ba’t Ibang Kulay, Iisang Mithiin: CNHS-SH Intramurals 2025, Pormal na Binuksan sa Pamamagitan ng Makulay na Unity Parade
Rhovin IBARRA
Iba’t ibang kulay, iisang mithiin — ito ang ipinamalas ng mga mag-aaral sa pagsisimula ng Intramurals 2025
ng Cagayan National High School – Senior High sa pamamagitan ng makulay na Unity Parade. Nagsama-sama ang mga koponan na kumakatawan sa mga kulay na lila, berde, dilaw, at pula bilang simbolo ng pagkakaisa sa kabila ng kompetisyon. Sinimulan ang parada sa Leonardo Mamba Gymnasium at nagtapos sa CNHS Grandstand, kung saan masiglang sinalubong ng mga mag-aaral, guro, at mga tagasuporta ang bawat delegasyon.
SPORTS BRINGS US TOGETHER
Pagkakaisa sa kabila ng
binigyang-diin ni AP Paclob
ports bring us together, reminding us that while we may belong to different teams, we are united by one spirit — the spirit of fair play, respect, and determination,” pahayag ni Rovelyn Paclob, Assistant Principal (AP) ng Cagayan National High School - Senior High (CNHS-SH), sa pagbubukas ng Intramurals 2025, Setyembre 19. and Mathematics (STEM), Rain or Shine mula sa Accountancy, Business, and Management (ABM) at Sports and Design (SAnD), at Converge TechGAS mula sa Technical Professional at (TechPro) General Academic
“May each of us take this opportunity not only to compete, but also to learn, to grow, and to embody the true essence of sportsmanship,” dagdag ni Paclob sa kanyang mensahe. Bilang hudyat ng pormal na pagbubukas, isinagawa ang Torch Lighting Ceremony na pinangunahan ng mga koordineytor ng bawat
Muling namalas ang makukulay na watawat at masiglang pagmartsa ng bawat koponan sa Parade of Intrams 2025, habang umaalingawngaw ang sigawan at hiyawan ng mga mag-aaral na nagbigay-buhay at kulay sa buong selebrasyon.
Pinangunahan ang aktibidad ng Sports Society Club sa pamumuno ni Ma. Christina Galman, Sports Coordinator ng Senior High School.
“Napakahalaga ng Unity Parade upang ipakita ang pagkakaisa sa kabila ng kompetisyon sa Intramurals,” saad ni Galman sa isang panayam. Sa pamamagitan ng taunang Intramurals, inaasahan ang masigla at makabuluhang paligsahan ng lakas, galing, at disiplina, habang pinapalaganap ang tunay na diwa ng sportsmanship at pagkakaibigan sa hanay ng mga kabataan.
Katatagan
Julhian Ryan ORRO
Walang kapantay ang ipinakitang bilis at koordinasyon ng STEM faculty team matapos nilang dominahin ang Teachers’ Edition ng Relay Race sa ginaganap na Intramurals 2025 sa CNHSSH Grandstand. Bumida sa panalo ng STEM team sina Sir Czar, Sir Anthony, Sir James Cusipag, Sir Ralph, Ma’aQW3WQCXm Sherlyn, Ma’am Ruby, Ma’am Edly, at Ma’am Angelica. Pinatunayan nila na hindi lamang sa silid-aralan mahusay ang STEM faculty, kundi pati na rin sa larangan ng palakasan.
Samantala, pumangalawa sa nasabing paligsahan ang koponang ABM Sand, sinundan ng HUMSS, at nasa ikaapat na puwesto ang GAS-TVL.
Isa rin sa mga hindi malilimutang tagpo ng laban ay ang ipinakitang katatagan ni Ma’am Xela Viloria, guro mula sa TVL-GAS.
Sa kabila ng natamong injury habang tumatakbo, hindi siya sumuko at tinapos pa rin ang karera — dahilan upang siya’y palakpakan at hangaan ng mga mag-aaral.
“Kahanga-hanga si Ma’am Xela dahil kahit napadausdos siya sa field, bumangon pa rin at hindi ininda ang sugat sa kanyang kamay para lamang tapusin ang relay,” pahayag ni Dantley Reyes, isa sa mga estudyanteng saksi sa nasabing pangyayari.
Kinomenda si Ma’am Xela ng mga magaaral bilang huwaran ng katatagan, determinasyon, at sportsmanship — mga halagang tunay na pinahahalagahan sa Intramurals.
Mike Andrei FERRER
Simula na ng sagupaan at bakbakan sa isports!
Handa na ba kayo?
HABOL. Humaharurot ng takbo si Christina Galman, Sports Coordinator ng Team Rain or Shine ng SAND-ABM upang maangkin ang unang pwesto sa Relay (Teachers Edition) subalit bigo silang mahabol ang STEM Barangay Siyensiya Matematika. Sa huli itinanghal silang second
CASSANDRA LAPPAY
Isang Diwa Isang Layunin
a pagsapit ng intramurals, muling sumisiklab ang diwa ng isports at pagkakaisa sa paaralan, sa ingay ng mga tagahanga, sa tiyaga ng mga naghahanda, at sa pag-asa sa bawat laban. Ngunit higit pa rito ang intramurals, ito ay pagkakataon na pagyamanin hindi lamang ang lakas ng katawan, kundi ang karakter. Sa ilalim ng temang “One Spirit, One Goal: Igniting Passion Through Unity and Sports,” hinahangad nitong ang bawat estudyante ay maging bahagi ng isang samahan na may iisang diwa at layunin, hindi lamang para manalo, kundi para magsilbing liwanag ng pagkakaisa at magandang asal.
Sa bawat laban, hindi lamang bilis, lakas, o talino ang sinusubok, kundi pati ang karakter. Ang bawat atleta ay natututo ng kahalagahan ng oras, ng pagsunod sa alituntunin, at ng sakripisyong ginagawa para sa ikabubuti ng koponan. Sa bawat pagpupunyagi at pakikipagtulungan, nadidiskubre ang tunay na diwa ng sportsmanship— ang pagrespeto sa kalaban, ang pagbibigay-halaga sa mga kasama, at ang pagtanggap sa pagkatalo nang may dignidad. Sa bawat pagkadapa, natututunan ding bumangon, at sa bawat pagkapanalo, natututong magpakumbaba.
Higit pa rito, ang intramurals ay hindi lamang para sa mga atleta. Kasama rito ang suporta ng mga
kanilang mga mata, ang bawat pawis at pagod ay may saysay dahil ito ay nagsusulong ng samahan at pagkakaunawaan. Nawa’y maging higit pa sa medalya at tropeo ang makamit sa intramurals na ito. Dalhin ang pamana ng pagkakaisa, disiplina, at layunin—mga aral na hindi nagtatapos sa loob ng palaruan kundi nagpapatuloy sa pang-araw-araw na buhay. Sapagkat kung tunay na isasapuso ang One Spirit, One Goal, ang intramurals ay hindi lamang magiging selebrasyon ng palakasan, kundi magiging makabuluhang yugto ng paghubog ng karakter, pagpapatibay ng samahan, at pagtupad sa mga pangarap ng kabataan.
Sa gitna ng palakpakan, sigawan, at pagbuhos ng pawis sa Intramurals 2025, hindi lang lakas ng katawan ang sinusubok, kundi pati lakas ng loob at linis ng budhi. Sa temang “One Spirit, One Goal: Igniting Passion and Unity Through Sports,” tinuturuan tayong lahat na hindi lang tropeo ang sukatan ng tagumpay—kundi ang katapatan sa sarili, sa koponan, at sa laban.
Sa bawat hampas ng volleyball, bawat sipa ng bola, at bawat sigaw ng suporta, may aral na hinuhubog: ang kahalagahan ng integridad. Sa isports, hindi mo maaaring dayain ang oras o itago ang maling galaw. Lahat ay kita, lahat ay klaro. Kaya’t ang tunay na kampyon ay hindi lang ang pinakamalakas—kundi ang pinakatapat.
Intrams Ngayon, Gobyerno Bukas Paglabas natin ng gym, pagkatapos ng huling laban at huling sigaw, tanong: Anong klaseng mamamayan ang ating hinuhubog?
Dahil sa labas ng paaralan, may mas malalaking laban. Sa mga balita ngayon, sunod-sunod ang isyu ng korapsyon sa flood control programs. Bilyong pisong pondo ang nawawala dahil sa mga ghost projects, overpricing, at underquality na konstruksyon—lahat ito, gawa ng mga lider na walang puso sa bayan at walang katapatan sa tungkulin.
Ang dapat sana’y mga proyektong
magliligtas sa mga kababayan natin tuwing bumabagyo, nauuwi sa perwisyong gawa ng kasinungalingan at kasakiman. Ito ang epekto kapag ang mga taong nasa posisyon ay walang natutunang prinsipyo ng pagiging tapat.
Aral sa Court, Gabay sa Serbisyo Kaya’t huwag nating maliitin ang simpleng Intrams. Ang bawat laro ay pagsasanay sa pagiging makatao, makatarungan, at makabayan. Kung ngayon pa lang ay matututo tayong lumaban ng patas, tanggapin ang pagkatalo, at manalo nang may dangal—mas malaki ang tsansa nating magkaroon ng tapat na gobyerno sa hinaharap.
Sa bawat estudyanteng tumutulong sa kapwa atleta, sa bawat tagasuporta na nagbibigay ng lakas sa buong koponan, at sa bawat guro na gumagabay mula umpisa hanggang dulo—doon nahuhubog ang lider na marunong maglingkod ng buong puso.
Maging Simula ng Pagbabago Ang Intramurals ay higit pa sa medalya. Isa itong pagpapaalala na ang tunay na panalo ay ang pagkakaroon ng prinsipyo. Dahil kapag dumating ang araw na tayo naman ang nasa posisyon—bilang guro, opisyal, o empleyado ng gobyerno—ang aral ng pagiging tapat sa court ay dadalhin natin sa bawat desisyong gagawin.
Hindi natin kailangan ng posisyon para magsimulang magbago. Kailangan lang natin ng tapang, puso, at paninindigan—katulad ng ipinapakita natin tuwing Intrams.
Tandaan ang pinakamahalagang tropeo ay hindi ginto o pilak, kundi ang katapatang hindi kayang bayaran, at ang diwang buo para sa kapwa at bayan.
Minsan naging iisa ang ating sigaw. Sana, maging iisa rin ang ating paninindigan.
Sherwin CALIMLIM
PITO NG TUNAY NA PANALO
heeep!”
Isang hudyat at muling nagbukas ang pinto sa mundo ng mga atleta’t mag-aaral. Sigaw rito, sigaw roon, at napuno na naman ng ingay at saya ang loob ng Mamba Gym sa pagtatamasang manalo ang kanilang mga kalahok sa laro.
Ang CNHS-SH Intramurals 2025 ay opisyal ng binuksan ngayong araw, Setyembre 19, 2025 na may temang “One Spirit, One Goal: Igniting Passion and Unity Through Sports.” Ngunit ito ay hindi lamang isang laro, kundi isang paligsahan kung saan nagpapakita ito ng pagkakaisa, pagkakaibigan, at tunay na kahulugan ng sportsmanship. Kaya naman, sa bawat puntos at panalo ng mga kalahok, damang-dama ang diwa ng pagkakaisa at alab ng kanilang mga puso.
Upang mas maging nakakaaliw at masigla ang Intramurals 2025, ang bawat strand ay binigyan ng sariling pangalan na hango sa Philippine Basketball Association o PBA na talaga namang nagbibigay kulay sa Intramurals ngayong taon.
RAIN OR SHINE
Ang SAND-ABM ay ang Rain or Shine. Matibay at ‘di patitibag sa kahit anong laban. Kahit gaano kainit ang laro, hindi sila sumusuko. Parang ulan at araw, laging handang bumangon at bumawi. Bagama’t, kokonti ang kanilang bilang ay ipinakita pa rin nila ang kanilang lakas
3 lathalain
at tapang, umaraw man o umulan, alam mong kaya nilang makipagsabayan. Ang kanilang sigaw? SAND-ABM, nasikan, nasikan
CONVERGE
TECH-GAS
TVL-GAS naman bilang Converge TechGas, baluarte na tunay na sumasalamin sa kanilang strand. Tulad ng kanilang pangalan, mabilis silang kumilos, mahusay sa teknolohiya, at praktikal ang bawat diskarte. Masasabi mo talagang pro na skilled workers sa loob at labas ng court. Sa bawat mabilis at maliksing galaw, makikita ang tibay at galing ng kanilang koponan.
BRGY.
SIYENSIYA
MATEMATIKA
Ang STEM naman ay kinilala bilang Brgy. Siyensiya at Matematika. Matatalino umatake at wais kung dumipensa. Para silang may sariling libro ng siyensya at matematika, ang mga galaw ay palaging tama ang sukat at planado. Hindi lang sila basta naglalaro, para silang mga scientist sa court – talagang mapapa wow sa kagalingan nilang maglaro. Bitbit pa ang kanilang pangmalakasang
hiyaw na, “To fame, to honor and excellence, ganito, ganyan, kaming mga STEM!”
TROPANG
HUMANISTA
At siyempre, ang HUMSS bilang TNT o Tropang Humanista. Dala-dala ang galing sa pakikipagkomunikasyon at kritikal na pag-iisip na kanilang ginawang sandata. Sila ang defending champion at patuloy paring ipinapakita na hindi lang sa talino at salita magaling ang HUMSS, kundi pati na rin sa laro at samahan. Kaya naman buo ang kanilang loob na muling ipagtanggol ang korona at patunayan na ang HUMSS, Humanista ng Cagayan High muling mananalo. Sa huli, ang pagbubukas ng CNHS-SH Intramurals 2025 ay hindi lamang tungkol sa laro o kung sino ang mananalo, kundi tungkol sa tunay na kahulugan ng pagkakaisa, pagkakaibigan, at sportsmanship. Kaya kahit namamaos na ang boses at pagod na pagod na ang mga katawan, nananatiling buhay na buhay ang diwa at sigla ng bawat CNHSian. Ani nga ni Kawaksing Guro Rovelyn Paclob, “Sports brings us together, reminding us that while we belong to different teams, we are united by one spirit.” At ang diwang iyon ang patuloy na magbubuklod sa atin hanggang sa huling pito ng Intramurals 2025.
Shayene CAMACAM
ag.tek
Armas at SandatangPANG-ATLETA
HSa Intramurals 2025 ng Cagayan National High School-SH, hindi sapat ang lakas ng loob at determinasyon. Kailangan din ng tamang paghahanda, pisikal at mental, upang labanan hindi lang ang kalaban sa kabilang court, kundi ang pinakamalaking hadlang ng bawat atleta: pagod, injury, dehydration, at burnout.
Ang Athlete Starter Kit: Di Dapat Kalimutan
Ayon sa Children’s Hospital Colorado, ang isang atleta ay kailangang may dala ng Athlete
Starter Kit—hindi ito fancy o mamahalin, kundi basic pero mahalaga. Narito ang ilan sa mga hindi dapat kalimutan bago tumapak sa court o field:
Tamang kasuotan at sapatos
Sports equipment (bola, raketa, knee pads, atbp.)
Personal care items (tuwalya, deodorant, sunscreen, extra shirt)
First aid kit (band-aid, alcohol, pain relievers, muscle tape)
Hindi ka lalaban ng walang sandata. Pero ang pinakaimportanteng “armor”? Ang sariling katawan.
Nutrisyon: Labanan ang Pagod, Buhayin ang Lakas
Ayon kay Chris Icamen, isang rehistradong dietitian mula sa Manila Colleges, ang mga atletang estudyante ay kailangang magkaroon ng sapat na fuel para sa laban. Narito ang ilang recommended na pagkaing makikita lang sa hapag-kainan natin:
Saging – para sa potassium at instant energy
Kanin at karne – para sa sustained fuel
Malunggay – para sa vitamins at minerals
Tubig – ang ultimate weapon laban sa dehydration
Kasama rin sa inirerekomendang inumin ang sports drinks na may carbohydrates at electrolytes upang mabilis na makabawi sa pawis na nawala. Ayon sa Journal of the International Society of Sports Nutrition, ang ganitong drinks ay mahalaga lalo na kapag
Sophia LUMABAO
indi lang sa mga sundalo makikita ang pagiging tunay na mandirigma, makikita rin ito sa bawat estudyanteng tumatakbo sa oval sa ilalim ng tirik na araw, sa bawat tagapalo ng shuttlecock, sa bawat nagtatangkang ibasura ang pagod para sa panalo. Isang atleta, isang mandirigmang may bitbit na sariling sandata.
lagpas 60 minutes na ang activity sa matinding init o pressure.
