San Juan City Academic Senior High School ay kasama sa walong (8) gurong Pilipino napili sa buong kapuluan. Siya ay tinalaga na magturo sa Seoul Technical High School (STHS) na kinilala bilang pinakamatandang teknikal hayskul sa buong Korea mula buwan ng Abril hanggang Hulyo taong 2023.
Ayon kay G. Dilay,
MAY BIBE KA NA BA?
Nakabili na ba ang lahat?
Patok ngayon ang clip sa ulo na may disenyo na bibe, na kung saan unang na uso sa Bagiuo na ngayon ay trending na sa iba’t ibang lugar.
Ang bibe clip ay gawa sa foam na may coating na yellow at may spring sa ibabang bahagi nito kaya naman makikita itong gumagalaw-galaw kapag nakalagay na sa ulo.
Maraming tao ang naintriga dahil sa pag uso ng mga bibe clip at isa na rito ang mga estudyante ng San Juan City Academic Senior High School.
Gaya na lamang ni Angeline Heart Roque, ani niya
“Actually bigay siya ng friend ko, and the moment na pag kabigay niya ay sinuot ko na siya sa school for fun lang”
“We are apart not because you and I are different, rather the inability to respect, accept, and understand our differences.”
Ang programang tulad nito nagpapatunay na malaki ang bahagi ginagampaman ng edukasyon sa pagkatuto at pagka-unawa ng mga bansa.
“Masaya siya suotin and thats for sure, pero hindi siya ganon ka eco-friendly kasi nga gawa siya sa styro foam and more on plastic siya, and since nag trend siya, nag produce sila ng madaming ganon na siyempre mas lalong dumagdag siya sa garbage” dagdag pa niya.
2 NOBYEMBRE-PEBRERO TOMO III. BLG I DYARYO TAMBULI
BALITA
Saharah B. Polangi
Vincent P. Heruela
Alexis Kay Longara
AKADEMIKO APEKTADO: TINUPOK NG APOY ANG KABAHAYAN SA MAYNILA
Isang sunog ang
sumiklab sa barangay
595 Sta. Mesa, Manila nitong nakaraang Miyerkules, Pebrero 21, masasabing ito ay nagsimula dahil sa LPG, anim na katao ang naitalang sugatan. Kabilang sa biktima nang nasabing sunog ang mag-aaral mula sa San Juan City Academic
Senior High School na si Alliyah Chelsy Marica ng HUMSS 11- B. Ayon sa panayam kay Marica, nag-ugat ang sunog dahil naiwang nakabukas ng mga bata ang isang tangke ng LPG. Mabilis na kumalat ang apoy sa loob ng 20 minuto dahil sa mga bahay na dikitdikit at gawa sa kahoy,
dagdag pa rito ang mga kable ng kuryente na buhol-buhol na malapit sa mga kabahayan. Nahirapang apulahin ng mga bumbero ang sunog sapagkat makipot ang mga eskinita sa nasabing lugar.
“Wala sa aming sisihan sa nangyari, sa tingin ko kaya nangyari ‘yon dahil walang
K.K.K.K
kasama sa bahay yung mga bata, nagugutom sila kaya naisipan nila na gumawa ng paraan para asikasuhin yung sarili nila, kaso napabayaan kasi hindi pa naman nila alam yung magiging resulta noong ginawa nila,” ani ni Marica. Nasabi ni Marica na magulo sa kanilang lugar at marami ang hindi responsable ngunit maaaring maiwasan ang ganitong pangyayari kung mag dodoble ingat ang mga tao at magiging maalam sa kanilang kapaligiran, idagdag pa rito ang kanilang maigting na pagbabantay sa mga bata at pag-iwas na iwan sila ng mag-isa sa bahay. Itinuring niyang kaloob ng Panginoon na wala siya sa kanilang bahay nang sumiklab ang sunog ngunit nandoon ang kaniyang tiyahin at ina, kabilang sa mga tinupok ng apoy ang lahat ng kanilang
kagamitan, maswerte na raw sila at walang nasaktan sa kanilang pamilya.
Ang LGU ng San Juan ay agad na nagpamahagi ng tulong sa mga nasunugan, nagbigay sila ng mga de lata, damit, at iba pang pangangailangan ng mga biktima. Ang mga NGO ay nagpaabot din ng kanilang pagdamay sa pamamagitan ng pamimigay ng mga pagkain at kagamitan sa bahay kagaya ng yero, plato, pitsel, at mga kutsara.
Kasalukuyan na nakikituloy si Marica at ang kaniyang pamilya sa kaniyang tiyahin sa Sta. Mesa. “Ang pinaka kailangan talaga namin ngayon ay matutuluyan, kasi hindi naman pwedeng feel at home kami dahil may pamilya rin naman sila”, ani ni Marica.
KARAGDAGANG KAGURUAN AT KAGAMITAN SA KINABUKASAN
Ang pagkakaroon ng karagdagang mga guro at kagamitan ay nagdudulot ng mas magandang kalidad ng edukasyon. Tungo sa magandang kinabukasan ng mga estudyante marami ang dapat na isaalang-alang; Ang seguridad, pasilidad, kagamitan, at kaguruan. Masikip,mainit, at sardinas kung titignan dati ang eskuwelahan ng SJCSHS dahil nasa isang building lamang ang mga bawat faculty at silid-aralan ng paaralan. Tulad na lamang ng kalahating room para sa STEM 12 at kalahati naman para sa canteen. Ang clinic at library ay magkahati, walang conference room, at wala ring ICT room. Kaya’t sa pagpapatuloy ng adhikain ng pagpapabuti
sa edukasyon sa San Juan City Academic Senior High School, maraming mga paraan ang isinulong.
Nagbigay ang Local Government Unit (LGU) ng San Juan City ang paaralan ng tig-aapat na ceiling fan sa bawat silid-aralan. Bukod dito, namahagi rin ng T.V sa na ngayo’y ginagamit ng mga guro at estudyante. Nagbigay din ang LGU ng air conditioning unit para sa piling pasilidad ng paaralan.
Bilang
karagdagang pasilidad, naitatag ang sariling silid para sa Clinic, Custodian, Library, Teacher’s Faculty, Computer Lab, at conference. Ang Xavier School ay nagbigay rin ng karagdagang aklat para sa silid-aklatan na pinamumunuan ni Bb.
Saharah B. Polangi
Joan Hisarza. Mayroon ding ipinagkaloob na tatlongput tatlong kompyuter sa paaralan mula sa donasyon ng simbahan ng “The Church of Jesus Christ of Latter Day Saints”.
Nadagdagan din ng dalawang guro na kinikilala bilang pangalawang magulang, kaya’t kasalukuyan nang may labing-pitong guro sa paaralan. Ang pagdaragdag ng mga
guro ay naglalayong mapabuti ang kalidad ng edukasyon. Para masigurado ang kaligtasan ng bawat isa mayroong dalawang gwardya ang nagbabantay sa paaralan.
Sa kabuuan, ibinabahagi na ang kahalagahan ng pangangasiwa at pagsuporta ng lipunan sa sektor ng edukasyon. Hindi magkakaroon ng maayos na pagbibigay
kaalaman kung walang matibay na pundasyon ito. Ang pagdaragdag ng mga kaguruan at kagamitan ay hindi lamang nagpapataas ng antas ng edukasyon kundi ang pag unlad at pagkamit ng mga pangarap ng bawat kabataan. Nagbubukas ito ng mas malawak na pinto patungo sa kinabukasan ng mga bawat mag-aaral.
BALITA 3 NOBYEMBRE-PEBRERO DYARYO TAMBULI TOMO III. BLG I
Jaymee F. Huerte
EDITORYAL
AMANYIKA NI LOLO
ng daming balita ng pang-aabuso ‘no? Laging naririnig at nakikita sa balita ang salitang, “abuso” at “kabataan.” Nakakarindi at nakakalungkot nang pakinggan.
