Skip to main content

Ang Marahuyo Tomo 3

Page 1

ang

marahuyo magpabatid at magpamulat

TOMO 3. BILANG 1 OPISYAL NA PAYAHAGANG PAMPAARALAN NG MABABANG PAARALAN NG CARUSIPAN PEBRERO 2024 - ENERO 2025

HINDI ZOO ANG PAARALAN Pagpapastol ng mga hayop sa paaralan, inirereklamo

NI JESSALYN JOYCE CARLA TAJARDON

Bilang suporta sa edukasyon ng mga batang Carusipenyo, nakatanggap ang paaralan ng dalawang kahong donasyon ng mga libro mula kay Fely Pula ng Waipahu, Hawaii.

/sundan sa P2

Pagkakataon ng Kinabukasan

Inirereklamo ng pamunuan ng Carusipan Elementary School ang matagal nang problemang patuloy na pagpapastol ng mga hayop sa loob ng paaralan. Ilang magulang at guro ang nagulat na may mga baka, kalabaw, at kambing na pakalat-kalat sa bakuran ng paaralan kapag walang pasok o tapos na ang klase. Ayon kay Genius Asper, school property custodian, “Lubos kaming nababahala sa kaligtasan ng aming mga mag-aaral. Ang mga hayop na ito ay maaaring magdulot ng aksidente at makasira sa mga pasilidad ng paaralan.” Dagdag pa ni Asper, ang pagpapastol ng mga hayop sa loob ng paaralan ay hindi lamang nagdudulot ng pisikal na panganib kundi pati na rin ng kalinisan. “Ang mga dumi ng hayop ay nagiging sanhi ng masangsang na amoy at maaaring magdala ng sakit,” aniya. Sa kabila ng mga paalala at babala, patuloy pa rin ang ilang residente

EDITORYAL

sa pagpapastol ng kanilang mga hayop sa loob ng paaralan. “Bibigyan natin ng agarang aksyon ang isyung ito sapagkat isang malaking insulto ito para sa akin na gawing bahaypastulan ang lugar kung saan umiigib ng karunungan ang mga bata,” pahayag ni Jimmy Pablico, punong barangay ng Carusipan. Dahil dito, napagdesisyunan ng pamunuan na makipag-ugnayan sa barangay upang magpatupad ng mas mahigpit na regulasyon at parusa sa mga lalabag. “Umaasa kami na sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa barangay, matutugunan namin ang problemang ito at mapapanatili ang kaligtasan at kalinisan ng aming paaralan,” pagtatapos ni Asper. Ayon sa DepEd Memo No. 73, s. 2006, isang layunin ng Child-Friendly School System ang lumikha ng isang ligtas at malusog na kapaligiran para sa mga mag-aaral.

9 10 OUT OF

2 kahong libro mula Hawaii, handog sa mga batang Carusipenyo

GRAPI-KAALAMAN

NI LHANDER JAFET VALENCIA

NI DIVINE XIANNE SAUNIL

PAG-ASA SA PAGBASA

I-SCAN,I-LIKE AT I-FOLLOW PARA SA PINAKABAGONG BALITA

Sa Pilipinas, halos 9 sa 10 estudyante ng Grade 5 ay hindi makabasa at makaunawa ng isang simpleng kwento.

Pinagmulan: Southeast Asia Primary Learning Metrics

PAHINA 5

Viral Sensation

PANGANIB SA KALIGTASAN. Si John Alfjay Garcia, guro, habang inililipat ang isang bakang nakatali sa mismong bakuran ng paaralan. LARAWAN NI RBALASAN

LATHALAIN PAHINA 12

Kahirapan sa Edukasyon AGTEK PAHINA 14

BIDA ANG SINING. Ipinamalas ng mga mag-aaral ng Carusipan ang kanilang talento sa sining sa pagdiriwang ng National Arts Month, na naglalayong palakasin ang kanilang kumpiyansa at pagpapahalaga sa sining, Peb. 29. LARAWAN NI RBALASAN

OBRA’T TALENTO

Obrang Carusipenyo, bida sa National Arts Month Nagkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral ng Carusipan Elementary School na ipakita ang kanilang husay sa sining sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad na isinagawa sa pagdiriwang ng National Arts Month noong Pebrero 29.

Lumahok ang mga mag-aaral sa mga aktibiti na nagbigay-daan upang maipamalas nila ang kanilang mga obra’t talento sa pagpipinta at pagguhit. Ayon kay Melody Guerzon, Project Development Officer I, ang mga gawaing ito ay naglalayong palakasin ang

kanilang kumpiyansa at hikayatin ang mas malalim na pagpapahalaga sa sining. “Isang mahalagang pagdiriwang ang National Arts Month upang bigyan ng pansin ang kahalagahan ng sining sa edukasyon at sa paghubog ng kabataan. Natutuwa ako na makita

NI PRINCESS CHLEO BATINGEG

ang dedikasyon at talento ng ating mga mag-aaral,” dagdag ni Guerzon. ‘Ani ng Sining Bayang Malikhain’ ang naging tema ng pagdiriwang sa taong ito na nagpakita naman ng suporta ang paaralan sa pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan ng mga batang Carusipenyo sa larangan ng sining.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook