Collaborative Desktop Publishing - Output

Page 1


Problema sa pagbabasa, inaksyunan LIWANAG SA DILIM

DepEd, nagsagawa ng literacy training para sa mga guro

Binigyan ng Department of Education (DepEd) ang Literacy training para sa mga guro upang matamo ng bawat isa ang kaalaman sa tamang pagtuturo at masolusyonan ang matagal nang suliranin sa pagbabasa, Calapan City.

Dinaluhan ng isang daang bahagdan ng mga guro ang nasabing programa ng Division Office of Calapan (DOC na naglalayong makakalap ng stratehiya at malaman ang tamang paraan upang mapaunlad ang pagbasa ng mga magaaral.

Ayon kay Education Program Supervisor Joey Gutierrez, kahit na anong asignatura pa ang hawak sa pagtuturo mapa-english, science, math o kahit ano pa man ay dapat na lumahok sa literacy training.

“All teachers are reading teachers,” pahayag ni Gutierrez.

Kaagapay ng higher education institution, dumalo rin ang 58 bilang ng mga guro, 49 sa elementarya at 9 sa sekondarya upang pangunahan ang pagtuturo sa mga batang hindi marunong magbasa.

Dagdag pa ni gutierrez, ang pagtuturo ng mga gurong ito ay isinasagawa tuwing sabado o libreng oras nila.

“Napakahirap ng ginagawa ng mga partners,” dagdag pa niya.

Bilang tugon sa mga problema sa pagbasa ng mga mag-aaral, inilunsad ng Department of Education (DepEd) Calapan City ang Brigada Pagbasa, Bayanihan sa Pagbasa katulong ang mga guro mula sa higher education institution.

Paliwanag ni Education Program Supervisor ng Department of Education (DepEd) Calapan City, nakipag-ugnayan sila sa mga guro ng matataas na paaralan ng Divine Word College of Calapan (DWCC), Mindoro State University (MINSU) at City College of Calapan (CCC) upang matugunan ang mga pangangailangan sa pagbasa ng mga mag-aaral.

“We will strengthen the implementation of project reader to make relevant ang effective approaches in developing empower readers,” sabi ni Gutierrez.

Bukod dito, binigyan din ng DepEd Calapan City ng training ang mga guro katulad ng reading programs upang mas mapalakas ang paglulunsad ng mga

programang isasagawa ukol sa mga suliranin ng mga mag-aaral sa pagbabasa.

Sinabi din ni Gutierrez, matapos ang dalawang taon ng pandemya, malaki ang naging epekto ng modular distance learning (MDL) sa pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral.

“After two years of pandemic, after two years of modular learning a lot of learners are struggling in reading,” sabi ni Gutierrez.

Dagdag pa niya ikinakabahala rin ng DepEd Calapan City ang mababang performance ng Pilipinas sa mga isinasagawang National Achievement Test (NAT) at Program for International Students Assessment (PISA).

Mataas na bilang ng mahinang mambabasa, ikinabahala ng DepEd

Naitala ng Department of Education (DepEd) Calapan City ang malaking bilang ng mga mag-aaral mula baitang tatlo hanggang sampu ang nahihirapan magbasa, matapos ang isinagawang reading assessments ng mga guro sa iba’t ibang paaralan ng Calapan City.

Mahigit 2628 sa 10,649 na mga mag-aaral sa elementarya, mula baitang tatlo hanggang anim ang hindi marunong magbasa, habang 193 sa 9936 na mga mag-aaral naman sa sekondarya, mula baiting pito hanggang sampo ang

Grade 3 - 664 out of 2876 (23.09%)

Grade 4 - 804out of 2305(34.88%)

Grade 5 - 669 out of 2835 (23.60%)

Grade 6 - 491 out of 2835 (18.63%)

nahihirapan unawain ang binabasa. Paliwanag ni Education Program Supervisor Joey Gutierrez ng DepEd Calapan City, bagaman wala sa kalahati ang bilang ng mga naitalang mag-aaral na nahihirapan magbasa, hindi dapat ito pabayaan bagkus ay dapat pa ring ikaalaarma.

“Literacy of learners was still a big issue, kahit 17 lang yan nararapat pa din natin itong pagtuunan ng pansin,” sabi ni Gutierrez.