Ayon sa Association CAMELEON Org, nasa pitong milyon ang kabataang nakakaranas ng sexual abuse taon-taon at siyamnapu’t walong porsyento (98%) rito ay kababaihan. Higit pitompung porsyento (70%) rito ay nasa edad na sampu hanggang labing-walo at dalawampung porsyento (20%) ay nasa anim na taong gulang pababa.
Mga musmos at inosenteng pag-iisip ang madalas na nagiging biktima ng pang-aabuso. Mga musmos na dapat ay naglalaro, nag-aaral, at nagliliwaliw sa wastong paraan ang madalas mabiktima ng karahasan. Aminin man sa hindi, madalas ay sa mga lugar at taong hindi pa inaasahan ito mararanasan. Isinaad ng 2015 Child Protection Network Annual Report na nasa 11.7 na porsyento sa mga naitalang kaso ay nangyari sa loob ng tahanan. Hindi rin ligtas sa pangaabuso ang tinuring na “second home at safe zone” ng mga mag-aaral. Mga biktimang kabataan at musmos ay takot na magsalita, baka kasi ‘marumihan’ ang reputasyon ng kanilang pamilyang iniingatan o kung sa ano pa mang dahilan.
Noong nakaraang taon, limang guro sa Bacoor National High School ang nasuspende ng siyamnapung (90) araw dahil sa alegasyon sa kanila patungkol sa sexual harrassment. Isa pang halimbawa ang guro sa bayan ng
“Ilan pang mga mag-aaral ang tahimik
na nagdurusa? Hindi natin ito maaaring palampasin,”
Quezon ay kung saan iba’t ibang babae ang pinapakitaan ng malisya mula sa katrabaho hanggang sa mga bata na may taglay na kagandahan. May ilan pang pagkakataon na maging ang kapwa nito guro ay sinubukang pakitaan ng motibo. Isa pang maaaring maging sitwasyon ay ang pagcha-chat sa ibang mag-aaral ng mga hindi naaangkop na salita, maaari rin na kinukuha muna ang loob ng bata bago simulang gawan ng masamang motibo.
“Ilan pang mga mag-aaral ang tahimik na nagdurusa? Hindi natin ito maaaring palampasin,” saad ni Hontiveros sa isang pahayag tungkol sa sexual abuse noong 2020.
Maaari rin na sa kamag-anak ito magmula.
Sa bawat taong dumadaan ay mas lalo itong lumalala, nagiging talamak ang kaso na hindi na naaasikaso. Madalas ay kuda nang kuda ang tanging solusyon na nag kulang sa aksyon.
Ilang bata pa ba ang mabibiktima ng maruruming kaisipan? Hanggang kailan sila magpapatuloy sa kanilang kamunduhan?
Hindi lang isa, kundi marami pa. Marami pang kagaya ng mga nabanggit o minsan ay mas malala pa kaya’t nakakakaba na kung saan ka pa dapat na ligtas at masaya, doon ka pa maaaring mapahamak at mamanipula. Maging maingat at mapagmasid sa mga tao sa paligid, iba’t ibang intensyon at layunin. Walang pinipili ang pang-aabuso.
Ikaw, nakaranas ka ba ng pangaabuso?
ANONG MASASABI NIYO SA EXPECTATION NG MGA GURO SA PAPARATING NA NAT 2024?
Masasabi ko lang ay nakakapressure siya kasi nga nag eexpect yung mga teachers na mamaintain natin yung 6th rank ng school natin and also nakakapagod din dahil nga halos wala na pahinga iba sa atin at kailangan na maka keep up tayo sa mga lessons habang nagrereview sa hapon ng NAT exam - Shanley R. Cadungog
Sa aking palagay ay valid naman Ang kanilang expectation na makapasok sa top 6 ang San Juan City dahil top 6 ang naunang batch sa amin ngunit dahil walang nakapasa sa NAT sa buong Pilipinas ay mas hinihikayat nila kaming maging mas mahusay at pursigo. Pero sa palagay ko rin kailangan na mas magbigay talaga ng effort Ang department ng edukasyon upang mas paunlarin Ang intelektuwal na kapasidad ng mga estudyante sa buong bansa at unti-unting tugunan Ang mga kakulangan sa edukasyon. Sa tingin ko rin ay mas may pag-asang tumaas Ang aming tyansa na makapasok sa top 6 kung mas matagal Ang aming preparasyon para sa National Achievement Test ngayong taon. - Angela Rose Mae F. Villas
Hindi ko maintindihan kung bakit gustong makapasok sa top 5 ng D.O kahit na alam naman nilang hindi naman talaga pasok sa passing rate ng NAT ang lahat noong nakaraang taon. Sa totoo lang, kahit na suriin pa nila ang performance ng isang paaralan, mayroon pa rin itong education gap at kakulangan sa pasilidad, materyales, at higit sa lahat kaguruan. Sa tingin ko, mas mahalaga na pagtuunan nila ng pansin kung paano mapapabuti ang kalidad ng serbisyo para sa mga guro at estudyante kaysa sa pagtatakda ng mga ganitong ranggo, nagiging nonsense. - Saharah B. Polangi
OPINYON 4 NOBYEMBRE-PEBRERO TOMO III. BLG I DYARYO TAMBULI
HIPOKRITONG PANANAMPALATAYA
Kaliwa’t kanang pambabatikos ang natanggap ni Pura Luka Vega sa kaniyang umanong “pambabastos” sa Nazareno at sa kantang “Ama Namin” sa isang bidyong kumalat sa internet. Kaya naman labis ang galak ng mga netizens ng napiit ang naturang drag queen noong Oktubre 6.
Ngunit bakit tila ay wala namang ganitong klaseng ingay ang nangyari noong nakaupo pa ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng kaniyang hayagang pambabastos sa iba’t ibang relihiyon? Ito ba’y walang bigat o sadyang isang kahipokritohan?
Matatandaang noong Nob. 30, 2015 unang minura ni Duterte sa publiko si Pope Francis, “Pope Putang ina ka, umuwi ka na, huwag ka na magbisita rito,” aniya. Ang dahilan? Limang oras daw siyang ginalit ng trapiko noong bumisita sa ating bansa ang Santo Papa.
Dis. 27, 2016 naman noong tinawag ni Duterte na
“tae” ang Katawan ni Kristo sa gitna ng pagpupulong kasama ang mga barangay official ng Davao.
Hunyo 25, 2018 naman ay isinigaw ni Duterte ang “Tanga ang Diyos niyo; ang sa akin maraming sentidokomon.” Nilait niya ang mga kuwentong napaloloob sa Bibliya, Quran at Torah.
Sa kabila ng sunodsunod na pambabastos na ginawa ng dating Pangulo’y tila ito’y nabalewala lamang ng kaniyang mga taga-suporta na karamihan ay Katoliko, Protestante, Evangelicals, Muslims at Judaists. Walang kasong isinampa sa kaniya. Ito ba’y dahil sa presidential immunity na iginawad sa kaniya? O baka naman sadyang pinagsawalang bahala ang kabulaanang ito sapagkat siya’y makapangyarihan at isang “lalaki”?
Kung tutuusin, si Pura Luka ay protektado din ng Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987. Kung saan
MULAT
Irish Gail C. Merceda
isinasaad na may karapatan ang bawat indibidwal sa malayang pagpapahayag; na walang batas para sa pagtatatag ng relihiyon, o nagbabawal sa malayang pagsasagamit nito ang maibalangkas.
Ang tanong ng taumbayan: Sining ba ito o purong pambabastos?
Sa isang pahayag, sinabi ni Pura Luka Vega na “I understand that people call my performance blasphemous, offensive or regrettable. However, they shouldn’t tell me how I practice my faith or how I do my drag. That performance was not for you to begin with. It is my experience and my expression, of having been denied my rights.” Ang pahayag na ito ay nagbunga ng kaliwa’t kanang opinyon mula sa kaniyang mga taga-suporta’t basher.
