Skip to main content

Collaborative Desktop Publishing - Practice

Page 1

Kuha ni Juan Dela Cruz Bagong Pag-asa.Kaugnay nito, umabot na sa 330 milyon ang halaga na kailangang bayaran ng Mt. Empress Princess.

“With proper management probably it will require 3-5 years but without proper containement it can last longer than that.” -Dr. Rodriguez

ISYU 1 BOL. 1 Opisyal na Pahayagan ng Collaborative Desktop Publishing

Born to be Wild, nanguna sa pagtulong sa mga naapektuhan ng Oil Spill JUAN DELA CRUZ

P

inangunahan ng programang Born to be Wild ang pamimigay ng relief goods sa mga residenteng naapektuhan ng oil spill sa Naujan, Oriental Mindoro noong Marso 3, 2023. Kaakibat nito, nakiisa rin sila sa coastal cleaning kasama ang Philippine Coast Guard, Philippine Army at mga mangigisda. Ayon kay Dr. Nielson Donato, host ng Born to be Wild, handa silang maglaan ng oras para tumulong sa mga naapektuhan ng oil spill maging sa paglilinis ng lugar. “Handa din ang Born to be Wild na tumulong magbigay ng relief goods, ‘di lang pang tao ang aming dinala kundi nagdala din kami ng mga relief goods para sa mga alaga nilang hayop tulad ng aso.” Sabi ni Donato. Kaakibat nito, pinaalalahan din nila ang mga tao sa lugar ukol sa mga posibleng dalang epekto ng langis sa kalusugan ng bawat isa maging ng mga hayop sa lugar.

P2 OPINYON BANTAY DAGAT

HUSTISYA PARA SA KARAGATAN

Paano masasabing pantay at patas ang lipunan kung lantarang tinatapakan ang katwiran at katotohanan. Hindi matutumbasan ng 330 milyong piso ang delubyong nilikha ng kapabayaan at kamangmangan ng pamunuan ng MT Princess Empress dahil walang anumang halaga ang maitutumbas sa buhay.

P3 LATHALAIN BAGONG PAG-ASA Kilala ang lalawigan ng Oriental Mindoro bilang isa sa bumubuo sa pinaka biodiverse na lugar hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

P4 ISPORTS SWAK SA FINALS

Singapore tinuldukan ang momento ng Pilipinas, umabante sa semis PHNOM PENH, CAMBODIA - Winakasan ng Singapore ang kampanya ng beteranong koponan ng Pilipinas sa dominanteng 3-1 panalo upang kubrahin ang unang tiket para sa semi- finals ng 32nd Southeast Asian Games men's team badminton tournament.

KATAS NA TUMATAGAS

Patuloy na pagkalat ng oil spill sa Oriental Mindoro, ikinabahala JUAN DELA CRUZ

I

kinabahala ng mga eksperto mula sa Ma-

rine Science Institute ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) ang patuloy na pagkalat ng tumagas na langis sa karagatan ng Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero 28, 2023. Mahigit apat na lalawigan na ang naitalang naapektuhan ng oil spill kabilang na ang mga isla ng Semirara, Caluya sa Antique, bayan ng Agutayo, Cuyo, Coron at Busuanga sa Palawan maging ang mga kalapit bayan ng Naujan sa Oriental Mindoro at ilang mga bayan sa Batangas. Ayon kay Dr. Irene Rodriguez mula sa Marine Science Institute ng UP maaring tumagal pa ng anim na buwan hanggang tatlong taon ang paglilinis ng tumagas na langis. “With proper management probably it will require 3-5 years but without proper contain-

ment it can last longer than that. “ Sabi ni Rodriguez. Sa kabilang banda, patuloy pa rin ang pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard at ng Bantay Dagat sa paglilinis ng tumagas na langis. Kaugnay nito, umabot na sa 330 milyon ang halaga na kailangang bayaran ng Mt. Empress Princess. Ayon sa nakapanayam ng Born to be Wild na si Bantay Dagat Ramon Palogme, patuloy silang makikipagbayanihan para sa ikakabilis ng paglilinis ng langis at mananatili silang matatag sa kung ano man ang dumating sa kanilang buhay. “Magiging matatag na lang po sa anumang pagsubok ang dumarating sa aming buhay.” Sabi ni Palogme

SA MGA NUMERO ayon sa datos

40,897 na apektadong pamilya ng oil spill

193,436 na apektadong kataong oil spill

3.8B

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa P3.8 bilyon na ang pinsalang idinulot sa kabuhayan ng mga mangingisda.

“Dating tahimik na bayan, nabulabog ng mabigat na pagsubok”- Doc Donato JUAN DELA CRUZ

A

ng dating tahimik na bayan sa Oriental Mindoro, nabulabog ng mabigat na pagsubok. Ito ang mariing sinabi ni Doc Nielson Donato, isa sa mga host ng programang ‘Born to be Wild’ kaagapay ng GMA Network na siyang nag dokumentaryo ng nangyaring oil spill accident sa Naujan, Oriental Mindoro na kinunan noong Marso 9, 2023. Pebrero 28, 2023 ng lumubog ang MT Princess Empress sa karagatan ng Naujan, Oriental Mindoro kasabay ng pagtagas ng langis na nagdulot ng malubhang epekto sa mga residenteng malapit sa lugar.

Ayon kay Donato, bukod sa mga tao, isa rin sa labis na naapektuhan ng trahedya ang mga hayop na nakatira malapit sa lugar. “Ramdam ang epekto ng oil spill maging ng mga hayop katulad na lang ng natagpuan naming ibon na ito — Red tailed tropicbird.” Sabi ni Donato. Sa kabilang banda, patuloy pa rin ang pagbibigay paalala sa mga residente sa mga dapat iwasan at gawin habang patuloy ang pagkalat ng oil spill.

Kuha ni Juan Dela Cruz Bagong Pag-asa.Kaugnay nito, umabot na sa 330 milyon ang halaga na kailangang bayaran ng Mt. Empress Princess.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Collaborative Desktop Publishing - Practice by Daniel Babanto - Issuu