At syempre, huwag kalimutan ang gatas pagkatapos ng laro—recovery drink na, pampalakas pa ng buto!
Inhaler: Di Lang Para sa May
Sakit
Isang underrated item sa kit ng ilang atleta ang “mahiwagang inhaler.” Ayon sa National Library of Medicine (2001), ginagamit ito ng mga atletang may exercise-induced asthma upang maiwasan ang biglaang hirap sa paghinga tuwing intense na ang aktibidad. Huwag mahiyang gumamit nito kung kinakailangan— dahil hindi ito kahinaan, kundi paghahanda.
Mental Toughness: Ang Sandatang Walang Nakakakita, Pero Laging Nadarama Hindi lang katawan ang pinapanday sa ensayo. Ang isip ay kailangang sanayin din. Ayon sa Taylor Counseling Group, ang maayos na mental health ng isang atleta ay may direktang epekto sa focus, confidence, at performance. Sa sobrang pressure at pagod, madali tayong madaig ng kaba o pagdududa. Kaya’t napakahalaga ng:
Suporta mula sa coach, pamilya, at kaibigan
Healthy routines (tulog, tamang kain, pahinga)
Guided visualization at mindfulness
Paghingi ng tulong kapag kinakailangan
Tulad ng helmet ng isang biker, ang mental health ay hindi laging nakikita, pero pananggalang sa mga salpukan ng pressure.
Higit Pa sa Panalo: Pagiging
Handa ang Tunay na Laban
Sa dulo ng bawat laro, hindi lang iskor ang sukatan. Ang tanong: naghanda ka ba? Hindi sapat ang husay, galing, at bilis kung hindi mo inalagaan ang iyong sarili bago pa ang unang whistle. Sa Intramurals 2025, kung gusto mong makatapos na taas-noo—panalo man o talo—bitbitin mo hindi lang ang jersey, kundi ang kaalaman, disiplina, at tamang paghahanda.
Sci-Sports Quick Tips for CNHS-SH Athletes:
Pre-Game Meal: 2-3 hours bago ang laban (carbs + protina)
Water Rule: Uminom bawat 15-20 minutes habang naglalaro
Mental Prep: mag-visualizeMag-relax, ng positive plays
Essential Pack: Alcohol, towel, extra shirt, power snack
Cool Down: Huwag iskip ang stretching pagkatapos ng laro!
Kaibigan ang tunay na mandirigma ay hindi lang marunong lumaban. Siya ay handa. Kaya ngayong Intramurals, ikaw ba’y handa na?
Tropang Humanista Naghari sa Men’s Table Tennis
“Laglagan na”
Nanguna sa rank race ang players ang Tropang Humanista sa men’s category matapos manatiling undefeated at makapasok ang lahat ng manlalaro sa finals, dinomina ni Raizen Celestino ang singles 1 habang sina Adcel Baliwag at Ezekiel Pascual naman ang lumaro sa doubles at singles 2 naman rumatsada si Ezra Dumdum, ginanap ito sa unang araw ng Cagayan National High School – Senior High Intramurals. Si Celestino ang unang sumabak laban sa Converge TECH – GAS player Dax Mangulad, nakuha ni Celestino ang unang set sa iskor na 11-6, ngunit nahirapan sya sa ikalawang set matapos maginit ang kamay ni Mangulad sa midgame set at magtala ng 5 – 0 run upang makalamang sa ng isa sa katunggali, 6-7.
Hirap si Celestino na lumamang ng mag deuce ng dalawang beses ang laban sa huling set, ngunit nakuha niya ang advantage matapos gumawa ng no – touch serve na kasabay ng fault serve ni Mangulad na nagpanalo sakanya, 11-13.
Muling mag tutuligsaan ang player ng Converge TECHGAS at Tropang Humanista sa finals ng singles 1, 3rd place naman ang inabot ni Jobert Quilang habang 4th placer si Bernard Vargas.
Samantala nakuha naman nina Baliwag at Pascual sa ang slot sa finals ng patumbahin ang players ng Converge TECH –GAS, 2-0, at Barangay Siyensiya Matematika, 11 – 7, 11-8.