Totoo naman. Walang karapatan ang mga tao na pakialaman ang ginawang “sining” at “pagtatanghal” ng naturang drag queen. Ngunit
NAKAMASKARANG KATOTOHANAN
Isang mabangis na hayop sa mata ng gobyerno ang mga mamamahayag, na ang tanging nais lang ng iba ay ang maghatid ng katotohanan para sa sa masa. Kasalanan ba ang magsabi ng totoo? Ito na ba ang bagong normal sa ating panahon? Tanggap ba ito ng publiko o nasanay na lang sila? Katotohanan. Kasinungalingan. Kamatayan Noong 2009, Itinambal ang bansa sa pag masaker sa tatlumpung mga mamamahayag sa Maguindano. Sa ilalim ng administrasyon ni President Ferdinand Marcos Jr., noong nakaraang Oktubre binaril ang komentarista sa radyo na si Percival Mabasa at sa kasunod na buwan, ika-6 ng Nobyembre, pinatay naman ang isang broadcaster na
ang pinaglalaban ng karamihan: ito’y panunuya sa kanilang pananampalataya.
Ang malaking litrato ng isyung ito ay hindi na lamang tungkol sa pananampalataya o sa manipis na lipi ng paniniwala, ito’y tungkol sa patuloy na pagtanggi sa karapatang pantao ng mga kasapi ng LGBTQ+ sa ating bansa. Isang kabalintunaan na bukas ang mga mata ng deboto sa Diyos na hindi nila nakikita habang nakasarado naman ang mga mata nila sa karapatang pantao na umiiral at nakataya.
Tila’y sa ating bansa na tinaguriang “Catholic nation”, ang pambabastos sa relihiyon ay nakikita lamang kung ang indibidwal ay hindi kasapi ng pamahalaan kundi kasapi ng komunidad ng LGBTQ+. Gaano katagal mamamayagpag ang ganitong klase ng kahipokritohan? Selective faith ba?
Insulto o isang kabulaanan.
KATOTOHANAN
si Juan Jumalon. Hanggang ngayon ang mga kasong ito’y hindi pa rin nareresolba, at patuloy pa ring pinaghahanap ang mga nasa likod ng pagpaslang.
Itinalaga mula 1986, 200 na mamamahayag ang pinatay. Sa report din ng Statista, mula 2000 hanggang 2022, mahigit 140 ng journalist na ang namatay. Sinasabi rin sa pag-aaral ng World Press Freedom Index, ang Pilipinas ay kinokonsidera na isa sa mga pinaka delikadong bansa sa daigdig para sa mga ibang peryodista. Makikita natin sa dami ng namatay sa bansa ay nakakapangamba at tindig balahibo, hindi natin alam kung namatay ba talaga sila dahil oras na nila o baka namatay sila dahil may naibulgar na hindi
dapat. Ayon naman sa Global Impunity index, pang walo ang Pilipinas sa pinakamasamang bansa sa mga mamamahayag at mayroong 20 unsolved murders ng mga journalist. Paano na lamang ang mga mamamahayag na nais magbigay ng realidad para sa masa? Nawa’y makaasyunan na ng gobyerno at pag aralan kung ano pa ba ang nararapat na ayusin sa sistema upang pangalagaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga mamamahayag. Mas pa igtingin pa ang proteksyon nila laban sa mga nakapaligid na buwaya at leon sa bansa. Dapat ay mas suportahan pa nila ito sa paghahatid ng reyalidad sa mga mamamayan. Atasan ng pamahalaan ang Department of Justice na bigyang prayoridad ang mga
kasong tulad nito.
Sa ngayon hindi madaling maghanap ng katotohanan lalo na kung ang pagsasabi ng totoo ay may kalakip na panganib na magdadala sa’yo sa kamatayan. Subalit, marami pa rin naman ang nagsasabi ng totoo buhay pa rin ngayon. Sa aking karanasan bilang manunulat mula elementarya hanggang ngayon senior high school ay masasabi kong nangangamba ako sa maaring mangyari sa akin dahil sa mga aking nabasa na isyu na katulad nito. Bilang isang student-leader at mamamahayag na may tungkuling sumulat,magmulat at magpakilos sa publiko, handa na ba ako? Itutuloy ko pa ba kaya?
OPINYON 5 NOBYEMBRE-PEBRERO
DYARYO TAMBULI
TOMO III. BLG I
Saharah B. Polangi
PINSEL NG MODERNONG GERILYA
“Ang nakaraang panahon ng aliw ang inaasahang araw na darating ng pagka-timawa ng mga alipin, liban pa sa bayan saan tatanghalin?”
Sa ating bansa na punongpuno ng mga karanasan, mga pangyayari sa kasaysayan, at mga kapisanan ng kaganapan sa
6-7
nakaraan, masasabi bang hindi lamang sa pluma matatamasa ang kapayapaan tulad ng ipinahiwatig ni Rizal?
Ilang daang-taon na rin ang nakaraan mula nang nasakop ng mga Kanluranin ang ating kapuluan, ang Pilipinas. Maraming naging labanan,
mga pagdanak ng dugo, mga rebolusyong parehong tahimik at marahas. Itong lahat ang nagdala sa atin ngayon sa ating kalagayan - isang sibilisado at malayang estado na may ipinagmamalaking soberanya.
Ang mga rebolusyong ito - mula sa paggamit ng pluma hanggang sa pagtarak ng tabak, ang naging palatandaan ng ating naging paglalakbay mula sa paghihirap ng tatlong-daang taon hanggang sa kung saan tayo ay ngayo’y naroroon. Marami nang nagbago simula noong tayo ay tunay na nakalaya sa mga mananakop, at marami na ring nagbago sa pagpapahiwatig ng ating mga opinyon.
Tayo ay nabubuhay sa isang makabagong panahon, isang panahon kung saan lahat ay nagiging mas mabilis, mas detalyado, mas madali. Lahat ng aspeto ng buhay, mapakomunikasyon, mapa-literatura, mapa-sining, ay mas napalakas at napalaganap. Ang kasaysayan at iba pang mahahalagang impormasyon ay maaari nang makita sa kung
saan-saan.
Mula sa mga talang ito, napagtanto kong hindi lamang ang pagiging marahas ng sagot sa problema ng kalayaan ng bansa, ngunit ang pluma nga lang ba talaga ang sagot sa lahat ng ating mga problema kahit tayo’y malaya sa kasalukuyang panahon? Paano kaya ang mga guhit, mga iba’t ibang timpla ng kulay na makikita sa kahit anong tabi-tabi ng ating mga tinatahak na lupa?
Gerilya. Mga tulisan, mga takas. Mga magnanakaw, mga naghihigati sa pamahalaan. Ngunit ngayon, ang mga gerilya na ang lumalaban para sa ating pagkakakilanlan at kalayaan. Napatunayan ito ng limang mahuhusay na makata ng larawan - tinaguriang “Ang Gerilya”, sila ang responsable para sa mga makapigilhiningang mga palabas ng kulay sa mga sulok ng Kamaynilaan. Isang kolektibo ng mga magagaling na mga artista mula sa iba’t ibang mga pinanggalingan, sila ay naglilibot sa iba’t ibang parte ng bansa upang maipalaganap ang diwa ng nasyonalismong muli sa ating mga
Alyson Garcia at Charlie Magne Comendador
mamamayan.
Ang grupo ng lima, binubuo nina Janno Gonzales, Nico Zapanta, Nico Villarete, Ralph Lumbres, at Myxkaella Villalon, ang siyang nagtaguyod ng “Ang Gerilya”. Silang lahat ay mula sa prestihiyosong Unibersidad ng Pilipinas, mga minsang naging mga tagapag-anyong grapikal ng kanilang pahayagan. Ang mga Gerilya ay nagsimula pa mula noong taong 2008, at mula noo’y ginalugad nila ang Kamaynilaan at ginawa ang mga pader bilang kanbas ng kanilang mga pampinta at paleta.