Grade 7 - 91 out of 2342 (3.89%)

Grade 8 - 48 out of 2505 (1.92%)

Grade 9 - 37 out of 2634 (1.40%)

Grade 10 - 17 out of 2455 (0.19%)

Calapan City, home of empowered readers – Gutierrez

Ito ang sinabi ni Education Program Supervisor Joey Gutierrez matapos ihayag ang mga problemang kinakaharap ng Department of Education (DepEd) Calapan City ukol sa pagbabasa ng mga mag-aaral at ang mga programang ilulunsad nila upang matugunan ang suliraning ito.

Paliwanag ni Gutierrez isa sa mga adhikain ng DepEd Calapan City ay ang gawing mag aling na mambabasa ang bawat mag-aaral sa bayan.

“The goal of DepEd Calapan City is to make every learner a functional reader,” sabi ni Gutierrez.

Sinabi rin ni Gutierrez, kaakibat ng MATATAG: Bansang Makabata, Bansang Makaban sa na inilunsad ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte, ang mga programang isasagawa nila ay bubuo ng mga mag-aaral na handa sa trabaho, aktibo responsableng mamamayan.

“We will transform our learners to comprehend and be a reader to produce active, responsible and job-ready citizens,” ani Gutierrez.

Sa kabilang banda, dagdag pa ni Gutierrez na ang resulta ng mga inilunsad nilang hakbangin ay malalaman nila pagkatapos ng S.Y. 2022- 2023.

-Gutierrez

Ang Opisyal na Pahayagan ng Collaborative Publishing Filipino
Tomo 1 Isyu 1 Mayo 21, 2023
We will make Calapan City as a home of empowered readers.
Sa loob...
Balitang Tapat, Katotohana’y Sinisiwalat.

SIWALAT

Lunas o Malas

Tito Sotto

“Huwag nating kalimutan na ang lahat ng labis ay masama“

Sa mabilis na pagtakbo ng mundo subok na mabisa ang teknolohiya katunayan malaking tulong ito noong pandemya.

Dahil sa walang pagpipiliin at hindi makalabas ng tahanan isa ito sa nagtawid satin sa pag aaral at gumabay sa mga gumamit ng Modular Distance Learning at Online Class.

Hindi matatawaran ang ambag na ibinibigay ng teknolohiya sa larangan ng edukasyon hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Ayon nga kay Joey B. Gutierrez, Education Program Suervisor at Focal Person ng DepEd Calapan City noon pa man ay naka asa na tayo sa teknolohiya.

Bagamat may maraming mabuting epekto may kaakibat din itong sama at pinsala lalo na kung nagagamit sa hindi wasto at maling pamamaraan.

Sa kabuuan masasabing malayo layo na ang narating ng ating lipunan mula sa simple ngayon ay advance na. Subalit huwag nating kakalimutan na ang lahat ng labis ay masama. Subok ng lunas ang teknolohiya nasa atin na kung itoy gagawin nating malas.

LANDAS NG PAGKATUTO Magbasa din Pag may Time

Sa layuning mapaunlad ang kaalaman at pagkatuto ng bawat mag aaaral ay nilayon ng Kagawaran ng Edukasyon na makapagturo sapamamagitan ng Modular Distance Learning ito’y sa kabila na humaharap ang bansa sa pandemya. Ang kaso kasabay ng pagbabago hindi lahat nakasunod, sa halip kasi na madagdagan ang kaalaman ay mas dumami ang hindi natuto at kahit sa simpleng pagbasa ay nahihirapan.

Makalipas ang halos dawang taong pakikipagbuno sa alon ng mga hadlang ng pandemya ay muling nagbabalik ang tradisyunal na pagtuturo, ang face-to-face. Subalit kasabay din nyan ang pagbabalik ng kalbaryo ng mga guro sa bansa lumalabas kasi na madaming mag aaral sa elementarya at sekondarya ang hanggang ngayon ay hindi pa din marunong bumasa at mahina ang reading comprehension.

Lumabas sa isanagawang assessment ng Calapan na sa pagsisimula pa lang ng taong panuruan

MAPANURING MATA

Lunasan ang

Kamangmangan

Sotto

“Hindi natin kailangang magsisihan ang kailangan natin ay lunasan ang kamangmangan“

Matagal ng usapin ang suliranin sa Edukasyon ibat ibang hakbang na din ang isinagawa subalit tila palala at walang pagbabago. Sa patuloy na pagbaba ng kalidad ng literasiya sa bansa sino ang dapat sisihin at managot ? nasaan ang problema nasa tinuturuan o sa nagtuturo?

sa lungsod ay mayroong 664 na mag aaral sa kabuuang 2,876 o 23.09% mula sa ikatlong baitang ang hindi marunong magbasa. Habang mayroon pang 1,964 sa kabuuang 7,775 naman na mag aaral sa ikaapat hanggang ika anim na baitang mula sa elementarya ang hindi din kaya at nahihirapang magbasa.