“Nag training kami ng sobra, talagang pinaghandaan namin itong intramurals para maganda ang maipakita
naming performance.” Saad ng dalawa.
Muli silang magaaharap sa finals matapos makuha ng Siyensiya Matematika ang panalo laban sa Rain or Shine SAND - ABM upang makapasok sa finals slot, laglag sa 4th place ang Converge TECH-GAS ng walang maipanalo sa mga laban nila, habang 3rd placer naman ang SAND – ABM.
Hindi rin nagpahuli si Ezekiel Dumdum sa Ezra Dumdum ng lamapasuhin ang singles 2 ng Converge TECH – GAS at Barangay Siyensiya Matematika, muli silang maghaharap ni Eidederf Layugan ng Barngay Siyensiya Matematika ng ihulog sa 3rd place ang katungaling galing sa TECH – GAS, samantala 4th placer naman si Rapl Paguirigan.
Siyensiya Matematika Arangkada sa Finals
Wagi sa semi – finals ang tambalang
Elaine Ballesteros at Angelica Faye
Antonio laban kina Miyahanna Mabborang at Jamielle Caronan ng Tropang Humanista ng ihulog nila ang katunggali sa lower bracket sa iskor na 2-1 sa Table Tennis doubles women’s category sa unang araw ng Cagayan National High School – Senior High Intramurals.
Swak sa finals sina Ballesteros at Antonio ng dominahin ang kalabang koponan, tutungo sila sa finals at muling haharapin ang doubles ng Tropang Humanista.
Dehado sa unang set sina Ballesteros ng magtala ng 10 – 0 run sina Mabborang at Caronan upang masungkit ang unang set sa iskor na 2 – 11.
Agad naman silang bumawi sa ikalawang set, bentahe sakanila ang faulty play ni Caronan na agad naman nilang sinamantala kasabay ang backhand spin shots ni Ballesteros at mga notouch serve ni Antonio na nagbigay daan upang angkinin nila ang set, 11-8.
Hindi tumigil sa pagratsada ang dalawa sa pangatlong set gumawa sila ng 6 -1 run upang habulin ang kalamangan ng katungali, 7-5, ito ay pumukaw sa pansin ng coach ng Tropang Humanista at napatawag ng timeout, pwinersa nila ang laro sa fast ball play subalit nanatiling kalmado ang koponan ng Siyensa Matematika.
Hindi na pinabawi pa ng Barangay Siyensiya Matematika ang Tropang Humanista matapos gumawa ng ace play ang dalawa upang manatiling undefeated at dumeretcho sa finals “kumpiyansa lang, hindi kami tumigil hangang di namin nahabol yung iskor.” saad nina Ballesteros at Antonio.
Tropang Humanista
Dinurog ang
Barangay Sensiya at Matematika, Rain Or Shine (Sand-Abm) para Makaumang Sa
Finals ng Basketball Boys
Tropang Humanista tuloy ang depensa sa kanilang korona
Hindi pa nagtatapos ang pagdepensa ng defending champion na koponan ng Tropang Humanista sa kanilang titulo matapos ang pagmasaker sa Barangay Siyensiya at Matematika 76-41, at Rain or Shine (SANDABM), 80-37, para umabante muli sa finals ng 5v5 men’s basketball sa kasakuluyang Intramurals ng Cagayan National Highschool-SHS na nilaro sa Mamba Gymnasium.
Pinatunayan ng mga
Humanista na lamang sa bawat laban ang koponang mayroong sistema. Sa kanilang dalawang laro ngayong araw, gumamit sila ng kumakalanding 2-2-1 na depensa at mapanlinlang na mga play na naging arsenal nila para dominahin ang kanilang mga katunggali.
Unang naging biktima ng Tropahan ang mga Kabarangay sa pambungad na laro ng elimination round kung saan minanduhan nila ang buong laban gamit ang kanilang hindi matapatang bilis sa opensa at matatag na depensa para makuha ang buenamanong panalo nila ngayong taon.
Tila hindi dinalawan ng kapaguran ang Tropang
Samantala matugumpay namang tinalo nina Mabborang at Caronan ang koponan ng Rain or Shine SAND – ABM at makuha ang natitirang slot sa finals at haharaping muli ang Siyensiya Matematika, “Babawi kami.’’ ika ng dalawa.