Ani Gonzales, siya ay lumaki sa isang tipikal na sambahayan noong dekada ‘90. Nahilig siyang manood ng mga palabas na may mga malalakas na bayani, mga tagapagligtas na makapangyarihan. Minsan na rin niyang naisip ang kaniyang sarili bilang ang bayaning si Superman.
Ngunit napagtanto niya, ang ating bayan din ay may mga natatanging bayani. Mga Katipunerong nagpalaya sa ating kalupaan mula sa impluwensiya ng mga kanluraning Español sa pamamagitan ng isang rebolusyon na ang impluwensiya ay naipabatid
maraming dantaon na ang nakalipas.
Maraming tao na rin ang hindi maikakailang nahumaling na sa mga patok na parte ng midya na nakatuon sa mga pambihirang mga bayaning nagliligtas ng kanilang mga bayan at lumalaban para sa mga magagandang dahilan. Ang kanilang mga larawan ay nagpapakita ng mga estilong karaniwang ginagamit sa ganitong mga uri ng palabas. Kakatwa man, ngunit ito ay agawpansin at malikhain.
Mula sa mga maliliit na komiks na kanilang ginawa, sila ay naghanap ng inspirasyon sa lansangan, at kanilang sinimulan ang pagpipinta sa mga pader noong taong 2011. Mga pader na sa simula’y mukhang walang buhay ay nilagyan nila ng iba’t ibang larawan na nagpapakita ng ating naging kasarinlan.
Ngunit bakit sa lansangan?
Ang pagpapahayag sa pamamagitan ng paglikha ng mga larawang makulay ay hindi na lingid sa kaalaman ng mga mamamayang Pilipino, ngunit iba pa rin kung ang ating mga nadaraanang pader ay nagpapaalala sa atin kung nasaan
tayo ay kasalukuyang naroroon. Ang layunin ng Gerilya na ilapit sa sambayanan ng Pilipinas ang konsepto ng nasyonalismo at pagmamahal sa lupang kinalakhan gamit ang mga makukulay na hagod ng pintura ang siyang dahilan ng kanilang paglapit sa mga ordinaryong pasilyo at daraanan.
Labing-anim na taon nang nagpapahid, labing-anim na taon nang nagpapaintindi.
Umiikot, humahagod. Nagmamarka, gumuguhit. Naghahalo, umaakyat ng hagdan. Ngunit higit sa lahat, nagpipinta upang magmahal, at mamanata sa tinubuan. Ito ang pangako ng mga Gerilya.
Ang kanilang gawain ay hindi isang trabaho - ito ang kanilang paraan ng pamumuhay. Kahit man sila’y magkakalayo, ay hindi sila tumitigil na gumawa ng mga makabuluhan at nasyonalistikong mga obra na nagiging inspirasyon ng mga mamamayan sa arawaraw. Kahit man ang kanilang mga nasimulan ay ikalat man ng hangin, pawiin ng ulan, o tanggalin ng mga tao sa kapangyarihan, ay hindi sila
mapupurnada, sapagkat ito ang gawaing sa kanila ay nagpapasaya at nagbibigay ng inspirasyon na magpatuloy sa bawat pagpatak ng umaga.
Kahit man wala silang misyon, bisyon, o kahit ano mang organisasyon, ang mga modernong Gerilya ay patuloy sa paghagod ng kanilang mga pinsel upang magpahiwatig sa ating mga Pilipino kung ano ba talaga ang halaga ng kalayaan para sa atin.
Hindi lamang sa pluma, o sa tabak matatamasa ang kalayaan. Maraming mga malikhaing utak ang nagmamasid, At sila’y maghahatid ng kasarinlan gamit ang pintura’t pinsel, kahit marumihan man ang kanilang mga gayak na damit ng kahel. Lumalaban. Binibigyan ang mundo ng kulay. At nagmamahal sa bayang tinubuan. Sila, ang ating mga Gerilya. Ang ating siyang ipinagmamalaki.
Nasaan na naman kaya ang batang yun? Buong maghapon wala sa bahay, saan na naman ito nagpupunta?”
“Juan, ano ang ginagawa mo dyan?
Nagawa mo ba ang inutos ko? Nakabili ka ba sa palengke ng mga alimango para sa ating hapunan?
“Opo, katunayan pinakawalan ko po at inutusan ko na mauna na sa bahay.”
“Ang daming bunga ng bayabas, kaso nakakatamad akyatin at pitasin. Hihintayin ko na lang mahinog at sa ganun babagsak ito sa lupa. Makapagpahinga nga muna, nakakaantok ang panahon.”
Ito ang kuwento ng batang ang alam ay matulog at makupad kumilos. Kaya binansagan ito Juan Tamad ng kanyang ina.
Ang kuwento ay hango sa nobelang Espanyol na pinamatagang
Tamad and the Flea-Killer,” “Juan Tamad Escapes a Beating,” Juan Tamad takes a Bride,” “Juan Tamad Courts Mariang Masipag,” “Juan Tamad (Lazy John),” at “Juan Tamad and the Guava Fruit.” Nagkaroon din ito ng movie version tulad ng Juan Tamad (1947) at Juan Tamad Goes to Congress (1959) na kinilala na “best satire” na dinirek ni Manuel Conde, ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula na kinilala noong taong 2009.
Kinalakihan at kinagiliwan natin ang kuwento ni Juan Tamad lalo’t ang nagkukuwento ay ang ating mga magulang. Ginagamit nila ito bilang paalala sa atin na walang maidudulot na kabutihan ang pagiging tamad. Kung gusto nating maabot ang mga pinapangarap sa buhay, kailangan itong pinagsisikapan. ‘’Yan ang aral na puwede matutunan kay Juan Tamad.
Ang salitang “indolence” o sa Tagalog ay tamad; walang silbi; ayaw gumawa o sa Ingles naman ay dislike of work; laziness, idleness, or the lack on inclination to work. Sa panahon ng kolonisasyon, ito ang ginamit ng mga conquistador na Espanyol at Amerikano sa pagturing sa ating mga Filipino. Ayon sa kanila “tamad” daw ang mga Pilipino na binansagan nilang Indio. Tanghali raw kung magsigising, hindi
mautusan at laging tulog.
Ayon sa sanaysay na isinulat ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na pinamagatang “La Indolencia de los Filipinos,” o “The Indolence of the Filipinos,” ay naging tamad ang mga Pilipino sa panahong iyon dahil sa pagbagsak ng ekonomiya at mga negosyong nagsiwala na parang bula, dagdag pa rito’y nawalan ng kagustuhang magtrabaho ang mga Pinoy dahil sa forced labor na laganap sa panahong ito. Laganap ang sugal saanman sulok ng bansa sa pangunguna ng mga opiyales ng pamahalaana at prayle. Sa isang kondisyong walang katiyakan mas mainam ang pagtaya o pagsugal sa kapalaran. Sa mga paaralan, imbes na ituro ang pangkabuhayang kasanayan tulad ng agrikultura, ang pinagtuunan pansin ay ang maghapong pagtuturo ng relihiyon na nagpabansot sa ating kamalayan.
Ayon sa aklat nina Mariel N. Francisco at Fe Maria C. Arriola ang The History of the Burgis, ang mapaniil na sistema ng relihiyon noong mga
Nhea Ann Tagalog
8-9
araw na iyon ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit tamad ang bawat Pilipino na magtrabaho, ani ng mga prayle ay “mas madaling makakapasok sa langit ang mga mahihirap” kaya’t hindi nagpursigi ang mga Pilipino at nanatiling isang kahig at isang tuka hanggang mamatay sila. Kasunod nito ay ang nagtataasang singilan ng buwis na napakalaking bahagi ng kinikita ng mga Pilipino ay napupunta sa mga prayle o gobyerno.