Maging ang sekondarya at kahit Senior High ay hindi din nakaligtas ayon sa inilabas na datos mayroong 193 sa summa total na 9,936 na mga estudyante sa lungsod ang kaparehong kapos din sa pagunawa at pagkatuto. Ang mga bilang na ito ay labis na nakatatawag ng pansin sapagkat malaki ang magiging epekto nito sa kanilang pag aaral.

Bilang tugon inilunsad ng DepEd Division of Calapan ang Project Reader o Relevant and Effective Approaches in Developing Empower Readers upang tugunan ang suliranin ng literacy at reading comprehen sion sa lungsod. Kung magtatagumpay malaking tulong ito

sa pagpapabuti ng pagbabasa at pagkatuto ng mga Calapeno. Ayon kay Joey B. Gutierrez, Education Program Supervisor ng DepEd Calapan ang mithiin nila ay gawing functional reader ang bawat learner at magtatagumpay lang ito kung magtutulungan lahat. Sana ay huwag lang iasa ang pagkatuto sa paaralan umpisahan sa tahanan, magbasa din pag may time.

Matatandaang noong 2018 ay inilabas ng Program for International Students Assessment o PISA na 81% ng mga Filipinong lumahok sa nasabing pag aaral ang hindi masagutan ang mga simpleng katanungan sa matematika habang 78% naman sa mga kalahok ang hindi kayang umintindi ng simpleng mga tanong na lubhang nakaka alarma at nakakalungkot sapagkat alam naman nating mahusay at talentado ang mga pinoy.

Kung gayon nasaan ang problema?

Mag-aaral o guro?

Ayon sa Department of Education ( DepEd ) Division of Calapan City iba iba ang paraan ng pagkatuto kaya ibaba din ang paraan ng pagtuturo. Kinakailangang magkaroon ng kombinasyon at umadap ang bawat isa. Aminado naman ang kagawaran na dahil sa pandemya ay nahirapan ang lahat lalo na ang mga mag aaral sapagkat mahirap magturo partikular ng pagbasa ng walang interaksyon sa mga guro .Sa kabilang banda

naman hirap din ang mga guro dahil may pagkakataong nagsasakripisyo sila at hindi inaalintana ang sakit lalo na noong pandemya. Bukod dito hindi din maitatanggi na isa pang salik sa hamon ng sektor ng pag aaral ay ang kakulangan at kakapusan ng mga kagamitan, maraming paaralan sa buong bansa ang walang maayos na pasilidad at klasrom dahilan upang magsiksikan na lamang. Isang reyalidad ito na hindi biro ang kinakaharap ng ating edukasyon sa larangan ng pagpapatuto sa mga kabataan.

Sa kasalukuyan nasusuong ang bansa sa panganib ng kakulangan sa kaalaman at kahirapan sa pagpapatuto. Kinakailangang maging handa ang lahat upang mapagtagumpayan ito. Nakasalalay sa ating kamay ang kung paano tayo magtatagumpay. Maayos na ginagampanan ng DepEd ang kanilang trabaho kaya sana ganun din tayo. Hindi natin kailangang magsisihan ang kailangan natin ay lunasan ang kamangmangan.

Patnugot sa Balita: Coco Martin
Patnugot sa Lathalain: Daniel Padilla
Patnugot sa Isports: James Reid
Dibuhista: Julia Montes
Anne Curtis
Yassi Pressman

MABAGAL ngunit SWAK sa b tas

“Ang bilis mo naman, dahan dahan lang kase sabi.”

Masikip, mahirap at madulas man ang biyahe, banayad naman ang takbo ng drayber ng DepEd Calapan City. Sa kabila ng mga hamon na dumarating sa buhay, hindi maitatanggi na madaming paghihirap ang madaraanan bago pa man maabot ang rurok ng tagumpay. Kaakibat nito, ang pagtutulungan ay nararapat na isabuhay at isapuso ng bawat isa satin upang ang pangarap na minimithi ay makuha natin.

MABAGAL NA BYAHE

Ang Department of Education ng Calapan City ay naglunsad ng programa para sa mga estudyante na nahihirapan magbasa at umunawa ng kanilang binasa. Kabilang na dito ang Bayanihan sa pagbasa na kung saan marami sa mga stakeholders ang tumulong upang mapalakas ang mga estudyante sa pagbabasa.

