Skip to main content

WITHIN GOOD AND BAD (2022) ni Pareng Cuervo

Page 1


WITHINGOODANDBAD(2022)niParengCuervo

IsangPagsusurisaLikhang-SiningmulasaHeograpikalatPangkalikasangTanawpara sakursongHUM170.

WITHINGOODANDBAD(2022)niParengCuervo

BenedictMegriñoCauilan

Siper ang isang lalaking nakasuot ng maong na pantalon, itim na pang-itaas, itim na sumbrero, at Old Skool Vans habang naglalaro ng iskeytbord na siyang magbubukas ng teaser film na pinamagatang WITHIN GOOD AND BAD. Sa mga susunod na segundo, magtatangka ang lalaking lumapag matapos ang isang treflip, ngunit babagal ang rolyo ng pelikula at makikita ang pagbagsak niya. SaktosapitikngkaniyangpagkahulogangbitawngawitingCanICallYouRoseng Thee Sacred Souls Matapos ay hahabulin ng lente ang iskeytbord na dramatikong nagpapatuloy sa pag-andar gamit ang sarili nitong mga gulong, at isisilang ang tekstonghumihiyawnaitoaypelikulaniCuervodelCorro.

Para sa kanilang naglalaro, ang iskeyting ay isang ritwal ng pagpapahayag, pagtakas, at pakikibagay—paraan ng pag-ukit sa espasyo kung saan walang nakatakdangumiral(Bosanoetal,2026) Kahitgaanopakapopularangpopularna kultura,kurotngbahaginitoayhindimakamasa.Kayasilanghindinakikitaangsarili sa mga pigurang pilit na ikinakahon at ibinibenta ng midya ay lumilikha ng sariling subkultura. Nakasentro ang maikling pelikulang WITHIN GOOD AND BAD sa oras ng paglalaro ng mga iskeyter. Dito, masasaksihan kung paano nila inilalatag ang kalsada bilang kanilang palaruan. Ang mga konkretong limot ang kanilang silbi sa oras ng kawalan ng yapak ng paa at paggulong ng goma ay nagkakaroon ng bagong identidad. SaMandaluyongangtagpuanngkanilangsubkultura.Ngunit hindiangMandaluyongnakilalangmganegosyante,turista,atmanginginom.Sa masisikip na eskinita, sa mga establisyimentong hindi kilala, at sa mga ipinagbabawal na espasyo ay gabi-gabing iniluluwal ang kanilang ritwal. Mayroong bahagi ng maikling pelikula mismo kung saan maririnig ang pagsita ng awtoridad sa kanila Ititigil nila ang kanilang ginagawa, at kapag humupa na ang pagsasabi,aymagpapatuloymulisilaokayanamanhahanapngibanglugar.

Bakit ganito ang kanilang sining? Sumisibol sa kitid ng mga konktreto at higpit ng mga pagbabawal.Dahilwalanamangpondonginilalaanparasamgaskatepark,o sabihin na nating sa parke mismo, nagtitiis ang mga manlalaro sa bakal na hawakan o mga hagdan ng mga gusaling hindi nakalaan para sa kanilang aktibidad. Nariyan pang ang limitado nilang espasyo, gaya ng ilang mga half pipe atDIYskatepark,atnitolamang,angManilaSkateParkayginiba. AningChange.org

angpagburasakulturalatkomunalnaespasyosanapakarahasnapamamaraan ay hindi lamang nakababahala, ito rin ay nakalulungkot lalo sa marami na itinuturing itong tahanan (Versailles, 2025) Nililikha nila ang kanilang mundo mula sa kawalan, dahil ang kasalukuyang mundo ay nagsisilbi lamang para sa mga mayroon. Ang Mandaluyong, at ang mga karatig siyudad nito, ay mistulang gulugodngmgapribadongnegosyongitinayongmgadayuhanatpambansang burgesya, kung saan tinitignang parasitiko ang mayorya. Sa mga manlalaro, delingkuwenteangbansagsakanila.

Saelitistangsipat,angkanilangsiningaymadungis,delikado,atkungminsanpaay "pang-adik". Sakit sa mata sa siyudad na isinasailalim sa byutipikasyon. Ngunit noongnagwagisiMargielynDidalsa2020SummerOlympics,isangmanlalaromula Cebu, lumakas ang panawagan para sa pagbuo ng naaayong pasilidad para sa laro. Mas namulat din ang isipan ng mga tao upang kilalanin ito bilang lehitimong aktibidad–bilang isang laro, espasyo, kultura, at sining Bukod sa makatutulong ito sa pag-iwas ng mga kabataan sa gulo, ito rin ay magsusulong sa kalusugan at magbibigay pagkakataon sa mga kabataan na maging mahusay sa bagong laro na siyang kinagigiliwan ng buong mundo (Ganza, 2018). Dito ay makikita natin ang esensya kung bakit nararapat bigyang-pansin ang mga subkultura. Kahit anong pangmamaliitopangmamata,kahitanongpanunuwayopaninita,itoaynagmula sa bahagi ng mayorya Ang heograpiya at kapaligiran ng siyudad ng mga manlalaro, sa pagkakataong ito ay metapisikal na sagisag ng pagpupumilit ng isangsubkulturanamagkaroonngsarilingespasyo.

Sanggunian

Bosano,Mika,AngelaMagsino,andTerrenceReyes “CarvingSpacesin

Concrete: The Art of Skaters’ Tenacity in the Metropolis.” The LaSallian, 25 Jan. 2026, thelasallian.com/2026/01/25/carving-spaces-in-concrete-the-art-of-skaterstenacity-in-the-metropolis/.

cbholganza.“SkateboardinginthePhilippines.”ColorMyWorld,28Apr.2018. cbholganzacom/2018/04/28/skateboarding-in-the-philippines/

CuervodelCorro.“[WITHINGOODANDBAD(TEASERFILM)]."Facebook, posted by Cuervo del Corro, 25 Jul 2022, https://web.facebook.com/cuervo.del.corro/videos/614249896676010/? rdc=1& rdr#

Versailles,Sai.“ManilaSkateParkDemolitionSparksOutrageAmongSkate Community.” Rolling Stone Philippines, 10 Jan. 2025, rollingstonephilippines.com/culture/sports/manila-skate-park-demolitionoutrage-skate-community/.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
WITHIN GOOD AND BAD (2022) ni Pareng Cuervo by BENEDICT MEGRIÑO - Issuu