Ayon pa sa sinabi ni Rizal, “Ang tao sa Pilipinas ay isang indibidwal; hindi siya mamamayan ng isang bansa,” Sanhi ng katamaran ng mga Pilipino ang kawalan ng “unity”. Dahil sa walang pagkakaisa sa pagitan ng mga Pilipino, mas madaling nakapasok ang mga conquistador at tuluyan nang sakupin ang bansa.
Mga bansag na sa ating lahi’y naikintal, mula sa pananakop ng Espanya hanggang sa kasalukuyan, “tamad” at “walang alam,” ilan sa mga salitang ikinabit ng mga banyaga sa ating mga Pilipino na walang ibang ginawa kundi ang magsipag at
magtrabaho mula sa mga ninuno natin bago pa man masakop ng mga dayo.
Sa kasalukuyan, marami na ang nagbago, wala na ang mga mananakop na Kastila at Amerikano; wala na ang mga prayle’t guardia sibil na kilala sa marahas nilang pamaraan; wala o mas marapat na sabihing nabawasan na ang mga mapaniil na patakarang kanilang pinatupad sapagkat ang ibang batas ay nag palit lang ng anyo, tulad ng isang kendi, balat lang ang pinalitan tulad ng kontraktuwalisasyong umiiral sa hanay ng mga manggagawang Pilipino; at patuloy na paglala ng korapsyon sa bansang Pilipinas–sa pamahalaan at maging sa mga pribadong industriya.
Sa kabila nito, meron pa ring mga Pilipino na lumalaban nang patas para sa sarili, pamilya, at bayan. Nandyan ang mga Juan na hindi tamad at nang umulan ng kasipagan, kumuha pa yata sila ng lagayan at nagsilanguyan. Ito ay sina kuya Apolonio at Dumbo.
G. Apolonio Conchas, guwardiya sa San Juan City Academic Senior
High School. Si Kuya Apolonio ay isang magiliw ay masiyahing guwardiya na sumasalubong sa mga mag-aaral at kaguruan tuwing umaga na siyang nagbibigay ng magandang enerhiya sa pag-uumpisa ng araw. Maaga pa lamang ay hindi na napapawi ang ngiti niya kahit hanggang sa paglubog ng araw. Siya ay kasalukuyang 41 na taong gulang, tubong Masbate. Pangapat siya sa pitong magkakapatid. Pinangarap niyang maging pulis at sundalo upang makapagserbisyo sa bayan ngunit hindi pinalad kaya’t pumasok sa iba’t ibang trabaho, mula elementarya ay pinagsasabay niya na ang pag-aaral ay pagtatrabaho upang matustusan ang kaniyang sarili dahil sa hirap ng kanilang buhay. Sa ngayon, hindi na ang pangarap niya ang nais niyang tuparin, ayon sa kaniya, mas nanaisin niyang makitang matupad ang pangarap ng kaniyang pamilya, lalonglalo na ang kaniyang mga anak. Malayo pa lang makilala mo na siya, lapad ang kanyang mga balikat, maskuladong pangangatawan, at meron tattoo ng Poong Nazareno sa
kaliwang hita, siya si Kingston Barry Cuaresma o mas kilala sa tawag na “Dumbo”. Mahimbing pa ang lahat sa pagkatulog, habang siya ay nasa bagsakan ng prutas sa Ilaya, Divisoria para magsalansan ng kahun-kahong mansanas at orange na pagmamayari ng mag-asawang Intsik, sila na rin ang kumupkop kay Dumbo nang makulong ang mga magulang nito dahil sa pinagbabawal na gamot noong taong 2016. Ang kanyang naiipon bilang kargador ay nilalaan niya para sa planong pagbubukas ng kanyang sariling negosyo, ang pinapangarap na “paresan” sa kahabaan ng Recto, Maynila.
Patunay sa buhay nila kuya Apolonio at Dumbo na hindi totoong tamad ang mga Pilipino. Kung may tamang motibasyon at pagnanais na umunlad sa buhay, mabilis na makakaahon sa buhay.
Ang lahi ni Juan ay hindi tamad, tayo’y masipag.
PAGSILIP SA NAKARAAN
Mula pa nung ako’y isang paslit kada daraan ako sa EDSA tuwing Ika-25 ng Pebrero, ay nagtataka na ako sa mga pangyayari sapagkat marami akong nakikitang mga taong tila ba’y nagkakaroon ng isang kasiyahan. May mga nakangiting mga tao na may dala ng malalaking mga tarpaulin, marami rin akong nakikitang mga sundalo at pulis na nagbabantay sa iba’t ibang bahagi ng kalsada. May mga boses din akong naririnig “Salamat sa Panginoon at tayo ay nakawala sa kamay ng isang diktador” kada salita ay binibigkas na para bang punong-puno ito ng iba’t ibang emosyon meron nagagalit at meron din nagagalak. May iba’t ibang mga paputok at mga eroplanong naglalabas ng makukulay na usok. Ako’y naaaliw tuwing nakikita ko ang mga ito kada taon ngunit ako ay nagtataka sapagkat hindi ko alam kung para saan itong selebrasyon at ano ang importansya nito, kaya’t
tinanong ko ang aking mga magulang ngunit ang sinagot lang nila sa akin ay ang pangalan nito EDSA Revolution at sinabihan na wag na lamang magtanong ukol dito sapagkat ito’y aking malalaman sa tamang panahon.
Sa paaralang aking pina pasukan, kami ay kinausap ng aming guro at tinanong “Alam niyo ba ang kaganapan tuwing anibersaryo ng EDSA People Power at kung bakit ito ginaganap?” ako’y napailing habang ang aking atensyon ay kanyang napukaw. Tinaas ko ang aking kamay at nagtanong “Hindi, ito po ba yung kasiyahan tuwing panahong ng ika-25 ng Pebrero, tulad na lamang ng araw na ito?” nakita kong umiling ang aking guro.
“Hindi ito basta-bastang kasiyahan lamang sapagkat ito ay simbolo ng pagkakaisa ng mga Pilipino, ito rin ay isang selebrasyon na kung saan binibigyang importansya ang pagkakaroon ng isang mapayapang rebolusyon ng
mga Pilipino, dito rin nagawang tanggalin sa kanyang pwesto si Pangulong Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos”. Napatingin ako sa aking guro na tila namangha dahil sa kanyang mga kwento. Marami pa sana akong katanungan ngunit bigla na lang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang aming klase. Habang ako’y pauwi, akin nang inaasahan ang maraming mga pasabog at kasiyahan sa may kalsada ngunit nakakapagtaka bakit wala akong nakikitang engradeng mga pang selebrasyon tulad na lamang nang aking kabataan. Wala na rito ang makukulay na mga paputok at mga parada na nakapag bibigay atraksyon sa mga taong napapadaan, hindi na ito tulad noon sapagkat ang makikita na lang sa kalsada ay mga taong nag tipon-tipon sa harap ng isang monumento.
Pagkarating ko sa aking tirahan ay nakita ko ang aking lolang parang namomroblema “Onti-unti na nilang
kinakalimutan ang kasaysayan at ang turo nito” ani ni lola Noong ito ay narinig ng aking mga tenga ako’y nagtaka kung anong ibig sabihin niya rito “lola ano pong nangyayari?” noong ako’y kanyang narinig ay tila ba bigla siya natahimik ngunit kanya pa rin ginalaw ang kanyang mga kamay, “Halika rito apo ako’y may ikukwento sa iyo”.
Ako’y umupo sa kaniyang tabi at tinanong siya kung ano ang kanyang ikukwento na kanya namang sinagot na ito ay tungkol sa karanasan niya noong panahon ng rebolusyon sa EDSA.