“Katulong natin ang mga guro, magulang, community, alumni at lahat ng mga stakeholders na nagpapaabot ng suporta para sa ating programa,” sabi ni Gutierrez.

Para mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbabasa, kinakailangan ng bayanihan at tulungan ng bawat isa. Sapagkat naniniwala ang DepEd Calapan City na lahat ng mga kabataan ay marunong magbasa at umunawa ng binasa.

“Dapat ang bata marunong magbasa,” sabi ni Gutierrez.

“Reading is a foundation of all knowledge,” dagdag pa niya.

Bagaman ang resulta ay hindi pa nakikita, malinaw naman ang daan patungo sa ating patutungu-

“Calapan City shall be home of empowered readers“

Kilala ang Calapan sa lalawigan ng Mindoro hindi lamang sapagkat ito ang sentro ng lalawigan kundi dahil tahanan din ito ng mahuhusay at mga talentadong paaralan. Subalit tulad ng karamihan sa mga paaralan sa Pilipinas kasamang nahaharap din ang lungsod sa suliranin ng literasiya.

Pangarap ng lahat ng paaralan na maturuan at mapatuto ang mag bawat mag aaral at kabataan. Walang guro na naghahangad ng ikasasama ng kanyang estudyante at walang magulang na ang nais ay mapag iwanan sa karunungan ang kanyang anak. Ito ang dahilan kung bakit marubdob ang hangarin ng Departamento ng Edukasyon lalo na ang Dibisyon ng Calapan na makapag bigay ng dekalidad na edukasyong libre para sa lahat.

Kaya naman bilang pag mamahal at pag mamalasakit una sa mga mag aaral at trabaho sinisikap nilang solusyunan ang mga hamon ng kahirapan sa edukasyon. Sa pangunguna ni Joey B. Gutierrez ang Education Program Supervisor ng DepEd Calapan City naglunsad sila ng ibat ibang programa at proyekto upang patatagin at labanan ang nakababahalang kakulangan sa pagkatuto.

Unang inilunsad ang Project READER o Relevant and Effective Approaches in Developing Empowered Readers na may layuning palakasin ang reading comprehension ng lungsod. Sinanay din ng Dibisyon ang lahat ng kaguru- an sa tinatawag na science of reading habang makipag tulungan din sila sa matataas na institusyon sa lungsod kung saan magkatuwang nilang pinabasa ang 59 na paaralan kung saan 49 sa elementarya samantalang 9 naman sa sekondarya. Kilala ang mga Calapeno sa husay at galing at yan ay subok na. Kailangan lang ng sipag at galing kasama ng determinasyon. Malabay ang aming paniniwala na sa sama sama nating pagtutulungan ay maabot natin ang pangarap nating tagumpay.

Isports Lathalain

MARCIAKALAM!

Mapanuklaw na Sipa

Hagupit ng bawat tadyak at bicycles pambihirang kontrol sa bolang yantok, dagdag pa ang tibay ng loob at determinasyon sa kabila ng kapansanan. Iyan ang baon ni John Carlo Marcial sa bawat sipang makamandag na kanyang pinapakawalan at patimpalak na nilalahukan kaya kilala siya bilang magaling na player at kilalang “sakalam” o malakas sa kanilang paaralan.

Ang sepak takraw ay naendorso sa SEAG noong 1965 na maituturing na isa sa pinakamahirap na larong pampalakasan dahil tanging dibdib, ulo, tuhod, at paa lamang ang maaaring gamitin upang maitawid ang bolang yantok.

Marami ang hindi ipinagpatuloy ang paglalaro ng sepak ngunit mayroon ding mga hinasa ang talento at minahal ang laro tulad na lamang ni Marcial na sa kabila ng kapansanan ay hindi nahiyang makihalibulo sa kagrupo at magpasikat sa laro.

Si John Carlo Marcial ay ipinanganak na may cleft palate o bingot. Labing apat na taong gulang siya nang magsimulang sanayin ang sarili sa laro at nag uwi ng ginto sa kompetisyon sa Victoria at pilak naman sa kakatapos lang na City Meet.Natagpuan niya ang saya sa laro at mas pinagbubuti pa ang pag-eensayo para sa mga patimpalak sa hinaharap.

Hindi naging madali ang daang tinahak ni Marcial bago makilala sa laro, naranasan na niyang tuksuhin at maliitin ng ibang tao ngunit tanging talento lamang niya ang kaniyang naging sagot sa lahat ng ito.

