mannalon tagapaghatid ng makabuluhang balita
Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Bukig National Agricultural and Technical School Sangay ng Cagayan| Rehiyon Dos
Tomo 2| Bilang 1 Agosto 2023- Abril 2024
“
Nabayag nga problemamin ti danum idtoy barangay mi, datoy nga kinabaket ko mabannugak payen nga magnan ti adayu makasakdu lang iti danum nga usaren mi. (Matagal na naming suliranin dito sa aming barangay, sa tanda kong ito ay pagod na din akong maglakad ng malayo makapag-igib lamang ng tubig.)
-Rebecca Mabbun, 68, residente ng Brgy. Bisagu
sa mga numero...
MGA APEKTADONG RESIDENTE NG BRGY. SANJA AT BISAGU
Deejay Espinosa
SALIN NG BUHAY. Matiyagang nagsasalok ng tubig mula sa hinukay na maliit na balon si Rebecca Mabbun, edad 68 mula sa Bisagu, Aparri, Cagayan. Bagaman sa kanyang katandaan, tinitiis ni Mabbun ang pagsasalok ng tubig sa nasabing balon halos isang kilometro ang layo mula sa kanilang bahay. Ayon sa kanya, nasanay na siya na gawin ito tuwing umaga dahil sa kawalan ng suplay ng tubig at ibang katuwang sa kanila.
‘No License, Registration, No Entry’ aprubado na;
ilang magaaral, magulang umalma Angel Bianca Tarampi
Inaprubahan na ng School ParentTeacher Association (SPTA) at School Governance Council (SGC) ang Resolution No. 001 s. 2024 nitong ika-5 ng Enero ang pagbabawal sa paggamit ng motorsiklong hindi rehistrado at lisensyado sa loob ng paaralan. Layunin ng resolusyon na protektahan at siguraduhin ang kaligtasan ng bawat magaaral sa anumang insidente na may kaugnayan sa paggamit ng motorsiklo. Matatandaang nitong mga nakaraang buwan ay sunod-sunod ang disgrasya sa loob at labas na paaralan sangkot ang mga estudyanteng nagmomotorsiklo. Kadalasan ang mga ito ay walang lisensya o hindi rehistrado ang motor. Ayon kay Jack Jock B. Rigonan, SGC Elected Co-Chairperson, nabuo ang resolusyon dahil sa panawagan ng mga magulang sa paaralan na tugunan ang mga nangyayaring aksidente sa loob at labas ng paaralan. sundan sa pahina 3
KABALINTUNAAN Suplay ng tubig daing ng mga residente ng brgy. Sanja, Bisagu
‘Ilang dekada na naming problema ang suplay ng tubig sa aming lugar, sa tanda kong ito kinakailangan ko pang mag-igib ng napakalayo magkaroon lang ng tubig.’ Ito ang daing ni Lola Rebecca Mabbun, 68, residente ng barangay Bisagu na walang maayos na access sa suplay ng tubig, na nagpapahirap sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay.
kanilang lugar lalo sa kasagsagan ng tag-init.
Sa ating bansa, kamakailan lang ay inihayag ng National Water Resource Board ( NWRB) na umabot sa 11 milyong pamilyang Pinoy ang kulang sa access ng suplay ng malinis na tubig kaya’t umaasa na lamang ang mga ito sa “unprotected deep wells, bukal, ilog, lawa at tubig ulan para may magamit sa pang-araw-araw na buhay.
“Mayroon namang balon na pangunahing pinagkukunan ng tubig ngunit hindi pa rin gaanong malinis at malinaw” pahayag ni CJ Mabbun, residente at mag-aaral sa Grade 10.
Ito ang kalbaryong hinaharap tauntaon ng mga residente ng Barangay Sanja sa Aparri, Cagayan partikular sa Miyembro ng LGBTQ+ pinayagang magcrossdress sa JS Prom balita, p7
Paliwanag ng mga residente kung saan-saan kumuha ng tubig na panginumin, panluto, panligo sa pang-araw araw.
Sa isang panayam na isinagawa ng Mannalon staff napag-alaman na kung saan-saan kumukuha ng tubig na panginom, panluto at panligo sa pang-arawaraw ang mga residente. Ayon kay Remalyn Leste, guro at
GINTONG TUBIG editoryal, p8
residente ng Sanja, bumibili sila ng tubig para sa kanilang lutuin, panghugas ng mga pinggan at pati na rin panligo sa halagang 10 peso kada gallon. “Wala kaming choice kundi ang bumili lalo na’t ang hirap gumalaw at magtrabaho sa loob ng bahay kung walang tubig” saad ni Leste. “Bata palang ako problema na talaga sa lugar namin ang maayos na access sa malinis na tubig, hindi naman pwedeng magpatayo ng poso dahil malapit nga kami sa ilog” dagdag niya. Inihayag din ng ilang residente na imbes ng bumili tubig, ang ilan sa kanila ay sa ilog na lang naliligo, naglalaba at naghuhugas ng pinggan at minsan nagbabawas. sundan sa pahina 3
MGA KWENTO SA DAAN
SI INIT AT SI INDEX
lathalain, p12
agtek, p16