“Noong mga panahon noon apo, ako ay isa lamang dalaga na nagnanais ng isang magandang kinabukasan ngunit habang ako ay nasa probinsya nakikita ko sa aking paligid ang paghuli at ang pagpatay ng mga sundalo sa aking dating mga kaklase, dito rin ay narasan ng aking ama na umakyat sa puno ng buko upang maiwasan ang mga sundalo habang kaming
10
Princess Reima Mireya C. Faustorilla
magkakapatid ay itinatago sa loob ng bahay ng aming ina’y sa kapanahunang ito, lubusan din kaming naghirap sapagkat kailangan pang mangutang ng aking mga magulang upang kami lamang ay makakain kung minsan din ay namumulot pa kami ng mga pili upang ibenta sa mga tindahan noon” ako’y nagulat sa diyalogo na ibinigay sa akin ni lola sapagkat hindi ko alam na may nangyari palang ganito nung mga araw na ako’y hindi pa nabubuhay.
Sa ating henerasyon ngayon ay walang nababalitang nangyayaring ganito sapagkat ito ay isang makabagong panahon, ngunit sino nga bang mag aakalang ang mga pangyayaring ito ay nagaganap sa mga probinsya tulad nalang ng sa amin sa Bicol. Ibang-iba talaga ang mga nagaganap sa noon mula sa ngayon totoo ngang mas masuwerte ang panahon namin sapagkat ang bawat araw ay mag nagiging maganda para sa susunod na henerasyon. Ngunit bakit ba
naganap ang mga pangyayaring nagpapahirap sa mga mamamayan noong panahon ng martial law? Bakit ba’y tila ang importansya ng nakaraan na ito ay hindi na ikukwento sa taong bayan? Nakalimutan na nga ba talaga o ng nakararami?
Napukaw ang aking paningin kay lola no’ng kanyang tinuloy ang kanyang kwento “Apo, simula pa noon ay napakayabong na ang kasaysayan ng ating bansa, ngunit para bang unti-unti na itong nakakalimutan ng mga tao, kung iyong mapapansin na ang anibersaryo ng rebolusyon noong Pilipino Power ay hindi na kasing garbo noon, narinig ko rin sa kuwentuhan ng aking mga amiga na hindi na importante ang kahalagahan ng rebolusyon, ngunit ang bawat aral na nakukuha natin galing sa nakaraan ay sumisimbolo sa mga sakripisyo at pagod ng mga nauna sa atin, pero sa panahong ito ay nakalimutan na ito ng karamihan.” nakita ko ang lungkot sa kanyang mata.
Ngumiti sa akin si lola atsaka sya nagsabi na siya ay aalis muna saglit upang may bilhin sa palengke, at nang ako’y kanyang iniwan ako ay nagsasaliksik tungkol sa mga pangyayari dito at opinyon ng mga tao mula sa social media. Isang ehemplo rito ay ang komento ni Russel Salvador, na ito ay may kahalagahan pa sapagkat ito ay nakapag bibigay aral ngunit ayon naman kay Roxanne Capua, ay hindi na ito mahalaga sapagkat marami na ang namumulat sa katotohanan. Mayroon din galing sa pinsan ko na si Samantha Cesar, na ito ay may kahalagahan pa sa kadahilanang ito ay isang importanteng bahagi ng ating nakaraan.
Marami rin akong nababasang mga opinyon at saloobin, ngunit lahat ito ay nagiiba-iba na parang bang wala silang isang kuwentong mapagkasunduan. Madami rin ang mga katulad kong hindi karamihan ang nalalaman ukol sa kuwento ng People Power
Revolution, marami na rin ang nakakalimot sa mga aral na ibinibigay nito na para bang hindi na ito importante sa kasaysayan ng ating bansang sinilangan. Marami ang nagdusa sa panahong ito ngunit marami din ang umunlad. Sa bawat sakripisyo ng mga nauna sa atin ay kaugnay nito ay ang kanilang naiwang mga aral na natutunan ng bawat mamamayan ngunit isa lang ang aking nalalaman, ‘yun ay ang bawat kasaysayan at bawat dugo na dumanak mula sa nakaraan ay may kaakibat na leksyon na maaaring makuha ng mga susunod na henerasyon. Ikaw ba, sa iyong opinyon ang parte ng kasaysayan na ito ay dapat pa nga bang alalahanin ng bawat isang Pilipino?
11
BALITANG PANG- AGHAM
PUNONG REGALO SA KABATAAN: AKADEMIKOS NAKIISA SA PROYEKTO
“Panigurado, hindi kayo ang makikinabang sa punong itatanim ninyo ngayon. Ang makikinabang ay yung susunod pang mga henerasyon,” ito ang naging pahayag ni G. Leo Paolo Dilay sa isinagawang “DepEd’s 236,000 Trees - A Christmas Gift for the Children” nitong Miyerkules, Disyembre 6, 2023, sa San Juan City Academic Senior High School.
Ang naturang programa ay alinsunod sa DepEd Memorandum Order No. 69, s. 2023, na nilagdaan ni Bise Presidente at Sekretarya ng Kagawaran ng Edukasyon
—Sara Duterte. Ayon sa inilabas na memorandum, layunin ng proyektong ito na mabigyan ng regalo ang mga
kabataang Pilipino ng isang malinis at masiglang kapaligiran sa mga paaralan.
Isa ang SHS-Acad sa humigitkumulang 48,000 na pampublikong paaralang nakilahok sa proyektong tree planting. Ang bawat paaralan ay inaasahang makapagtanim ng limang punla sa mga bakanteng lote sa loob ng kanilang paaralan.
Naganap ang proyekto sa pangunguna ng punongguro, si Gng. Maria Aileen Callorina, mga guro, at mga estudyante mula sa iba’t-ibang organisasyon ng nasabing paaralan katulad ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), Young Entrepreneurs’ Society (YES), Math Club, Ang Tambuli,
English Club, Science Club, Youth for Environment in Schools Organization (YES-O), Harmonics, First Marshal Responders, at Senior Scouts. Kasabay ng pagtatanim ng mga puno ay nagtanim din ng mga gulay tulad ng malunggay at kamatis ang mga mag-aaral. Ito naman ay alinsunod sa proyekto ng SSLG, “Isang Bata, Isang Gulay.” Isinusulong naman nito ang pagiging responsable ng mga mag-aaral sa kanilang kapaligiran.
Ayon sa mga lumahok, maganda umano ang proyektong ito dahil nakatutulong ito sa inang kalikasan. Dagdag pa rito, ito ay maganda umanong karanasan para sa kanila.
Roi Christian S. Padua
12
EPEKTO NG AI SA EDUKASYON: MABUTI BA O MASAMA?
Stephen Rhey D. Todoc
Ang gamit ng Artificial Intelligence(AI) ay para matulungan ang tao na maging epektibo at produktibo sa paggawa ng kanilang mga trabaho. Ito ay ayon kay Dr. Enrico C. Paringit, ang executive director ng Department of Science and Technology(DOST).
Ang AI o Artificial Intelligence ay ang kakayahan ng isang computer na gumawa ng mga trabaho na ang karaniwang gumagawa ay mga tao. Isang halimbawa nito ay ang mga makinarya sa mga pabrika, mga robots, at siyempre ay ang generative AI. Sa larangan ng edukasyon karaniwang nagagamit ang generative AI o ang kakayahan ng AI na magturo, gumawa ng mga sanaysay, at magsaliksik sa kahit anong paksa.
Lagpas kalahati ng populasyon ng mga estudyante ang gumagamit ng AI kahit pa ito ay ipinagbabawal ng kanilang institusyon. Ayon sa isang pananaliksik ng Tyton Partners, 51% nga mga estudyante ang gumagamit ng generative AI writing tools kahit pa ito ay ipinagbabawal ng kanilang mga paaralan at mga guro.
Sa San Juan City Academic Senior High School(SJCASH), nagsagawa ng serbey sa 20 na mag-aaral kung saan tinatanong kung sila ay gumagamit ng generative AI. 15 sa mga mag-aaral na ito ay inamin na sila ay madalas gumamit
nito. Ayon kay Aphina Sadiwa; mag-aaral galing sa STEM-11, “Hindi ako agree na dapat gumamit ng mga chatgpt at yung mga AI generated thingy na yan. Kasi mas maganda pa rin yung natututunan mo sa sarili mo.” Pero ayon naman kay Aira Marbella mag-aaral rin galing STEM-11, “Okay saakin ang paggamit ng generative AI. As long as hindi mo inaasa lahat doon.”