Ating tularan ang positibong katangiang nasalamin kay Marcial upang umangat sa kabila ng bawat pagsubok, huwag ituring na hadlang ang kapansanan, maging matatag sa lahat ng oras dahil magbubunga rin ang lahat ng ito sa tamang panahon at babansagan din tayong SAKALAM.

Isports Balita

Siu!

Sumandal ang Team B sa impresibong laro ni Jianne Jeiron Tan na nagpakawala ng mabibigat rollspikes at makamandag na bicycles upang maiposte ang dominanteng 2-0 panalo kontra Team A sa Sepak Takraw men’s exhibition match.

Walang sinayang na sandali ang striker na si Tan kabalikat ang star tekong na King Ivan Famini mat-

apos magpamalas ng solidong opensa at koneksiyon upang sikwatin ang panalo sa best-of-3 game, 21-16, 21-18 sa OMNHS gymnasium kanina.

“Hindi naging madali ang laban ngunit inapply ko lang ang mga tinurong strategy sa akin ng aming coach tulad na lamang ng pagpapakawala ng bicycles sa tuwing libre at maganda ang puwesto” wika ni Tan.

Hindi naging maganda ang laro ng magkabilang koponan sa unang set ng laro matapos magbitaw ng walang humpay na service errors at spikes ngunit biglang nag-init si Tan at nagpakawala ng rumaragasang bicycles upang kumonekta ang koponan ng 6-0 run paglista sa 10-5 marka, sa loob ng 5 minuto ng ikalawang set.

Hindi naman nagpahuli ang team A sa pamumuno nina striker Von Paolo Abelgas at tekong John Carlo Marcial matapos pagtibayin ang depensa upang tapyasin ang limang bentahe ng katunggali at ungusan ang karibal sa iskor na 12-11.

Muling nagpatuloy ang dominasyong ng team B sa laro at nagawang ideklara ang pagkapanalo (2118) dahil sa sandamakmak na errors na pinakawalan ng katunggali.

“Aminado ako na kinulang kami sa depensa at kontrol sa bolang yantok kaya mas pagbubutihin pa namin ang pag-eensayo” saad ni Marcial.

Sa pagtatapos ng exhibition match ay nanatiling magkakatropa ang magkabilang koponan at naipamalas ang sportmanship sa laro.

ISTRAYKER

ALERTODO

“Sa pasilidad na hindi kalidad, isagad ang pag-iingat“

Samu’t saring pangyayari ang naganap sa kakatapos pa lang na exhibition match,tila maayos ang lagay nila base sa ating nasaksihan ngunit wala tayong kaalam-alam na lubos na pag-iingat ang kanilang ginawa at sinagad ang alerto dahil sa hindi maayos na pasilidad na naging hadlang sa laban.

Base sa panayam sa mga manlalaro hindi masisigurong ligtas ang paglalaro sa gymnasium dahil bukod sa hindi naman talaga ito nakalaan para sa larong sepak takraw ay mararamdaman din ang matinding init dagdag pa ang magabok na sahig na maaaring maging sanhi ng pelibro Ayon sa panayam kay Von Paolo Abelgas ,nabanggit niya na bagaman ay may silong, nanatili ang init na nagdulot ng pagpapawis ng mga manlalaro maging ang mga manonood na nagpadulas sa sahig ng sobra kaya mas nag-ingat ang bawat atleta.

Mapapaisip na lang tayo bakit naisipang magpalaro ng sepak sa madulas at mabanas na pasilidad.Alam naman nating paa ang pinakagamit sa paglalaro nito at sa maling galaw lamang ay maaaring matumba.Buti na lamang at walang napinsala sa naganap na laro dahil sa pag-iingat ng bawat atleta.

Hindi porket walang naganap na aksidente ay dapat nang ipagsawalang bahala,kung wala sanang pagpipilian dahil sa mga pisikal at natural na hadlang ay huwag na lang sanang ipagpilitang ganapin ang patimpalak sa hindi naman dapat nito pagganapan.Buti na lang maingat at ALERTODO ang bawat manlalaro, kahit na medyo alanganin ay nagawang tapusin ang nasimulang gawain.

Sigasig ang Puhunan. Sa kabila ng kapansanan nagawang lumaban ni Marcial at ipamalas ang galing sa pag sipa.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Collaborative Desktop Publishing - Output by Daniel Babanto - Issuu