Humanista sa kanilang ikalawang laro kontra SAND-ABM nang nanatili silang masigasig sa opensa at solid sa depensa bunsod upang muli silang umarangkada sa finals ng kompetisyon.
Magsasagupa ang Siyensiya at Matematika at koponan ng Rain or Shine (SAND-ABM) sa loser’s bracket sa susunod na linggo para sa huling slot ng finals ng Intramurals basketball competition.
Samantala sa basketball girls naman, umalagwa nang todo ang koponan ng Barangay Siyensiya at Matematika matapos ang 35-2, pagpulbos sa Tech-gas.
TROPANG HUMANISTA BRGY. SIYENSIYA
TROPANG HUMANISTA RAIN OR SHINE
Elijah CALABAZARON
Elijah CALABAZARON
Aaron DECENA
TALAAN NG ISKOR
Isang Diwa Isang Layunin
isports TAGUMPAY SA TAKBUHAN AT LUNDAGAN
Takbo, Lundag, Bilis, Athletics
Intamurals Isinagawa
Matagumpay na naidaos ang Athletics event ng Cagayan National High School - Senior High matapos ang mahabang araw ng preparasyon ng mga manlalaro ng iba’t ibang kategorya, isinagawa ito sa Cagayan Sports Complex, ika – 19 ng Septyembre.
Wagi sa long jump women’s category si Karylle Lacambra ng Barangay Siyensiya Matematika matapos magtala ng 3.55 meters sinundan siya ni Hasslet Acebedo na lumundag ng 3.54 meters habang si Mechel Padilla ang nakakuha ng 3rd place na may talon na 3.44 meters.
Samantala nakuha ng Tropang Humanista ang 1st place sa men’s category ng gumawa ng 5.10 meters na talon si Kervie Edon, kasunod nya ay ang manlalaro ng Rain or Shine SAND – ABM na may layong 5 meters ang talon habang 3rd placer naman si Jadrian Arce ng parehong koponan.
inasag ng TNT Tropang Humanista ang tyansa ng Converge Tech-GAS matapos silang talunin sa Men’s Volleyball Elimination Round ngayong Biyernes, Setyembre 19, 2025, sa Mamba Gymnasium. Sa straight sets na 25-13 at 25-18, tuluyang naalis ang Tech-GAS habang umusad naman ang Humanista patungong semi-finals kasama ang Barangay Siyensiya Matematika at Rain-or-Shine SAND-ABM.
Pinangunahan agad ng Tropang Humanista ang unang set gamit ang malalakas na spike at matitinding block na nagbigay ng maluwag na agwat sa pagitan ng dalawang koponan. Hindi nakasabay ang mas maliliit na manlalaro ng Tech-GAS sa taas at lakas ng kalaban, dahilan upang madaling makuha ang 25-13.
Sumubok bumawi ang Tech-GAS sa ikalawang set, ipinakita ang bilis at determinasyong manatiling buhay sa torneo. Ngunit sa kabila ng kanilang pagsusumikap, muling kumapit ang Tropang Humanista at tinapos ang laban sa 25-18.
sa Rain-or-Shine SAND-ABM noong una, nakuha nila ang pagkakataong makabawi.
Tuluyang naalis sa karera ang TechGAS matapos ding matalo sa Barangay Siyensiya Matematika na kanilang unang nakalaban. Para sa kanila, ito ang huling tyansang makapasok sa semis ngunit nabigo silang abutin.
Nagdiwang naman ang Tropang Humanista sa panalong ito dahil buhay ang kanilang pag-asa para sa kampeonato. Matapos matalo laban
Ipinakita ng Tropang Humanista ang kanilang abante sa height advantage, kung saan madalas na hinaharangan ang tira ng Tech-GAS.
Lumaban ng buong tapang ang Tech-GAS, nagpakita ng puso at disiplina hanggang sa huling rally. Gayunpaman, kinapos sila sa depensa at lakas upang tapatan ang agresibong atake ng Tropang Humanista.
Ashton PALOR
tumalon sa long jump
na diwa ng palakasan
mga Numero
Jelynne MICULOB
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Cagayan National High School - Senior High