Kung magpapatuloy ito, maaring bumaba ang kakayahan ng mga magaaral sa pag-baybay at pagbuo ng mga pangungusap at talata. Hindi rin masasanay ang malikhaing pag-iisip ng isang tao kung patuloy lang itong aasa sa mga generative AI na siyang sasagot sa mga bagay na kanilang itinatanong. “Bilang guro sa Filipino hindi ako sang-ayon sa paggamit ng artificial intelligence dahil marami itong negatibong epekto isa na rito ang pagkabawas sa pag-unlad ng mga mag-aaral lalong-lalo na sa paghubog ng kanilang kasanayan,” saad ni Bb. Angelica Garcia guro mula sa SJCASHS.
Isa pa ay maaaring hindi rin tugma ang mga impormasyong ibinigay nito. Dahil nga humahanap lamang ito ng impormasyon sa internet, maaring makakuha ito ng maling impormasyon na magiging sanhi ng pagkalito. Sa kabila ng mga hindi magandang epekto nito, mayroon rin namang mabuti. Nakakatulong ito sa mabilis na pagtatapos
ng mga gawain. Karaniwan na napakaraming aktibidad ang kailangang gawin ng isang mag-aaral. Kaya naman dahil sa kakayahan ng generative AI na magturo, ito ay ginagamit kung ang isang mag-aaral ay nag-aaral ng magisa.
Ang AI ay nakakatulong. Dahil sa kabila ng literacy rate na 99%, ang Pilipinas ay may ranggong isa sa pinaka mababa sa internasyonal na mga pagsusulit sa matematika, agham, at Ingles mula pa noong 1995. Bilang bahagi ng pagtugon sa krisis na ito, ang mga pampubliko at pribadong sektor ng Pilipinas ay namuhunan sa mga information and communication technologies (ICTs)-mga computer, Internet, robotics, at tablet—upang baguhin ang disenyo sa paghahatid ng edukasyon at pahusayin ang mga resultang pang-edukasyon. Ang artificial intelligence (AI) ay ang susunod na teknolohiya na handang subukan ng mga paaralan.
Akademikos, hindi natin maitatanggi na tayo ay nasa makabagong panahon na at kailangan nating makibagay rito. Ayos lang naman na gumamit ng generative AI, ngunit dapat paring usisain ang mga impormasyong ibinigay nito.
AGHAM 13
GISING NA SI ANTOC
Haven Reese B. Bihag
Hindi na muli matutulog ang nagising na diwa ni Rhiane Gumapac Antoc para sa larangan ng isports. “Ipagpapatuloy at ipagmamalaki ko ang aking
mga nasimulan at sisimulan pa,” ani ni Antoc, babaeng magdadalawang taon nang manlalaro sa taekwondo na mula sa San Juan City Academic Senior High School.
Nalaman ni Antoc ang larong taekwondo mula sa kaniyang nakatatandang kapatid na babae na isa ring manlalaro.
Una pa lamang ay
ipinangako na ni Antoc sa kaniyang sarili na siya ay magiging isang mabuting manlalaro sa larangang isports, kung kaya’t siya ay nahikayat na sumali rito kahit ito ay isa sa mga laro na may sakitan at may nakabadyang kapahamakan.
“Pinanghawakan ko ang mga katagang ‘kaya ko’ ‘ipagpapatuloy ko’ na nagpatuloy dahil sa aking
paghanga at pag mamahal dito” banggit nito tungkol sa kaniyang napiling laro. Inaalagaan ni Antoc ang kaniyang sarili sa paraan ng pagkakaroon ng disiplina sa sarili, pagsunod sa mga alituntunin at pagkakaroon
AKADS TANGGAL ANGAS
Walang awang inuwi ang
gintong medalya ng Xavier Golden Stallions kontra San Juan City Akademikos sa San Juan Basketball Division Meet 2024 na ginanap sa Xavier School San Juan ngayong ika-27 ng Pebrero 2024.
Sinimulan ni Diogenes Guerero ang laro nang magambag ng unang dalawang puntos para sa ACADS, ngunit agad namang bumawi ang kabilang koponan at tinambakan ito ng 10 puntos. Natapos ang unang kwarter sa iskor na 26-15 lamang ng Xavier, tinapos
ito ni Hezekiah Paduga nang makapuntos ng tres sa loob ng 2.2 segundo bago matapos ang kwarter.
Buong angas na pumuntos si Zackeira Simbulan upang simulan ang ikalawang kwarter. Sinundan din agad ito ni Kurt John De La Luna na nagdahilan upang maglapit ang iskor at maging 6 puntos na lamang ang pagitan. Ngunit, hindi na ito pinaiskor muli ng Xavier matapos umiskor ng 6 na puntos sa pagtutulungan nina Cue, Kua at Yu Chua. Hindi pa ito nag-paawat at pumuntos ng 3 si Tan. Natapos ang ikalawang
kwarter sa 43-25, pamang pa rin ng Stallions. Sinubukang panatalihin ang kanilang angas ngunit bigo pa ring madepensahan ng ACADS ang kanilang basket marahil sa pananatili ng kalamangan ng Xavier sa pangunguna ni Yu Chua na nagtala ng 7 puntos at sa tulong ni Kua na nagbigay naman ng 4 na puntos. Nagtapos ang ikatatlong kwarter sa iskor nang walang pagbabago, 56-3, lamang ng kabilang koponan. “We worked hard for it, we practiced everyday,”
TANGKAY BUMENGBENG!
Sa isang makatindigbalahibong labanan sa Mobile Legends, ipinagwagi ng STEM 12 ang kampeonato sa isang back-to-back na tagisan kontra sa kabilang koponan. Nagwagi sila sa
score na 2-0 sa unang laro na naganap noong ika-27 ng Pebrero 2024. Pinangunahan ni G. Roi Christian Padua ng SSLG ang laro mula 12:30 ng tanghali hanggang 1:30 ng hapon. Matapos ang tagumpay
STEM 12 sa unang laro, hindi mapigilang magyabang ng team 2 sa kanilang napanalunan laban sa inaakala nilang matinding karibal. Marahil, mas pinasigla pa ng kanilang tagumpay ang kasiyahan sa loob ng kanilang koponan. Sa kanilang pagtungtong sa ikalawang laban, puno sila ng kumpiyansa na sila ang magiging kampeon. Ngunit hindi nila inaasahang mas mararamdaman pa nila ang tagumpay noong natalo nila ang unang manlalaro.
“Sa mga mag-mml sa susunod na taon, sana sa
ika nga ni Henry Choa bilang player of the game. Nagwakas ang ika-apat na kwarter sa iskor na 72-47, tinambakan at tinanggalan ng angas ng Stallions ang Akademikos. “Nagkulang kami sa communication,” saad ni Paduga bilang pangunahing dahilan nang kanilang pagkatalo. Sinabi rin ni Tamayo na “Lamang sila sa pagkain, sila steak (tinutukoy ang kinakain ng Stallions), kami meatloaf, pero ang mahalaga—lumaban kami ng may puso”.
susunod na Intrams, kalabanin niyo kami bilang mga alumni na kampeon.” ani Zymon Altaminaro ng STEM 12. Ang tagumpay ng STEM 12 sa Mobile Legends ay patunay ng kanilang husay at determinasyon sa larangan ng esports, at nagbibigayinspirasyon sa iba pang mga mag-aaral na magtagumpay din sa kanilang mga larangan.
Back to Back Finals, We’re the best of the best, still undefeated, who’s next?”
-Jhan Zymon A. Altamirano
TOMO III. BLG I
Haven Reese B. Bihag
STEM 12 BACK TO BACK CHAMPION SA MOBILE LEGENDS BANG BANG!
14 DYARYO ISPORTS
Saharah B. Polangi
ng pagsisikap, pagpupursigi at determinasyon sa pagpapatuloy nito kasama na ang pagmamahal sa kaniyang katawan at pagkokondisyon dito sa bawat laro. “Pagod, takot, kaba, ngunit sa kabila nun ay malaki ang tiwala ko sa
aking sarili,” anito. Ang kaniyang unang sabak ay noong ika-27 ng Enero at sa mabuting palad ay nakapag-uwi siya ng gintong medalya. “Napakasaya ng mga araw na iyon dahil ilang taon man ang lumipas ay hindi ko ito makakalimutan dahil ito ay isang karangalan sa akin na makapag-uwi ng unang gold na medalya mula sa aking sikap at pagpupursigi na aking
pinanghawakan simula pa nung una at isa ito sa mga nagtulak sa akin upang palaguin at ipagpatuloy pa ang aking nasimulan,” paglalahad ni Antoc.
Nais naman ni Antoc na mag-improve pa sa larangan ng isports at maibitbit ang pangalan ng paaralan ng San Juan nang may kompiyansa at makapaguwi pa ng maraming karangalan.
Ang mensahe naman ni Antoc sa mga nais pasukin ang industriya ng isports ay ipagpatuloy lang nila ang kanilang naumpisahan dahil walang imposible sa taong mapagpursugi at isa na siya sa ebidensiya ng katagang ito. Binanggit nito na walang madali sa umpisa at huwag mawalan ng tiwala sa sarili.
PATULOY NA PAGSIPA, AKADEMIKO
James V. Navo
Umuwing taas noo ang atleta at mag-aaral ng San Juan City Academic Senior High School na si Kryznha Cane Santos mula HUMMS 11-A matapos sumipa ng gintong medalya sa kategoryang Poomsae, sa 22nd Cainta Mayor’s Mission Cup Taekwondo Championship nitong Sabado, Ika-2 ng Disyembre 2023, sa One Arena, Cainta Rizal.
Kryznha, na isang Red belter ay nagmula sa pamilya ng mga atleta kaya bata pa lamang ay nalapit na ang kaniyang loob sa mga isport. Ang kaniyang lolo na isang karate brown belter ang nagtulak sa kaniya na maging isang atleta ng taekwondo.
Labing-isang taong gulang si Kryznha nang
ito sa paglipas ng panahon. Hindi niya na binibilang ang kaniyang mga nakamit na medalya gayunpaman ang lahat ng ito ay mayroong sentimental na halaga para sa kaniya.
Sa naganap na torneyo ay nakaramdam siya ng matinding kaba dahil sa kakulangan sa ensayo. Hindi lang ito ang unang beses na nakaramdam siya ng kaba, kabilang pa rito ang mga nagdaan niyang mga laban. Ngunit ang mga ito ay hindi naging hadlang sa pagsipa ng isang akademiko.
Malaking tulong ang suporta ng kaniyang coach, pamilya, at mga kaibigan upang mabawasan ang kaniyang nararamdamang kaba sa araw ng kaniyang mga laban. Nagsilbing inspirasyon niya rin ang mga ito sa kaniyang pagsipa upang masungkit ang gintong medalya.
Muling nagbigay ng karangalan ang atleta ng San Juan City Academic Senior High School na si Rhiane Gumapac Antoc mula HUMMS 11A, matapos sipain ang gintong medalya sa kategoryang Kyorugi, sa Philippine Taekwondo Association
MAPAMASA Age Group Taekwondo Championship noong Ika-17 ng Disyembre 2023, sa Marikina Sports Center.
Hindi ito ang kaunaunahang gintong medalyang naipanalo ni
Noon pa man ay hindi na naging madali kay Kryznha ang pagsabayin ang pagaaral at ang pagiging isang atleta dahil sa mahigpit at mahirap balansehin na iskedyul. “Sobrang hirap maging studentathlete. It is such a big risk to take and a responsibility that will hold you tight. Nakakapagod pero kakayanin. Mahal namin yung sport e. We don’t train for fun, we fight with immense passion also,” iniwang kataga ni Kryznha.
Rhiane, kundi ito na ang ika16 na medalyang kaniyang nasungkit gamit ang kaniyang husay sa pagsipa, kabilang na rito ang kaniyang gintong medalya na naiuwi sa kaniyang pagsali sa Nationals.
Noon pa man ay suportado na siya ng kaniyang mga magulang sa kaniyang pagsipa, at dahil na rin sa lakas ng kaniyang determinasyon, ay nakamit niya ang ranggo na Senior Red belter.
Sa naganap na torneyo ay nanaig kay Rhiane ang pananabik na ipamalas ang resulta ng kaniyang matinding ensayo. Ang patuloy na suporta ng kaniyang pamilya, mga kaibigan, at coach ang naging dahilan upang mapawi ang kabang kaniyang naramdaman.
Naging malaking tulong sa kaniya ang pagkawala ng kaba upang maipamalas ang kaniyang buong potensyal sa pagsipa at maiuwi ang gintong medalya.
Sa bawat torneyo na kaniyang nasalihan ay ibinibigay niya ang kaniyang isang daang porsyentong husay sa pagsipa upang abutin ang kaniyang pangarap sa larangan ng taekwondo.
“Ang aking determinasyon ay nanatili sa akin na ako rin ay magiging isang successful na taekwondo coach balang araw at isa ako sa magbibigay ng opurtunidad sa mga batang nagnanais na maglaro sa larangan ng isports ng taekwondo. Ito ang dahilan ng aking pagpupursigi,” ani Rhiane.
GINTO, GINTO, GINTO! SAN JUAN CITY ACADEMIC SENIOR HIGH SCHOOL TAEKWONDO, MULING NAGBIGAY KARANGALAN
James V. Navo
TAMBULI ISPORTS DYARYO TAMBULI TOMO III. BLG I 15
ISPORTS
ARTURO NANDUDUROG
Haven Reese B. Bihag
Nandurog muli si Arturo A. Angeles Jr. mula sa GAS 12 A at team Fireclaws upang masungkit ang kaniyang pangalawang sunod na kampeonato sa intramurals’ volleyball sa Sportsfest
2024 ng San Juan City Academic Senior High School, pagpapatunay lamang na siya ang tunay na reyna sa larangan ng volleyball sa paaralan. Noong nakaraang taon, bilang isang Grade 11 student pa lamang, nagpakitanggilas si Arturo sa pagbibigay ng sunodsunod na walong puntos na service ace sa championship game, kung saan siya nakilala at ito ang tunay na nagtulak sa kaniyang koponan patungo sa tagumpay. Ipinakita niya ang kaniyang kakayahan hindi lamang sa pagspike kundi pati na rin sa pagreceive at service na mahahalaga sa bawat laro.
Ngayong taon, sa pagkakaroon ng pangalawang pagkakataon sa kampeonato, hindi nagpabaya si Arturo. Sa aming panayam, ipinahayag niya ang kaniyang determinasyon na itaas ang bandera ng kanilang seksyon, GAS 12 A. Binanggit niya na ang mga kasanayang tulad ng spike, receive, at service ang naging lamang ng Fireclaws sa mga kalaban.
Sa kaniyang mensahe sa mga kalaban, sinabi ni Arturo na “Bawi nalang kayo next year kasi wala na kami,” na nagpapakita ng mataas na kumpiyansa sa kaniyang team at sarili.
Ang tagumpay
ni Arturo A. Angeles Jr. sa larong volleyball ay patunay ng kaniyang husay at dedikasyon, at nagpapakita ng inspirasyon sa iba pang manlalaro sa paaralan na sundan ang kaniyang yapak.
Bawi nalang kayo next year, kasi wala na kami.”
-Arturo A. Angeles Jr.
DYARYO TAMBULI PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG SAN JUAN CITY ACADEMIC SENIOR HIGH SCHOOL MAGSULAT,MAGMULAT,AT KUMILOS